Zithea (Published under Indie...

By blue_maiden

2.2M 117K 36.8K

POLARIS BOOK 2 Akala ni Xiang Serenity ay tapos na ang lahat simula nang matalo nila ang hari ng kasamaan ngu... More

Pagpapakilala
Simula
Kabanata 1: Bagong tahanan
Kabanata 2: Anino sa gabi
Kabanata 3: Katotohanan
Kabanata 5: Muling Pagkikita
Kabanata 6: Manggagamot
Kabanata 7: Reyna Weiming
Kabanata 8: Ang pagbabalik mundo
Kabanata 9: Misteryo
Kabanata 10: Paghihinala
Kabanata 11: Pag-amin
Kabanata 12: Pagseselos
Kabanata 13: Natatangi
Kabanata 14: Kaibigan
Kabanata 15: Chaun
Kabanata 16: Isipiya
Kabanata 17: Punong Doktor
Kabanata 18: Kasunduan
Kabanata 19: Ugnayan
Kabanata 20: Hari ng Lobo
Kabanata 21: Earth
Kabanata 22: Bundok ng Deri
Kabanata 23: Halik
Kabanata 24: Yuppa
Kabanata 25: Bundok ng Zeryu
Kabanata 26: Pag-amin
Kabanata 27: Halik
Kabanata 28: Pagbalik
Kabanata 29: Pagbagsak
Kabanata 30: Hari ng Soka
Kabanata 31: Paghihiganti
Kabanata 32: Naulilang Ama
Kabanata 33: Pagbaba sa Trono
Kabanata 34: Pagsakop
Kabanata 35: Heneral Baxia
Kabanata 36: Koronasyon
Kabanata 37: Pamamaalam
Kabanata 38: Huling pagkikita
Katapusan

Kabanata 4: Hando

48.1K 2.8K 309
By blue_maiden



NAKAKAMANGHA dahil mas malakaw pa pala ang Hando kaysa sa inaasahan ko. Ang daming mga lugar na hindi ko alam dahil hindi ko naman ito naisulat ng detalyado.

"Anong itsura ng mundo niyo, Jia?" Tanong ni Rushin. "Mas maganda ba doon kaysa rito?"

Dinala niya ako sa tuktok isang bundok kung saan kita ang kalahati ng Hando. Kitang kita rin dito ang palasyo lalo na ang kwarto noon ni Scion noong isa pa lamang siyang heneral.

"Wala ngang halimaw roon katulad dito pero mas magulo roon. Kaya kung ako ang tatanungin, mas maganda ang Zithea."

"Zithea?"

"Oo, Zithea, ang mundo niyo."

Magkasalubong pa rin ang dalawa niyang kilay, "Paano mo nalaman ang pangalan ng mundo namin? Walang nababanggit ang aming mga guro tungkol sa pangalan ng mundo namin dahil tanging ang pangalan ng aming bayan lang ang sinasabi nila."

Hindi ko ba talaga naituro sa kanila ang pangalan ng kanilang mundo? Baka nasa point of view ko lang ang mga detalye tungkol sa mundo nila kaya hindi nila alam iyon.

"Uhm... ano... actually ako lang ang nagpangalan sa mundo niyo ng Zithea," napapadalas na ang pagsisinungaling ko at pakiramdam ko nasasanay na ako... na isang hindi magandang bagay. "Hindi rin kasi alam nila Haring Scion ang pangalan ng mundo niyo kaya ako na lang ang nag-isip ng ipapangalan dito." Ngumiti ako nang malapad.

"A-actua-lly?"

Oo nga pala, hindi nga pala sila marunong mag-english dito kagaya ni Scion noon.

"Isang lenggwahe 'yon sa mundo namin na ang ibig sabihin ay sa totoo lang, gano'n."

"Ah ayon pala 'yon. May iba pala kayong salita sa mundo niyo. Nakakamangha, pero alam mo maganda ang pangalan na naisip mo. Tingin ko bagay ito sa mundo namin," lumapad na rin ang mga ngiti niya. "Pero alam mo, gusto ko pa rin na makita ang mundo niyo. Gusto kong ipakita sa ama ko na hindi lang kathang isip ang mga sinabi niya dati, na totoo ngang may ibang mundo maliban sa amin."

"Pwede ko naman ilarawan sa'yong ang mundo namin pero sasabihin ko sa'yo, mas gugustuhin mo pa rin talaga rito."

"Kung ganoon ay dumito ka na lang sa mundo namin," tinignan niya ako. Litaw na litaw ang bughaw niyang mga mata dahil sa sikat ng araw. Kagaya ito kay.. Scion. "H'wag ka ng bumalik sa mundo niyo."

Minsan naiisip ko rin ang bagay na 'yon pero hindi pwede at isa pa, nasa mundo ko ang mga mahal ko sa buhay... sina Copper at Auntie.

"Hindi maari, Rushin. Hindi ako para rito kaya kailangan kong bumalik. Isa pa, nandoon ang mga mahal ko sa buhay."

Iniwas niya ang mga tingin niya sa akin at tumingin siya sa malayo, "Paano ka makakabalik sa mundo mo, Jia?"

Humiga ako sa damuhan at tinitigan ang langit.

"Hindi ko alam pero hindi ako susuko hangga't hindi ako nagagawa nang paraan para makabalik."

Sinamahan niya akong humiga at pagmasdan ang langit.

"H'wag kang mag-alala, tutulungan kitang makabalik sa mundo mo. Alam ko ang pakiramdam ng mawalay ka sa mga magulang mo at nakakalungkot iyon."

Hindi ko alam kung bakit hindi lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'wala na ang mga magulang ko'. Pakiramdam ko kasi hindi talaga nawala sina inay at itay sa tabi ko.

"H'wag ka rin mag-alala dahil hindi ako magiging pabigat sa inyo ng lola mo habang nakikitira ako sa bahay niyo," sambit ko. "Anong pwede kong gawin para magkapera ako rito sa mundo niyo?"

"Iniisip ko kung magtrabaho ka rin sa palasyo kasama ko pero baka hindi ka komportable na makita si Haring Scion."

Tama siya, hindi lang sa hindi ako komportable, talagang ayaw ko na siyang makita pa.

"Mag-iisip ako nang pwede mong gawin pero tingin ko naman kaya ko na 'to mag-isa. Manatili ka na lamang sa bahay habang nag-iisip ka ng paraan para makabalik ka sa mundo niyo."

"Babantayan ko na lang ang zumu mo."

Umiling siya, "Hindi papayag si zumu na tumigil sa pagta-trabaho. Malapit na siyang mag isang daang taon gulang at kulang pa siya ng araw para makatanggap ng pensyon. Sa oras na maging maayos na ang pakiramdam niya ay babalik na siya sa palasyo bilang manggagamot."

Isang daan taon na siya pero parang animnapu lamang siya. At sigurado ako na mahihirapan na siyang magtrabaho pa ulit.

"Hindi mo ba siya pipigilan?" Tanong ko.

"Jia, alam mo sa mundo namin, masusunod ang nakakatanda sa pamilya kaysa sa iyong mas bata. Hindi mo 'yon pwedeng suwayin kahit na anong mangyari. Kaya kung ano nag desisyon ni zumu ay wala akong karapatan para pigilan 'yon."

Gano'n din naman sa mundo ko pero kapag nasa katwiran ka naman, maiintindihan ng mga matatanda.

"Kung makakahanap kami ng manggagamot na kapalit niya ay maari na siyang tumigil at matatanggap pa rin niya ang pensyon niya."

Una hindi ako manggagamot at pangalawa, ayokong magtrabaho sa palasyo. Siguro tutulong na lang akong naghanap ng kapalit ng lola niya? Nakakaawa na rin kasi ang kalagayan niya.

"Paano ako makakahanap ng manggagamot dito sa bayan niyo?"

Umiling siya habang puno ng lungkot ang kanyang mukha, "Wala ng ibang manggagamot dito, Jia. Meron man sa ibang bayan ngunit mahirap makapunta doon dahil sa mga halimaw sa labas ng mga pader."

Hindi pala ganoon kadali ang lahat. Paano ko na sila matutulungan?

"H'wag mo ng intindihin 'yon, Jia. Ako na ang bahala doon kaya mabuti pa, ililibot pa kita sa ibang lugar sa bayan."

Grabeng kabaitian ang pinapakita sa'kin ni Rushin. Papalamunin na nga nila ako pagkatapos gusto pa ako gawing prinsesa sa bahay nila.

Inilibot niya pa ako sa Hando. Madami na rin ang nag-iba rito pero pamilyar pa naman ako sa ibang nga lugar sa loob at labas ng palasyo.

"Nakaisip ka na ba ng paraan para makabalik ka sa mundo niyo?" Nakasimangot siya at ayaw niya akong tignan sa mga mata ko. "Paano kung wala na palang paraan para makabalik ka?"

"Wala rin akong ideya pero hahanap ako ng paraan, kahit ano pa iyon."

Natahimik na siya pagkasabi ko noon.

Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko. Ayoko mang isipin pero maaring hindi na ako makalabas sa mundo na 'to. Kung mangyari man iyon, paano na? Ano ng gagawin ko?

Bago pa ako mabaliw kakaisip no'n, mas importanteng isipin ko kung paano ako mabubuhay sa mundong 'to. Hindi ako pwedeng umasa na lang kala Rushin. Kailangan kong maghanap ng trabaho at kumita ng pera.

"May naisip ka bang trabaho para sa akin? Gusto ko talagang magbanat ng buto para sa sarili ko."

"Maghahanap ako ng pwede para sa iyo. Sa ngayon, maari mo ba akong samahan kumuha ng mga herbal? Hindi naman delikado dahil hindi tayo lalabas ng pader, doon lang tayo mag-aabang sa may pintuan."

Sumang-ayon ako sa kanya at sinamahan ko siya papunta sa malaking pintuan na kulay itim. Marami rin ang naghihintay roon.

Pero may isang nakakuha ng atensyon ko at iyon ay ang mga taong nakasakay sa isang kalesang mukhang kulungan.

"Parang awa niyo na, hindi ko na uulitin ang pagnanakaw sa palasyo. Sobrang gutom na ang mga anak ko kaya ko 'yon nagawa pero hindi na 'yon mauulit pa," pagmamakaawa ng lalaki sa loob. Nakadungaw ito sa maliit na bintana. "Paki-usap h'wag niyo kaming ilabas ng pader!"

Tinignan ko si Rushin, "Ilalaba nila ang mga tao na 'yon?" Tumango siya at umiwas ng tingin.

Oo, may kasalanan ang lalaki na iyon pero ang i-expose sila sa mga halimaw sa labas ay hindi makatarungan. Paano ang ibang nandoon sa loob? Paano kung wala naman talaga silang nagawa at napagbintangan lang?

Dahan-dahan na bumukas ang malaking pinto at kasabay noon ang pagpasok ng malalaking kalesa. Ang mga kabayo ay kakaiba ang laki, triple ang laki sa normal na mga kabayo. Balot na balot pa sila ng mga bakal na may mga patusok pa sa gilid, pati na rin ang kalesa nito. Para siguro hindi sila atakihin ng mga halimaw.

Pagpasok nito ay agad naman lumabas ang isa pang kalesa kung nasaan ang mga tao.

Sigaw sila nang sigaw na h'wag silang ilabas.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinundan ko sila. Hindi kaya ng konsensya ko na hayaan silang kainin ng mga halimaw sa labas.

"Jia, sandali!"

Hindi ko pinakinggan si Rushin at mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko papunta sa kalesang papalabas na ng pader.

Narinig ko ang mga kawal na pinipigilan ako sa gagawin ko pero hindi sila ang makakapagpatigil sa akin.

Mabilis ang kabayong naghatid sa kalesa kaya nasa labas na kami ng matataas na pader. Kumawala agad ang kabayo at agad itong bumalik sa loob.

Kung gaano kabagal ang pagbukas ng pintuan kanina ay siya namang kabilis ang pagsara nito.

Madilim dito sa labas kahit na matindin ang sikat ng araw sa loob ng Hando. Natatakpan ng mga patay ng mga puno, puno na puro sanga na lang, ang sikat ng araw.

Malamig rito kaya na rin siguro maulap ang kalupaan.

"Katapusan na natin," iyak ng lalaki kanina. "Paano ko na masisilayan ang maliliit kong anak?"

Kung tutuusin ay isang katangahan ang ginawa ko. Gumawa ako ng isang bagay na maaring maging dahilan para malaman ni Scion na nandito ako pero hindi ko kayang may mamatay na tao.

"Ililigtas ko kayo, h'wag kayong mag-alala." Bulong ko sa kanila. "Kailangan niyong magtiwala sa akin."

"Si-sino ka? Pa-paano mo kami ililigtas?" Sambit ng isang tila ba ay matandang babae.

Nakarinig kami ng malakas na ungol. Maaring galing ito sa mga halimaw. Hindi ko pa sila nakita ng malapitan pero maaring kasing laki at lakas rin sila ng mga mogwai.

"A-ayan na sila... ka-kainin na nila tayo ng buhay." Pag-papanic nila sa loob.

Hindi ko pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko dahil makikita nila iyon kaya ang tanging pwede kong gawin ay pagalawin ang mga ahas.

Sinumulan ko na silang tawagin. Gumalaw ang lupa kasabay nang pag-angat ng... isang higanteng ahas? Ahas na kasing laki at haba ng isang bagon ng MRT.

Meron palang ganito kalaking ahas rito? At kaya ko siyang kontrolin!

"Mamatay na tayo!" Sigaw nila sa loob. "Ito na ang katapusan ng lahat!"

Mas lalong lumakas ang ungol. Madami sila at totoong nakakatakot. Pero nakaya ko ang mga mogwai kaya kakayanin ko rin ang mga halimaw na 'to.

Nakita ko na ang anino ng halimaw at habang lumalapit sila ay mas lalong lumilinaw ang itsura nila. Kulay puting lobo ang mga ito, mas malaki ng limang beses sa normal na mga lobo.

Ito ba talaga ang halimaw na pumalit sa mga mogwai?

Pinagalaw ko ang malaking ahas para harangan kami laban sa mga halimaw. Pero ang nakakapagtaka ay hindi rin naman umaatake ang mga puting lobo na ito.

"Anong nangyayari?" Bulong ng mga tao sa loob.

Dahan-dahan na bumukas ang malaking gate. Narinig ko agad ang boses ni Rushin na tinatawag ang pangalan ko.

"Anong ginawa mo, Jia? Bukod sa delikado iyon, ipapatawag ka nila sa palasyo!"

Inaasahan ko naman na 'yon pero mas mabuti na 'yon kaysa lapain ang mga tao na 'to ng mga halimaw.

"Tara na–" natigil siya sa pagsasalita at bumuka nang malaki ang kanyang bibig at mata. "Anong klaseng ahas..."

"Pumasok na kayo madali!" Sigaw ng isang kawal.

Agad nila kaming pinapasok kasama ang mga tao sa kalesa. Hanggang sa pagsara ng gate ay nakaharang sa amin ang ahas na kinontrol ko.

"Ikaw at ang kasama mo," sambit ng isang kawal kay Rushin. "Gumawa kayo ng malaking eskandalo at pagsuway sa panturan ng palasyo. Kailangan niyong harapin ang heneral ngayon din."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Rusihin.

"Sa-saan nila tayo dadalhin?"

Bago pa man ako masagot ni Rushin ay may lumapig sa aking isang kawal para hilahin ako sa kalesa nila, "Sa palasyo namin kayo dadalhin. Kaya kung ako sa inyo at magdasal kayo na hindi malala ang ipapataw na parusa sa inyo ni Haring Scion."

Kung sino pa talaga ang taong iniiwasan mo, siya pa talaga 'yong ilalapit sa iyo ng tadhana.

Ito na ba ang opisyal na pagkikita nating muli, Scion?

Continue Reading

You'll Also Like

6.2M 218K 50
Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng isang nobelang magbibigay sa kanya ng ka...
385K 28.3K 45
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
352K 903 1
Prequel of Babysitting the Brat (Lia Imperial's parents story) Cover by @Coverymyst Ayaw ni Nadielyn sa ideya na muling magpakasal ang ina sa ibang...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...