I'M IN LOVE WITH A MONSTER

By fedejik

1.9M 68.2K 3.2K

Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagk... More

I'm in Love with a Monster
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Ang Kwento sa Likod ng IILWAM

Chapter 11

30.4K 1.1K 47
By fedejik

C H A P T E R 1 1

Hunter Carlson

"I wanna make love with you, Love..." bulong ko pa sa kanyang tainga.

Agad na nanigas ang kanyang katawan at ultimo paghinga ay para bang huminto.

Sabi ko na nga ba. Hindi talaga ako nagkamali nang hinala.

"P-Porky Beans kasi... ano... may dalaw ako." Hinawakan pa niya ang kanyang puson at umarteng parang sumasakit iyon.

Nagtaas ako ng kilay at tumangu-tango.

She's good at this, huh?

"May dalaw ka? You mean, monthly period?"

"Oo, e. Sorry, huh?" Kunwari ay naaawa pa siyang ngumuso sa akin at hinaplus-haplos ang aking mukha. "Wrong timing, Porky Beans."

"Hmm... I understand. Wala naman tayong ibang gagawin... So, maybe we could just cuddle in your bed."

"No!" maagap na protesta pa niya.

I stifle a laugh. I wonder kung anong palusot na naman ang sasabihin niya.

"No?" Umarte akong parang disappointed at sumimangot.

"Look, Darling..."

Darling naman ngayon, huh?

"Mahina na 'yong paa ng papag ko, baka mabali. Tapos lundo na ang foam noon. Ilulubog tayong parehas sa bed. Doon ka na lang sa sala, a." Tinapik-tapik pa niya ako sa dibdib bago nagmamadaling tumalikod.

"Hindi ba kakain pa tayo?" muli ay sabi ko dahilan para mahinto siya sa may pintuan ng kubo.

"Mauna ka na, Porky Beans. Nakapag-merienda na ako sa bayan. Sorry." Nag-peace sign pa siya sa akin bago mabilis na tumalikod. Ni hindi na ako binigyan ng pagkakataong makapagsalita.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at tumingin sa kawalan.

Kung hindi ko asawa itong si Osang, bakit ako nandito sa kubo nila? Bakit kailangan pang magpanggap na asawa ko kung hindi naman?

Kung stalker ko naman, paano niya ako na-kidnap? But it seems she didn't have the capacity to do such horrible thing. And why the hell she had a collection of my pictures and magazines?

Anong ginagawa ko rito? And why I couldn't remember a single thing about me?

Sa dami ng mga tanong, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Gusto ko sanang tanungin na lang siya nang diretso, pero paano kung magsinungaling siya? Paano kung hindi siya magsabi ng totoo? What if tumakas na lang ako? But what if kaya ako may amnesia ay dahil may nangyaring masama sa akin at alam niya iyon?

Oh fvck. Sino ba talaga ako? Sino ba si Hunter Carlson San Victores? Bukod sa sikat at mayamang negosyante, ano pa ba ako? Bakit walang naghahanap sa akin?

Pero agad din akong natigilan sa pag-iisip nang makaramdam ulit ng pangingirot sa aking ulo. Malalaman ko rin ang buong katotohanan. I just needed to be patient and discreet about everything. Kahit pa mukhang hindi ako gagawan ng masama nitong si Osang, may tinatawag siyang Kuya niya na possibleng mas may alam sa mga nangyayari.

What if siya pala ang kumidnap sa akin?

Ugh, where am I going with this?

Dapat na lang ba akong umalis sa lugar na 'to? Or dapat bang sabihin ko na lang kay Osang na alam kong may itinatago siya sa akin? Pero paano kung ikapapahamak ko lang iyon? Paano kung ang pagtakas at paglitaw sa mga mata ng ibang tao ang maging mitya ng buhay ko?

Mariin akong napapikit dahil sa matinding kirot sa aking ulo.

I should fvcking calm down. This is not good!

"Porky Beans? Anong nangyayari?" nag-aalalang tanong pa ni Osang na muling lumabas ng kubo. "Masakit ba ang ulo mo?"

Tumango lang ako at nakangiwing hinilot-hilot ang aking sentido. Tila ba binabarena iyon sa sobrang sakit.

"May iniisip ka na naman ba? 'Wag mo kasing pwersahin." Nag-aalala pa niyang hinaplos ang aking pisngi.

Saglit akong natigilan at napatitig sa kanyang mukha.

All right.

Osang was very pretty.

Wala man siya sa kalingkingan ng mga models na nakasama ko sa pictures at magazine, her beauty was exquisite. Sobrang natural ng kanyang ganda na hindi na nangangailangan ng make-up. Wala sa hitsura niya ang mangangailangang mang-stalk ng lalaki. Lalaki mismo ang hahabol sa kanya.

"Nawala na ba? Saang parte masakit? Hilutin ko ba?" magkakasunod pa niyang tanong.

She seemed sincere. Now, I am pretty sure, wala siyang masamang intensyon sa akin.

"No, Love, I am okay. Mawawala rin siguro ito." Hinilut-hilot ko ang aking sentido at sa tingin ko ay naibsan nga niyon kahit papaano ang sakit.

"Halika, mahiga ka muna at hilutin ko 'yan." Hinawakan niya ang aking kamay at banayad akong hinila papasok sa loob ng kubo.

Mabilis siyang naupo sa upuang naging tulugan ko at ipinatong sa mga hita nito ang unan.

"Mahiga ka. Hihilutin ko." Pinagpag pa niya ang unan at wala naman akong kibo na tumango at sumunod sa gusto niyang mangyari.

Seryoso niyang hinilot ang aking ulo at wala naman ako sa sariling tinitigan ang kanyang mukha.

"Bakit ganyan ka makatitig? May dumi ba ako sa mukha?"

Umiling ako at ginagap ang kanyang kamay. Hinagkan ko iyon at pinagmasdan ang kanyang reaction. Hindi ko alam kung aware ba siyang nakikita kong hindi siya komportable. But I needed to pretend like I wasn't doubting her. Baka nga iyon ang mas makabubuti para sa akin.

Sa ngayon.

And besides, I think I am enjoying this. Osang wasn't a bad catch. I think I could actually kiss her lips all day.

"You're so beautiful, Love. Do you know that?"

Ngumuso lang siya at nangingiting umirap.

"Alam ko na 'yan. Huwag na ipagdiinan pa!"

Humalakhak ako at muling hinalikan ang kanyang palad.

"Thank you for taking good care of me."

"Ikaw pa rin ang gagawa ng mga gawaing bahay kaya 'wag mo na akong bolahin pa."

Tumawa ako at tumangu-tango. Kung bakit niya ako pinapahirapan ay isa ring palaisipan sa akin. Naging masama ba ako sa kanya noon kaya't pinaparusahan niya ako? Pinaghihigantihan kaya?

"But I need to find a job, Love. Mauubos ang pera natin." I needed to give it a shot.

"Ayos lang, Porky Beans. May naibebenta pa naman akong gulay sa palengke. At tsaka, hindi ka pa ganoon kagaling. Baka may mangyari pang masama sa 'yo kaya ako muna ang bahalang dumiskarte."

"Are you sure? Sumasapat ba ang kita sa gulay?" Saglit siyang napaisip at napabuntong-hininga.

"Actually, pangkain lang. Kapag may nagkasakit sa ating dalawa, wala tayong pampagamot. Halamang dahon lang," natatawang aniya at muling hinilut-hilot ang aking ulo.

"I think I should really find a job. Kahit sa bayan man lang."

Umiling lang siya at mapait na ngumiti.

"Trust me, okay? Kaya pa naman. Ako na muna ang bahala."

Tumango ako at hindi na muna nangulit. She was obviously keeping me from other people's eyes. Alam kong marami pa akong matutuklasan sa mga susunod na araw.

Nang sumapit ang hapon ay nagpumilit pa rin akong sumama sa birthday ng malayong kapitbahay na si Tata Cadio. I was curious. Baka sakaling may nakakakilala sa akin. Wala naman siguro sa kanila ang may masamang balak.

Mahaba-haba ang lakarin papunta sa mas looban pang kagubatan. I wonder how easy it is for them to live here. Siguro nga ay pasanayan din. At kaya hirap ako ay dahil hindi ito ang buhay na nakagisnan ko.

"Malayo pa?" hinihingal kong tanong.

I think we've been trecking for almost thirty minutes. Ganoon kalayo ang malayong kapitbahay nila, huh?

"Ayun na, o!" nakangiting sagot pa niya sabay turo sa tumpok ng mga taong nagkakainan.

Surprisingly, may videoke pa. Who would have thought, huh?

"Paano nakapasok ang videoke rito?" I asked curiously.

"Medyo malapit na ito sa kalsada. Mas shortcut kasi kaysa sa kalsada dumaan. Malayo pang iikutin."

"Wasn't there any mode of transportation?" Kumunot ako at hindi ko ma-gets ang point nang pagpapakahirap namin gayong may iba naman palang paraan.

"Mayroon naman kaso matagal ding maghintay."

"So, this is easier for you?"

"Oo naman. Dito ako lumaki, e!" natatawa pang sagot niya at kahit pa walang nakatatawa ay nahawa na rin ako.

She's been treating me a little nicer from the last couple of days. Though, ako pa rin naman ang tagagawa ng lahat. Still, I think I'd been doing a great job.

"OSANG!" malakas na sigaw pa galing sa tumpok ng mga tao roon.

Alanganing nilingon ako ni Osang na para bang gusto nang mag-alangan. Ngumiti ako at nagkunwaring hindi pansin ang reaksyon niyang iyon.

"Uy, kumusta?!" kumakaway pang bati naman ni Osang at mas binilisan pa ang lakad sa karaniwan.

Nagmamadaling sumalubong ang isang babae at mahigpit na niyakap si Osang. Pero nang mag-landing ang tingin nito sa akin ay agad din itong bumitiw nang yakap.

"Anak ka ng tokwa, Osang! Ang pogi naman pala ng asawa mo!" tumitili pang anito, dahilan para lalong ma-focus ang tingin nang nakararami sa akin.

What made me feel uncomfortable was their shameless stares.

"Ako pa ba?!" may himig pagyayabang pang sagot ni Osang sabay lingon sa akin at mapaglarong kumindat.

Saglit siyang pinagkaguluhan ng mga tao roon at kinumusta. Nakakailang man ang pakiramdam, nakatutuwa pa rin silang pagmasdan. Akala mo ba taon silang hindi nagkita-kita sa klase ng kanilang kumustahan.

"So, ikaw pala ang asawa ni Osang?"

Wala ako sa sariling nilingon ang nagsalita. Agad na bumungad sa akin ang magandang babae na tila hindi rin nalalayo ang edad kay Osang. Medyo kayumanggi man ang kulay ng kanyang balat ay makinis naman iyon. She's wearing a spaghetti strap blouse and a tattered shorts. Sa pormahan ay mukhang taga-ciudad siya.

"Hi, I am Ding," pakilala ko na rin sa aking sarili sabay abot ng kamay dito.

I would never get used to this name. Pakiramdam ko ay sidekick ako ni Darna sa pangalang Ding.

How could she come up with such a name?

Impossible wife.

"I'm Regina. I'm friends with Osang." Nilingon pa nito si Osang na noo'y abala pa rin sa pakikipagkuwentuhan.

"Nice to meet you. Nice party." Nilingon ko pa ang tumpok ng mga taong nagsisimula na ring kumain at ang iba naman ay nakapaikot sa videoke.

"Yeah. Gusto ni Nanay ang ganitong salu-salo. Anak nga pala ako ni Lucia at Arcadio."

"Oh, the birthday celebrant?"

"Yup," tumatangong sagot pa nito. "Madalang man akong mauwi sa lugar na ito, pero hindi yata kita nakita ni minsan. Saan kayo nagkakilala ni Osang?"

Sasagot na lang sana ako nang biglang sumulpot si Osang at mahigpit akong niyakap sa baywang.

"Porky Beans, kain na tayo. Gutom ka na, 'di ba?"

Hindi ko napigilang ngumiti at tumangu-tango. Kahit pa ginagawa lang niya ang paglalambing na iyon ay nakatatawa pa ring "Porky Beans" ang endearment niya sa akin.

She's really weird...

"Excuse lang, Regina. Pakakainin ko muna ang asawa ko." Nakangiting nilingon pa niya si Regina, pero hindi ko masabing totoo ang pakikitungo niya rito dahil nakita ko ang pag-ikot ng kanyang mga mata.

"Oh, of course. Kumain muna kayo," sagot naman din ni Regina na hindi ko alam kung napipilitan lang ding makitungo nang maayos dito.

Banayad akong hinila ni Osang palapit sa nakahilerang pagkain at kinuha ng plato.

"Anong gusto mo, Porky Beans?"

"Puro karne ang nakahain."

"So?"

"Akala ko ba, ayoko masyado ng karne?" Pinigilan ko ang mangiti lalo pa nga't natulala siya sa sinabi kong iyon.

I smirked. I could still remember even the slightest detail she told me. She can never get away from me.

"A, e, oo nga. Pero minsan lang naman ito, 'di ba? Kaya sulitin mo na habang libre. Dali na."

Kinagat ko ang aking labi at pinigilang matawa nang malakas. Sa tingin ko'y hindi rin niya natatandaan ang mga pinagsasabi niya noon sa akin.

"Okay, Love. Sinabi mo, e."

Tumango lang naman siya at nanguna pa sa paglalagay ng mga pagkain sa aking plato.    

Continue Reading

You'll Also Like

939K 9K 30
Liana Madriaga, simula bata pa lang sya sanggang dikit na sya sa kapatid nya si Sebastian Madriaga. Sila na siguro yung kahit di tunay na magkapatid...
553K 39.7K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
7.4M 122K 46
Formerly entitled PREGNANT BY MISTAKE. Levesque Series #1 Have you ever thought about getting PREGNANT? But what if its just a result of your drunken...
1.1M 29.7K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...