Zithea (Published under Indie...

By blue_maiden

2.2M 117K 36.8K

POLARIS BOOK 2 Akala ni Xiang Serenity ay tapos na ang lahat simula nang matalo nila ang hari ng kasamaan ngu... More

Pagpapakilala
Simula
Kabanata 1: Bagong tahanan
Kabanata 2: Anino sa gabi
Kabanata 3: Katotohanan
Kabanata 4: Hando
Kabanata 5: Muling Pagkikita
Kabanata 6: Manggagamot
Kabanata 7: Reyna Weiming
Kabanata 8: Ang pagbabalik mundo
Kabanata 9: Misteryo
Kabanata 10: Paghihinala
Kabanata 11: Pag-amin
Kabanata 12: Pagseselos
Kabanata 13: Natatangi
Kabanata 14: Kaibigan
Kabanata 15: Chaun
Kabanata 16: Isipiya
Kabanata 17: Punong Doktor
Kabanata 18: Kasunduan
Kabanata 19: Ugnayan
Kabanata 20: Hari ng Lobo
Kabanata 21: Earth
Kabanata 22: Bundok ng Deri
Kabanata 23: Halik
Kabanata 24: Yuppa
Kabanata 25: Bundok ng Zeryu
Kabanata 26: Pag-amin
Kabanata 27: Halik
Kabanata 28: Pagbalik
Kabanata 30: Hari ng Soka
Kabanata 31: Paghihiganti
Kabanata 32: Naulilang Ama
Kabanata 33: Pagbaba sa Trono
Kabanata 34: Pagsakop
Kabanata 35: Heneral Baxia
Kabanata 36: Koronasyon
Kabanata 37: Pamamaalam
Kabanata 38: Huling pagkikita
Katapusan

Kabanata 29: Pagbagsak

43.4K 2.4K 855
By blue_maiden



AKALA ko malaking pagsalubong ang makukuha ni Scion mula sa palasyo pero ang nakakapagtaka ay walang mga taong sumalubong maliban sa asawa niya.

Sa harap ng kanyang silid ay nakatayo na si Weiming at nag-aabang sa pagdating namin.

Hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi ganito ang inaasahan kong pagtanggap sa amin. Wala man lang ni isang ministro na sumalubong.

Nagkatinginan kami ni Rushin, marahil ay pareho kami ng iniisip ngayon. May katahimikan na tila ba hindi maganda sa pandinig.

Pagbaba ni Scion ay agad siyang nilapitan ni Weiming at niyakap nang mahigpit. Umiwas na ako ng tingin at bumaba sa kabayo ko.

"Ginawa mo ang tama kaya hindi ka dapat makaramdam ng kalungkutan," bulong sa akin ni Rushin. "Kakaiba ang saya na meron ang Mahal na Reyna sa tuwing nakikita niya ang kanyang Hari."

Nakatingin siya sa dalawa habang ako naman ay nakatalikod. Tama naman siya, dapat maging masaya ako dahil ginawa ko ang tama pero hindi agad maalis sa'kin ang sakit dahil nasa puso ko pa rin si Scion. Hindi 'yon agad mawawala.

At hindi ko alam kung mawawala pa ba iyon nang tuluyan kahit na makabalik na ako sa mundo ko.

Pumasok ang Hari at Reyna sa punong silid ng palasyo pero bago pa sila mawala sa paningin namin ay nakita kong tinignan ako ni Weiming.

Akala ko ay ngingitian niya ako pero pakiramdam ko, masama ang tingin niya sa akin. Tila ba may inis o galit siya sa akin.

"Jia," sambit ni Doktor Guryo. "May kailangan kang malaman." Seryoso ang tono ng boses niya.

Pareho kaming sumunod ni Rushin sa kanyang tanggapan. Tahimik pa rin ang buong palasyo at wala masyadong kawal ang naglilibot sa loob.

Pakiramdam ko ay may nangyari rito habang wala kami ng walong araw.

Dumiretso kami sa mesa ng doktor at doon ay inilatag niya ang mga larawan.

Larawan namin si Scion na magkasama at magkahalikan sa bundok ng Deri.

"May kung sinong nagpakalat ng mga larawan na ito sa buong Hando at hindi naging maganda ang naging resulta."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakaramdam ako nang panlalamig sa buong katawan ko. Unti-unti na rin akong nahihirapang huminga.

Kaya ba ganoon na lamang ang tingin sa akin kanina ni Weiming?

"Ang angkan ng Lao ay pinag-uusapan na patalsikin ang Mahal na Hari sa kanyang pwesto. Ibig sabihin, hindi na matutuloy ang paghuhukom, dahil siya ay aalisan na ng lahat ng kapangyarihan kabilang ang pagiging Emperador nito."

Sumikip ang dibdib ko kaya napahawak ako rito.

"Hindi nila matanggap ang pagtataksil ng Mahal na Hari sa kanilang kadugo na si Reyna Weiming."

Akala ko magiging maayos na ang lahat pero bakit parang mas gumulo lang lalo?

"Bukas magpupulong ang konseho kasama ang matataas na tao sa angkan ng Lao. Kung magkakataon ay hindi lang mapapatalsik ang Mahal na Hari, siya rin ay makukulong kasama ka... Jia."

Hindi ang pagkakakulong ko ang mas inaalala ko, kung hindi ang kay Scion. Doble-dobleng kaparusahan ang natanggap niya nang dahil sa akin.

Ginawa ko naman na ang tama pero bakit ganito pa rin ang nangyayari?

Wala naman akong ibang gustong mangyari kung hindi ang maging masaya si Scion.

"Kung ganoon ay dapat na tayong magtago, Jia," sambit ni Rushin. "Hindi ko hahayaan na makulong ka. Mas mabuti na ang bumalik sa mundo niyo."

Hindi ako pwedeng bumalik na ganito ang sitwasyon ni Scion. Kailangan ko munang ayusin ito. Ako ang puno't dulo ng mga problema sa buhay niya.

"Rushin," sambit ng Doktor. "Kunin mo ang mga gamit ni Jia sa inyong tahanan. May alam akong lugar kung saan siya pwedeng manatili pansamantala."

Agad na sinunod ni Rushin ang utos ng doktor.

"Saan niyo ako papapuntahin, Doktor?"

"Habang wala ka ay may natanggap akong mensahe galing sa iyong maliit na radyo," kinuha niya ang walkie talkie. "Maari siyang maulit kaya ilang beses ko itong pinaulit-ulit."

"Serenity, nand'yan ka ba?"

Boses iyon ni Sir Raymond. Ilang beses niyanb inulit ang mga linyang iyon bago niya tuluyang sabihin ang mensahe niya.

"Naaalala mo pa ba ang batang si Polaris? Lumapit siya sa amin at humingi siya ng tawad. Ibinulgar niya sa amin na buhay pa si Jun at siya ang may pakana kung bakit nand'yan ka sa mundo nila Scion."

Buhay pa ang tatay ni Liam?

"Ibinulgar din niya na ang mundo ni Scion at ang mundo natin ay nabubuhay na lamang sa iisang kalawakan. Nang isulat mo ang mundo nila, hindi lang ito nanatili sa libro, kung hindi nagkaroon na rin ito ng sariling buhay."

Tama nga ang teorya ko. At kaya rin may sarili na silang isip ay dahil totoo na sila. Kaya marami na ang nagbago sa mundong ito kahit na hindi ko sinulat ay dahil nabubuhay na talaga ito.

Hindi na lang ako nasa loob ng isang libro.

Nakatayo ako sa isang totoong planeta kasama ang mga totoong tao– na ang iba ay may kakaibang kapangyarihan.

"Na-kumpirma ko rin sa NASA na may planeta nga malapit sa buwan. Sa totoo lang nagkakagulo ang buong mundo sa natuklasan nila na ito."

Biglang nawawala ang boses ni Sir Raymond. Ilang minuto rin kaming nanghintay bago siya nakapagsalita muli.

"Ayan ang plano ni Jun, ayon sa batang Polaris. Narinig mo ba ang lahat ng ito? Kaya kailangan mo nang makauwi sa lalong madaling panahon. Maari mo pang mabago ang mangyayari, may pahina pa ang Polaris!"

Maaring sinabi niya ang plano habang hindi maganda ang signal at hindi siya marinig. Pero ano ang plano ni Jun?

Nawala na nang tuluyan ang boses at naging static na lang ang lahat.

"Jia... tingin ko ay kailangan mo nang kunin ang libro ng Orion na nakatago sa Soka."

Hindi ko man narinig ang plano ni Jun pero tama si Sir Raymond. Kailangan ko nang makabalik sa Earth at muling magsulat sa libro ng Polaris. Doon maitatama ko ang lahat kamalian ko at mapipigilan ko kung ano man ang masamang balak ni Jun.

Ipinaliwanag sa akin ni Doktor Guryo ang itsura ng librong Orion.

Kulay pulang libro ito na may apat na asul na bato. May itim na bato ito sa gitna ng mga asul na bato. Galing raw sa bituin ng Orion ang kaalaman na mayroon ang libro na iyon kaya ganoon ang kanyang pangalan.

Pamilyar sa kwento ng Polaris.

Ibinigay niya sa akin ang buong mapa ng Soka. Inamin niya sa akin na naging kaibigan niya ang namatay na Hari ng bayan na iyon kaya marami siyang alam dito.

"H'wag mong sabihin kahit na kanino ang plano natin, kahit na kay Rushin."

Iyon ba ang dahilan kung bakit pinaalis muna niya si Rushin? Pero tama lang iyon. Panigurado na pipigilan niya ako o baka sumama siya sa akin.

Mapanganib ang gagawin ko at ayoko siyang mapahamak.

"Makakaasa kayo, doktor."

Pagdating ni Rushin ay dala na niya ang mga gamit ko. May dala pa siyang basket na puno ng mga pagkain. Kaya pala nagtagal din siya.

Hindi talaga niya nakakalimutan ang kapakanan ko.

"Maaring magtagal ka sa lugar na pupuntahan mo kaya ipinaghanda pa kita ng makakakain," inayos niya ang mga ito sa likod ko. "Pupuntahan kita sa bundok ng Deri para kamustahin at dalhan ng pagkain. Gamitin mo lang ang kabibe kung kailangan mo ako."

May konting guilt akong naramdaman dahil hindi ko sinabi sa kanya ang totoo kong pupuntahan pero ito naman ang mas makakabuti.

Pinalabas namin ni Doktor Guryo na sa mananatili muna ako sa maliit na kubo sa bundok ng Deri. Dadaan naman talaga ako sa bundok na iyon pero hindi ako mananatili roon. Lalabas ako sa isang pintuan malapit sa paanan ng bundok.

Aabutin ako ng dalawang araw para makapunta roon pero mas mapapabilis ito kung hihingi ako ng tulong sa mga ahas ko.

"Jia..." mahinang sambit ni Rushin. "Patawarin mo ako... patawad."

Unti-unting nagiging dilaw ang kulay ng mga mata ni Rushin. Hindi ko maintindihan kung bakit siya humihingi ng tawad sa akin.

"Rushin, wala kang kasalanan kaya hindi mo kailangan humingi ng tawad."

Hinila niya ako palapit at niyakap nang mahigpit. Ilang minuto rin niya iyong ginawa.

"Mag-iingat at palagi mong tandaan ang mga payo ko sa'yo. Magiging maayos din ang lahat, pangako."

Tumango ako at hinimas ko ang pisngi niya, "H'wag kang mag-alala sa akin."

Hinatid nila ako hanggang sa labas ng pader ng palasyo. Ang lungkot ng mukha ni Rushin habang papalayo siya sa akin. Wala akong ginawa kung hindi ang ngumiti para mapanatag siyang magiging maayos lang ako.

Pero ang totoo... hindi ko alam.

Ang sabi ni Doktor Guryo, komunista ang Soka. Parang mga preso ang mamayanan ng bayan na iyon at tanging ang mga nasa palasyo ang may maayos na buhay.

Malalakas din ang mga sundalo roon kaya mahihirapan ako kahit na may kapangyarihan ako.

Ngunit wala namang ibang paraan kung hindi ito lang. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lumalaban kaysa magtago na lang ako habangbuhay.

Sa tuktok ng bundok ay matatanaw ang palasyo at ang tuktok ng silid ni Scion.

Umupo muna ako at ginamit ang telescope na bigay ni Doktor Guryo para silipin ang Hari.

Nasa labas siya, sa birenda pero hindi siya nag-iisa. Kamasa niya si Weiming at nakasandal ito sa kanyang balikat.

Hindi ko agad namalayan na may mga luha na pala sa mata ko.

Tinupad nga niya ang pangako niya sa akin na gagawin niya ang tama. Ang tama na mahalin niya rin si... Weiming.

Pinunasan ko ang mga luha ko at nagpatuloy na ako sa paglalakabay ko. Dalawang araw pa ang bubunuin ko para makapunta sa Soka.

Mabilis lang akong nakalabas ng Hando. Tamang tama ang paglalarawan ni Doktor Guryo sa mga daan pati na rin sa pintuan palabas. Paano niya kaya nalaman ang lahat ng mga ito samantalang isa lamang siyang doktor?

Inutusan ko ang mga ahas upang gabayan ako papunta sa Soka. Gamit ang mapa na bigay ng doktor, inabot lamang kami ng isa't kalahating araw bago namin narating ang pupuntahan namin.

Palubog na ang araw nang marating namin ang Soka kaya hindi ko pa maaninag nang malinaw ang itsura ng pader nila pero matatas ang mga tore nila kaya tanaw mo na agad iyon.

Mas mataas ang pader ng Soka kumpara sa Hando pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ko.

May mga itim na malalaking lobo ang nasa palibot ng pader nila. Malaki ito, doble ng laki ng isang elepante. Ang iba ang nakaupo habang ang iba ay nakatayo at naglalakad papunta isang puwesto at pabalik sa unang puwesto nila.

Tila ba nagbabantay sila.

Anong ibig sabihin nito?

Hindi ito nabanggit sa akin ni Doktor Guryo kaya maaring mali ang iniisip ko na alaga nila ang mga halimaw na ito. Maaring nag-aabang sila sa mga lalabas na tao upang kainin nila ito.

Pareho lang ito ng mga lobo na nakita ko sa labas ng Hando, ang pagkakaiba lamang ay kulay puti ang mga ito at hindi nila ako inatake.

Ang sabi ng doktor, tuwing hating gabi ay may papasok sa madaming karwahe na naglalaman ng mga pagkain at sandata. Pwede akong sumalisi sa loob upang madali akong makapasok.

Habang naghihintay ay pinagmasdan ko pa ang mga itim na lobo.

Bumukas ang malaking pintuan pero hindi gumalaw ang mga lobo. May lumabas na limang karwahe at pumwesto sila sa gitna ng mga lobo.

Unti-unting lumiit ang mga lobo.

Lumapit sila sa karwahe. May lumabas na apat na tila ba sundalo at may nilabas silang mga katawan ng tao. Hindi ko na mabilang kung ilan ito pero hindi na sila gumagalaw pa.

Hindi inatake ng mga lobo ang mga sundalo pero kinain nila ang katawan na nilabas ng mga ito.

May tumunog mula sa tore ng pader at itinaas nila ang bandila na may imahe ng itim at puting lobo.

Alaga nila ang mga lobo.

Ang mga lobo na ilang beses ko nang nakita.

➖➖➖

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 181K 205
Online Game# 2: MILAN X DION
198K 306 16
⚠️ MATURE CONTENT !TAGALOG SMUT! Are you ready to enter the World of Pleasure? ___________________________ A COLLECTION OF EROTICA ONE SHOT STORIE...
1.6M 63.9K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
62.2K 2.5K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...