Zithea (Published under Indie...

By blue_maiden

2.2M 117K 36.8K

POLARIS BOOK 2 Akala ni Xiang Serenity ay tapos na ang lahat simula nang matalo nila ang hari ng kasamaan ngu... More

Pagpapakilala
Simula
Kabanata 1: Bagong tahanan
Kabanata 2: Anino sa gabi
Kabanata 3: Katotohanan
Kabanata 4: Hando
Kabanata 5: Muling Pagkikita
Kabanata 6: Manggagamot
Kabanata 7: Reyna Weiming
Kabanata 8: Ang pagbabalik mundo
Kabanata 9: Misteryo
Kabanata 10: Paghihinala
Kabanata 11: Pag-amin
Kabanata 12: Pagseselos
Kabanata 13: Natatangi
Kabanata 14: Kaibigan
Kabanata 15: Chaun
Kabanata 16: Isipiya
Kabanata 17: Punong Doktor
Kabanata 18: Kasunduan
Kabanata 19: Ugnayan
Kabanata 20: Hari ng Lobo
Kabanata 21: Earth
Kabanata 22: Bundok ng Deri
Kabanata 23: Halik
Kabanata 24: Yuppa
Kabanata 25: Bundok ng Zeryu
Kabanata 26: Pag-amin
Kabanata 27: Halik
Kabanata 28: Pagbalik
Kabanata 29: Pagbagsak
Kabanata 30: Hari ng Soka
Kabanata 31: Paghihiganti
Kabanata 32: Naulilang Ama
Kabanata 34: Pagsakop
Kabanata 35: Heneral Baxia
Kabanata 36: Koronasyon
Kabanata 37: Pamamaalam
Kabanata 38: Huling pagkikita
Katapusan

Kabanata 33: Pagbaba sa Trono

40K 2.5K 667
By blue_maiden


SIYA nga ang nagbigay ng mga baril at iba pang gamit na galing sa Earth. Akala ko ay aalisin lang nila sa trono si Scion pero hindi, balak din nilang sakupin ang buong Hando.

Ano kaya ang binabalak ni Jun sa mundo na 'to? Maliban sa pagpatay sa amin ni Scion, meron pa siyang ibang gustong makuha.

"Balita ko ay napababa na sa kanyang pwesto ang Emperador," sambit ni Jun habang nakatingin sa akin. Dahan-dahan siyang lumalapit. "Pati ang pagiging Hari ng Hando ay naalis na sa kanya."

Nakaramdam ako ang kalungkutan. Naiisip ko kung anong nararamdaman ngayon ni Scion. Kamusta kaya siya? Kung hindi na siya ang hari, saan na siga namamalagi ngayon?

Ang isa ko pang tanong ay sino ang pumalit sa kanya?

"Ang noon pa man na dapat magiging hari, na si Chaun, ang pumalit sa kanya."

Si Chaun? Mula sa pagiging traydor ay naging hari na siya agad? Paano nangyari 'yon?

"Hindi na natin siya kaanib kaya wala tayong tulong na mapapala sa kanya," sambit ni Rushin. "Itutuloy natin ang plano pero may bago akong utos."

Siya nga ang tinutukoy ni Chaun na hari ng mga lobo. Siya ang nag-utos para maging ispiya. Kaya pala ayaw niya akong lumapit noon sa kalungan na iyon, dahil ayaw niyang mabuking ang mga plano niya.

"Anong bagong utos?"

Hindi makalapit sa akin si Jun dahil sa mga lobo ni Rushin na nakapalibot sa amin. Dama ko na gusto niyang akong lapitan at saktan.

"H'wag niyong saktan si Scion dahil ako na ang bahala sa kanya."

Sumama ang tingin ni Jun at napataas ang kanyang kanang kilay. Hindi ito ang gusto niya.

"Mahal na Hari, hindi iyan ang kasunduan natin."

Lumapit na siya nang tuluyan sa amin. Itinulak niya ang mga lobo na lumapit sa kanya.

Matulis ang mga tingin niya. Mukhang desidido na talaga siyang gumantin kay Scion.

"Ang usapan natin, sa akin si Serenity at si Scion," diin niya. "Iyo na ang mga kaharian na 'to, basta ibigay mo sa akin ang gusto ko."

Ginawa niya ang lahat ng 'to, para lang makagantin sa amin ni Scion? Kilala ko siya kaya hindi ako naniniwala na kaming dalawa lang ang pakay niya. May plano pa siya na kahit kay Rushin ay hindi niya sinasabi.

Pero paano na ngayon na magkasalungat na sila ng tinuturing niyang kakampi?

"Tandaan mo, nandito ka sa mundo namin, kaya matuto kang lumugar. Isa pa, ako pa rin ang Hari at ako ang masusunod."

Hindi nagpapatalo si Rushin. Habang tumatagal ay napapaniwala na niya ako na po-protektahan niya ako, pero kailangan ko pa rin mag-ingat.

Tanging si Scion lang ang mapagkakatiwalaan ko sa ngayon pero sa nangyari sa kanya, hindi niya rin ako matutulungan.

Hindi nakapagsalita si Jun.

Alam kong hindi siya magpapatalo. Hindi niya hahayaan ang kahit na sino na sirain ang plano niya. Sa nangyari, dalawang taon na ang nakakalipas, kahit papaano ay kilala ko na siya.

Hindi nga niya naisip ang kapakanan ng sarili niyang anak, paano pa ang ibang tao.

"Masusunod, kamahalan."

Kumunot ang noon. Hindi siya 'yong tipo na basta na lang susunod.

May binabalak siya at sigurado akong mas masama pa sa una niyang binalak.

"Maari ka nang umalis," tinuro ni Rushin ang pintuan kasabay ng pagtayo ng mga nakaupong lobo. "Mamaya ay handa na ako para sa pagpupulong."

Ngumiti lang si Jun at sinunod niya si Rushin. Lumabas siya ng silid na walang angal. Hindi karakter ng totoong Jun.

Tinignan ko si Rushin, malayo ang kanyang tingin sa labas.

"Handa ka na bang makita muli si Scion?"

"Nando'n siya sa pagpupulong siya?"

"Oo dahil kahit si Chaun na ang bagong hari ng Hando, siya pa rin ang Emperador kaya siya lang ang may karapatan na hawakan ang puno ng sequioa. Kailangan niyang ibigay sa akin iyon dahil simula ngayon ako na ang mag mamay-ari nito."

Natigilan ako at bigla kong naisip ang puno ng sequioa. Hindi pa alam ng ibang nasyon na wala na ang dalawang dahon ng puno.

Kinain ni Scion ang isang dahon at ang isa naman ay kinain ng kanyang ama. Kung ipapasa na kay Rushin ang puno ay malalaman na ng ibang nasyon ang sikreto.

"Malalaman ng iba na kulang na ang mga dahon at maaring mapahamak si Scion. Ang pangako mo ay walang mangyayari sa kanya."

"Alam mo, nasasaktan na ako sa tuwing inaalala mo pa rin siya pero iniintindi kita, Jia. Hindi naman talaga madaling diktahan ang puso dahil sinubukan ko na 'yon gawin sa'yo pero hindi umubra."

Hindi na mawawala ang pag-aalala ko para kay Scion. Parte na siya ng buhay ko na kailanman ay hindi na mawawala.

"Maghanda ka na, aalis na tayo pagkatapos ng isang oras."

Iniwan niya ako kasama ang mga alaga niyang lobo. Hindi ko pa rin kakayanin tumakas dahil sa kanila at isa pa, masisira ang usapan namin ni Rushin. Kung totoo ang nararamdaman niya para sa akin ay susundin niya ang pinag-usapan namin.

Bago pa man ako maghanda ay sinubukan kong hanapin ang libro ng Orion sa silid ni Rushin. Ito na lang ang tanging pag-asa para mabago ko pa ang mga pangyayari.

Para mailigtas ko pa si Scion at ang mundo na 'to.

Pinagalaw ko ang mga ahas para mag-obserba sa palasyo habang naghahanda ako at naghahanap.

Hinalughog ko na ang bawat tukador na nakita ko pero walang baka ng libro. Hinanda ko na lang muna ang sarili ko para sa pagpupulong.

Nagsalita ang mga ahas sa isip ko at nakita nila ang napakaraming sundalo na nanghahanda kasabay ng pagpunta namin sa Hando.

Bumukas ang pinto at pumasok si Dria, "Kapag natapos na ang lahat ng problema, sisiguraduhin ko na mawawala ka na sa landas namin ni Rushin."

Matalim ang mga tingin niya at pulang-pula ang mukha niya. Mukhang gustong-gusto na talaga niya akong patayin pero hindi niya pa magawa dahil kay Rushin.

"Sumunod ka sa akin, aalis na tayo."

Huminga ako nang malalim bago ako sumama sa kanya. Hindi lang si Jun ang dapat kong bantayan na maaring pumatay sa akin, dapat ko rin protektahan ang sarili ko sa babaeng 'to dahil maari niya akong saksakin na lang bigla sa likod.

Nakahanda na silang lahat, kasama si Jun.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin ang binabalak niya pero pakiramdam ko ay may balak siya sa mundong 'to.

"Pagkatalaga sa ating Haring Rushin bilang isang emperador ay sasakupin na natin nag Hando. Papasok isa-isa ang mga sundalo at ang malalaki nating sandata na galing Earth!" Sigaw ng kapitan.

Tinignan ko si Rushin pero wala akong mabasang emosyon sa kanya, hindi katulad sa kanyang ina at kay Jun na abot buwan ang ngiti.

Kung maari ko lang sana sabihin kay Scion ang binabalak ng Soka ngayon, maaring magawan pa niya ng paraan ang pagsakop na magaganap.

Isa-isa kaming sumakay sa malalaking karwahe. Nakita ko sa maliit na bintana ang ibang karwahe na may laman na mga sundalo. Sa dami nila ay sigurado akong hindi kakayanin ng mga sundalo sa Hando ang mga ito.

Ngayon pa lang ay nakikita ko na ang pagbagsak ng Hando. Kung nasa akin lang sana ang libro ng Orion ngayon, nagawan ko na nang paraan ang lahat.

"H'wag kang mag-alala, tutuparin ko ang pangako ko," bulong ni Rushin. "Hindi masasaktan si Scion, basta h'wag siyang lumaban sa amin."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Malinaw ang usapan namin na kahit anong mangyari ay hindi masasaktan si Scion pero ngayon may sinasabi na siyang kundisyon.

"Lalaban at lalaban siya dahil kahit hindi na siya ang Hari ay nasyon pa rin niya ang Hando!"

Dalawa lang kami ni Rushin sa karwahe kaya malaya akong nakakapagsalita tungkol kay Scion.

"Kaya hahayaan kitang lapitan siya para sabihin na h'wag na siyang gumawa ng ikakapahamak niya."

Huminto ako, pinigilan ko ang galit ko. Hindi ako makakapag-isip ng tama kung umiiral ang emosyon ko. Konti na lang ang oras na meron kami kaya dapat pag-isipan ko nang mabuti ang lahat.

Mas mabuti na rin na makausap ko si Scion. Mababalaan ko siya laban kay Jun at sa mga posible nitong plano.

Ang kailangan na lang namin ay makita ang libro ng Orion. Kailangan kong makabalik sa Earth para itana ang lahat sa libro ng Polaris.

"Uhm... alam mo ba kung paano nakapunta sa mundo niyo si Jun?" Nagbakasakali na lang akong madudulas siya sa akin. "Hindi talaga maganda ang kutob ko sa kanya. Pakiramdam ko papatayin niya ako ano mang oras."

"Ang totoo... nabasa ko ang dyornal ni Scion kaya nalaman ko nag tungkol sa Polaris. Pumunta ako sa mundo niyo para hanapin iyon at subukan gamitin ito pero nabigo ako."

Alam niya ang tungkol sa Polaris? Paano niya nalagpasan ang kakatotohanan na hango lang sila sa istoryang ginawa ko?

"Doon ko nakilala si Jun, sinabi ko kung sino ako, na alam ko ang lahat tungkol sa inyo at sa Polaris. Doon ay inalok niya ako na makukuha ko ang trono na matagal ko nang dapat nakuha sa kondisyon na ibibigay kita at si Scion sa kanya."

Nag-init ang buong mukha ko. Biglang nagpantay ang inis ko kay Jun at sa kanya.

Sa simula pa lang pala, siya na ang may kasalanan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Kung bakit nandito si Jun at naghahasik ng lagim.

Binalak pa niyang gamitin ang Polaris.

"Sana ibinigay mo na lang ako Jun para patayin ako–"

"Jia! Hindi pa rin ba malinaw na mahal kita? Ilang plano na ang tinalikuran ko para sa'yo!"

Tumahimik ako. Hindi ko siya dapat galitin dahil baka bawiin niya ang kasunduan namin. Kailangan kong magtimpi kahit na inis na inis na ako.

Pero hindi ko talaga siya kayang mahalin.

"Pasensya na..." sambit ko.

Hinawakan niya ang kamay ko, "Alam ko nahihirapan ka ngayon pero magiging maayos din ang lahat kapag nakuha ko na ang trono. H'wag kang mag-alala, tutuparin ko ang pangako ko sa'yo, hindi masasaktan si Scion."

Sana nga, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

Nakikisakay na lang ako sa lahat ng sinasabi ni Rushin sa buong byahe namin.

Kini-kwento niya kung gaano niya kamahal ang kanyang ama at kung gaano sila kalapit sa isa't isa. Kung gaano siya nasaktan nang patayin ito at kung gaano ang naramdaman niyang galit sa tatay ni Scion.

Sa pagbanggit ng pangalan ni Heneral Baxia, naisip ko kung nasaan na siya ngayon.

Matindi rin ang interes niya sa dahon ng sequioa. Lilitaw ba siya para agawin 'yon kala Rushin? Pero kung magpapakita man siya, malamang, dadagdag lang siya sa mga kaaway namin.

Tumunog ang trumpeta, indikasyon na papasok na kami sa Hando– ang nasyon na mamaya at masasakop na ng Soka.

"Maghanda ka na, Jia."

Dumiretso kami sa palasyo. Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. Kahit anong paghahanda ko sa mangyayari ay kinakabahan pa rin ako, lalo na ang makita ko muli si Scion.

Pagbaba namin sa karwahe ay binati kami ng Punong Ministro. Malaki ang kanyang ngiti habang ang ibang ministro sa likuran niya ay nanlalaki ang mga mata at nagbubulungan.

"Maligayang pagbabalik, Mahal na Emperador."

Alam niya? Alam niyang ang dating kawal na si Rushi ay siya ring Hari ng Soka? Kasabwat din siya sa lahat ng ito?

"Handa na ba ang lahat, punong ministro?"

"Nasa loob na po ang lahat na dapat nasa pulong."

Dumiretso na si Rushin sa loob. Habang ako tinignan nang masama ang punong ministro.

"Isa kang traydor sa nasyon!" Diin ko sa pagmukukha niya. "Kaya pala una pa lang ay masama na ang kutob ko sa'yo."

"Hindi ko alam kung paano ka napasama sa bagong Emperador pero h'wag kang magmataas sa akin dahil hindi mo ako kilala. Ako–"

Bumalik si Rushin at pinutol niya ang pagsasalita nv punong ministro, "Siya ang magiging Reyna, kaya magbigay galang ka."

Gulat na gulat ang punong ministro. Halos lumuwa na ang mga mata niya.

"Pa-paumanhin po," yumuko siya sa akin na akala mo ay maamo siyang tuta. "Pumasok na po tayo sa loob."

Mabilis siyang naglakad papasok sa silid.

Hinila na ako ni Rushin sa loob. Buti na lang wala si Dria nang sabihin niyang ako ang magiging Reyna. Hindi ko rin naman gugustuhin na maging Reyna ng Hari na kagaya niya.

Mabigat ang pakiramdam pagpasok sa silid.

Iba't ibang tao ang nasa loob pero masasabi kong nandito rin ang ibang Hari ng ibang Nasyon. Ang nakaupo sa trono ni Scion ay si Chaun at katabi niya si Weiming.

Sa pagtama pa lang ng mga mata namin ni Weiming ay binigyan niya na agad ako nang matalim na tingin. Alam kong galit siya sa akin pero ngayon mas ramdam ko ang galit niya.

"Ngayon ang araw kung saan pagpupulungan ng lahat Nasyon sa kalupaan ang susunod na magiging Emperador," anunsyo ng punong ministro. "Ang botohan ay magsisimula na!"

Isa-isang nagsulat ang Siyam na Hari, kasama si Rushin sa gintong papel. Inilagay nila sa hugis dragon na plorera ang mga papel.

Pagkatapos ng limang minuto ay isa-isang nilabas ng punong ministro ang mga papel.

"Ang unang boto ay para kay... Haring Rushin ng Soka."

Ang buong boto ng walong mga Hari ay napunta kay Rushin. Tanging isa lang ang bumoto para kay Chaun, na tingin ko ay siya rin ang may nagsulat nito. Kahit papaano, naging tapat pa rin siya sa Hando.

Tumayo siya para ibigay ang kanyang upuan kay Rushin. Hindi na nakakagulat ang lahat. Planado ito simula pa lang.

Isang malaking pagkakamali ng ibang nasyon.

"Malugod kong ipinakikila ang bagong Emperado ng siyam na nasyon, si Emperador Rushin!"

Halos lahat sa silid ay masaya at nagpapalakpakan. Ang hindi nila alam, isa sa mga araw na ito, pati ang nasyon nila ay sasakupin na ng Emperador na binoto nila.

"Ngayon, tawagin natin ang dating Hari ng Hando para ibigay ang puno ng Sequioa."

Lahat ay tumingin sa pintuan na paglalabasan ni Scion.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Paglabas niya ay napansin ko agad ang pananamit niya, parang damit ng mga kawal. Mukhang ilang gabi siyang hindi nakatulog nang maayos. At ang mga mata niya, nagliliwanag ang kulay... dilaw.

Tinignan niya ang buong silid at doon nagtama ang mga mata namin.

Unti-unting pumatak ang mga luha sa mata niya. Parang dinudurog ang puso ko na makita siyang ganito.

"Xiang..." sambit niya. Binitawan niya ang puno ng Sequioa at tumakbo siya papalapit sa akin. Niyakap niya ako nang sobrang higpit. "Xiang... nandito ka na ulit."

Lahat ng tao sa silid ay nakatingin sa amin.

Tumayo si Rushin at lumapit sa amin. Agad niyang kaming ipinaglayo ni Scion.

"Lumayo ka sa aking... Reyna."

➖➖➖

Continue Reading

You'll Also Like

72.9K 2.1K 65
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
10.4M 477K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
1.9M 68.9K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...