Fortune Of The Heart [COMPLET...

By HeartYngrid

158K 6.2K 119

A sole survivor of a plane crash was told by a fortune teller to find a certain woman and marry her in order... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
Part 73
Part 74
Part 75
Part 76
Part 77
Part 78

Final Part

4.1K 245 19
By HeartYngrid


NAGBABASA si Pierre ng business magazine pero wala roon ang buong atensiyon niya. Panaka-naka ay sumisingit sa isip niya ang mukha ni Erika. It had been a month and two weeks since she left home. He missed her so much. He missed her smile, her laughter, the way she hugged him, kissed him, and whispered "I love you." He missed waking up in the morning next to her, and making love with her at night. He missed everything about her.

"Napakabagal mo namang magbasa, hijo. Kanina ka pa nakatitig sa pahinang iyan. Hindi ka na umalis."

Kumunot ang noo ni Pierre sa narinig na pamilyar na tinig. Pamilyar din ang linyang sinabi ng nagsalita. Nakadama siya ng déjà vu. Noong huling beses na sumakay siya sa eroplano ay may pumuna rin sa pagbabasa niya ng magazine. Napalingon siya sa katabi. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang matandang manghuhula.

"Holy shit! Ikaw na naman. Magka-crash na naman ba ang eroplanong ito?" Tatayo na sana siya pero pinigilan siya ng manghuhula.

"Hindi magka-crash ang eroplanong ito," sabi ng manghuhula.

"Kung gano'n, bakit nandito ka na naman?"

Ngumiti ito. "That was quite a journey, hijo, wasn't it? Maraming nangyari sa 'yo nitong nakaraang pitong buwan ng buhay mo. Nalaman mo ang nangyari sa mga babaeng sinaktan mo, na-realize mo ang mga pagkakamali mo, nagsisi ka, nagbago, umibig, at nasaktan. Marami ka sanang natutuhan sa mga bagay na iyon."

Bumuntong-hininga si Pierre. "Yeah. It was quite a journey. It was like a roller coaster ride. And, yes, marami akong natutuhan. I deserved all the pain I've gone through these past few months. And until now."

"Maaari namang mapawi ang paghihirap ng loob mo kung susundin mo lang ang sinasabi ng puso mo. Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Magtiwala ka sa isinisigaw ng puso mo..."

Dumilat si Pierre. Naidlip pala siya nang sandaling ipikit ang kanyang mga mata habang naghihintay na makalulan ang ibang pasahero ng eroplanong kinaroroonan. Bumaling siya sa katabing upuan. Bakante iyon.

Bumuntong-hininga siya. Naisip niyang hindi masamang espiritu ang matandang babae. Tinuruan lamang siya nito ng leksiyon sa buhay. Ipinakita nito ang mga pagkakamali niya na nagresulta sa kanyang pagbabago. Itinuro din ng manghuhula ang landas na dapat niyang tahakin patungo sa babaeng mamahalin.

Marahil ay tama ang manghuhula. Hindi siya dapat umalis ng bansa para makalimot. Bagkus ay dapat niyang sundin ang dikta ng kanyang puso.


"THAT'S the promise of true love and forever... with Addison Homes," pagtatapos ni Erika sa kanyang ad concept presentation. I-p-in-ause niya ang video sa logo ng bagong developed na subdivision ng Living World Corporation na ginawan ng TV ad ng kanyang team.

Nakita ni Erika ang approval sa mukha ng mga kliyenteng nasa presentation room. Sa puntong iyon ay alam na niyang successful ang unang project niya sa Bright Minds Advertising.

"Very good. We like it," sabi ng kliyente. "You must be very much in love, Miss Benedicto, to come up with a very romantic concept like this."

Ngumiti lamang si Erika bilang sagot. Kung alam lamang ng mga kliyente ang pinagdaraanan niya. Hindi pa rin siya nakakabangon mula sa masakit na karanasang iniwan sa kanya ni Pierre. Hindi madaling kalimutan ang isang pag-ibig na nagbigay sa kanya ng walang katumbas na saya at lungkot. It had been a month and two weeks since she last saw her husband. She missed him so much. She was still mad at him but she was also still in love with him. It was crazy.

Pag-alis ng mga kliyente at ng kanyang team ay naiwan si Erika sa silid at muling pinanood ang TV commercial na ginawa nila. The theme of the ad was romantic. May isang lalaki na kumuha ng bahay sa Addison Homes at ipinakita iyon sa nobya nito. Excited na nilibot ng babae ang bahay. Pagdating sa master's bedroom ay may nakita itong isang tangkay ng pulang rosas sa kama na may kasamang note. Nakasulat doon ang mga katagang, "Will you marry me and live in this house with me?" Sa tali ng note ay may diamond ring. Lumitaw ang lalaking nakangiti. Yumakap dito ang babae at sumagot ng, "Yes." Nilapatan nila ng magandang music at pacing ang ad.

Sa kanya ang konseptong iyon. Umiling si Erika. No, it was not hers. It was Pierre's. Iyon mismo ang eksena nang mag-propose ito ng kasal sa kanya. Iyon ang isa sa mga pinakamasayang sandali ng kanyang buhay.

"You obviously stole that idea from me."

Napalingon si Erika sa pinto ng silid. She saw Pierre standing at the door. Mukhang kanina pa ito roon kaya napanood nito ang pag-replay ng ad. Napatayo at napatitig siya sa asawa. God, he was so handsome she wanted to run to him and throw herself in his arms. But she did not belong there anymore. Baka nga hindi niya magustuhan ang pakay ni Pierre sa pagpunta roon.

"Well, then, thank you for the idea." In-off niya ang projector. "Did you come here to talk about our annulment?"

"Let's talk about that ad first. It's beautiful."

Tumango si Erika. "I have to agree on that. Your idea is good."

"The promise of true love and forever..." gagad ni Pierre sa ad slogan.

"Well, kailangan naming gawing idealistic ang concept. Kung malalaman siguro nila na ang pinagkuhanan ko ng idea na iyan ay isang couple na hiwalay na ngayon, I don't think may titira pa sa Addison Homes. Kaya kailangan ng ganoong slogan para mambola ng mga tao. That's advertising."

"Advertising really sucks. But then, posible namang mangyari ang true love and forever sa totoong buhay, 'di ba?"

Nagkibit-balikat si Erika. "I don't know."

"What about forgiveness and second chances, they're always possible, right?"

Kumunot ang noo niya. Why was he talking like that?

Lumapit si Pierre sa kanya. "I talked to Steven just a while ago. Inamin niya sa akin na wala kayong relasyon. That freak, kung hindi ko pa tinanong, hindi pa niya sasabihin. Tell me, Erika, why did you lie to me about him? Bakit hindi mo sinabi sa akin na boss mo siya?"

"Hindi ko alam na siya ang magiging boss ko nang mag-apply ako sa Lorenzana. Alam kong hindi mo magugustuhan kung magtatrabaho ako sa kanya kaya inilihim ko sa 'yo. Pero wala akong intensiyong lokohin ka nang gawin ko iyon. Ayoko lang madagdagan ang problema natin bilang mag-asawa."

"I'm sorry, I didn't trust you. Masyado akong nadala ng selos ko kaya nang sabihin sa akin ni Trixie na may relasyon kayo ni Steven. Kaya nang makita ko kayong magkayakap ay naniwala ako."

"Nawalan ka ng tiwala sa akin noong malaman mo ang tungkol sa koneksiyon ko sa Multi-Towers at kay Katy kaya naiintindihan ko kung bakit pinaghinalaan mo ako. Ang hindi ko matanggap ay kung bakit nagawa mong makipagrelasyon uli kay Trixie." Hindi niya itinago ang pagdaramdam kay Pierre.

"Wala kaming relasyon ni Trixie. Walang nangyari sa amin nang gabing iyon na nagpadala siya ng video sa 'yo. Kahit lasing ako noon, alam kong walang nangyari sa amin. Pumunta lang ako sa bahay niya dahil tinawagan ako ni Trixie. She was drunk, pleading, and telling me she wanted to die because I rejected her. Naawa ako sa kanya kaya pinuntahan ko siya. Sinabi ni Trixie sa akin na may relasyon kayo ni Steven. Naglasing ako doon nang dahil sa sama ng loob. Doon na rin ako nakatulog sa bahay niya dahil sa sobrang kalasingan. Hindi ko alam na dinala ako ni Trixie sa kama niya at kinuhanan ng video para ipadala sa 'yo. She wanted to ruin us to get back at me. And she almost succeeded."

Napatitig siya kay Pierre. "Totoo ba 'yan?"

Tumango ito. "Hindi ko magagawang pagtaksilan ka, Erika."

"Pero hindi mo maiaalis sa akin na hindi maniwala sa kanya. You ignored me the whole time we were married. Hindi mo na ako mahal kaya posibleng magkaroon ka ng relasyon sa iba." Nangilid ang kanyang mga luha.

Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "I'm sorry. Noong nawala ang tiwala ko sa 'yo ay natakot akong ipakita ang totoong nararamdaman ko. Gusto ko munang malaman kung hanggang saan ang kaya mong gawin at tiisin para mapatunayan na wala kang planong masama sa pagsasama natin at totoong mahal mo ako. Gusto ko munang makasiguro na totoong mahal mo ako kaya nagawa kong magpanggap na bale-wala ka sa akin. Pero ang totoo, naa-appreciate ko ang lahat ng ginagawa mo para sa akin. It was hard suppressing myself. Gustong-gusto kong ipakita sa 'yo na mahal kita pero hindi ko magawa dahil kailangan kong protektahan ang sarili ko."

Napuno ng saya ang dibdib ni Erika. "Mahal mo ako?"

Ngumiti si Pierre at hinagkan ang mga kamay niya. "I loved you before we got married, I loved you the whole time we were married, and I love you until now, babe. I was a fool to suppress my feelings. I've been in hell these past few weeks without you. You don't know how much I missed you."

Her tears of joy fell. She touched his face lovingly. "I love you, too, babe. I missed you so much." Yumakap siya sa asawa. He hugged her so tight.

When they kissed, it was explosive. Ipinaramdam nila ang pagkasabik sa isa't isa.

"Are you willing to trust me again?" tanong ni Erika nang sa wakas ay pakawalan ni Pierre ang kanyang mga labi.

"I will trust you."

"Thank you. I won't betray your trust again."

Nagsalo uli sila sa matamis na halik.

"Will you marry me, babe?" tanong ni Pierre nang maghiwalay uli sila.

"We're already married."

"I want a church wedding. Hindi ko na-enjoy ang wedding natin noon dahil kailangan kong magpanggap na hindi ako kinikilig. This time, hindi na ako magpipigil, promise."

She laughed. "Yes, I will marry you again."

Tiningnan ni Pierre ang projector. "Posible naman ang promise of true love and forever na hindi natin kailangang bumili ng bahay sa Addison 'di ba?"

Erika laughed out loud. "Leave advertising out of this. Just kiss me."

And with that, he kissed her again.


AUTHOR'S NOTE: Hi, readers! Nagustuhan n'yo po ba? Kung nagustuhan n'yo, please vote and share this to your Wattpad friends. Thank you for reading! Btw, if you haven't liked/followed my facebook page, please do: http://facebook.com/heartyngrid :)

Continue Reading

You'll Also Like

694K 3.4K 7
2016-2017 version Former Title: The Bet This story is completed on Dreame app with special chapters. You can search the title of the story or my drea...
87.6K 1.4K 33
this story is about a girl na naniniwala sa mga signs. what if, she saw the signs to a certain guy? susundin niya ba ito o ang sinasabi ng puso niya?
108K 2K 11
Carmela and Third almost grew up together since their parents married each other they became Step Siblings. Carmela knew even at a young age that Thi...