I'M IN LOVE WITH A MONSTER

By fedejik

1.9M 68.3K 3.2K

Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagk... More

I'm in Love with a Monster
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Ang Kwento sa Likod ng IILWAM

Chapter 3

42.2K 1.3K 22
By fedejik

C H A P T E R 3

Mariposa

Ilang araw kaming nanatili ni Kuya Regie sa Manila para maghintay sa tawag ng kompanyang sa tingin ko ay may kaunti akong pag-asa. Pero natapos at natapos ang mga araw na iyon ay wala ni isang tumawag sa akin. Mariin akong napapikit at bahagyang nakaramdam ng panghihinayang. Sa tantiya ko ay may pag-asa na sana ako sa dream job ko kaso ay napurnada pa.

Huminga ako nang malalim at tinitigan si Kuya na abala sa pag-aayos ng aming mga damit. Maybe he was right. That job was not meant for me. And yeah, hindi ko na rin pinapangarap makasama ang monster na Hunter na 'yon. Naiisip ko pa lang ang mukha niya ay kumukulo na ang dugo ko.

"Sigurado ka bang sasama ka na sa akin pauwi ng Bulacan, Osang? Puwede namang dito ka na lang muna..." nag-aalangang sabi pa ni Kuya.

At kahit gustuhin ko mang manatili ay hindi sasapat ang perang naipon namin para magtagal pa rito. Ayoko namang maging pabigat sa kanya. Pag-iipunan ko na lang ulit ang pag-a-apply at itutuon ko muna ulit ang atensyon sa pagtatanim ng mga gulay.

"Okay lang, Kuya. Mas madali nang maghintay ng tawag sa probinsya kaysa manatili rito. Masyadong magastos dito." Ngumiwi ako at ilang araw din kaming nagbuhay-mayaman ni Kuya. Kung sa bagay ay wala naman akong pinagsisihan doon. Worth it pa rin naman ang munting bakasyon namin sa Manila.

"Kung sa bagay... Luluwas ka na lang ulit kung sakali?"

"Oo, Kuya. Alam ko naman na ang mga sasakyan."

Tumango lang naman si Kuya at muling ipinagpatuloy ang pag-iimpake.

Hapon na nang makauwi kami sa probinsya ni Kuya. Halos tatlong oras ang inabot ng aming byahe kasama pa roon ang traffic. Pero kapag daw sobrang traffic ay madalas na apat na oras ang byahe patungong Manila. Mabuti na lang at hindi masyadong traffic. Nakahihilo kasi ang dami ng mga taong sumasakay sa bus. Ultimo gitna ay puno ng pasahero.

Nang marating namin ang aming munting kubo ay hindi ko naiwasang ngumiti. Sasaglit na araw pa lang namin iniwan ang aming munting bahay ay agad ko na iyong na-miss. Medyo malayo sa kabihasnan ang kubo namin ni Kuya. Maging kapitbahay ay malalayo rin dahil sa mga nakapagitan sa aming mga pataniman ng mga palay at gulay. Buhay na buhay pa rin ang kagubatan kaya naman sobrang presko ng hangin.

"Na-miss ko ang bahay natin, Kuya," nakangiting sabi ko pa habang nag-aayos ng mga damit sa closet.

Tumangu-tango naman siya sabay iginala ang tingin sa aming kubo. Dalawang kwarto ang aming munting bahay na gawa sa kawayan at dayami. Makalumang kubo pa nga itong matatawag kaya lang ay wala naman kaming sapat na pera para ipasemento man lang iyon.

Matapos na makapaglinis saglit ay agad na rin kaming natulog ni Kuya.

Kinabukasan tulad nang nakagawian ay maaga na naman kaming bumangon ni Kuya para magdilig ng aming mga pananim. Kainaman na rin na nag-uulan nitong mga nakakaraang araw kaya't hindi nagkulang sa tubig ang aming pananim. Sadyang malalamig ang mga kamay namin ni Kuya kaya't mabilis kaming makabuhay kahit na anong mga halaman pa ang magdaan sa aming mga kamay. Sa matagal na panahon ay tanging pagsasaka at pagtatanim ng mga gulay ang nakabuhay sa amin.

Matapos na masigurong maayos ang mga pananim ay pagod akong bumalik sa aming kubo at nahiga sa papag na may manipis na kutson. Muli na namang naglaro sa alaala ko ang nangyari sa pagitan namin ni Hunter. Hindi pa rin ako makapaniwala.

How could I be so stupid?

Nagka-crush ako sa lalaking nuknukan ng sama ang ugali! Mariin akong napapikit nang maalala na naman kung papaano niya ako pinahiya!

Ugh, I hate that guy!

Wala ako sa sariling ibinaling ang tingin sa aking ulunan. Nakadikit doon lahat ng mga pictures niya na kinoleksyon ko simula pa lang na ipakilala siya sa T.V. bilang bagong tagapagmana ng mga San Victores. Noon pa man ay hindi na maikakaila ang angkin niyang kagwapuhan. Kung tutuusin ay daig pa niya ang mga kilalang artista at sikat na mga modelo dahil sa namumukod-tangi niyang kagwapuhan.

He had this fierce look in his eyes. Intimidating. At iyon ang unang impression ko sa kanya. Pero noong ngumiti na siya ay ibang level ng kagwapuhan ang rumehistro sa kanyang mukha. Hindi ko na siya maalis sa isip ko simula noon.

But that was before. Right now, what am I feeling was more than hate. Inalog ko ang aking ulo at pilit na iwinaksi ang mukha ni Hunter sa aking utak. Sayang lang ang oras sa pag-iisip sa kanya. Pumikit ako at pinilit matulog.

"Osang! Tulong!" Malakas na sigaw ni Kuya na nagpagising sa akin.

Wala ako sa sariling hinaplos ang tapat ng aking dibdib dahil sa kabang naramdaman. Kinusot ko ang aking mga mata at tumingin sa labas.

Shit! Madilim na!

Napabalikwas ako ng bangon at dali-daling tumayo. Saglit akong napahawak sa aking ulo dahil sa pagkahilo sa biglaang pagbangon. Masyado akong sinarapan ng tulog! Hindi pa ako nakapagluluto ng hapunan!

"Kuya-" Hindi ko na nakuhang ituloy ang aking sasabihin sa pagkakita pa lang sa mukhang kanina lang ay hindi ko na pinapangarap makita!

Si Hunter!

"Kuya! Anong- Nasaan ka ba? Kuya!" takot pa akong nagpalinga-linga sa paligid, pero walang senyales ng aking kapatid!

Nasaan na ba siya?!

Muli kong binalingan si Hunter na noon ay tila walang buhay na nakahiga sa harapan ng aming kubo. Nababalot ng dugo ang kanyang buong katawan at mukha. Walang senyales ng buhay!

Nanlalamig man ako sa takot ay mabilis akong lumuhod at hinipo ang palapulsuhan nito.

Buhay pa siya!

"Hunter, anong nangyari sa 'yo?! Hunter!" Pinilit ko siyang gisingin, pero wala akong nakuha ni katiting na reaksyon. "Kuya!" Muli ay malakas kong tawag sa aking kapatid habang pilit na nag-aaninag sa dilim.

Nang lumipas pa ang ilang minuto ay buong lakas kong hinila ang walang buhay ni Hunter papasok sa aming kubo. Halos maubos ang lakas ko dahil sa sobrang bigat niya.

Humihingal akong napaupo na lang sa upuang gawa sa kawayan matapos ko siyang maihiga roon.

"Osang!"

Halos malaglag ako sa sobrang pagkagulat sa aking kapatid na naliligo rin sa dugo!

"Kuya! Anong nangyari sa'yo?!" Nanlalaki pa ang mga mata kong tumitig sa kanya. Namumutla ang kanyang labi habang nakatitig sa akin. "B-akit ang dami mong dugo? B-akit nandito si Hunter?" magkakasunod ko pang tanong, pero tarantang mukha lang ang ibinigay niya sa akin.

"Natagpuan ko lang siya malapit sa sapa. Bumagsak ang sasakyan niya sa bangin," naghahabol ng hiningang sagot ni Kuya. Mariin siyang pumikit na akala mo ay may masakit na kung ano sa kanya.

Saglit akong na-blanko sa kanyang sagot. Papaanong napunta si Hunter sa Bulacan? Alam kong taga-Manila siya! Papaanong-

"Punasan mo siya, Osang. Tingnan mong maigi ang mga sugat niya," bilin pa ni Kuya na noo'y iika-ikang pumunta sa kanyang kwarto.

"Hindi ba dapat sa hospital natin siya dalhin, Kuya? Baka may malala siyang sugat na dapat makita ng doctor," taranta ko pang suhestiyon habang hindi ko pa rin alam ang dapat na unahin.

Natatakot akong hawakan siya. Baka mas lalo siyang lumala!

"Malayo tayo sa hospital, Osang. At may mga tao akong nakita... Baka nasa panganib ang buhay n'ya..."

Nilingon ko si Kuya na noon ay nasa may pintuan ng kanyang maliit na kwarto. Para bang ang dami niyang iniisip.

"At anong gusto mong mangyari, Kuya? Tayo ang mapahamak dahil sa kanya?! Kailangan natin siyang dalhin sa hospital!" taranta ko pa ring suhestiyon habang pari't-paritong nagmamartsa sa harapan ng walang malay na si Hunter.

"Osang!"

"Wala tayong responsibilidad sa kanya! Nakalalamang na masama siyang tao kaya may nagtangka sa buhay niya! Pero wala na tayo roon, Kuya! Tahimik tayo rito! Dalhin natin siya sa hospital at hayaan natin siyang matunton ng kung sino mang naghahanap sa kanya!" dire-diretso ko pang sabi habang si Kuya ay malalim na nag-iisip habang nakatitig kay Hunter.

"Tama ka..." nanghihina pa niyang sabi sabay hugot ng malalim na buntong-hininga. "Pero sa ngayon, kailangan muna natin siyang tulungan, Osang."

"Hihingi ako ng tulong sa barangay," suhestiyon ko pa.

"Pero Osang-"

"Ito ang mas tamang gawin, Kuya," matigas ko pang sabi sabay balikwas papunta sa aking kwarto. Dumukot ako ng pera at flashlight sa aking bag. Malayu-layong lakarin 'to, pero puwede akong mag-shortcut sa kakahuyan patungo sa highway. "Ikaw na muna ang bahalang tumingin sa kanya."

Nag-aalangang tumitig sa akin ni Kuya na para bang may gustong sabihin, pero sa halip ay tumango lang siya at mapaklang ngumiti.

"Mag-iingat ka, Osang," nag-aalala pa niyang bilin bago humugot ulit ng malalim na buntong-hininga.

Nang lumabas ako sa aming kubo ay dali-dali ko ring binuksan ang flashlight. Madilim at malamig ang buong paligid. Hindi man ito ang unang pagkakataon na lalabas ako sa gabi ay hindi ko pa rin maiwasang matakot. Palaisipan pa rin kung bakit nakarating si Hunter dito. Wala ako sa sariling umiling dahil sa isiping marami siyang naagrabyadong ibang tao. At sa nasaksihan ko noong nakaraang araw ay hindi talaga impossibleng may magtangka sa kanyang buhay. Nakita ko kung papaano siya makitungo sa iba. He had probably done worse with the others.

He's really a monster!

Matarik at masukal ang daan patungo sa highway. Kung mayroon man akong kinatatakutan sa ngayon, iyon ay ang mga ahas na maaaring namamasyal na sa ganitong oras. Binilisan ko ang galaw habang maingat na tinititigan ang aking inaapakan. Mahirap na.

Matapos ang halos veinte minutos na paglalakad ay narating ko ang highway. Humihingal akong huminto habang nag-iipon ng hangin. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at iginala ang tingin sa paligid. Nakabibingi na ang katahimikan sa paligid. Kung walang tao sa barangay ay maaari ko naman sigurong puntahan ang aming kapitan. Muli akong nagsimulang maglakad at binaybay ang daan patungo sa kabayanan.

Hindi ko matantiya kung gaano kalayo ang aking nalakad, pero nang matanaw ko na ang nagliliwanag na barangay hall ay agad akong nabuhayan ng loob. Pero mabilis din akong natigilan nang mamataan ang ilang kalalakihang may mga nakasukbit na baril sa likuran. Bago ang kanilang mga mukha at ni minsan ay hindi ko nakita sa police station na malapit sa munisipyo. Kumunot ako at pasimpleng nagkubli malapit sa kinatatayuan nila. Agad ko ring nakita si Kapitan na para bang iiling-iling pa habang nakapaikot din ang ilang mga tanod na maagap na nakikinig.

"Sunog na sunog ang katawan noong lalaki. Lasing yata 'yong driver. Kaawa-awa naman," sabi pa noong lalaki na bigotilyo. Sa pagkakaalam ko ay isa siya sa barangay tanod.

"Hinabul-habol nga po namin iyan dahil napakabilis nang pagmamaneho. Pero ayon na nga po, dala na lang din siguro ng kalasingan, nalaglag sa bangin at sumabog ang kotse," sabi pa noong isang lalaki na nakatalikod sa aking gawi.

"Mukhang mayaman pa naman at mamahalin ang tatak ng sasakyan. May nakuha na bang impormasyon kung taga saan 'yan?" tanong ni Kapitan.

Nag-ilingan lamang ang mga tinanong at pamaya-maya'y may umatras na dalawang lalaki at naglakad sa gawi ko. Isiniksik kong maigi ang aking katawan sa sulok upang hindi nila ako makita. Kinakabahan akong hindi ko mawari.

Bakit nakarating ang mga taong iyon dito? Hinahabol nila si Hunter kung ganoon? Pero bakit? At sino ang kasama niyang nasunog?

"Kawawang Hunter, natusta na lang," nakangisi pang sabi noong isang lalaki na tila wrestler sa laki ng katawan.

"Pinadali ng mayabang na gunggong na 'yon ang trabaho natin!" tawang-tawa pang sabi ng isa na hindi rin nagpapahuli sa laki ng katawan.

Agad na lumipad ang aking palad sa aking bibig. Mabilis na nangatog ang aking mga tuhod sa aking pinagtataguan. Mas isiniksik ko pa ang aking sarili sa sulok nang magdaan sila sa tapat ko.

"Tawagan mo na si Bossing. Wala ng milagro. Patay na ang mokong na 'yon. Tapos na ang trabaho natin dito. Walang nakakita sa nangyari kaya safe na safe tayo."

Kulang na lang ay idikit ko ang aking sarili sa pader nang may mga nagsisunuran pa sa dalawang lalaki kanina. At nang tuluyan silang makalayo ay dali-dali rin akong bumalikwas pabalik sa dati kong pinanggalingan.

Continue Reading

You'll Also Like

332K 3.8K 42
Former My Bestfriend, My Fiance Written Year: 2009 Published online started: March 2011 Published online ended: February 2014 ALL RIGHTS RESERVED © O...
160K 16K 67
Benji and Sunshine grew up in the same neighborhood since birth. Both studied at the same school from elementary to high school. Both are the only...
288K 7K 39
"Susuko ka din pala, bakit pinatagal mo pa?" He lost himself until he met a girl who is also lost and very consistent to break the ice in him. Nagkak...
12.9K 942 63
Three boys loved me in three different ways; the first one who saw me as someone who can play fire with him, the second one, whose heart was pure, ob...