Exclusively Dating The Idol |...

By gwynchanha

806K 30.3K 4.7K

Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Al... More

Exclusively Dating The Idol
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
SPECIAL CHAPTER
note (please read!)
FAQ (seryoso na!)
Other Stories
BOOK ANNOUNCEMENT!!!
Special Chapter 2

Chapter 46

9.2K 409 111
By gwynchanha

Chapter 46


  - NAJI's POV-

Halos matalisod na ako dahil sa marahas na pagkakahila sa akin ni Sharlene. Gusto kong pumiglas pero nakatali ang mga braso at kamay ko. 

I didn't know she called Jah! Halos gustuhin kong tumakbo papunta kay Jah at paalisin ito ro'n. Sobra akong kinabahan kanina nang marinig ang putok ng baril, baka binaril ito!

"This is so fuckin' unbelievable!" I heard her scream in anger. "Wala namang espesyal sa'yo. Isa ka lang namang peste'ng walang silbi!"

Napaungol ako sa sakit nang maramdaman ang likod ko na tumama sa isang matigas na bagay. Kanina pa akong naka-blindfold at pakiramdam ko ay nahihilo na ako. 

Napangiwi ako nang gumuhit ang sakit mula sa ibaba ng likod ko paakyat sa aking batok. I tried stretching my feet, pero bumangga ang talampakan ko sa kung ano. Narinig kong nagsara ang isang pinto, kagaya ng sa kotse. 

"Did you make sure na walang nakabuntot sa kaniyang kahit na sino?" si Sharlene. 

"Yup! No one followed him here." Boses 'yon ni Miles. "Kailangan mo ba talaga itong gawin? You're digging your own grave—"

"Shut up, will you? Wala ka nang pakialam kung ano man ang mangyari sa akin dahil desisyon ko 'to!"

"Okay, fine! Don't ask me to visit you in jail, soon."

"Fuck you! Umalis ka na nga. I'll let you deal with Jah. He's inside. May sugat siya sa hita, binaril ko."

"You did what!?"

Hindi ko na narinig ang susunod pa nilang pag-uusap dahil naging busy ako sa pagsusubok na tanggalin ang tali sa mga kamay ko. Natigil lang ako nang marinig na bumukas ang pinto at bahagyang umalog ang kotse, sinyales na may pumasok. 

"Mapupunta pa rin naman ako sa impyerno kahit sa isang kasalanan lang. Sasagad-sagarin ko na lang!"

Nabuhay ang makina ng kotse at umusad na ito. 

Mas binilisan ko pa ang paggalaw ng mga kamay ko para matanggal ang pagkakatali ng mga kamay ko. Nabuhay ako ng loob nang lumuwag nang kaunti ang tali. Mabilis na hinila ko kaagad ang tali dahilan para tuluyan iyong matanggal. 

Kaagad kong tinanggal ang blindfold ko at sunod ay ang tali na nakapalibot sa mga braso ko at huli ang nasa bibig ko. 

Napatingin siya sa rearview mirror kaya napansin niya ako. Napasinghap siya. 

"What the f—"

Mabilis na dumukwang ako para abutin ang manibela at iniliko ang kotse kahit na lubak-lubak pa ang dinadaanan namin. Napatili siya dahil sa ginawa ko.

"What the hell! Let go, you bitch!" 

Hinawakan niya ang buhok ko at napasigaw ako sa sakit nang hilain niya pababa. Hindi ako bumitaw sa manibela at inikot pa 'yon, dahilan para madikit siya sa pintuan ng kotse. 

"May plano ka palang patayin ako, ha. Well, bad news, isasabay kita sa 'kin!"

"No way!" 

Napasigaw ulit ako sa sakit nang pinukpok niya sa kamay kong nakahawak sa manibela ang baril na hawak niya rin pala. Nabitawan ko tuloy ang manibela. 

Kaagad niya akong tinulak, dahilan para mapahiga ako sa sahig ng kotse. Kinubabawan niya kaagad ako at sinabunutan.

"Just die, bitch!" sigaw niya. 

Pagewang-gewang na ang kotse dahil walang nakahawak sa manibela. Lubak-lubak pa rin ang daan pero kumitid na at may malalim na bangin pa sa unahan. 

Inabot ko rin ang kaniyang ulo at mas nilakasan ang paghila sa kaniyang buhok, dahilan para mapasigaw siya. 

Bigla niyang siniko nang malakas ang sikmura ko at halos umubo na ako ng dugo sa sobrang sakit no'n. Mabilis ko rin siyang sinampal nang malakas, dahilan para maalis siya sa pagkakubabaw sa akin at nasa gilid ko na siya. Ako naman ang kumababaw sa kaniya. 

I smirked. "Tangina ka, ha!"

Sinampal ko siya nang paulit-ulit sa magkabilang pisngi. Sinabunutan ko rin siya at halos matanggal na ang kaniyang anit. Sigaw lang siya nang sigaw at minumura pa ako pero wala na akong pakialam. 

Napasinghap ako nang biglang bumilis ang takbo ng kotse, kaya napatigil ako at napalingon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang naapakan ni Sharlene ang gas at didiretso na kami sa bangin!

"Shit!" Umalis kaagad ako sa pagkakubabaw sa kaniya at sinubukang imaniubra ang manibela. 

Pero bago ko pa mahawakan 'yon, nadikit ako bigla sa upuan at halos hindi ako makahinga nang sakalin ako ni Sharlene.

Tumawa siya. "Kung hindi ako magiging masaya, dapat ikaw rin! Kaya sabay na tayong magdusa!"

Malakas na inapakan niya ang gas, at nag-full speed na ang kotse. 

Shit!

Lumipad ang kotse. Pakiramdam ko ay nag-slowmo bigla. Unti-unti ring umangat ang pwetan ko sa upuan habang yumuyuko ang kotse para bumagsak. 

Sobrang bilis ng pangyayari. Bumagsak ang kotse at mabilis na nagpagulong-gulong. Mariin akong napapikit at hindi ko na nagawang protektahan ang ulo ko. Parang bola na ang katawan ko na tumatama sa bawat side ng kotse habang pagulong-gulong ito. 

The car stopped rolling, pero bigla itong tumama nang malakas sa isang puno. Tumama ang ulo ko sa harap ng kotse at kaagad akong nawalan ng malay.

--

  -JUSTIN's POV-

Naisuntok ko na lang ang kamay sa sahig dahil sa matinding frustrasyon. 

Bumuga ako ng hangin bago nilabas ang cellphone ko. Unang lumabas sa speed dial ko si Josh, kaya siya kaagad ang tinext ko. Sinend ko sa kaniya ang address na binigay ni Sharlene.

To: Josh

Go to this place. Now. Bring some police with you. Kailangan ni Naji ng tulong. Sharlene abducted her!

Pagkatapos maisend ay binalik ko sa bulsa ang cellphone. Sinubukan ko ulit tumayo, at napangiwi ako nang sumakit ang hita ko. Pero kahit ganoon, humakbang ako at nagsimulang maglakad kahit paika-ika. 

Sharlene turned ito a crazy, psychopath. Baka anong gawin niya kay Naji!

Hiningal ako nang makarating ako sa pintuan. Kumapit ako ro'n at sumandal sandali. Pumikit ako at isinandal din ang ulo sa sobrang panghihina. 

"Going somewhere, Mr. Justin De Dios?"

Naimulat ko kaagad ang mga mata ko. Nakita ko si Miles na nakangiting humahakbang papalapit sa akin. Kaagad akong napaayos ng tayo, pero nakakapit pa rin sa pintuan. 

Tumalim ang titig ko sa kaniya. 

"Nasaan si Sharlene? Saan niya dinala si Naji!?"

Tumawa siya. "Calm down, will you?" Umiling-iling siya. "By now, baka ini-enjoy niya na ang byahe papuntang kabilang buhay. Gusto mo bang humabol?"

Napaawang ang mga labi ko nang inangat niya ang kamay na may hawak ng baril at kinasa 'yon.

Shit! Ang unfair naman nito. May mga baril sila, 'tapos ako wala!

Pumihit na ako para sana tumakbo pero napaigtad ako nang pumutok ang baril at tumama ang bala no'n halos isang dangkal ang layo mula sa mga paa ko.

"Shit!" Mabilis akong tumakbo pabalik sa loob kahit paika-ika pa.

Narinig ko ulit ang pagkasa niya ng baril. Nagtago ako sa likod ng naka-pile na mga kahoy, sumandal ako ro'n at padausdos na umupo. 

"Justin!" Pakantang tawag niya sa akin. "Bakit ka nagtatago? Gusto ko lang naman tumulong na makahabol ka kay Naji na kabilang buhay. Ayaw mo no'n? Makakasama mo na siya do'n!"

Mariin akong napapikit nang kumirot ang sugat ko. Diniinan ko ang pagkakadikit ng palad ko ro'n para mapigilan ang paglabas ng dugo ro'n. 

Shit. Bakit ba sobrang tagal naman dumating nina Josh?! Shit!

"Yohoo! Mr. Justin De Dios? Come out, come out, wherever you are!" Pakanta niyang sabi bago mala-demonyong tumawa.

Napamulat ako ng mga mata. Bahagya akong sumilip para tingnan kung nasaan na siya. Nagsalubong ang mga kilay ko nang hindi siya nahanap. 

"Boo!" 

Napasinghap ako nang bigla niya akong sinakal at idinikit sa kahoy. Itinutok niya sa aking ulo ang baril 'tsaka mala-demonyong ngumisi. 

"Nagtago ka pa, ha. Akala mo hindi kita mahahanap?"

Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nasa leeg ko at mabilis na pinihit 'yo  paikot. Napasigaw siya sa sakit dahilan para bitawan niya ang leeg ko. 

Kaagad ko ring hinawakan ang isa niya pang kamay at inagaw ang baril. Tumayo ako at mabilis na itinutok 'yon sa kaniya. 

Namilog ang kaniyang mga mata at rumehistro ang takot sa mukha. Unti-unti siyang gumapang paatras habang nakatutok pa rin ang baril na hawak ko sa kaniya.

"Sabihin mo sa'kin, ba't n'yo 'to ginagawa?" mariing sabi ko. "How could you be so heartless, killing someone for your own happiness?"

"I-inutusan lang din ako ni Sharlene!" takot na takot na sabi niya. "H-Hindi ko rin ito gusto!"

Magsasalita pa sana ako pero napasigaw ako sa sakit nang tumama sa kamay kong may hawak ng baril ang isang dos por dos. Tumilapon ang baril sa malayo.

May hawak na siya ngayong kahoy. Tumayo siya at umambang hahampasin ako pero mabilis kong nahawakan ang kamay niya at inikot 'yon dahilan para mabitawan niya ang kahoy. Bigla niyang sinipa ang hita ko kung saan ang tama ng baril kaya napasigaw ako at bumagsak sa sahig dahil sa sakit.

Pinulot niya ulit ang kahoy at hahampasin niya na sana ulit ako pero may sumigaw. 

"Itaas ang inyong mga kamay!"

Napabaling kaagad ako sa sumigaw. Halos magdiwang ako nang makita ang isang pulis na may baril na nakatutok kay Miles, at sa likuran niya ay si Josh. 

Narinig ko kaagad ang mga yabag ng mga sapatos. Pumalibot sa amin ang lima pang pulis, at may mga baril sila lahat. 

Napamura si Miles bago binitawan ang hawak at dahan-dahang inangat sa ere ang dalawang kamay.

"Jah!" Lumapit kaagad si Josh sa akin. "Nasaan si Naji?"

"Ewan ko kung saan dinala ni Sharlene. Pero hahanapin ko sila, sigurado akong hindi pa sila nakakalayo rito."

Tinulungan niya akong tumayo. Aniya ay kailangan ko nang umalis at magmadaling hanapin si Naji at sila na ang bahala kay Miles, at 'yon ang ginawa ko. 

Mabilis akong tumakbo papalabas. Nang makita ko ang kotse ko ay kaagad akong sumakay at nag-drive na. 

Nililibot ko ang paningin ko habang nagd-drive. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I kept on praying in my mind na sana ay okay lang siya at walang ginawa sa kaniya si Sharlene.

Napatingin ako sa harapan, sa papalikong daan, nang may nakita akong marka ng gulong. Napaawang ang mga labi ko. 

No... hindi sila pwedeng—

Ihininto ko ang kotse at bumaba kaagad ako. Patakbo akong lumapit sa may bangin at sumilip sa babae. Parang tumigil sandali ang tibok ng puso ko nang makita ang nakataob na kotse sa ibaba. 

"Naji!" sigaw ko kaagad. 

Shit! Paano ako bababa nito? Sobrang lalim at puro pa puno ang nasa ibaba. 

Naglibot ako sa paligid para maghanap ng dadaanan pababa. At nang may nahanap, kaagad akong nag-slide pababa. Wala na akong pakialam kung magkagalos ako o madagdagan ang sugat ko. Tanging si Naji na lang ang nasa utak ko.

"Naji!" I kept on calling as I ran towards the car. 

Halos mahati na ang kotse dahil sa puno kung saan ito nabangga.

Paglapit ko sa kotse, napangiwi ako dahil sa amoy ng gas. Nalaglag ang puso ko nang makita ang walang malay na si Naji na nakasabit na sa upuan. 

Sinipa ko ang ilang glass ng bintana para matanggal bago ko dahan-dahan na hinila si Naji palabas. Halos tabunan na ng dugo ang buong mukha niya dahil sa  sugat niya sa ulo. Nanglabas ko siya, kaagad kong chineck ang kaniyang pulso sa leeg. Mahina lang ang tibok no'n. 

Napabaling ulit ako sa kotse nang mapansin si Sharlene na halos malabas na ang ulo sa likod ng kotse. Nilabas ko rin siya at nilapag sa tabi ni Naji. I also checked her pulse and...

"Shit!" 

Marahan kong inangat si Naji para ipasan sa likod ko. Mabilis akong tumakbo pabalik sa dinaanan ko. At habang ginagawa ko 'yon, dinadial ko si Josh. Mabuti at sumagot agad.

"Nasaan ka na? Papalabas na kami—"

"Bilisan n'yo!" hinihingal kong sabi. "Sharlene's almost dying! She needs help here!"

"Ha? Okay, okay. Nasaan ba kayo?"

"Dumiretso lang kayo palabas, at kapag may bangin kayong nakita sa may papalikong daan, 'yon na. Bilisan n'yo, kailangan ko pang isugod sa hospital si Naji!"

"A-Ano? Hoy, teka—"

Kaagad kong pinatay ang tawag at binalik ang cellphone sa bulsa. Kahit nagmamadali ay maingat akong umakyat pabalik sa kotse ko. 

Nang nakaakyat, marahan kong nilapag sa likod ng kotse si Naji. 

"Hang in there, baby." Sumakay na kaagad ako sa kotse 'tsaka pinaharurot na ang kotse.

Hindi na ako mapakali. Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho. Halos maiyak na ako dahil sa sobrang layo ng alam kong pinakamalapit na ospital dito.

Nabuhayan ako ng loob nang makita na ang hospital. Nang nakarating na ako sa tapat, mabilis kong pinahinto ang kotse 'tsaka bumaba. Binuksan ko ang sa backseat at inangat na si Naji para ipasan sa likuran ko, 'tsaka ako tumakbo papasok. 

"Nurse!" paulit-ulit na tawag ko hanggang sa may lumapit. "Malakas ang tama niya sa ulo. She's bleeding!"

"Gaano na po katagal?" tanong ng nurse habang sinasabayan ang pagtakbo ko papuntang emergency ward. 

"Mag-iisang oras na yata, nurse."

May lumapit kaagad na nurse na may dalang hospital bed. Tinulungan nila akong ihiga si Naji ro'n. May lumapit din na doctor nang nakapasok na kami sa emergency. Marami silang tinanong sa isa't isa. 

May kinabit sila kay Naji. In-intubate din nila si Naji at sinubukang i-CPR. They did a lot of medical things before the doctor decided to take her to the operating room. Sumama pa ako sa kanila pero sila lang ang nakapasok sa operating room.

"Sir, dito na lang po muna kayo sa labas maghintay," ani Nurse. 

Tumango na lang ako. Pimasok na ang nurse sa OR. Ilang segundo lang, umilaw ang nasa ibabaw ng pinto, sinyales na magsisimula na sila sa operasyon.

Napabuga na lang ako ng hangin. Lumapit ako sa bench at pagod na pagod na umupo ro'n. Pumikit ako 'tsaka isinandal ang leeg sa inuupuan. 

Hindi ako relihiyosong tao. Pero sa pagkakataong ito, nagdadasal na ako sa lahat ng Santo na sana ay maging maayos ang operasyon at si Naji. 

Halos mag-iisang oras na ako ro'n na nakaupo at naghihintay, nang tumawag si Josh. Aniya ay dinala na sa hospital si Sharlene, pero hindi rito sa kung saan ko dinala si Naji. Ang sabi niya ay pupuntahan niya ako rito kapag nakarating na ro'n ang guardian ni Sharlene. Nasabihan niya na rin ang pamilya ni Naji na nandito kami sa hospital at hindi maayos ang lagay ni Naji. 

Makalipas lang ang ilang minuto, tumatakbong lumapit sa akin ang Mama at Kuya ni Naji. 

Napatayo ako. "Tita—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang kinwelyuhan ako ni Kuya Neji at malakas na sinuntok. Napaupo tuloy ako sa bench.

"Kasalanan mo 'to, eh!" sigaw niya. "Simula noong dumating ka sa buhay ng kapatid ko, nagsisimula na rin siyang malasin!" 

"Neji!" Pag-awat ni Tita sa kaniya habang hinihila ang kaniyang braso. 

Namumula na ang kaniyang mga mata dahil sa galit at dahil malapit na siyang umiyak.

"Pero kahit ikaw ang malas sa buhay niya, wala pa rin akong magawa bilang kuya niya dahil sa'yo ko lang siya nakikitang masaya..." pumiyok ang kaniyang boses. 

Hindi ko na napigilan. Tumulo na ang luha ko. Napayuko ako. 

"I... I'm sorry," mahinang sabi ko. 

"Putangina!" 

Tinalikuran niya kami at nagmartsa siya paalis. Lumapit kaagad sa akin si Tita 'tsaka hinawakam ang balikat ko. 

"Hindi mo 'to kasalanan, Jah. Walang may kasalanan dito. Hindi naman natin alam na mangyayari 'to, eh."

Hindi ako umimik at tahimik lang na umiyak. 

"Ang tanging magagawa na lang natin ngayon ay ang ipagdasal na sana maayos ang kalalabasan ng operasyon at nang maging maayos na rin ang anak ko."

Pero hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko. Tama nga si Kuya Neji. Hindi naman magiging ganito kagulo ang buhay ni Naji, to the point na mapapahamak na siya, kung hindi lang ako dumating sa buhay niya. Kasalanan ko rin.

Nakaupo lang kami ro'n ni Tita habang hinihintay na lumabas ang doctor at balitaan kami. Hindi pa rin bumabalik si Kuya Neji. Sobrang laki siguro ang galit niya sa akin na ayaw niyang bumalik dito dahil nandito ako. 

Dumaan ang isang oras... dalawa... hanggang sa umabot ng apat na oras. 

Nakayuko lang ako habang nakadaop ang mga kamay, tahimik na nagdadasal, nang biglang bumukas ang pinto sa operating room. Napaangat ako ng tingin. Pareho kaming napatayo ni Tita nang makitang lumabas ang doctor. 

"Doc..." si Tita ang lumapit. "K-Kamusta? O-okay po ba ang a-nak ko? Success po ba ang o-operasyon?"

Hindi nagsalita ang doctor, nanatiling nakayuko. Hindi pa niya sinasabi, pero kitang-kita ko sa expression niya na hindi maganda ang ibabalita niya. 

"D-Doc... ano? K-kamusta ang... ang anak ko?" pumiyok na ang boses ni Tita. 

Bumuga ng hangin ang doctor bago nag-angat ng tingin sa amin.

"Time... time of death..."

Tuluyan na akong napaluhod sa sahig dahil sa matinding panghihina.

***

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 674 27
"I will never do love you back. You're the reason why my girlfriend breaking up on me! FLIRTY GIRL." "I assured you jiggy Sebastian Perez that one da...
31.2K 845 117
to the man i once loved with all my heart, dare to hear my sentiments.
11.4M 426K 47
Mia Mills is an aspiring singer with a painful past. Jarren Reyes is a known song writer with a broken heart. When two lonely souls met, they start t...
178K 2.2K 30
Si Nathalie Guevera ay lumaki sa nakasanayang magandang buhay na kung saan, lahat ng gusto nito ay nakukuha niya, ngunit papaano kung sa isang iglap...