Accidentally MARRIED

By DirekSesa

3.6M 41.4K 1.7K

Napakarami nang kwento ang tungkol sa mga arranged marriage. Kaya heto ako't dadagdag sa mga yun. Pero ang kw... More

Accidentally MARRIED
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Author's Love Letter
Chapter 64
Another Love Letter
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Epilogue
The Last Letter

Chapter 16

59.4K 655 15
By DirekSesa

                Nandito kami ngayon ni Daniel sa park. Pauwi na talaga sana kami pero ewan ko ba kung anong naisip nitong si Daniel. Biglang nagyaya sa park.

                Naglalakad lang kami. Tahimik. Ewan. Tinamad akong magsalita. Pati siya tahimik. Pero maganda yung katahimikan. Relaxing. Nakakagaan ng loob. Walang iniisip. Naglalakad lang.

                “Saydie,” biglang sabi ni Daniel. Tumigil siya. Lumingon ako at tinignan siya.

                “Oh, bakit?” tanong ko. Napansin kong may tinitignan siya sa malayo. Sinundan ko ang tingin niya. Puro naman mga street food ang nandun. ‘Di naman siguro yun ang tinitignan niya no?

                “Tara, kain tayo,” sabi niya sabay hila sakin papunta sa nagbebenta ng fishball.

                Weh? Di nga? Seryoso ba siya?

                Sumunod nalang ako at ‘di nagsalita. Pero laking gulat ko nalang talaga nang tumigil siya sa nagtitinda ng fishball at nagismula nang kumuha.

                Ako, natigilan lang talaga. Kumakain talaga siya nito?

                “What’s wrong? Go ahead. My treat,” sabi sakin ni Daniel. “Do you eat this?”

 

                “Oo naman. Pero ikaw? Seryoso kang kumakain ka ng ganyan?” tanong ko.

                “Yes, I do. Come on, what do you think of me?” pabiro niyang sinabi sabay tawa. “Go on. I know you eat this.”

 

                Nginitian niya ulit ako.

                Edi nakitusok na rin ako ng fishball. Nakakagulat lang kasi talaga. Sinong mag-aakalang itong si Daniel ay kumakain ng fishball dito sa park? Nakakatuwa lang.

                Pagkatapos niya akong ilibre ng fishball, binilhan niya din ako ng cotton candy at ice cream. Para lang kaming mga bata. Sobrang nakakatuwa. Lalo lang gumagaan ang pakiramdam ko. Kaya sobrang nagpapasalamat din ako kay Daniel.

                Kahit papano, nakakaramdam ako ng pag-aalaga.

                Umupo kami sa isang bench, pinanood yung mga taong naglalakad sa park. ‘Di ko maiwasang mainggit sakanila.

                Buti pa sila, walang inaalala. Buti pa sila, may karapatang gawin kung ano mang ang gusto nila sa buhay. Buti pa sila, nakakaramdam ng kalayaan.

                “So why did you do it?” biglang sabi ni Daniel.

                Napatingin ako sakanya.

                “You left your house like you never lived in it. There was something about it,” sabi niya. “I saw the bitterness in your eyes. It seemed like you were doing it for revenge.”

 

                Ngumiti ako. Pero di totoong ngiti. Huminga ako ng malalim.

                “I guess it was revenge,” sabi ko. “I want to show everyone what a big mistake they did; deciding for my life.”

 

                Ayoko na sanang sabihin. Di naman kasi alam ni Daniel yung mga nangyayari sa buhay ko. Pero di ko na napigilan. Kahit yun lang ang nasabi ko, ok na din. At least kahit papano may nailabas ako.

                Tumingin lang si Daniel sakin. May sasabihin pa sana siya nang biglang nag-ring yung phone niya. Tinignan niya ako apologetically tapos sinagot yung phone.

                “Hello?” sabi niya. “I’m here at the park. Why?” Naghintay siya. “What?! Where?” Para siyang nag-panic. Ano kayang nangyari? “Ok. I’ll be there.” Binaba niya ang phone. Tumingin siya sakin.

                “I’m so sorry. There’s an emergency at home. I’ll just drive you back sa condo,” sabi niya.

                “Emergency? Samahan nalang kita,” sabi ko. Nakakakaba naman. Ano kayang nangyari?

                “No, I’m fine. I think you need to rest,” sabi niya nang may ngiti. Rinereassure ako na ok lang talaga.

 

                Tumayo siya at inabot sakin ang kamay niya. “Let’s go?”

 

                Napatingin ako sakanya. Nakangiti na naman siya sakin. ‘Di ko din tuloy mapigilang ngumiti. Kinuha ko ang kamay niya at tumayo.

                Bumalik na din kami sa condo. Tinulungan niya akong iakyat ang mga gamit ko. Buti nalang iisang box lang yung mga gamit ko. Isang malaking box. Kaya yun, inakyat ni Daniel ang mga gamit ko.

                “Thanks,” sabi ko sakanya bago siya umalis.

 

                Ngumiti siya at agad sinabing, “It’s no problem.” Tapos naglakad na siya papunta sa pinto.

                “Daniel,” sabi ko ulit kinuha ko ang kamay niya para tumigil siya. Lumingon siya at tinignan ako. “Thank you. I mean it. Thank you for everything.”

 

                “You’re welcome. Always remember that I’m here for you. I’m just here for you,” sabi niya sakin at ngumiti.

                Umalis na siya. Naiwan na ako. Naiwan na naman akong mag-isa dito sa condo.

                Pumunta ako sa kwarto at nagsimulang ayusin ang mga gamit ko, nang hindi ko naman masyadong mapansin na mag-isa lang ako. Kailangan kong libangin ang sarili ko.

                Ayos dito... Ayos doon...

                Matapos ang isang oras, nailabas ko na lahat ng laman ng box. Nailagay na lahat sa dapat nilang kinalalagyan.

                Pinag-iisipan ko na kung anong susunod kong gagawin. Bigla kong narinig na may nag-ring ng doorbell.

                Medyo kinabahan na naman ako. Sino naman kaya ‘to? Bumalik kaya si Daniel? Si Daniel kaya to?

                Dali-dali akong lumabas ng kwarto at binuksan ang pinto, expecting na si Daniel ang nakatayo sa labas. Pero hindi eh.

                Isang babae ang nakatayo sa harap ko. Isang babae na may hawak na baby girl. Hindi naman todo-todong baby. Siguro mga 3 years old siya. At yung babae, na sa tingin ko ay nanay niya, todo ngiti naman sakin.

                “Hi, Saydie! Kamusta? Si Price, nandito ba?” sabi nung babae sabay pasok sa loob.

                Teka nga. Grabe ha. Pasok agad? ‘Di ko pa nga siya kilala eh. At paano niya ako nakilala? Pero feeling ko nakita ko na siya somewhere eh. ‘Di ko lang maalala kung saan. Basta nakita ko na siya.

                Bigla niya akong tinignan. Ako kasi nakatayo lang sa may pinto, gulat parin. ‘Di ko talaga alam kung anong nangyayari. Sino ba siyaaa?

                “Ahh, ‘di mo pa ata ako nakikilala. I’m so sorry,” sabi niya sabay tayo. Lumapit siya sakin. “I’m Jenny. Your sister-in-law.” Nakipagkamay siya sakin.

                ... Ano daw? Sister-in-law? Kapatid siya ni Price?

                “Kapatid po kayo ni Price?” tanong ko.

                “Yup. Di mo lang siguro naalala, pero nagkita tayo nung wedding,” sabi niya.

                Ahh. Oo nga pala. Dun ko siya unang nakita. Kaya pala parang nakita ko na siya. Nakita ko na nga talaga siya. Sa kasal namin.

                “Ayan, naalala mo na no? Hahaha! ‘Di kasi tayo nagkakilala nun eh. Masyado kayong busy ni Price. Hahaha!” sabi niya tapos umupo ulit silang dalawa nung anak niya.

                “Ahh. Hehe. Oo... Umm... Napadalaw kayo? Kumain na ba kayo? Teka, kukuha ako ng makakain. Gusto niyo ng juice?” sabi ko. Actually, ang gusto ko talagang tanungin ay kung bakit sila nagpunta dito. Pero syempre, small talk muna. Kaya tumayo ako para kumuha ng juice.

                “Sige, sure. Salamat,” sabi naman ni ate Jenny.

                Pumunta ako sa kusina at chineck ang ref. Nakita ko yung cake na binigay ni Daniel kanina. Haay. Buti nalang nagdala siya. Kundi wala kaming kakainin ni ate Jenny. Kaya ayun, kinuha ko yung cake at kumuha din ng juice tapos bumalik sa sala.

                “Wow, thanks,” sabi ni ate Jenny. Tinignan niya ang anak niya na hawak-hawak niya. “Look oh. Cake! You want some?” Ngumiti yung bata at tumawa. Ang cute namaan.

                Nagkwento lang si ate Jenny. As in kwento lang siya ng kwento. Pinanood ko silang dalawa. Pinapakain ni ate Jenny yung anak niya. Ang cute cute lang nilang dalawa. Nakakatuwa silang panoorin. Ang saya-saya nila. ‘Di ko maiwasang maisip kung kelan ako makakaramdam ng ganyang saya.

                Uggh. Nakaka-senti naman oh.

                “Kamusta nga pala kayo ni Price?” biglang tanong ni ate Jenny.

                “Ok naman po kami,” sabi ko agad. Automatic kong sagot. Anong akala niyo? Magsusumbong ako? Ang hina ko naman. Kailangan ko tong harapin mag-isa.

                “Nako. Pino-po mo pa ako. Hahaha. Halos magkasing-edad lang tayo! Hahaha.” sabi ni ate Jenny. “Kilala ko si Price, Saydie. Alam kong minsan ‘di siya madaling pakisamahan. But I know him. Maalaga talaga siya. Mataas nga lang ang pride.”

                Totoo lahat ng sinabi niya. Yung “maalaga” part lang ang medyo pinagdududahan ko. Kaya ngumiti nalang ako.

                “Ah, asan nga pala husband mo?” tanong ko to change the subject. Ayoko talagang pag-usapan ang mga pangyayari sa buhay namin ni Price.

                “Ahh, si Paolo? May binili lang saglit. Susunduin din ako dito mamaya,” sagot niya naman habang tinatapos ang pangatlong slice niya ng cake. ‘Di ko naman siya masisisi. Dalawa silang kumakain eh. Tsaka mas ok din na maubos na. Baka magtaka pa si Price, malaman pa niyang bumisita si Daniel.

                Tumingin ulit siya sakin. “Alam ko nakakapanibago ang buhay may asawa, especially sayo. Alam ko naman yung story niyo eh. But you’ll get used to it. Tiwala lang. Hahaha. Every thing will work out, Saydie. I know it.” Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako.

                Ngumiti din ako. Ewan ko ba. Pero may something sa mga sinabi niya. May something sa pagsabi niya eh. Ewan ko ba. May warmth. Nakaramdam ako ng kahit konting pag-asa. Basta. Iba ang aura nitong si ate Jenny.

                Bigla siyang napatingin sa cake. “Nako, sorry ha! Halos maubos na pala ‘to. Hahaha! Ito kasing si Princess, ang lakas kumain! Hahaha! Pati tuloy ako napapakain. Hirap talaga ‘pag may anak. Tataba ka talaga! Hahaha!”

 

                Saya-saya ni ate Jenny. Ganda niyang kasama. Nakakagaan ng loob. Yung tipong kausap mo lang siya, sarap na sa pakiramdam. Nakakahawa yung saya niya. Gusto ko rin tuloy makisama sa tawa niya.

                “Ay, sige lang! Kunin niyo na yan. Para na rin kay kuya Paolo. Di rin naman ata kakain dito ngayon si Price eh. Kaya sige lang. Teka, kukuha ako ng lalagyan,” sabi ko sabay tayo. Tumakbo ako sa kusina at naghanap ng lalagyan. Sana naman meron. Actually, ‘di na talaga ako nageexpect na may makikita akong container dito. Pero na-relieve talaga ako nung may nakita ako agad.

                Bumalik ako sa sala at nilagay yung tirang cake sa container.

                “Ay, thank you! Tamang-tama para sa biyahe namin mamaya. Hahaha. May kakainin kami ni Paolo,” sabi niya.

                “Hehe. Ahh... Um... Bakit nga pala napadalaw kayo?” tanong ko.

                 “Ay! Oo nga pala. Hahaha. Baka makalimutan ko pa kung bakit kami nagpunta dito.” Tumawa siya. Tapos tumingin siya sakin.

                “Ano kasi... May favor sana akong hihingin sa inyo ni Price. Kasi may trip kaming pupuntahan ni Paolo. Eh ‘di namin matitignan itong si Princess. Wala pa naman kaming yaya. Kaya ok lang bang iwan nalang muna namin sa inyo si Princess?” sabi niya.

                T-Teka. ANO?!

                “Ha? A-Anong sabi mo?”

 

                “Iiwan muna namin itong si Princess sa inyo ni Price. Just for a few days,” ulit ni ate Jenny.

                “S-Seryoso ka talaga? Iiwan mo ang anak mo sa amin ni Price? Sa amin?” tanong ko ulit. ‘Di talaga ako makapaniwala. Of all people, dapat siya pa ang makaalam na hindi dapat mag-iwan ng bata kay Price!

                “Oo! I trust you guys naman eh. And this will be a great experience sa inyong dalawa! Nang malaman niyo kung gaano kahirap mag-alaga ng bata. Nang wala kayong gawing kalokohan. Hahaha!”

                Grabe. Desidido ata talaga itong si ate Jenny. Wala na din naman akong magagawa eh. Alangan namang tanggihan ko.

                “Uhh... Ilang taon na ba siya?” tanong ko. Mag-alaga ng bata? Seriously?!

                “Three years old siya. And she’s very smart. Kaya kahit papano madali naman siyang alagaan.” Humarap siya kay Princess. “Princess, this is tita Saydie. You’ll stay with her for a while ha? With tito Price.”

 

                Tumingin naman sakin si Princess. “Tita Saydie?”

 

                Feeling ko napatalon yung puso ko nung marinig kong sinabi niya ang pangalan ko. Ewan ko ba. ‘Di rin kasi ako masyadong nakikipaghalubilo sa mga bata. Kaya kakaibang marinig ang pangalan ko sa boses ng isang bata. Parang agad nang napalapit ang loob ko sa bata kahit ngayon lang kami nagkita.

                “Yes, Princess. You’ll stay with me ha? We’ll play together, okay?” sabi ko naman sa kanya ng may ngiti.

                “Ok, tita,” sabi niya ng may ngiti. Ang cute cute niya talaga! Nakakatuwa.

                “Oh, go with tita Saydie na. Mommy and Daddy will be back soon, ok?” sabi ni ate Jenny. Tumango naman si Princess. Tapos binigay na siya sa akin ni ate Jenny.

                Napatalon ulit ang puso ko nang mahawakan ko ang bata.

                “Eto yung milk niya. Kumakain din naman siya ng rice. Minsan nga lang gusto niya din ng milk. Tanungin mo nalang siya. Kahit ano naman kinakain niya eh. Hahaha. One ounce ng water, one scoop ng milk. Eto yung bottles niya. Pati mga damit niya and toys. Potty-trained na siya kaya wala na siyang diapers. Feeling ko talaga genius ‘tong anak ko. Hahaha! Andito na lahat. Bahala na kayo. Madali lang naman siyang alagaan eh,” sabi ni ate Jenny sabay lapag nung malaking bag na hawak niya.

                “And tomorrow is Sunday pala no? Punta kayo ng church ha. Attend kayo ng service. Gustong-gusto niya kasi sa Kids’ Church. Nagmumukmok yan pag di nakakapunta sa church. Nakakatuwa nga eh. Daig pa niya mga mas matatanda sakanya na mas gugustuhin pang matulog kaysa pumunta sa church. Hahaha!” dagdag pa ni ate.

                Church? Wow ha. Nakakagulat naman.

                “Alam ni Price kung saan. Nakapunta na siya dun once. Lagi kong sinasama, ayaw naman. Kaya siya ganyan eh. Hay nako.” Church? Talaga? Sorry ha. Di talaga ako makagetover. “Bukas ha. Wag niyong kakalimutan. Ipapaalala ko nalang din kay Price.”

 

                Biglang nagbukas ang pinto. Pumasok si Price.

 

            Napatingin siya sa akin, tapos kay Princess, tapos kay ate Jenny. Kitang-kita ang gulat sa mga mata niya habang tinitignan niya si ate Jenny.

                “Ate?! Anong ginagawa mo dito?” sabi ni Price.

                Tumawa si ate Jenny. “Hello, little brother! Kamusta? Hahaha!” Bigla niyang linabas ang phone niya. May nagtext ata. “Ay, nako! Malapit na rin pala si Paolo.” Sinimulan na niyang ayusin ang mga gamit niya.

                “Ate!” sabi ulit ni Price. Tumingin kami kay Price. Kahit si Princess tumingin sakanya. “Anong ginagawa niyo dito?”

 

                “Iiwan muna namin dito si Princess. May pupuntahan kasi kami ni Paolo. ‘Di namin siya pwedeng isama. Alam na ni Saydie ang lahat,” sagot ni ate Jenny. “Nako, sige na. Aalis na ako. Baka ma-late pa kami sa flight.”

 

                Tumayo na siya. “Princess, Mommy’s going na, ok? You stay here with tita Saydie and tito Price. Be good ok?”

 

                Tumango naman ang batang hawak ko. “Yes, mommy.”

 

                “Teka nga!” sabi ulit ni Price. “Anong sabi mo? Maiiwan si Princess dito? Kami mag-aalaga sakanya?” Napaturo siya sa sarili niya.

 

                “Oo nga! Kayo nang bahala sakanya ha. Kilala mo naman si Princess eh. Kayang-kaya niyo yan,” sabi pa ni ate Jenny habang papunta siya sa pinto kung saan nakatayo parin si Price.

                Biglang tumingin ulit sakin si ate Jenny, tapos tumingin ulit kay Price. “Wag niyo siyang i-spoil ha. Mabait na bata yan. Hindi yan spoiled.”

 

                ‘Di na nagsalita si Price. Alam na ata na hindi na siya makakatanggi. Nanahimik nalang siya.

                Hinug ulit ni ate Jenny si Princess. “Bye bye, Princess. I’m gonna miss you. I love you!”

 

                “I love you, too, Mommy!” sagot naman ni Princess. Ang cute cute talaga!

                Pumunta na talaga sa pinto si ate Jenny.

                “Price,” bigla niyang sabi. “Sunday bukas ha. Alam mo na kung saan kayo pupunta.”

 

                “Nakakainis ka talaga,” sabi lang ni Price. ‘Di parin siya nakakagetover.

                “Oh, aalis na ako. Ingat kayo ha! Tatawag-tawag nalang kami. Kung may kailangan kayo, or any emergency, tawag lang kayo, ok?” Binuksan na niya ang pinto. “Bye guys! Bye, Princess! I love you!”

 

                Kumaway naman si Princess. “Bye, Mommy!”

 

                Lumabas si ate Jenny. Nag-sara ang pinto. Umalis na talaga siya. Naiwan na talaga samin si Princess.

Continue Reading

You'll Also Like

209K 1.4K 10
Kung may paligsahan lang ng mga tanga at martyr ay panalo na siguro si Catania sa larong ito. Her husband, Levirr, was always hurting her emotionally...
78.5K 1.4K 24
In the business world, everyone knows my name. They utter it with great admire. They praise the power I have. Kung maraming humahanga, marami rin an...
373K 10K 47
She BROKE my HEART! and๐Ÿ’” I am PLANNING for a REVENGE!๐Ÿ”ช Im going to STEAL her LASTNAME!๐Ÿ˜ฌ And replace it with MINE๐Ÿ˜ˆ
4.2M 70.3K 58
Demonyong nagkatawang tao. May sungay, may buntot at tinidor na panusok. Ganyan ipaliwanag ni Freia Gonzales si Travis Reyes. Pagpasok pa lang niya b...