Exclusively Dating The Idol |...

By gwynchanha

806K 30.3K 4.7K

Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Al... More

Exclusively Dating The Idol
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
SPECIAL CHAPTER
note (please read!)
FAQ (seryoso na!)
Other Stories
BOOK ANNOUNCEMENT!!!
Special Chapter 2

Chapter 14

12.7K 619 71
By gwynchanha

CHAPTER 14.

-JOSH's POV-

NAGRE-REHEARSE KAMI ng performance namin para sa nalalapit na concert, nang may biglang sumigaw mula sa backstage. Nabulabog kaming apat na nandito ngayon sa stage. Ano na naman 'to?

"Anong nangyari do'n?" Stell voiced out what I was thinking. Mukhang 'yon din ang tanong ng tatlo sa kanilang isip.

Nasagot ang tanong namin nang lumabas mula sa backstage ang babaeng naka pulang dress at tuwid na tuwid ang hanggang balikat na buhok. Nakasunod sa kaniya ang mga staff na kasama namin at pati na si Manager Anne. Nilibot niya and paningin sa paligid habang nakangiti.

"Nasaan si Jah?" she asked with her soft voice that always makes me cringe. Bumaling siya sa akin.

I tried my best not to be rude. Sabi kasi nila, be kind to animals.

Bumuga ako ng hangin. "Wala pa rito. Hindi pa dumadating."

Ngumuso siya. She was about to say something pero naunahan siya ni Manager Anne.

"See? Kaya umalis ka na, Sharlene. Nagre-rehearse pa kami rito."

Humarap siya kay Manager. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang facial expressions niya. Pero nakita kong humalukipkip siya.

"Why do I feel like you don't like me, Manager Anne?" I can sense the sarcasm in her words.

Ay, miss, news flash, hindi ka niya talaga gusto.

Halata sa mukha ni Miss Anne na nahihirapan siyang itago ang totoong nararamdaman niya sa ngayon habang kaharap si Sharlene.

"Miss San Pedro," ani Manager Anne sabay buga ng hangin. "With all due respect, gusto—"

"Then respect me as Jah's girlfriend," Sharlene cut her off. "May karapatan akong manatili rito habang wala pa si Justin. Ikaw ang manager nila. You should really respect me or Justin will hate you for throwing me out."

My left brow twitched in so much annoyance. Nanliit naman ang mga mata ni Manager Anne, pinipigilan ang sarili na kaladkarin palabas ng arena ang babaeng kaharap.

Manager Anne sighed to calm herself. "Sige. Ikaw bahala," she surrendered.

"Good."

Malawak ang ngiting lumakad naman si Sharlene papunta sa pinakaharap na upuan. Pagkaupo, kaagad niyang ipinagkrus ang mga binti at ang mga braso sabay angat ng tingin sa aming mga nasa stage.

"Continue, please," aniya sa amin sabay ngiti.

Nagkatinginan kaming apat. Looks like we all have the same thought. We want this crazy girl away from our sights or our day will be ruined. Pero wala na kaming magagawa pa sa kaniya. If we force her to go out, she'll definitely whine on social media and it will spread like wild fire. Masisiraan pa kami sa lahat.

Tumango ako sa mga kasama ko. "Sige na. Ulit tayo sa simula."

Tumango rin sila at bumalik sa unang posisyon nila. Nang tumugtog na ang music namin na Alab, finocus ko na lang ang sarili sa sayaw at inalis pansamantala sa utak ko si Sharlene.

Nasaan na ba kasi si Jah? He should've been here kanina pa. Is he with Naji again? I get it that she's his secret girlfriend (na hindi na secret dahil  marami na ang may alam) pero can't they separate personal life with work? Damn, Jah.

Natapos na ang group performance namin pero wala pa rin si Jah. Nagpatuloy na lang kami sa mga solo namin at sa mga programme na nasa script. Kahit na nababagabag ako sa presensya ni Sharlene, hindi ko na lang 'yon pinansin at pinagpatuloy ang pagkanta.

I heard Sharlene groaned, and then tumayo siya. "Wala pa ba si Jah?!"

"As you can see, wala siya rito. So malamang, wala pa nga siya rito!" sagot ni Stell sabay ngiwi ng bahagya. Gusto kong matawa sa reaksyon niya na 'yon.

She groaned again. "Can't you call him, or text him, or something?! Gosh! Naiinip na ako rito kakahintay!"

"Edi hanapin mo siya. Easy!" sagot naman ni Pablo.

Napatingin na ako sa kanilang tatlo. I gave them a look na nagsasabing kumalma sila.

"Hintayin mo na lang siya. He'll be here soon," si Ken na medyo mabait ngayon.

Hindi sila pinansin ni Sharlene na ngayon ay masamang nakatingin sa akin.

"Josh! Call Justin. Now!"

Gusto kong manakal.

I was about to say something, nang biglang bumukas ang pinto sa entrance ng dome. Lahat kami napatingin doon at tiningnan kung sino ang pumasok.

Napaawang ang mga labi ko nang makitang magkahawak ang kamay na pumasok sina Jah at Naji habang nagtatawanan dahil sa pinag-usapan na silang dalawa lang nakakaalam. Nang napabaling silang dalawa sa amin, natigilan sila.

Napatingin kaagad ako kay Sharlene. Napalunok ako nang makitang nanlilisik na ang kaniyang mga mata.

Oh, no... She'll be in 'crazy girl mode' again! Damn you, Jah.

-NAJI's POV-

"Sino ba kasi 'yang Sharlene na 'yan? All I know is that artista siya. Pero hindi naman kasi ako interesado sa mga artista."

Napabaling siya sa akin, na para bang may sinabi akong mali. Kinunutan ko siya ng noo.

Bumuga siya ng hangin at binaling ang tingin sa daan. Napatingin na rin ako sa kalsada. He maneuvered the car to take a turn to the left.

"She was my celebrity crush, kaya niligawan ko siya," aniya. "Pero nang nalaman kong nagkamali pala ako sa nararamdaman ko sa kaniya, I decided to stop courting her, pero ayaw niya. As I've said before, sa utak niya ay kami na. And until now, she still believes na girlfriend ko nga siya."

"Parang baliw naman pala?"

Napatingin siya sa akin at tinaliman ako ng tingin. Kinunutan ko ulit siya ng noo. Problema niya?

He sighed like a defeated president, bago binalik ang paningin sa kalsada. "Baliw talaga siya."

"Paanong baliw?"

"Noong una, binantaan niya akong magpapakamatay siya kapag iiwan ko siya. Alam ko naman na reason lang 'yon ng ibang babae para hindi hiwalayan. Pero baliw talaga siya, kasi tinotoo niya. She cut her wrist multiple times and used her own blood as an ink to write a letter to me saying na 'wag ko siyang hiwalayan."

Napasinghap ako sa narinig.

Wow. Baliw nga talaga ang babaeng sinasabi niya. Sino naman kasing tanga ang magpapakamatay para sa isang lalaki? I mean, I get it, mahal mo, pero really? You're willing to go to any lengths just for... a guy? Hindi lang naman siya ang nag-iisang lalaki sa mundo, ah.

Pero sabagay... si Justin De Dios na ito, eh.

Napatango ako. "So... you want to use me para mahiwalay kayo nang tuluyan? Eh paano 'yon? Magpapakamatay nga kung hihiwalayan mo, hindi ba?"

"Ang sabi niya, she'll let me go kapag nakita niyang masaya ako at mahal na mahal ko ang magiging girlfriend ko kung hihiwalayan ko siya. Ang sabi niya, lulubayan niya na ako kapag nakita niyang mas better sa kaniya ang ipapalit ko."

Napanguso ako. Confident lang ako pero halata namang mas better in terms of looks si Sharlene, ano!

"That's why gusto kong gamitin ka at ipakita sa kaniya na masaya ako sa 'yo, na totoong mahal kita kaysa sa kaniya, at mas better ka kaysa sa kaniya para tigilan niya na ako."

Napayuko ako. Something tugged my heart, and it stung. Ito naman ang tunay na rason kung bakit nga namin ginagawa ito in the first place so... anong problema ko?

Bumuga ako ng hangin at humilig sa inuupuan. "Bring it on, then. Hindi sa pagmamayabang pero nanalo ako bilang Best Actress sa roleplay namin noong grade nine sa Romeo and Juliet."

Nang tumingin ako sa kaniya, napatingin din siya sa akin. He laughed at what I said, at tumawa na lang din ako.

Huminto ang kotse sa tapat ng arena na sinasabi niya. Sabay na kaming bumaba.

Inatake kaagad ng sobrang kaba ang dibdib ko habang papalapit kami sa entrance ng arena. Marahan akong bumuga ng hangin sabay hilot sa mga daliri kong nanlalamig na at nawawalan ng kulay.

"Naji, relax lang."

Napatingin ako sa kamay ko nang bumalot ang mainit niyang mga kamay sa akin. He loosened  my grip on my fingers, and intertwined our hands instead. Mas lalo lang akong kinabahan sa ginawa niya.

Napatingin ako sa kaniya. "I-I am relaxed, Justin, ano ka ba?!," giit ko.

He chuckled. Inangat niya ang mga kamay naming magkasalikop.

"It's showtime, babe." And he kissed the back of my hand.

Napalunok naman ako.

Hinila niya na ako pasabay sa kaniya papasok sa dome. Habang naglalakad kami ay nagre-rehearse na kami sa mga dapat kong ire-response sa mga gagawin at sasabihin niya mamaya.

"Huwag kang matakot sa harapan niya. Always smile, ipakita mo sa kaniya na hindi ka takot sa kaniya."

Tumango ako. "Okay," I breathed.

Tumango rin siya. "Okay."

Marami pa siyang mga paalala. Huminto lang 'yon nang huminto kami sa tapat ng isang pinto.

"Nasa loob na silang lahat," aniya. "I am one hundred and one percent sure she's inside, too."

Bumalik ang kaba sa dibdib ko. Nanginig ang mga kamay ko pero hindi ko na naramdaman nang hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"I-I am relaxed. I-I am c-calm," giit ko sa sarili ko.

He chuckled. "Nasaan na ang Best Actress na Naji kanina?"

Sinamaan ko kaagad siya ng tingin.
"Ihanda mo nang ipakita ang tinatago mong talento, babe. Papasok na tayo. Isipin mo na lang na theatre play ito, okay?"

Tumango ako. "Okay. Okay..."

Tumango rin siya. "Okay. Here I go..."

Napatingin ako sa kaniyang kamay nang humawak iyon sa doorknob. Pigil-hiningang pinagmasdan ko siya. Nang tuluyan nang bumukas at hinila niya ako papasok, kaagad akong ngumiti na parang nanalo sa lotto at dumikit sa kaniya. Parang pokpok na tumawa ako at sinabayan niya naman.

Nang mapatingin kami sa harapan, pareho kaming natigilan. Nandoon ang apat sa stage, at sa likuran nila ay ang mga staff kasama si Manager Anne na pulos nakatingin sa amin. Pero ang paningin ko ay napako sa babaeng nasa mga upuan at masamang nakatingin sa akin na para bang gusto niyang gilitan ako sa leeg nang buhay.

I maintained my smile. But deep inside, napaisip ako na... na gusto ko nang umuwi!

***

Author's Note:

Yow, readers! Sorry for the wait. But here's the update now!

Continue Reading

You'll Also Like

8.4K 116 35
What if, zuesma came back from the Philippines? She will like it here? Or, she will go back to the italy? What if, she will meet her dream guy here...
18.7K 139 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
499 94 27
Laitero at mapanghusga at lahat iyon binabase nya sa hitsura. *** Lumaking bully si Cholo at sa kanyang palagay ay normal iyon dahil sa masaya sila n...
9K 392 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...