I'M IN LOVE WITH A MONSTER

By fedejik

1.9M 68K 3.2K

Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagk... More

I'm in Love with a Monster
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Ang Kwento sa Likod ng IILWAM

Chapter 21

30.4K 1.1K 52
By fedejik

C H A P T E R 2 1

Hunter Carlson

Kanina pa ako hindi mapakali sa paghihintay. Bakit ang tagal niyang dumating?! Inis kong ginulo ang aking buhok at aburidong nagpari't-parito sa sementadong daan.

This was nuts. Dapat yata ay ipaalam kong may cell phone na rin ako para hindi ako napa-praning ng ganito sa paghihintay.

What if someone kidnapped her because of me?

But no.

Umiling ako at pilit na kumalma. Hindi makabubuti kung mag-iisip ako ng masama. She's okay. She's probably out, having dinner with her officemates and with that guy...

Shit.

I didn't want to go there.

Kahit pa hindi totoong mag-asawa kami, hindi pa rin tamang lumabas siya kasama ang ibang lalaki. People here knew that she's married to me! Sa akin lang at wala ng iba pa!

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at mariing pumikit. Nang ma-realize ang aking reaksyon ay umiling-iling ako at tinawanan ang aking sarili.

I couldn't be jealous, right?

Nah. I am not jealous.

I was just worried.

That's all.

Tumangu-tango ako at noon na tuluyang kumalma.

I am not jealous.

No.

Nang may maulinagan akong paparating na sasakyan ay dali-dali akong pumasok sa madilim na eskinita papasok sa sakahan. Huminto ang puting Fortuner. Bumaba ang driver ng sasakyan at noon ko na lang napagtanto kung sino iyon.

The douchebag who was trying to hit on my wife.

Napatiim-bagang ako at umiling-iling sa kawalan.

I couldn't believe this. Alam na may boyfriend, pero balak pa rin yatang pormahan si Osang?

Binuksan nito ang passenger's seat at mula roon ay lumabas ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Inalalayan ng gago ang asawa kong sobrang lapad pa ng ngiti.

Seriously?

Naningkit ang aking mga mata at pinigilang sumugod.

All right. I am jealous.

Kung bakit at paano iyon nangyari ay hindi ko rin maintindihan. Nasanay lang siguro akong walang kahati sa atensyon.

Tama. Iyon lang iyon.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at muling kumalma. I needed to fucking calm down. Maliit na bagay lang ito.

"Ingat ka, Calvin. Salamat sa paghahatid, a."

"Puwede naman kitang ihatid hanggang looban," hirit pa ng gago.

Namaywang ako at umiling-iling sa kawalan. Pa-impress naman, huh?

"Ayos lang ako. Salamat ulit sa treat, a."

"Basta ikaw. So, I'll see you tomorrow?"

"See you. Ingat ka."

"Thanks. Ikaw din." Nakangiti pa itong naglakad pabalik sa driver's seat.

Ilang beses pang kumaway si Osang bago tuluyang umandar ang sasakyan nito palayo.

********

Mariposa

Nang tuluyan nang makalayo ang sasakyan ay tsaka ako dali-daling pumasok sa madilim na eskinita. Pero hindi pa man ako nakararami ng hakbang ay agad kong natanawan ang pamilyar na pigura na noo'y nakapamaywang.

Hindi ko na kailangang hulaan kung sino iyon. Kahit yata madilim ay makikilala ko siya.

"Where have you been?" malamig pa niyang tanong.

"Uy, Love. Kanina ka pa? Sorry, a. Birthday kasi ni Calvin. Nilibre niya kami ni Rhys. Nauna lang bumaba si Rhys sa kabilang kanto," maagap na paliwanag ko pa. Pero bakit ba parang ang defensive ng dating?

"Birthday? You should have told me," galit pang sabi nito.

"Sorry. Wala ka naman kasing cell phone kaya hindi kita masabihan. Nahihiya rin kasi ako roon sa tao."

"Tss..."

At kahit pa hindi ko nakikita nang maayos ang kanyang mukha ay alam kong nakasimangot siya.

"You should have told him the truth that you're married. Siguro naman titigil na 'yon."

Bumuga ako ng hangin at agad siyang hinawakan sa braso.

"Huwag ka na magalit. I'll find a way. Tiyempuhan ko lang, okay?"

Hindi naman na siya kumibo at sa halip ay tahimik na tumalikod at mabilis na naglakad palayo.

"Uy, Love, hintay naman!" mabilis akong humabol at kumapit sa kanyang braso.

Pero tinabig lang niya iyon at mas binilisan pa ang paglalakad.

Kita mo 'yon. Marunong din palang mag-inarte.

Pinilit ko pa ring humabol kahit na nga patakbo na ang bawat hakbang ko. Eksperto siyang naglakad sa pilapil at ilang beses pang tumalun-talon. Para bang minamani na niya ang paglalakad doon, a. Nadaig pa yata niya ako.

"Love, wait-"

Natapilok ako at nawalan ng balanse! Napangiwi ako dahil pakiramdam ko ay napilipit ang paa ko. Shit.

"Love!"

Dali-dali rin naman siyang bumalikwas papunta sa akin. Nakaguhit sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala.

Kinagat ko ang aking labi at pinigilang kiligin. Suwerte pa yata ang injury ko.

"Are you okay, Love? Saan ka nasaktan?" magkasunod pa niyang tanong habang ini-inspection ang aking paa.

"Okay lang ako. Natapilok lang."

"Can you walk?"

Tumango ako at nang tangka akong tatayo ay agad din siyang nakaalalay sa aking baywang.

"Slowly..." bulong pa niya at wala naman ako sa sariling tumango lang.

Kumapit ako sa kanyang mga braso at dahan-dahang tumayo. Halos mapapikit ako sa sarap ng kanyang amoy. Parang bagong paligo.

"Can you walk?" muli ay tanong niya.

Tumango ako at sinubukang maglakad. Ilang hakbang ay napangiwi ako sa sakit noon. Paniguradong mamaga ito. Pero bago pa man ako makadaing ay agad na niya akong pinangko!

"I'll just carry you."

Tulala akong napatitig lang sa kanyang gwapong mukha bago wala sa sariling tumango. Inikot ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg at pinigilan ang sariling magpakita nang kilig.

Walang kahirap-hirap niya akong kinarga hanggang sa kubo. Para bang wala man lang epekto sa kanya ang bigat ko.

Ibinaba niya ako sa upuan sa sofa bago lumuhod sa aking harapan at tinanggal ang aking may kaunting takong na sapatos. Mataman niya iyong pinagmasdan at iginalaw-galaw.

"Masakit?" nakakunot-noo niya akong tiningala at tanging isang tango lang ulit ang naisagot ko.

Maingat niya iyong hinilut-hilot habang ako naman ay namamanghang tumitig sa kanyang mga kamay. Sa sobrang kinis niya ay halos magpantay ang puti noon sa aking mga binti. Ang mapula-pula niyang mga palad ay para bang 'di babagay sa aking paa.

"Hindi ko puwedeng galawin ito masyado. Baka lalo lang mamaga."

Tumango ako at tipid na ngumiti.

"Sanay naman akong natatapilok. Gagaling din 'to kaagad bukas," paniniguro ko pa.

Hindi naman talaga iyon ganoong kasakit. Kaya kong tiisin. Sinamahan ko lang ng kaunting pag-iinarte para pansinin niya ako.

"Sorry, Love, kung pinaghintay kita ng matagal, a."

Hindi naman siya kaagad nakakibo sa sinabi kong iyon. Sa halip ay humugot lang siya ng isang malalim na buntong-hininga.

"You shouldn't keep me a secret. You have to tell them that you're married to me," matigas pang utos niya at wala akong nagawa kundi ang ngumuso.

Ang seryoso kasi.

"Oo na. Kuha lang ako ng tiyempo."

Muli ay isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan.

"You should shower. Naputikan ka na."

Tumango ako at iyon din naman ang balak ko. Inalalayan niya akong tumayo papunta sa kwarto. Humugot ako ng pambahay sa closet at nakaalalay pa rin niya akong hinatid sa banyo.

"Are you sure kaya mong mag-isa? I can help you." Nakaloloko pa siyang ngumisi.

Pinaikot ko ang aking mga mata at natatawang tinapik siya sa pisngi.

"Kaya ko na po. Puro kalokohan."

Humalakhak lang siya at iiling-iling na tumalikod.

"All right. Call me if you need anything."

Nakangiti kong isinara ang pinto kasabay nang pagwawala ng aking puso.

Continue Reading

You'll Also Like

296K 5.1K 71
People in the underground world say that the utmost thing a man could do is to fall in love. And he did. Now, where will this lead him when love isn'...
5.7K 336 48
[DUOLOGY] Nang dahil sa isang pangako ng nakaraan ay kumapit siya at naghintay sa taong pinakamamahal. Hindi niya akalain na ang minamahal niya na p...
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
1K 80 21
Do opposite attracts? Lovely Jade Collab seems to be the queen of misfortune because of the amount of problems she faces in her life. But despite th...