Zithea (Published under Indie...

By blue_maiden

2.2M 117K 36.8K

POLARIS BOOK 2 Akala ni Xiang Serenity ay tapos na ang lahat simula nang matalo nila ang hari ng kasamaan ngu... More

Pagpapakilala
Simula
Kabanata 1: Bagong tahanan
Kabanata 2: Anino sa gabi
Kabanata 3: Katotohanan
Kabanata 4: Hando
Kabanata 5: Muling Pagkikita
Kabanata 6: Manggagamot
Kabanata 7: Reyna Weiming
Kabanata 8: Ang pagbabalik mundo
Kabanata 9: Misteryo
Kabanata 10: Paghihinala
Kabanata 11: Pag-amin
Kabanata 12: Pagseselos
Kabanata 13: Natatangi
Kabanata 14: Kaibigan
Kabanata 15: Chaun
Kabanata 16: Isipiya
Kabanata 17: Punong Doktor
Kabanata 18: Kasunduan
Kabanata 19: Ugnayan
Kabanata 20: Hari ng Lobo
Kabanata 21: Earth
Kabanata 22: Bundok ng Deri
Kabanata 24: Yuppa
Kabanata 25: Bundok ng Zeryu
Kabanata 26: Pag-amin
Kabanata 27: Halik
Kabanata 28: Pagbalik
Kabanata 29: Pagbagsak
Kabanata 30: Hari ng Soka
Kabanata 31: Paghihiganti
Kabanata 32: Naulilang Ama
Kabanata 33: Pagbaba sa Trono
Kabanata 34: Pagsakop
Kabanata 35: Heneral Baxia
Kabanata 36: Koronasyon
Kabanata 37: Pamamaalam
Kabanata 38: Huling pagkikita
Katapusan

Kabanata 23: Halik

48.1K 2.6K 1.3K
By blue_maiden


SANDALI lang ang halik na iyon pero parang umabot ng ilang minuto. Habang nakadampi ang mga labi niya sa akin ay tila ba may kuryenteng dumaloy galing sa aking paa papunta sa aking ulo.

Hindi ito ang una kong halik pero kakaiba pa rin ang pakiramdam dahil sa ibang tao ko na ito naramdaman muli.

Dahan-dahan na umatras si Rushin, "Ah... uhm... pasensya na... Jia."

Pulang-pula ang magkabila niyang pisngi. Nakatingin siya sa ibaba at napapakagat siya sa kanyang labi.

"Hi-hindi ko sinasadya. Nadala ako sa... damdamin ko. Pasensya na, Jia. Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin."

Ramdam ko na hiyang-hiya siya sa akin. Maski ako ay nagulat sa ginawa niya pero hindi ako makaramdam ng galit sa kanya.

Muli kong sinilip sa likuran niya si Scion na nakatayo sa malayo pero wala na siya. Nandoon nga ba talaga siya o baka guni-guni ko lamang iyon?

"Nagulat ako sa ginawa mo pero hindi ako galit..."

Tumingin siya sa akin at parang may pagkinang sa mga mata niya. Kumurba nang bahagya ang kanyang labi.

"Uhm... ang ibig sabihin ba noon ay nagustuhan mo rin ang... ang halik na iyon?"

Hindi ako nakaramdam ng galit pero hindi ko rin masasabi na nagustuhan ko iyon. Pareho sa nangyari sa amin noon ni Scion, noong halikan niya ako.

Hindi ko naman kasi mahal si Rushin... iba ang taong mahal ko.

"Rushin... gusto kong maging tapat sa'yo at tingin ko alam mo naman ang totoong nararamdaman ko. Alam mo naman na si Scion ang–"

Nang magsalita ako ay kinagat na niya ang labi niyq pero ilang segundo lang ay dumugo na ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ko at agad na nataranta.

Pinutol ko ang dulong tela ng damit ko para itapal sa sugat niya sa labi, "Ano bang nasa isip mo? Bakit mo sinaktan ang sarili mo?"

Hindi siya nagsasalita at hinahayaan niya lang ako na takpan ang sugat niyang malakas ang pagdaloy ng dugo. Mabilis na nagpalit ang kulay ng mga mata niya sa pula pero sa pagkakataon na ito para bang mas kalmado siya tignan.

Tumingin ako sa ibaba at nakita ko ang dalawa niyang kamao na nakasara na.

Anong dahilan at nagagalit siya? Dahil ba sa sinabi ko ang nararamdaman ko para kay Scion?

"Pasensya na kung ano man ang nasabi ko na ikinagalit mo, hindi ko gustong magalit ka."

Hindi pa rin siya nagsalita imbes ay niyakap niya ako... nang mahigpit.

"Alam kong hindi pwede at alam kong may iba kang mahal pero nahihirapan na akong pigilan ang sarili ko, Jia."

Nahuhulog na ba talaga siya sa'kin?

"Rushin... patawarin mo ako. Hindi ko gustong mahirapan ka."

Umiling siya at hinaplos ang kanan kong pisngi, "Wala kang dapat ipagpatawad, Jia. Wala kang kasalanan, ginawa ko ang ito sa sarili ko."

Kinuha niya ang tela at ibang pagkain. Inilagay niya ito sa beibao.

"Mabuti pa ay ihatid na kita sa Mahal na Hari. Hindi maganda na gabihin kayo rito sa bundok na ito. Kainin niyo ang mga pagkain na ito kapag nagutom kayo. Naglaan ako ng pagkain para sa kamahalan, ito ay nasa kanan."

Wala na ang kulay pula sa mga mata niya pero magkahalo ang dilaw at asul ngayon.

Pakiramdam ko ay nasaktan ko siya pero hindi ko naman talaga sinasadya iyon. Gusto kong maging tapat sa nararamdaman ko dahil ayokong magsinungaling sa kanya.

Inihatid niya ako papunta sa mas itaas pa ng bundok kung nasaan sina Scion.

"Alam kong hindi gusto ng kamahalan na nandito ako kaya babalik na ako pero sa oras na kailanganin mo ako ay hipan mo lang ito," kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya sa palad ako ang isang kwintas na may nakasabit na maliit na kabibe. "Kapag hinipan mo 'yan ay maririnig ko ito sa aking kwintas."

Inilabas niya ang kwintas niya na pareho sa ibinigay niya sa akin. Isinabit niya ito sa leeg ko.

"Gusto kong maging tagapagtanggol mo, Jia. Gusto ko na kapag kailangan mo ako ay ako ang unang tutulong sa iyo kaya sana ay gamitin mo ang kwintas na iyan."

Ngumiti siya sa akin pero ramdam ko pa rin ang lungkot sa mga mukha niya. Nasasaktan ako ngayon dahil nasasaktan ko siya.

Ang araw na sana ito ay masaya para sa aming dalawa pero sa huli ay hindi pa rin naging maganda. Gusto kong makabawi kay Rushin pero bakit hindi ko iyon magawa?

"Hindi mo matuturuan ang puso mo, Jia kaya alam ko na hanggang ngayon ay mahal mo pa rin ang kamahalan. Pero ayokong masaktan ka kaya sana mas turuan mo ang puso mo na mahalin ang sarili mo."

Ang bawat salita na sinabi niya ay parang sumusuntok sa puso ko. Tagos na tagos. Pinigilan kong tumulo ang mga luha sa mata ko.

Kung pwede nga lang turuan ang puso ko, ikaw na lang ang minahal ko at hindi si Scion.

"Mag-iingat kayo, at tandaan mo ang bilin ko. Mauuna na ako."

Pinagmasdan ko siyang maglakad palayo. Pakiramdam ko nasaktan ko siya ngayon. Imbes na mapasaya ko siya ay kabaliktaran pa ang nangyari.

Paano ba ako makakabawi sa'yo, Rushin?

Pinuntahan ko na sila Scion. Kailangan mainom agad ni Weiming ang gamot para may sapat siyang lakas bukas. Malakas ang pakiramdam ko na matagal na niyang inaabangan ang paglilitis kay Chaun.

"Heneral Grock," tawag ko. "Nandito na ako para tulungan kayo na hanapin ang gamot."

Napataas ang kaliwa niyang kilay, "Tapos na kayo agad? Mukhang napaaga ata."

"Ayaw ni Rushin na gabihin tayo rito sa bundok ng Deri kaya nauna na siya."

"Ang totoo niyan ay babalik na kami sa palasyo dahil kailangan namin ayusin ang paglilitis bukas. Maiiwan kayong dalawa ng kamahalan dito."

Nanlaki ang mga mata ko. Maiiwan kaming dalawa? As in dalawa lang kami? Pwede ba nilang iwan ang Emperador nila na mag-isa lang?

"Pe-pero, hindi niyo pwedeng iwan na lang ang kamahalan," reklamo ko.

"Ang Mahal na Hari ang may utos nito, hindi naman ito pwedeng suwayin. Isa pa, malakas ang kamahalan kaya wala kang dapat ipag-alala, Lady Jia."

Alam ko naman 'yon, at kaya ko rin naman ipagtanggol ang sarili ko. Hindi lang ako komportable na dalawa na lang kaming maiiwan dito.

Siguro hindi rin pumayag si Rushin kung alam niyang mangyayari 'to.

"Pero wala bang makakakita sa amin? Tama ang sabi ni Rushin, hindi magiging maganda sa ibang tao kung makikita kami ng kamahalan na magkasamang dalawa."

"Kailangan kayo ng kamahalan dahil kayo ang eksperto sa gamot. Wala naman namamagitan sa inyong dalawa, hindi ba?"

Tumango ako. Tama... wala naman namamagitan sa amin. Wala naman kaming gagawin na masama.

Isa-isa na silang nagpaalam kay Scion at sa akin. Tahimik kaming dalawa habang naglalakad at hinahanap ang Yuppa. Dala-dala ko ang beibao na bigay ni Rushin.

"Ano ang laman ng beibao na iyan?" Tanong ni Scion.

"Pagkain po ito kamahalan. Ipinabaon sa akin ni Rushin para hindi ako magutom dito. Meron nga po siyang inihanda para inyo, ito."

Kinuha ko ang pagkain niya at inabot ko ito. Ayaw niyang kunin kaya ibinalik ko na lang sa beibao.

Nakakadami na kami nang hakbang at biglang tumunog ang tiyan niya. Hindi ko napigilan ang aking pagtawa.

"Kainin niyo na po ito, mahirap magutom dito."

Inabot ko ulit ang pagkain at kinain naman niya iyon. Natahimik muli kaming dalawa pero paminsan ay napapangiti ako kapag naiisip ko ang pagtanggi niya sa gawa ni Rushin.

Sa gitna ng bundok ay nakita na namin ang gamot na hinahanap namin, ang Yuppa. Isa itong bulaklak na kulay lilac, para itong mga rosas pero mas maliliit.

Agad akong lumapit doon pero nagulat ako ng makaramdam ako ng parang kagat ng langgam sa leeg at kamay ko.

Masakit ito pero mas lalong sumakit nang uminit ang mga ito.

"Jia!" Sigaw ni Scion.

Nanlabo ang paningin ko at natumba ako sa lupa. Bigla akong nahirapan huminga. Walang lumalabas na hangin sa ilong ko kaya ibinuka ko ang bibig ko para makasagap ng hangin.

"H'wag kang pipikit!"

Ramdam ko pa rin ang sakit at malabo pa rin ang paligid. Sabihin man ni Scion na h'wag akong pumikit pero bumibigat na ang mga mata ko.

Gustong gusto ko nang ipikit ang mga mata ko pero bago ko pa 'yon magawa ay inilapig ni Scion ang mukha niya sa akin at.... inilapat niya ang labi niya sa akin.

Pero hindi niya ako hinahalikan, binibigyan niya ako ng hangin. May kakaiba nga lang sa hangin na galing sa bibig niya. Malamig ito at kada buga nito sa aking bibig ay unti-unting nawawala ang mainit na pakiramdam sa parte kung saan ako tila kinagat ng kung ano.

Niyugyog niya ang katawan ko, "Masakit pa ba? Nararamdaman mo pa ba ang mga kagat?"

Umiling ako, wala na ang sakit.

Inalalayan niya ako upang makaupo. Kinuha niya ang bote sa gilid niya, binuksan niya iyon at ipinainom sa akin.

"Ayos ka na ba?"

Grabe ang pag-aalala sa mga mata niya. Pinigilan kong mapangiti.

Wala naman ibig sabihin ang mga ito. Ililigtas naman niya kahit sino pa ang nasa sitwasyon na ito.

"Ayos na po ako, kamahalan."

"Mabuti naman, nagulat ako sa ginawa mo. Hindi ka ba tinuruan ng punong doktor na may mga itim na bubuyog na nagbabantay sa mga bulaklak na iyan?"

Hindi niya iyon sinabi sa akin pero pakiramdam ko ay nakasulat 'to sa papel sa likod, hindi ko lang nabasa.

"Wala po siyang kasalanan, hindi mo po nabasa nang maayos ang papel."

Hinawakan niya ang braso ko at inalalayan sa pagtayo.

Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at nagpakawala siya ng dilaw na enerhiya. Isa-isa nitong pinuntirya ang sinabi niyang itim na bubuyog.

Iba 'to sa bubuyog na meron sa earth. Maliliit ito kaya halos hindi mo makita pero sobrang haba ng pantusok nila sa puwetan.

Nang wala na ang mga ito ay kinuha na niya ang Yuppa at inilagay sa bag na nakasabit sa likuran niya.

"Sa susunod ay mag-iingat ka. Baka sabihin ng kasintahan mo na pinapabayaan kita."

Nagsalubong ang mga kilay ko. Pwede naman niya akong paaalalahanan at hindi na banggitin si Rushin.

"H'wag po kayong mag-alala kamahalan, marunong pong umintindi si Rushin."

Pababa na kami ng bundok.

"Marunong? Parang sasabog na ang mukha niya kanina dahil ayaw ka niyang paupuin sa likuran ko."

Seryoso ba siya? Bakit naman kasi ako uupo sa likuran niya, aber?

"Paumanhin po pero may punto naman siya kamahalan, ayaw niya lang akong mapahamak."

"Sabagay, sino ba naman ang papayag na mapalapit ang kasintahan nila sa isang katulad ko? Matipuno, mabait at isang Emperador."

Hindi pa rin talaga nawawala ang pagiging mahanggin niya. Hindi niya ikina-gwapo ang mga sinasabi niya.

"Hindi naman po lahat kamahalan ay basta na lang mahuhulog sa iba, lalo na sa isang taong may asawa na."

Bigla siyang huminto sa paglalakad kaya huminto na rin ako.

"Ano pang problema, Mahal na Hari?" Hindi ako tumingin sa kanya. Diretso lang ang tingin ko.

"May mga bagay na mahirap ipaliwanag, Jia. May mga puwersa sa ibang mundo o dimensyon na maaring kumontrol sa kilos at pag-iisip mo kaya may mga bagay na kahit ayaw mo ay nagawa mo."

Hindi madaling intindihin ang mga sinabi niya pero unti-unti naman lumiwanag sa akin ang nais niyang iparating.

Sinasabi niya na kinontrol ko siya sa Polaris kaya may mga bahay siyang nagawa na ayaw niya.

Pero anong bagay 'yon?

'Yon bang pagpapakasal niya kay Weiming?

"Kung nasaan man ang taong kumontrol sa akin, gusto kong sabihin sa kanya na lahat ng ipinagawa niya sa akin ay hindi ko gusto," nagsimula na kaming maglakad at pakiramdam ko ay kanina niya pa ako tinitignan ngunit hindi ako lumilingon. "Gusto kong sabihin na nagkamali ako."

Nagkamali saan?

"Dapat nanatili na lang ako sa tabi niya at hindi na umalis pa."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagsisimulang uminit ang magkabilang pisngi ko. Maharan kong kinagat ang labi ko.

"Sana nasabi ko ang totoong nararadaman ko..."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako para magkaharap kaming dalawa.

Mabilis dumilim kaya nangingibabaw na naman ang asul niyang mata na lumiliwanag sa dilim.

"Sa totoo lang hindi ko pa rin nakumbinse ang sarili ko na hindi ikaw si Xiang dahil sa tuwing susuko na ako ay may mga bagay akong makikita sa'yo na meron din siya."

Humakbang siya ng isa palapit sa akin kaya napaatas din ako ng isa patalikod. Paghakbang niya muli at hinila na niya aki palapit sa kanya para hindi na ako makaatras pa.

"Kung ikaw man si Xiang o hindi, hayaan mo lang akong sabihin ang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya... dalawang taon ko na 'tong gustong ilabas."

Inangat niya ang kanang kamay niya at hinawakan niya ang labi ko.

"Xiang... nagkamali ako. Hindi na si Weiming ang mahal ko... hindi siya... dahil ikaw na 'yon. Mahal kita, Xiang Serenity."

Lumapit siya sa mukha ko at dumampi ang labi niya sa labi ko, akala ko ay hinalikan na niya ako pero tuloy-tuloy na bumagsak ang katawan niya sa lupa.

"Mahal na Hari?"

Wala na siyang malay. Tinignan ko agad ang pulso niya pero mabagal ito at napaka-init ng katawan niya. Punong-puno ng pawis ang katawan niya.

"Mahal na Hari! Gumising kayo!"


Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

73K 2.1K 65
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
387K 28.3K 45
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
31.9M 815K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...