Exclusively Dating The Idol |...

Von gwynchanha

806K 30.3K 4.7K

Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Al... Mehr

Exclusively Dating The Idol
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
SPECIAL CHAPTER
note (please read!)
FAQ (seryoso na!)
Other Stories
BOOK ANNOUNCEMENT!!!
Special Chapter 2

Chapter 45

8.3K 370 16
Von gwynchanha

Chapter 45


Nagising ako at napasinghap nang maramdaman ang malamig na tubig na tumama sa mukha ko at dumaloy pababa sa katawan ko. Napamulat ako ng mga mata at kumurap-kurap para maalis ang tubig na nasa mga mata ko. 

Napatingin ako sa harapan ko nang marinig ang pagkalabog ng balde. Katabi no'n ay isang babae, kaya inangat ko ang tingin ko sa kaniya. 

She smiled at me. "Rise and shine, bitch!" she greeted.

Nagtagis kaagad ang bagang ko nang makita ang pagmumukha niya. Hindi ba nila ako titigilan?!

"Miles..." I said while catching my breathe. 

Ngumiti siya. "Aw, naaalala mo pa pala ako. Akala ko kinalimutan mo na ako." Humawak siya sa kaniyang dibdib, nagkunwaring masaya. "I'm deeply touched."

I gritted my teeth in so much anger. "Fuck you!"

Naglaho ang kaniyang ngiti. Tumalim ang kaniyang titig sa akin. 

"Hindi ko gusto 'yang bibig mo, ha. Pasalamat ka't hindi kita pwedeng saktan ngayon!" 

Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatitig sa kaniya. Dinukot niya mula sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellphone 'tsaka tumalikod sa akin at may tinawagan.

"Hoy, nasaan ka na ba? Kanina pang nandito ang babaeng 'to!"

Unti-unti akong napapikit at napayuko, pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Hindi yata ako titigilan ng mga 'to, eh. 

Nagpatuloy siya sa pakikipag-usap sa kung sino man 'yan. Nang natapos, binalik niya ang cellphone sa bulsa bago humarap ulit sa akin. 

Humakbang siya papalapit sa akin. Napangiwi ako mang mariin niyang hinawakan ang baba ko at pilit na inangat paharap sa kaniya. 

She smirked. "Any last words? Mamamatay ka naman na mamaya." 'Tsaka siya mala-demonyo na tumawa.

Marahas na binitawan niya ang baba ko kaya napabaling ang ulo ko sa gilid. Sumakit ang panga ko dahil sa mariin niyang pagkakahawak kanina. 

Tinalikuran niya ako 'tsaka siya lumakad paalis. Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya. Wala akong magawa dahil mula dibdib ko hanggang paa ay may mga lubid na nakatali. 

Umalingawngaw sa apat na sulok ng malawak na basement ang tunog ng pinto'ng padarag niyang isinara. 

Napabuga ako ng hangin. 

Will this be my last? I hope not.

  - JUSTIN's POV-

Nasa loob pa rin ako ng kotse. Naka-park ako sa tapat ng building ng agency namin. Nakita kong pumasok sina Josh sa loob kasama si Manager Anne. Napabuga na lang ako ng hangin.

Wala ako sa mood ngayon. 

Napabaling ang tingin ko sa cellphone kong nasa dashboard nang umilaw 'yon. Kaagad kong kinuha para tingnan kung ano ang nag-pop sa screen.

From: Josh

Nasaan ka na? Magsisimula na ang shoot mamaya. Dito ka namin sa building hihintayin. 

From: Josh

'Wag kang mag inarte na parang babae. Hindi bagay sa'yo. 

Napasimangot ako. Akala ba nila nag-iinarte lang ako? I just got rejected again by the love of my life! Hindi ba pwedeng malungkot at mapag-isa muna?

Binalik ko na lang ang cellphone ko sa dashboard. Pero wala pang limang segundo, tumunog 'yon. Sa pag-aakalang si Josh na naman 'yon, umirap ako bago sinagot ang tawag. 

"Oh?" Tipid kong sabi.

The person on the other line chuckled. "Hello, babe! How have you been?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Sharlene?"

She giggled. "Aw, you remembered me! I'm so happy."

Naging blanko ang expression ko. "Anong kailangan mo?"

"Oh... what I want is so simple!" she said, emphasizing the last word. "Do you know what it is?"

"Diretsuhin mo na lang ako, pwede?"

Tumawa siya. "Masyado ka namang atat, babe. But, well, fine! I'll tell you. What I want is simple; come back to me."

Mas lalo akong nainis. "Sharlene—"

"Oops! Don't say no, I won't accept it," she cut me off. "We'll talk about 'us' later. I'll text you the address, you should come. Ayaw mo naman sigurong may masamang mangyari sa 'girlfriend' mo, hindi ba?"

Naalarma ako. Biglang pumasok sa utak ko si Naji. 

"What are you up to, Sharlene?" I asked with gritted teeth. "Kapag nalaman kong may nangyari sa kaniya at ikaw ang dahilan, humanda ka talaga sa'kin!"

She gasp exaggeratedly. "Oh! I'm scared, babe," she sarcastically responded but laughed after. "Kung gano'n, siputin mo ako sa address na itetext ko sa'yo. Have my way, or you'll see your girlfriend's dead body!"

Napamura ako. May sasabihin pa sana ako pero pinatay niya na kaagad ang tawag. I was about to call her again, but a text from the same number popped. She just texted me the address. 

Kaagad kong binuhay ang makina ng kotse at humarurot papunta sa address na 'yon.

Naji... sana ligtas ka lang ngayon.

--

The GPS says na nakarating na raw ako. Hininto ko kaagad ang kotse 'tsaka nilibot ang paningin sa paligid. Hindi pamilyar sa akin ang lugar. 

It's like an abandoned factory na halos dalawang oras ang layo mula sa syudad. Nahirapan pa ako papunta rito kasi wala ng mga taong nakatira malapit dito, medyo lubak-lubak na ang daanan at maraming mga ligaw na damo. 

Bumaba ako ng kotse. Sa harapan ko ay isang cyclone gate na may nakalagay pang "NO ENTRY" pero nakabukas na. Kinakalawang na rin 'yon, parang isang sipa mo lang do'n guguho ang buong gate pati ang fences.

Nilabas ko ang cellphone ko at dinial ang numero ni Sharlene, pero hindi siya sumagot. Sinubukan ko ulit, pero naka-off na ang kaniyang cellphone. 

Napabuga ako ng hangin. Binalik ko na lang ang cellphone sa aking bulsa bago ako lumakad papasok sa gate. The dried leaves on the ground crisps everytime I step on them. Bahagya kong tinulak ang cyclone gate 'tsaka pumasok. 

J&C Manufacturing. 'Yon ang nakalagay sa sign na nasa ibabaw ng building, na may kalawang na at nakabitin na lang at malapit na mahulog.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sobrang tahimik ng paligid at tanging ang mga yabag ng mga paa ko lang at ang hangin ang naririnig ko. Huminto ako nang nasa tapat na ako ng pinto. 

Nang itulak ko ang pinto, halos mabingi ako sa ingay nang tumagis ang ilalim no'n sa sementadong sahig. Umalingawngaw din 'yon sa buong building. 

Humakbang na kaagad ako papasok 'tsaka nilibot ang paningin. Puro mga mga kahoy at plywood ang nandito, ang iba ay inaanay na sa sobrang tagal.

"Ang tagal mo naman."

Naalarma ako at kaagad na hinanap ang may-ari ng boses. Umalingawngaw sa tahimik na building ang tagatak ng heels na tumatama sa sahig. 

Dumapo ang paningin ko sa babaeng sumulpot ilang metro ang layo mula sa akin sa harap. Nagtagis kaagad ang bagang ko nang makita ang pagmumukha niya.

"Sharlene!" sigaw ko para marinig niya ako. "Hindi mo ba talaga kami titigilan? O kahit si Naji na lang? Hiwalay na nga kami, oh! Ano pa ba ang gusto mo?"

"I told you," kalmado niyang sabi pero ramdam ko ang galit. "I want you to come back to me. You loved me once, I know you can love me again."

"Hindi kita minahal kahit isang beses!" mariing sabi ko.

Mas dumilim ang kaniyang titig sa akin. The edge of her lips twitched in anger. 

Marahas siyang bumuga ng hangin. "So... you mean, all of those moments we had, were all fake? Hindi mo 'ko mahal?"

"Oo. I was just attracted to you but I never loved you. Even once," pag-amin ko. "Si Naji lang ang minahal ko."

Sumigaw siya bigla sa sobrang galit. "Bullshit!" Sinipa niya ang shelf na nasa gilid niya dahilan para matumba 'yon. 

Napaawang ang mga labi ko at namilog ang mga mata nang pagkatapos matumba ng shelf, nakita ko si Naji na nakatali sa silya, may blindfold at may nakatali rin sa bibig. 

"Naji—"

"Stop right there!"

Napatigil kaagad ako nang naglabas siya ng baril at itinutok sa akin. I've known her for being a sweet and gentle person, I didn't imagine her holding a gun ang pointing it at someone as if she's used to it like she's doing now. 

"S-Sharlene..." Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Galit siya. Baka mahila niya pa ang trigger. 

"All my life, I've never loved anyone like I did to you!" she screamed in so much anger. "You were the first person who told me I am enough, that I am beautiful no matter what they say, that I should be brave to face everything in my life! Minahal kita dahil do'n. I thought You loved me, too. 'Yon pala, niloloko mo lang ako!"

"S-Sharlene, I'm sorry, okay?" mahinahon kong sabi habang unti-unting humahakbang papalapit. "But I was sincere when I said those words to you. Sadyang hindi lang kita kayang mahalin dahil..."

"And you love this girl!?" 

Napaawang ang mga labi ko at napatigil ako sa paghakbang nang itutok niya naman kay Naji ang baril. 

Mala-demonyo siyang ngumiti. "You know what, Jah? I can get rid of anyone or anything just so I can have my happiness." Idiniin niya ang nguso ng baril sa gilid ng ulo ni Naji. "Even if it means killing this girl!"

"Sharlene... calm down—"

"Ano ba ang meron sa babaeng ito na wala ako? Just tell me! I can give it to you!" Bumaling siya sa akin. "I couldn't find any reason for you to love her. She's not even that special! Hindi ba sinabi ko sa'yo na papakawalan lang kita kapag may nahanap ka nang mas higit sa akin? Well, I change my mind. Walang mas hihigit sa akin para sa'yo!"

Hindi ko na napigilan. Tumakbo na ako papalapit sa kanila. 

"Sharlene, drop the gun—"

"No!"

Pumutok ang baril. Napangiwi ako nang sumakit bigla ang kaliwang hita ko, nawalan ako ng balanse kaya napaluhod ako sa sahig. Gamit ang isang kamay ko ay tinakpan ko ang sugat ko para hindi 'yon dumugo lalo. 

She just shot me. She's crazy!

Nang nag-angat ako ng tingin sa kaniya, nakita kong marahas niyang hinihila si Naji patayo. Kinaladkad niya rin si Naji papalabas sa pintuang nasa malayong gilid. I could hear Naji's muffled screams. 

Tumayo ako pero napaluhod ulit ako nang inatake ng matinding sakit ang hita ko, sa may parte na tinamaan ng baril. Napangiwi ako at napamura na lang sa sobrang sakit.

Naisuntok ko na lang ang kamay sa sahig dahil sa matinding frustration at galit. 

***

A/N: sorry for the late update! jongmal mianhada :'( Ang next update naman, hindi ako sure kung kailan. Nahihirapan nga akong tapusin ang chap na ito dahil sa mabigat na feeling sa dibdib ko, due to personal reasons. 

I hope you enjoyed reading! :)

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

45.1K 3.1K 50
O N G O I N G ( Continuation of MY BOSS) " ᴋᴀʜɪᴛ ᴀɴᴏ ᴘᴀɴɢ ɢᴀᴡɪɴ ɴɪʟᴀɴɢ ᴘᴀɢʜɪʜɪᴡᴀʟᴀʏ sᴀ ᴀᴛɪɴ ᴅᴀʟᴀᴡᴀ ʜɪɴᴅɪɴɢ ʜɪɴᴅɪ ɴɪʟᴀ ᴍᴀʙᴀʙᴀɢᴏ ɴᴀ ᴛᴀʏᴏ ᴘᴀʀɪɴ ᴀɴɢ ᴘᴀʀ...
168K 3.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
135K 3.4K 90
How will Zyra find the freedom she is looking for? how can she complete her personality? How can she cope with all his difficulties? What if one day...