I'M IN LOVE WITH A MONSTER

By fedejik

1.9M 68.3K 3.2K

Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagk... More

I'm in Love with a Monster
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Ang Kwento sa Likod ng IILWAM

Chapter 25

32.4K 1.2K 36
By fedejik

C H A P T E R 2 5

Mariposa

Ilang araw ang lumipas na nakabibingi ang katahimikan ni Hunter. Hindi na rin niya ako sinundo gaya nang sabi ko sa kanya noong nakaraan. At kahit na alam kong para sa ikabubuti niya ang ginawa ko ay hindi ko pa rin maiwasang ma-guilty.

Niloko ko siya at pinasakay sa kalokohang asawa niya ako.

Kung siguro wala kami sa sitwasyong ganito, sobra-sobra sana ang kilig ko. Pero alam kong malabo ring mangyari ang nangyari ngayon kung nakakaalala siya sa nakaraan niya. Baka nga kung normal ang isip niya ay idemanda pa niya ako sa kalokohang ginawa ko!

"O, himala... Wala na yatang sumusundo sa iyo ngayon?" puna pa ni Rhys nang pauwi na kami.

"Medyo busy lang," tanging naisagot ko.

"Saan ba nagtatrabaho 'yang jowa mo? Baka naman may binata pa siyang kasama sa work, e, ireto mo naman ako. Puro retiree na ang nandito sa munisipyo. May isang Sir Calvin sana, kaso naman, mas type ka," iirap-irap pa nitong sabi.

"Kahit sa 'yo naman si Calvin..." malungkot na bulong ko pa.

Nakapaninibago pa rin ang katahimikan ni Hunter. Pakiramdam ko ay umiikli na ang panahong ipagsasama naming dalawa.

"Talaga ba? Loyal ka talaga sa boylet mo?" nanunukso pa nitong himig.

"Loyal 'to kahit noon pa." Ngumuso ako at manipis siyang inirapan. "Ano akala mo sa akin? Salawahan? Hmp!"

"Fine. Sinabi mo 'yan, a!"

"And besides, alam naman ni Calvin na may boyfriend ako. Nakikipagkaibigan lang siguro ang tao."

"Sus, Osang! Kahit pa mabait iyang si Sir Calvin, may slight motive pa rin iyan. Alam naman niyang may jowa ka na, bakit pa kailangang sumiksik sa 'yo kung marami namang kadalagahan? Like duh, wala na yatang lalaking sobrang loyal sa panahon ngayon!"

Hindi ako nakakibo sa sinabi niyang iyon. Ibig sabihin, kahit si Hunter ay hindi magpapaka-loyal sa akin. Once lang na malaman niyang hindi niya ako totoong asawa ay baka nagtatakbo na iyon palayo.

Wala sa hitsura niya ang magiging loyal sa probinsyanang walang pera.

"Pero ayoko namang dumihan nang husto ang utak mo, Osang. Hindi naman siguro lahat ng lalaki. Baka mayroon pa ring paisa-isa... kaso ang sama, may asawa na!"

Natawa lang ako sa huling sinabi niyang iyon.

"But you see, sabi nga nila, wala namang perpektong tao. Pero once na nakahanap ka ng pag-ibig, live the most out of it. Huwag mo sayangin ang chance at baka hindi na dumating ang pagkakataon na maramdaman mo ulit ang ganoon. Am I making sense? Parang halu-halo ang utak ko!"

"Minsan may sense rin pala ang utak mo," biro ko pa.

"I know right." Madrama pa niyang inikot ang kanyang mga mata. "Iyang current relationship mo sa jowa mo, ituloy mo lang 'yan para sa akin na si Sir Calvin!" natatawang biro pa niya.

"Sa 'yo na nga!" Umiling-iling ako at nagpalinga-linga.

Wala talagang Hunter na naghihintay.

"O, paano? Una na ako, a. Ingat ka!" paalam pa nito matapos makita ang motor na susundo.

"Ingat!" Kumaway ako bago tuluyang maglakad papunta sa paradahan ng trysikel.

"O miss, isa na lang 'to!" Nakangiti pang kumaway sa akin ang trysikel driver.

Tumango ako at agad na yumuko, pero ganoon na lang din ang gulat ko nang makita kung sino ang nasa loob.

"Hun... Love?"

Tahimik siyang lumabas ng trysikel at sumenyas na pumasok na ako sa loob. Walang kibo akong sumunod at nakiramdam. Pero nang sumakay na rin siya sa tabi ko ay hindi ko na maipaliwanag ang pakiramdam. Nanlamig ang aking mga kamay at tila nanuyo rin pati na ang aking lalamunan. Natetensyon akong hindi ko maipaliwanag.

Ilang araw niya akong hindi tinitingnan at kinakausap. At kahit pa sa pagkain ay palagi niya akong pinapauna.

Nang umandar ang trysikel at humampas ang malamig na hangin sa aking mukha ay napapikit na lang ako. I missed him so much. At kahit pa ang amoy niyang pumupuno sa trysikel... sobrang miss na miss ko.

"I'm sorry..." bulong pa niya. "Hindi kita dapat pinipilit kung ayaw mo..." Malamlam ang mga mata niyang tumitig sa akin. "I'm sorry, Love..."

Naumid ang aking dila at ilang saglit na hindi ko nagawang makapagsalita. Agad na nangilid ang aking luha kasabayan nang pagbabara sa aking lalamunan. Parang hindi ko magagawang makapagsalita dahil sa pagpipigil na umiyak.

"I can understand if you need-"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at sa halip ay pinatakan ko ng halik ang kanyang mga labi.

Gulat naman siyang tumitig sa akin na para bang hindi inaasahan na gagawin ko iyon.

"I'm sorry too, Love... I'm sorry," naiiyak ko ring bulong.

Marahan siyang tumango habang titig na titig sa aking mukha. Hindi ako sigurado sa isinisigaw ng kanyang mga mata, pero sapat ang lamlam noon para maramdamang nahirapan siya sa sitwasyon naming dalawa nitong nakakaraan.

Ginagap niya ang aking mukha at marahang yumuko upang sakupin ang aking mga labi. Naglandas ang luha sa aking pisngi kasabay nang pagwawala ng puso ko sa hindi maipaliwanag na saya.

Maybe, Rhys was right. Habang masaya pa, I should just live the most out of it. Hindi ko man sigurado ang happy ending, at least sinubukan ko.

And I will tell him the truth. Hahanap lang ako ng tiyempo.

Agad din naman niyang pinutol ang halik at sa halip ay ikinulong na lang niya ako sa kanyang mga braso.

This felt surreal.

Dati'y pinapangarap ko lang ang yakap at halik. Ngayon ay nakukuha ko na kahit na hindi ko pa hinihingi. Pero alam kong isa lang din ang kalalabasan ng mga maling desisyon kong ito.

Ako ang masasaktan sa huli.

Iyon ang sigurado ko.

Nang makarating kami sa kantong aming bababaan ay nakabibingi pa rin ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Para bang nagkakahiyaan kami na hindi ko rin maintindihan.

"Hindi ka yata sinundo ni Calvin?" kaswal na tanong pa niya.

Akala mo ba hindi niya pinagselosan nang husto ang taong iyon.

"Absent daw sabi ni Rhys," kaswal ding sagot ko kahit na nga hindi ko maiwasang kabahan.

Hindi na siya kumibo sa sagot kong iyon. Sa totoo lang ay ayoko nang pag-usapan namin si Calvin kung aatakihin lang din siya ng selos.

Kahit pa nag-aalangan ay kumapit ako sa kanyang matipunong braso at agad naman din siyang napalingon sa akin. Para bang hindi inaasahang gagawin ko iyon.

"Anong niluto mong hapunan natin?" malambing ko pang tanong.

"Hmm... Nothing special. De lata lang." Tipid pa siyang ngumiti at ginagap ang kamay kong nakakapit sa braso niya. "Okay lang ba iyon?"

"Oo naman. Walang problema. Mahirap naman talagang mag-isip ng ulam."

Tumangu-tango lang naman siya at muling ibinaling ang tingin sa daan.

"You really looked different..."

"Am I?" Kumunot siya. "What made you say so?"

Mataman ko siyang tinitigan bago magsalita.

"You shaved really nice... Bagay mo talagang may ganito..." Inabot ko ang kanyang panga at hinaplos ang manipis na buhok na naglalakbay sa kanyang panga papunta sa mapupula niyang mga labi.

"Is that so?" Tipid lang naman siyang ngumiti at muling itinuon ang atensyon sa daan.

Muling namagitan ang mahabang katahimikan sa aming dalawa. Walang tanging maririnig sa paligid kundi huni ng ibon, lagaslas ng tubig sa sapa at pag-ihip ng hangin sa mga puno.

Nang makarating kami sa kubo ay nakabibingi pa rin ang kanyang katahimikan. Umupo siya sa isang gilid at tumingin sa kawalan.

"May problema ka ba?" Hindi ko na rin napigil itanong.

Nag-angat siya ng tingin sa akin bago marahang umiling.

"Pagod lang siguro..." matabang niyang sagot.

"Oh..." Nilingon ko ang lagayan ng maruruming damit at positibo ngang wala nang laman iyon. "Naglaba ka?"

Tumango lang siya at saglit pang sumulyap sa labas.

"Katatapos ko lang din magdilig sa mga tanim natin."

"Gan'on ba?" Ngumiwi ako at biglang nakaramdam ng hiya.

Sumosobra na nga yata ang pagpapahirap ko sa kanya.

"Ako na ang bahalang magdilig sa umaga o kaya sa hapon para naman bawas sa ginagawa mo."

"It's alright. Wala naman akong ibang gagawin dito sa bahay. Pumapasok ka sa umaga. Kung hapon naman masyado ng madilim kapag hinintay pa kitang magdilig. Kaya ayos lang na ako na gumawa noon."

Tumango ako at may punto pa rin naman siya. Nahihiya lang naman ako kaya ko nasabi iyon.

"And besides, you told me that I was the only one whose doing those things..."

Ngumiwi ako at nagkamot ng ulo.

Ayan kasi. Kalokohan mo talaga, Osang.

"Bihis lang ako, then, kain na tayo, a," pag-iiba ko na lang.

"Okay," tumatangong sagot pa niya bago muling dumiretso ng upo at tumingin sa kawalan.

Something was off with him. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. May mga naaalala na ba siya?

Lutang akong pumasok ng kwarto at naghanap ng damit na isusuot. Kinakabahan akong hindi ko kayang ipaliwanag. Kung nakakaalala naman siya, bakit hindi niya sinasabi or 'di kaya ay nagagalit?

Inalog ko ang aking ulo at pilit na kinalma ang sarili. Kung matatapos man ang maliligayang araw ko ngayon, ano nga bang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw?

Iiwan na kaya niya ako or ipakukulong?

"Love..."

Napaigtad ako sa sobrang gulat. Ni hindi ko siya namalayang pumasok!

"U-uy, love... Bakit? Gutom ka na? Bihis lang ako, a."

Pero sa halip na magsalita ay humugot lang siya ng isang malalim na buntong-hininga at malamlam ang mga matang tumitig sa akin.

"Can you just kiss me?"

"Huh?"

Nalaglag ang aking panga. Tama ba ako nang narinig? Gusto niya ng halik?

"Um... Kiss?"

Tumango lang naman siya at para bang nag-aalanganin.

"Pero... Love..."

"I just have too much in my mind right now. And all I wanted was to get distracted," nahihirapang paliwanag pa niya.

Saglit siyang natigilan at mapaklang ngumiti.

"I-I'm sorry... It was just too much-"

Kinabig ko ang kanyang batok at hindi na siya pinatapos sa pagsasalita. Nag-aalangan pa siya noong una, pero nang lumaon ay hinapit niya ako sa baywang at mas pinalalim ang paghalik.

"Umupo ka. Ang tangkad mo," natatawa pang sabi ko sabay tapik sa kanyang dibdib.

Nakaunawa naman siyang umupo at walang pag-aalangan akong kumandong sa kanyang mga hita. Inikot ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat at matamang tinitigan ang gwapo niyang mukha.

"Gusto mong pag-usapan ang mga naiisip mo? May naaalala ka ba?"

Hindi siya nakasagot agad. Sa halip ay tipid lang siyang ngumiti at tila nanghihinang isinandal ang kanyang ulo sa akin.

"Sumasakit ang ulo ko sa dami ng mga pumapasok sa utak ko..." halos pabulong pang aniya.

Kinagat ko ang aking labi at pilit na nakiramdam.

May naaalala na ba siya tungkol sa akin?

"Gusto mo ng gamot sa sakit ng ulo?"

Umiling lang siya at inikot ang mga kamay sa aking baywang.

"Na-miss lang siguro kita kaya ako ganito."

Ngumuso ako at hindi napigilan ang kiligin.

"Huwag na tayong mag-aaway..." bulong ko pa habang hinahaplos ang kanyang panga.

Tumangu-tango lang siya kasunod ang malalim na buntong-hininga.

"Just don't date other guys. Okay na ako roon."

Natatawa kong tinapik ang kanyang pisngi at ginawaran ng banayad na halik ang kanyang mga labi.

"Kaibigan ko nga lang iyon. And don't worry... sasabihin kong married na ako sa 'yo. Okay na ba 'yon?"

Tumango lang naman siya at muli akong kinabig sa batok para halikan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.4K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
288K 7K 39
"Susuko ka din pala, bakit pinatagal mo pa?" He lost himself until he met a girl who is also lost and very consistent to break the ice in him. Nagkak...
1.3M 36.2K 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito...
2.5M 41.4K 75
{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.