Zithea (Published under Indie...

By blue_maiden

2.2M 117K 36.8K

Akala ni Xiang Serenity ay tapos na ang lahat simula nang matalo nila ang hari ng kasamaan ngunit ang hindi n... More

Pagpapakilala
Kabanata 1: Bagong tahanan
Kabanata 2: Anino sa gabi
Kabanata 3: Katotohanan
Kabanata 4: Hando
Kabanata 5: Muling Pagkikita
Kabanata 6: Manggagamot
Kabanata 7: Reyna Weiming
Kabanata 8: Ang pagbabalik mundo
Kabanata 9: Misteryo
Kabanata 10: Paghihinala
Kabanata 11: Pag-amin
Kabanata 12: Pagseselos
Kabanata 13: Natatangi
Kabanata 14: Kaibigan
Kabanata 15: Chaun
Kabanata 16: Isipiya
Kabanata 17: Punong Doktor
Kabanata 18: Kasunduan
Kabanata 19: Ugnayan
Kabanata 20: Hari ng Lobo
Kabanata 21: Earth
Kabanata 22: Bundok ng Deri
Kabanata 23: Halik
Kabanata 24: Yuppa
Kabanata 25: Bundok ng Zeryu
Kabanata 26: Pag-amin
Kabanata 27: Halik
Kabanata 28: Pagbalik
Kabanata 29: Pagbagsak
Kabanata 30: Hari ng Soka
Kabanata 31: Paghihiganti
Kabanata 32: Naulilang Ama
Kabanata 33: Pagbaba sa Trono
Kabanata 34: Pagsakop
Kabanata 35: Heneral Baxia
Kabanata 36: Koronasyon
Kabanata 37: Pamamaalam
Kabanata 38: Huling pagkikita
Katapusan

Simula

161K 4.1K 955
By blue_maiden




DALAWANG taon na ang nakakalipas simula nang isulat ko ang isang mahiwagang mundo na nagngangalang, Zithea. Isa lamang sana itong istorya mula sa imahinasyon ko na sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ng sariling buhay dahil sa libro ng Polaris.

Lumabas mula libro papunta sa mundo ko ang isa sa mga karakter na ginawa, ang Kapitan ng Dynasty, si Scion. Nagkasundo kami na ibabalik ko siya sa libro, sa mundo nila, ngunit biglang nawala ang Polaris. Dito na nagsimula ang paglalakbay namin na magkasama at ang pagpuksa sa kasamaan na pinapangunahan ng mga itim na salangkero at ng yumaong Hari Midas. Sa pagkakasama namin ay hindi ko inasahan na mahuhulog ako sa kanya. Pero si Scion ay naging tapat sa kanyang minamahal na si Prinsesa Weiming, na ngayon ay kanya ng asawa at reyna.

Isa na ngayong hari si Scion. Ang lalaking hanggang ngayon ay minamahal ko pa rin.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung paano ako nakapasok sa mundo nila gayon na hindi ko naman ito isinulat sa libro ng Polaris.

"Ayos ka lang ba talaga, binibini?"

Hindi ko maiwasan na hindi mapatitig sa mga mata niya dahil kulay asul din ito katulad kay Scion.

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nanggulo sa kaharian? Muntik ka nang mahuli ng mga guwardya ng palasyo. Buti na lamang ay nahila kita papasok sa lumang silid."

Akala ko talaga ng una ay siya si Scion dahil sa kanyang mga mata. Malaki rin ang utang na loob ko sa kanya dahil kung hindi ay nakakulong na ako ngayon. Kung totoo nga talaga ang lahat ng nangyayari ngayon.

"Isa pa, kakaiba ang iyong suot. Saang nasyon ka ba nanggaling?"

Kanina pa niya ako tinatanong pero wala akong maisagot sa kanya. Sigurado ako na hindi magandang ideya kung sasabihin kong galing ako sa ibang mundo at ako ang lumikha ng mundo nila. Isa pa parang wala ako sa tamang wisyo.

Ang nakakapagtaka ay wala akong maalala na isinulat ko siya. Hindi ko nga kilala kung sino siya. Maari bang mabuhay ang isang tao na hindi ko naman naisulat sa libro ng Polaris?

"Apo, mukhang hindi siya maayos. Mas maganda na ipagpahinga mo muna siya sa iyong silid," sambit ng lola niya na kanina pa rin nakatingin sa amin. Puti na ang kulay ng mga buhok niya pero kaya pa nitong tumayo at maglakad. Medyo hinihingal nga lang siya. "Ako ay magpapahinga rin."

"Opo zumu, ako na po ang bahala kaya h'wag kayong mag-alala." tumaas ang kilay ko sa salitang itinawag niya sa kanya lola. Minsan ko lang nagamit ang salitang mandarin sa istorya pero ginagamit na rin pala ito sa mundo nila. "Kung may kailangan kayo ay tawagin niyo lang po ako."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay bigla niya akong binuhat. Hinawakan niya ang mga hita ko at ang likod ko para maiangat ako. Ang init din ng katawan niya lalo na ang mga kamay niya.

"Ibaba mo ako!" Sigaw ko.

"Aba, nagsasalita ka naman pala." Ngumisi siya at nagsimulang maglakad papunta sa tingin ko ay silid niya. "H'wag kang mag-alala, hindi naman kita gagawan ng masama. Dadalhin lang kita sa aking silid upang makapagpahinga ka."

Pagkadating namin doon ay namangha ako sa silid niya na puno ng mga halaman at mga larawan ng likod ng babae sa iba't ibang lugar.

Inilapag niya ako sa kanyang kama na napakalambot. Saan ba gawa ito at ganito ito?

"Mag-usap na lang tayo mamayang hapunan kapag nasa mas maayos ka nang kalagayan. Magpahinga ka nang mabuti."

Ngumiti na siya nang tuluyan sa akin at ito ay nakakahawa kaya agad akong lumingon patagilid para hindi niya iyon makita.

Hindi na siya nagsalita at iniwan na niya ako sa silid niya. Napaisip ako kung ganito ba sila sa lahat ng tao? Paano kung masama ako o kaya ay isang magnanakaw?

Pero noong ako na lang mag-isa ay pinagsasampal ko nang ilang ulit ang magkanilang pisngi ko para lang matauhan ako kung sakaling panaginip lang ito o kung anong hipnotismo pero maluha-luha lamang ako sa ginawa ko.

"Ano ba talagang nangyayari? Bakit nandito ako sa mundo nila Scion?" Bulong ko sa sarili ko.

Hindi ako pwedeng magkamali. Ito nga talaga ang Zithea. Ang ilang lugar dito ay katulad na katulad sa mga naisulat ko. Hindi ko nga lang alam ang iba dahil hindi naman lahat ay naisulat ko.

Sinubukan kong umidlip at baka mamaya paggising ko ay bumalik na ako sa mundo ko. Ngunit ano mang pwesto ang gawin ko ay hindi ako makatulog kaya inilibot ko na lang ang mata ko sa buong silid.

Sa isang lamesa ay may diyaryo na nakapatong. Nakalagay sa unahang pahina ang litrato ni Scion at Weiming. Tila ba may kamay na kumurot sa aking puso lalo na nang makita kong masayang masaya si Scion... sa piling niya.

Nakatakda ang opisyal na koronasyon ni Haring Scion bilang Emperor ng Zithea. Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa kasiyahan na ito mamayang alis-singko sa labas ng palasyo ng Hando.

Matagal ng Hari si Scion ng Hando Palace ngunit hindi pa siya nakokoronahan bilang Emperor ng Zithea dahil hindi pa bumababa sa pwesto si Emperor Ziao Lao na siyang ama ni Weiming

Madaming dynasty sa Zithea pero sa Lao Dynasty nanggagaling ang hinihirang na Emperor.

Sa tuwing isang daang taon ay nagkakaroon ng digmaan at ang kung sinong dynasty ang manalo ay doon hihirangin ang Emperor. Tatlong beses nang nanalo ang Lao Dynasty kaya simula pa noon ay sa pamilya na nina Weiming kinukuha ang hinihirang na Emperor.

Pagkatapos ikasala ng dalawa ay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil tinapos ko na doon ang libro ko.

Tinignan ko ang orasan at trenta minuto na lang ay magsisimula na ang koronasyon. Gusto kong makita ito at gusto ko rin ulit masilayan si Scion. Pero hindi nila ako pwedeng makita sa damit ko dahil panigurado ay magtataka sila.

Hindi ko naman intensyon na magnakaw pero kailangan kong hiramin ang damit ng lalaki na tumulong sa akin kanina. Hindi ko pa nga pala naitatanong ang pangalan niya.

Nakahanap ako ng kamukha sa suot nila. Hindi halata na pangbabae ito kaya ito na lang ang hiniram ko. Sinara ko muna ang pintuan pagkatapos ay nagbihis na ako. Mamaya pumasok pa 'yong lalaki at makita pa niya ang hubad kong katawan.

Sumilip ako sa labas para tingnan kung nasa labas pa ba ang lalaki kanina pero walang tao sa sala nila. Kinuha ko ang salakot na nakasabit sa likod ng pintuan. Mas mabuti na hindi ako gaano mapansin ng mga tao rito at isa pa, baka mamukhaan ako ng mga kawal kanina.

Kumbinsido na naman ako na nakapasok nga ako sa loob ng mundo nila Scion. Sa dami ba naman nang kababalaghan na nangyari sa buhay ko ay ngayon pa ba ako magtataka. Ang hindi lang malinaw sa isip ko ngayon ay kung paano at bakit ako napunta rito.

Tinignan ko ang itim na tore ng palasyo upang makapunta ako roon nang hindi naliligaw. Ang ilang lugar dito ay hindi na pamilyar sa akin.

Agad akong nakapunta sa labas ng palasyo. Ang palasyong ginawa ko gamit ang imahinasyon ko.

Malugod nilang pinapasok ang mga tao na galing sa ibang bayan, mayroon din akong nakitang tila ba ay hari ng ibang palasyo. Nagkalat ang mga guwadya sa paligid. Itinago ko nang mabuti ang mukha ko sa salakot na suot ko upang hindi nila ako makita.

Ang mga tao ay nakatayo sa labas ng palasyo. Naghihintay sa paglabas ng bagong emperor.

Tumunog ang trumpeta, indikasyon na lalabas na ang mga dugong bughaw.

Nakatayo ako sa isang poste na medyo malapit sa balkunahe kung saan gaganapin ang koronasyon.

Sa paglabas pa lamang ni Weiming ay bumilis na ang tibok ng puso ko. Isinara ko ang magkabila kong kamao upang mabalanse ko ang katawan ko.

Nagpalaklakan ang mga tao at meron pang mga humihiyaw. Doon na dahan-dahang lumabas si Scion. Walang ipinagbago ang kanyang mukha maliban na lang sa maikli na ulit ang kanyang buhok. Napahawak ako sa dibdib ko.

Nagbigay ng maikling salita ang dating emperor Ziao bago tuluyang inilagay sa ulo ni Scion ang korona.

"Magbigay pugay kay Emperor Scion!" Sigaw ng tagapag-ulat ng palasyo.

Itinaas ni Scion ang kanyang mga kamay habang ibinibigay niya ang kanyang malapad na ngiti sa taong bayan.

Nasa tabi niya si Weiming na masayang masaya para sa kanyang asawang emperor.

Masaya na silang dalawa. Binigyan ko na sila ng happy ending kaya hindi na dapat ako magpakita pa sa kanilang dalawa.

Umatras ako para makaalis na sa pwesto ko ngunit nagtama ang mata namin ni Scion.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Natigilan siya sandali pero hinawakan ni Weiming ang mukha niya upang magkatinginan sila nito.

Umalis na ako roon at nagpasyang h'wag nang magpakita pa kailanman kay Scion.

"Kailangan kong makaalis sa mundo na 'to sa lalong madaling panahon," bulong ko sa sarili ko habang tumatakbo ako palayo. "Gusto ko nang bumalik sa mundo ko... gusto ko nang kalimutan si Scion."


Continue Reading

You'll Also Like

21.3K 636 42
Sa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
210K 330 16
⚠️ MATURE CONTENT !TAGALOG SMUT! Are you ready to enter the World of Pleasure? ___________________________ A COLLECTION OF EROTICA ONE SHOT STORIE...
20.9M 765K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...