Exclusively Dating The Idol |...

By gwynchanha

806K 30.3K 4.7K

Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Al... More

Exclusively Dating The Idol
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
SPECIAL CHAPTER
note (please read!)
FAQ (seryoso na!)
Other Stories
BOOK ANNOUNCEMENT!!!
Special Chapter 2

Chapter 24

12.9K 541 41
By gwynchanha

A/N: Sorry for not updating ASAP. Blame the delay to our thesis, hshshs. So here's a long update to make up for it, I hope this will do😆

~*~

Chapter 24


-SHARLENE's POV-

I maintained my smile as I kept on nodding at each and every one of the reporters and journalist, even fans, inside the room. May press conference kasi rito ngayon about sa upcoming movie.

Ugh. Kailan ba 'to matatapos? My jaw and neck hurts like hell. Ang paplastic naman ng mga tao rito, pwe!

Hindi ako nakikinig sa mga pinag-uusapan nila. I just want this to end already. I'm damn tired! I want a body massage or something.

“Miss San Pedro, thank you so much!”

Napaangat ako ng tingin sa harapan ko nang may matandang naka- corporate attire ang lumapit. There are a lot of cameras and journalist around, so I flashed him a smile (trying my best not to look fake) and received his hand for a handshake.

Halos kalahating oras pa bago natapos. We're here for almost... three hours! And I am damn tired!

Nang natapos kami, kaagad akong tumayo at nagpuntang backstage. My assistant went to me and kept on talking about my next schedules for today, but I was so busy searching for that 99% solution alcohol I saw earlier this noon.

“Where's that damn alcohol?” Tanong ko sa aking assistant, dahilan para matigil siya kakasalita. Napakurap siya at napairap naman ako.

She helped me look for the damned alcohol. Natagpuan namin 'yon sa tukador malapit sa comfort room. I shooed my assistant away before I sat in front of the mirror and poured a handful of alcohol, and spread it on my hands.

“What's with the alcohol?” tanong kaagad ng kakalabas lang sa CR na si Miles. Oh, yes, she's here. Again.

“Disinfectant. Killing the germs,” sagot ko habang kinakalat ang alcohol sa mga kamay. “Baka may sakit ang mga nakamayan ko kanina sa presscon, mahirap na.”

She chuckled. “You won't die with that, masyado ka namang OA.”

“Prevention is better than cure.” Umirap ako. “Nga pala... any progress sa pinapagawa ko sa'yo?”

Her smile faded upon hearing my question. Sinarado niya ang pinto ng CR 'tsaka sumandal sa hamba nito at humalukipkip.

“We are on the 10th percent,” sagot niya sabay kindat. Napairap ako.

“That isn't a progress. That's laziness!” I groaned in so much anger. “Walang kwenta! Hindi na dapat ako umasa at nagtiwala sa tulong mo. Aish!”

Napaharap ako sa salamin at nakita ang sariling repleksyon. My face was all red because of anger, and my thick eyebrows were in one line. Gosh, baka magka-wrinkles ako nito nang maaga.

We've been friends and partners since we started in this industry. I trusted her, kaya minsan may mga bagay akong pinapagawa sa kaniya na kaming dalawa lang ang may alam. That's why I trusted her to help me with my plan. But sometimes, I wished I never knew her and became friends with her. She makes me angry! Her laziness and procrastination makes me so mad!

“Tumawag ang inutusan ko,” aniya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Inangat niya ang kaniyang cellphone sabay ngiti. “We got proof now. We're on the second step of our Plan A, Sharlene!”

A smirk slowly crept on my lips. Looks like destiny is in favor with me.

-NAJI's POV-

After ng semestral break namin, bungad kaagad sa amin ang research pagkapasok namin. Sinimulan kaagad na i-discuss ang paggawa ng research title and research. We are now on the second semester of the school year, meaning nito ay new class, new teachers, and new stress.

There were 30 minutes left for our PR1 and we spent it with brainstorming for a research title. Kahit ang dami namin sa isang grupo, mga lima lang naman ang nagpaparticipate. Kaloka. Hindi kami magkagrupo no'ng apat. Jennie and Rose are in the same group, and Jennie is their leader. Lisa and Jisoo are in the same group also, pero mga walang ambag sa grupo, panay daldalan lang sa gilid.

We were so stressed after the brainstorming. I felt like my brain cells were drained. Mabuti na lang at wala ang teacher namin sa second period dahil may ginawa. Nag-attendance lang 'tapos umalis na, kaya nakapagpahinga pa sandali ang utak ko.

Nang dumating ang third period came, medyo refreshed na ang utak ko dahil nakatulog ng mahigit kalahating oras. Pero na-drained ulit dahil Mathematics pala ang third subject. Kaya pagdating sa fourth subject, mukha na akong zombie.

Pero nang sinabi ni Sir na "class dismissed" ay mabilis pa sa alas kwatro na nakatayo ako at nagtungo kaagad sa harap ng salamin na nasa may likuran ng classroom. Kanya-kanyang hiram kaagad ng liptint, pulbo, suklay, at iba pa para magpaganda. Pero pulbo at suklay lang hiniram ko.

“Naji, may pupuntahan ka ba bago umuwi?” tanong ni Lisa nang nakalapit sa akin.

Umiling ako habang sinusuklayan ang sarili.

“Eh bakit ka nag-aayos? Saan ka pupunta?”

Bumaling ako sa kaniya. “Uuwi na,” sagot ko sabay buhos ng pulbo sa kamay ko 'tsaka pinahid sa mukha.

Pagkatapos mag-ayos ay nakangiting lumabas kaagad ako ng classroom. Hindi ko na kasama ang apat tutal mga rich kid ang mga 'yon, may driver na susundo.

Pero ilang metro pa lang ang layo ko mula sa gate ng school, dumahan ang paglalakad ko nang makitang barado ang gate dahil sa mga nakaharang na estudyanteng panay any tili, sigaw, at talon.

Anong meron? Artista? Lumakad ako papalapit sa kanila. I excused myself as I purposely pushed those  hormonal teens who kept on squealing like a choked rat. May nagalit pa sa akin dahil sa ginawa kong pagtulak. Pero dahil ma-attitude ako, inangat ko lang siya ng isang kilay 'tsaka nilagpasan.

“Excuse me!” I shouted. Kainis! Ngayon lang ako naging conscious bigla sa height ko. Hindi ako napapansin ng iba dahil ang liit-liit ko kumpara sa kanila.

Sa wakas, nang nakarating ako sa pinaka harapan, parang gusto ko ulit bumalik sa dinaanan ko.

He might have noticed my presence, kaya nag-angat siya ng tingin at nginitian ako. When he winked at me, mas malaki ang epekto n'on sa mga malalanding estudyante na kaagad nagsitilian.

Kaya pala nagkakagulo dito, eh. Ikaw ba naman ang makita si Justin De Dios my SB19, nakasandal sa kaniyang kulay itim na mamahaling kotse, may suot na striped white and  light blue na polo na nakatupi hanggang siko ang sleeves, naka-white pants. At may hawak pa siyang bouquet ng... mga libro!?

“Gosh! Kanino n'ya kaya ibibigay ang bouquet na 'yan!?”

“Sana ihagis niya na lang para akin na lang!”

“Artista 'yan, hindi ba?”

Samut-saring bulungan ang naririnig ko, pero nakatuon ang paningin ko at atensyon sa kaniya na ngayon ay tumayo na at lumakad papalapit sa akin. He held the bouquet tightly and carefully so it won't fall. Nagsalubong ang mga kilay ko nang huminto siya sa gitna, nakatitig pa rin sa akin.

“Attention!” sigaw niya 'tsaka nilibot ang paningin sa paligid. “Whoever among you can bring Niana Jillian or Naji here in front of me, will have a prize from me!”

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Anong trip ng isang 'to? Nang mapansing nakatitig ako sa kaniya, tumingin siya sa akin 'tsaka kumindat. Napairap naman ako.

What he said made a chaos among the hormonal teens. Kanya-kanyang tulak na sila at sigaw na sila si ako or hawak nila ako. Napairap na lang ako sa kadesperadahan nila. Sarap sumigaw ng "tumahimik kaayo! ako ang tunay! ako ang legal!" pero charot lang.

Napasinghap ako nang may biglang tumulak sa akin. Muntikan na akong mapasubsob sa sahig. Nang lingunin ko kung sino, napaawang ang mga labi ko nang makita ang nakangiti at naka-thumbs up na si Jisoo kasama si Rose. Naku naman!

Lalapitan ko na sana sila nang may humawak bigla sa bag ko at hinila ako, kaya napaatras tuloy ako para hindi matumba habang hinihila.

“O-Oy! Bitawan mo bag ko!” I protested habang sinusubukang huminto.

“Wag ka ngang pabebe, Naji!”

Napasinghap ako nang marinig ang boses ni Jennie. So pinagtutulungan nila akong apat? What the hell!

Mas lumakas pa ang hila niya sa akin. This time, hinila niya ako paharap bago binitawan ang bag ko.

Natigilan ako at nahigit ang hininga nang halos isang hakbang na lang pala ang layo ko kay Jah. Tumawa siya bago tumango kay Jennie na nanghingi ng premyo sa paghila sa akin papunta rito sa harapan niya.

He raised his brows at me like he's asking "so? how's my entrance?"

Napairap ako. “Arista ka nga. You like theatrical entrances.”

Tumawa siya. “I am an idol, though,” he corrected.

Umirap ulit ako. I crossed my arms and looked up at him again. “So? Anong ginagawa mo rito at nag-cause pa ng traffic dito sa gate?”

He chuckled. “Hindi ko ba pwedeng sunduin ang nililigawan ko?”

I heard the synchronized dramatic gasps from this dramatic, hormonal teens. Napairap ako nang ilang segundo lang ay parang mga bubuyog na nagbulungan na sila.

Inabot niya sa akin ang bouquet na imbes na bulaklak ay puro libro ang laman. I mean, may mga bukalak naman pero maliliit lang. At napasinghap ako nang makitang ang mga libro na nasa bouquet ay ang mga paborito kong librong hindi ko nabili dati dahil walang reprint at stocks sa mga bookstore!

“Woah! What the F, dude!” I said while chuckling and removing the fabric that was used to form the bouquet. “Ang galing! Saan mo 'to nakuha? Wala ng reprints nito, ah!”

Imbes na sagutin ako ay hinila niya ako papunta sa kaniyang kotse. He opened the door for the passenger seat for me and pushed me to go in. Nang nakaupo na ako at naisara niya na ang pinto ay pumasok naman siya sa drivers seat.

I looked outside, and noticed that this car was heavily tinted. They can't see us from outside, but we can see them from inside.

“So...” he spoke kaya napatingin ako sa kaniya. He turned his gaze to me, too. “Did you like my gift?”

“Of course!” sagot ko kaagad sabay ngiti. “Thank you rito! Now, my books for this series is complete!”

Ngumiti siya. “So? Sinasagot mo na ba ako ngayon?”

I spaced out and waited for that to be digested in my brain, and when it did, napasimangot ako. I forgot, nililigawan niya nga pala ako. He started courting me last week. From sending different kinds of books (either local or international) to me, to also courting my mother by giving her free merchandises na exclusively for VIP ATINs dapat. But he can't court my brother, though.

And now, he just gave me another set of books in a bouquet. Wow.

“Hoy! Isang linggo ka pa lang nanliligaw, 'no!” I pointed out. “At hindi dahil sa gusto ko lahat ng binibigay mo ay sasagutin na kita agad, 'no!”

He tsk-ed. “Bakit pa pinapatagal ang ligawan? Bakit hindi mo na lang ako sagutin ngayon at ang relasyon na lang natin ang patagalin, 'di ba?”

Napairap ako. “Dami mong alam, De Dios. 'Di pa rin kita sasagutin ngayon!”

“Eh kailan nga?”

“Patience is a virtue. Maghintay ka!”

He chuckled. “Okay. I'll wait for you, then.” He started the car's egine. “For now... let's have a date, shall we?”

***

We decided to have a picnic date. Suot ko pa rin ang uniform ko at hindi pa nakakauwi, pero may black na hoodie na pinahiram sa akin si Jah. Bumili muna kami ng kung anu-anong pagkain sa convenience store. Nagtalo pa kami kung chichirya ba or ready-to-eat foods pero sa huli, binili namin pareho.

I don't know where he's taking me, pinagdadasal ko na lang na sana ay hindi kami babalik sa field na 'yon dahil may trauma na ako ro'n. While we were on the road, pinag-usapan namin kung bakit parang may free time siya palagi samantalang ang iba niyang kasama ay hindi ko nakikita. He said he has his ways, which I believed ay hindi 'good ways.'

The car stopped in a cliff. Medyo madilim na at papalubog na ang araw. I am a fan of sunsets, kaya kaagad akong bumaba at nakangiting tinitigan ang unti-unting pagtatago ng araw sa likod ng mala-pyramid na bundok sa malayo, sa ibaba no'n ay ang dagat na kumikinang dahil sa sinag ng papalubog na araw. Parang nagmistulang lake ang dagat dahil sa iba pang my bundok na nasa gilid at ang syudad na nasa tapat nito.

The wind gently blew in my face. Pumikit ako at inangat ang mga braso para damhin ang masarap at preskong hangin. Marahan akong humugot ng hininga, 'tsaka bumuga kasabay ng pagmulat ko ng mga mata.

This place is just in our town. Pero hindi naman ako mahilig gumala kaya hindi ko alam na nandito pala 'to. I'll add this place to my list of places that I love.

Humarap ako kay Jah na umakyat sa hood ng kaniyang kotse dala ang mga plastic kung saan ang pagkain, 'tsaka ang gray na kumot na dinala niya in case daw na matagalan kami at lamigin ako. How sweet.

“Bakit parang ang dami mong alam na magagandang lugar?” I asked habang papalapit sa kaniya.

From setting the food, inangat niya ang tingin niya sa akin.  He smiled. “We live in a world that's advanced because of technology. I searched it, para naman ready ako kung saan tayo sa susunod. Restaurant and mall dates are overrated.”

Mahina akong natawa. I removed my shoes and climbed up the hood. Inabot niya ang kamay ko para tulungan akong umakyat. Tumabi ako sa kaniya at niyakap ang magkabilang tuhod. The wind blew my hair. I tucked the loose strand behind my ear.

Habang naro'n kami ay kung anu-ano na ang pinag-usapan namin habang kumakain. Minsan ay napapatulala kami habang nakatingin lang sa sunset. It's so beautiful that I can't take my eyes away from it, until it was totally gone and darkness enveloped the sky; stars started to show up every second, until the sky was full of twinkling stars in the moonless night.

Magkatabi nalang kaming dalawa at nakatalukbong ang kalahati ng katawan sa kumot. He's shoulder is touching mine, and I am tempted to rest my head there. Nangangalay na ang ulo ko at inaantok na ako.

“Say...” I spoke up after a long silence. He hummed in response. “Kung hindi ka idol ngayon, what do you think you would be?”

“Hmm...” He moved a bit. At dahil halos nakasandal na ang katawan ko sa kaniya, muntikan na akong dumausdos, mabuti na lang at umayos kaagad ako sa pagkakaupo. “Siguro... I'll be an artitst.”

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. “Marunong ka mag-drawing?”

Tumango siya. “You want a sample?”

Namilog ang mga mata ko sa mangha. I like sketching too, but I have no luck with it. Kaya nga naiinggit ako sa mga taong marunong mag-drawing. And I always wanted a portrait of me as a gift.

Tumango ako. “Pwede?”

“Oo. Kapag sinagot mo na 'ko.”

Napasimangot ako. Pilyong ngumiti siya.

Inangat ko na lang ang tingin ko sa langit. Parang automatic na nawala ang inis ko at napangiti kaagad ako nang makita ang napakaraming stars. Malayo pa ang lamp post dito kaya medyo madilim at klarong-klaro ang mga stars. Maganda rin ang City lights sa ibaba na palang mga bituin na bumaba mula sa langit.

Habang naghahanap ako ng mga constellations, napasinghap ako nang may isang shooting star na dumaan.

“Shooting star!” I exclaimed. “Wish tayo, dali!”

Pumikit ako at pinagdaop ang mga kamay ko. With a smile, I wished for a happy and longer life for my family, friends, and to myself. I wished for a better grades and a lot of motivation. I wished for guidance from above for the decisions I will make now or in the future.

Nang nagmulat ako, napatingin kaagad ako kay Jah na nakatitig pala sa akin, nakapatong Ang gilid ng ulo sa kamao habang nakatuko ang siko sa tuhod niya. Nagsalubong ang mga kilay ko pero nakangiti pa rin.

“Nag-wish ka ba?” sabi ko. Umiling siya. “Nag-wish ka dapat!”

Tumawa siya. “I don't believe in those things.” Inangat niya ang kaniyang tingin sa langit. “But if it is true, I only have one wish.”

“Do you mind if I ask what it is?”

Tumawa siya. “Alam mo ba na hindi pwedeng ipagsabi kung ano ang wish mo kasi hindi 'yon magkakatotoo?”

Napasimangot ako. “Akala ko ba hindi ka naniniwala d'yan?”

“Just making sure,” he shrugged. “Baka kasi kapag sinabi kong ang wish ko ay sana sagutin mo na ako ngayon ay hindi matupad.”

Napatawa ako. “Eh paano naman kung magkatotoo nga?”

Napatingin siya sa akin, nagulat sa sinabi ko. Pati ako at nagulat din sa sinabi.

“P-pero hindi ko sinabing sasagutin na kita, ah!” bawi ko kaagad.

He sighed and smiled. “Ayos lang. Handa naman akong maghintay. I know you're not yet ready. I'll be your first boyfriend, right?”

Nag-angat ako ng isang kilay at humalukipkip. “At paano ka nakasisigurong ikaw ang una?”

He chuckled. “Tita Neo said you're an NBSB.”

Napasimangot ako. Ibang klase talaga si Mama! Pati ba naman 'yan sinabi niya. Hindi na ako magugulat kapag isang araw ay alam na rin ni Jah kung ano ang mga ginagawa ko dahil kay Mama.

Yumuko ako sa mga city lights. I can't deny that I have feelings for him, pero hindi 'yon gano'n kalalim para sagutin ko siya at maging kami. I don't want to hurt him (magmumukha akong makapal ang mukha).

I sighed. “I'm still sorting out my feelings for you, Jah.” Yumuko ako sa mga paa ko. “Yes, I do like you. But it isn't enough para sagutin kita. I think I only like you because I always see you, and I also think I like you because of another reason that I can't tell. I'm still confused.”

Nang nag-angat ako ng tingin ko sa kaniya, malambing na ngumiti siya at inakbayan ako. And I just felt my heart react wildly to his gesture.

“It's okay. As I've said, I am willing to wait,” he assured me. “But... can I have a kiss from you?”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Eh--”

Namilog ang mga mata ko nang lumapat ang kaniyang labi sa aking labi nang ilang segundo. Napasinghap ako nang humiwalay siya. Tumawa siya nang makita ang expression ko.

“W-what the hell!”

Sa sobrang gulat ko ay natulak ko siya. I can't control my strength that time, napalakas ang tulak ko dahilan para mahulog siya. Pareho kaming napasigaw sa sobrang gulat.

Continue Reading

You'll Also Like

846 64 8
What if paggising mo e parte ka na ng fanfiction story na isinulat mo? Ikaw ang bida at partner mo ang hinahangaan mong ENHYPEN member na si Heeseung?
10.2K 413 14
Tamara Dilumaque and Zandrick De Zaio story...
8.5K 1K 37
Tyra Jane Montefalco a spoiled brat, known as queen bee in their school and lastly a bully what if this spoiled brat meet her match. Kairo Miguel San...
31.2K 845 117
to the man i once loved with all my heart, dare to hear my sentiments.