I'M IN LOVE WITH A MONSTER

By fedejik

1.9M 68.1K 3.2K

Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagk... More

I'm in Love with a Monster
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Ang Kwento sa Likod ng IILWAM

Chapter 38

30.2K 1.1K 46
By fedejik


C H A P T E R 3 8

Mariposa

Hindi naging madali ang mga sumunod na araw sa amin ni Hunter.  Wala man akong gaanong ginagawa, pakiramdam ko ay pagod na pagod naman ang utak ko sa kakaisip kung saan pa puwedeng nagpunta si Kuya. Pero kahit pa anong isip ko, wala akong kongkretong sagot. At iyon ang lalong nagpapahirap sa kalooban ko.

"Kailangan naming bumalik sa cemetery kung saan inilibing ang bangkay na inakalang ako. Pinahukay iyon ni Russ. May gusto lang din daw siyang masiguro pa."

"Gusto kong sumama!" walang pagdadalawang-isip kong boluntaryo. 

Alam kong hindi iyon ang kapatid ko, pero may parte sa aking gusto ring makasiguro. 

"Love, I don't think-"

"Sasama ako, Hunter."

Ilang sandali rin siyang natahimik. Tila ba naninimbang sa kung anong dapat na gawin sa pagkakataong iyon. 

"Wala rin naman akong ginagawa rito. Mababaliw ako kapag nanatili pa ako nang matagal dito. Gusto kong makita ang bangkay ng lalaking nasunog noon sa kotse. Patutunayan ko sa'yo na hindi iyon ang kapatid ko."

"I didn't say it was your brother, Love... I just-"

"Alam ko. Basta't gusto ko lang sumama."

Humugot siya ng isang malalim na buntonghininga bago marahang tumango-tango.

"All right. Sasabihan ko si Russ."

"Kinuhanan niya ako ng blood sample para ikumpara sa DNA ng namatay. May balita na ba roon?"

Umiling siya.

"Ngayon din natin malalaman sa kanya."

Tumango ako at wala sa sariling hinaplos ang tapat ng dibdib. Sobrang lakas ng kalabog noon. Pakiramdam ko ay sasabog iyon.

Naniniwala akong hindi iyon ang aking kapatid. Kailangan kong maniwala.

Mabilis kaming bumiyahe papunta sa sementeryong sinasabi nito. Malayo-layo iyon sa safe house at halos inabot din ng dalawang oras ang byahe.

May mga security nang nauna sa lugar kung saan inilibing ang sunog na bangkay. Ilang sasakyan din ang nakabuntot sa amin para lang masiguro ang aming kaligtasan.

Kuntodo tawag din si Russ para lang masigurong walang aberya sa daan. Napakasuwerte ni Hunter at may kaibigan siyang ganoon. Hindi man siya perpektong tao, nagkaroon siya ng totoong kaibigan na hindi siya iniwan.

Hindi man magsalita ay ramdam ko ang tensyon ni Hunter. Para ring lumilipad ang utak niya sa ibang dimensyon.

"Okay ka lang?" hindi ko na rin napigilang itanong.

Sunod-sunod siyang tumango kasunod ang mapaklang ngiti.

"I am just worried and scared..."

"Huh?" Kumunot ako at mataman siyang tinitigan.

"I am worried about you," mapait pa niyang sabi. "And... I'm scared that after all that happened, you will still chose to hate me. I don't think I could take that."

Tumahimik ako at hindi muna kumibo. Sa totoo lang, ako man ay hindi ko alam ang aking mararamdaman. Kung mayroon man akong sigurado sa mangyayari, I just couldn't hate him.

Kinabig niya ako palapit at masuyong niyakap. Hinalikan din niya ang aking sentido at bumulong.

"Always remember that I love you... even if you hated me, I will love you no matter what."

Mapait akong ngumiti at mariing pumikit upang pakinggan ang malakas na tibok ng kanyang puso. Ang sarap lang pakinggan ng mga salitang iyon.

Mga salitang gusto ko ring sabihin sa kanya.

Hinaplos-haplos niya ang aking buhok habang mahigpit din akong nakayakap sa kanya. Sa kabila ng mga nangyari, pakiramdam ko ay sa piling pa rin niya ako magiging safe.

Bahagya akong napapitlag nang banayad niyang haplusin ang aking pisngi. Naidlip pa pala ako sa lagay na iyon.

Matapos na masiguro ang kaligtasan ng  lugar ay tsaka kami bumaba ng sasakyan.

Mabilis na nanlamig ang aking katawan nang umihip ang sariwang hangin. 

I missed home so much. 

I missed my Kuya too. 

Sana lang talaga ay hindi siya ang bangkay na makikita ko ngayon. Panghahawakan ko ang katotohanang nakausap ko pa siya bago pa man siya tuluyang mawala.

Iginala ko ang tingin sa kulay berdeng paligid. Nalalatagan ng Bermuda grass ang buong sementaryo. Nakapalibot din ang mga nagtataasang puno sa sementadong daan. Sa pakiwari ko'y bago lang iyon at iilang lapida pa lang din ang nakikita ko.

Tahimik na ginagap ni Hunter ang aking kamay at iginiya patungo kay Russ na noon ay diretsong nakatitig sa amin.

Tanging tango ang naging batian namin hanggang sa marating na namin ang nahukay na bangkay. 

Agad na lumipad ang aking mga kamay sa bibig nang makita ang sunog na sunog na katawan. Wala na ring mukha iyon. At kahit pa ganoon, sigurado na ako, hindi siya ang Kuya ko!

"Hindi siya si Kuya, Hunter. Sigurado ako! Hindi siya si Kuya!" Magkahalong saya at lungkot ang aking nararamdam nang sabihin ko iyon.  "Masyadong mataas ang lalaking 'yan! Hindi iyan si Kuya! Sigurado ako!"

Mapait lang siyang tumango sa sinabi kong iyon. Hindi ko sigurado kung pinaniniwalaan ba niya iyon o papaano. Hindi buo ang memorya niya. Possible mang naroon nga ang Kuya ko nang maganap ang pagsabog, natitiyak kong hindi siya ang nasunog na bangkay! 

"May dental records ang Kuya mo, Osang?" kuryosong tanong pa ni Russ na noo'y gwapong nakapamaywang habang nakatitig sa ilang forensic experts na nagbubusisi sa bangkay.

"Sa pagkakaalam ko ay mayroon. Wala na siyang ngipin sa bagang. Parehas niyang ipinabunot iyon nang nasira."

Tumango ito at tila nakaunawa rin naman ang nakarinig at agad ngang tiningnan ang ngipin ng bangkay.

"Negative, sir," seryosong sagot pa nito kay Russ at nakakaunawang tumango rin ito sa akin.

Mabilis na nangilid ang luha ko at kahit pa sa kabila ng takot, nabuhayan pa rin ako ng loob. 

"Hindi rin matched ang DNA mo sa blood sample na itinabi ko. He's not your brother, Osang," siguradong sabi pa ni Russ at tipid pang tumango kay Hunter na noo'y tila noon lang pinakawalan ang pinipigilang hininga.

Hinilamos niya ang mukha at nangingilid ang luhang tumango-tango sa kawalan. Alam ko na tulad ko, hindi rin siya pinapatulog ng alaala niyang iyon.

Saglit na lumayo si Russ at may kinausap sa cell phone. Nakaantabay ang mga nakakalat na security na may nakasukbit na baril sa bulsa. Karamihan sa kanila ay seryoso at alertong nagmamasid sa paligid.

Wala ako sa sariling umiyak at hinaplos ang kuwintas na nakasuot sa aking leeg. Ang dasal ko na lang ay ang kaligtasan ng aking kapatid kung saanman siya naroroon. Alam kong darating ang araw na magbabalik siya at ipapaliwanag niya kung bakit siya biglang naglaho. 

Nang pumatong ang kamay ni Hunter sa aking balikat ay agad akong napatingala sa kanya. Malaking kaginhawan para sa aming dalawa na malamang ang bangkay ay hindi ang aking nawawalang kapatid.

"I won't stop looking for your brother. I promise you that," seryosong aniya.

Tumango ako at mapait na ngumiti. Naniniwala akong tutuparin niya ang pangako niyang iyon. Alam kong hindi niya ako bibiguin.

Mabilis akong gumalaw at agad na iniyakap ang aking mga kamay sa kanyang baywang. Agad naman din siyang gumalaw at ibinalik ang katumbas na higpit na yakap.

"Are you feeling okay now?" hindi ko na rin napigil itanong.

Tulad ko, marahil ay patong-patong na rin ang mga nakapasan sa balikat niya.

Tipid lang naman siyang ngumiti at pinisil ang aking pisngi.

"I will be okay. Ikaw ang mas inaalala ko. Ayos ka na ba?" balik-tanong pa niya.

Tumango ako at mapait na ngumiti.

"Magiging maayos din ako."

Tumango lang siya at tila ba nakuntento na rin sa sagot kong iyon.

Muling namagitan ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa makarating kami sa safe house. Kung kanina ay sobrang pagod ang naramdaman ko dahil sa pinaghalong lungkot at saya, ngayon ay parang mas nadoble pa iyon. Tila hinihila pababa ang aking mga mata.

"Okay lang ba kung matulog na ako?" paalam ko pa kay Hunter na noo'y parang wala pa rin sa sarili.

"Of course. Kailangan mo 'yon." Tumango siya at banayad pang pinisil ang aking pisngi. "I'm sorry kung hindi ko maalala ang Kuya mo noong mga panahong sinasabi mong nakausap natin siya. Siguro nga ang dami na lang tumatakbo sa isip ko. Ngayon parang medyo may naalala ako, pero hindi ako sigurado."    

"Huwag mo nang isipin 'yon. Ang mahalaga, hindi talaga si Kuya 'yon. Thank you... Thank you sa pagsama mo sa akin doon kahit pa alam kong sobrang nag-aalala ka."

"You already thank me, Love. Hindi mo na kailangang ulit-ulitin."

Love.

I missed him calling me that.

"Good night."

"Good night."

Noon na ako tumalikod at tahimik na umaakyat sa ikalawang palapag kung saan nandoon ang aking kwarto. Parang sa sobrang pagod ko ay makakatulog na ako kaagad.

Nang makapasok ako sa kwarto ay nakapikit na akong dumapa sa bed at awtomatikong nakatulog nang wala sa oras.

Mag-uumaga na noon nang makaramdam ako ng gutom. Pupungas-pungas akong bumangon at kinusot ang sa tingin ko'y namamaga kong mga mata. Hindi ko man sana gustong bumangon, pero alam ko ring hindi ako patutulugin ng nangangalam kong sikmura. Ang aga kong natulog kaya't hindi ko nagawang makakain ng hapunan.

Kahit pa halos nakapikit ay tinunton ko ang daan patungo sa kusina. Nakabukas ang cove light sa hagdan kaya't hindi naging mahirap ang pagbaba. Natanawan ko rin ang ilang security na seryosong nagroronda sa paligid ng bahay.

Humikab ako nang tuluyang makarating sa kusina. Pero ganoon na lang din ang gulat ko nang biglang magbukas ang storage room at iniluwa noon ang nakahubad pang-itaas na si Hunter!

"Osang?" gulat din siyang napatitig sa akin. Tila ba hindi inaasahang makikita ako sa ganoong oras.

"H-hi... Nagising ako. Bigla akong nagutom." Ngumiwi ako dahil sa hiya.

Hindi ko naman akalaing gising siya sa mga oras na iyon.

"Oh, may pagkain akong itinabi para sa 'yo." Nakangiti siyang lumabas ng storage room bitbit ang bote ng alak at potato chips. "Hindi ako makatulog kaya naghanap ako ng snacks."

"Ah..." Nang bumaba ang tingin ko sa kanyang tiyan ay hindi ko napigilang kagatin ang aking labi lalo pa nga't kaunti na lang ay tila malalaglag na sa baywang ang suot nitong pajama.

He was sinfully hot. Maganda man ang pangangatawan ng aking kapatid ay hindi kagaya ng sa kanya. Perpektong nakahulma ang mga muscles niya sa tiyan at maging ang v-line ay nakadepina.

Gumalaw siya sa kusina at agad na inalagay sa oven ang itinira niyang ulam. Sinenyasan niya akong maupo at wala naman ako sa sariling sumunod. Sa iilang linggo niyang pamamalagi sa piling ko ay mukhang nahasa na talaga siya sa gawaing bahay.

Naglagay siya ng ice cube sa baso bago salinan iyon ng alak.

"Pampaantok lang," depensa niya habang nagkakamot ng ulo.

Ngumiti lang ako at wala namang sinabi.

Muli siyang gumalaw at kumuha ng plato para sa akin. Nang tangkang tatayo ako ay maagap din niya akong pinigilan.

"Ako na rito. Tinuruan mo ako, 'di ba?" 

Pinilit kong ngumiti para pagtakpan ang init na kumalat sa aking mukha. Nakahihiya pa ring alalahanin ang mga kalokohang pinagsasabi ko sa kanya noon.

Kumuha siya ng kanin sa rice cooker at inilagay iyon sa bowl. Nang tumunog ang oven ay agad na rin niyang inilabas ang ulam na ngayon ay umuusok na sa init.

"Nagkatuwaang magluto ang mga security kanina. Hindi ko lang alam if magugustuhan mo 'tong afritada nila," aniya habang inilalapag ang ulam sa aking harapan.

"Amoy pa lang, mabango na," bulalas ko rin naman nang maamoy iyon.

Parang biglang na-miss ng tiyan ko ang pagkain. Ilang araw na nga ba akong walang ganang kumain?

Tahimik akong kumain habang siya ay tahimik na umiinom.

"Magpapakita na ako sa media bukas..." panimula pa niya na nagpaawang ng mga labi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 204 43
Labis na nasaktan si Ann sa pag-iwan ng kanyang dating fiancé na si Evo. Idagdag pa rito ang pag-iwan din sa kaniya ng kababatang si Xian at ng kanya...
1M 28.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
1.3M 36K 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito...
21.2K 458 39
"A dream in a deep sleep" Book Cover by: Jangmi <3