The Culprit (UNDER REVISION)

By WrittenbyChu

17.9K 1.7K 2.1K

He is a Police Inspector. She is a Secret Agent. They're two different people and have two different persona... More

Paunang Salita
Case 001: Mission Failed ๐Ÿ‘ฎ
Case 002: 1st Task ๐Ÿ‘ฎ
Case 003: 1st Task ๐Ÿ‘ฎ
Case 004: 1st Task ๐Ÿ‘ฎ
Case 005: 1st Task ๐Ÿ‘ฎ
Case 006: 1st Task ๐Ÿ‘ฎ
Case 007: 1st Task ๐Ÿ‘ฎ
Case 008: Poisoning? ๐Ÿ‘ฎ
Case 009: Missing Case ๐Ÿ‘ฎ
Case 010: Missing Case ๐Ÿ‘ฎ
Case 011: Missing Case ๐Ÿ‘ฎ
Case 012: Missing Case ๐Ÿ‘ฎ
Case 013: PhiloSpy ๐Ÿ‘ฎ
Case 014: False Accusation ๐Ÿ‘ฎ
Case 015: False Accusation๐Ÿ‘ฎ
Case 016: False Accusations ๐Ÿ‘ฎ
Case 017: False Accusation ๐Ÿ‘ฎ
Case 018: Local Election ๐Ÿ‘ฎ
Case 019: Local Election ๐Ÿ‘ฎ
Case 020: Local Election ๐Ÿ‘ฎ
Case 021: Local Election ๐Ÿ‘ฎ
Case 022: Tattoo Brothers ๐Ÿ‘ฎ
Case 023: Tattoo Brothers ๐Ÿ‘ฎ
Case 024: Tattoo Brothers ๐Ÿ‘ฎ
Case 025: Tattoo Brothers ๐Ÿ‘ฎ
Case 026: Tattoo Brothers ๐Ÿ‘ฎ
Case 027: Murder or Suicide? ๐Ÿ‘ฎ
Case 028: Murder or Suicide? (Part 2)๐Ÿ‘ฎ
Case 029: Attempted Rape ๐Ÿ‘ฎ
Case 030: Attempted Rape ๐Ÿ‘ฎ
Reviews
Case 031: Attempted Rape ๐Ÿ‘ฎ
Case 032: The Warden's Death ๐Ÿ‘ฎ
Case 033: The Warden's Death ๐Ÿ‘ฎ
Case 034: Cybercrime ๐Ÿ‘ฎ
Case 035: Cybercrime ๐Ÿ‘ฎ
Case 036: Cybercrime ๐Ÿ‘ฎ
Case 037: Cybercrime ๐Ÿ‘ฎ
Case 038: Cybercrime ๐Ÿ‘ฎ
Case 039: Cybecrime ๐Ÿ‘ฎ
Case 040: Cybercrime ๐Ÿ‘ฎ
Case 041: Alexis' Past ๐Ÿ‘ฎ
Special Chapter (Case from the Past) ๐Ÿ‘ฎ
Case 042: Accomplice ๐Ÿ‘ฎ
Case 043: Accomplice ๐Ÿ‘ฎ
Case 044: Non-Bailable ๐Ÿ‘ฎ
Case 045: Drug Raid ๐Ÿ‘ฎ
Case 046: Drug Raid ๐Ÿ‘ฎ
Case 047: Drug Raid ๐Ÿ‘ฎ
Case 048: Drug Raid ๐Ÿ‘ฎ
Case 049: Drug Raid ๐Ÿ‘ฎ
Case 050: Drug Raid ๐Ÿ‘ฎ
Case 051: Drug Raid ๐Ÿ‘ฎ
Case 053: Delinquent ๐Ÿ‘ฎ
Case 054: Positive ๐Ÿ‘ฎ
Case 055: Positive ๐Ÿ‘ฎ
Case 056: Positive ๐Ÿ‘ฎ
Case 057: Positive ๐Ÿ‘ฎ
Case 058: Serial Killing ๐Ÿ‘ฎ
Case 059: Serial Killing ๐Ÿ‘ฎ
Case 060: Serial Killing ๐Ÿ‘ฎ
Case 061: Prostitution ๐Ÿ‘ฎ
Case 062: Prostitution ๐Ÿ‘ฎ
Case 063: Secret Revealed ๐Ÿ‘ฎ
Case 064: Secret Revealed ๐Ÿ‘ฎ
Special Chapter (Case from the Past Continuation) ๐Ÿ‘ฎ
Case 065: Child Exploitation ๐Ÿ‘ฎ
Case 066: Child Exploitation
Case 067: Deal With The President ๐Ÿ‘ฎ
Case 068: Stalker ๐Ÿ‘ฎ
Case 069: Stalker ๐Ÿ‘ฎ
Case 070: Victim or Murderer? ๐Ÿ‘ฎ
Case 071: Midnight Case ๐Ÿ‘ฎ
Case 072: Midnight Case ๐Ÿ‘ฎ
Case 073: Parricide ๐Ÿ‘ฎ
Case 074: Join Forces ๐Ÿ‘ฎ
Case 075: Join Forces ๐Ÿ‘ฎ
Case 076: Join Forces ๐Ÿ‘ฎ
Case 077: Stalking The Chief ๐Ÿ‘ฎ
Case 078: Staking the Chief ๐Ÿ‘ฎ
Case 079: Frame-Up ๐Ÿ‘ฎ
Case 080: Framed Up ๐Ÿ‘ฎ
Case 081: Framed Up๐Ÿ‘ฎ
Case 082: Capturing the Culprit ๐Ÿ‘ฎ
Case 083: Capturing the Culprit ๐Ÿ‘ฎ
Case 084: Capturing the Culprit ๐Ÿ‘ฎ
Case 085. ALEXIS ๐Ÿ‘ฎ
Case 086. ALEJANDRO ๐Ÿ‘ฎ
Case 087: Second Chance ๐Ÿ‘ฎ
Case 088. Next Chapter๐Ÿ‘ฎ
Case 089. Farewell ๐Ÿ‘ฎ
Case 090. Epilogue ๐Ÿ‘ฎ
EPILOGUE
Otor's Note

Case 052: Delinquent ๐Ÿ‘ฎ

117 6 8
By WrittenbyChu

                                 "Behavior"

ALEXIS
Weeks passed at bumalik sa dati ang lahat. Bumalik kung saan nangangapa silang makahanap ng lead kung nasaan si RDV.

Sa katunayan, hindi na rin niya alam kung makikita pa ba nila ito. Iniwasan niya na rin pumunta sa presinto. Wala na siyang mukhang maihaharap sa mga pulis. Lalo na nang mabalitaan na namatay ang isa sa mga kasamahan ng mga nito. Tama si Alejandro, she should stop meddle with police's business. She will only cause trouble.

Inabala niya ang sarili sa PhiloSpy. Good thing there were few cases reported to their office. Pinagkaabalahan niya ang mga iyon upang malihis na rin ang nga iniisip niya. Tulad ngayon, a woman reported an unidentified suicide or murder case. According to the woman, her student was found dead in his dorm.

Labing pitong taong gulang, 2nd year college student sa isang sikat na paaralan. Dahil ayaw ng pamahalaan ng nasabing paraalan na ipaalam sa media ang aksidente ay sa kanila isinanguni iyon. May sapantaha kasi ang mga ito na isang school personnel ang may gawa ng krimen. Nangyari ang krimen sa dorm na nasa loob din mismo ng school.

"May lakad pa ho ba kayo Ma'am? Pwede po ba niyo akong samahan sa school to check the crime scene?" tanong niya kay Ms. Adora, ang guro ng biktima na siyang lumapit sa tanggapan nila.

"Of course detective."

She grabbed her coat and her key before heading out. Another day, another mystery to solve.

The address of the school is not far from their office kaya naman madali nilang narating iyon.

She headed to the dorm as they reaches the school. She needs to inspect the crime scene first be for interrogating the possible suspects.

"Ma'am you're the first one to find the body right?"

"Yes," Ms. Adora's straight answer.

"Did you see any evidence that will lead us to find the suspect?"

"Actually wala, I just found him under the running water of the shower. Halos magbaha na nga sa kwarto niya."

She inspect the victim's body. Sobrang lamig ng katawan nito. Marahil ay dahil nakatapat raw ito sa shower nang unang maakita ni Ms. Adora. Patay na ang shower pero naroon pa rin ang biktima.

The killer left no clue but one thing she was sure about: the victim was hit by something hard. Kung nagpakamatay ang biktima, dapat ay hawak nito ang kung ano mang bagay na ginamit, pero wala iyon sa crime scene. She checked the whole place pero wala siyang nakita.

She think of any possible thing or murder weapon that will cause brain hemorrhage. Her eyes spotted the victim's trophies-basketball trophy-that were display above the cabinet. She inspect the trophies one by one and she saw one of the trophy has slightly scratches. Hindi nanghinala si Ms. Adora na possibleng iyon ang murder weapon dahil matagal na iyong naka-display. But Alexis think otherwise, kung totoong murder nga ang kasong ito, matalino ang suspect dahil 'di nga naman paghihinalaan ang mga trophy na naka-display. Of course the one who will investigate the crime will surely think that the killer disposed the weapon and don't leave any traces.

Bukod kay Ma'am Adora-na siyang unang nakakita sa bangkay- lima ang may motibong patayin ang biktima.

Adelaide Del Mundo: Student at writer ng school publication. Nagsulat raw ito ng maling balita kay Fritz na dahilan ng pagkakaalitan ng dalawa. Sinabi pa raw ni Fritz na kakasuhan ang babae ng libelo kapag hindi nito binawi ang nasabing ulat na sinagot naman ng babae ng pagbabanta.

Mr. Hondo: The victim's basketball coach, na madalas raw makainitan ng biktima. Madalas daw kasi itong pagbawalan uminom ng coach na siya nitong tinututulan kaya madalas mag-away ang dalawa.

Dylan Go: Adelaide's boyfriend, dahil sa alitan ng girlfriend at ng biktima ay nakisali raw ito sa away ng dalawa. Kasamahan ni Fritz sa basketball na natalo raw nito sa pagiging team captain. Nagpunta rin ito sa dorm ng biktima bago ito natagpuang patay.

April Alonzo: The victim's girlfriend. Isa rin ito sa mga nagpunta sa dorm bago natagpuang patay ang biktima.

Mrs. Imelda Hermosa: property custodian ng school. Nakaalitan din ng biktima, diumano'y dahil sa pagnanakaw nito ng reviewer sa property custodian. At sa engwentrong iyon ay nagbanta rin daw ang guro sa biktma.

A while ago she investigate the suspects' profile and whereabouts. May mga bagay siyang nalaman sa anim na suspek ngunit 'di niya pa kung ano ang kaugnayan ng nga iyon sa kaso. Kahit ang mismong si Mrs. Adelina Tuazon na siyang nag-report ng kaso sa kanya ay sinali niya sa listahan kaya naging lima iyon.

Anim na suspects; isang biktima sino nga kaya ang pumatay sa biktima?

For the second time, she checked the area to find any possible evidence.

•••
The first suspect: Adelaide del Mundo. The one who wrote malicious article about Fritz. Nagtungo siya sa club nito para hingin ang statement ng babae.

A girl wearing think eyeglasses sitting in front of a desk glances up on her. "How can I help you?"

"Meron lang po sana akong ilang katanungan sa'yo."

"About what?"

"About the recent murder at this school. I am a private detective from PhiloSpy," she said showing her ID

"Please take a seat," the girl offered a chair for her.

Naupo naman siya sa silyang inalok nito bago nagpatuloy sa pagtatanong. "Do you mind if I record our conversation?"she asked as she take out from her pocket her recording device. Pinindot niya iyon nang tumango ito bago nagsimulang magtanong. "What do you remember from the day he died?"

"It was just a typically day, nagulat na lang ako when I heard the news."

"Ilang linggo bago siya namatay ay nagsulat ka raw ng article about Fritz, which he claim na 'di totoo at pinagbantaan ka raw nito na kakasuhan ka niya?"

"Well, what I wrote is true, totoo naman na manyakis siya. I wrote the article to spread awareness. I just do my job as one of the writer of the school publication."

"Dahil dito, nagkainitan raw ang boyfriend mo at si Fritz tama ba?"

"To tell you honestly, Fritz and my boyfriend didn't have a perfect relationship. Nadagdagan pa nang dahil sa nangyari. Of course my boyfriend just take my side. He just wanted to protect me, sinugod ba naman ako ni Fritz? How ungentlemanly of him!" Adelaide blew some air.

"Pinagbantaan mo raw si Fritz nang huli kayong magkasagutan?"

Yumuko ang babae bago sumagot. "Yes, but I don't mean it, nasabi ko lang 'yon out of frustration."

"That's all, salamat sa kooperasyon mo."

Ngumiti naman ang babae sa kanya. She clicked off her device and heading out of the room

Pagkalabas niya ng silid ay natanaw niya agad ang gym. Kung nasaan ang pangalawa niyang pakay, ang coach ng varsity kung saan member ang biktima.Dahil oras ng klase nito, naitiyak niyang naroon ang coach. kung wala man ay magtatanong na lang sa mga nagbabasketball doon.

Sumalubong sa kanya ang ingay nang makapasok sa gym. Umilang pa siya para 'di matamaan ng bolang lumilipad sa ere.

Lumapit siya sa lalaking sa tingin niya ay nasa edad kwarenta na. Base sa tinding na kilos nito malamang ito na nga ang basketball coach ni Fritz. Bukod sa mga kabataang lalaking nakasuot ng jersey uniform na nandoon, ay ito lang lamang ang tao roon. So, she presumed na ito na nga ang hinahanap niya. May hawak itong batuta na siyang ginagamit sa pagmamando sa mga players.

According to her research, the coach loves to hold a bat every time the varsity team have practice or game. He use it to instruct -or sometimes hit-his members.

The victim was hit by something hard and the bat-that the coach handle-can be that thing. Alam niyang napakaliit na koneksyon iyon sa kaso ngunit alam niyang 'di niya pwedeng balewalain. Baka nga nagtaon lang na may gagas ang trophy ni Fritz.

"Are you here to ask about Fritz's death?" the man-that she assumed was the coach- walks towards her. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay ito na ang salubong nito sa kanya.

"Yes, sir, I'm a private detective. May mga bagay lang po akong gustong itanong sa inyo,"

"Bilisan mo lang, cause I have a lot of things to do."

She turned on the recorder and flip her notes to the next page. "What can you tell me about Fritz?"

The coach took a deep breath. "Pasaway!"

She like how the couch answered her question straightforwardly. "Sir, madalas n'yo raw ho siyang pagalitan?"

"Actually he's an asset to our team, kaya lang iyon pasaway, mabisyo, kaya naman madalas ko siyang pagbawalan which he always contradicted, kaya madalas kaming 'di magkaintindihan."

"Gan'on ho ba? Sir nasaan po kayo n'ong namatay si Fritz?"

Them man in front of her smirked. "So, am I one of your suspect?"

"Well sir...anyone is suspect here," she said stating the fact. Nahawa na rin siya sa pagiging rude kay Alejandro.

Again the man smirked. Pero alam naman niyang nakuha rin nito ang ibig niyang sabihin. "Well... I'm here in the gym, pero pagkatapos ay umuwi na rin ako. May practice kami n'on and once we were done, Fritz got out of the gym with his friends. May hinala ako na magparty-party na naman sila. Hindi ko na pinigilan dahil wala naman kaming laban kinabukasan, napapagod na rin akong magsaway."

She checked Fritz's social media awhile ago, at tama nga ang sinabi ng coach, ilang oras bago ito mamatay ay nag-post pa ito sa facebook with a hashstag #walwalnigths. But she saw a little flaws, walang picture si Fritz kundi mga bote lamang ng alak ang naka-post.

"Sir, anong oras natapos 'yong practice n'yo?"

"5:00 pm, kung lumampas man mga ilang minuto lang."

"Then you already go home Sir?"
Tumango naman ang lalaki.

"Sir, lagi n'yo po bang hawak iyang pamalo n'yo."

"Oo, nasanay lang ako na hawak 'to, maybe it's one of my weird habit. Minsan ginagamit ko rin panghataw sa kanila pag nagsasaway ako."

"Sir, nawala ho ba itong pamalo n'yo ng gabing namatay si Fritz?"

"Sinasabi mo bang hinataw ko nito si Fritz?"

"Hindi ho, kaya nga tinatanong ko kayo kung nawala. Possible po kasing may nagnakaw at siyang tunay na humampas kay Fritz."

"Tama ka...naiwan ko nga ito n'ong gabing iyon dito sa gym. Kinaumagahan ko na nakuha," Hindi niya alam kung to too ang sinabi nito o sinabi lang iyon para hindi siya maghinala.

"Thank you po Sir," she thanked the man before heading out. Dumidilim na pero kailangan niya pang makausap ang tatlo pang suspects sa listahan niya.

Balak niyang panghuling kausapin si Ma'am Adora, kaya sinunod niya muna si April, ang girlfriend ng biktima.

She make her way to her room, the class was about to finish. Alam niyang ilang minuto na lang ay matatapos na ang klase ngunit dahil hindi na siya makapaghintay at sumungaw siya sa pinto. "Can I speak to April for a moment sir?" all the student's eyes was transfered to her when she approached the professor.

The professor nod giving April a signal to go with her. Tumayo naman ang babae at lumapit sa kanya.

"Ikaw 'yong girlfriend ni Fritz right?"

"Am I one of the suspect?" mahinang tanong nito.

"I just have to interview everyone around him and you're one them."

"Ah... okay," saad nito na para bang nakahinga naman ito ng maluwag.

"Kamusta namang boyfriend si Fritz?"

The tears started to form at the corner of the girl's eyes when she mentioned Fritz name. Isang pa lang namamatay ang biktima kaya naman sariwa pa rito ang nangyari.

"Mapagmahal po siyang boyfriend. He's supportive din po, kaya lang may bisyo siya kaya iyon ang madalas naming pag-awayan."

"Ano bang bisyo niya?" tanong niya at iniangat ang tingin sa babae mula sa notes niya.

"Bukod naman sa pag-iinom at paninigarilyo ay wala na namang iba."

"Nasaan ka noong natagpuan siyang patay sa dorm niya?"

"Actually I went to his dorm, para sana yayain siyang lumabas cause I heard na tapos naman na 'yong basketball practice niya. Kaso lang narinig ko na naliligo siya kaya lumabas na lang ako. Ayaw niya kasi sa lahat ay 'yong naiistorbo ang paliligo niya." Ngumiti ito na para bang may naalalang bagay tungkol sa kasintahan. "Kapag galing kasi sa paglalaro, the first thing he usually do is to take a bath, feeling niya daw kasi ang baho-baho niya."

"Paano mo nasabi ng naliligo siya sa CR?"

"Narinig ko po 'yong lagaslas ng tubig."

"Tinawag mo ba siya?"

"Opo."

"Sumagot ba siya?"

"Hindi po."

Hindi ito sumagot nang tinawag? Alexis furrowed her brows. Possible kayang.... "Okay salamat."

"Tapos na po?"

"Yes, sige balik ka na sa loob," nakangiting sagot niya rito.

"Salamat po."

Dalawa na lang ang kailangan niyang makausap sina Mrs. Imelda at Dylan Go.

Inuna na niya si Mrs. Imelda dahil mas malapit ang faculty roon mula sa homeroom ni April kaysa kay Dylan na nasa dorm at nasa kabaling building pa.

A woman on her fifties opened a door for her. "Hi, how may I help you?"

Ipinakita niya dito ang kanyang ID. "Ako po si Alexis, isang private detective."

"Oh!" Natuptop nito ang bibig at pabulong na sumagot. "Are you here to investigate Fritz Salazar's death."

"Opo."

"Sige pasok ka." Niluwangan nito ang pagkakabukas ng pinto para makapasok siya. Pagkatapos ay muli nitong isinara iyon.

"Do you want anything, coffee, juice?"

Umiling siya at tipid na ngumiti. Iminuwestra naman nito na maupo siya. "No ma'am, don't bother po. Ma'am if it's okay with you, ire-record ko 'yong mga pag-uusapan natin?"

Ngumiti ang Ginang. "Okay lang, do whatever you please."

Binuksan niya muli ang recording device na nakasabit sa leeg. "Ma'am may nakapagsabi kasi na meron daw kayong alitan ni Fritz?"

Kumunot ang noo nito pero sandali lang iyon. "Ah yeah...paano ba naman kasi he stole the reviewer, s'yempre as a property custodian ako ang in-charge roon. Ako ang unang nakaalam ng ginawa niya kaya nagalit ako."

"Ma'am nagkasagutan ba kayo ni Fritz?"

"I didn't killed him if that's what you trying to say."

"No, Ma'am I'm not stating anything. Kailangan ko lang talaga ng malaman ang lahat ng maliit na detalye sa kasong ito. I'm sorry Ma'am, I didn't mean to offend you."

"No, I'm sorry, s'ympre sinong matutuwa na napagbibintangan? Anyway to answer your question yes, we did have a small banter, I sent him to the dean's office pero nagkaayos na rin kami."

"Ma'am totoo ba na pinagbantaan n'yo so Fritz na papatayin n'yo siya?"

"Yes, but what I said exactly was; "Mapapatay talaga kitang bata ka!" It's just a figure of speech. Believe me... I did not intend to kill him literally."

"Thanks for your cooperation Ma'am."

"Maraming salamat din,"

She stood up and leave the office. She wrote down a few more notes about the suspect's behavior.

👮👮

Continue Reading

You'll Also Like

24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...