That Frat Leader (TFL SERIES...

By daddios

263K 6.3K 561

That Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
ANNOUNCEMENT! Chos.
THAT FRAT LEADER IS MY EX (TFLIMP BOOK 2)
BOOK 2- Chapter 1
BOOK 2- Chapter 2
BOOK 2- Chapter 3
BOOK 2- Chapter 4
BOOK 2- Chapter 5
BOOK 2- Chapter 6
BOOK 2- Chapter 7
BOOK 2- Chapter 8
BOOK 2- Chapter 9
BOOK 2- Chapter 10
BOOK 2- Chapter 11
BOOK 2- Chapter 12
BOOK 2- Chapter 13
BOOK 2- Chapter 14
BOOK 2- Chapter 15
BOOK 2-Chapter 16
BOOK 2- Chapter 17
BOOK 2- Chapter 18
BOOK 2- Chapter 19
BOOK 2- Chapter 20
BOOK 2- Chapter 21
BOOK 2- Chapter 22
BOOK 2- Chapter 23
BOOK 2- Chapter 24
BOOK 2- Chapter 25
BOOK 2- Chapter 26
BOOK 2- Chapter 27
BOOK 2- Chapter 28
BOOK 2- Chapter 29
BOOK 2- Chapter 30
BOOK 2- Chapter 31
BOOK 2- Chapter 32
BOOK 2- Chapter 33
BOOK 2- Chapter 34
BOOK 2- Chapter 35
BOOK 2- Chapter 36
BOOK 2- Chapter 37
BOOK 2- Chapter 38
BOOK 2- Chapter 39
BOOK 2- Chapter 40
BOOK 2- Chapter 41
Promotional update ;)
BOOK 2- Chapter 42
BOOK 2- Chapter 43
BOOK 2- Chapter 44
BOOK 2- Chapter 45
BOOK 2- Chapter 46
BOOK 2- Chapter 47
BOOK 2- Chapter 48
BOOK 2 - Chapter 49
BOOK 2- Chapter 50
BOOK 2- Epilogue
THAT FRAT LEADER IS MY FIRST LOVE (BOOK 3)
BOOK 3- Chapter 1
BOOK 3- Chapter 2
BOOK 3- Chapter 3
BOOK 3- Chapter 4
BOOK 3- Chapter 5
BOOK 3- Chapter 6
BOOK 3- Chapter 7
BOOK 3- Chapter 8
BOOK 3- Chapter 9
BOOK 3- Chapter 10
BOOK 3- Chapter 11
BOOK 3- Chapter 12
BOOK 3- Chapter 13
BOOK 3- Chapter 14
BOOK 3- Chapter 15
BOOK 3- Chapter 16
BOOK 3- Chapter 17
BOOK 3- Chapter 18
BOOK 3- Chapter 19
BOOK 3- Chapter 20
BOOK 3- Chapter 21
BOOK 3- Chapter 22
BOOK 3- Chapter 23
BOOK 3- Chapter 24
BOOK 3- Chapter 25
BOOK 3- Chapter 26
BOOK 3- Chapter 27
BOOK 3- Chapter 28
BOOK 3- Chapter 29
BOOK 3- Chapter 30
BOOK 3- Chapter 31
BOOK 3- Chapter 32
BOOK 3- Chapter 33
BOOK 3- Chapter 34
BOOK 3- Chapter 35
BOOK 3- Chapter 36
BOOK 3- Chapter 37
BOOK 3- Chapter 38
BOOK 3 - Chapter 39
BOOK 3 - Chapter 40
BOOK 3 - Chapter 41
BOOK 3 - Chapter 42
BOOK 3 - Chapter 43
BOOK 3 - Chapter 44
BOOK 3 - Chapter 45
BOOK 3 - Chapter 46
BOOK 3 - Chapter 47
BOOK 3 - Chapter 48
BOOK 3 - Chapter 49
BOOK 3 - Special Chapter
LAST

BOOK 3 - Chapter 50

278 7 1
By daddios

CHAPTER 50


Author's Note: Holaaaaa! I will never get tired thanking all of you, my consistent and patient readers! I've come this far because of you. Damon and Gibrielle have come this far because of your support and love to them. And I will continue writing even though no one will no longer read my upcoming stories because I wanted to share what's on my mind. I can't blame anyone tho. Ang bagal ko mag-update. Hehe. Anw, enjoy reading this chapter! Special Chapter (Damon's POV) is next but needs some time to be written. I think it will be a long one, given it's Damon's POV from Book 2 until Book 3. So I hope you'll support this until the end! Thank youuuu!

-----------------



"Loving the wrong person can destroy you."


Pinapanood ko si Damon habang nagbibihis. Nakangisi siya nang makita niya ako. Napangiti rin ako. He's sly smile can still give me butteflies to my stomach. Nakapagsoot na siya ng pants pero kinuha lang niya ang isang white shirt at mabilis na lumapit sa akin na nakaupo sa kama.


Mabilis niyang nahuli ang nakangiti kong labi. Nakipagtitigan ako sa napakalapit niyang mata. This frat leader, who became my enemy, my prince, my savior, my boyfriend, my ex, and now my husband. He always protects and loves me in a way that I can't return. I know I love him unconditionally, but when it comes to him, it seems like unconditional is an understatement.


"Don't look at me like that, wife. Baka hindi ko siputin ang mga kaibigan ko."


Natawa ako. "Damon!"


Isa pang halik ang binigay niya sakin bago niya sinoot ang kanyang shirt. Kinuha niya ang kanyang susi at phone at tinabihan ako.


"Just let me know if you wanted to come along."


Umiling ako. Alam kong nag-aalala siya na baka puntahan ko siya ulit doon at magbiyahe ako mag-isa. I'm sorry, Damon, but I have to do that again. But to come to you.


"I'm okay here. Puntahan mo na sila. Brix needs you."


Tumango siya. "Don't forget to text me."


Tumango na lang ako. Hinalikan niya ako sa noo saka umalis na ng kwarto. Pinanood ko ang pag-alis niya mula sa aming kwarto. Kinatok ako ni Manang Inay at tinanong kung gusto ko bang maglakad sa labas. I completely forgot her. Anong ipapaalam ko sa kanya mamaya? Alam kong pinabantayan ako lalo ni Damon nito.


Tumanggi ako at nag-isip ng idadahilan sa matanda. Kailangan kong makaalis dito ng wala siyang pag-aalinlangan. Hindi ko naman pwedeng papuntahin dito si Marie. I will never let her step a foot in my house. Nagpupuyos ang galit ko sa kanya.


Naligo na ako at nagbihis. Naisip ko na lang gawing dahilan si Zanea. Ngayon pa lang nagsisisi na ako pero wala na akong magawa. Pwede ko rin naman idahilan na pupunta ako kina Tita Joy para baka hindi pa ako nakakaalis ng bahay ay tawagan na nila ang mga tao doon at mahuling nagsisinungaling ako.


Pagkalabas ko ng kwarto, sinalubong agad ako ng mga nagtatanong na mata ni Manang Inay. Pinagpawisan yata ako bigla.


"San ang punta mo, Gibrielle?" Tanong niya.


"Magkikita po kami ni Zanea. I'll just text you when I get there. At sigurado na po ang pagtetext ko."


Nanliit ang mga mata niya. Bakit parang sinabihan siya ni Damon na higpitan ako?


"Kung ganun, sasamahan na kita."


"Po?" Mas lalo akong kinabahan. I didn't expect that.


"Binilin ka sakin ni Damon. At iyon naman talaga ang trabaho ko dito. Sana maintindihan mo."


Now I don't know what to say. Kung hindi ko siya isasama, mas lalo siyang magtataka at baka hindi niya ako payagan. Kung isasama ko naman siya, baka magtaka si Zanea at bakit nandun kami. Pero kailangan ko na lang pagkatiwalaan si Zanea ngayon.


"Sige po. Kailangan niyo po bang maligo?"


"Hindi na. Nakaligo na ako kanina pa."


Nag-book na ako ng grab at habang naghihintay, tinext ko na si Zanea na papunta kami sa kanila. Nagtataka siya kaya tinawagan niya agad ako. Hindi ko naman pinakita kay Manang Inay iyon at pinatay ang tawag.


Me: Don't call. Just text me. I need you, Zan.


Zanea: Why? Why do I feel that this isn't good, Gibrielle?


Me:  I'll tell you later.


Malapit ang bahay nina Zanea sa SMU. Which means, malapit sa lugar kung saan kami magkikita ni Marie. 3:30 na at alam kong mali-late ako sa binigay kong oras. I'm not even sure if she would come. She didn't text me back.


Nang makarating kami sa bahay nina Zan, wala si Van. Panigurado kumpleto sila doon para kay Brix. At hindi ko alam kung may alam ba si Zanea.


"Hi, Zan. Hi, baby Andrei!"


"Now, tell me." May diin sa salita ni Zanea. Hindi naman niya alam ang nangyari kagabi samin ni Damon pero bakit parang ramdam niyang hindi maganda ang gagawin ko?


Well, bakit hindi? I just texted her saying we'll visit them without any notice.


Napalingon ako kay Manang Inay na tahimik nang nakaupo sa couch. Lumayo kami ng kaunti ni Zanea.


"Kailangan kong iwan si Manang dito. Kailangan mokong tulungan, Zan." Bulong ko.


"Why? Saan ka pupunta?"


"You don't need to know-"


"Then how do you expect me to help you? Gibrielle, malapit ka ng manganak. You should be resting at home."


Bumuntong-hininga ako. "I know. But I need to do this. I need to wake her up from dreaming."


"Who? Is someone we know in comatose?"


Napabuntong-hininga ulit ako. There's no way that I can keep it to her. Sinabi ko kay Zanea ang nangyari kagabi. She was shocked. Who wouldn't? Alam kong kilala niya si Marie, she was her cousin, and worst, her first love's sister. At nung mawala ako, isa siya sa mga naka-witness ng relationship nina Damon at Marie. But I also know na siya ang unang tutol doon.


"Hindi mo naman kailangan makipagkita sa kanya. You told me, pinatigil na siya ni Damon. Delikado ang kalagayan mo, Gib. Buntis ka. You're too emotional."


"I am. But my mind's fully functional. At alam kong hindi titigil ang babaeng iyon sa pagsira samin ni Damon."


"Gib, ikaw ang dapat na pinaka may alam na hindi niya kayang sirain ang relasyon niyo ni Damon."


Alam ko iyon. Pero may kung ano sa akin na gusto ko ako mismo ang magsabi kay Marie nun at ako mismo ang magtulak sa kanya palayo.


"And what if atakihin siya ng depression niya? O ikaw? Paano kung saktan ka niya? My god, Gibrielle! This too risky. I won't help you."


Bumagsak ang mga balikaf ko. Alam ko ayaw nila akong mapahamak. Pero this is my last chance to shoo her away. Magtagumpay man ako o hindi, at least nakausap ko siya. And I will just have to think of other ways para gisingin siya sa katotohanan.


"Please, Zan." Tinitigan ko siya sa mata.


"No. Gibrielle, I'm sorry. Pero hindi kita susuportahan sa ginagawa mo."


"I understand." I guess, I have no other way but to tell Manang Inay the truth. Isasama ko na lang siya.


"Manang, tara na po." Sabi ko nang talikuran si Zanea.


Hinabol naman niya at hinawakan sa braso. "Gibrielle, wait."


Nilingon ko siya. "It's okay, Zan. I understand."


"Anong gagawin mo?"


"Pupunta pa rin ako. It's not like she's armed and dangerous."


"Pero, Gibrielle-"


"We have to go."


"How are you so sure that she'll come?" Medyo iritadong tanong ni Zanea.


"I'm not. At least I'm there if ever she changed her mind." Tinalikuran ko na siya at lumabas na ng bahay.


"Gibrielle, hija, saan tayo pupunta?" Tanong ni Manang habang sinusundan ako.


Hindi ko siya sinagot. Nag-abang ako ng taxi at sumakay na kami doon. Nilingon ko si Manang na nilabas na ang kanyang cellphone.


"Manang, please. Huwag niyo po muna sabihin kay Damon. Malalaman niyo rin kung saan tayo pupunta."


Nagtataka man at nag-aalala ay sinunod pa rin niya ako. Tinago na niya ang cellphone at lumingon na lang sa daan. Hinawakan ko ang tiyan ko.


Nakarating kami sa Starbucks at may mangilan-ngilan na estudyante. Wala naman akong kakilala dito kaya komportable akong walang tatawag kay Damon.


Nilibot ko ang paningin ko sa loob. Wala si Marie. Totoo kaya ang hinala ko? Hindi talaga siya sisipot?


Nag-pwesto kami sa bakanteng upuan at nag-order si Manang. Nagtataka siya alam ko pero tahimik lang na nagmamasid. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Tumatawag si Damon. Sigurado akong sinabi na ni Zanea ang balak ko.


Sinagot ko ang tawag niya.


"Gibrielle, where are you?" Kalmadong tanong ni Damon sa kabilang linya.


"I'm fine." Indirect kong sagot sa tanong niya. Hindi ko naman nasabi kay Zanea kung saan kami magkikita ni Marie.


"Please go home. Or tell me where you are, susunduin kita."


"I'll just text you later when she comes. That will give us time to talk."


"You don't have to do this. Ako na lang kakausap sa kanya. Ayokong mapahamak ka."


Hindi ko sila maintindihan. Hindi naman ako mapapahamak dahil kakausapin ko lang naman si Marie. Hindi naman siya mapanganib na tao.


"I have to do this. Nandito na ako." Sabi ko.


"You know I can cancel that. You know I can text her not to come."


Nagalit ako sa sinabi ni Damon. Bakit ayaw niya kaming magkita ni Marie? May tinatago ba sila sa akin? Totoo ba ang hinala ko na nagtataksil siya sakin?


Gosh! Ayokong maluha. Ayokong isipin iyon. Alam kong hindi magagawa ni Damon sa akin iyon.


"Why don't you text her, then?" Nag-iba ang tono ng boses ko. Ramdam ko iyon at alam kong ramdam din ni Damon at ni Manang Inay na napalingon na sa akin.


"Bhie, I'm sorry. That's not what I meant. Please tell me where you are. Umuwi na tayo."


"No!" Lumakas na ang boses ko. But not enough para marinig ng mga tao sa loob ng cafe. Malakas din kasi ang music sa loob. "Gusto ko ako mismo ang magtapos ng kahibangan ng babaeng iyon! She wouldn't dare ruin us."


"She won't. She will never ruin our relationship. I will never let her. Damn! I had never chose her. Ikaw ang asawa ko. Ikaw ang mahal ko."


"Then, let me tell her that."


"Gibrielle, please, listen to me-" Pinatay ko na ang tawag. Naiinis na rin ako kay Damon. Ugh! Hindi ko alam kung dahil ba sa buntis ako o talagang naiinis na ako sa nangyayari.


Wala pa rin si Marie. Hindi kaya tinawagan niya si Damon at sinabihan siya na wag pumunta? Pero alam kong hindi gagawin ni Damon iyon.


Kinakabahan ako. Kung darating si Marie, anong sasabihin ko? Paano ko uumpisahan lahat ng gusto kong sabihin? Magagalit ba ako? Pero galit ako diba?


Paano kung hindi siya sumipot? Does that mean anything? Does it prove anything about her relationship with Damon? Kung ano ano na naman ang pumapasok sa utak ko. At mas lalo lang akong naiinis sa sarili ko.


"Hija, sino bang kikitain natin dito?"


Napalingon ako kay Manang Inay. Wala pa rin siyang ideya kung sinong kikitain ko. Wala siyang ideya kung ano ng nararamdaman ko. Pero alam kong nag-aalala na siya. Nag-aalala na rin si Damon. Bakit ba lagi kong pinaiiral ang kahinaan ko? Lagi na lang akong pasaway at pinagaalala ang mga taong nasa paligid ko.


Bumuntong-hininga ako. "Naguguluhan na po ako, Manang." Bigla na lang may nakatakas na luha sa mga mata ko pero agad ko iyong pinunasan.


"Ano bang problema, Gibrielle?"


Yumuko ako ng kaunti. "Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Alam ko naman na ako lang ang mahal ni Damon at hindi niya ako pagtataksilan. Pero gusto ko ako mismo ang magtulak palayo sa babaeng pilit na sinisira kami."


Naramdaman ko ang mainit na kamay ng matanda sa balikat ko. Tinatagan ko ang sarili ko. Hindi ako dapat umiyak dito. Hindi dapat ako magpatalo at magmukhang talo.


Inangat ko ang tingin ko at saktong nagtama ang mga mata namin. Pagkatapos ng ilang buwan, nagkita ulit kami. Well, I saw her last night but I wasn't even sure if she noticed me. Ang akala kong hindi sisipot ay ngayo'y nasa harapan ko na.


Tumayo si Manang Inay at nagpaalam na lalabas sandali. Alam kong gusto niya kaming bigyan ng oras para magkausap.


Umupo si Marie sa tapat ko. Hindi ko mabasa ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung pinagtataasan na ba niya ako ng kilay sa isip niya o gusto ba niya akong sugurin. Blangko lang talaga ang kanyang ekspresyon kaya ganun din ang ginawa ko.


Hindi ako makapagsalita. Ayokong gumawa ng eksena.  Magkatitigan lang kami at naghihintay kung sinong mauunang magsalita.


She has an angelic face. Anyone would fall for her. Pero sinong mag-aakala na ipagsisiksikan niya ang kanyang sarili sa lalaking may mahal ng iba? Pero masisisi ko nga ba siya? May pinagsamahan sila ni Damon nung panahong wala ako... nung panahong iniwan ko si Damon.


I decided to break the silence. "Thank you for coming..."


For a second, akala ko ay nakita kong nanlisik ang kanyang mga tingin sakin. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako.


I tried to reminisce the time when we first talked. Ang akala ko ay mabilis niyang sinuko si Damon sa akin. That's what I really thought. Alam kong nasaktan siya pero mas pinili niya ang kasiyahan ni Damon. He let go of Damon just to be with me. Pero bakit ngayon? Ilang beses niyang sinubukang paghiwalayin kami? Bago ang kasal, hanggang ngayon, pinagsisiksikan pa rin niya ang kanyang sarili.


That's where I came up for a question. "Bakit ang dali mong sumuko noon pero manggugulo ka lang ngayon?"


She smirked. It gave me chills. Who wouldn't? For someone who's angelic like her, will smirk at me? Para bang isang siyang demonyong nagbabalat-kayo bilang isang anghel.


"Akala ko madaling sumuko. Pero mahal ko si Damon-"


"Sana pinaglaban mo siya noon pa! Nung mga panahong handa kong tanggapin na ikaw na ang kasama niya."


"Sana nga pinaglaban ko siya..."


"Pero hindi mo ginawa dahil alam mong ako pa rin ang pipiliin niya." Sabi ko. "Alam mong ako lang ang mahal niya-"


"Minahal niya rin ako!"


Kumunot ang noo ko. Masakit marinig sa kanya ang katotohanang iyon. Alam ko nagawang magmahal ng iba ni Damon. Pero kasalanan ko naman diba? Kung hindi ko siya iniwan, hindi sana dumating sa buhay namin si Marie.


"Pero hindi katulad ng pagmamahal niya sa akin."


Nakuha ko siya doon. Alam kong naapektuhan siya doon. And I wanted to take this opportunity to attack her by words.


"Leave us alone. Leave my husband alone. Magkakaanak na kami, Marie. Huwag mo ng ipagsiksikan 'yang sarili mo kay Damon. Hindi ka niya mahal. Hindi ka niya kailanman minahal-"


Natigilan ako nang makatanggap ako ng sampal sa kanya. Nagpupuyos na siya sa galit. Alam kong napapalingon na ang ibang tao sa table namin. Imbes na mahiya ay hindi ko na lang pinansin. Hinayaan ko lang din ang sakit ng pagsampal niya sakin. If this is what it takes para layuan na niya kami.


"Masakit bang malaman ang totoo? Alam kong ramdam mo na kahit ikaw ang pinili ni Damon noon, ako pa rin ang nasa puso niya." Sabi ko sa kanya. Well, I'm not really sure. Wala akong ideya sa relasyon nilang dalawa noon. Kinapalan ko na lang ang mukha kong sabihin iyon para mas galitin siya.


"Wala ka sa tabi niya nung mga panahong wasak na wasak siya. Wasak siya nang dahil sayo!"


Alam kong totoo iyon. Pero hindi ako dapat magpatalo.


"Pero kahit ganun, ako pa rin ang mahal niya, ako ang pinili niya at ako ang asawa!"


Nalaglag na ang mga luha niya. It hurts seeing her like this. But I can't let myself loose this chance. Ayokong guluhin pa niya ang relasyon namin ni Damon. Alam kong ako lang ang mahal ni Damon pero hangga'y may aaligid sa kanya na tulad ni Marie ay hindi pa rin ako makakampante. Hindi ko maiwasan ang pag-iisip ng kung ano ano. Mababaliw lang ako lalo.


"Alam ko mahal din niya ako..." Humahagulhol niyang sabi.


Hindi ko na kakayin pa kung papanoorin ko siyang umiyak dito. Baka magmakaawa siyang isuko ko si Damon. Hinding hindi mangyayari iyon. She let her chance slip away. Nung magkita kami, handa pa akong ipaubaya na talaga si Damon sa kanya dahil sila ang may relasyon noon. Hindi ko ginustong guluhin sila. Pero masyado siyang mahina. At alam naman namin na kahit pinaglaban niya si Damon, ako pa rin sa huli ang pipiliin ni Damon. But I really don't even know anymore. There were a lot of chances before when I don't want to enter Damon's life again. Pero si Marie na rin mismo ang unang sumuko.


Tumayo na ako. Naramdaman ko ang pagsakit ng tiyan ko. Hindi ko pinansin at tiningnan ang nakatulalang si Marie.


"Sana ito na ang huli nating pagkikita. Sana ay kagabi na rin ang huli mong paglapit sa asawa ko. I will never let you ruin my family."


Iyon lang at iniwan ko na siya. Marami pa akong gustong sabihin pero hindi na nakawala sa bibig ko. Nakakahiya na siguro sa mga taong nakatingin samin? Ayoko na lang sigurong dagdagan ang sakit ng nararamdaman niya ngayon? Siguro enough na yun para tigilan na niya si Damon?


Hindi ko alam. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko o kung sapat na ba iyon para matigil na siya. Walang makakasabi. She just needed to wake up. She needs to understand that Damon and I are inseperable. Mag-asawa na kami. Ako ang mahal ni Damon. Hinding-hindi niya makukuha si Damon sa akin.


"Okay ka lang ba?" Tanong ni Manang Inay pagkalabas ko. Tumango lang ako. "Hintayin na natin si Damon sa loob. Papunta na siya dito."


Umiling ako. "Hindi po ako uuwi sa bahay ngayon."


I just felt tired. Naramdaman ko ang bigat ng pakiramdam ko. Masakit na rin ang tiyan ko.


"Anong ibig mong sabihin?"


"Uuwi po muna ako kina Tita Joy. Manang, samahan niyo po ako makauwi doon."


Wala ng nagawa si Manang Inay. Nag-abang na siya ng taxi at nagpahatid kina Tita Joy. Napansin kong nagriring ang kanyang phone. Siya ang tinatawagan ni Damon dahil nakapatay na ang phone ko. Nilingon naman ako ni Manang. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Pinagmasdan ko na lang ang mga nadadaanan namin.


Hindi ko na rin naman narinig pa ang kanyang cellphone. Hindi ko rin siya narinig na sinagot iyon. Mas okay na siguro iyon. Alam ko hindi ako dapat umiwas kay Damon ngayon. Okay na kami diba? Saka kagustuhan ko na makausap si Marie. Pero bigla na lang ako nakaramdam ng pagod.


Pagod na pagod ako. Para akong hihimatayin. Para akong mapapaanak nang wala sa oras. Para akong nilalagnat. Literal na mabigat ang pakiramdam ko. Nakasandal na ako pero mabigat pa rin. Bakit ganito? Dahil ba ito sa pagbubuntis ko pa rin? Hindi ko na alam.


Nakarating kami sa bahay nina Tita Joy. Nagtataka silang lahat kung bakit nandun ako. Hindi ko magawang magsalita o magkwento. Ayokong malaman nila ang problema namin ni Damon. Baka magalit na naman si Ate Hershey at paghiwalayin kami ni Damon. Pero ang tanga ko. Bakit nga ba dito ako nagpunta kung hindi ko rin naman sasabihin ang problema?


Siguro ay napansin nilang wala akong gana magsalita muna. Hinayaan nila akong magpahinga sa kwarto. Si Manang Inay na ang bahalang magsabi sa kanila.


Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Gusto kong pa-check up pero mabigat nga ang pakiramdam ko. Parang hindi ko na kayang tumayo pa at maglakad.


Humiga agad ako sa kama. Pakiramdam ko malalim ang pagkakabaon ng katawan ko sa kama sa sobrang bigat ko. Am I just hallucinating? Hallucinations lang ba ang sakit at bigat na nararamdaman ko?


Gusto kong umiyak. Pero walang luhang mailalabas. In the first place, pakiramdam ko wala naman dapat ipag-alala. Nabasa ko naman ang text ni Damon kay Marie. Alam ko naman na hinding-hindi ako sasaktan at ipagpapalit ni Damon. Alam ko naman na ako lang ang mahal niya.


Pero bakit ko pa rin pinagpatuloy ang pakikipag-kita kay Marie? Para saan iyon? Bakit kanina desidido akong makausap siya. Pakiramdam ko mapapalayo ko siya. Pero ngayon bakit parang pakiramdam ko walang kwenta ang lahat?


I want to sleep. Gusto kong ipikit ang mga mata ko. Pero hindi ko magawang matulog.


Bumangon ulit ako. Hinimas ko ang tiyan ko. Baby, can you please help me? Help me get through this.


I decided to go out of the room. Natigilan ako nang makita si Damon na nakaupo sa sala. He's with Tita Joy and Ate Hershey. Bigla akong kinabahan. Don't tell me palalayuin na naman siya ni ate? And if that's the case, who to blame? Diba ako? Palagi na lang gulo ang dinadala ko.


"Maiwan na muna namin kayo." Sabi ni Tita Joy.


Tumayo na sila at iniwan kami sa sala. Umupo ako sa tapat ni Damon. Wala ring emosyon ang kanyang mukha. Bakit pareho sila ni Marie?


Gosh! Magkakaanak na kami ni Damon, kung ano ano pang iniisip ko!


"Hindi muna ako uuwi sa bahay." Sabi ko.


"Gibrielle, please..." mula sa pagiging blangko ang emosyon, napalitan iyon agad ng frustration at worry.


"I thought we're okay. I know you love me. Alam ko hindi mo sisirain ang relasyon natin. Pero naguguluhan ako. Nasasaktan ako, Damon. Hindi ko alam kung bakit."


"I'm sorry I made you feel that. Anong gusto mong gawin ko?"


Ano bang gusto kong mangyari? Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito? May problema ba? Wala naman, diba. Okay naman kami ni Damon. Si Marie ang nanggugulo pero hindi siya nagtagumpay na paghiwalayin kami. Nagtagumpay siyang guluhin ang nararamdaman ko.


Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ako dapat nagkakaganito. Dapat okay lang kami ni Damon. Hindi ako dapat sa kanya magalit. Hindi ko dapat siya iwasan. Pero bakit ganito? Gulong-gulo na ako.


"I... I don't know... I'm exhausted." Iyon lang ang nasabi ko.


Lumapit si Damon at dahan dahan akong niyakap. He cares for me. He loves me more than himself. Why am I being like this?


"I'm sorry, bhie. I'm really sorry. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang makasiguro ka na ikaw lang ang mahal ko. Na walang namamagitan sa amin ni Marie. Na hinding-hindi ko sisirain ang marriage natin." Sinuklay niya ang buhok ko.


Alam ko iyon, Damon. Alam na alam ko iyon. Pero sorry dahil nagkakaganito ako. Nababaliw na yata ako. Sobrang bigat pa rin ng nararamdaman ko.


Dahan dahan kong tinulak si Damon. Pinunasan ko rin ang mga luhang nakatakas sa mga mata ko. I need to refresh.


Tumayo ako pero agad niyang nahablot ang kamay ko. Nilagay niya ito sa kanyang noo habang umiiyak siya. Jeez! I made him cry again.


"Gibrielle, please. Let's go home. Hindi ako matatahimik kung hindi kita kasama. I'm worried about you and our baby."


"Hindi naman nila ako pababayaan dito."


"Bhie..."


Mas bumigat ang dibdib ko. Ngayong nakikita ko na umiiyak si Damon, mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko. Pero bakit hindi ko magawang malusaw? Ano ba talagang nangyayari sakin?


"Umuwi na tayo, please." Umiiyak pa rin siya.


Damon... I love you so much.


Binawi ko ang kamay ko saka siya iniwan mag-isa doon. Bumalik ako sa kwarto saka humagulhol ng iyak. This is bad. This is bad for me and baby Savi. Pero hindi ko mapigilan ang luha ko, ang sakit na nararamdaman ko.


Gibrielle, wake up! Walang problema! Kahit pa ilang beses subukan ni Marie na lumapit kay Damon, hindi siya magtatagumpay. She's just a helpless bitch. Hinding-hindi masisira ang pamilya mo.


And I hope this eases my mind. Pero hindi. Kahit anong sabihin ko sa sarili ko na walang problema, hindi nababawasan ang bigat sa dibdib ko. Why am I being like this?


Lumabas ulit ako ng kwarto. Hindi ko na nakita si Damon sa sala. Gabi na at alam kong delikado na sa labas. Hindi na rin ako pwedeng mahamugan pero lumabas pa rin ako para silipin ang sasakyan ni Damon. It was still parked in front of the house. Pero nasaan siya?


Lumabas ako ng gate at nagpalinga-linga. Sa isang poste nakita ko si Damon, pero hindi siya mag-isa. He's talking with someone... He's talking with the girl who gave me this kind of shit. Hindi ko nakikita ang mukha ng babae pero sapat na ang kanyang soot na damit para masiguro kong siya iyon. Iyon ang soot niya nang magkita kami kanina.


Hindi ko pansin na tumutulo na pala ang luha ko. Naglakad ako palapit sa kanila. Naririnig ko na ang pagsasalita ni Damon.


"Fck, Marie! Leave us alone!"


Nahinto siya doon nang mapansin ni Marie na palapit ako sa kanila. Hinarap naman ako ni Damon na kanina ay nakatalikod sa akin. Gulat at frustrated pa rin ang kanyang mukha.


"Gibrielle..." Bulalas niya.


Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa babae saka siya sinampal. Hindi ko na rin maintindihan ang pagiging bayolente ko ngayon. Hindi naman ako ganito diba? At bakit ko sinampal ang mala-anghel niyang mukha?


Naramdaman ko agad ang hawak ni Damon sa akin.


Magsasalita na sana ako nang biglang sumakit ang tiyan ko. Napahawak ako dito. Mas lalo naman nag-aalala si Damon at tinanong kung okay ako. Napadaing ako sa sakit. May mas lalala pa ba sa sitwasyon ko ngayon? Mabigat ang pakiramdam ko tapos sasabay ang pagkirot ng tiyan ko. Pakiramdam ko manganganak na ako.


I screamed loudly but I heard nothing. I just stared into the darkness. "Gibrielle!" Sigaw ng taong mahal ko bago ko maramdaman ang pagbagsak ng aking katawan sa kanyang bisig.

Continue Reading

You'll Also Like

79K 1.9K 19
[Andromeda Season 2] [TAGALOG STORY] Three years ago, I escaped the fire that almost led me to my death and I have managed to hide since then. Now...
76.9K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
86.1K 968 6
Isa si Samantha sa mga nasipa sa trabaho nang amo niyang intsik na mahilig sa mga nakasuot nang croptop, kaya naman nakuha na niyang tanggapin ang al...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...