That Frat Leader (TFL SERIES...

By daddios

263K 6.3K 561

That Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
ANNOUNCEMENT! Chos.
THAT FRAT LEADER IS MY EX (TFLIMP BOOK 2)
BOOK 2- Chapter 1
BOOK 2- Chapter 2
BOOK 2- Chapter 3
BOOK 2- Chapter 4
BOOK 2- Chapter 5
BOOK 2- Chapter 6
BOOK 2- Chapter 7
BOOK 2- Chapter 8
BOOK 2- Chapter 9
BOOK 2- Chapter 10
BOOK 2- Chapter 11
BOOK 2- Chapter 12
BOOK 2- Chapter 13
BOOK 2- Chapter 14
BOOK 2- Chapter 15
BOOK 2-Chapter 16
BOOK 2- Chapter 17
BOOK 2- Chapter 18
BOOK 2- Chapter 19
BOOK 2- Chapter 20
BOOK 2- Chapter 21
BOOK 2- Chapter 22
BOOK 2- Chapter 23
BOOK 2- Chapter 24
BOOK 2- Chapter 25
BOOK 2- Chapter 26
BOOK 2- Chapter 27
BOOK 2- Chapter 28
BOOK 2- Chapter 29
BOOK 2- Chapter 30
BOOK 2- Chapter 31
BOOK 2- Chapter 32
BOOK 2- Chapter 33
BOOK 2- Chapter 34
BOOK 2- Chapter 35
BOOK 2- Chapter 36
BOOK 2- Chapter 37
BOOK 2- Chapter 38
BOOK 2- Chapter 39
BOOK 2- Chapter 40
BOOK 2- Chapter 41
Promotional update ;)
BOOK 2- Chapter 42
BOOK 2- Chapter 43
BOOK 2- Chapter 44
BOOK 2- Chapter 45
BOOK 2- Chapter 46
BOOK 2- Chapter 47
BOOK 2- Chapter 48
BOOK 2 - Chapter 49
BOOK 2- Chapter 50
BOOK 2- Epilogue
THAT FRAT LEADER IS MY FIRST LOVE (BOOK 3)
BOOK 3- Chapter 1
BOOK 3- Chapter 2
BOOK 3- Chapter 3
BOOK 3- Chapter 4
BOOK 3- Chapter 5
BOOK 3- Chapter 6
BOOK 3- Chapter 7
BOOK 3- Chapter 8
BOOK 3- Chapter 9
BOOK 3- Chapter 10
BOOK 3- Chapter 11
BOOK 3- Chapter 12
BOOK 3- Chapter 13
BOOK 3- Chapter 14
BOOK 3- Chapter 15
BOOK 3- Chapter 16
BOOK 3- Chapter 17
BOOK 3- Chapter 18
BOOK 3- Chapter 19
BOOK 3- Chapter 20
BOOK 3- Chapter 21
BOOK 3- Chapter 22
BOOK 3- Chapter 23
BOOK 3- Chapter 24
BOOK 3- Chapter 25
BOOK 3- Chapter 26
BOOK 3- Chapter 27
BOOK 3- Chapter 28
BOOK 3- Chapter 29
BOOK 3- Chapter 30
BOOK 3- Chapter 31
BOOK 3- Chapter 32
BOOK 3- Chapter 33
BOOK 3- Chapter 34
BOOK 3- Chapter 35
BOOK 3- Chapter 36
BOOK 3- Chapter 37
BOOK 3- Chapter 38
BOOK 3 - Chapter 39
BOOK 3 - Chapter 40
BOOK 3 - Chapter 41
BOOK 3 - Chapter 42
BOOK 3 - Chapter 43
BOOK 3 - Chapter 44
BOOK 3 - Chapter 45
BOOK 3 - Chapter 46
BOOK 3 - Chapter 48
BOOK 3 - Chapter 49
BOOK 3 - Chapter 50
BOOK 3 - Special Chapter
LAST

BOOK 3 - Chapter 47

271 6 1
By daddios

CHAPTER 47

A/N: Again and again, thank you so much for your support. Malapit na naman matapos ang istoryang ito. Sana suportahan niyo pa rin po ang iba kong stories kahit na super bagal ko mag-update. :) I'll be updating Therese's Forlorn Love (TFL Series #3) and Sana Ako Na Lang after this story.


"A great achievement in life is to have your own loving family."


8 months later... Death anniversary ni Daddy Anthony ngayon. Hindi ko na sigurado kung ilang taon na simula nang mamatay siya. Ayoko na rin alalahanin pa ang mga panahong iyon dahil doon nagsimula gumulo ang buhay ko. Charles threatened me. Charles threatened Hunter. Pinagbantaan niya hindi lang ang buhay namin, kung hindi pati na rin ang buhay ng mga mahal ko sa buhay kung hindi ko iiwan si Damon.


That was a very difficult year for me, as well as the succeeding 3 years after that. Iniwan ko si Damon nang walang pasabi. I could never imagine his pain. Kung nasaktan ako, mas nasaktan ko siya. Pero walang katumbas ang mga pinaghirapan namin noon sa kamay ni Charles. Diniktahan niya ang mga buhay namin. Nagawa niyang sirain ang buhay niya para lang makaganti sa amin.


I wish it was just a nightmare. Pero hindi e. Hindi rin ako sigurado kung kaya ko bang magpasalamat sa mga pinagdaanan naming iyon. Hanggang ngayon, hindi ko matatanggap ang experience na iyon. It was an experience which made us stronger, our relationship stronger, but I could never accept that. May mga lessons at experiences ako sa buhay na mas matatanggap ko for where I am right now, but that would never be an exception.


Napalingon ako sa lalakeng lumapit sa akin. Yumakap agad ang kanyang kamay sa aking tiyan. Kung dati ay sa baywang ko siya madalas kumapit, ngayon ay sa nakaumbok ko ng tiyan.


Things happened really fast last year. It was last week of November when my colleagues noticed something different to me. Kahit ako ay pansin ko ang pagbabago ko nung mga panahong iyon. Naging mapili ako sa pagkain, palaging masakit ang likod ko na para bang may menstrual period ako pero wala naman, and I suddenly puke one day, narinig ako ng isa sa mga kateam ko.


Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko nung araw na iyon kaya sinabihan ako ng Sup ko na pumunta ng clinic. Pumunta naman ako at sinabi sa nurse ang nararamdaman ko. Unang tanong sa akin nung nurse ay kung buntis ba ako.


"Hindi po ako sigurado." Sagot ko doon sa matandang nurse.


"May PT po kami dito, gusto mo try, miss?"


Tumango naman agad ako. Wala namang masama kung ita-try ko. Napapaniwala rin kasi ako ng mga tukso ng mga kateam ko, might as well prove if I'm really pregnant.


Nung tinry ko sa banyo ang PT, I saw one line. Lumabas agad ako dahil false alarm naman. Pinakita ko sa nurse ang PT.


"Hindi naman po ako buntis." Sabi ko.


Napangisi iyong nurse. "Miss, check mo ulit. Positive e."


"Po?"


Nilingon ko ulit ang PT kaya nanlaki ang mga mata ko nang makitang 2 lines na ito. Masyado kasi akong mabilis kanina kaya hindi ko na napansin ang paglitaw ng isa pang line.


Marami pang tinanong sa akin ang nurse at hindi ko alam kung tama ba ang mga pinagsasagot ko.


Pagkabalik ko sa prod, tinanong agad ako ng mga kasama ko. Naglihim muna ako. Sinabi ko sa kanilang binigyan ako ng gamot ng nurse pero hindi ako buntis. I still want to verify if it's really true. I have decided to visit an OB sa day off ko.


Hindi ko pinaalam kay Damon na umalis ako ng bahay nung rest day ko. Ang alam niya ay nagpapahinga lang ako sa bahay. Nagpunta ako sa OB at nakumpirma ko ngang buntis ako. Sobrang laki ng tuwa ko pero ayoko munang sabihin kay Damon.


Umuwi ako ng bahay at pinag-isipan ko kung kailan at paano ko ibabalita kay Damon iyon. Wala pa akong pinagsasabihan na kahit sino at gusto ko ay si Damon ang unang makaalam.


Hanggang sa napagdesisyunan kong sabihin kay Damon nung birthday ko. Todo tago pa ako ng symptoms dahil baka mapansin ni Damon at hindi ko siya masurprise. And as expected, he was very happy to know that we will have our own family soon.


I looked at the soon-to-be daddy of my first born. Lahat ng mga kaibigan namin at family namin, binobomba na kami ng mga tanong kung babae ba o lalake ang magiging panganay namin. I'm already 6 months pregnant pero hindi pa ako nagpa-ultrasound. Noong una, gusto namin ni Damon na huwag nang alamin para lahat kami masurprise sa gender ni baby. Pero dahil sa pamimilit ng mga kaibigan namin, mag-oorganize daw sila ng baby shower para sa akin. It was just too late dahil hindi kami magkakasabay ni Zanea sa baby shower. She already gave birth to her first born and it's a baby boy.


"Are you still fine? Mainit dito, I told you, you can stay inside the car."


As usual, my husband still cares for me. Pero ngayon dumoble or naging triple pa ang pag-aalala niya sa akin.


"Okay lang ako."


"Sigurado ka? Tignan mo pinagpapawisan ka na, bhie." Sabi ni Damon na parang immature boyfriend saka pinunasan ang pisngi ko.


"Anak, matutuloy ba kayo sa OB mamaya?" Tanong ni Mommy Debby.


"Opo." Sagot ko.


Na-plano kasi namin ni Damon na magpa-ultrasound na ako ngayong araw, pagkatapos namin bisitahin dito si Daddy Anthony.


"Excited na talaga ako!" Ani Ate Riza.


Natawa ako. "Excited naman lahat tayo, ate."


"Hindi na nga ako makapaghintay sa baby shower e. Nakabili na agad ako ng pink dress." Dagdag pa niya.


"We'll all wear pink that day, including our babies." Sabi ni Kuya Dimitri.


"I'll wear blue." Nakisali na rin sina Kuya Dion sa amin.


"Team Pink ako." Masayang sabi ni Ate Aubrey.


Natutuwa ako sa suportang binibigay nila sa amin. They never failed to help and support us. I am very lucky to have this kind of family. Kay Damon pa lang sobrang swerte ko na hindi ba. Laking pasasalamat ko talaga sa Panginoon na hindi Niya ako pinabayaan na mag-isa.


"Ma, ikaw?" Tanong ni Kuya Dion.


Napalingon lahat kami kay Mommy Debby. Sa tinagal-tagal, ngayon ko na lang ulit nakita ang nakakatuwa niyang ngisi.


"I'll wear stripes... blue and pink."


Nagtawanan lahat kami. She always wanted and wished to have twin grandchildren from Damon and me. Nung ibalita ko sa kanila na buntis na ako, nilapitan niya agad ako para sabihing matagal na niyang pangarap na magkaroon ng kambal na apo. Sabi niya kahit kanino sa mga anak niya pero hindi nagkakataon. Kahit si Kuya Ashlee na may asawa na ngayon ay hindi rin sila nagkaroon ng kambal.


Nang ikwento ko kay Damon ang napag-usapan namin ng mama niya, natawa siya pero sabi niya huwag daw akong ma-pressure. It was like he's sure that we'll have twins.


"Iba ka talaga, ma."


Natawa ulit ako. It was so great seeing them with smiles. Hindi ko alam kung paano sila nung mga panahong wala ako sa tuwing death anniversary ni Daddy Anthony. Pero kakaiba kasi ang vibes ngayong taon. Siguro dahil magkaka-apo na naman sila. And we all know na masayang masaya ang daddy nila knowing na may apo na sila sa lahat ng anak nila, which is parating pa lang ang kay Damon.


I couldn't also describe how happy Damon is. Hindi niya maitago sa akin kung gaano siya kasaya na magkakaroon na kami ng anak. I have never imagined myself being so excited and happy at the same time knowing that I'll have my own family.


Alam na rin ni Avee na magkakaroon na siya ng kapatid. Sa mura niyang edad, isa na rin siya sa mga excited sa paglabas ng baby ko. At kahit pa hindi niya ako masyadong maintindihan, lagi kong sinasabi sa kanya na anak ko pa rin siya and she'll always be my first daughter.


Ilang sandali lang ay nagpaalam na kami kina Mommy Debby. Kailangan pa namin dumaan kina Tita Joy. Sa kanila naman, nawala man si Avee na nasanay na rin nilang alagaan, ay dumating naman ang baby nina Ate Hershey at Kuya Kai.


Sina Naio at Giselle ay masipag pa rin sa pag-aaral. Nababalitaan ko pang nagtutulungan sila pagdating sa mga lessons. Giselle also has her boyfriend na pinakilala niya samin. Kami na ang tumatayong pamilya niya at nakakatuwa na pinakilala niya sa amin ang boyfriend niya out of respect. And I guess it's within our family dahil magaan na agad ang pakikisama ng boyfriend niya sa pamilya. Kay Tita Joy siya nagpapaalam kapag kasama niya si Giselle o kaya mali-late siya ng uwi.



As for Hunter, 4 months lang siya nag-stay ulit sa bahay. Naghanap siya ng bagong apartment which is not far far away dahil kapitbahay lang siya nina Tita. He's just 2 houses away.


Pagkarating namin sa bahay, naabutan ko si Kuya Kai na nakikipaglaro kay baby Janica. Huminto muna sa pagtatrabaho si Ate Hershey para matutukan ang pag-aalaga sa kanyang baby. Hindi tulad niya at ni Zanea, may karanasan na ako sa pag-aalaga ng baby nang dumating sa akin si Avee. She's literally born when Claire left her to us. Dahil sa tulong ni Tita Joy, I survived those sleepless nights.


Pero ang payo sakin ngayon ni Tita Joy ay alagaan ko sa breastfeed ang magiging anak ko. Noong kay Avee kasi dahil hindi naman siya nanggaling sa akin, wala naman akong mailalabas na gatas.


"Baby!" Tawag ko sa baby nina Ate Hershey.


"Sige, bantayan mo muna. I'll just call Hershey."


Dumaan kami dito para kunin ang ibang mga damit at gamit na ginamit mula pa kay Avee hanggang kay Janica. Para kay Tita Joy kasi, mas okay na ipasoot sa bagong panganak na baby 'yung mga luma o pinaggamitan muna kaysa sa bago. Bumili rin naman kami ng mga bagong damit pero gagamitin ko rin ang mga sinoot ni Avee noon.


Kapag nagkukwentuhan kami ni Zanea tungkol sa ibang mga paniniwala nina Tita Joy tungkol sa pag-aalaga ng babies ay nagtatawanan na lang kami. Sabi niya mas maraming paniniwala ang mama at lola niya kaya medyo nahihirapan siya.


Hinalik-halikan ko ng ilang beses si baby Janica. Kinuha ko siya sa crib at hinalikan ulit. Hindi ko alam kung sinong kamukha niya. Hindi kasi ako masyadong magaling tumingin ng mukha. Pero sabi ni Damon, mas kamukha niya si Kuya Kai.


"Gibrielle."


Napalingon ako kay Ate Hershey na lumapit sa amin. Kinuha agad ni Damon ang mga gamit na buhat ni Kuya Kai.


"Ilagay ko na sa kotse." Paalam niya sa akin.


Tinanguan ko lang siya saka bumaling kay Ate Hershey. "Kumusta, ate?" Nagpapa-therapy kasi siya after niya magkaroon ng post-partum depression.


Hindi rin mapakali si Kuya Kai nun kaya todo alaga siya ngayon sa mag-ina niya. Si Damon naman as usual, lagi akong sinasabihan ng mga positive words. Kung minsan nga niloloko ko siya na sabihin sakin iyon kapag nanganak na ako. Hindi naman sa ginagawa kong biro ang post-partum pero nasabi na rin sa akin ng OB ko na may tendency ako dahil manganganak din ako.


"Okay naman na. Ikaw? Ngayon ka magpapa-ultrasound diba?"


"Oo."


"Nako! Pwede bang sabihin mo na agad sakin?" Tumawa siya.


"Sa baby shower na, ate." Ngumisi ako.


Naikwento sa akin ni Ate Hershey na pinaglihian niya kay Janica ay balot. Niloloko nga namin siya na kaya pala mabalbon si Janica. Si Zanea naman ay wala naman daw pinaglihi sa anak niyang si baby Andrei. Yes, lalaki ang panganay nina Zanea at Van. Noong malaman namin iyon, nang-asar agad ang mga kaibigan namin na bakit hindi daw isunod sa pangalan ni Van.



Expected ko na kung lalaki rin ang sa akin, lolokohin din kami nina Traz na isunod ang pangalan kay Damon.



Ako naman so far, palagi kong hinahanap-hanap ang singkamas. May times na sobrang gusto ko lang din titigan si Damon. Niyayakap ko rin siya anytime kaya hindi na siya makapaglambing sa akin dahil ako na mismo ang gumagawa nun. At kung siguro iyong iba magsasawa at matatakot, pero siya hindi. Gustong gusto niya. Kapag tinawag ko na siya, nasa tabi ko lang siya. May isang araw pa na binunot ko ang mga buhok niya sa kili-kili.


Kapag naman kakatapos niyang maligo, dahil lalabs siya ng banyo nang nakatapis lang, tatawagin ko ulit siya at maglalambing na naman ako. Dahil sa hindi namin pwedeng gawin 'iyon', todo tiis na lang siya. Ang minsang panlalambing ko sa kanya ay inaasar ko siya. Nagda-download ako ng porn sa phone niya at pinapakita sa kanya.


I am not me. Hindi ako ganito ka-bold na tao kaya imbes na magtaka siya sa mga inaasta ko ay iniintindi na lang niya.


Napabalik ako nang marinig ko ang pag-iyak ni Janica. Hinele ko siya pero iyak pa rin ng iyak. Binigay ko muna siya kay Ate Hershey at papadedein daw niya.


"Oo nga pala, nasaan si Tita Joy?"


"Namalengke. Darating kasi mamaya 'yung nililigawan ni Hunter, ipapakilala sa amin."


"Oo nga pala!" Sabi ko. "Mamayang pagka-out ba nila?"


"Oo."


"Gusto ko rin makilala." Ani Damon nang makabalik na siya sa loob.


Kung siguro may nakakakilala ng nililigawan ni Hunter ay ako iyon. Syempre magkasama kami sa iisang kompanya. Kahit naman hindi kami masyadong nagkikita dahil pareho kaming busy ay nalalaman ko pa rin ang ganap sa buhay niya. Lalo na kapag happy hour sa company, makikita ko siya kasama iyong babae. Agent din iyong babae pero sa ibang account kaya hindi ko masyadong kakilala pero napakilala na ako ni Hunter sa kanya. Kaya kapag nagkakasalubong kami sa office, nagpapansinan kami.


"Makikilala mo rin siya." Sabi ko.


"Aba! Syempre gusto ko malaman kung anong taste ni Hunter ngayon. Muntik ka na niya agawin sa akin."


Natawa ako. "Wala naman nangyaring ganun."


"Hay nako, Damon! Kung talagang hindi kayo ni Gibrielle, botong boto na ako kay Hunter para sa pinsan ko." Sabi ni Ate Hershey.


"Tama na. Nagjojoke lang naman ako." Napakamot ng ulo si Damon saka yumakap na ang kanyang kamay sa aking baywang paikot sa tiyan ko.


"Umpisahan mo pa kasi." Natawa ako.


Nagtawanan na lang kami. Gusto pa nilang magtagal kami pero alam naman nilang pupunta pa kami ng OB para magpa-ultrasound ako. Baka hindi na rin kami makadaan para sa dinner dahil nasabi namin kay Manang Inay na sa bahay kami maghahapunan. Panigurado magluluto iyon.


Kasama nina Damon si Manang Inay sa bahay nila dati. Siya rin lagi ang nakakakwentuhan ko noon kapag bumibisita ako. Nung nag-uumpisa pa lang kami ni Damon noong college kami, hindi ko siya nakikita noon. Pinagbakasyon daw kasi siya nun ng isang taon at bumalik na lang dahil pamilya na rin ang turing sa kanya.



Siya rin ang katulong ni Mommy Debby sa pagpapalaki sa apat niyang anak. Aniya pa'y sina Damon at Kuya Ashlee ang pinaka-makulit.



Nag-volunteer siya na tulungan kami sa bahay dahil na rin sa sitwasyon ko. At simula nung dumating siya, parang hindi na ako bored sa bahay dahil may kakwentuhan na ako. Tinutulungan ko siya sa gawaing bahay o pagluluto hangga't kaya ko at habang nagkukwentuhan kami. Panatag na si Damon na may kasama ako sa bahay sa tuwing day off ko at may pasok siya.



Napag-usapan na rin namin na mag-resign muna ako sa trabaho kapag kabuwanan ko na. Hindi na ako nakipagtalo doon. Gusto ko rin maging focus sa pag-aalaga ng magiging anak namin. Pinayagan naman niya akong bumalik sa trabaho kapag nasa 2 years old pataas na ang anak namin.



By that time I may not be so sure if I still wanted to pursue a working career. Siguro career na lang sa pagiging ina ang aatupagin ko. We will build our own family and I think I should take care of my child as well as Damon.



"Bhie..." Tawag ni Damon habang nasa biyahe kami. "Kinakabahan ako."


"Saan?"


"Sa magiging gender ng baby natin."


"Ano bang gusto mong gender niya?"


"Babae..."


Gusto ko rin babae pero kung ano man ang ibigay ng Diyos, syempre tanggap na tanggap namin. Biniyayaan kami ng anak, and that's so much to thank for.



"Bakit babae gusto mo?" I suddenly got curious.


"Nasa bloodline na namin ang lalaki diba? So, hindi naranasan ng pamilya namin ang maging super protective samin sina mama at daddy. Unlike kapag babae ang anak mo, tapos kapag dalaga na siya at may umaligid na sa kanya, magiging super protective ka. Iyong tipong kikilatisin mo talaga ang nanliligaw sa anak mo." He chuckled. "I want to experience that. I know it's my responsibility to protect you and our baby, all the time. Pero masama bang hilingin kung gustuhin ko babae?"


I smiled. Hindi madali maging magulang. Everyone knows that but not everyone knows the feeling when you're in the place. Naranasan ko na kahit paano dahil naging ina na ako kay Avee. Pero iba pa rin siguro talaga kapag nanggaling sayo ang bata. Tapos kaming dalawa ni Damon ang guidance ng anak namin para maging responsable at mabait siyang bata.



Honestly, hindi ako ganun ka-excited sa gender ng baby namin. Excited ako at the same time kinakabahan kapag lalabas na siya sa mundo. Malaki daw ang chance na normal birth pero hindi raw iyon final. May mga babae pa rin daw na kahit okay na normal ang panganganak, minsan nauuwi pa rin sa cesarean. At may iba na dapat CS pero nakukuha nilang normal birth na lang.



I'm also excited about parenting. I'll try my best na maging mabuting ina sa kanya. At syempre mabuting asawa pa rin kay Damon.



I think the best achievement in life is not to have a partner or someone who will love you unconditionally. Of course, that's one achievement that not everyone gets to have. But for me, a great achievement is to be a parent. That's to share love to your family and be loved by them. You'll be their guidance throughout everything life has to give them. You already have the experience and sharing it to your children, that's a wonderful knowledge. They'll be prepared for what's coming.



You'll also get to share another unconditional love. That no matter what happens, family is family. And then I remember my parents. Ilang beses kami nag-aaway ni Ate Gail noon pero pareho kaming pinagsasabihan. Kahit sino ang mag-umpisa ng away sa aming dalawa, pareho kaming pagagalitan.



Kung siguro buhay pa sila, alam ko sobrang saya nila para sa akin. At alam ko na kahit may pamilya na ako ay hindi pa rin matatapos ang magiging suporta at pagbibigay guidance nina mama at papa sa akin. Naiiyak pa rin ako sa tuwing naaalala ko sila pero nakukuha ko nang kontrolin ang sarili ko. Wala naman magagawa ang pag-iyak ko. Saka alam ko ayaw nilang makita akong malungkot. There are so much I have to be thankful for and to be happy.



--------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

160K 816 2
Kaya ng budget, sikat ang tatak, may kalidad ang pagkakagawa, nagbuhat sa ibang bansa at maganda pa. Kaya mas pinipiling bilhin ng karamihang nagtiti...
11K 2.6K 40
Ang karma ang siyang humahatol sa atin- lumilitis sa mga tama o maling ginagawa ng tao. Pilit hinahanap ni Celestina ang rason ng kaniyang kabiguan a...
29.9K 1K 35
[HR: #8 in medical ✨] This story is about the man who dies repeatedly. Having a deal with the devil is bad. Having a deal with your doctor is worse...
6.3K 316 35
(Another Filipino Great Story) The whole planet is in great danger; all living things are about to vanish: the humans, the fairies, folklore giants (...