Zithea (Published under Indie...

By blue_maiden

2.2M 117K 36.8K

POLARIS BOOK 2 Akala ni Xiang Serenity ay tapos na ang lahat simula nang matalo nila ang hari ng kasamaan ngu... More

Pagpapakilala
Simula
Kabanata 1: Bagong tahanan
Kabanata 2: Anino sa gabi
Kabanata 3: Katotohanan
Kabanata 4: Hando
Kabanata 5: Muling Pagkikita
Kabanata 6: Manggagamot
Kabanata 7: Reyna Weiming
Kabanata 8: Ang pagbabalik mundo
Kabanata 9: Misteryo
Kabanata 10: Paghihinala
Kabanata 11: Pag-amin
Kabanata 12: Pagseselos
Kabanata 13: Natatangi
Kabanata 14: Kaibigan
Kabanata 15: Chaun
Kabanata 16: Isipiya
Kabanata 17: Punong Doktor
Kabanata 18: Kasunduan
Kabanata 19: Ugnayan
Kabanata 20: Hari ng Lobo
Kabanata 21: Earth
Kabanata 22: Bundok ng Deri
Kabanata 23: Halik
Kabanata 24: Yuppa
Kabanata 26: Pag-amin
Kabanata 27: Halik
Kabanata 28: Pagbalik
Kabanata 29: Pagbagsak
Kabanata 30: Hari ng Soka
Kabanata 31: Paghihiganti
Kabanata 32: Naulilang Ama
Kabanata 33: Pagbaba sa Trono
Kabanata 34: Pagsakop
Kabanata 35: Heneral Baxia
Kabanata 36: Koronasyon
Kabanata 37: Pamamaalam
Kabanata 38: Huling pagkikita
Katapusan

Kabanata 25: Bundok ng Zeryu

51.5K 2.6K 889
By blue_maiden



PAGKATAPOS mag-usap ng punong doktor at ng mga ministro sa silid ng Hari ay pumunta na ako sa silid ng Reyna.

Mahimbing pa rin nag pagkakatulog niya, kagaya ng asawa niyang si Scion. Pero hindi kagaya ng minamahal niya, mas mapapabilis ang pag gising niya. Sa oras na malaman niya ang nangyari, panigurado mag-aalala siya nang sobra. Baka sisihin niya pa ang sarili niya.

Kagaya ko, na hanggang ngayon ay sarili ko ang sinisisi ko kung bakit napahamak si Scion. Noon pa man, ito na ang ibinibigay ko sa kanya– kapahamakan.

"Doktora, magiging maayos ba po ba ang Mahal na Reyna?" Tanong ni Ana, ang isa sa mga katiwala ng Reyna. "Lahat kaming katiwala niya ay nag-aalala na para sa kanya."

"Magigising na siya sa gamot na hawak ko at ipagdasal natin na maging maayos na siya pagkatapos."

Yumuko sila sa akin, nagkaroon ng pag-asa ang mukha nila na kanina ay parang nanlulumo. Noon pa man, malapit na si Weiming sa kanila at maganda ang buhay nila ngayon dahil sa kanya. Kaya alam kong wala silang ibang gusto para sa Reyna kung hindi ang ikabubuti niya.

Inangat ko nang bahagya ang ulo ni Weiming para painumin sa kanya ang gamot na ginawa ni Doktor Guryo. Dahan-dahan ko itong ipina-agos sa kanyang bibig. Nang malunok niya na itong lahat ay binalik ko ang ulo niya sa pagkakahiga.

Naghintay kami ng ilang minuto bago siya tuluyang nagkaroon ng malay.

Naidilat na niya ang kanyang mga mata ngunit nakatulala siya sa kisame at hindi pa nagsasalita. May mga luha nang tumulo sa kanyang mata.

"A-asan ang Mahal na Hari?" Mahina at nanginginig niyang sambit. Nakatingin pa rin siya sa kisame hanggang ngayon. "Bakit wala siya sa pag gising ko?"

Nagkatinginan kami ng mga katiwala.

Hindi pa namin pwedeng sabihin sa kanya ang nangyari dahil kailangan pa rin niyang mag-ipon nang lakas. Kailangan niya pang maghintay ng isa pang araw.

Hinawakan ko ang kanyang kamay para kumalma siya. Patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha sa mata niya. Dito mo makikita kung gaano niya kamahal ang asawa niya... ang asawa niyang may mahal nang iba.

Bigla akong nakunsenya. Hindi deserve ni Weiming ang masaktan at maloko lalo ng mga taong pinagkakatiwalaan niya, at isa na ako doon.

"Mahal na Reyna, kumalma po kayo. Ang Mahal na Hari ay may inaasikaso lamang." Sambit ko. "Magpalakas po kayo para sa kanya."

Nakatitig pa din siya sa kisame pero ngayon ay tumigil na ang kanyang pagluha.

"Jia, maari mo bang sabihin sa Emperador na gising na ako at gusto ko siyang makita?"

Tinignan ko ang mga katiwala niya. Inaasahan ko na isa sa kanila ay tutulungan ako na magpalusot sa Reyna pero kahit sila ay hindi alam ang sasabihin.

"Uhm... wa-wala po ang Mahal na Hari rito. Nagpunta sila sa malayong bundok para tignan ang isang kahina-hinalang ilaw."

Iyon na lang ang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung kakagatin niya 'to pero wala na rin naman akong maisip na iba.

"Ganoon ba... gusto kong makausap ang punong doktor, maari mo ba siyang tawagin para sa akin?"

Ginawa ko ang utos niya. Hindi rin naman ako ang makakapagpaliwanag sa sakit niya.

Nagpalit kami ng doktor ng binabantayan, siya sa Reyna at ako naman sa Hari.

Parang natutulog lang si Scion pero nakakatakot na maari siyang maging ganito na lang ng ilang taon. Kung mangyayari man iyon, paano na ang Zithea? Paano na ang Hando? Ang asawa niya? Ang mga taong nagmamahal sa kanya.

Kailangan madala namin siya ng ligtas sa bundok ng Zeryu. Hindi ako babalik sa Earth hanggat hindi siya nagiging maayos. Hindi rin naman ako mapapakali sa mundo ko kakaisip sa kanya.

"Gumising ka na kasi d'yan... Scion." Bulong ko.

Madami pa akong gustong sabihin sa kanya at isa na roon ang totoo kong pagkatao. Ibinuwis na naman niya ang buhay niya para sa akin kaya dapat lang sabihin ko na sa kanya ang totoo. Iyon na lang ang tanging maibabalik ko sa pagligtas niya sa akin.

Tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha galing sa mata ko.

KINABUKASAN ay ipinaalam na ni Doktor Guryo ang totoong kalagayan ng Hari kay sa Mahal na Reyna.

Isang oras ata siyang nagkulong sa silid niya at dinig namin sa labas ang pag-iyak niya, may punto pa ngang humahagulgol na siya. Naawa ako sa kanya. Sigurado akong napakasakit sa kanya ang lahat.

Hahang naghihintay kaming lahat sa labas ay ipinatawag ako ng Reyna sa loob.

Bumilis ang tibok ng puso ko pero sinunod ko na lang ang gusto niya.

Kung sisisihin niya ako sa nangyari ay mas ayos sa akin dahil maaring gumaan ang pakiramdam niya. Ako rin naman talaga ang may kasalanan.

Hindi na siya umiiyak pero mugto na ang kanyang mga mata. Nakaupo siya sa sahig sa harap ng kanyang mesa at may tinitignan na libro.

"Maupo ka, Jia."

Hindi pa rin nawawala ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Seryosong seryoso ang dating nga mga boses niya.

"Sagutin mo ako," napalunok ako nang malaki. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. "Bakit ka nagsinungaling sa akin kahapon? Bakit hindi mo agad sinabi ang katotohanan sa akin?"

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para tignan siya. Nakatitig siya sa akin.

"Uhm... Mahal na Reyna, patawin niyo po ako. Hindi ko po gustong magsinungaling sa inyo pero kailangan dahil maaring lumala ang lagay niyo."

Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Umupo siya sa harap ko at hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Nasabi ko na ito sa iyo noon pa, magaan ang loob ko sa'yo, Jia. Kaya nasaktan ako nang magsinungaling ka sa akin."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong yakapin at doon siya muling umiyak.

"Paki-usap, Jia... h'wag ka nang magsinungaling pa sa akin. Isa ka sa mga taong pinagkakatiwalaan at inaasahan ko kaya mahalaga ka na para sa akin."

Pagkaharap niya sa akin ay agad kong pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya.

"Makakaasa po kayo... Mahal na Reyna."

Muli niya akong niyakap.

Hindi ko masisisi si Weiming kung bakit madali siyang ma-attach sa isang tao kahit sandali pa lang niya itong nakilala. Wala siyang kapatid at maagang namatay ang kanyang ina. Hindi sila gano'n kalapit ng kanyang ama.

Si Chaun lang talaga ang napagsasabihan niya ng sama ng loob pero nakakulong ito ngayon... dahil sa akin.

Inagaw ko pa sa kanya ang pagmamahal na dapat sa kanga binibigay ng kanyang asawa.

Ang laki ng mga atraso ko sa kanya. Ako ang dahilan ng pagiging miserable niya ngayon... pero wala siyang ibang pinakita sa akin kung hindi kabutihan lang.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Dala ng awa sa kanya at galit sa sarili ko.

"Maari mo bang samahan ang Mahal na Hari sa bundok ng Zeryu? Hindi ako maaring sumama dahil walang maiiwan sa palasyo."

Kahit hindi niya pa sabihin ay sasama naman talaga ako. Hindi ko pwedeng pabayaan si Scion.

"H'wag po kayong mag-alala, gagawin namin ang lahat para maging maayos ang Mahal na Hari. H'wag na po kayong umiyak, Mahal na Reyn."

Hinawakan niyang muli ang mga kamay ko, "Pagbalik niyo ay magdiwang tayo. Sumama ka sa amin at bibihisan kita ng maganda. Ang dinig ko ay kasintahan mo ang isa sa mga kawal sa palasyo. Tama ba ako?"

"Uhm... opo."

"Masaya ako para sa'yo, Jia. Sana lang ay mahal ka niyang totoo. Ayokong masaktan ka kagaya ko."

Kung alam mo lang... isa ako sa dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon.

"Magiging maayos din po ang lahat, kamahalan."

Aayusin ko 'to. Pangako 'yan.

NAGHAHANDA na ang lahat para sa pagpunta sa bundok ng Zeryu.

Kasama ko ang sampung magagaling na sundalo ng palasyo, si Grock, at si Rushin. Hindi maaring magsama nang maraming sundalo dahil maari lang kaming maamoy ng mga Halea.

Ang mga sundalo naman na ito ay may kapangyarihan at kayang pumatay ng isang batalyong Halea o Mogwai.

"Hindi mo na kailangan pang sumama sa amin, Jia. Mapanganib ito." Ito na ata ang panglimang beses na sasabihin ito ni Rushin. "Nakiki-usap ako, h'wag ka nang sumama."

"Rushin, hindi mo ako mapipigilan. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari 'to sa Mahal na Hari kaya dapat lang na sumama ako."

"Jia, wala kang kasalanan! Hindi mo kasalanan 'yon!"

Tumataas na ang boses niya kaya hinawakan ko ang kamay niya. Kahit papaano, nababasa ko na ang kinukilos niya.

"Paki-usap, hayaan mo na ako. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya."

Umiwas siya nang tingin at inalis niya ang pagkakahawak ko.

"Mahal mo pa nga siya..." mahina niyang sambit. "Sige, wala naman akong magagawa. Mahirap naman talagang pigilan ang puso, 'di ba?"

Hindi na siya humarap pa sa akin. Tumalikod siya para ayusin ang pagkain namin sa paglalakbay.

"Palagi ka lang tumabi sa akin at h'wag na h'wag kang lalayo. Hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa'yong masama, naiintindihan mo ba?"

May galit man sa boses niya ay ramdam ko pa rin ang pag-aalala niya. Hindi na 'yon maalis kay Rushin kahit pa magalit siya.

Ngayong araw din ang paglilitis kay Chaun pero hindi ako makakapunta dahil ngayon na rin ang alis namin. Dalawang linggo na lang kasi at magsisimula na ang beripikasyon ng Emperador at kailangan nakabalik na si Scion at nasa maayos na siyang kalagayan.

Dalawang linggo na lang din naman at babalik na ako sa amin. Pagkatapos namin makabalik sa bundok ng Zeryu at maghahanda na ako para magpunta sa Soka at kunin ang libro na sinasabi ni Doktor Guryo.

Isa-isa nang nagpaaalam ang mga kasama namin sa mga mahal nila sa buhay. Sila rin 'yong sundalong kasama ko sa paglaban sa mga Mogwai noon.

"Tandaan mo ang sinabi ko sa'yo, Jia." Bulong sa akin ni Rushin. "H'wag mo rin gamitin ang kapangyarihan mo. Hindi nila ito pwedeng malaman."

Nakahiga sa isang malaking kahon na tinutulak ng apat kabayo ang Hari. May tig-isa kaming kabayo na nakapalibot sa kahon.

Kung hindi ko magagamit ang kapangyarihan ko, ano pa ang maitutulong ko sa kanila? Ayokonb maging pabigat lang.

Dahan-dahan binuksan ang Exia. Bumungad sa amin ang makapal na alikabok na talagang bubulagin ka sa paglalakbay mo. Binuksan namin ang tig-iisa naming mga apoy na galing sa isang makapal na tangkay ng kahoy.

"Dahan-dahan lang ang pag-usad natin, pakinggan niyong mabuti kung may lalapit na Halea sa atin," sambit ni Grock.

Ang plano, protektahan ang Mahal na Hari kahit na anong mangyari. Kabisado na ng mga sundalong 'to ang galaw ng mga Halea kaya madali na lang silang mapatumba.

May isang libong kilometro ang layo ng Hando at ng bundok ng Zeryu. Aabutin ng apat na araw ang pagpunta namin doon at apat na araw din ang pabalik. Kaya madami na kaming dalang pagkain at mayroon din tulugan at mga kahoy para sa apoy namin.

Hindi kayang sakupin ng mga Halea ang buong Zithea kaya hindi mo sila makikita madalas sa labas ng mga nasyon. Madalas ay nasa kuweba sila upang matulog o magpahinga. Kapag nakaamoy sila ng dugo ay doon ka nila madaling matutunton. Malabo ang paningin nila at mas dumidepende sila sa pang-amoy. Pero sa oras na matunton ka nila ay mababa ang tyansang mabuhay ka pa. Kaya lahat ng Nasyon sa Zithea ay may nalalaking pader.

Buti na nga lang at wala na ang mga Mogwai dahil mas malakas sila sa mga Halea. Mas marami ang namamatay noon kumpara ngayon.

Inutusan ko pa rin ang mga ahas. Inutusan ko sila na magmatyag kung may Halea na lalapit sa amin. Hindi naman nila malalaman na ako ang kumokontrol sa mga ito.

Kailangan maging matagumpay kami sa paglalakabay na ito.

DALAWANG ARAW na ang lumipas sa paglalakbay namin at wala pa naman kaming nakikitang Halea. Isang bagay na ipinagtataka ni Grock. Ang sabi niya sa isang araw na paglalakbay ay dapat may umatake na sa amin na iilang Halea.

Wala naman nakita ang mga ahas na panganib na malapit sa amin kaya maaring wala talagang lumalapit sa amin.

"Heneral, tingin niyo ba ay nasa tamang daan tayo? Nakakapagtaka na wala pa tayong nakikita na kahit ano," sambit ni Lao. Isa sa mga sundalo.

Nagpapahinga muna kami at pabagsak na rin ang araw. Oras na para sa kaunting tulog.

"Nagtataka rin ako pero isipin na lang natin na nasa panig natin ang mga bathala. Maayos tayong makakabalik sa nasyon."

Dalawang gabi ko na rin ipinapanalangin na sana walang mamatay o masktan man lang sa amin. Nang mamatay si Shin, hindi ko man siya ganoon kakilala ay nasaktan na ako, paano pa ang mga pamilya nilang naghihintay sa kanila pabalik?

Biglang nag-ingay ang mga ahas. Tumayo agad ako at agad ko silang binalaan, "May panganib sa paligid."

Agad silang naghanda.

"Paano mo nalaman Lady Jia?" Tanong ni Grock.

"Ah... may narinig akong kung ano."

Ilanb minuto na ang nakalipas pero wala pa ring lumalapit sa amin pero hundi nahihinto ang pag-iingay ng mga ahas.

"Sandali lang."

Pumikit ako at sumilip ako sa mga mata ng isa sa mga ahas. Matagal ko na 'tong napag-aralan pero hindi ko madalas gamitin dahil pagkatapos ay nanlalabo ang paningin ko.

Pagkalipat ng mga mata ko sa isa sa mga ahas ay agad kong nakita ang malalaki at puting mga lobo. Limang lobo ang nakikita ko ngayon pero hindi ako sigurado kung meron pang iba.

Ito ang dahilan kung bakit sila nag-iingay.

Matulis ang tingin ng mga ito sa mga ahas ko.

Nakaramdam ako nang matinding sakit sa mga mata ko kaya agad kong itinigil ang ginagawa ko.

Hindi ko maidilat ang mata ko.

"Jia! Anong nangyari? Gumising ka?"

Unti-unti akong nanghina at nawalan ng malay.


Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 476K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
6.2M 218K 50
Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng isang nobelang magbibigay sa kanya ng ka...
72.1K 2.1K 65
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
121K 4.3K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...