Zithea (Published under Indie...

By blue_maiden

2.2M 117K 36.8K

POLARIS BOOK 2 Akala ni Xiang Serenity ay tapos na ang lahat simula nang matalo nila ang hari ng kasamaan ngu... More

Pagpapakilala
Simula
Kabanata 1: Bagong tahanan
Kabanata 2: Anino sa gabi
Kabanata 3: Katotohanan
Kabanata 4: Hando
Kabanata 5: Muling Pagkikita
Kabanata 6: Manggagamot
Kabanata 7: Reyna Weiming
Kabanata 8: Ang pagbabalik mundo
Kabanata 10: Paghihinala
Kabanata 11: Pag-amin
Kabanata 12: Pagseselos
Kabanata 13: Natatangi
Kabanata 14: Kaibigan
Kabanata 15: Chaun
Kabanata 16: Isipiya
Kabanata 17: Punong Doktor
Kabanata 18: Kasunduan
Kabanata 19: Ugnayan
Kabanata 20: Hari ng Lobo
Kabanata 21: Earth
Kabanata 22: Bundok ng Deri
Kabanata 23: Halik
Kabanata 24: Yuppa
Kabanata 25: Bundok ng Zeryu
Kabanata 26: Pag-amin
Kabanata 27: Halik
Kabanata 28: Pagbalik
Kabanata 29: Pagbagsak
Kabanata 30: Hari ng Soka
Kabanata 31: Paghihiganti
Kabanata 32: Naulilang Ama
Kabanata 33: Pagbaba sa Trono
Kabanata 34: Pagsakop
Kabanata 35: Heneral Baxia
Kabanata 36: Koronasyon
Kabanata 37: Pamamaalam
Kabanata 38: Huling pagkikita
Katapusan

Kabanata 9: Misteryo

44.4K 2.7K 331
By blue_maiden



ISANG malaking palaisipan sa akin kung paano ako napunta sa Zithea at kung paano rin nagkaroon ng lagusan pabalik sa mundo ko.

Maari kayang may katulad na libro pa ang Polaris? Kung mayroon man, sino ang nagsusulat rito at bakit niya pa ako dinala sa Zithea at pinabalik sa mundo na 'to?

"Ang mahalaga ngayon, nandito ka na ulit sa Earth." Maaga pa lang ay lumabas na kami nina Fashia para kitain ang kanyang ama na nag-iimebstiga sa pagkawala ko. "Matutuwa si papa dahil nakabalik ka na. Ilang linggo na rin siyang hindi makatulog para lang mahanap ka."

"Gusto ko ngang humingi ng tawad sa papa mo dahil sa gulo na dinulot ko."

"Anong itsura ng mundo nila Scion?" Singit ni Cooper. "Mula sa pagkakalarawan mo rito ay napakagandang mundo rin nito, maliban sa mga halimaw."

"Maganda at kakaiba pero hindi ako para roon. Kaya masaya ako na nandito na ulit ako sa mundo ko."

Sinubukan kong ngumiti pero hindi ko alam kung umubra 'yon sa kanila. Ang totoo kasi ay nalulungkot ako dahil hindi ko man lang nagawang magpaalam kay Scion o kahit ang masilayan siya sa huling pagkakataon.

"May masaya bang parang iiyak? Xiang, pwede ka naman magsabi sa amin ng mga saloobin mo. Maiintindihan ka namin dahil mga matalik mo kaming kaibigan."

Umiling ako, hindi na dapat namin pag-usapan pa 'yon. Ang dahilan siguro kaya nakabalik na ako rito sa mundo ko ay para maibaon ko na sa limot ang Zithea, at lalo na si Scion.

"H'wag na natin 'yon pag-usapan. Ang mabuti pa, pag-usapan natin ang mga nangyari habang wala ako. Dalawang buwan din 'yon."

Nagkatinginan silang dalawa at sabay na ngumisi, "Bahala na ang auntie mong magsabi sa'yo. Basta wala kang malalaman sa amin."

Ano namang meron kay Auntie?

Dumating na si Sir Raymond at nakita ko agad ang tuwa sa mga mukha niya nang makita niya ako.

"Serenity! Natutuwa akong makita ka!" Niyakap niya ako nang napakahigpit, "Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa'yo."

Ipinaliwanag ko kay Sir Raymond ang lahat ng nangyari pero hindi pa rin napanatag ang mukha niya. May inilabas siyang mga litrato. Isang pamilyar na lugar ito.

"Bumalik kami sa kuweba kung saan natin napatay ang Reyna ng mga Mogwai. Nagbabakasakali kaming mahanap namin doon si Jun pero iba ang nakita namin."

Malinaw sa larawan ang mga nalagas na balat na kamukhang kamukha sa mga mogwai. Maitim ito at may mga maliliit na patulis, mayroon din itong kulay dilaw na umiilaw sa dilim.

Pero maari rin na naiwan lang ito ng reyna nang mapatay namin siya.

"Naisip ko na rin na maaring noon pa ito nang mapatay namin ang reyna pero base sa mga balat na 'to, nasa isang buwan pa lang simula nang malagas ito. Mabasa basa pa ito."

Ang ibig sabihin ba nito ay hindi talaga namatay ang reyna ng mga mogwai? Pero dalawang taon na ang nakakalipas. Bakit wala man lang napabalita na kahit isa tunkgol sa kanya? At paano namatay ang lahat ng mga anak niya kung buhay pa pala siya?

"Pinadala ko na sa laboratory ang sample, hindi lang ito isa pero isang toneladang mga balat ito."

Kung kailan ko gustong ibaon ang lahat tungkol kay Scion ay siya naman nagsisilabasan ang mga ito.

"Hindi maganda ang kutob ko rito lalo na nang malaman ko ang nangyari sa'yo. Maaring konektado ang mga ito."

Mukhang tama si Sir Raymond. Maaring hindi aksidente ang pagpunta ko sa mundo nila Scion at ang mga bakas na ito ng mga Mogwai.

Kailangan kong malaman kung sino ang nasa likod nito, kung meron man.

"Mayroon pa bang mga Mogwai sa mundo nila Scion?" Tanong ni Fashia.

"Wala na, ibang halimaw na ang kalaban nila sa Zithea."

Sana nga wala na ang mga Mogwai, ngayon na wala na sina Scion sa mundo namin, mahinirapan na kaming puksain sila.

"Babalitaan kita bukas sa resulta ng lab. Sa ngayon ay magpahinga ka muna at pupuntahan ko ang museo kung saan ka biglang nawala. Baka may mga ebidensya akong makuha roon."

Sa mga ikinikilos ni Sir Raymond ay nagkakaroon ako nang masamang pakiramdam. Parang may panganib na mangyayari. Hindi lang sa Zithea kung hindi pati sa Earth.

Akala ko tapos na ang lahat ng problema namin pagkatapos na maibalik sa Attrium ang Polaris pero mukhang pa.

Pinabalik na ako nina Cooper sa bahay para makapagpahinga pero bago ako umakyat sa kwarto ko ay kinausap mo muna sina Auntie at Kuya Arnold.

"May nabanggit kasi sa'kin sina Cooper tungkol sa inyong dalawa. May gusto ba kayong sabihin sa akin?"

Biglang bumaba ang mga tingin nila at hindi sila makatingin sa akin nang diretso. Tila ba nanigas ang katawan ni Auntie.

"Uhm... kasi... ano..." mahinang sabi ni Auntie.

"Buntis ang Auntie mo!"

Napasigaw si Auntie sa sinabi ni Kuya Arnold kaya nahampas niya ito. "Honey!"

Hindi mo mapigilan ang pagtawa ko. Akala siguro nila ay magagalit ako pero hindi na naman sila mga bata kaya walang problema sa akin 'yon. Trenta isingko na si Auntie at tama lang na magbuntis na siya.

"Auntie, good news iyon! May gender na ba ang baby?"

Kinuha niya sa bag niya ang ultrasound at nakalagay doon na isa itong lalaki.

"May naisip na ba kayong pangalan sa magiging pinsan ko?"

"Sa totoo lang meron na, ang naisip namin ay.... Scion."

Saktong umiinom ako ng juice nang sabihin iyon ni Kuya Arnold kaya naibuga ko sa mga mukha nila ang nasa loob na ng bibig ko.

"Pasensya na, nabigla lang ako."

Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan ko ang mukha nilang dalawa.

Sa dami ba naman ng ipapangalan sa anak nila, bakit 'yong taong gustong gusto ko pang kalimutan.

"Isa kasing gwapo at matipunong lalaki si Scion kaya gusto ko sanang ipangalan sa kanya ang anak namin."

Hindi ko na kinontra pa ang gusto ni Auntie. Umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga.

Sabi nila masama raw na paiyakin ang buntis lalo na sensitive sila. Bigla ko tuloy naisip kung ano ang pakiramdam na may isang buhay ang nasa tiyan mo.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay naisip ko si Weiming. Maaring hindi na siya magkakaroon ng anak, sila ni Scion.

Nakikita ko pa naman noon kung gaano magiging mabuting ama si Scion sa mga anak niya. Sayang lang at baka hindi 'yon mangyari.

"Bakit ko ba sila naiisip? Wala na naman ako sa mundo nila kaya dapat lang na alisin ko na sila sa utak ko..." bulong ko sa sarili ko.

Ipinikit ko ang mata ko at sinubukang makatulog pero sa tuwing gagawin ko iyon ay nakikita ko ang mukha ng lalaking ayoko ng makita pa.

Bumangon ako at binuksan ang laptop ko. Naghanap ako sa internet tungkol sa kakaibang pangyayari na pwedeng kumonekta sa mga Mogwai.

May isang article sa online na nagsasabing may masamang amoy na umaalingasaw sa isang baryo malapit sa kuweba.

Maganda siguro kung puntahan ko mismo ang lugar na 'to bukas ng umaga. Gusto kong masiguro na wala 'tong kinalaman sa mga halimaw na 'yon.

➖➖➖➖➖

DALAWANG linggo na ang nakakaraan simula ng makabalik ako sa Earth.

Unti-unting bumabalik sa dati ang buhay ko. Pinalabas na lang sa media na nawala lang ako sa bundok ng Benguet.

Tatlong araw na lang ay kasal na ni Auntie at Kuya Arnold. Iniisip ko na lang na isang panaginip ang pagpunta ko sa Zithea pero hindi ko inalis sa isip ang tungkol sa nakita ni Sir Raymond sa kuweba.

Lumabas na ang lab results at nag-match ang samples na nakuha nila sa mga naiwang balat ng mga mogwai dalawang taon na ang nakakalipas. Ngunit palaisipan pa rin sa amin kung iyon ba ay dalawang taon nang nandoon o bago lang.

Hindi pa rin kami tumitigil sa paghahanap pa ng mga ebidensya kaya umagang umaga pa lang ay nandito ulit kami sa kuweba kung saan naglagi ang Reyna ng Mogwai.

"Dalhin mo ito, Serenity." Ibinigay sa akin ni Sir Raymond ang isang walkie talkie na para bang high tech na ang dating. Kulay itim ito at may touch screen na maliit sa itaas, sa ibaba naman ang parang radyo nito. "Hindi natin alam kung anong kababalaghan na naman ang nangyayari, kung meron man."

"Naiisip niyo ba na baka bumalik ako sa mundo nila Scion kaya niyo ibinigay sa akin ito?"

Tumango siya at kinuha niya ang sarili niyang walkie talkie, "Testing, one two three."

Malinaw kong narinig ang boses niya sa walkie talkie na hawak ko.

"Gamitin mo 'yan kung sakaling kailangan mo ng tulong. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari."

Inilagay ko ito sa back pack ko. Naglibot pa kami muli sa loob ng kuweba para maghanap muli ng pwede pa naming makita.

Sa paglalakad ko palabas ay may humila sa damit ko. Sisigaw sana ako ng tulong ngunit may telang tumakip sa bibig at mga mata ko.

Hinila niya ako patalikod pero nag nakakapagtaka ay nagbago ang inaapakan ko.

Mula sa mabatong lupa ay naging patag na ito. Sa tunog pa ay mukhang mga dahon ang naapakan ko.

Hindi ako makapagsalita dahil sa harang sa bibig ko.

Agad kong kinausap ang mga ahas para tulungan ako pero bago ko pa magawa iyon at binitawan na ako ng kung sinong humila sa akin.

Gayon pa man ay pinatanggal ko sa mga ahas ang piring sa mga mata ko.

Doon ko nakita kung nasaan ako.

Bumalik muli ako sa Zithea.


➖➖➖➖➖

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 477K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
1.8M 181K 205
Online Game# 2: MILAN X DION
46.2K 2.5K 36
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.