Exclusively Dating The Idol |...

By gwynchanha

806K 30.3K 4.7K

Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Al... More

Exclusively Dating The Idol
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
SPECIAL CHAPTER
note (please read!)
FAQ (seryoso na!)
Other Stories
BOOK ANNOUNCEMENT!!!
Special Chapter 2

Chapter 26

9.5K 462 31
By gwynchanha

A/N:

Just got out from my mountain of school works, for the meantime, haha. So, here's the update that's long overdue.
Enjoy reading ❤

Chapter 26


Nakapalibot kami sa isang round table habang seryosong nagtititigan at tahimik. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang gumalaw, kahit ang igalaw ang mga mata. Nasa sala kami ngayon at gabi na, kaya kami na lang ang nandito.

“Annix,” mariin kong sabi habang nakatitig kay Stell. Everyone gasped. His eyes narrowed at me, like I said something ridiculous.

“What the? 'X' na naman ang last letter ng word?” inis niyang sabi.

“Oh, oh!” Nag-angat ng kamay si Sejun. “Bawal nang ulitin ang word na nasabi mo na. So bawal na ang xylophone at x-ray mo!”

We started to count down from 5. Napasimangot si Stell kaya napatawa kaming lahat, lalo na noong sinabunutan niya ang kaniyang sarili. “Ah! Ayoko na! Ang daya-daya mo, Naji!”

“Wag na puro satsat, inumin mo na 'to!” ani Ken habang mini-mix ang tatlong uri ng alak sa isang mug, pagkatapos ay inabot kay Stell. “Dapat ubos 'yan, ah? Walang tira!”

Nandidiring tiningnan ni Stell ang laman ng mug. “Ano naman 'tong pinaghalo mo? Baka mamatay ako dahil dito, ah. Ikaw talaga una kong mumultuhin, Ken!”

Tumatawang umirap si Ken. “Sige na! Inumin mo na!”

“Sige na, Kuya Stell!” ani Denise. “Iinom na 'yan! Iinom na 'yan!” kanytaw niya na sinabayan naman namin at may pahampas pa sa lamesa.

Habang tumatagal ay bumibilis ang pagkanytaw namin at panghampas ng mga kamay sa lamesa. Nang diretso nang ininom ni Stell ang alak na walang tigil, naghiyawan kami at nagpalakpakan nang ilapag niya ang baso sa lamesa na wala ng laman.

Malakas na bumuga siya ng hangin sabay iling. “Ha! Ang lakas no'n, ah. Medyo nahilo ako, ah.”

“Wag ka kasi papatalo, Kuya Stell!” si Denise habang nilalagyan ng bagong mix ang mug. “Okay, talo si Kuya Stell! Sino susunod na kakalaban kay Ate Naji?”

Una kaming naglaban ni Denise, at natalo ko siya. Sunod ay si Sejun at Josh, at natalo ko rin sila. At ngayon, si Stell. Ang natira na lang ay si Jah at si Ken. Pabiro kong inikot ang ulo ko at pinatunog ang kamao. Tumawa si Denise sa ginawa ko.

“Ako! Ako!” sabay angat ng kamay ni Ken. “Tatalunin ko ang babaeng 'yan, alang-alang sa SB19!”

Pabiro ko siyang inangatan ng kilay. “Talaga lang, ha? Sige, go!”

Naghiyawan ulit sila. Pabirong minasahe nina Stell at Sejun ang magkabilang balikat ni Ken.

Jah suddenly tapped my shoulder, kaya napabaling ako sa kaniya. He smiled at me the moment I looked in his direction.

“Talunin mo siya para makalaban mo na ako. Championship,” aniya. “I'll surely beat you.”

Pinagkrus ko ang mga braso ko. “Dream on, De Dios. Ayaw kong magka-diarrhea kaya hindi ako magpapatalo.”

Sa game namin na ito, ang prize sa mananalo ay one-week na libre mula sa mga talo. Ang consequence naman sa matatalo ay kakainin nito ang iba't ibang pagkain na minix sa iisang bowl. And I already have an idea how to mix the food I'll be giving them.

Nagsimula na ang laro namin ni Ken. And I admit, he's the tough one so far. Medyo unfamiliar sa akin ang mga words na binibigay niya at kadalasang mga letters na mahirap bigyan ng words ang sinasabi niya. But in the end, natalo siya sa 'physique' ko na nakalimutan niya ang spelling at akala niya 'q' ang last letter.

“And now... drum roll, please!” ani Denise. Nag-drumroll naman sina Stell, Sejun, at Ken sa lamesa. “The championship game! The unbeatable Naji versus Kuya Jah! Sitting on the left is Ate Naji who won five times in a row. And on the right is Kuya Jah, the brave who will fight Ate Naji, the Vocabulary Warrior!” parang host ng boxing na sabi ni Denise.

Ang tatlong loko-loko naman, kinanta 'yung intro ng Eye Of The Tiger na piniplay tuwing may boxing game si Pacquiao. Natawa na lang ako.

“Are both player ready?”

Sabay na tumango kami ni Jah.

“Then let the fight begin!” aniya sabay angat ng isang kamay. “Si Ate Naji ang mauuna dahil siya ang panalo sa last game. Go!”

I narrowed my eyes and started thinking of a good word.

“Hmm... flamboyant,” sabi ko.

He smirked. “Tenacious.”

“Siberian Husky!”

His left brow twitched, making me smirk. Just give up, De Dios.

Bumuga siya ng hangin, “yearly.”

Napakurap ako. “Y-yacht!”

“Terrify.”

“Yield!”

“Deny.”

Napasimangot ako. “Bakit puro 'y' ang last letter ng mga pinipili mo?”

He smirked. “Five... four...”

Napasinghap ako nang nagsimula siyang magbilang. “T-teka!”

“... three... two...” he continued.

Mariin akong pumikit. “Y-you're mine!”

Natahimik sila sa sinabi ko. Pero mga isang segundo lang, naghiyawan na ulit sila at nagkantyawan. Si Jah naman, nakatitig lang sa akin habang ako ay nakayuko na dahil nahiya sa sinabi. Iyon ang unang pumasok sa utak ko, eh.

“Jah,  you're mine daw, oh. Ayieeee!” si Stell sabay tulak kay Jah.

“Ah, tangena! Respeto sa aming mga single!” ani Ken.

Nang nag-angat ako ng tingin kay Jah, nakita kong kinuha niya ang mug na hawak ni Denise 'tapos nilagok ang laman noon kaya nanlaki ang mga mata ko.

What!? Hindi pa siya talo!

Ngumiwi siya nang malasahan ang alak pero naubos niya pa rin. Dahil sa ginawa niya, mas lalong nang-asar ang lima.

“And our winner is Ate Naji!”

Tumawa na lang ako.

We played some games after that bago kami nag-move on sa paghahalo ng mga pagkain. Nasa kusina kami ngayon. Nakalapag sa lamesa ang iba't ibang pagkain; prutas, canned goods, chichirya, chocolates, at iba pa. Nasulyapan ko ang lima, habang namumutlang tinitingnan akong hinahalo ang kahit anong mahawakan ko mula sa lamesa.

“U-uhmm... Kailangan ko na palang umalis, may lakad pa ako--” Tumayo si Ken pero hinila siya ulit ni Sejun pabalik.

“Wag kang magtangkang tumakas. Ikaw nag-suggest ng larong 'to kaya dapat ka ring magdusa!”

Hindi ko na sila pinansin at tinapos na ang paghahalo ko. And it's outcome is like the color and look of the swamp gas in the Amazon, at mukhang nakakalason dahil sa kulay nito. I saw the five of them gulped in fear.

“Sige na. One full tablespooon each person. Pinaghirapan ko 'to kaya kainin n'yo!” sabi ko sabay tulak ng bowl papunta sa kanila.

“K-kailangan ba talaga? Hindi pwedeng kalimutan na lang natin at mag-move on na?” ani Ken.

Tumango ako. “Oo, kaya go na!”

“Hay! Ang duduwag n'yo naman!” Kinuha ni Josh ang bowl at kutsara. Nanlaki ang mga mata ng apat at napasinghap sila nang sumubo na si Josh.

Tumango-tango si Josh habang ngumunguya. “Hmm... okay naman--” Hindi niya natapos pa dahil diretso siyang tumakbo papuntang C.R. Mas lalong natakot ang apat nang marinig ang malakas na pagduwal ni Josh mula sa C.R.

Napailing na lang ako.

Pinakain ko na ang apat na natira at kagaya ni Josh, kaniya-kaniya silang nagsitakbuhan para maghanap ng maduduwalan. Ako naman ay naiwan sa kusina at niligpit na lang ang mga kalat.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas ng lamesa nang mapaangat ang tingin ko sa hamba ng pintuan. Kaagad akong napaayos ng tayo nang makita ang isang babae na medyo kamukha nina Sejun at Denise, kaya naisip ko na baka kapatid nila ito.

“Uh... Good evening po.” I smiled at her.

Naka-poker face siya habang nakatitig sa akin; nakakrus any mga braso at nanunuri ang mga matang nakatitig sa akin. I suddenly felt uncomfortable.

She sighed. “I don't want to waste my time with you, so I'll go straight to the point.”

Nagtaka ako sa kaniyang sinabi. “P-po?”

“I don't like you. And I don't like you being around with my siblings,” aniya na ikinagulat ko. “Stay away from my siblings, and especially, SB19. Gawin mo ang sinasabi ko kung ayaw mong magsisi sa huli.”

I was too taken aback with what she said to even speak. Tinalikuran niya na ako 'tsaka umalis. Sakto namang dumating si Josh na nakahawak sa tiyan at may ngiting tagumpay. Nang mapadaan ang ate ni Denise sa kaniya, sinundan niya ito ng tingin.

“Si Alexandra 'yon, ah,” aniya habang papalapit sa akin. “Bakit parang nakakita ka ng multo? Anong sinabi niya sa'yo?”

Pilit akong ngumiti 'tsaka umiling. “Wala 'yon,” sagot ko.

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 674 27
"I will never do love you back. You're the reason why my girlfriend breaking up on me! FLIRTY GIRL." "I assured you jiggy Sebastian Perez that one da...
18.9K 140 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
1.2K 128 31
This is about a girl who fell for someone she never expected to like, she is Mizuki Wilson, the girl who will like a school playboy. Hi! This is my f...
257K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.