I'M IN LOVE WITH A MONSTER

By fedejik

1.9M 68.1K 3.2K

Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagk... More

I'm in Love with a Monster
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Ang Kwento sa Likod ng IILWAM

Chapter 7

33.5K 1.1K 72
By fedejik

C H A P T E R 7

Mariposa

Nakasilip ako sa bintana habang pasikretong pinapanood si Hunter na hirap na hirap sa paglalaba. Hindi ko mapigilan ang mangiti dahil ibang Hunter ang nasasaksihan ko ngayon.

Iyan ang bagay sa hambog na kagaya niya! Makaalala man siya at lahat, hindi naman siguro niya kami gagawan ng masama ni Kuya. Sa ngayon, i-enjoy ko ang panahong makaganti man lang sa kasamaan ng ugali niya!

Halos dalawang oras din ang ginugol niya sa paglalaba. Saglit akong nakatulog dahil sa paghihintay, pero nang magising ako ay saktong tapos na siya. Pagpasok pa lang niya sa aming munting sala ay bakas na ang pagod sa kanyang mukha.

"Are you done, Porky Beans?" malambing ko pang tanong at tumatango naman siyang sumagot.

Nang makita kong naglandas ang ilang butil ng pawis sa kanyang mukha ay agad kong kinuha ang bimpo na nakasampay sa may bintana at mabilis na lumapit sa kanya.

"Pawis na pawis ka. Wawa naman, my Love," malambing ko pa ring sabi sabay punas ng pawis sa kanyang mukha.

Awang ang mga labing tumitig siya sa akin na para bang nagulat na ginawa ko iyon.

"You looked surprised?" puna ko pa at bahagyang ngumuso.

Umiling lang naman siya habang matamang nakatitig sa aking mukha. Sobrang lapit niya na ultimo pores niya sa mukha ay kitang-kita ko. No, actually, mukhang wala siyang pores. Sobrang kinis niya at mamula-mula ang mga pisngi. Perpekto ang hugis ng kanyang panga at mula roon ay naglalakbay ang mumunting buhok patungo sa kanyang mapupulang mga labi. Pinunasan ko ang pawis sa kanyang ilong at noon ko lang napagtanto kung gaano rin ka perpekto ang tangos noon. Nang idako ko ang aking paningin sa kanyang mga mata ay saglit akong natigilan. Those are the eyes I admire the most. Brown eyes...

"Do you appreciate what you're looking?" Umismid siya at kung hindi ako nagkakamali ay tinapunan niya ng tingin ang aking mga labi.

Wala ako sa sariling itinikom iyon at nagpamukhang kaswal.

"Of course. Ang gwapo kaya ng asawa ko," nakangiti ko pang sabi. At base sa hitsura niya ay parang hindi siya ganoon ka kumbinsido. Maraming tanong sa kanyang mga mata, pero binalewala ko iyon at mabilis na dumistansya. Siguro ay dapat kong bantayan ang sarili ko. Nagpapaka-fangirl na naman ako sa kuyumad na 'to! Bakit kasi ang gwapo! "Nakabubuwisit!"

"What are you saying?" Kumunot siya na para pa ring nagtatanong ang mga mata.

Saglit akong naghagilap ng mga salita. Hindi ko akalaing nasabi ko pala iyon nang malakas!

Hay naku, Osang!

"Nabubuwisit ako kasi ang sama talaga ng pakiramdam ko. Hindi tuloy kita matulungan," nakasimangot ko pang katwiran at base pa rin sa reaksyon niya ay parang pinag-aaralan pa rin ang mga sagot ko.

May naaalala na kaya siya?

Pero bandang huli ay nag-iwas lang siya ng tingin at piniga ang pagitan ng kanyang kilay.

"Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" Pinilit kong ipahalata ang pag-aalala.

Umiling-iling lang naman siya kasabay nang paghugot niya ng isang malalim na buntong-hininga.

"Alam kong pagod ka na, pero wala pa tayong kakainin, Honey," malambing ko ulit na sabi na nag-paangat ng kanyang tingin sa akin. "Kailangan mo na magluto kasi nagugutom na rin ako. Sobrang sakit ng ulo ko." Umarte akong parang nananakit talaga nang husto ang ulo.

Lihim akong napangiti nang makatalikod at dumiretso ulit sa kawayang sofa para mahiga.

Kunot ang noo na sinundan lang niya ako ng tingin at parang nalilito ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"I don't know how to cook," pag-amin din naman niya sabay nagkamot ng ulo.

"Kaya mo na iyon, Porky Beans. Masama talaga ang pakiramdam ko. Masakit na talaga ang tiyan ko..." Inipit ko ang aking tiyan at nagkunwaring kumikirot talaga iyon.

"Akala ko ba, ulo ang masakit sa'yo?"

Ang tanga mo, Osang!

"Masakit din ang tiyan ko, Honey. Sabay silang sumasakit!" pagdadahilan ko pa at paawang tumitig sa kanya.

Napatikhim siya at madidilim ang mga matang tumitig sa akin.

"Ang daming sumasakit sa'yo," aniya na may halong pang-uuya.

Umismid siya at mapaklang ngumiti habang diretsong nakatitig pa rin sa akin.

"Oo nga, e. Sorry talaga at hindi kita matulungan, Babe," pagda-drama ko pa habang pilit na nagpipigil mangiti.

"Babe? Ganyan ba talaga ang endearment mo sa akin? Parang ang dami," muli ay nagdududa niyang tanong.

"Oo naman, Porky Beans!" mabilis ko rin namang sagot. "Ikaw kaya ang lahat sa akin," malambing ko pa ring sagot na bahagyang nagpalambot sa ekspresyon ng kanyang mukha.

Hindi naman na siya kumibo at iiling-iling na nagpunta sa kusina.

Noon na lang ako nakahinga nang maluwag dahil sa totoo lang ay ang hirap makipag-usap sa kanya. Kinakabahan na natatakot akong hindi ko maintindihan. Titig pa lang niya ay nakapanghihina na ng mga tuhod ko. Inalog ko ang aking ulo at pilit na inalis ang isiping malaki pa rin ang pagkagusto ko sa kanya sa kabila ng mala-demonyo niyang ugali na ipinakita noon. Hindi iyon mabuti. Hindi kailanman magiging mabuti ang ganitong pakiramdam ko sa kanya.

Nagsimulang kumalampag ang mga kaldero sa kusina at mukhang nagsisimula na nga siyang magluto. Ano kayang balak niyang lutuin? Wala ako sa sariling tumawa dahil naiisip ko pa lang na disaster ang kauuwian ng kanyang lulutuin, e, sobrang nagpapaligaya na sa akin. Maramdaman naman niyang failure din siya at hindi ibang tao lang. Hmp!

Nang sa tantiya ko ay nakapagsalang na siya sa kalan ay tsaka ko siya pinuntahan. Nagkunwari pa rin akong masama ang pakiramdam habang naghihilot ng aking ulo at tiyan. Ang galing ko kasi masyado. Dala-dalawa ang sumasakit!

"Porky Beans, are you alright?" nag-aalala ko pang tanong habang siya ay tila naguguluhang gumalaw sa kusina.

"Inuna ko 'yong rice. Lalagyan lang naman ng water 'yon, 'di ba?" taranta pa niyang tanong pabalik.

Sunud-sunod naman akong tumango at hindi na nag-abalang tingnan ang kanyang sinaing.

"Anong iluluto kong ulam?" naguguluhan pa rin niyang tanong habang iginagala ang tingin sa palibot ng kusina.

"Ayan 'yong mga gulay, iluto mo na 'yan. Kahit igisa mo lang, puwede na 'yan," suhestiyon ko pa sabay sulyap sa gulay na nakaipon sa basket sa ibabaw ng table.

"H-ow?" naguguluhan pa rin niyang tanong.

"Igisa mo sa bawang at sibuyas at lagyan mo lang ng spices. Okay na 'yon," walang interest ko pang sagot. Kung tutuusin ay madali nga lang iyon. Magkakatalo lang kung papaano niya titimplahin.

"Walang karne?" Kumunot ang kanyang noo.

"Naku, Honey, bawal sa'yo ang palaging nagkakarne," mabilis ko pang sagot at nagkunwaring nag-aalala pa rin. "Baka kasi ma highblood ka at baka tumaba ka na..." naging pahina ang dating ng boses ko nang maisip ang aking sinabi.

"Tataba ako?" kunot-noo pa niyang hinapyawan ng tingin ang kanyang katawan bago ibalik ang tingin sa akin.

Okay. That's impossible. He was all muscles and toned all over.

"Ako pala ang tataba..." Umubo ako at nagkunwaring hindi pansin ang sinabi ko.

Palpak ka na naman, Osang. Papaanong tataba ang isang 'to, e, puro muscles nga ang katawan! Inikot ko ang aking mga mata dahil sa naglalarong boses sa aking isip. Nababaliw na nga yata ako!

"Ayaw mo kasi ng mataba, Honey. Kaya ayan, diet forevs ako." Paawa effect ko pa.

"Yeah, well, I guess, you're right. You have belly fats," nakangisi pang aniya sabay sulyap sa aking tiyan.

"Huh? Wala naman, a!" Huminga ako nang malalim at pilit na ikinubli ang aking tiyan.

Nagkakataba na pala ako?

"I was just kidding. You should have seen your face!" Malakas siyang tumawa na nagpataas ng aking kilay. May lumilitaw na ring dating Hunter sa kanya.

Ang monster na Hunter na kilala ko!

Ngumisi ako, pero wala akong nararamdamang katatawanan sa tabang sinasabi niya! Sino ba may gustong sinasabihan ng mataba?!

"I was just kidding, Love. Pikon naman," nakangisi pang aniya sabay hapit sa aking baywang.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang dapat na maging reaksyon doon. Nang ibaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg at manipis na hinalikan 'yon ay agad na nanulay ang kilabot sa aking katawan. Sa sobrang gulat ay buong lakas ko siyang itinulak.

Nagtatakang tumitig siya sa aking mukha na para bang hindi rin inaasahan ang aking reaksyon.

"I-I'm sorry... I didn't..." Saglit pa siyang natigilan habang pilit na pinoproseso pa ang ibang mga salita. Ilang beses na ibinuka niya ang kanyang mga labi, pero bandang huli ay naghilot lang ng ito ng sentido. "Am I not allowed to touch my wife?" kunot-noo pa niyang tanong.

Literal akong nanigas at nag-apuhap ng tamang sagot. Shit!

"Um, kasi..." Lumunok ako at tiningnan ang kanyang mg matang nakapirmi ng tingin sa akin.

Say something!

"Mabaho pa kasi ako, Porky Beans. Hindi pa ako naliligo, e. Nakahihiya naman kung maamoy mo ako. And besides, mabaho ka pa rin, 'di ba? Kalalaba mo pa lang at basang-basa ka ng pawis kanina. M-edyo maasim ka na..." dire-diretso ko pang sabi habang pilit na tumitingin nang diretso sa kanyang mga mata.

Pero hindi siya mabaho katulad nang gusto kong iparating sa kanya. He smelled so good, kahit pa wala siyang pabango sa katawan.

Ilang saglit siyang natahimik habang tila tinatantiya ang aking sinabi. Pero bandang huli ay humugot lang siya ng isang malalim na buntong-hininga at tumangu-tango.

"Yeah, sorry. Amoy pawis nga pala ako." Ngumiwi siya sabay nagkamot ng ulo.

"Yeah, eww... 'di ba?" ninenerbiyos pa akong tumawa at umatras na palayo.

"Masakit na talaga ang ngipin ko, higa muna ako," taranta ko pang sabi.

"Masakit na rin ang ngipin mo?"

Ah, shit!

"B-biglang sumakit. Alam mo naman ako, Honey, maraming nararamdaman palagi. Laters, baby!" dali-dali akong tumalikod at parang gusto ko nang lunurin ang sarili ko sa sapa!

Ano ba, Osang?! Ano bang nangyayari sa'yo?!

Continue Reading

You'll Also Like

132K 6.1K 75
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
1.1M 24.1K 37
**TEASER ONLY*TEASER ONLY*TEASER ONLY** Iniwan si Natalie ng Boyfriend nya at sumama sa ibang babae, not just any other girl but a supermodel, aminad...
893K 19.1K 49
[Completed] Gabriel Vargas. Bully, talented, good looking, rich and certified heartbreaker. Mamahalin ko ba ang isang mala-demonyong heartbreaker na...
10.4K 1.5K 33
Isa siyang sa libong libong babae na sobrang minahal ang first love nila at isa siya sa libong libong babae na umiyak at nag mukmok dahil sa kasawian...