I'M IN LOVE WITH A MONSTER

By fedejik

1.9M 68K 3.2K

Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagk... More

I'm in Love with a Monster
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Ang Kwento sa Likod ng IILWAM

Chapter 26

32.8K 1.2K 42
By fedejik

C H A P T E R 2 6

Mariposa

Maaga pa lang ay nakagayak na kami at naghihintay sa text ni Carina. Kahit pa medyo kinakabahan ay excited akong makasama si Hunter sa adventure naming ito. Alam kong magugustuhan niya ang nature tripping. Nakikita ko sa Instagram posts niya ang mga pinupuntahan niyang lugar at karamihan sa mga iyon ay umaakyat pa ng bundok.

Nang makatanggap ako ng text mula kay Carina ay dali-dali na kaming naglakad papunta sa highway. Agad naming natanawan ang nakaparadang maliit na truck at sakay noon ang ilang mga katao na natitiyak kong puro kamag-anakan ni Regina.

"There you are," nakangiting bungad pa ni Regina.

She was wearing a bikini top. Beach yata ang punta ng babaeng 'to. Hindi na marunong mahiya.

Agad kong nilingon si Hunter na mabuti na lang ay hindi rito nakatingin.

"Kaunti yata tayo," puna ko pa sabay kaway sa mga kasama.

"Hindi puwede ang matatanda sa akyatan," singit ni Carina na pasimple pang inginunguso ang suot ni Regina.

Gets na gets ko ang ibig niyang sabihin. Kitang-kita ng mga mata ko ang nakabalandrang katawan nito. Obvious naman na gusto niyang i-display iyon sa mga mata ng asawa ko!

"Tara na. Akyat na tayo!" kayag pa ni Regina sabay tingin kay Hunter. "Puwede patulong?"

Sabay kaming napaikot ng mga mata ni Carina. Wala talagang kupas sa kakirihan itong si Regina!

Tipid lang na tumango si Hunter at nagpatiunang umakyat sa truck. Inabot niya ang kamay ni Regina na noo'y hindi maikakailang kinikilig.

"Thanks, Ding..." malambing pang sabi nito na halos magpakulo ng dugo ko.

Kung ilang kaming mga nagsi-ikot ang mga mata ay hindi ko lang alam. Lahat naman ng mga kasama ay kilala ang kalandian na iyon ni Regina.

"Love..." pukaw pa ni Hunter na noo'y nakalahad na pala ang kamay sa akin.

Nakangiti kong inabot ang aking kamay at matamis naman din siyang ngumiti.

Nang tuluyan pa akong makaakyat nang maayos ay ginawaran pa niya ako ng halik sa noo. Dahilan iyon para makakuha ng atensyon at pinagtutukso kaming dalawa.

"Ang gwapo talaga ng asawa mo, Osang, kaya maraming naiinggit!" tukso pa ng kapitbahay ni Carina na hindi rin naman katandaan.

"Ay, talaga naman po!" proud ko pang sabi sabay kapit sa braso ni Hunter na tipid lang din namang ngumiti.

"Dito kayo, o!" kayag pa ni Carina sa tabi niya at dali-dali rin naman akong sumunod.

Pero nang biglang umandar ang truck ay kamuntik na akong mawalan ng balanse. Mabuti na lang at nahawakan ako ni Carina sa kamay!

"Bakit mo kasi iniwan?! Ayun o!" pasimpleng bulong pa ni Carina sabay nguso kay Regina na noo'y nakayakap na kay Hunter!

What the hell?!

"Buti na lang nandiyan ka, kundi nalaglag na ako," malambing pang sabi ni Regina.

Hindi ko naman napigilang paikutin ang mga mata ko. Wow talaga itong babaeng 'to!

Naniningkit ang mga mata kong lumapit sa kinatatayuan nila at pasimpleng tinabig si Regina para mawala sa pagkakahawak kay Hunter.

"Doon ka sa tabi ni Carina, o. Hindi kung saan-saan ka kumakapit," sarkastiko ko pang sabi sabay turo kay Carina na para bang nang-iingganya pang tumabi nga sa kanya.

"Ang luwag dito, Regina o! May hawakan pa!" Nakangisi pa nitong itinuro ang hand railings.

Umirap naman si Regina na parang nakahalata rin.

"Thanks ulit, Ding," pahabol pa nito sabay pisil sa braso ng asawa ko!

The nerve of this girl!

"Doon na tayo tumayo. Baka matumba tayo rito." Itinuro ko pa ang espasyong malapit lang din kay Regina.

Agad naman din siyang tumango. Pero bago pa man ako makaikot ay biglang nagpreno ang truck dahilan para mawalan ulit ako ng balanse. Pero naging mabilis din ang kanyang kilos at maagap niya akong nahapit sa baywang.

His face was inches from me. I could smell his minty breathe fanning my face.

I could actually die right now.

Mahirap yatang masanay na ganitong kalapit sa kanya palagi.

"Are you all right?" malambing na tanong pa niya, pero bago pa man ako makasagot ay pinagtutukso na kami ng mga nakapaligid sa amin.

"Ang gwapo ng asawa mo, Osang! Pa-kiss naman!" tukso pa ng isa rin sa kapitbahay ni Regina.

"Bawal po. Para sa akin lang 'to." Ngumuso ako at umirap.

Natatawa namang umiling-iling si Hunter habang inaalalayan ako palapit sa puwesto nina Carina at Regina.

Nang makita kami ni Regina ay dali-dali siyang lumipat sa tabi ni Hunter. Tumikhim ako at makahulugang nakipagtapunan ng tingin kay Carina na iirap-irap din kay Regina.

Sumimangot ako at idiniretso ang tingin sa daan. Mukhang sisirain ng babaeng 'to ang araw ko!

Mahigpit akong kumapit sa hand rail nang bumilis ang takbo ng truck. Pero ganoon na lang din ang gulat ko nang biglang lumagay sa likuran ko si Hunter at itinuko ang mga kamay sa hand rail at nakulong ako sa kanyang mga braso.

Nakangiti ko siyang nilingon at naging maagap din naman ang galaw niya at ginawaran ako ng halik sa noo. Inikot niya ang isang kamay niya sa baywang ko matapos na gawin iyon. Pakiramdam ko ay nalaglag na ang puso ko sa truck sa ginawa niyang iyon.

"Ang suwerte naman, Osang. May yumayakap na!" muli ay tukso galing sa aming likuran.

Ngumiti na lang ako sa kawalan. Kung alam lang nila ang totoo.

Matapos ang mahabang byahe ay nakarating na rin kami sa hihintuan ng truck. Iisang beses pa lang naman ako nakarating sa Talon Pari. Kakailanganin naming maglakad pa ng malayu-layo bago makarating sa lugar na iyon.

Mapait akong ngumiti nang maalala ang aking kapatid. Kung sana'y nandito lang siya, alam kong sobrang ma-e-enjoy niya ang paliligo sa talon.

"A penny for your thoughts?"

Bahagya akong napaigtad nang marinig ang boses na iyon ni Hunter.

"Na-miss ko lang si Kuya. Mahilig kasi iyon sa mga ganitong lakaran."

"Haven't you heard from him?"

Umiling lang ako. Kung sana'y alam ko man lang kung nasaan siya. Hindi sana ako mag-aalala ng ganito.

"We could ask the help of the police..."

"No," maagap kong tanggi kasabay ang iling.

Ayoko munang ma-involve ang pulis sa kahit na ano. Itinatago ko si Hunter sa mga ito. Kapag nag-imbestiga sila, maaaring mabunyag ang lahat. I just hope my brother was okay. Wala akong ibang ipinagdarasal kundi iyon. Makaalala lang siya ay tsaka ako hihingi ng tulong sa pulis kung iyon man ang dapat na gawin.

"I knew he's okay somewhere. He will be okay. Matatag 'yon."

Humugot lang siya ng isang malalim na buntong-hininga sa sagot kong iyon kasunod ang tango. Kung puwede ko lang sabihin na ang lahat sa kanya. Pero natatakot ako sa magiging desisyon niya kapag nangyari iyon. Baka hindi niya ako paniwalaan.

Mahigpit niyang ginagap ang aking kamay at pinisil iyon. Hindi man siya magsalita, alam kong nag-aalala lang din siya para kay Kuya.

Matapos ang madugong lakaran at akyatan sa malalaki at matutulis na mga bato ay narating na rin namin ang aming pakay.

Agad na nagsigawan ang aming ibang kasama at ang ilan ay wala nang inaksayang panahon at mabilis na tumambog sa malamig na tubig.

"It was beautiful in here..." hinihingal pang sabi niya habang iginagala ang tingin sa paligid.

"It is." Tumango ako at nakangiti ring nagmasid.

The trek was all worth it.

Ang tila hagdang mga bato ay dinadaluyan ng sobrang linis at linaw na tubig. Birhen pa ring maituturing ang lugar dahil bukod sa malayo ay medyo mahirap din talagang puntahan. Wala nga kaming masyadong nadalang pagkain dahil na rin magiging pahirap iyon sa mga magdadala. Tamang tag-iisang maliit na bag ang bawat isa at tanging junk foods ang laman.

"Ding, picture naman tayo!" sigaw pa ni Regina hindi kalayuan.

Katatapos lang niyang magselfie nang magselfie sa iba't-ibang anggulo.

Umiling lang naman si Hunter. Mabuti na lang at kahit pa ganoon ang hitsura ng babaeng iyon ay hindi ko ito nakitaan ni katiting na interes. Or siguro, mas higit pa roon ang nakita niya...

Ibinaba ko ang tingin sa aking dibdib. Hindi man iyon ganoon kalaki ay hindi naman mukhang likod. Dibdib pa ring maituturing ang akin, a!

Pero nang maalala ang eksena namin noong isang araw ay agad na kumalat ang init sa aking mukha. Nakita niya ang lahat.

Ang lahat!

"Maligo na tayo?" tanong pa niya na pumutol sa paglalakbay ng aking diwa.

"Maya-maya nang kaunti."

"All right."

"Um, Love..."

"Hm?" kunot-noo pa siyang bumaling sa akin habang kagat ang pang-ibabang labi.

"'Wag kang pa-picture kay Regina, a."

"Why not?"

"Basta. Ayoko lang na may picture ka niya." Ngumuso ako at umirap sa kawalan.

Nangingiti lang siyang tumango at hindi naman na nagtanong pa.

Nanguna siyang tumalon sa tubig habang ako ay abala lang sa panonood. Umihip ang mabining hangin at wala ako sa sariling ngumiti. Malalakas na tawanan ang pumupuno sa lugar. Halatang enjoy ang lahat sa paliligo.

Pero nang tumalon si Regina sa tubig at nang matantong papunta siya sa kinatatayuan ni Hunter ay dali-dali akong tumayo at nanulay sa malalaking bato.

Hindi niya puwedeng ma-picturan si Hunter!

"Ding! Picture naman tayo!" sigaw pa ni Regina kay Hunter na noo'y hinahawi ang nabasang buhok.

"Porky Beans! Love!" malakas na sigaw ko rin.

Agad namang lumingon sa akin si Hunter na agad din namang sumilay ang ngiti sa mga labi.

Ang gwapo talaga ng lokong 'to!

"Ding! Ding! Isang pic lang! Pang IG ko lang!" sigaw pa rin ni Regina na mas binilisan ang paglalakad sa tubig.

Nang malapit na ako sa kinatatayuan ni Hunter ay walang pagdadalawang-isip akong tumalon sa tubig at nilangoy ang distansya namin.

"Love! Love!" malakas na sigaw ko sa kabila nang hingal ko.

Saktong paghawak ko sa braso ni Hunter ay siya ring lapit ni Regina sa tabi namin hawak ang cell phone nito. Nang itaas nito ang cell phone nito para sana sa panakaw na selfie ay dali-dali kong ginagap ang mukha ni Hunter at walang sabi-sabing hinalikan ang mga labi nito.

"Gosh, Osang!" iritang sabi pa ni Regina.

Natitiyak kong picture naming magkahalikan ang nakuha niya kaya't ganoon ang reaksyon nito.

Pumulupot ang mga kamay ni Hunter sa aking baywang at agad na tinalikuran si Regina.

"Sabi ko, 'di ba? Ayokong mag-picture kayong dalawa?" inis ko pang puna rito.

Umismid lang naman siya at nangingiting mas hinigpitan ang hapit sa aking baywang.

"I wasn't going to allow her, love. Ayaw mo nga, 'di ba?"

"Pero kasi, ang lapit na niya sa 'yo-"

"At tatalikod naman ako."

Kinagat ko ang aking labi at nahihiyang ngumuso.

"I am not complaining, though. May kiss naman ako from you. Might as well tempt her to take pictures of me again, so, I get to kiss you," nakalolokong biro pa niya na nagpairap sa akin.

Hindi rin ako nagko-complain.

I loved kissing him.

"Siraulo ka talaga!" Umirap ako at muling ngumuso.

"Ding, harap naman kayo rito. Pictures lang!" pakiusap pa ni Regina.

"Hindi na, Regina. Iba na lang picturan mo. Ayokong may ibang nagpapa-picture sa asawa ko, 'no?" masungit na sagot ko.

"Ang damot, Osang, a. Picture lang naman!"

"Sorry. Better luck next time." Sarkastiko akong ngumiti bago hilahin palayo roon si Hunter na iiling-iling lang.

"You're harsh, love."

Umirap lang ako. Kung puwede ko lang sabihin ang totoo ay ginawa ko na. Alam kong kaduda-duda masyado ang mga reaksyon ko, pero wala akong ibang choice. Hindi puwedeng kumalat ang picture niya online.

Nang makalayo kami kay Regina ay hindi na rin naman siya nangulit pang magpa-picture. Pero may mga pagkakataong gumagawa siya ng paraan para lang makuhanan ng palihim si Hunter. Sana lang ay lumabo ang mga kuhang iyon at hindi masyadong makita ang mukha.

Tumambay kami sa mataas at malapad na bato na medyo malayo sa karamihan. Mas mainam nang nakadistansya kaysa matanong ng kung anu-ano. Sa tingin ko ay hindi kayang gumana ng utak ko sa matagalang pagsisinungaling.

"You really don't like Regina, huh?" nakangising puna pa niya.

"Ano bang dapat kong gustuhin sa babaeng iyon? Malandi, e." Ngumuso ako at umirap sa kawalan. "Bakit type mo ba?"

Sa halip na sumagot ay humalakhak lang siya nang malakas.

"May nakatatawa?" Kumunot ako at sinamaan siya ng tingin.

"You're jealous."

I rolled my eyes.

"And so? Asawa kita. So, natural lang iyon." Bumaluktot ako at niyakap ang aking mga tuhod. Habang tumatagal na wala sa tubig ay tsaka ko mas nararamdaman ang lamig.

"You think babaero ako?" kuryoso pa niyang tanong.

"Yes," walang gatol kong sagot.

Muli siyang humalakhak nang malakas.

"Really? E, bakit mo ako nagustuhan kung ganoon?"

Saglit akong napaisip bago sumagot.

"Honestly, gwapo ka kasi. Kahinaan naming mga babae ang gwapo." At gusto ko sanang idugtong na halos puro magaganda pa rin ang nababasa ko sa magazine. At bulag pa ako sa paghanga sa kanya kahit pa may pailan-ilang kasiraan din ang nalathala tungkol sa kanya.

Tumango lang naman siya at parang nakumbinsi na agad.

"Paano nga kung may babae pala ako? Hindi ko lang maalala?"

Natahimik ako sa tanong niyang iyon.

"Gusto ko, ako lang ang babae sa buhay mo at wala ng iba pa."

"But what if? What if mayroon akong hindi ko lang maalala? Will you forgive me?"

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Mahirap mang sagutin ang tanong na iyon, nanatiling alam ko ang gusto ko.

"Kung mahal mo ako, hinding-hindi mo ako sasaktan. Kung nagluluko ka man, kahit mahal kita, pakakawalan kita. Ayokong magpaka-martyr sa taong hindi kayang maging faithful sa akin."

Tumahimik siya sa sinabi kong iyon. Parang ang lalim nang iniisip.

"You think I'm faithful?"

Nagkibit-balikat lang ako.

"Pero sabi mo patay na patay ako sa 'yo?"

"Totoo naman iyon!" Umirap ako at manipis lang siyang natawa.

"Then, maybe, ikaw lang talaga ang minahal ko nang ganito."

Mataman ko siyang pinagmasdan sa mukha bago mapaklang ngumiti. How I wish, masabi rin niya iyon kapag bumalik na ang kanyang alaala.

Mas bumaluktot ako nang umihip ang malamig na hangin. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang tumambog ulit sa tubig. Parang ang lamig na masyado.

Nang manginig ako ay agad kong hinipan ang aking mga kamay. Kailangan ko na yata magpalit. Pero bago ko pa man mapagdesisyunan iyon ay agad na pumulupot ang matipunong mga braso ni Hunter sa akin.

"Nilalamig ka pa rin ba?"

Umiling ako. Pakiramdam ko ay nalulon ko ang aking dila nang wala sa oras.

Kinabig niya ako palapit at ginawaran ng manipis na halik sa noo. Hinagud-hagod din niya ang aking mga braso habang nananatiling nakahimpil ang kanyang mga labi sa aking sentido.

Kinagat ko ang aking labi at pilit na kinalma ang aking puso.

He was so sweet. At hindi ko masiguro kung ganito talaga siya sa personal or dala lang ng amnesia niya.

Pero nakita ko ang dating Hunter. Siguro nga ay impluwensya ko na lang din kung sweet man siya ngayon. Mababago ang lahat kapag nakaalala na siya.

Iyon ang sigurado ko.

"What are you thinking?" Inangat niya ang baba ko at matamang tinitigan sa mukha.

Mapakla akong ngumiti at banayad na hinaplos ang manipis na buhok na nakapalibot sa kanyang mapupulang mga labi.

"Baka kapag nakaalala ka na, maisip mong hindi mo na ako gusto," mapait ko pang sabi.

"What made you think so?" Kumunot siya.

"I don't know... Naisip ko lang."

Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga bago muling magsalita.

"Stop thinking, love... For now, let's make good memories, hm?"

Tumango lang ako. Sana nga ay sapat na ang good memories na iyon para mapatawad niya ako sa ginawa kong pagsisinungaling.

Yumuko siya at ginawaran ako ng banayad na halik sa mga labi. 

Continue Reading

You'll Also Like

173K 2.6K 16
Andrea or Andy to everybody, is on the verge where she thinks her life is perfect and everything is fallin' right into place where she wanted it to b...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
77.7K 1.8K 34
Khryzzanne Kylie Constantino has wanted only one thing her whole life. Wala siyang hindi gagawin makamit lamang ang kalayaang matagal nang inaasam. S...
4.6K 167 40
Two strangers. Tangled up. Traveled back to the past. Get a bit close. Woke up to the present. Back to being strangers again.