Chapter 19
"Naji?"
Napatingin ako sa nagsalita.
It was Justin. What's he doing here?
"Jah?" Nagsalubong ang mga kilay ni Josh. "Anong ginagawa mo rito?"
Suot-suot pa rin ni Jah ang damit na sa tingin ko ay sinuot niya pa mula sa shooting. His makeup is still on, just like Josh.
Ano nga bang ginagawa ng mga 'to rito?
Umirap si Justin. "Ano rin ang ginagawa mo rito? May shoot ka, hindi ba?"
"Kasama ka ro'n, tangek," kaswal na sabi ni Josh. "Tayong lima ang kailangan sa shoot na 'yon. Pero tapos na ako. Kanina pa."
Hindi sumagot si Jah. Lumakad lang siya papalapit sa akin. Nang nakalapit, magsasalita na sana ako pero hinawakan niya bigla ang braso ko at hinila paalis. Gulat na napatingin ako kay Josh.
"T-teka! Josh!" I called him.
"Tss! Ano ba kasing ginagawa ng isang 'yon dito?" I heard Justin mumbled.
"Okay lang ako, Naji!" Nakangiting sigaw ni Josh para marinig ko. "Sumama ka na lang para hindi magasgasan ang cute na mukha ko!"
Sinamaan ko ng tingin si Jah. "Bigla-bigla ka na lang sumusulpot, 'tapos nanghihila pa. Ano ba ang problema mo, ha?"
Lumiko kami sa kabilang side ng building na walang masyadong tao. Nasa dulo na yata kami.
Hindi niya ako sinagot. Pagkahinto namin, may kanuha siya mula sa bulsa sa likuran ng kaniyang pantalon at binigay sa akin.
"Oh, kunin mo," utos niya.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. "Ano 'yan?" tanong ko.
Rectangular at parang papel ang inaabot niya. Pero hindi 'yon ordinaryong papel. May naaamoy pa akong mabango. Scented paper?
Sumimangot siya. "Kunin mo na lang para malaman mo!"
Napanguso ako. Suplado naman. Kinuha ko na 'yon at tiningnan. I flipped it, at doon ko nakita ang nakasulat sa scented paper na 'to.
SB19: Get In The Zone Tour in Manila? So ticket pala ito sa concert nila? Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nahuli ko ang tingin niya pero iniwas niya rin.
"Sa susunod na araw na 'yan," aniya. "You need to be there, okay?"
Tiningnan ko ulit ang ticket. It's labeled as 'VIP.' Napasipol ako.
"VIP. So sa harap?" Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. "Ayoko. Sawa na ako sa pagmumukha mo, eh."
Sinimangutan niya ako lalo kaya napatawa na lang ako. "Ayaw mo? Edi akin na! Bigay ko sa mas willing na makita ako. Tss!"
Aagawin niya sana mula sa'kin ang ticket pero kaagad kong iniwas. "Sinabi ko lang na sawa na ako sa mukha mo pero 'di ko sinabing 'di ako pupunta."
"So? Pupunta ka na?"
Tumango ako. "Para makita si Josh."
His stares went cold. "Give me that--" Aagawin niya na naman sana ulit pero iniwas ko. "Niana Jilian!"
"Justin De Dios!" tumatawang ganti ko naman. "Joke lang! Ang seryoso mo naman. Gusto ko talagang makita kayong lahat. Pero miss ko nang makita 'yong iba."
Bumuka ang bibig niya para sana magsalita pero tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya muna kung bakit tumunog ang cellphone niya, bago siya tumagilid at sinagot ang tawag.
"Ano?" aniya. Wow, ang galang naman. "Mall..." huminto siya. "Oo..." hinto ulit. "Mamaya... Oo..." Hindi naman halatang nagtitipid siya sa words, 'no. "Sige... Bye."
Pinagmasdan ko siya habang binabalik niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa. Nang humarap siya sa'kin, nagsalita na ako.
"Sino 'yon?" tanong ko habang inaamoy ang scented paper. Ang bango, eh. Mahal 'to at minsan lang ako makahawak nang ganito, kaya sulitin ko na.
Bumuga siya ng hangin. "Si Josh." Bahagya akong nagulat do'n. "Pinapabalik na kami sa shoot. May susunod pa kasi. Mamayang hapon pa yata 'to matatapos."
Tumango ako. "Eh ano pa ang hinihintay mo? Alis ka na! Baka pagalitan ka na naman ng Manager n'yo."
Tumango rin siya. "Sige. Pero hatid na muna kita sa inyo."
Umiling kaagad ako. "Ay, naku! 'Wag na. Kaya ko naman."
"Alam kong kaya mo. Pero gusto kong ihatid ka. Kaya tara--"
"Eh! 'Wag na nga lang kasi, eh!"
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Sure ka?"
Tumango ako. "Oo nga!"
"Okay. Fine. Bye." Tinalikuran niya na ako 'tsaka patakbong umalis.
Napanguso na lang ako. Nagmamadali naman pala 'tapos gusto pa akong ihatid. Loko rin, eh.
Napatingin ako sa ticket na hawak ko. SB19 concert. Should I buy a light stick now? Dapat lang. Umalis na ako ng mall at umuwi na muna.
***
And the day of the concert finally came.
Nagdadalawang-isip pa ako kung tutuloy pa ba ako o hindi. It's Monday, for Pete's sake. Unang araw ng klase after ng semestral break 'tapos absent agad ako? But I did promise to Justin that I will go. At ayoko na sinisira ang sariling promise ko.
Nasa harapan ko ngayon ang mga bagay na kadalasang dinadala sa isang concert habang nakaupo ako sa aking kama. Mayroong headband na umiilaw na may pangalan na 'SB19' at may banner pa. Nandito na rin ang light stick na unang version ng kanilang light stick. Pati pamaypay na may mukha nila, meron. Saan ko nakuha 'to? Online. At pinadala rin ni Jennie dahil sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa pagpunta ko sa concert.
Napasimangot ako. Kung dadalhin ko 'to lahat, magmumukha akong fangirl nila eh hindi naman. But I do need to support them as a friend.
Napatingin ako sa cellphone kong nasa bedside table na tumunog. Nang makitang may tumatawang, kaagad kong kinuha. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang si Justin ang tumatawag.
"Oh?" Bungad ko pagkasagot.
"Mamayang ala una, ha. 'Wag kang mali-late, or mang-i-indian!"
Napairap ako. "Oo na, oo na! Tss!" Binaba ko na kaagad ang tawag. Aish, kainis. Ang kulit. Dalawang araw niya na akong pinapaalalahanan kaya hindi ko nakakalimutang bumili ng light stick eh.
Naghanda na ako dahil ilang oras na lang para sa concert. Pagkatapos maligo, sinuot ko na ang dress kulay beige. Tinali ko ang buhok ko into ponytail bago lumabas ng kwarto dala ang mga bagay na dadalhin ko sa concert.
"Saan ang lakad mo, Naji?" usisa kaagad ni Kuya nang mapadaan ako sa may sofa. "May date ka, 'no?"
Napasimangot ako. "Lah? Date agad? Hindi ba pwedeng may pupuntahan lang?"
"Date pa rin ang pupuntahan mo."
"Neji," suway ni Mama na kalalabas lang ng banyo. "Hayaan mo na si Naji. Dise-otso na 'yan, eh."
Nagtalo pa sila kaya umalis na lang kaagad ako. Patakbong tinungo ko ang parahan ng traysikel. Nang nakasakay, sinabi ko kaagad sa driver ang address na nakasaad sa ticket na hawak ko.
Malayo pa lang ako, kitang-kita ko na ang mga tao sa labas ng arena. Marami sila. I bet all of them are the fans of Justin's group.
Pagkababa ko ng traysikel, napaawang na lang ang mga labi ko sa dami ng taong nandito. Mostly sa kanila ay mga mas bata pa sa akin. May iba rito na may kasama pang Ate or guardian.
Hinawakan kong mabuti ang bag kung saan ko nilagay ang light stick, banner, at iba pa bago lumakad.
Nililibot ko ang paningin ko sa paligid. Napangiwi ako nang may bumangga sa akin at tumama ang gilid ng ulo ko sa kaniyang noo.
"Aray!"
"Ouch!"
Napahawak kaagad ako sa gilid ng ulo ko. Ah, taena, parang naalog ang utak ko ro'n, ah.
"Ay hala! Sorry po, ate!"
Napatingin kaagad ako sa kaniya. 'Yong expression ng kaniyang mukha ay parang nakagawa siya ng napakalaking kasalanan sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.
"Ah, okay lang. Kasalan ko rin naman. Tatanga-tanga ako, eh."
"Buti alam mo."
Natigilan ako at napakurap sa kaniyang sinabi. Anong--
Tumawa siya. "Joke only!" Inangat niya ang mga daliring naka-peace sign. "Hello, kapatid! Ako nga pala si Sam. Anong pangalan mo po?"
Nagsalubong ang mga kilay ko.
Kapatid? Hindi ko naman siya kapatid. Ganiyan ba ang tawag nila sa isa't-isa rito?
"Naji. Pero... uh... hindi ako fan ng--"
"Nice to meet you po, Naji!" she cut me off. Hinawakan niya ang kamay ko bigla. "Halika, sumama ka sa'kin. Doon tayo sa pwesto namin habang hinihintay nating magbukas ang arena."
Hindi na ako nakaangal pa nang hilain niya ako paalis. Huminto kami sa tapat ng dalawang babae at isang bakla na nagtatawanan. Nahinto sila at napatingin sa amin nang makarating kami.
"Sam," tawag no'ng isang babaeng may hanggang leeg na buhok. "Saan ka galing?"
"Ah, doon lang, hinahanap ko 'yong nakilala ko sa internet two weeks ago. ATIN din daw siya, so iniisip ko na baka nandito siya."
"Si Trina ba? Hindi pinayagan ng mama niya," sabi naman no'ng katabi niyang medyo kulot ang buhok. Suot niya ang headband na umiilaw na may tatak na SB19.
"Ay? Gano'n ba? Sayang naman," malungkot na sabi ni Sam.
"Wag ka na umalis, girl, ha? Malapit na magbubukas ang heaven's gate!" Maarteng sabi ng bakla habang pinapaypayan ang sarili gamit ang pamaypay na may mukha ni Justin at Josh.
"Ay! Siya nga pala, guys. Here with me is Ate Naji! Ate Naji, mga kaibigan ko nga pala sila..."
And the introduction goes on. Marami pa kaming pinag-usapan habang naghihintay na bumukas ang arena at makapasok kami. And exactly after ten minutes, magbukas na nga.
Nagtulakan pa ang iba papasok. Sumigaw ang babaeng nasa harapan na may hawak na megaphone, kaya umayos ang pila papasok. Maayos naman kaming nakapasok pero nahiwalay na ako kina Sam dahil dumiretso na ako sa VIP area habang sa gitna sila.
Ilang minuto rin kaming nakaupo lang at hinihintay na matapos mag-ready ang SB19 bago nagsimula na ang concert talaga. Naghiyawan ang lahat nang dumilim na ang arena at may spotlight na itinutok sa stage.
Then, a not so familiar song starts playing.
(Now Playing: Alab – SB19)
May nagsigawan biglang fanchant.
" Hey~ Ooh~ Woaahh~"
Naghiyawan pa sila lalo nang nagsimula nang kumanta. Napangiwi nalang ako at napatakip sa tenga ko.
" Ano bang meron sa ngiti mo?
(Girl, I'm dyin')
'Di ka na maalis sa isipan ko
(Impossible)"
Tiningnan ko sila na nasa stage at nagpeperform. Sobrang astig at swag dahil synchronized ang mga galaw nila, halatang pinag-practice-an nang maayos.
Habang nakikinig ako, unti-unti ko na ring ginagalaw ang light stick na hawak ko pasabay sa beat ng song.
" Don't stop anymore, can't stop anyway
Now the fire in me is startin'
You'll be in my zone! "
They're really impressive. Their talents are impressive. Hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit sikat sila. They deserve their achievements.
" Di na matatanggi
Hit me like fire
Ikaw na ang aking hinahanap
(No matter)
Oh, I do (love you) baby I do (love you)
I need your--I need your love right now
Now now, now now, now now
'Di mapigil itong damdamin
Now now, now now
I need your--I need your love right now!"
Then Jah's part came. Nakatitig lang ako sa kaniya habang kumakanta at sumasayaw siya. 'Yong mga mata niya ay sobrang likot, na parang may hinahanap. Then his eyes found mine. Lumawak ang ngiti niya. At bago siya tumalikod, na part sa choreography, kinindatan niya ako.
Napakurap ako at bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Ngingiti na sana ako.
"Gosh! Did you see that? He winked at me! Gosh! He likes me!"
Sinamaan ko kaagad ng tingin ang babaeng katabi ko. Assuming masyado, ha. Umirap na lang ako at tinuon na ang tingin sa harapan.
Sa buong oras ng concert, I admit, nag-enjoy ako kahit na hindi ko alam ang mga kanta nila. Nang natapos ang concert, paglabas ko ng arena ay kaagad akong umupo sa pinakamalapit na bench.
"Ah~" I sighed nang nakaupo na. Pumikit ako dahil medyo exhausted ako. Dalawang oras din ang concert at medyo na-hyped up ako kanina.
Tumunog ang phone ko. Kaagad kong nilabas mula sa bulsa ko at tiningnan. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang tumawag si Justin.
"Oh? Bakit?" Bungad ko nang sinagot ang ko tawag.
"Where are you?"
"Nasa labas lang ng arena."
"Hindi ka pa nakakalayo?"
"Hmm... Hindi pa. Bakit?"
"Diyan ka lang. 'Wag kang aalis. And don't end the call unless I say so, okay?"
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko sa kaniyang sinabi. "O...Kay?"
"Okay."
Narinig ko sa kabilang linya ang malalakas na yabag ng mga paa at parang nagmamadali. May naririnig pa akong mga boses na pamilyar pero hindi ko maklaro ang sinasabi.
"Now... Where are you?" tanong niya after a couple of minutes.
"Nandito pa rin sa inuupuan ko," sagot ko. "Sabi mo dito lang ako, eh."
He chuckled. "Alright. Tumayo ka."
Tumayo kaagad ako. Assuming that he's around, I roamed my eyes and looked for him.
"Saan ka tumitingin? Nandito ako."
Napakunot ang noo ko. "Huh? Saan?"
"Sa likod mo."
Napaigtad ako at napaharap kaagad sa likuran ko nang marinig ko ang boses niya. Nasa tenga niya pa rin ang cellphone. Gano'n din ako. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. It's bad to assume, but I can't help it. Naestatwa ako at bumilis ang tibok ng puso ko.
He's holding a bouquet of flowers.
***
A/N:
Sorry for the delayed update :(
I haven't been to any concerts, and I only based what I wrote here from the vids I saw on the internet. Please do forgive me if may hindi tama sa nilagay ko rito.