That Frat Leader (TFL SERIES...

By daddios

263K 6.3K 561

That Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
ANNOUNCEMENT! Chos.
THAT FRAT LEADER IS MY EX (TFLIMP BOOK 2)
BOOK 2- Chapter 1
BOOK 2- Chapter 2
BOOK 2- Chapter 3
BOOK 2- Chapter 4
BOOK 2- Chapter 5
BOOK 2- Chapter 6
BOOK 2- Chapter 7
BOOK 2- Chapter 8
BOOK 2- Chapter 9
BOOK 2- Chapter 10
BOOK 2- Chapter 11
BOOK 2- Chapter 12
BOOK 2- Chapter 13
BOOK 2- Chapter 14
BOOK 2- Chapter 15
BOOK 2-Chapter 16
BOOK 2- Chapter 17
BOOK 2- Chapter 18
BOOK 2- Chapter 19
BOOK 2- Chapter 20
BOOK 2- Chapter 21
BOOK 2- Chapter 22
BOOK 2- Chapter 23
BOOK 2- Chapter 24
BOOK 2- Chapter 25
BOOK 2- Chapter 26
BOOK 2- Chapter 27
BOOK 2- Chapter 28
BOOK 2- Chapter 29
BOOK 2- Chapter 30
BOOK 2- Chapter 31
BOOK 2- Chapter 32
BOOK 2- Chapter 33
BOOK 2- Chapter 34
BOOK 2- Chapter 35
BOOK 2- Chapter 36
BOOK 2- Chapter 37
BOOK 2- Chapter 38
BOOK 2- Chapter 39
BOOK 2- Chapter 40
BOOK 2- Chapter 41
Promotional update ;)
BOOK 2- Chapter 42
BOOK 2- Chapter 43
BOOK 2- Chapter 44
BOOK 2- Chapter 45
BOOK 2- Chapter 46
BOOK 2- Chapter 47
BOOK 2- Chapter 48
BOOK 2 - Chapter 49
BOOK 2- Chapter 50
BOOK 2- Epilogue
THAT FRAT LEADER IS MY FIRST LOVE (BOOK 3)
BOOK 3- Chapter 1
BOOK 3- Chapter 2
BOOK 3- Chapter 3
BOOK 3- Chapter 4
BOOK 3- Chapter 5
BOOK 3- Chapter 6
BOOK 3- Chapter 7
BOOK 3- Chapter 8
BOOK 3- Chapter 9
BOOK 3- Chapter 10
BOOK 3- Chapter 11
BOOK 3- Chapter 12
BOOK 3- Chapter 13
BOOK 3- Chapter 14
BOOK 3- Chapter 15
BOOK 3- Chapter 16
BOOK 3- Chapter 17
BOOK 3- Chapter 18
BOOK 3- Chapter 19
BOOK 3- Chapter 20
BOOK 3- Chapter 21
BOOK 3- Chapter 22
BOOK 3- Chapter 23
BOOK 3- Chapter 24
BOOK 3- Chapter 25
BOOK 3- Chapter 26
BOOK 3- Chapter 27
BOOK 3- Chapter 28
BOOK 3- Chapter 29
BOOK 3- Chapter 30
BOOK 3- Chapter 31
BOOK 3- Chapter 32
BOOK 3- Chapter 33
BOOK 3- Chapter 34
BOOK 3- Chapter 35
BOOK 3- Chapter 36
BOOK 3- Chapter 37
BOOK 3- Chapter 38
BOOK 3 - Chapter 39
BOOK 3 - Chapter 40
BOOK 3 - Chapter 41
BOOK 3 - Chapter 42
BOOK 3 - Chapter 43
BOOK 3 - Chapter 44
BOOK 3 - Chapter 45
BOOK 3 - Chapter 46
BOOK 3 - Chapter 47
BOOK 3 - Chapter 48
BOOK 3 - Chapter 49
BOOK 3 - Chapter 50
BOOK 3 - Special Chapter
LAST

Chapter 27

2.9K 75 2
By daddios

CHAPTER 27

Hindi tumawag si ate kagabi. Busy siguro siya. Ayoko naman itext dahil gusto ko, kausap siya o kaya sa skype man lang. Paano ko ngayon sasabihin sa kanya ang tungkol samin ni Damon?

"Bhie, are you listening?" Napalingon ako sa lalaking nagda-drive.

Bhie talaga ang gusto niyang tawagan namin. Nung una, okay na ako sa mga pangalan lang pero nagpumilit siya na kailangan may tawagan kami. Bastos daw kapag wala. Hmp! Is he really a frat leader?

"Huh? Ano ulit yon?" Tanong ko.

Bumigat ang paghinga niya. "Sabi ko, baka busy lang ang ate mo. At kapag nakausap mo siya, gusto ko kasama ako."

"Ha? Kaya ko naman, e."

"Ayoko. Gusto ko tayong dalawa ang magsasabi saka gusto ko malaman kung magugustuhan ba ako ng ate mo para sayo."

Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa bag ko. 2nd day ng relationship namin. Kahapon ko lang siya sinagot pero parang wala namang pinagbago, 'yung tawagan lang siguro.

"Dam- I mean bhie, kung ako hindi ako against sa fraternities, ang ate ko super against. Ayokong masaktan ka." Sabi ko.

"I don't care, wag lang ikaw ang saktan niya. Okay?"

Tumango na lang ako. Hinalikan niya ang likod ng palad ko saka binitawan na. Nag-drive na siya papuntang school. Wala kaming practice ngayon. Hindi rin kami magkaklase sa mga subjects namin ngayon. Mamaya pa talaga ang start ng class niya pero gusto niya sabay kami. Maghihintay na lang daw siya ng oras sa tree house.

Pagkarating namin sa university, sinalubong kami ng mga frat members. Nakangiti silang lahat sakin. Aakbay din sana si Hunter pero sinamaan na siya ng tingin ni Damon. Natawa na lang ako.

"Off limits na pala si bhie ngayon," Bulong niya sa tabi ko.

Nanlaki ang mga mata ko. "P-Paano mo nalaman ang tawagan namin?"

Ngumisi siya. "Ask your bhie,"

Nilingon ko ang isang lalaki sa tabi ko. Nagkamot siya ng batok gamit ang free hand niya dahil naka-intertwine na naman ang mga kamay namin.

"I asked Hunter what are those sweet petnames."

"Ugh!" Umirap na lang ako.

Inaliw ko ang sarili ko para hindi ko muna maisip ang problema ko kay ate. Nakinig ako sa prof ko kahit na panay ang text sakin ni Damon. Pinipilit kong hindi mapangisi sa mga texts niya dahil napapansin na rin ako ni Zanea.

Gib's Bhie:

Inaantok talaga ako pero hindi ako makatulog. Iniisip kita palagi bhie.

Si Damon ang nag-change ng name niya sa phone ko. Imbes na Damon, ginawa niyang Gib's Bhie. Yung sa kanya naman, Dame's Bhie. Napanguso ako. So corny.

Me:

You're disturbing me. Nagka-klase kami.

Lilingon ako sa prof kapag hinihintay ko ang reply niya. Isa pa 'tong prof na ito na okay lang ang mag-cellphone habang nagka-klase. Dapat hindi e para hindi ako nagugulo ni Damon. Pero naisip ko, patago ko pa rin sigurong rereplyan si Damon. Jeez! Iba talaga epekto niya sakin.

Gib's Bhie:

I know that you are a two-eared listener.

Me:

You knew the types of listeners, huh?

Gib's Bhie:

Of course. I'll wait for you in the tree house. I love you, bhie. I don't want to be a destruction of your studies.

Hindi na ako nag-reply. Nakinig na ulit ako sa prof ko hanggang sa ma-dismiss na kami. Humiwalay na naman si Zanea sakin. Simula nung magka-boyfriend siya, nahihiwalay na siya sakin. Nagtatampo na nga ako pero babawi daw siya sakin. Kelan naman kaya?

Naglakad na ako papunta sa hideout nila. Papagurin pa niya akong maglakad doon. Nilabas ko ang phone ko. Itetext ko siyang sunduin na lang ako. Pero nagtext si Reige.

Reige:

Tingin ka sa likod mo.

Lumingon nga ako sa likod ko. Nakita ko siya na may dalang mga bulaklak. Lumapit siya sakin na malaki ang ngisi. Inabot niya sakin yung flowers na dala niya.

"For you," Nakangiti niyang sabi.

"Uh..." Paano ko ba sasabihin? Magkaibigan lang naman kami ni Reige, diba? Wala naman sigurong ibig sabihin ang flowers na 'to. "B-Bakit? Ahm... I mean Reige-"

"Bakit? Hindi ba pwedeng bigyan ng flowers ang kaibigan?" Putol niya sa sasabihin ko.

Napalingon ako sa mga estudyanteng tumitingin sa amin. Ano na naman kaya iniisip ng mga 'to?

"Nililigawan ba siya ni Reige?"

"Gusto niya patulan ang dalawang frat leaders?"

"Ang landi naman talaga niya."

"E diba may boyfriend na siya? Sila na ni Damon."

Napayuko ako. Ayan na naman ang mga zombies sa mga masasama nilang husga sakin. Tinitigan ko na lang ang mga bulaklak sa kamay ko. Kaso nagtaka ako nung huminto sila sa pagsasalita. Nag-angat ako ng tingin at nakitang tinitigan lang sila ni Reige ay umalis na sila. Nung bumaling na siya sakin ay ngumiti na siya.

"I'm sorry. Hindi ko alam na kayo na ni Damon. Sana maging magkaibigan pa rin tayo." Naglahad siya ng kamay.

"Hindi siya pwedeng makipagkaibigan sa mga katulad mo!"

Naramdaman ko na lang ang sarili ko sa likod ni Damon habang hawak niya ang kamay ko. Nakuha na niya ang bulaklak sa kamay ko. Tinitigan ko ang likod ni Damon. Ramdam ko rin ang presensiya ng mga frat members sa likod ko.

"Hindi ako nagpunta rito para manggulo, pare." Dinig kong sabi ni Reige.

Tinapon ni Damon ang bulaklak sa harap ni Reige. Nalaglag ang panga ko. Kitang-kita ko ang pagtitimpi sa mga mata ni Reige. Gumalaw ako at tumabi kay Damon.

"Reige, I'm sorry kung hindi ko nasabi sayo." Sabi ko.

"Hindi mo kailangan mag-sorry sa kan-" Baling sakin ni Damon na masama ang titig. Pero hindi ko siya pinansin.

"I'm sorry rin sa ugali ni Damon." Dagdag ko pa.

"Okay lang. Alis na lang ako. Nakakaistorbo yata ako sa inyo." Ani Reige.

Pilit akong ngumiti. Umalis na si Reige saka ko binalingan si Damon. Ang sama lang ng titig niya sa nawala nang si Reige.

"Hindi mo ba talaga babaguhin 'yang ugali mo kay Reige?" Sigaw ko.

"Ako pa? Siya ang nanggugulo-"

"Hindi siya nanggugulo. Wala siyang ginagawa."

"Wala?" Asik niya. "Ano 'to? Tumatanggap ka ng bulaklak kahit may boyfriend ka na?"

"Wala naman ibig sabi-" Ako naman ang pinutol niya sa pagsasalita.

"Pero sa kanya may ibig sabihin! Gusto niya tayong paghiwalayin. Hindi mo ba naiintindihan?" Bakas ang frustration sa boses niya.

"Ewan ko sayo!" Sigaw ko.

"Ewan ko rin sayo!"

Tinapakan niya ang bulaklak saka tinalikuran ako. Did he just walked out on me? Seriously? Siya pa ang magagalit?

"Nagseselos lang si Dame," Sabi ni Hunter.

"Selos his ass! Bahala siya sa buhay niya!"

Tinalikuran ko na rin sila. Naglakad ako ng mabilis palabas ng university. Magco-commute ako. Bahala siya sa buhay niya. Nakakainis siya! Walang ginagawang masama si Reige tapos babastusin niyang ganun? Alam niyang kaibigan ko na rin 'yung tao pero ganyan pa rin siya. Alam ko na may alitan sa pagitan ng fraternities nila pero hindi ko alam kung ano ang dahilan ng alitan nila. Naghintay ako ng jeep. Halos puno ang mga dumadaan. Nilabas ko ang phone ko para sana itext si Zanea nang huminto sa harap ko ang isang pamilyar na sasakyan. Bumaba ang salamin nito sa driver's seat.

"Reige?" Pagtataka ko.

"Pagkalabas ko ng gate, nakita kita. Nag-away yata kayo dahil sakin? Sorry, Gibrielle." Aniya saka siya lumabas sa sasakyan niya.

"Hindi. Kasalanan niya saka nag-walk out siya! Bwisit siya!" Nakanguso na yata ako sa inis.

"Hatid na kita? I mean... ayoko naman iwan ka dito mag-isa." Aya ni Reige.

Nilingon ko ang sasakyan niya. Nag-isip ako. Libre pamasahe. Wala si Damon na dapat na maghahatid sakin. Bahala siya. Iniwan niya ako. Iiwan ko rin siya. First LQ na yata namin ngayon. Pero hindi pa rin yata tama kung sasama ako sa kanya diba? I mean, boyfriend ko pa rin naman si Damon.

"Sumabay ka na, miss. Mahirap 'yung jeep ngayon." Sabi nung caller.

Nilingon ko siya at si Reige. Wala na akong nagawa. "Sige." Sabi ko.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan saka nag-drive na. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang hindi magsalita tungkol kay Damon dahil siya ang pinag-uusapan namin. Pero sa tuwing sasabihin kong nakakainis si Damon, tatawa lang si Reige.

"Anong nakakatawa? Nakakainis naman kasi talaga si Damon! Ang bastos niya sayo." Sabi ko.

"Hindi mo siya masisisi, Gibrielle. Magkaaway kami saka nilalapitan ko pa ang girlfriend niya. Gusto mo ba lumayo na ako sayo?" Saglit niya akong nilingon tapos binalik na sa daan ang tingin.

"Hindi naman kita kaaway para layuan mo ako. Hayaan mo siya. Dapat siyang mag-sorry dahil kasalanan niya, nag-walk out siya kaya nandito ako ngayon." Umirap ako. Pakiramdam ko tuloy, para akong batang nagta-tantrums.

"Sa relationship, whether whose fault, you should forget about your prides. Hindi 'yan kailangan para magtagal ang isang relasyon. And honestly, Gibrielle, from the first time I saw you I have liked you. Pero nakita ko sa mga mata ni Damon na mahal ka nga talaga niya kaya hinayaan ko na lang ang nararamdaman ko."

Napatitig ako kay Reige. Mapakla siyang nakangiti habang nagda-drive. Hindi ako pwedeng magkamali. Bakas sa mukha niya ang lungkot at sakit. Totoo ba? Gusto niya ako? Pero mahal ko si Damon. Ayokong masaktan ko ang ibang tao.

"Unbelievable, right? Hindi rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sakin e. You should blame yourself." Ngumisi siya sa huling tinuran.

"I'm sorry," Sabi ko na lang.

Tumawa ulit siya. "Dati puro thank you. Ngayon naman puro I'm sorry? It was not your fault. I just felt it. Kapanipaniwala man o hindi, ayokong manggulo sa inyong dalawa. I think you deserve the last good part of me." He winked.

Tumahimik na lang ako. Hindi ko na alam ang dapat kong sabihin. Awkward na ang situation. Ayokong pabigatin lalo. Tumingin na lang ako sa labas hanggang sa matanaw ko na ang bahay namin. Pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan. Pagkababa ko, niyakap ko kaagad siya.

"I'm sorry. I don't want to hurt you, Reige." Sabi ko. Kapag ganito pa naman na nakakasakit ako, talagang sisisihin ko ang sarili ko. At hindi ko kayang makita siyang nasasaktan nang dahil sakin.

"Really. I'm trying to be okay. Just don't tell this to Damon. He'll surely not like it."

Napahiwalay kami sa pagkakayakap nung bigla na lang hilahin ni Damon si Reige. Napahiga sa lupa si Reige kaya dinaluhan ko na. Sinamaan ko ng tingin si Damon. Ghad! He is again the Damon!

"Don't tell me, what?" Asik niya kay Reige. "That you and my girlfriend are together? Kayo na rin ba?"

"My god! Are you saying that I'm two-timing?" Singhal ko kay Damon.

"You better compos-" naputol ang sasabihin ni Reige.

Dinampot ulit ni Damon si Reige at kinwelyuhan. "No! You better compose yourself coz I make sure that I will ruin your face, asshole!"

"Damon, stop it!" Sigaw ko nang suntukin na naman niya si Reige.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 129K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
14.7K 417 12
Tell me how did you survive this tragedy, Xian Ekelund.
505K 8.4K 54
[BOOK 1, completed, unedited] Wala raw permanente sa mundo kundi pagbabago. Siya na ngayon ang malupit na kontrabida habang ang dapat sana'y magiting...
333K 7.4K 39
The Hellion's Craves. [Conquer your Fears and Learn to Fight] ©All rights reserved. Werewolves/Hybrids/Romance/Action/Mystery/Fantasy MoiSelle_Unicor...