Ang Manliligaw Kong Engkanto...

By ElleNami

333K 10.9K 606

Engkanto. Totoo nga ba sila o kathang isip lamang? Ano na kaya ang magiging reaksyon mo kapag sila ay nakatay... More

Ang Manliligaw Kong Engkanto
Engkanto 1
Engkanto 2
Engkanto 3
Engkanto 4
Engkanto 5
Engkanto 6
Engkanto 7
Engkanto 8
Engkanto 9
Engkanto 10
Engkanto 11
Engkanto 12
Engkanto 13
Engkanto 14
Engkanto 15
Engkanto 16
Engkanto 17
Engkanto 18
Engkanto 19
Engkanto 20
Engkanto 21
Engkanto 22
Engkanto 23
Engkanto 24
Engkanto 25
Engkanto 26
Engkanto 27
Engkanto 28
Engkanto 29
Engkanto 30
Engkanto 31
Engkanto 32
Engkanto 33
Engkanto 34
Engkanto 35
Engkanto 36
Engkanto 37
Engkanto 38
Engkanto 40
Epilogue
Nami's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Announcement

Engkanto 39

5.4K 171 7
By ElleNami

Engkanto 39

5 years later.....

"Ms. Indira, maglunch ka na po." sabi sa kanya ni Joan, ang kanyang student assistant sa university na kanyang pinagtratrabahuan.

Nginitian nya ito. "Mamaya na siguro ng konti. Tatapusin ko pa kasi ito. May isang studyante kasing nag-a-apply ng scholarship." aniya at muling itinuon ang pansin sa monitor.

Isa na syang Guidance Counselor sa isang prestihiyosong unibersidad sa syudad habang si Nadine naman ay nagtratrabaho sa HR ng isang kompanya habang at si Rhian naman ay isang college proffesor sa ibang sikat na unibersidad.

Wala sa kanila ang nagpatuloy ng clinical psychology. Gustuhin man nya ay nasasayangan sya sa mga taong gugugulin sa pag-aaral niyon. Kontento na rin naman sya sa kanyang trabaho ngayon. Mula ng maka-graduate silang magkakaibigan tatlong taon na ang nakakaraan, sa syudad na sila nakabase. Nagsasama rin silang tatlo sa isang apartment na inuupahan nila. Ang kanyang ama naman ay nasa ikatlong termino na ng pagiging Mayor ng kanilang lungsod.

Gusto na nga nya sana itong pagpahingahin na at sa bahay na lang manatili ngunit hindi ito nagpapigil. Hinahanap-hanap kasi nito ang pagtratrabaho at paglilingkod sa bayan. Dinadalaw naman nya ito kapag hindi sya abala sa trabaho at minsan ay ito na mismo ang pumupunta sa kanya.

Patuloy sya sa pagtipa sa kanyang keyboard nang may kumatok sa pinto ng kanyang opisina. Nang mag-angat sya ng tingin ay nakita nya kung sino ito.

"Good Afternoon, Ms. Indira." bati nito sa kanya.

"Good Afternoon din sayo, Keshia."

Umupo ito sa isang upuan na nasa harap ng kanyang mesa. "Ms, gusto ko lang po sanang itanong yung tungkol sa scholarship ko. Na approve na po ba iyon?"

"Malapit nang matapos yung documents. I-pr-print ko muna ito at ng mapapirmahan mo sa Dean." aniya bago tumayo at inasikaso na ang kailangan nitong dokumento.

Pagkatapos ay nagpasalamat ito sa kanya at nagpaalam na. Hindi naman mawala ang ngiti sa kanyang labi dahil may estudyante na naman syang natulungan para sa scholarship nito. Alam nyang maraming gustong mag-aral sa unibersidad na iyon pero dahil nga mahal ang tuition ay nahihirapan ang mga ito. Nagpapasalamat na lamang sya't may scholarship na iginagawad ang unibersidad sa mga mag-aaral na hindi kayang tustusan ang mga bayarin.

Napaigtad sya ng marinig ang kanyang cellphone na nagri-ring. Hindi na nya tinignan ang caller at sinagot ito agad. "Hello?"

"INDIEEEEE! Kumain ka na ba?" patiling sigaw ni Nadine.

Wala sa sariling napailing sya. Wala pa rin itong pagbabago. "Hindi pa eh. Bakit?"

"Wala lang. Hihihi! Kain ka na. Wag mo nang isipin si Fafa Jan---- Ay, wala pala. Sige Indie. Byeeeee." anito at bigla na lang nawala sa kabilang linya.

Napabuntong hininga na lang sya. Naalala na naman nya ang tagpong iyon. Ang tagpong bumago sa kanyang buhay. Limang taon na ang nakakalipas ngunit masakit pa rin. Ni hindi man lang nabawasan kahit konti ang sakit na kanyang nararamdaman nitong nakalipas na mga taon. Hindi nya akalaing nang dahil sa kanya ay mawawala ang mga mahahalaga sa kanya. Ang kanyang ina, si Atlas na itinuturing na nyang kaibigan at ang kanyang pinakamamahal na si Janus.

Kabaliwan man kung ituturing ng iba pero hanggang ngayon ay pinanghahawakan nya pa rin ang sinabi ni Janus na babalik ito kahit na alam nyang napakaimposible niyong mangyari. May mga pagkakataong nawawalan na sya ng pag-asa ngunit hindi nya magawang sumuko. Dahil kapag ginawa nya iyon, ibig sabihin sumuko na rin sya sa kanyang pagmamahal kay Janus. Pwede naman syang magpahinga ngunit ang pagsuko ay hinding-hindi nya gagawin.

Labis na nasaktan ang kanyang ama sa balitang kanyang ipinarating dito noon. Nagising sya sa hospital. Ayon sa kanyang ama, natagpuan sya nito at ni Tata Manding sa harap ng isang malaking kahoy na walang malay kaya't dali-dali syang isinugod ng mga ito sa hospital. Hindi naman naging malubha ang kanyang kalagayan. Tanging mga galos lamang ang kanyang natamo. Sa pisikal na aspeto, wala syang dinadamdam pero sa loob-loob nya, parang paulit-ulit na tinutusok ang kanyang puso.

Nang maikwento nya sa kanyang ama ang lahat ay napahagulhol rin ito. Umasa kasi itong makikita nito ang kanyang ina ngunit hindi na iyon nangyari at hindi na mangyayari pa kahit kailan. Araw-araw syang umiiyak noon. Halos hindi na sya lumalabas ng kwarto at wala syang ibang kinakausap kundi ang kanyang ama lamang. Maging ang mga kaibigan nya ay hindi nya hinaharap.

Ngunit dumating sa kanya ang realisasyon na walang mangyayari sa buhay nya kung iiyak lang sya ng iiyak. Kaya pinagbutihan nya ang pag-aaral. Inabala nya ang kanyang sarili upang kahit paano ay makalimutan nya ang trahedyang nangyari. Nagpapasalamat din sya na grumaduate sya bilang Magna Cum Laude. Nagbunga ang kanyang mga paghihirap at iniaalay nya iyon sa kanyang mga magulang at kay Janus. Noong 21st birthday nya ay tinupad nya ang kanyang sinabing magde-debut sya. Ang kanyang Daddy ang kanyang naging escort noon. Gusto nyang magsaya noong panahong iyon ngunit hindi nya magawa. May bahagi ng kanyang isip ang humihiling na sana si Janus ang kanyang escort sa espesyal na araw na iyon. Napapangiti na lamang sya ng mapait sa tuwing naaalala iyon hanggang ngayon.

Ni hindi pa sya nagkakaroon ng kasintahan. May mga nanliligaw naman sa kanya noon ngunit tinatanggihan nya ang mga ito. Sinasabi na lang nya na hindi pa sya handa ngunit ang totoo, may hinihintay sya. Naghihintay sya kahit alam nyang imposibleng bumalik ito.

Nagpasya syang kumain na ng tanghalian. Pumunta sya sa mall. Hindi na nya inabala pa ang kanyang mga kaibigan dahil alam nyang busy ang mga ito. Lalo na si Nadine na halos araw-araw yata ay dada ng dada tungkol sa mga ini-interview nitong mga aplikante. Ito lang ang hindi nagtratrabaho sa isang paaralan sa kanilang tatlo. Ayun dito, nakakasawa na daw.

Nagpasya syang kumain sa isang fast food chain. Gusto nya kasing magtipid lalo na ngayon at gusto nyang may ipon sya dahil malapit na ang pasko. Kung makademand pa naman ng regalo ang kanyang mga kaibigan ang akala sa kanya ay milyonarya.

Habang kumakain ay nakikinig lamang sya sa music. Nakasanayan na nya iyon dahil ayaw nya ng tahimik na paligid kapag kumakain. Mamimiss lang nya lalo ang Daddy nya.

Nang matapos sya sa pagkain ay naglibot-libot muna sya sa mall. Alas dose y media pa lang naman kasi. Alas dos pa ang kanyang pasok sa paaralan. Matagal kasi syang nag-o-out kaya matagal din ang kanyang in. Buti na lang at may ganoong palatuntunan sa kanyang pinagtratrabahuan.

Habang naglalakad ay napansin nya ang isang botique. Ilang linggo na rin syang hindi bumibili ng bagong damit kaya't pumasok sya sa loob upang pumili. Halos maliyo sya sa dami ng magagandang designs ng damit. Nagtatalo tuloy ang kanyang kalooban kung alin sa mga damit na kanyang nagustuhan ang kanyang bibilhin. Ang mahal naman kasi.

Sa huli ay bumili sya ng tatlong bestida na kanyang magagamit sa tuwing papasok sya sa kanyang trabaho, dalawang blouse na pwede niyang gamitin sa pagsisimba at isang sapatos na wedge. Nang mabayaran na nya iyon ay ngiting-ngiti syang lumabas doon. Napakagaan ng kanyang pakiramdam. Naging stress reliever na nya kasi ang pagsho-shopping kaya ganoon na lamang ang kanyang nararamdaman.

Nang tingnan nya ang kanyang relong-pambisig ay ala una y kinse na pala. Medyo natagalan sya sa pagpili at pagbili ng mga damit. Kailangan na nyang bumalik sa kanyang trabaho.

Palabas na sana sya ng mall ng bigla na lang syang natapilok. "Aray!" nakangiwing daing nya pa habang hinawakan ang kanyang nasaktang paa.

Kung bakit naman kasi ngayon pa ito nangyari sa kanya. Sanay na naman syang magsuot ng mga sapatos na may matataas na takong ngunit ewan ba nya't ngayon pa yata sya madidisgrasya. Siguradong male-late sya nito. Aabutin pa naman ng halos trenta minutos ang kanyang byahe patungo sa unibersidad pagkatapos ay lalakarin pa nya ang napakalawak na school ground at aakyat pa ng tatlong palapag bago makarating sa kanyang opisina. Naku! Ayaw pa naman nyang nale-late. Kaltas sa sweldo iyon pag nagkataon. Sayang ang perang kanyang makikita lalo na ngayong pusupusan ang kanyang pag-iipon at nakagastos pa sya sa kanyang pinamiling mga damit.

Napabuntong hininga na lang sya habang pinipilit ang sariling makatayo. Ngunit hindi pa man nya masyadong naaangat ang kanyang sarili ay napapaupo na naman sya! Wala yatang ibang taong nakakapansin sa kanya dahil abala rin ang mga ito.

Napapikit na lang sya ng mariin ng maramdaman ulit ang pagkirot ng kanyang paa. Tsk. Kung minamalas ka nga naman.

Akmang iaangat na naman nya ang kanyang sarili ng maramdaman nyang may humawak sa kanyang mga kamay at tinulungan syang makatayo. Hay salamat at may nagmalasakit din.

Nang tuluyan na syang makatayo ay nakita na nya nang buo ang nagmalasakit sa kanya. At ganun na lang ang kanyang pagkabigla. Napanganga pa sya at hindi makapaniwala.

Ngumiti lang ito sa kanya ng pagkatamis-tamis.

Ito na ba ang tamang oras para sa lahat?

Totoo ba ang nangyayaring ito o isa na naman sa kanyang pinapantasya?

"J-Janus?"

Continue Reading

You'll Also Like

47.1K 1K 38
#61 in Vampire (09-30-17) Meet the girl who seeks for vengeance and the boy who wants freedom. A forbidden pendant and the one it has chosen. What wo...
1.9M 183K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
74.3K 2.9K 82
✏Taming The Hot Heades Vampire[Third Installment of Heiress Series] ✒Haven Faye Sley Xiena is one of the successor of Sley Empire.She is the daughter...
368K 6.8K 107
Unveiling now the mysterious nerd's secret!