Exclusively Dating The Idol |...

By gwynchanha

805K 30.3K 4.7K

Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Al... More

Exclusively Dating The Idol
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
SPECIAL CHAPTER
note (please read!)
FAQ (seryoso na!)
Other Stories
BOOK ANNOUNCEMENT!!!
Special Chapter 2

Chapter 15

13.1K 620 86
By gwynchanha

CHAPTER 15.

"WHO'S THAT, JAH?" tanong kaagad ni Sharlene habang nakatitig sa akin.

Pasimple akong napakurap at napalunok. Ayan na nga!

I cleared my throat. "I am--"

"Don't talk to me," she cut me off at napasinghap na lang ako. "I am not talking to you." She rolled her eyes at me and looked at Justin again.

Aba't--!

Ang maldita naman nito! Ano kaya ang magiging reaksyon ng fans niya kapag nalamang ganito siya off-cam? O baka alam na nila at wala lang silang pakialam.

Napabuga ng hangin si Justin. "Anong ginagawa mo rito, Sharlene?"

"Stating the obvious is a stupid's act," maarte niyang sabi.

I mentally rolled my eyes. Itulak kaya kita nang mabagok ulo mo.

"Kanina pa siya namin pinapaalis," singit ni Pablo. "Pero ayaw niya."

Humarap kaagad sa kaniya si Sharlene. "I told you! I don't want to leave. Nandito si Jah, eh! And I don't want to be away from my boyfriend." With the mention of Justin's name, humarap siya rito. Ngumiti siya kay Justin bago ibinaba ang tingin sa akin. "Lalo na't may dumi na dumidikit ngayon sa kaniya."

Napasinghap ako. Kaunti na lang... Kaunti na lang at kakalimutan kong artista siya at sasabunutan ko na!

"Sharlene," may pagbabantang sabi ni Jah. "Watch your words. You're talking to my girlfriend."

Napabaling kaagad ang tingin ni Sharlene sa kaniya. Nagkasalubong ang mga kilay nito sa pinaghalong pagtataka at galit. "G-Girlfriend?"

I proudly raised my head. "Yes, I am his girlfriend. Now, back off, bitch."

Wow, napakatapang! Akala mo hindi nangangatog ang binti, eh.

Her face turned red in so much anger. Galit ang mga matang nagbaling siya ng tingin sa akin. She advanced one step towards me pero kaagad akong hinila ni Justin papunta sa kaniyang likuran.

"Sharlene, stop it," mariin na sabi ni Justin. "Don't start a fight. Don't even think about it"

"Baby, you're hurting me now!" Maagap na sagot ni Sharlene. I could see tears forming in her eyes. She's about to cry.

Justin sighed. "We talked about this, Sharlene. At pumayag ka."

"Jah!" sigaw niya. "I... I told you it was just a joke! H-Hindi ako papayag!"

She bit her lower lip and grit her teeth. May gusto pa siyang sabihin, pero marahas na lang siyang bumuga ng hangin at umungol sa matinding frustrasyon bago nagmartsa paalis. Binangga niya pa ang balikat ko intentionally! Pero hindi ko na ginantihan pa.

Napaigtad ako nang marinig ang malakas na kalabog ng pintuan na pabalang na sinarado. Maldita talaga.

Justin sighed in relief. Napatingin ako sa kaniya nang alisin niya ang kamay kong nakahawak sa kaniyang kamay.

"I'm sorry about that," he whispered.

Ngumiti at tumango ako. "It's okay. That's the purpose why I am here, right? Para paalisin ang peste?"

Napatawa siya sa biro ko. Tumawa na lang din ako.

Nilibot niya ang paningin. "Sit near the stage. I want you to see me perform."

"Hmm..." I jokingly narrowed my eyes. "Harana ba 'yang gagawin mo sa 'kin?"

He smirked at me. "Asa ka."

Natawa na lang din ako.

Umakyat na siya sa stage at ako naman ay naupo na sa pinakaharap, as per his request. Pinanuod ko silang magpractice.

Magaling nga siyang sumayaw at kumanta. But I like Ken's dancing and Stell's voice more. Nakaka-fall! And also, their rapping skills are superb! They're really talented and I am envious. Sana all talented. Pagtulog at pagkain ng marami lang yata ang talent ko, eh.

Nang natapos na ang practice nila noong araw na 'yon, sumama ako sa kanila sa isang malapit na restaurant para kumain. Ayoko sana, pero namilit si Jah.

It was fun to be with them. Walang minuto na hindi ako tumatawa sa mga pinagsasabi nila. Kahit hindi naman talaga kami close, feeling ko mga ilang years na kaming magkaibigan. I don't feel out of place with them. They also talked about their career and how they started. Pati mga embarrassing moments hindi pinalagpas!

Mga alas 6:40 kami natapos at lumabas ng restaurant. Nauna na ang apat dahil ayaw daw nilang sirain ang moment namin ni Jah. Mga loko-loko rin, eh.

Naglalakad kami ni Justin papunta sa kaniyang kotse na naka-park sa gilid ng restaurant. We were both silent. Nagsalita lang siya nang nasa gilid na kami ng kotse niya.

"Hatid na kita?" he asked.

Tumango kaagad ako. Wala na akong pamasahe. Ayoko sanang mag-request na ihatid niya ako dahil nahihiya ako. Pero ngayong siya na mismo nagsabi, payag agad ako. Chansa na 'yan!

He opened the door for me. I thanked him bago ako pumasok. Pumasok na rin siya at nagmaneho na paalis.

Habang nasa byahe, we were both silent again. No one dared to speak. Pero ang klase ng katahimikan ay hindi awkward, just comfortable.

He asked for the direction for our house, at sinabi ko naman. Tinuturo ko sa kaniya kung saan liliko at hanggang saan didiretso.

"Dito na lang," I said nang makitang ilang metro na lang ang layo mula sa bahay.

I can't risk Justin seeing my mother or my brother. Baka gisahin pa siya! Nakakahiya 'yon.

"Hmm?" He seemed reluctant. "Sure ka?"

Tumango ako. "Oo. Dito na lang."

Tumango na lang din siya. "Okay."

Tumango rin ako. Bumaling ako sa pinto at bubuksan ko na sana, nang may naalala ako. Kaagad akong humarap ulit kay Justin.

He raised his brow at me. "Bakit?"

Without second thoughts, I leaned closer to him and kissed his right cheek. Naramdaman ko kaagad ang pamumula ng pisngi ko. Nang lumayo ako, nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha. I can't help but to giggle.

"Thank you. And bye!" I said at nagmamadali nang bumaba.

Pagkababa, gumilid kaagad ako at humrap sa kaniya. Napatawa ako nang makitang nakaawang pa rin ang mga labi niya at bilog ang mga mata sa gulat habang nakatingin sa akin. I waved at him and turned around, bago lumakad pauwi.

Napayuko at nakagat ang ibabang labi, kinikilig sa sariling ginawa kanina. Ang harot, Naji!

-SHARLENE's POV-

"ARRGH! DAMN IT!"

Padabog na umupo ako sa sofa pagkapasok ko sa aking condo. Itinapon ko ang aking bag sa gilid ko bago humalukipkip at pinagkrus ang mga binti.

I'm beyond pissed. And it's because of Justin and his hoe!

"Oh? Bakit ganiyan ang mukha mo?"

Napaangat ako ng tingin kay Miles. She's here again? Wala bang sariling bahay ang babaeng ito? Kaunti na lang at dito na siya titira.

I sighed harshly. "Galit ako!"

"Halata naman," aniya sabay subo ng nachos. "So? Bakit?"

Just by thinking about what happened earlier, mas lalo lang ako nainis. I groaned and picked up the pillow beside me and threw it towards her. Nakailag naman siya.

"He said he doesn't want to hurt me. But he's hurting me!" sigaw ko. "Miles, may babae siya!"

Napabuga siya ng hangin. "Sino ba? Si Justin? Hindi ba walang kayo? Delusional ka lang."

I glare at her. "Huwag mong dagdagan ang inis ko, bwiset ka!"

Napabuga siya ng hangin. "Ikaw na rin mismo nagsabi sa kaniyang lulubayan mo na siya kapag may iba na siyang nahanap, hindi ba?"

"Well... yeah. May condition akong sinabi bago kami tuluyang maghiwalay. But I wasn't in my right mind that time! I was just saying whatever comes to mind. I can't just let him go, Miles! I love him. And I know, deep inside his heart, he loves me, too."

Sumubo ulit siya ng nachos na pinatungan niya ng giniling. "Let him go, Sharlene. Wala ngang kayo. Obsessed and delusional ka lang. Kung ayaw ng tao, 'wag mo na pilitin."

Napasimangot ako. "I know. Pero hindi ko maatim na sa isang... isang palaka niya ako pinalit!"

Her eyes quickly darted to me. Naibaba niya ang pinggan na may nachos 'tsaka tumayo at lumapit sa akin. Habang papalapit ay pinulot niya ang tinapon kong unan bago umupo sa tabi ko.

She sighed. "Do you want me to take care of that frog, then?"

Unti-unti akong napangiti nang may ideyang pumasok sa utak ko. That girl should really be ready. I don't want to surrender without a fight. May the best woman win. But I know I will definitely win this one.

***

Author's Note:

Yow! Sorry for the wait. And happy 1.4k+ reads! Hindi ko inasahang aabot sa ganito karami ang reads.

Btw, I'll be very busy after this. Exams week na kasi namin at marami na ang kailangan gawin sa school, like projects, na dapat maipasa agad. Senior high is really stressful, but bearable.

Next update: maybe after our exams. And that's... on Jan 18-20. Huhuhu. Matagal na naman ulit.

Continue Reading

You'll Also Like

45.1K 3.1K 50
O N G O I N G ( Continuation of MY BOSS) " ᴋᴀʜɪᴛ ᴀɴᴏ ᴘᴀɴɢ ɢᴀᴡɪɴ ɴɪʟᴀɴɢ ᴘᴀɢʜɪʜɪᴡᴀʟᴀʏ sᴀ ᴀᴛɪɴ ᴅᴀʟᴀᴡᴀ ʜɪɴᴅɪɴɢ ʜɪɴᴅɪ ɴɪʟᴀ ᴍᴀʙᴀʙᴀɢᴏ ɴᴀ ᴛᴀʏᴏ ᴘᴀʀɪɴ ᴀɴɢ ᴘᴀʀ...
40.3K 1.1K 31
(COMPLETED) Leehinton Boys #2 Ash was a distant girl who preferred to read books than dating guys who liked her. She has no experienced having a rela...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
7.9K 4.4K 78
Jaz herself is a stingy girl but when it comes to the people she loves, she is willing to give it up and is willing to risk her life for the people s...