That Frat Leader (TFL SERIES...

By daddios

263K 6.3K 561

That Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
ANNOUNCEMENT! Chos.
THAT FRAT LEADER IS MY EX (TFLIMP BOOK 2)
BOOK 2- Chapter 1
BOOK 2- Chapter 2
BOOK 2- Chapter 3
BOOK 2- Chapter 4
BOOK 2- Chapter 5
BOOK 2- Chapter 6
BOOK 2- Chapter 7
BOOK 2- Chapter 8
BOOK 2- Chapter 9
BOOK 2- Chapter 10
BOOK 2- Chapter 11
BOOK 2- Chapter 12
BOOK 2- Chapter 13
BOOK 2- Chapter 14
BOOK 2- Chapter 15
BOOK 2-Chapter 16
BOOK 2- Chapter 17
BOOK 2- Chapter 18
BOOK 2- Chapter 19
BOOK 2- Chapter 20
BOOK 2- Chapter 21
BOOK 2- Chapter 22
BOOK 2- Chapter 23
BOOK 2- Chapter 24
BOOK 2- Chapter 25
BOOK 2- Chapter 26
BOOK 2- Chapter 27
BOOK 2- Chapter 28
BOOK 2- Chapter 29
BOOK 2- Chapter 30
BOOK 2- Chapter 31
BOOK 2- Chapter 32
BOOK 2- Chapter 33
BOOK 2- Chapter 34
BOOK 2- Chapter 35
BOOK 2- Chapter 36
BOOK 2- Chapter 37
BOOK 2- Chapter 38
BOOK 2- Chapter 39
BOOK 2- Chapter 40
BOOK 2- Chapter 41
Promotional update ;)
BOOK 2- Chapter 42
BOOK 2- Chapter 43
BOOK 2- Chapter 44
BOOK 2- Chapter 45
BOOK 2- Chapter 46
BOOK 2- Chapter 47
BOOK 2- Chapter 48
BOOK 2 - Chapter 49
BOOK 2- Chapter 50
BOOK 2- Epilogue
THAT FRAT LEADER IS MY FIRST LOVE (BOOK 3)
BOOK 3- Chapter 1
BOOK 3- Chapter 2
BOOK 3- Chapter 3
BOOK 3- Chapter 4
BOOK 3- Chapter 5
BOOK 3- Chapter 6
BOOK 3- Chapter 7
BOOK 3- Chapter 8
BOOK 3- Chapter 9
BOOK 3- Chapter 10
BOOK 3- Chapter 11
BOOK 3- Chapter 12
BOOK 3- Chapter 13
BOOK 3- Chapter 14
BOOK 3- Chapter 15
BOOK 3- Chapter 16
BOOK 3- Chapter 17
BOOK 3- Chapter 18
BOOK 3- Chapter 19
BOOK 3- Chapter 20
BOOK 3- Chapter 21
BOOK 3- Chapter 22
BOOK 3- Chapter 23
BOOK 3- Chapter 24
BOOK 3- Chapter 25
BOOK 3- Chapter 26
BOOK 3- Chapter 27
BOOK 3- Chapter 28
BOOK 3- Chapter 29
BOOK 3- Chapter 30
BOOK 3- Chapter 31
BOOK 3- Chapter 32
BOOK 3- Chapter 33
BOOK 3- Chapter 34
BOOK 3- Chapter 35
BOOK 3- Chapter 36
BOOK 3- Chapter 37
BOOK 3- Chapter 38
BOOK 3 - Chapter 39
BOOK 3 - Chapter 40
BOOK 3 - Chapter 41
BOOK 3 - Chapter 42
BOOK 3 - Chapter 43
BOOK 3 - Chapter 44
BOOK 3 - Chapter 45
BOOK 3 - Chapter 47
BOOK 3 - Chapter 48
BOOK 3 - Chapter 49
BOOK 3 - Chapter 50
BOOK 3 - Special Chapter
LAST

BOOK 3 - Chapter 46

213 7 0
By daddios

CHAPTER 46


"He has all the answers to my unanswered questions in my mind."



Natuloy sa pagkikita sina Damon at silang magkakaibigan. I wonder how happy they were to be completed again. Simula nang makilala ko sila, they've been a very good friends and protectors. I've experienced being a VIP as well. Nirerespeto nila ako gaya ng pagrespeto at pagtrato nila kay Damon.


Nung mga panahong hindi kami ayos ni Damon, nandun pa rin sila para protektahan ako. And I couldn't thank them enough for accepting me.


Habang nagkakasayahan sila kung saan man, ako naman ay nasa bahay lang. It's my rest day. At sobrang laki ng tuwa ko nang makita si Claire sa bahay kasama si Avee. Aniya'y nakiusap si Damon sa kanya kagabi na kung pwede ay dalhin niya si Avee sa akin. Laking pasasalamat ko dahil pumayag si Claire.


Kating-kati na ako itext si Damon pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko silang istorbohin. Minsan lang ito kaya gusto ko silang mag-enjoy. At susulitin ko rin itong araw na to kasama ang anak ko.


Nasa school sina Naio at Giselle at hindi nila naabutan ang pagdating ni Claire. Nagpaalam na si Claire nang maihatid si Avee sa akin. Nasakto rin daw na may aasikasuhin siya at kailangan niyang iwan si Avee.


Dumating kanina si Mommy Debby pero sinabay na rin agad ni Damon paalis. Gusto pa sanang magtagal ni mommy dito pero kailangan siya sa bahay.


Nakipaglaro ako kay Avee buong araw. May panahon na magtetext si Damon sa akin kaya nag-thank you na ako sa effort niya. Alam kong hindi nagsasawa ang asawa ko na pasayahin ako.


Kami lang ni Tita Joy ang natira dito sa bahay. Nagluto siya ng pananghalian at sinubuan ko si Avee. Napuno na naman nga ng pictures niya ang cellphone ko. Gusto ko man ipasyal si Avee pero mas okay nang sa bahay na lang kami. Mas masusulit ko pang kasama siya.


It was a very productive day off for me. Nang matapos sina Damon at sabay silang umuwi ni Hunter. Ang sabi sakin ni Hunter, maghahanap ulit siya ng trabaho dito. Doon ko nasabi sa kanya na may vacant position sa company namin sa HR Office. Aniya'y susubukan niyang mag-apply.


Bago matapos ang araw ay binalikan na ni Claire si Avee. Nagkaroon pa naman ng kahit dalawang oras sina Hunter at Avee na magkasama. Umuwi na rin kami ni Damon sa bahay nung araw na iyon.


Pinagluto ko siya ng hapunan at kinwento niya sakin gaano katuwa ang mga kaibigan niya na makita ulit si Hunter.


At kahit hindi sabihin ni Damon, alam kong masaya rin siya na makasama ulit ang mga kaibigan niya. Magkakapatid na ang turing nila sa isa't isa. Pinagmamasdan ko lang siya habang nagkukwento. Marahil ay napansin niya kaya tumigil siya sa pagsasalita.


"Why?" Tanong niya.


"I've never seen you happy like that."


"You know that's not true! I am happiest when I'm with you!"


Natawa ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. He's still sitting on the chair while hugging me. Hinalikan niya ang ulo ko. Napapikit ako sa mga bisig niya. It's was just a day but I missed him.


Some things have changed when we became a married couple. But there are things that haven't changed at all. Damon is still Damon.


Akala ko noon wala ng pag-asa sa aming dalawa. Basta ko na lang siya iniwan at may iba na siyang kasama. Akala ko hanggang first love na lang ako. Pero hindi siguro talaga natin maiiwasan sundin ang mga puso natin. Kahit pa may kasamang iba si Damon, ako pa rin ang mas mahal niya. Ako pa rin ang pinili niya kahit pa makasakit siya.


Days have passed. Pakiramdam ko bumibilis ang araw. Nagiging maayos na ang trabaho ko. At si Hunter ay natanggap sa HR office. Pero iba ang schedule niya. 6am ang pasok niya kaya minsan ko lang din siya makita sa company.


"Bhie, susunduin kita mamaya. May bagyo."


Tumango ako. "Maaga kang aalis ng office mo?"


"Most probably. I'll just ask my secretary to cancel any meetings."


"Okay. Pasok na ako. I love you." Sabi ko saka siya hinalikan sa labi.


"I love you too."


Pumasok na ako at hinarap ang isang tipikal na araw ng trabaho. Lunch time namin, beef daw ang ulam. Kumakain naman ako ng beef pero bigla kong hindi nagustuhan ang amoy. Sabi ng mga kasama ko okay naman daw. Bagong luto naman ang ulam.


Sinubukan kong kumain pero hindi ko talaga kaya ang amoy. Nagpa-excuse ako sa mga kasama ko at nagpunta ako ng cr para magsuka. Pagkabalik ko, tinukso agad ako ng mga kasama ko.


"Buntis ka na ba, girl?"


Natawa ako. Imposible. Baka hindi ko lang talaga nagustuhan ang beef ngayon. Humiwalay na lang muna ako sa kanila at sakto namang nakita ko si Hunter sa katabing restaurant.


"Seat taken?" Tanong ko.


"Gibrielle! Nice to see you!"


"Bakit parang ang late mo naman mag-lunch?" Tanong ko.


"Yeah. Daming ginawa kanina e. Ngayon lang ako nagkaroon ng time kumain." Tumawa siya.


"Ikaw? Bakit mag-isa ka?"


"Nagsuka kasi ako sa beef na ulam sa pantry. Hindi naman pwedeng hindi ako kumain."


Tumango na lang si Hunter.


Nagkwentuhan kami habang kumakain. I'd say mas naging mature na si Hunter ngayon. I would just like him to have a special someone that he can love and someone who can take care of him.


Hindi na rin siya bumabata. At siya na lang ang walang partner sa kanilang magkakaibigan. He needs to be happy.


"By the way, may bagyo. Lakas ng ulan o. Susunduin ka ba ni Damon?"


"Oo." Sabi ko.


"Great! Kasi kung hindi, I can wait for you para ihatid ka."


"Syempre ayaw naman na kitang abalahin pa doon no."


He just chuckled.


"Hunter..."


"Hm?" Tumitig siya sakin.


"Kumusta ka?"


Bigla siyang nabilaukan at naubo. Imbes na mag-alala ako ay natawa pa ako. Nakakabigla ba ang tanong ko? Kung sa bagay, siya lagi ang nagtatanong sakin ng kalagayan ko. Ni minsan hindi ko yata siya tinanong.


"Okay naman ako." Sagot niya.


Tumango na lang ako at tumahimik. Sabay na kami bumalik ng office ni Hunter. Kinuha ko ang gamit ko at nagpunta sa cr para mag-toothbrush. Hindi ko pa ulit nakikita ang mga ka-team ko simula kaninang iwan ko sila sa pantry.


Bumalik na ako sa production floor at nagtrabaho na. Nilapitan ako ng Supervisor dahil nabalitaan niyang nagsuka ako. Sinabi kong okay lang ako. It wasn't a big deal. Hindi ko lang talaga nagustuhan ang ulam kanina.


Gaya ng sinabi ni Damon, sinundo niya ako sa office. May bagyo nga pero hindi naman ganun kalakas ang ulan, hangin lang ang malakas.


"Dadaan pa ba tayong office mo?" Nilingon ko si Damon na nagmamaneho.


"No. Wala namang meeting kaya okay lang ang pag-uwi ko ng maaga."


Tumango ako. "Kumusta na pala 'yung project niyo ni Marie?"


"Nasa kalahati na, I guess."


"I guess?"


"They kept on changing plans. Hindi ko alam kung ano ba talagang gusto nila mangyari." Nilingon niya ako. "Anyway, mag-dinner muna tayo. Dun nalang sa restaurant malapit sa bahay."


Tumango ako. "Okay."


Hindi ko alam kung hindi ba napapagod si Damon sa biyahe namin. Dahil nga sa malayo masyado ang bahay namin pero siguro nagiging mabilis dahil may sarili namang sasakyan si Damon. Hindi naman katago ang pwesto ng bahay dahil may iilang mga bahay na madadaanan. Kumbaga nasa pinaka-dulo lang ang bahay namin.



Nakarating kami sa restaurant na nasa bayan. Tumila na ang ulan kaya siguro nag-aya na si Damon kumain sa labas. Saka hindi ko na rin siguro magagawang magluto pa dahil oras na.


Nagpwesto kami sa gilid. Maganda ang pwesto dahil nakaharap kami sa tv. Dumating ang isang crew nila at binigay ang kanilang menu.


Nagtingin ako pero hindi ko alam kung anong kakainin ko. Parang busog pa ako mula sa lunch kanina. Hinayaan ko si Damon mag-order para sa akin at nagpaalam muna ako na pupunta ng cr.


Nasa loob ako ng cubicle nang marinig ko ang mga babaeng nag uusap.


"Tama ako, girl. Si Damon 'yun."


"Pero sino 'yung kasama niyang babae? Diba hindi naman ganun ang itsura ng girlfriend niya dati?"


"Oo! Si Marie 'yung girlfriend niya nung college!"


"Pero bakit iba 'yung kasama niya ngayon? Totoo bang babaero siya?"


"Pakiramdam ko hindi. Sabi kasi ng iba, may first love si Damon pero iniwan na lang bigla nung babae, who knows why."


Napakagat ako ng labi. Ako ang tinutukoy nila diba? Ako yung first love ni Damon na bigla na lang nang-iwan sa kanya. Pero ako pa rin ang pinili niya.


"Hay nako. Kawawa naman si Marie. Ang sweet kaya nila noon."


Bigla akong napairap. Hindi ko makontrol ang pagkuyom ng kamao ko pero pigil na pigil ako lumabas ng cubicle.


"Kawawa nga siya kung bigla na lang siya iniwan ni Damon at pinagpalit sa kung sino."


"Hay nako! Tara na nga!"


Nang marinig kong bumukas ang pintuan ng cr, lumabas na ako ng cubicle. Napatingin ako sa sarili ko sa harap ng salamin.


Do I really deserve Damon? Tama bang tinanggap niya pa rin ako pagkatapos ko siyang iwan? Pero masaya naman siya diba? Ako ang mahal niya. Pero minahal din niya si Marie nung mga panahong wala ako sa tabi niya.


Nanikip ang dibdib ko.


Hindi ko dapat isipin iyon! Hindi dapat ako papa-apekto sa simpleng tsismisan ng kung sinumang mga bababeng iyon. Ako ang mahal ni Damon. Ako ang pinili niya. Ako ang pinakasalan niya.


Pero paano kung bigla na lang siyang magsawa? Paano kung dumating ang araw na mawala na lang pagmamahal niya sakin? Anong gagawin ko? Kakayanin ko ba?


Parang sobrang bigat ng paglalakad ko nang bumalik ako sa pwesto namin. Alam kong nakatitig si Damon sa akin. Hindi dapat ako magpahalata.


Ngumiti ako. "Let's eat?"


Malalalim ang mga titig niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin.


Kumain na kaming dalawa ni Damon. Kung minsan ay napapalingon ako sa paligid. Tinitingnan ko kung may nakatingin ba sa amin. Hindi ko nakita ang itsura nung dalawang babae na nag-uusap sa cr kanina kaya hindi ko masabi kung nandito pa ba sila. At kung nandito pa sila, nakatingin kaya sila samin?


Marami na naman gumugulo sa isip ko. Bakit kaya ako ganito? Masyado akong overthinker. Hindi dapat ganito.


Pero ano kayang mangyayari sa akin kung hindi na ako bumalik sa buhay ni Damon? Sila pa rin kaya ni Marie? Hinahanap pa rin kaya niya ako?


At anong gagawin ko kung hindi na nga ako bumalik kay Damon, binawi pa sa akin si Avee? Pakiramdam ko mababaliw ako.


Pagkatapos naming kumain, Damon decided to take a walk for a while. May malapit kasi na park dito at dahil mukhang hindi naman umulan dito kanina, tumuloy kami.


Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad. Para kaming bumalik sa teenage years namin na boyfriend ko pa lang siya. 'Yung mga panahong wala pang Charles sa buhay namin.


We were just a normal couple at that time. Nagdi-date kami. Nag-aaway. Masaya kami sa piling ng AGP. Marami pang tinatago sa akin si Zanea. Parang kailan lang.


"Anong iniisip mo, bhie?" Malambing na tanong ni Damon.


Napalingon ako sa kanya. Tumitig ako sa kanyang mga mata. Pati kaya siya ay nagkakaroon ng mga tanong? Mga tanong na walang kasagutan?


"I have so many what-ifs..."


"Like?"


"Paano kung hindi ako bumalik sayo? Paano kung tinulak kita palayo noon dahil alam kong may iba ka ng mahal?" I finally voiced out.


"You know when I saw you again sa condo? You gave me those butterlies again. Ginulo mo na naman ang puso't isip ko."


"Ha?"


"Akala ko nawala ka na sa puso ko. Akala ko puro galit na lang ang nararamdaman ko para sayo noon. Nakuha kong sumuko na hanapin ka... na hindi ko inakalang kaya ko palang tumigil. Pero nagkamali ako. Nakahanap man ako ng comfort sa ibang babae, walang wala lahat ng iyon nang makita kitang muli." He cupped my face. He combed my hair. "I was completely wrong. I was still the same Damon who's head over heels with you. I was still the same Damon you first met... 'yung gagawin lahat para sayo. You were still my world and will always be."


Sadyang taksil ang mga luha ko. May nakawala mula sa aking mga mata pero agad iyong pinunasan ni Damon.


I was also wrong. I was fooled by so many questions in my mind. I didn't know that Damon has the answers to my questions. Hindi ko na mabilang-bilang ang mga tanong sa isip ko na never kong nasagot. Iyon pala, kailangan ko lang siyang isatinig. Kailangan ko siyang itanong sa taong dahilan ng aking mga tanong at siya lang ang tanging makakasagot ng mga ito.


Napangiti ako.


"Paano kung dumating ang araw na hindi mo na pala ako mahal?" I voiced out another question in my mind.


"I will never get tired loving you, Gibrielle... I don't believe in the saying falling out of love. There's nothing like that. You can never unlove a person who you cared for a long time."


That was short pero alam kong totoo ang mga sinabi niya. Ako lang siguro itong maraming tanong sa isip ko.


"But if I'm the one to experience being unloved by you, maniniwala ako. Coz I was not the person who fell out of love. I know from myself that I still love you, I never unlove you. Pero kung hindi mo na ako mahal, I guess you don't deserve me as I deserve you."


"Kung ganun, hahayaan mo nalang akong iwan ka?" Tanong ko sa kanya.


"No." Sagot niya agad.


Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"


"As I've said, you can never unlove a person. At hindi ko hahayaan na iwan mo pa ako." Kinindatan niya ako.


Natawa ako bigla. Ang gulo niya. Pero natutuwa ako dahil nasagot niya ang mga tanong ko. And he's right. Hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. I can never imagine myself being inlove with somebody else. I can never imagine myself without Damon.


"I love you, Damon."


"I love you so much, Gibrielle."


With that, he kissed my lips.

Continue Reading

You'll Also Like

29.9K 1K 35
[HR: #8 in medical ✨] This story is about the man who dies repeatedly. Having a deal with the devil is bad. Having a deal with your doctor is worse...
109K 5.5K 47
Tiana had been working hard to prove not just to herself but to everybody that she was one of the best Sentries the world had ever seen. But her fasc...
22.9K 987 62
One of Nostalgia Organization rule is DO NOT FALL IN LOVE TO YOUR CLIENT a rule that Nike Villaruel broke.
54.2K 4K 55
Mula pagkabata ay gusto nang mapabilang ni Fenris sa Order of the Purple Lily, ang elite military force ng continent ng Narguille. Pero merong isang...