I'M IN LOVE WITH A MONSTER

Por fedejik

1.9M 68.1K 3.2K

Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagk... Más

I'm in Love with a Monster
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Ang Kwento sa Likod ng IILWAM

Chapter 40

32.8K 1.2K 46
Por fedejik

C H A P T E R 4 0

Hunter Carlson

I woke up feeling a little light-headed. I didn't get that enough sleep that I needed last night. I just couldn't help it. A lot of things had been going through my mind, it's almost chaos. I am a bit nervous about what's going to happen today.

I cleaned up nicely and left a day old scruff on my face. Wear a corporate suit and tie that I am so comfortably wearing for the longest time I could remember, but now I felt suffocated in it, like I wasn't born in privilege.

I took a deep sighed and tried to calm my nerves.

Kailan pa ba nga ba ang huling beses na kinabahan ako nang ganito?

I was always calmed and composed. Wala ni isang beses kong natandaan na kinabahan ako para sa kahit na ano pagdating sa negosyo.

Kay Osang nga lang yata ako kinabahan. Pero ibang bagay naman iyon.

Mariin akong pumikit at humugot ng isang malalim na buntong-hininga.

Kaya ko 'to. Kaya ko 'to.

Matapos makapagbihis ay noon na lang ako lumabas ng kwarto. Kakatok na lang sana ako sa kwarto ni Osang nang magbukas iyon at iniluwa ang pinakamagandang babaeng nakita ng mga mata ko.

Now that I think of it... Maybe, it was fate that led me to her.

Sa nilaki-laki ba naman ng Bulacan, sa kanya pa talaga ako napadpad?

"Good morning."

"Good morning..." nahihiyang bati rin naman niya habang iwas ang mga tingin.

She was wearing a gray corporate suit with matching heels. Her hair was in a bun revealing those velvety like neck- that I so loved to smooch and a hint of her cleavage, that was really tempting into the eyes.

"That looks good on you," puri ko pa sabay kagat sa aking labi.

Nakangiti naman siyang umirap sabay ngumuso.

"Sus. Matagal ko nang alam 'yon!"

Humalakhak ako at walang pag-aalinlangang ikinulong siya sa aking mga braso.

"I should have looked at you more closely that day," bulong ko pa dahilan para bahagya naman siyang matawa.

"Ang suplado mo kasi!" Manipis niya akong kinurot sa tagiliran at agad naman akong napaigtad sa gulat.

Iiling-iling akong humiwalay sa kanya at walang sabi-sabing hinalikan siya nang mariin sa mga labi. Lumikha pa iyon ng tunog na nagpatawa sa aming dalawa. Hindi ko maalalang may hinalikan ako ng ganoon sa mga naging babae ko.

"Honestly, I am so nervous right now. I wanted to be oblivious about it, but I guess it shows."

"Hmm..." Mataman siyang tumitig sa aking mukha at noon ko natantong siya man ay inaatake ng nerbiyos. "Kailan ka pa naging nerbiyoso?"

Nagkibit-balikat lang ako at muli siyang kinudlitan ng halik sa mga labi.

"Just don't leave my side. I will be okay," mahigpit na pakiusap ko pa habang magkadikit ang aming mga noo.

Tumango siya at saglit na humiwalay sabay banayad na tinapik ang aking dibdib.

"Just be the confident Hunter I've known before."

"The monster one?" Nagtaas ako ng kilay at mapaglarong ngumiti.

I'll always be a monster for her. I just knew that.

"Kung puwede. Sa ganoon ka kilala ng marami. Maybe, iyon din ang paraan para ma-intimidate pa rin sa 'yo ang mga kalaban mo, 'di ba?"

Humugot muna ako ng isang malalim na buntonghininga bago tumango. She knew exactly what to say. Kung bakit hulog na hulog ako sa babaeng ito ay parang alam ko na rin ang sagot.

She's the type of a girl that I didn't know that I always longed for.

"I think we should go," kayag ko pa sabay mahigpit na hawak sa kanyang kamay.

Alam kong nanlalamig ako at sigurado akong naramdaman niya iyon.

Pinisil-pisil niya ang aking palad na para bang binibigyan ako ng lakas. If she only knew. Siya na lang ang natitirang lakas ko sa panahong ito.

Banayad ko siyang hinila sa kamay at nakangiti naman siyang nagpatianod kahit na nga alam kong katulad ko ay kabado rin siya sa mga mangyayari.

This would be a long day. I'm pretty sure about it.

********

Mariposa

Halos isang oras din ang aming nilakbay patungong SVGC. Tulad nang inaasahan ay nakapaikot na sa lobby ang 'di mabilang na reporters. Gayunpaman, sapat din ang dami ng mga security para hindi kami makuyog.

"Don't entertain any questions yet. Sa conference room na lang, okay?" mahigpit na bilin pa ni Russ bago tuluyang buksan ang pinto ng SUV.

Mahigpit na ginagap ni Hunter ang aking kamay at isang beses pang tumango para siguro bigyan ako ng assurance na hindi niya ako pababayaan.

Kung kanina'y siya ang kinakabahan, sa ngayon ay ako naman yata ang mas naging obvious ang kaba.

Nang tumapak ang mga paa namin sa semento ay agad na nag-ilawan ang flash ng camera. May ilang reporters din ng mga sikat na t.v. stations ang nagpupumilit na itapat ang mic sa amin, pero agad din namang nahawi iyon ng mga security.

Is it true that Don Facundo Romualdez plotted your murder?

Is she the girl who saves you from death in Bulacan?

What can you say about your video scandal with Ms. Vanessa Romualdez?

Do you have any suspects now?

Sa dami ng mga tanong na ibinato ay para rin akong nahilo sa pagproseso noon.

Nananatiling diretso ang tingin ni Hunter at tila hindi apektado. Oh well, he's a natural. Mukha ngang sanay na sanay siya sa ganoong ambush interview.

Nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng building ay noon na lang kami nakahinga nang maluwag.

Nakangiting sumalubong sa amin ang kanyang Uncle Bien at agad pa itong niyakap.

"Welcome back, hijo." Tinapik pa nito sa likod si Hunter na noo'y medyo awkward pang tingnan.

"Thanks, Uncle." Pormal lang siyang tumango rito.

"Welcome sa SVGC, Osang," nakangiting baling pa nito sa akin.

Nahihiya naman akong ngumiti at tumango-tango. Hindi ko maiwasang matensyon sa nakukuhang pagkilala ng ibang tao.

May ilang empleyado rin ang lumapit kay Hunter at kinumusta ito. Sa dami nila'y halos hindi na rin ako makatingin nang diretso. Para kasing masyadong mapanuri ang tingin ng mga ito.

"Welcome back, Sir and Ma'am," magiliw na bati pa ng isang empleyada na pamilyar sa akin ang mukha. "Natatandaan n'yo pa po ako, Ms. Advincula?" nakangiting tanong pa nito sa akin.

Kumunot ang aking noo at alanganing sumagot.

"H-hindi ako sigurado..."

"Ako po si Pearl. 'Yong ipinagtanggol n'yo dati kay Sir..." makahulugan pa nitong sinulyapan si Hunter na pormal pa rin ang mukha.

"'Yong sinesante ng tukmol na 'to?" Kinurot ko si Hunter sa braso dahilan para mabaling ang tingin niya sa akin.

"What?" nagtatakang tanong pa niya.

"Ibinalik mo si Pearl?"

Ibinaling niya ang tingin kay Pearl na noo'y pulang-pula ang mukha.

"I did not fire her." Muli ay dumiretso ito ng tayo na parang walang nangyari.

Makahulugang kumindat sa akin si Pearl na para bang kinumpirma ang sinabi nito. Pasikreto itong nagpaalam at mangha naman akong napatitig lang kay Hunter na noon ay abala sa pakikipag-usap sa kanyang Uncle.

May puso rin pala ang monster na ito, huh?

"Hindi mo kailangang sagutin lahat ng mga tanong sa 'yo. Piliin mo lang ang sa tingin mo masasagot mo nang maayos," mahigpit na bilin pa ni Tito Bien dito.

Sunod-sunod namang tumango si Hunter lalo pa nga't sa safe house pa lang ay na-brief na rin naman ito ni Russ. He knew exactly what to do.

Matapos ang saglit na pag-uusap ay pumasok kami sa conference room.

Muling nagkagulo ang mga reporters, pero nananatiling pormal pa rin ang mukha ni Hunter. Naupo ako hindi kalayuan kay Russ na nakaantabay din sa ilang reporter na possibleng magtangkang magtanong sa akin.

Nang sumenyas si Russ na pumayapa na ang lahat ay awtomatikong tumahimik ang lahat. May hawak na papel si Hunter na babasahin lang niya para sa pangkalahatang kaalaman ng madla.

Maikli lang ang speech na iyon at direct to the point. Matapos noon ay halos sabay-sabay na nagbato ng mga tanong ang reporters, pero umiling lang si Hunter sa mga ito. Bandang huli ay nakaunawa pa rin naman ang mga iyon at namili lang ng mga magtatanong.

"Mr. Hunter San Victores, may lead na po ba kayo sa possibleng gumawa ng krimen?"

"Still, a classified information. Next, please," pormal na sagot ni Hunter na nagpatango naman kay Russ.

Sa tingin ko ay wala naman siyang balak sagutin kapag may kinalaman sa mga nangyari.

"Sir, are you fully recovered? Can you recall everything that happened before?"

Umiling lang siya at mapaklang ngumiti. "Not yet, but the investigation is ongoing, so I'd rather be discreet about it."

"Sir, is Ms. Advincula your girlfriend now?"

Napuno ng tuksuhan ang paligid lalo pa nga't iyon ang hindi pinaka-aasahang tanong. Saglit na nag-apuhap ng sagot si Hunter at nakangisi pang kumindat sa akin.

Kumalat ang init sa aking mukha at natitiyak kong sobrang pula ng aking mga pisngi.

"I would really like that, believe me. But I still didn't get the answer that I wanted to hear, so..." Ibinitin pa niya ang mga salita sa ere. "I would like her to be my girlfriend if she would want a monster like me."

Pinaikot ko ang aking mga mata at agad naman siyang natawa. Maging ang mga nakasaksi ay nagtawanan.

"Ms. Advincula?" baling pa sa akin ng reporter na nagtanong.

"Let's not pressure her," singit na awat naman ni Hunter at muling kumindat sa akin.

Muling napuno ng tawanan ang paligid.

"Ngayong nagbalik kayo rito sa SVGC, ibig po bang sabihin ay mawawala na ulit sa posisyon si Mr. Facundo Romualdez?"

"Yes."

Naghudyat si Russ na tapusin na ang interview kaya't mabilisang nagpaalam si Hunter at agad na tumalikod. Ni hindi na nagpaawat.

Mabilis na nakahawak si Russ sa aking braso at iginiya ako papunta sa isang pribadong kwarto kung saan nandoon na si Hunter pati na rin ang Uncle nito.

"Facundo wanted to talk you, hijo."

Naabutan ko pang sabi ni Uncle Bien sa pamangkin nito.

"I already expected that," simpleng sagot lang naman nito.

Nang makita na niya ako ay tinalikuran niya ang kanyang Uncle at sinalubong ako ng yakap.

"Are you okay?" Hinaplos pa niya ang aking balikat at pisngi.

Ilang beses akong tumango at tipid na ngumiti. Masyado mang nakakatensyon ang ilang mga binabatong tanong ay matagumpay pa rin niyang nalagpasan ang mga iyon.

"You've done a pretty good job out there, Bro," nakangiting bati pa ni Russ sabay tapik sa balikat nito.

"I have a good mentor," makahulugan pa itong tumango kay Russ na tila proud namang nagkibit-balikat.

"Don Facundo is a dangerous man, hijo. Please, bring your security with you when you talk to him," pakiusap pa ni Uncle Bien.

Mukhang nag-aalala talaga siya para kay Hunter. Kung sa bagay, ito na nga pala ang nakamulatan niyang ama simula pagkabata.

"Don't worry, Uncle. I can take care of myself. Hindi naman ako kaya ni Don Facundo kung siya lang," confident pa niyang sabi at naniniwala naman ako roon.

Hamak na ang laki niyang tao kumpara kay Don Facundo.

Matapos ang maikling pag-uusap ay nagdiretso kami ni Hunter sa kanyang opisina.

Mangha akong nagmasid sa spacious na lugar habang siya ay nangingiti akong pinagmamasdan.

"Anong nakakatawa?" nakairap na sita ko pa bago muling ibaling ang atensyon sa paligid.

Natatanging dalawang kulay lang ang makikita sa buong kwarto. Black and white. Walang wall decors maliban sa nag-iisang wallclock na kulay itim at ang mga kamay noon ay purong kulay ginto.

Maging ang iilang muwebles at couch ay kulay itim.

Ang salamin niyang mesa ang pinakasentro ng kwarto at sa likod ng swivel chair ay ang silver na pangalan ng kompanya.

Nang makita ko ang sofa kung saan may naganap na milagro sa pagitan nila ng Vanessa na iyon ay wala ako sa sariling napairap sa kawalan.

"I'll change that sofa," maagap pa niyang sabi.

Para bang nabasa niya agad ang nasa isip ko.

"May sinabi ba ako?" mataray ko pang balikwas.

Itinaas lang niya ang mga kamay sa ere at nag-aalangang sumagot.

"Just saying."

Muli akong umirap at taas-kilay na tumalikod.

Siguraduhin lang niyang papalitan niya ang sofa na iyon dahil kung hindi ay ako na mismo ang susunog noon! Hmp!

Seguir leyendo

También te gustarán

108K 2.3K 33
Our parents makes us believe that fairytales do exist and so a happy endings. Bata pa lamang ako ay isa na ako sa mga naniniwala sa fairytale, na a...
10.4K 1.5K 33
Isa siyang sa libong libong babae na sobrang minahal ang first love nila at isa siya sa libong libong babae na umiyak at nag mukmok dahil sa kasawian...
1.3M 36K 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito...
2.3K 204 43
Labis na nasaktan si Ann sa pag-iwan ng kanyang dating fiancé na si Evo. Idagdag pa rito ang pag-iwan din sa kaniya ng kababatang si Xian at ng kanya...