That Frat Leader (TFL SERIES...

By daddios

263K 6.3K 561

That Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
ANNOUNCEMENT! Chos.
THAT FRAT LEADER IS MY EX (TFLIMP BOOK 2)
BOOK 2- Chapter 1
BOOK 2- Chapter 2
BOOK 2- Chapter 3
BOOK 2- Chapter 4
BOOK 2- Chapter 5
BOOK 2- Chapter 6
BOOK 2- Chapter 7
BOOK 2- Chapter 8
BOOK 2- Chapter 9
BOOK 2- Chapter 10
BOOK 2- Chapter 11
BOOK 2- Chapter 12
BOOK 2- Chapter 13
BOOK 2- Chapter 14
BOOK 2- Chapter 15
BOOK 2-Chapter 16
BOOK 2- Chapter 17
BOOK 2- Chapter 18
BOOK 2- Chapter 19
BOOK 2- Chapter 20
BOOK 2- Chapter 21
BOOK 2- Chapter 22
BOOK 2- Chapter 23
BOOK 2- Chapter 24
BOOK 2- Chapter 25
BOOK 2- Chapter 26
BOOK 2- Chapter 27
BOOK 2- Chapter 28
BOOK 2- Chapter 29
BOOK 2- Chapter 30
BOOK 2- Chapter 31
BOOK 2- Chapter 32
BOOK 2- Chapter 33
BOOK 2- Chapter 34
BOOK 2- Chapter 35
BOOK 2- Chapter 36
BOOK 2- Chapter 37
BOOK 2- Chapter 38
BOOK 2- Chapter 39
BOOK 2- Chapter 40
BOOK 2- Chapter 41
Promotional update ;)
BOOK 2- Chapter 42
BOOK 2- Chapter 43
BOOK 2- Chapter 44
BOOK 2- Chapter 45
BOOK 2- Chapter 46
BOOK 2- Chapter 47
BOOK 2- Chapter 48
BOOK 2 - Chapter 49
BOOK 2- Chapter 50
BOOK 2- Epilogue
THAT FRAT LEADER IS MY FIRST LOVE (BOOK 3)
BOOK 3- Chapter 1
BOOK 3- Chapter 2
BOOK 3- Chapter 3
BOOK 3- Chapter 4
BOOK 3- Chapter 5
BOOK 3- Chapter 6
BOOK 3- Chapter 7
BOOK 3- Chapter 8
BOOK 3- Chapter 9
BOOK 3- Chapter 10
BOOK 3- Chapter 11
BOOK 3- Chapter 12
BOOK 3- Chapter 13
BOOK 3- Chapter 14
BOOK 3- Chapter 15
BOOK 3- Chapter 16
BOOK 3- Chapter 17
BOOK 3- Chapter 18
BOOK 3- Chapter 19
BOOK 3- Chapter 20
BOOK 3- Chapter 21
BOOK 3- Chapter 22
BOOK 3- Chapter 23
BOOK 3- Chapter 24
BOOK 3- Chapter 25
BOOK 3- Chapter 26
BOOK 3- Chapter 27
BOOK 3- Chapter 28
BOOK 3- Chapter 29
BOOK 3- Chapter 30
BOOK 3- Chapter 31
BOOK 3- Chapter 32
BOOK 3- Chapter 33
BOOK 3- Chapter 34
BOOK 3- Chapter 35
BOOK 3- Chapter 36
BOOK 3- Chapter 37
BOOK 3- Chapter 38
BOOK 3 - Chapter 39
BOOK 3 - Chapter 40
BOOK 3 - Chapter 41
BOOK 3 - Chapter 42
BOOK 3 - Chapter 43
BOOK 3 - Chapter 44
BOOK 3 - Chapter 45
BOOK 3 - Chapter 46
BOOK 3 - Chapter 47
BOOK 3 - Chapter 48
BOOK 3 - Chapter 49
BOOK 3 - Chapter 50
LAST

BOOK 3 - Special Chapter

490 6 2
By daddios

Special Chapter (DAMON's POV)


I'm staring at the ceiling in my room, thinking of all the fcking moments and decisions I've made. At kasama doon ang mga kagaguhan ko at nasaktan ko si Gibrielle. Kasalanan ko kung bakit pinaglalayo kami ngayon ni Hershey. Kung siguro pinakinggan ko si Gibrielle nung gabing iyon, baka hindi siya tumakas at nagtago sa bahay ni Reige. Ayos sana kami at suportado pa rin ng kanyang pamilya.


I dialed Gibrielle's number. Sinagot naman niya ito agad.


"I miss you..." Sabi ko.


Ilang beses na ba kami sinubukan paghiwalayin ni Gibrielle? Pero kahit anong mangyari, mas nananaig ang pagmamahalan naming dalawa. And I am indeed lucky to feel and experience this unconditional love. I can say that we can only love once. And I know that Gibrielle is my true love.


"Bhie, okay ka lang ba? Naririnig mo ba ako?" I asked. Wala akong marinig sa kanya sa kabilang linya. Naistorbo ko ba siya? O nasa tabi ba niya si Ate Hershey?


"Yes, bhie." She finally said.


It's so relaxing to hear her voice. "Sunduin kita bukas, okay?" Napagdesisyunan namin mag-enroll na bukas.


"Okay." I felt sadness on her voice.


"Pinagsabihan ka na naman ba ni Ate Hershey?"


"Hindi... Alam mo namang hindi na niya ako pinapansin."


Ang sakit na pinaghihiwalay na naman nila kami ngayon. Mas masakit dahil maging ang kanyang tita ay sinuportahan ang anak sa desisyon. Pero kasalanan ko. Nagpadalos-dalos ako at kinalimutan kong pagkatiwalaan si Gibrielle kaya nagawa niyang takasan ang problema namin, nagawa niyang takasan ako.


Natapos na ang pag-uusap namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I have always been ready, I always have a plan pero ngayong hindi na naman kami suportado ng pamilya ni Gibrielle, nalulungkot ako. Pakiramdam ko I'm back to zero.



Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa bahay nila para sunduin siya. Nagtaka ako nang makitang tahimik ang bahay. Naka-lock ang gate at wala ang sasakyan ni Kai. Kinatok ko ang gate. Ibang lock na to kaya hindi ko magamit ang duplicate kong susi.


"Gibrielle!" Tawag ko. "Gibrielle!"


Kinabahan agad ako. Nasaan sila? Tinakas ba nila si Gibrielle? Nilayo na ba nila si Gibrielle sa akin? Is this why she's so sad last night when I talked to her on the phone? Pero kung alam niyang ilalayo siya sa akin, alam ko dapat sinabi na niya agad sakin. What happened?


Nilabas ko ang phone ko at dinial ang kanyang numero. Napamura ako nang cannot be reached siya. Sakto namang lumabas si Lola Nida kaya tinanong ko kung nasaan ang mga tao sa kabilang bahay. Aniya'y nakausap pa niya sina Tita Joy kahapon pero hindi alam kung saan sila ngayon.


Natulala ako. Kailangan kong iproseso ang nangyari. Where's Gib? Did she just left me? No! They took her from me. Nilayo nila ang taong mahal ko.


Sumakay ako ng kotse at hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Gibrielle. Papunta ako sa university nang tawagan ko si Hunter. He was out of reach. I called Traz and mentioned everything. Siya na ang magsasabi sa iba para matulungan akong maghanap.


Hindi ako mapakali. Hindi ako makapag-isip ng tama. Saan ako maghahanap? Saan nila dinala si Gibrielle?


Pagkarating ko sa University, I saw Jino. I asked him to find Gibrielle inside the Uni. Sinabihan ko rin siyang inform ang buong Alpha para maghanap.


Iniwan ko na siya at nagpunta sa tree house. Nagbabaka-sakali akong nandito siya. Sana natakasan niya ang pamilya niya mula sa planong paglayo sakin at dito siya nagtago. Please, Gibrielle. Sana nandito ka.


Nabigo ako nang wala siya sa loob. Napaupo ako. Fck! I can't think properly. Nag-ring ang phone ko at nakitang tumatawag si Traz. Tell me you found Gib!


"Dame, no traces of Hunter here. Wala na rin mga gamit niya sa bahay at kotse."


I stopped. I'm dumbfounded. Natulala ako at pinroseso sa utak ko ang sinabi ni Traz. Bakit wala rin si Hunter? Magkasama ba sila? Narealize ba ni Gibrielle na si Hunter talaga ang mahal niya kaya sumama siya sa kanya? Pero hindi. Malabong mangyari iyon! Ako ang mahal ni Gibrielle. Magkaibigan lang sila ni Hunter.


"Find Gibrielle, please." Iyon na lang ang natatandaan kong sinabi kay Traz bago pinatay ang tawag.


I never got tired searching for her. Tuwing umaga maghihintay ako sa labas ng bahay nila. I didn't bother going to Reige's house. Alam ko hindi na niya tinatago ngayon si Gibrielle. Pagkatapos sa bahay nina Gibrielle ay naglilibot ako sa iba ibang lugar.


Binigay ko sa iba ang task na hanapin si Gibrielle sa pamilya ni Kai. They were mum about it. Sinundan ko na rin sila pero wala akong napala. Traz also tried contacting Hunter's mom pero maging siya ay walang impormasyon na mabigay samin.


I've tried searching for her in every places that we've been through. Still no traces of her. Kahit hibla ng buhok niya wala. And I'm starting to feel weak. Para saan pa't frat leader ako? But this is really frustrating. I feel like I'm trying to look for a needle in a haystack. Bakit hindi ko mahanap ang mahal ko? Bakit hindi mahanap ng frat ko si Gibrielle?


I also tried contacting her grandma in London. I know from her voice that she's sad pero hindi ako naniniwalang wala silang alam. Baka dinala nila si Gibrielle roon?


Nung araw na dapat ay mag-eenroll kami ni Gib, hindi nangyari. Mag-uumpisa na ulit ang klase pero hindi pa rin ako enrolled. I'm a mess and I don't fcking care about studies anymore. My priority is finding Gibrielle.


Umiinom ako ng alak nang maabutan ako ng mga kaibigan ko sa condo. They're seeing the vulnerable me. I lost my cool. I lost everything.


"Damon, get up!" Someone shouted and grabbed my drink.


I was outraged. I don't know what to do. "Shut up!" I shouted.


They grabbed me pero nagpumiglas ako. Ayokong umalis dito. Gusto ko na lang magkulong dito at magpakalasing. Iniisip ko na lang na panaginip lang lahat ng ito at kapag nagising na ako, nasa bahay lang si Gibrielle at hinihintay ako para makapag-enroll na kami.


I went to London. Pinuntahan ko ang pamilya ni Gibrielle pero wala siya. Hinayaan nila akong halughugin ang buong mansyon at ginawa ko naman iyon. Pero wala siya. Wala ni isang bakas niya rito. Binigla ko sila sa pagpunta kaya hindi pwedeng naitago nila agad si Gibrielle.


Bumalik na ako ng Pilipinas. Nag-aaral na ulit ang mga kasama ko kaya hindi na ako umaasang maghahanap pa sila. I can't just depend on them but I am very thankful dahil tinutulungan nila ako sa paghahanap. Even Sigma is searching but I don't mind that. I am just also thankful to Reige for the first time.


Wala akong kapaguran sa paghahanap. Alam ko masyadong malaki ang mundo. Baka nasa ibang bansa sila o baka nasa malapit lang silang lugar. Hindi ko alam. Ang importante sakin ay mahanap ko siya.


One day, I woke up with a headache. Gabi gabi nag-iinom ako. Umaasa talaga ako na panaginip lang lahat pero sa tuwing umaga gigising ako, hindi nagiging totoo ang hiling ko. Totoo ang lahat na wala na si Gibrielle sa piling ko. Wala na ang taong mahal ko. Wala na siya sa tabi ko.


I punched the wall hard. Hindi ko inda ang sakit. Naramdaman kong basa ang pisngi ko. Ilang beses kong sinuntok ang pader hanggang sa pigilan ako ni Mommy.


"Anak, please! Don't hurt yourself!"


"This is all my fcking fault, Ma!" Hagulhol ko. "Hinayaan ko siyang umalis. Dapat mas inagahan ko pa ang pagpunta sa kanila noon baka sakaling naabutan ko siya. Dapat hindi ako nagpakatanga at iniwan siya nung gabing iyon. Hindi sana kami nahantong sa ganito. Ma, wala akong kwenta. I deserve to die."


Sinuntok ko ulit ng malakas ang pader. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. "Anak, nagmamakaawa ako sayo. Tigilan mo na 'to. Ayusin mo na ang sarili mo."


"How can I mend myself? Sabihin mo sakin paano buuin ang sarili ko kung ang nawawalang parte sa buhay ko ay wala na at hindi ko mahanap?"


I heard her asking for help from my friends. Nang makarating sina Traz dito nakita nila kung gaano ako katanga para suntukin ang pader.


"Dame, wake up. You need to be strong."


Nag-init ang ulo ko. Fck! Bakit ba lahat sila sinasabing kailangan ko maging matatag? Paano? Paano kung siya ang tanging lakas ko? Gusto ko na lang mamatay!


"Si Gibrielle ang kailangan ko!" Sigaw ko sa kanila nang tangkain nila akong itayo. "Putangina! Hanapin niyo si Gibrielle! Siya ang kailangan ko!"


I finally decided to go back to school after a year. So much happened during those times and I get to think of every possible scenarios why Gibrielle was missing or why she left me. I'm still looking for her though pero nangako ako kay Mommy na hindi ko papabayaan ang sarili ko. Gusto ko malakas ako kapag nahanap ko siya. Gusto ko malakas ako kapag nakita si Hunter at masuntok ko siya dahil naisip kong magkasama sila ni Gibrielle. And I wanna be strong for that fcking Charles if I found him. I can't be too sure if he's the one behind this. Alam kong nakawala siya sa kulungan pero ni minsan hindi siya nangambala samin.


Papunta ako sa tree house dahil kakatapos lang ng klase ko. Biglang sumulpot ang isang babae sa tabi ko. Nag-iba ako ng daan nang mapagtanto kong sumasabay siya sakin. I don't want anyone near our tree house.


"Damon," She finally called out to me.


I didn't look at her. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa cafeteria. She grabbed me from my arm and I think I snapped. Binawi ko ng malakas ang kamay ko dahilan para mapaatras siya at ma-out of balance.


"Damon, ako 'to si Marie. Ngayon lang kita nakita, dito ka pala nag-aaral." Sabi niya. She didn't bother what I did.


Naalala ko ulit si Gibrielle. I just didn't mind her at iniwan siya doon. Nang masiguro kong wala ng nakasunod sakin, nagpunta na ako sa tree house. Nandun sina Traz, Michael, Van, Arza, at Seven. Alam kong nakatingin sila sakin pero hindi ko pinansin. Dumiretso ako sa hagdanan paakyat ng tree house. I just want to rest for a while. Iidlip ako sandali at mamayang pagkatapos ng klase ko ay hahanapin ko ulit si Gibrielle.


Sinubukan ko siya hanapin noon kay Father. Nagulat pa ito nang malamang nawawala si Gibrielle. From that moment, alam ko wala siyang alam kung saan ito. Bakit nga naman magsisinungaling ang isang Pari? And why would Gibrielle be there?


"Father, hindi ko na alam kung anong gagawin ko."



"Pagod ka na ba?" Tanong niya.



I looked at him. "Pagod na pagod na ako maghanap. Pero hindi ako handang sumuko hangga't hindi ko siya nahahanap."



"Gawin mong lakas ang pagmamahal mo sa kanya. Damon, anak, alam kong pagsubok lang ito sa relasyon ninyo. Magtiwala ka sa Panginoon, gagabayan ka Niya."



I held onto Father's words. Birthday ni Gibrielle, sa puntod ng mga magulang niya ako nag-celebrate. This is her 2nd birthday that I won't be able to celebrate with her. Nagbabaka-sakali ako na darating siya ngayon. Alam ko darating siya. Alam ko hindi niya matitiis hindi bisitahin ang mga magulang at ate niya.



"Sana tulungan niyo rin po ako sa paghahanap sa anak ninyo. Alam niyong mahal na mahal ko siya. Nanghihina na ako. Siya ang lakas ko at kapag nagtagal pa na wala siya sa tabi ko, mas gugustuhin ko na lang pong mamatay."



I miss her so much. Hinang-hina na ako dahil wala siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy ang buhay ko. She's a big part of me that went missing all of a sudden. Gusto kong magalit sa kanya. Pakiramdam ko unti-unti na nga akong nakakaramdam ng galit sa kanya. May promise kami, diba? Bakit wala siya ngayon sa tabi ko? We're supposed to fulfill our promises and our dreams. Dapat cine-celebrate namin ngayon ang kanyang birthday.



Pabalik na ako sa sasakyan nang makita ko ulit siya. Siya 'yung babaeng hiningan ko ng tulong noong nasa ospital si Gibrielle. Siya 'yung babaeng pilit akong kinakausap sa school. Bakit siya nandito?



Wala akong balak kausapin at lapitan siya pero napansin niya ako. Nakahawak na ako sa pintuan ng sasakyan ko nang tawagin niya ako.



"Damon!" And I can sense her smile when she called me. What's wrong with this girl? "What brought you here?"



Hindi ko siya tinignan man lang o sinagot. Sumakay na ako sa kotse at bumalik ng Manila. Pagkauwi ko ng bahay, nandun silang lahat sa condo ko. They brought food and drinks. At hindi ko alam paano nila napapayag na umuwi muna ng bahay si Mommy dahil naabutan ko siyang wala rito sa condo.



Kaninang nasa biyahe ako, naisipan kong iwan muna ang condo. Marami kaming memories ni Gibrielle rito. Mas lalo akong nasasaktan kapag naiisip ko iyon. I'm not moving on. Kailangan ko lang umuwi sa bahay dahil dun ang buhay ni Mommy. Ayokong pati siya ay nawawalan ng buhay habang binabantayan ako rito.


"Dame," Tawag ni Michael.


"Where's Van?" Tanong ko.



We will never be complete anymore. Hunter is not here. Gibrielle is not here. At eto na naman ako iniisip na magkasama silang dalawa, masaya.






"Papunta na. Sinundo lang si Zanea." Sagot ni Traz.



Traz is handling Alpha. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay, kasali ang Alpha sa napabayaan ko. They also had new recruits, who I already met. Hinintay pa rin nila ang desisyon ko bago sila tanggapin sa frat.



Pagkarating nina Van at Zanea, inumpisahan na namin ang inuman. As I said, ito ang pangalawang birthday ni Gibrielle na hindi ko siya kasama. Last year, nagpunta pa rin ako sa sementeryo dahil nagbabaka-sakali akong pupunta siya roon at magkikita kami. Saan kaya niya cinelebrate ang kanyang birthday? Sino kaya ang kasama niya? Naaalala rin ba niya ako?



"I miss her so much..." Bulong ko.



"Kami rin, Damon." Malungkot na sabi ni Traz.



"It feels not good being incomplete." Komento ni Yule.



"I trust Gib. Alam ko may dahilan siya at babalik siya." Lahat kami napalingon kay Zanea.



I hope so. Ganun din ang pinanghahawakan ko ngayon. Alam ko mahal niya ako. Alam ko babalikan niya ako. "Pero masama bang aminin kung sabihin kong pagod na ako?" Natoon ang mga tingin nila sakin. Uminom ako ng alak.



"Pagod saan?"



Umiling ako saka ngumiti ng mapakla. "I don't know? Pagod na ako maghanap? Pagod na ako umasa? Pagod na ako maghintay? Pero kahit ganun, mahal ko pa rin siya. Damn, he stole my heart."



Naramdaman ko ang nakatakas na luha sa aking mga mata. Kailan ba ako huling umiyak?



"It's okay to be tired. It doesn't mean you've surrendered." Seryosong sabi ni Van.



It's true. I'm tired. But I will never concede. Hinding hindi ako susuko sa pagmamahalan namin ni Gibrielle. I should trust her. I trust her.



Months have passed, I still have no clue where's Gibrielle. Huminto na ako sa paghahanap. I was mad. Araw araw tinatawagan ko siya at tinetext hanggang sa dumating ako sa puntong napagod na talaga ako. Pinaniwala ko na lang ang sarili ko na hindi na siya babalik. Magkasama sila ni Hunter. Pinili niya si Hunter kaysa sakin. Siya ang mahal niya. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin, iiwan niya rin ako.



"Hi, Damon."



Napalingon ako sa babaeng umupo sa tapat ko. Mag-isa ako sa cafeteria pero parating na sina Traz.



Hindi ko pinansin ang babae sa harap ko. Pinagpatuloy ko ang pagkain. Alam ko humingi ako ng tulong sa kanya noon. Hindi ko pa nga yata siya nababayaran. Hindi ko na matandaan. Pero gusto ko ng kalimutan iyon. Masakit na naaalala ko si Gibrielle.



"Kumusta ka na? Parang bumalik ka na sa dati."



Sino siya para sabihing bumalik ako sa dati? Hindi ko naman siya ganun kakilala.



"Hindi na ako babalik sa dati." No. I won't. I won't until Gibrielle comes back.



"Finally, you talked to me! Akala ko hindi mo na ako mapapansin."



Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Why are you here?"



"Dito ako nag-aaral. Last sem pa, you don't remember seeing me when you came back?"



Hindi ko alam bakit ang komportable niya ako kausapin. We're not even close.



"Dame?" Napalingon ako kay Traz. Nilingon niya ang babaeng nasa harap ko. "Who are you?" Masungit niyang tanong dito.



"Sorry. Aalis na ako." Nakangiti niyang sabi. "See you around, Damon."



Hindi ko na siya nilingon. Umupo na si Traz sa inupuan nung babae. Traz looked at me with questions in his eyes.



"What's with that girl? She's been stalking you everyday."



Kumunot ang noo ko. "Everyday?"



"Not literally. I mean, lagi siyang nakasunod sayo rito sa school. Magkakilala ba kayo? Don't tell me..."


"No." Sagot ko lang.


That was what I thought. Naging makulit si Marie. I don't even know why. Sa school lagi siyang nakasunod sa akin at kung kausapin niya ako ay para bang napaka-komportable niya. And I can't help myself from getting into her. I know I'm weak and it's not right to think of anyone else. Oo, galit ako kay Gibrielle pero alam kong mahal ko pa rin siya.



"Damon? Pupunta ka ba sa Sports Fest?" Tanong ni Marie.



Bumalik lahat ng sakit. Bumalik ang alaala ko sa Sports Fest. We were so happy on that day. But Charles came and put her in danger. Iniwan ko si Marie roon at hindi pinansin ang pagtawag niya. Tumakbo ako papuntang tree house. Napaupo ako dun sa bench.



Fck! Here I am again. When did I last cry for Gibrielle? Fck, I miss you so much. Bumalik ka na, please.



"Gibrielle..." I called in tears. Para akong tanga rito na umiiyak mag-isa. And even this bench reminds me of her? It reminds me of when I stole her first kiss. Tangina! Malapit na ako mag-breakdown!



Tumayo ako at sinipa ang bench. Kahit ang tree house na ito ay nagpapaalala sa kanya. Lahat ay nagpapaalala sa kanya. Anong dapat kong gawin para kalimutan siya? No, fck. Did I really say that? Did I say I want to forget her? No. I love her. I love her so much.



Napaupo na lang ako sa lupa nang napagod ako sa kakasipa sa bench. Naririnig ko ang sarili ko sa paghagulhol. I suddenly felt someone hugged me. Fck. I miss her hug. I miss her kisses.



Nilingon ko ang yumakap sa akin. I suddenly saw Gibrielle's eyes in her eyes. Tama ba 'to? Si Gibrielle ba ang nakikita ko? O malabo na lang ang mata ko dahil sa mga luha ko?



"Gibrielle?" Tanong ko.



"Damon, si Ma-"



Hindi siya natapos nang halikan ko ang labi niya. I miss you, bhie. Sana hindi panaginip ito. Sana nandito ka na nga.



But this was not her. I longed for her kisses but I still remember her lips and this is not her. Lumayo agad ako at nakita ko ng klaro ang mukha niya.



"Marie?" Galit kong tanong.



"Damon..." Tinawag niya ang pangalan ko na para bang lasing pa rin siya sa halik.



Damn! It was a mistake. I'm sorry, bhie.



Tumayo ako at iniwan siya roon. Umuwi na lang ako ng bahay. Damn it! I made a mistake. I thought it was Gibrielle. Akala ko bumalik na siya. Fck.



Nagpakalasing ulit ako nung gabing iyon. Hindi ako nagpaalam kay Mommy nang umalis ako ng bahay. Hindi ko rin alam kung anong oras na. Basta ang alam ko mabigat na ang ulo ko mula sa ilang bote ng alak na nainom ko.



Nilibot ko ang paningin ko. Blur na naman ang nakikita ko at umiikot pa ang paligid. I saw a familiar silhouette of a girl.



"Gibrielle?" I muttered.



Tumayo agad ako at pinuntahan 'yung babae na nasa dance floor. Gumegewang na ang paglalakad ko pero hindi ko inalis ang tingin doon sa babae. Nang makalapit ako hinawakan ko siya sa braso at niyakap.



"Gibrielle! Bumalik ka! I miss you so much." Bumalik ang mga luha ko.



Imbes na sagutin niya ako ay may kung sino ang humila sa akin at nakatanggap ako ng suntok sa mukha. Natumba ako at pinagsisipa niya ako sa tiyan. Si Hunter ba ang bumubugbog sakin? Nagagalit ba siya dahil niyakap ko si Gibrielle? Akala ka ba niya porke siya ang pinili ni Gibrielle ay siya na ang mahal nito? Fuck!



Nagising ako na nasa ospital. I saw her on my side.



"Damon? Okay ka na ba? Hindi ko mabuksan ang cellphone mo kaya hindi ko matawagan ang mommy mo." Aniya.



Kailan pa ako nandito? Bakit ako nandito?



"Why am I here?"



Sinubukan kong bumangon pero sobrang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko may bali ako ng buto.



"I was here in the hospital when I saw you. Puro bugbog ang mukha mo at lantang-lanta ang katawan mo nang isugod ka nila rito. Nag-volunteer ako na bantayan ka tapos hindi namin alam paano kontakin ang pamilya mo." Kinuha niya ang phone ko at nilapit sakin. "Would you mind unlocking it so I can call your mom? Sigurado ako nag-aalala na 'yun."



Binuksan ko ang phone. I let her use it. Bakit sa dinami-rami ng tao siya pa ang makikita ko rito? Bakit siya ang nasa tabi ko? Bakit hindi siya nagsasawang lapitan ako kahit na hindi ko naman siya pinapansin?



Nakatulog ulit ako at nang magising ako nandito na sina Mommy. Wala na si Marie. Now, I think I'm looking for her. What's with me?



"Anak, anong ginagawa mo sa sarili mo?" Nag-aalalang tanong ni Mommy.



Hindi ako nagsalita. I don't wanna be sorry for her. Ginawa ko 'to. Hinayaan ko ang sarili ko magpatalo na naman sa lungkot ko at nagpakalasing ako.



And I don't want my Mom to be worried anymore. I think I woke up from a very long and bad dream. I'll try my very best to find myself again. And when I said found myself, Marie helped me. She never left my side. Simula nung siya ang makita ko sa ospital, mas lalo siyang lumapit sa akin. At hindi ko napapansin ang sarili ko na nagiging komportable na sa kanya. Isang araw ay magkasabay na lang kami sa lunch at hindi ko inda ang mga nagtatanong na titig ng mga kaibigan ko. Until I decided to pursue her.



Niligawan ko siya at naging tulad ng ibang couples na nanligaw muna ako ng maayos bago niya ako sagutin. Lahat ng tao sa paligid ko hindi suportado ang tinatahak ng buhay ko ngayon. They're all telling me that Marie is just a rebound. But I know myself that she's not. Nagkaroon siya ng espasyo sa puso ko. And I hope she won't leave me like Gibrielle. Galit na lang ang nararamdaman ko ngayon.



Sinama ko si Marie sa 1st birthday ng anak nina Brix at Therese. Kasabay ko sa sasakyan sina Arza at Eadren. Palaging nag-aaway ang dalawang 'to but I know they love each other. Bihira na nasa arrange marriage sila at naging mag-bestfriends at walang magiging problema sa arrangement nila dahil mahal nila ang isa't isa.



"Da, baka naman hindi ako imbitado roon." Sabi ni Marie habang papunta kami sa hotel.



"Not really. Therese asked me to bring you."



"Ate Marie, don't be so nervous. Para namang ngayon ka lang sasama sa mga gatherings namin." Sabi ni Arza.



"They might not notice us there. Pakiramdam ko sobrang dami ng bisita nila." Dagdag pa ni Eadren.



Nginitian ko na lang si Marie at hinawakan ang kanyang kamay. Hinalikan ko iyon. Nginitian din niya ako at naramdaman kong naging komportable na siya.



Nakarating na kami sa venue at nagpwesto agad kami. Magkakasama kaming magkakaibigan sa isang malaking table. Well, lahat malalaki at tama si Eadren, sobrang daming tao. What can we expect? They're a family of rich.



"Dame," Tawag ni Traz nang makaalis si Marie dahil magre-restroom.



"Yes?" Nilingon ko siya.



Bumuka ang bibig niya pero hindi siya agad nakapagsalita. "Ah, wala"



Kumunot ang noo ko. "May problema ba?"



"Wala naman, bro." Ngumiti siya.


"Why don't you fcking hit him with the truth?" Sumali si Michael sa usapan.


Alam ko na kung saan papunta 'to. Hindi ko alam kung ayaw ba nilang masaya ako ngayon pero hindi nila tanggap na niligawan ko si Marie noon at ngayon ay kami na. We've been together for a year already and they always help me whenever I'm planning a surprise for her. Mabait sila kay Marie kapag nakaharap ito pero halata pa rin ang pagiging hindi nila suportado sa amin.



"Guys, wala tayo sa tamang lugar para mag-away." Pagpipigil ni Zanea sa nagbabadyang sagutan.



Wala rin naman akong balak na makipag-away o sagutan sa kanila. Bumalik ang lahat nang makitang pabalik na sa table namin si Marie. She looked at me.



"What happened?" I gained my cool when I saw her smile.



"Nothing." Sagot ko.



Kahit si Mommy ay hindi suportado ang relasyon namin ni Marie. Mas lalo silang nagalit sakin noon nang ibigay ko sa kanya ang condo ko. Pinagamit ko sa kanya iyon dahil hindi ko natitirhan at wala naman siyang kamag-anak dito.



I'm happy with Marie. Our relationship is smooth except for the people around me. I mean, my friends treat her nicely when she's around but not when I'm alone with them. Alam kong napapansin iyon ni Marie kaya minsan ay nakikita ko siyang malungkot at alangan na pumunta sa bahay namin at makihalubilo sa mga kaibigan ko.



"I'll visit you, Ma." Sabi ko kay Marie nang tawagan ko siya.



"Is that Teacher Marie?" Tanong ni Beca. Nasa kwarto ko siya nanonood ng Peppa Pig. Tinapat ko ang cellphone sa tainga niya. "Hi, Teacher Marie! I'm done with my homeworks that's why I'm here with Uncle Damon. I'm watching Peppa Pig."


Pinanood ko siyang kinakausap si Marie. Lumaki si Beca na si Marie na ang nakikita niya at nakagisnan niyang kasama ko. Si Marie ang parang tumatayong tutor ni Beca. At ayoko nang maalala pa ang nakaraan. Binawi ko na ang phone nang matapos sila mag-usap. Maaga natapos ang klase nila ngayon at agad tinatapos ni Beca ang kanyang homeworks pagkatapos ay manonood na lang siya ng cartoons.


Nagpunta ako sa condo at nagpaluto ako kay Marie. Nagplano kaming manonood ng movie. She baked some cookies. Naubusan siya ng junk foods kaya nag-volunteer siyang bibili sandali sa convenience store sa tabi ng building.



Lumabas na siya pero naiwan niya ang kanyang wallet. Silly girl! Tapos iniwan din niya ang kanyang phone. Paano kung nasa labas na siya at nakabili, wala pala siyang pambayad? Wala pa siyang pantawag sakin dahil nandito ang phone niya.



Mabilis akong lumabas at naabutan siyang nakatayo sa labas ng pintuan. I was about to call her when I heard her call a familiar name. I was stunned. Nilingon ko ang direksyon ng tinitingnan niya at nakita ang isang lalaki na nakatalikod sa amin at may isang babae na mata lang ang nakikita ko mula sa balikat nung lalake. But even when she's wearing glasses, I know it's her. She's back. And time left me. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Para akong nagkaroon ng heart attack.



"Gibrielle? Anong ginagawa mo rito?"



And when I just want to be confused, the man who called her name just cleared all my supposed confusions. She's here with that guy. Is he her boyfriend now? What happened to Hunter? And I asked that like I'm fcking sure that they're really together.



Bumalik ang galit ko. Pero bakit ganun? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kakaiba ang pintig niya ngayon. May kaunting galit na nalusaw sa akin nang makita ko ang kanyang mga matang lumuluha. Don't fcking cry in front of me.



Hinila na nung lalake si Gibrielle papasok sa condo unit nila. Unang nakabalik si Marie sa reyalidad at nakitang hawak ko ang kanyang wallet.



"Oh... I-I forgot my wallet..." Kinuha niya ito at mabilis akong iniwan doon. "Bibili na ako." Aniya bago ako tuluyang iwan sa kinatatayuan ko.


Bumalik na ako sa loob nang condo. Natulala ako. At hindi ko alam kung ilang minuto akong tulala. Is she back? O umiyak siya dahil nahuli ko siya ngayon after 3 years? Dito lang ba siya nagtago? At kung sa malapit lang siya nagtago, is that the reason why I never found her?


Damn! I've got questions that I don't like. Ayokong maisip ang mga tanong. Ayokong maguluhan. Fck, hindi. Si Marie na ang mahal ko ngayon.



Sinubukan kong bumalik sa sarili habang nanonood kami ng movie. Pero alam kong wala akong naintindihan sa pinapanood ko.



Nag-excuse sandali si Marie para mag-cr. I grabbed my phone and texted Arza. Ayoko munang sabihin kina Traz. Si Arza ang maaasahan ko ngayon at mahihingan ko ng tulong.



To: Arza Wayne

Meet me in the parking lot, condo.


Naabutan ako ni Marie na hawak ang phone nang makabalik siya. Binitawan ko na lang ulit at nginitian siya. Bumalik siya sa tabi ko at sinandal ang kanyang ulo sa aking dibdib. Niyakap ko siya. Alam kong mas lalo siyang nalulungkot ngayon dahil sa nakita namin. Pero hindi siya dapat mag-alala. Hinalikan ko ang kanyang ulo.



Nag-focus na ako sa pinapanood namin. Ngayon ko lang na-realize na comedy pala ito. At ngayon lang din kami tumatawa ni Marie sa pinapanood namin. I guess we were both occupied a while ago.


Nagpaalam na ako pagkatapos ng movie. Nakipagkita ako kay Arza sa parking lot bago tuluyang umalis ng lugar. He got out of his cadillac when he saw me coming.


"Kuya Damon, may problema ba?"


"Gibrielle is here. I saw her."


"What? Sigurado ka ba, Kuya Damon?" Pagtataka ni Arza.



"Yes, at gusto ko sundan mo sila. Sundan mo kung saan nakatira si Gibrielle. I'm sure nandito pa siya."


"There she is." Bulong ni Arza.


Alam niya ang mukha nina Gibrielle at Hunter. Kahit pa wala na ako kahit na anong pictures nila ay nandyan sina Traz para ipakita ito. They deserve to know what happened lalo na't pumasok sila sa frat na wasak na wasak ako at pinapabayaan ang Alpha. And they were also part of the group when we're looking for Gibrielle and Hunter.


Nilingon ko siya kasama ang lalakeng humila sa kanya kanina papasok ng condo unit. I saw them holding hands. Does this mean he's the boyfriend? Hindi niya tinanggal iyon kaya nasiguro kong may relasyon silang dalawa. Binalik ko ang tingin sa kanyang mga mata pero humarang na ang lalaki at kinulong ito sa kanyang dibdib. I guess he knew about our past kaya inaalalayan niya si Gibrielle. O baka pinagseselos niya ako dahil siya na ang kasama nito. Damn, I don't give a fck. Kung umalis siya at iniwan ako para sa ibang tao, it might be okay. At least hindi sila magkasama ni Hunter.


Sumakay na rin ako sa sasakyan. Alam na ni Arza ang gagawin. Susundan niya sina Gibrielle at bibigyan na lang ako ng update.



Bumalik na ako sa bahay. Tinanong ako ni Mommy kung saan ako galing. Sinabi kong galing ako sa condo. Natigilan ako nang maalala ang mukha ni Gibrielle. We both look different already. Kulot na ang kanyang buhok at may soot na glasses sa mata. She became more mature with her looks. Ano kayang magiging reaction ni Mommy kapag nalaman niyang nakita ko si Gibrielle?



If I was the same Damon 3 years ago, I would cry in happiness. Hahabulin ko siguro si Gibrielle para lang bumalik sa akin. Pero wala na ang dating Damon. Wala na ang Damon ni Gibrielle. Si Marie na ngayon ang nasa puso ko.



Bumalik na ako ng kwarto. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng details ng mga clients namin. We need to visit a site tomorrow and we're meeting some new clients.



Dumating ang Valentine's day. I surprised Marie. Binilhan ko siya ng Bare Bears na plush pillow. Tuwang-tuwa siya roon. Nabanggit kasi niyang gusto niya ang mga characters na iyon.



Pagkatapos ay kumain kami sa labas. Naging masaya ang pagcecelebrate namin ng Valentine's day. Napatitig ako sa tv screen nang magbago ang nakapalabas dito. Tumugtog din ng iba ang mga musicians at may lalakeng nagkanta. Papunta siya sa table ng isang babae habang kumakanta. Naalala ko bigla si Gibrielle. Damn! It was like my surprise to her on Valentine's day. It was the last Valentine's with her.



Nag-excuse ako kay Marie para lumabas. I saw a guy selling cigarettes. Gusto kong bumili at magyosi pero matagal na akong tumigil dito. Sinipa ko na lang maliit na bato sa lupa. Fck! Bakit ko siya naalala?



It's Zanea's birthday. Magkahiwalay ang invitation na natanggap namin ni Marie mula sa kanya. Even Zanea questions my relationship with Marie but she never showed it. Alam kong siya ang magiging unang tutol dahil kaibigan niya si Gibrielle at kapatid ni Marie si Paul na kanyang ex. Pero ano rin kanyang magiging reaction niya kapag nalaman niyang nagkita na kami ni Gibrielle? Magagalit ba siya tulad ko?



Van also mentioned his plan to us. Pinlano niyang magpo-propose kay Zanea ngayong birthday niya. Gagawin niya mamaya sa event. And Van admitted that he's scared lalo na't may tampuhan sila kagabi.


Sinundo ko si Marie sa condo bago pumunta ng bar kung saan doon gaganapin ang birthday party ni Zanea. She's wearing a blue off-shoulder dress.


"You're so pretty, Ma." Hinalikan ko siya sa balikat.


"Binobola mo na naman ako." Tumawa siya.


"I'm not. You look beautiful. Thank you for coming into my life."


Tumitig siya sa mga mata ko. Nakita ko ang lungkot sa kanya. "Gibrielle is back." Malungkot niyang sabi.


"What?" Nabigla ako sa sinabi niya. "What do you mean?"


Hindi siya sumagot. Mas lalong lumungkot ang kanyang mga mata at nag-iwas ng tingin. Hinuli ko ang mga tingin niya at tinitigan ng diretso. I admit that when I saw Gibrielle after 3 years, I was confused. I had a lot of questions. Dumagdag ang mga dati kong tanong.


"I love you, Marie."


Kahit siguro anong sabihin ko, hindi siya mapapanatag. Lagpas isang taon na ang relasyon namin, mas mahigit pa roon ang pinagsamahan namin bago niya ako sagutin. She never got tired talking to me. She helped me find myself. She helped me find life after being abandoned.


Pumunta na kami sa venue and they were all happy. Van made it. Nakapag-propose siya kay Zanea at tinanggap niya ito. I'm happy for the both of them. Si Van ang unang ikakasal sa aming magkakaibigan.


Napalingon ako sa dalawang lalakeng lumapit kay Zanea. I didn't know they were invited. But what can I expect? They treat these Sigma guys their friends. Gibrielle, Zanea, and even Therese. But Lexus is not here. Hindi siya kakilala ni Zanea.


Nagtaka ako nang sabay sabay silang lumabas. What's happening? Bakit kailangan nilang ilabas si Zanea sa bar? Can't they see that we're celebrating? Are they planning something? Pero hindi. Matagal ng natigil ang away ng Alpha at Sigma. It's just a war between a certain member but not the whole gang.


After a few minutes bumalik din sila. There's something with Zanea's face when she came back. She's very happy. At ako lang yata ang nakapansin nun dahil hindi nila alam na lumabas siya ng bar. Siguro aakalain ng iba na dahil sa ginawang surprise ni Van kaya siya sobrang saya ngayon. Yes, it's part of that pero kakaiba ang saya niya ngayon. Nagkita ba sila ni Gibrielle?


"Da?"


Right. And I think Reige planned this. Pero alam niya kung saan si Gibrielle simula nung umalis siya? Is that possible? Katulong namin siya sa paghahanap. Hindi kaya nahanap niya noon si Gibrielle pero hindi niya lang sinabi sa akin? Did he keep her all this time?


Sinundan ko sa paglabas si Reige. Hinawakan ko siya sa balikat pero parang alam niya na ako ang sumunod sa kanya kaya hindi pa rin siya humaharap. Nagpatuloy siya sa paglalakad pero hinarangan ko siya.


"Did you bring Gibrielle here?" Hindi siya natinag sa tanong ko.


"Are you crazy? She's still missing and you've already stopped looking for her. Sumuko ka na, diba?"


His statement has double meaning. He wanted me to believe that Gibrielle's still missing and that she's not here. But he also wanted to say that I already gave up on Gibrielle, and I have no rights even if she's here. And with that, I know that she's here. Tinatago siya ni Reige. Pero bakit sa tinagal-tagal, bakit ngayon lang siya nagpakita? Dahil ba sa sumuko na ako sa kanya?


"Tell me where do you fcking keep her? All this time, you've been keeping her from me. Nahanap mo siya and you didn't tell me."


"I don't know what you're talking about."


Tinalikuran na niya ako pero naaninag ko ang isang kotse sa hindi kalayuan. Walang magpa-park ng ganun kalayo kung invited sila ngayong gabi.


Mas inunahan kong talikuran si Reige at naglakad palapit doon sa kotse. Lumabas ang taong hinahanap ko. Pero hindi ko rin inaasahan ang sumunod na bumaba ng sasakyan.


"Hunter?"


Damn! Who's hiding who? If Reige wasn't the one who keeps Gibrielle from me, then was it Hunter? This fcking asshole? Did he just fcking ruin my trust? O baka masyado lang talaga akong nagtiwala sa kanya?


Sinugod ko siya at sinuntok. Nangako siyang hindi sisirain ang tiwala ko at mas pinili ang pagkakaibigan namin. Pero bakit sila magkasama ni Gibrielle ngayon?


"Asshole!" Sigaw ko.


"Damon, patawarin mo ako." Hindi siya lumalaban sa mga suntok ko.


Pinipigilan ako ni Reige but fck all of them. Masaya ba sila ngayon? Masaya ba silang sinira nila ang buhay ko? Masaya ba silang nagtagumpay sila at nakikitang wasak ngayon?


"Damon..."


Natigilan ako sa boses niya, sa pagtawag niya sa pangalan ko. Damn! After 3 fcking years, ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya.


Tinignan ko siya. What did I fcking do to you to abandon me? And now you're with these bastards who I should never trusted.


"Si Charles ang may gusto nito... Ginipit niya kami... Sinaktan niya kami para lumayo... para layuan kita. Sasaktan niya kayong lahat kung hindi ko siya susundin. Natakot ako Damon, he already hurt Traz then I saw him hurting Hunter... ayokong saktan ka rin niya."


"Fuck!" Sigaw ko. Mas importante ba yun? Bakit hindi niya sinabi sakin? Mas importante ba sila kaysa sakin? And what? Idadahilan niya si Charles dito? That man didn't even show up when she's gone.


Tumayo na ako at tumalikod sa kanila. Inayos ko ang soot ko at sinubukan kong kumalma. Hindi ko magawang tanggapin ang mga eksplanasyon nila. They're all unbelievable. She didn't trust me. She didn't tell me her problems. She didn't share her burden to me. She didn't fcking love me.


"Damon, I'm so sorry. I'm so sorry for leaving you. I didn't mean to leave you. I had no choice. It was the hardest thing I've done. And I hope in time you'll forgive me. I'm sorry..."


Leave is not the fcking right word. You abandoned me, Gibrielle. You forsook me. Iniwan mo ako dahil sa lalaking kasama mo ngayon. Mas pinili mo siya makasama.


Bumalik na ako sa loob at nagpaalam na aalis na. Hindi ko na pinansin ang mga tanong at titig nila. Nakasunod naman agad si Marie at hinatid ko na siya sa condo.


Hindi pa ako nakakalayo ng condo nang ihinto ko ang sasakyan sa gilid ng daan. Kinuha ko ang phone ko at tinitigan ang text ni Arza. Nasundan niya sina Gibrielle nung araw na iyon at agad na sinend sakin ang address niya. Am I ready to face her again? Pero hindi. Galit lang ang pinakita ko sa kanya kanina.


Nagmaneho na ulit ako at nagpunta sa ibang daan. Pinuntahan ko ang pinaka-iingatan kong sikreto. We were in London when I got inspired to design our future house. Isang taon pagkatapos mawala ni Gibrielle, tinoon ko ang pansin ko sa pagtapos ng bahay. Ginamit ko ang ipon ko at ang kita ko sa mga nauna kong clients. Kahit na magkasama na kami ni Marie, pasikreto kong pinatapos ang bahay. At ngayon ay tapos na siya. Bahay lang siya na walang laman.


Isang kwarto lang ang may gamit. Dito ako tumutuloy noon kapag sobrang nasasaktan ako kapag naaalala ko ang nangyari. This house was my escape.


Hindi ko ako umuwi nung gabing iyon. Nagdahilan na lang ako kay Mommy. Hindi niya kailangan malaman ngayon na nagkita na kami ni Gibrielle. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya.


Arza texted me one day. She saw Gibrielle with Zanea at Starbucks near SMU. Hindi ko na lang pinansin iyon dahil papunta ako sa school para sunduin sina Marie at Beca. I know that Zanea wanted her to be their maid of honor. Van also chose me to be the best man of their wedding.


"Hi, Da." Bati sakin ni Marie saka ako hinalikan sa labi.


"Uncle!"


Sumakay na silang dalawa sa sasakyan at nagmaneho na ako. Naisip ko 'yung magiging kasal nina Van at Zanea. A wedding that I once dreamt of having with Gibrielle. Nagawa ko pang mangako kay Father na siya ang magiging pari sa kasal namin. Was that 5 years ago? At sinabi ko sa kanyang magpapakasal kami ni Gibrielle after 7 or 8 years. And now, no wedding will be held. We're already done.


I suddenly felt a pang of pain in my heart when I realized that. What's this feeling? Bakit parang bigla akong nangulila sa kanya?


Wala ako sa katinuan hanggang sa makauwi kami ng bahay ni Beca. Hindi ko nga yata matandaan kung nakapag-paalam ba ako ng maayos kay Marie kanina nang ihatid ko siya. Anong nangyayari sakin? Bakit ginugulo ako ng puso ko?


Nagpunta agad ako sa kwarto. Kinuha ko ang maliit na box na nakalkal ni Beca noon. Tiningnan ko ang mga pictures namin ni Gibrielle. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Why are you making me feel this way, Gibrielle? Galit ako sayo. Galit ako dahil iniwan mo ako. Galit ako dahil sinukuan mo ako. Hindi ako pwedeng manlambot sayo dahil lang sa bumalik ka na.


I started having weird feelings since then. Kapag magkasama kami ni Marie, halos tahimik lang kaming dalawa. Hindi niya ako kinakausap. Baka hindi ko napapansin na nalulunod ako sa iniisip ko kahit na kasama ko siya. At sinong gumugulo sa isip ko? Si Gibrielle?


Until one time when Traz texted me.


Traz Ezekiel:

Bro, we're at Zanea's house with Gibrielle. Alam ko na mas nauna kayong nagkita pero gusto ko lang sabihin sayo na masaya kaming lahat dahil bumalik na siya. We all know now the reason why she left.


Damn it! Bigla na lang akong nakaramdam ng galit. Mukhang napansin ni Marie dahil kasama ko siya. Bakit sila masaya? I should be there. Dapat masaya rin ako na bumalik na siya. But what the fck? Bakit ngayon lang? Bakit ngayon siya bumalik kung kailan galit na lang ang nararamdaman ko sa kanya? Do I even hate her?


I texted Traz back. I said I'm coming. Nagpaalam ako kay Marie na kailangan ko na umuwi. Nagsinungaling ako para lang puntahan siya. I wanted to ask her so many damn questions. And whatever answers she would give me, I wouldn't give a fuck.


Binilisan ko ang patakbo ng sasakyan ko. Pinarada ko ang sasakyan malapit sa bahay nina Zanea. They're all here. Mabilis akong lumabas ng sasakyan at dumiretso papasok sa bahay nina Zanea. I'm sure that her parents aren't here kaya malakas ang loob nila na magpapasok ng bisita.


Pagkapasok ko ng bahay nila Zanea, I already saw Gibrielle. Damn! She's still beautiful even with those curly hairs and those small eyeglasses. She's still so damn innocent-looking. But why did you fcking leave me? Nag-promise ka sakin, Gibrielle. Tangina, bakit nga ba? Importante pa ba sakin iyon? Nakapag-move on na ako diba? Kaya nga niligawan ko si Marie.


"Damon..."


Stop calling that name! Nababaliw ako, Gibrielle! Binabaliw mo ako!


Nakipagtitigan siya sakin pero agad niya iyong binawi. Bumaling na lang siya kina Zanea.


"Padedein ko lang anak ko. Sa kwarto muna ako." Aniya.


Doon ko lang napansin ang hawak niyang bata. "Anak?" I asked. Anak niya ba? Kanino? Kay Reige? Kay Hunter? Doon sa lalaking kasama niya sa condo? O sa ibang lalake?


"Anak ninyo ni Hunter?" Siya ang lumabas sa bibig ko dahil silang dalawa ang nakita kong magkasama nung gabing kaarawan ni Zanea.


She looked at me with fierce in her eyes. I can melt with those stares, Gibrielle. Fck that! Ginugulo mo ang isip at puso ko.


"Oo." sagot niya saka na kami iniwan doon.


Sinundan siya ni Zanea saka naglabasan ang mga kaibigan ko. They are looking at me. Tiningnan ko sila pabalik. Gusto kong itanong sa kanila kung anak ba talaga ni Gibrielle 'yung batang hawak niya. Pero hindi ko magawang itanong. Pakiramdam ko wala naman ako karapatan itanong pa. Galit ako diba? Galit ako kay Gibrielle.


"Gibrielle and Hunter are not the biological parents." Sagot ni Traz sa mga tanong ko sa isip ko.


"Do you really believe her?" Nagulat sila sa sinabi ko. "She left me and now she has a baby?"


"Dame, tama si Traz. Iniwan lang kay Gibrielle iyong bata." Sabi ni Van.


"Dame, we believe her. Sinabi na sa amin ni Gib ang lahat ng nangyari sa nakalipas na mga taon."


"I believe that's your purpose here." Makahulugang sabi ni Yule. "Isn't that why you're here? To ask her? And you would believe her?"


"Let me talk to her." Sabi ko.


Walang sabi na umalis si Van at nagpunta sa direksyon kung saan man pumasok si Gibrielle. Hindi ko na pinansin ang mga kaibigan ko at umupo na ako sa sofa. Alam ko umalis na sila para makapag-usap kami ni Gibrielle.


Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang presensiya niya. "You're a good liar." Sinabi ko. Ang bilis niya napaniwala ang mga kasama ko. They saw how terrible and wreck I was when Gibrielle left me. And now, they're all celebrating just because she's back with a lame excuse? "How can you tell me it was Charles' fault when you and Hunter had a child? Ano 'yon? You started moving on just after you left me?" I said in disgust.


Hindi ko binitawan ang tingin sa kanya. Bumabalik lahat ng sakit sa akin. Simula nung iwan niya ako. And damn! I thought I already buried this deep. But she left me.


"Did you even think of me when you left? Have you ever thought what's happening to me? Ganun mo na lang ba kadaling itapon ang mga pangako mo sakin? Ang pagmamahal mo sakin? Ganun na lang ako kadaling sukuan, Gibrielle?" I paused. "Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong sirain mo ang buhay ko. Pero mas naiinis ako dahil ako mismo ang nagtiwala sayo, ako mismo ang may gustong ipaglaban ka, ako mismo pinaikot ang buhay at mundo ko sayo, at hindi ko alam na sasaktan mo lang ako."


Nawala na ang tiwala ko sa kanya. Nawala na ang pagmamahal ko sa kanya. Pero hindi ako sigurado. Dahil ngayong naibubuhos ko na ang galit ko, baka tuluyang mawala ito at bumalik ang dating Damon na mahal na mahal siya. Muntik ko nang makalimutan na nasa kanya ang puso ko, ang puso ng dating Damon. Pero hindi na ako ang dating Damon. Si Marie ang nakasama ko nang wala siya sa tabi ko.


"I'm sorry..."


Fck! "Iyan lang ba ang kaya mong sabihin, Gibrielle?"


"Paniniwalaan mo ba ako kung sasabihin ko sayo ang lahat?"


I was caught off guard for a second but I didn't let her notice that. There's a part of me that says yes. Lagi naman kita pinaniniwalaan. "Putangina, Gibrielle! Gusto ko man hindi ka paniwalaan pero ilang taon akong umaasa sa eksplanasyon mo!"


She continued explaining what happened. It was Charles's damn fcking fault! Gustong gusto kong hindi siya paniwalaan pero bakit ganun? Unti unti na yata akong nalulusaw sa kanya. Gusto ko na lang siyang yakapin. Naiisip ko kung gaano siya katakot noon. Naiisip ko na sinisisi niya ang kanyang sarili sa lahat ng nangyari.


But damn! If it was Charles' fault, it was my fault then. Nadamay lang siya. Wala siyang ibang choice kundi ang sundin si Charles. And I fcking dragged her to my frat problems.


"Alam ko masaya ka na sa piling ni Marie, hindi ba't nakaya mong umiyak sa balikat niya nung burol ng daddy mo? Kaya alam kong mas komportable ka sa kanya at hindi ako magsisising magpaparaya ako sa kanya."


What? I cried in Marie's shoulders? Oh, fck! I then remembered that night. Sobrang pinagsisisihan ko iyon dahil hindi ko siya pinaniwalaan at nagawa niyang tumakas. Did she see me with Marie at the church?


She just said to me the words that I have wrote in a letter when I thought leaving her is the best thing to do to save and protect her. I almost forgot what I said in that letter. And damn! Things got clear to me now. She had my heart from the very start and took it away when she left me.


Sinundan ko siya papasok sa kwarto nina Zanea. Diretso lang ang tingin ko sa kanya. "Do you still love me?"


Tell me you still love me, Gibrielle! I'd fcking turn this world upside down and won't mind who's gonna get hurt just to get you back.


Paalis na siya at parang walang balak sagutin ang tanong ko. "Do you still love me, Gibrielle?" I asked again.


"Do you care?"


"Answer me!"


"Oo! Pero wala ng magagawa 'yon dahil wala na tayo diba? Matagal na tayong wala. Naka move on ka na. May iba ka na. Ako na lang ang kawawa."


Tinalikuran na niya ako. Please don't leave me again, Gibrielle. Please don't turn your back on me again. You just brought back the old Damon who's head over heels with you.


Sinundan ko ulit siya pero mabilis siyang nakaalis. Hindi ako nagpaalam sa mga kasama ko at hindi ko pinansin ang mga tanong nila.


Sinundan ko ang taxi na sinasakyan niya. Pero nagulat ako nang makita si Reige na nagda-drive. Bakit sila magkasama? Bakit sila ang kasama ni Gibrielle at hindi ako? May mali ba sa akin?


Tumutunog ang phone ko. Tumatawag si Marie at sunod naman ay si Mommy. Wala akong sinagot. Naguguluhan yata ako. Pero importante sakin ngayon si Gibrielle. Tangina. Siya lang.


Pumunta ako sa address na sinend ni Arza sa akin noon. This is where they hid. May isang kotse na medyo pamilyar sa akin. At nang makita kong lumabas 'yung lalakeng kasama ni Gibrielle noon, saka ko naalala kung bakit pamilyar sa akin ang sasakyan. Lumabas silang dalawa. Parang hinatid siya ni Gibrielle palabas.


Bumaba na ako ng sasakyan. Nagsilabasan ang mga kasama niya sa bahay. And I was again dumbfounded when I saw Hunter. Magkasama sila sa iisang bahay? Kaya ba silang dalawa ang nagbigay ng pamilya doon sa bata? Fck. What else do I not know? Nagsisinungaling ba si Gibrielle sa akin? Mahal pa rin ba talaga niya ako? Bakit si Hunter ang kasama niya?


I can't hide this now. Naguguluhan man ako pero mas importante si Gibrielle. Mas gusto kong unahin na bumalik na siya sa akin. Ginawa ko lahat para bumalik siya sakin. I hurt Marie pero hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong pakialam kung ako ulit ang maghabol kay Gibrielle. Wala akong pakialam kung makasakit ako. Si Gibrielle lang ang importante sa akin.


And I am so damn proud of myself when I got her back. I was so sorry for Marie because she got depressed because of me. Ilang beses ko sinabi sa kanya na hindi ko siya mahal. Alam ko naging importante rin siya sa akin noon, pero baka tama si Mommy. I was a wreck, wala 'yung taong nagmamahal sa akin noon kaya natuwa ako nang hindi ako iwan ni Marie. And I'm an asshole because I used her.


Hindi ko alam kung paano ko papahintuin si Marie. Alam niyang si Gibrielle ang mahal ko. Kinausap ko rin ang mga magulang niya, tinanggap ko ang masasakit na salita na binigay nila sakin, pero nagpatulong pa rin ako para bantayan nila ang anak nila at tigilan na si Gibrielle.


Because of me, nanganganib ngayon ang buhay ni Gibrielle at ng baby namin. I rushed her immediately to the hospital. Nakasunod naman agad ang pamilya niya.


Ang sabi ng doktor, complicated ang pagbubuntis ng asawa ko. Gibrielle was so emotional hanggang sa hindi na niya kinaya. Pati ang baby nadamay dahil sa matinding stress niya. Gibrielle needs to wake up. Pinagdedecide na rin kami kung hahayaan ba namin operahan na si Gibrielle para ilabas si Baby Savi. Gibrielle is now too weak kaya ang daming nakasaksak sa kanya. At kapag hindi pa ilalabas si baby, baka mas lalo pang madamay ito at magkaroon ng infection at manghihina rin si baby.


Tinanong ko ang doktor bakit hindi pa gumigising si Gibrielle. Ang sabi niya, may ibang tao na mas pinipili nilang matulog para iwasan ang problema. At parang ganun ang nangyayari kay Gibrielle. Unconsciously, gusto niyang hindi na muna gumising dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman niya. And it was all my fault. Hindi ko pinahalagahan ang nararamdaman niya at hindi ko siya mas inalagaan pa ngayong buntis siya.


Dagdag pa ng doktor, kapag nagtagal ang pagtulog ni Gibrielle, kailangan na talaga namin magdecide at operahan si Gibrielle habang tulog siya. It's dangerous and can put one of their lives or both. Ayokong may mawala kahit isa sa kanila o silang dalawa. At sobrang nahihirapan ako ngayon.


Gusto kong hintayin na gumising si Gibrielle bago gawin ang operasyon. That way, she'll be safe. Pero kasalanan ko kung bakit mas pinipili ni Gibrielle ngayon ang matulog kaysa harapin ako.


Sana kaya kong ipagpalit ang sakit. Ako na lang. Ibigay na lang niya sakin ang sakit ng nararamdaman niya. She became depressed because of me.


"Bhie, wake up. I'm so sorry. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ni Baby Savi. Baby needs to get out of your tummy now kaya please gumising ka na."


Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko, Gibrielle. Please, wake up. Hindi ko kayang mamili ngayon. Importate kayong dalawa sakin ni baby. Gumising ka na.


Pinunasan ko ang nakawalang luha sa mga mata ko nang marinig kong dumating ang mga kaibigan ko. Hinalikan ko muna si Gibrielle bago tumayo at hinarap ang mga kasama ko. Kinailangan ng umuwi nina Ate Hershey sa bahay nila at si Tita Joy lang ang naiwan kong nagbabantay dito. Sina Mommy ay mamaya pa makakapunta.


"Dame, how's Gib?" Tanong ni Traz.


"She still doesn't want to wake up because of me."


"Bro, it's not your fault." Sabi ni Yule.


How can I not think it's not my fault? Kung hindi ko sana pinasok ang buhay ni Marie, hindi magkakaganito. Sana hinintay ko na lang si Gibrielle. Sana hindi ko hinayaan ang galit sa puso ko. Kung sana mas pinanindigan ko ang pagmamahal at tiwala ko kay Gibrielle noon, sana hinintay ko siya kahit umabot ng ilang taon siyang wala. Sana naging madali na lang lahat nung bumalik siya. Wala sana si Marie sa buhay ko. Hindi sana nagselos si Gibrielle ngayon at nag-cause ng depression. At ngayon mas pinipili ni Gibrielle na takasan ulit ang problema namin nang dahil sa akin.


Tinapik nila ang balikat ko. Bumalik na lang ako sa pwesto ko kanina at pinanood si Gibrielle habang natutulog.


"Gibrielle." Tawag ni Traz. Lumapit na sila sa amin. "Gumising ka na. Kailangan mo ng ipanganak ang inaanak namin."


"Naghahanap na ng kalaro ang baby ko." Ani Brix.


"Pati ang anak ko, Gibrielle. Magiging magkakaibigan din sila." Dagdag ni Van.


Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Gibrielle. Please bhie, wake up. Gumising ka lang at maideliver ng safe si baby, kahit anong gusto mo gagawin ko. Kung gusto mo mag stay muna sa pamilya mo, okay lang. Maghihintay ako. Hihintayin ko hanggang sa mapatawad mo na ako. Just please, wake up now.

Continue Reading

You'll Also Like

142K 7.8K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
86.1K 968 6
Isa si Samantha sa mga nasipa sa trabaho nang amo niyang intsik na mahilig sa mga nakasuot nang croptop, kaya naman nakuha na niyang tanggapin ang al...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...