That Frat Leader (TFL SERIES...

By daddios

263K 6.3K 561

That Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
ANNOUNCEMENT! Chos.
THAT FRAT LEADER IS MY EX (TFLIMP BOOK 2)
BOOK 2- Chapter 1
BOOK 2- Chapter 2
BOOK 2- Chapter 3
BOOK 2- Chapter 4
BOOK 2- Chapter 5
BOOK 2- Chapter 6
BOOK 2- Chapter 7
BOOK 2- Chapter 8
BOOK 2- Chapter 9
BOOK 2- Chapter 10
BOOK 2- Chapter 11
BOOK 2- Chapter 12
BOOK 2- Chapter 13
BOOK 2- Chapter 14
BOOK 2- Chapter 15
BOOK 2-Chapter 16
BOOK 2- Chapter 17
BOOK 2- Chapter 18
BOOK 2- Chapter 19
BOOK 2- Chapter 20
BOOK 2- Chapter 21
BOOK 2- Chapter 22
BOOK 2- Chapter 23
BOOK 2- Chapter 24
BOOK 2- Chapter 25
BOOK 2- Chapter 26
BOOK 2- Chapter 27
BOOK 2- Chapter 28
BOOK 2- Chapter 29
BOOK 2- Chapter 30
BOOK 2- Chapter 31
BOOK 2- Chapter 32
BOOK 2- Chapter 33
BOOK 2- Chapter 34
BOOK 2- Chapter 35
BOOK 2- Chapter 36
BOOK 2- Chapter 37
BOOK 2- Chapter 38
BOOK 2- Chapter 39
BOOK 2- Chapter 40
BOOK 2- Chapter 41
Promotional update ;)
BOOK 2- Chapter 42
BOOK 2- Chapter 43
BOOK 2- Chapter 44
BOOK 2- Chapter 45
BOOK 2- Chapter 46
BOOK 2- Chapter 47
BOOK 2- Chapter 48
BOOK 2 - Chapter 49
BOOK 2- Chapter 50
BOOK 2- Epilogue
THAT FRAT LEADER IS MY FIRST LOVE (BOOK 3)
BOOK 3- Chapter 1
BOOK 3- Chapter 2
BOOK 3- Chapter 3
BOOK 3- Chapter 4
BOOK 3- Chapter 5
BOOK 3- Chapter 6
BOOK 3- Chapter 7
BOOK 3- Chapter 8
BOOK 3- Chapter 9
BOOK 3- Chapter 10
BOOK 3- Chapter 11
BOOK 3- Chapter 12
BOOK 3- Chapter 13
BOOK 3- Chapter 14
BOOK 3- Chapter 15
BOOK 3- Chapter 16
BOOK 3- Chapter 17
BOOK 3- Chapter 18
BOOK 3- Chapter 19
BOOK 3- Chapter 20
BOOK 3- Chapter 21
BOOK 3- Chapter 22
BOOK 3- Chapter 23
BOOK 3- Chapter 24
BOOK 3- Chapter 25
BOOK 3- Chapter 26
BOOK 3- Chapter 27
BOOK 3- Chapter 28
BOOK 3- Chapter 29
BOOK 3- Chapter 30
BOOK 3- Chapter 31
BOOK 3- Chapter 32
BOOK 3- Chapter 33
BOOK 3- Chapter 34
BOOK 3- Chapter 35
BOOK 3- Chapter 36
BOOK 3- Chapter 37
BOOK 3- Chapter 38
BOOK 3 - Chapter 39
BOOK 3 - Chapter 40
BOOK 3 - Chapter 41
BOOK 3 - Chapter 43
BOOK 3 - Chapter 44
BOOK 3 - Chapter 45
BOOK 3 - Chapter 46
BOOK 3 - Chapter 47
BOOK 3 - Chapter 48
BOOK 3 - Chapter 49
BOOK 3 - Chapter 50
BOOK 3 - Special Chapter
LAST

BOOK 3 - Chapter 42

195 7 3
By daddios

CHAPTER 42


"Dwell with the demon in yourself."



Hindi pa rin yata ako makagalaw sa pwesto ko. I don't even know if I should be thankful na hindi ako nakita ni Damon o ni Marie. Bakit sila magkasama? Siya ba ang kinabi-busyhan ng asawa ko?


Marami na naman tanong sa isip ko. Naiinis ako. Nagagalit ako. Gusto kong sugurin si Damon pero kapag nasa ganitong sitwasyon ka na pala, hindi mo talaga alam kung anong uunahin mo.


"Gibrielle?"


Doon lamang ako nakabalik sa aking sarili. Napalingon ako sa babaeng ang laki ng pinagbago magmula ng huli ko siyang makita sa ospital noon. She's still simple looking though.


"Salamat dahil pumayag ka makipagkita at isama ang anak ko." Aniya nang makaupo na siya sa tapat ko.


Medyo nangggugulo si Avee, hindi ko alam bakit. Palagi naman siyang tahimik lang pero ngayon para siyang irita dahil na rin siguro sa medyo mainit dito sa loob ng cafeteria.


"Pwede bang lumipat tayo?" Iyon ang naisatinig ko magmula kanina.


Nagtataka man siya ay tumango na lamang. Nauna na akong tumayo at doon kami sa kabilang pintuan lumabas para hindi kami makita ni Damon. Kung hindi ko lang kasama si Avee, at kung hindi lang ako nakikipagkita kay Claire ngayon, baka magsstay pa ako sa loob at hihintayin ko sila matapos mag-usap. Gustong gusto ko lapitan si Damon at tanungin pero kinakabahan ako. Kung ano anong pumapasok sa isip ko, which is very unusual for me. Gusto kong intindihin si Damon. Gusto kong isipin na may dahilan siya pero hindi ako makaisip ng kahit na anong magandang dahilan para magkita pa sila ng ex niya.


Nang makalipat kami sa isang restaurant, natahimik na si Avee. Dahil nga siguro sa init kaya siya nagwala kanina.


"Pwede ko ba siyang hawakan?"


Hindi ako nagdalawang-isip na ibigay si Avee kay Claire. Tahimik pa rin si Avee habang nasa kanlungan ng tunay niyang ina. Nag-init ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong unahin dahil naguguluhan talaga ako. Bakit kasi ganito? Bakit ba kasi magkasama sina Marie at Damon?


"Anong pangalan niya?" Tanong ni Claire. Habang pinagmamasdan ko silang dalawa, hindi pa rin maitatago na sila ng ang tunay na mag-ina.


"Adie Venice. Avee..." Tipid akong ngumiti.


"Hi, Avee." Tawag ni Claire sa kanyang anak. Busy sa pag-abot ng pagkain si Avee. "I'm sorry kung iniwan kita..."

Kinabahan na naman ako. Gusto na ba niyang kunin si Avee sa akin? Pero ako ang legal guardian ni Avee diba? Ako ang mommy niya. Pero bakit ganun? Kahit anong gusto kong ipaglaban si Avee, kinokontra ako ng sarili ko at sinasabing wala akong karapatan sa bata dahil hindi ako ang tunay niyang ina.


"Mahal na mahal kita, anak..." Dagdag pa ni Claire.


"H-How are you?" Tinitigan ko siya.


Lumipat ang tingin ni Claire sa akin. Tipid siyang ngumiti sa akin. "I couldn't thank you enough for taking care of my daughter."


Anong klaseng sagot iyon?


"I consider Avee my life saver." Iyon na lang ang sinagot ko rin.


That was true. Dumating si Avee sa buhay ko nung mga panahong wasak na wasak ako dahil sa pagtakas namin. Araw araw akong malungkot at gabi gabi akong umiiyak. I don't even know how to cope up with the surroundings. Hindi ko alam paano ko haharapin ang bawat bukas na alam kong iniwan ko na lang basta ang mga taong importante sa akin.


Hindi rin sinasadya ang pagkikita namin ni Claire. Maybe, God used me as His instrument to save Claire's life and Avee's life. Hindi ko rin inaasahan na iiwan siya ni Claire at sa akin niya ipagkakatiwala ang bata. Inako ko ang responsibilidad at dahil sa kanya, naging busy ako. Konting panahon na lang na naaalala ko ang iniwan ko dahil sa busy akong alagaan siya. Dahil sa kanya naranasan ko kung paano maging ina.


"Okay na ako ngayon... Maayos na kami ng pamilya ko..."


Lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Nakakuyom na ang kamao ko sa ilalim ng table. Pinipilit kong iwasan isipin ang mga naiisip kong susunod niyang sasabihin.


"Ako 'yung nag-bigay ng dugo sa kanya nung nagka-dengue siya." Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Claire. "Doon nalaman ng mga magulang ko that I have a daughter." Tumulo na ang kanyang luha. "Akala nila pinalaglag ko siya dahil sa nangyari sa akin, dahil hindi nila matanggap ang bata... Pero nung mga panahon na 'yon, nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin sa mga magulang ko. They gave me guidance and help to survive again even after forsaking my own daughter."


"Claire..." Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko. Ano na ba talagang uunahin ko?


"I know how much you love Avee... our daughter. At kahit ako labag sa loob ko na saktan ka dahil kasalanan ko kung bakit napalapit ka sa bata, in the first place, pinaampon ko siya sayo. Pero Gibrielle... I want my daughter back."


Nagpanting na ang tainga ko. Tumulo na talaga ang luha ko. Ang sakit sa dibdib. Para akong mawawalan ng hininga kahit pa hindi naman ako humahagulhol. Anong gagawin ko? Kailangan ko si Hunter para mag-desisyon sa anak namin. Kailangan ko si Damon para pagaanin ang loob ko pero isa rin siyang dahilan kung bakit ang bigat ng nararamdaman ko ngayon.


Napailing ako. Kahit anong gawin ko, kahit ano pang papel ang panghawakan ko, si Claire pa rin ang tunay na ina. Pero hindi ko kayang basta na lang ibalik sa kanya si Avee. Mahal na mahal ko si Avee. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala na siya sa buhay ko.


"Hindi ko naman siya ipagdadamot sayo. You can always visit her. I can always set up a day para magkasama kayo."


No! Kahit pa ganun ang mangyari, hindi ko pa rin kakayanin na hindi ko na siya kasama buong araw, hindi ko na siya mapapaliguan at babantayan, hindi ko na siya mapapakain at maaalagaan. Avee's my daughter. Avee is part of my life.


"Ganun na lang ba kadali?" Umiiyak kong tanong.


"I'm sorry, Gibrielle. Kasalanan ko 'to."


"Hindi ko kakayanin malayo sa anak ko."


"Alam kong nakahanap ka ng trabaho. You will be busy. Baka oras na para kunin ko si Avee at magtayo ka ng sarili mong pamilya... I'm really sorry kung parang bagay lang ang anak ko kung kunin ko sayo. Ako na bahala sa papers. I just hope for your cooperation."


Bakit ganun sa kanya kadaling bitawan ang mga salitang iyon? Dahil ba siya ang tunay na ina? Pero hindi siya ang nagpalaki sa bata. Hindi siya ang naghehele at nagtitimpla ng gatas ni Avee nung kailangan na niyang matulog. Hindi siya ang nagpapalit ng diaper ni Avee kapag may dumi na siya. Hindi siya ang nagpapaligo kay Avee.


Pero kahit anong sabihin ko, siya pa rin ang lamang. Siya ang tunay na ina ni Avee. Ano nga bang laban ng papel? Ano bang laban ko sa tunay na nagluwal sa kanya sa mundong ito?


Napahagulhol na ako. "Hindi ko kayang mawala si Avee sa akin."


"Mas masasaktan ka kung patatagalin ko pa siya sa piling mo. Alam ko ang kapal ng mukha ko para basta na lang kunin ulit sayo ang anak ko matapos ko siyang iwan. Pero hindi ko siya iniwan. Nakiusap ako na ikaw muna ang mag-aruga sa kanya habang hinahanap ko ang sarili ko. I'm very sorry dahil hindi ko inisip ang ibang tao, mas inuna ko ang sarili ko."


"Ano bang pwede kong gawin para wag mong kunin sa akin ang anak ko?" Nagmamakaawa kong tanong.


Ano rin bang dapat kong gawin para wala ng umagaw sa asawa ko?


"Gibrielle, I'm very sorry. Ayokong dalhin ito sa korte dahil malaki ang utang na loob ko sayo kaya nakikiusap ako, sana maayos natin ito."


Hunter, please... I need you. Papayag ba ako? Anong gagawin ko? May laban pa ba ako?


Napalingon ako kay Avee na tahimik pa rin sa kandungan ni Claire. Sino nga ba naman ako para hadlangan ang tunay na mag-ina? Mahal ko si Avee kaya gusto kong maging masaya siya. Baka mas hindi ko na kayang ibalik pa siya kay Claire kung sa akin pa siya lalaki. Gaya ng sabi ni Claire, hindi naman niya ipagkakait sa akin ang bata.


"Huwag na huwag mong pababayaan si Avee." Tuloy tuloy na bumuhos ang mga luha ko. "Sana makilala pa rin niya ako bilang Mommy Gibrielle niya paglaki niya."


Ngumiti si Claire. "You will always be her Mommy Gibrielle. She may not know her real father, I know she'll be contented having two mommies."


Saka ko naalala ang mga memories namin kasama si Hunter. "She also has a father. Si Hunter ang nagbigay sa kanya ng apelyido. Maaalis man sa kanya iyon pero sana lagi mo rin siyang banggitin sa kanya."


"I will. Hindi ko rin siya ipagdadamot sa kanya. Hindi ko ipagdadamot si Avee sa inyong lahat."


"Promise me."


"I promise!"


Tumayo ako at kinuha muli si Avee. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang sakit sa loob ko. Kahit anong tapang ko bago ang araw na 'to na hindi ko ibibigay si Avee kay Claire, talo pa rin talaga ako.


Napag-usapan namin ni Claire na ipapahatid ko na lang ang ibang gamit ni Avee sa susunod kaming magkikita. Gusto ko na lang din muna sila ienjoy at bawiin ang isa't isa. Nilingon ko si Avee na nakangiti pa rin sa akin.


"Mami!" Tawag niya.


Hindi tumitigil ang pag-iyak ko. Avee will always be my panganay.


"Bye baby. It's time for you to go back to your real mommy. But know that I'll always be here for you as your mami. Your mama Claire and I will make sure that you will grow beautiful and strong." Hinalikan ko siya sa noo.


"Thank you sa lahat, Gibrielle." Sabi ni Claire.


"Thank you rin kasi pinahiram mo sakin si Avee kahit sa sandaling panahon."


I bid my goodbye to them. Iniwan ko na sila doon sa restaurant. Inayos ko ang sarili ko at lumingon ulit sa cafeteria kung saan kami kanina. Hindi ko na makita kung nandun pa rin ba sina Damon at Marie pero wala naman akong makitang puting ford explorer na naka-park sa labas ng cafeteria.


Nag-abang ako ng taxi at umuwi muna kina Tita Joy. Lahat sila nagtataka kung nasaan si Avee. Saka ko kinwento sa kanila lahat maliban dun sa tungkol kay Damon. Bumuhos na naman ang luha ko. Ayokong umuwi sa bahay namin ni Damon. May mga damit pa rin naman ako dito kaya pwede akong mag-stay. Pero anong idadahilan ko sa kanila?


"Tita, can I stay here for the night?"


Nagtaka agad si Tita Joy. "Bakit? May problema ba kayo ni Damon, hija?"


"Baka dahil kay Avee ma." Bulong ni Naio.


"Ngayon lang po tita."


"Oo naman. Nasabihan mo na ba ang asawa mo?"


"Ako na po ang bahala."


Ramdam na ramdam ko ang pagkalanta ko magmula ng makauwi ako dito sa bahay. Nagpaalam na ako at iniwan sila sa sala. Sinabi ko ring wala akong ganang kumain ng hapunan at magpapahinga na lang ako sa kwarto.


Pinatay ko agad ang phone ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil binalik ko si Avee kay Claire na alam kong iyon ang tama kahit pa masakit pa rin dahil anak ko na talaga si Avee. Pero may kung ano pa rin sa akin na hindi matahimik dahil sa nakita kong magkasama sina Marie at Damon.


Alam ko pakikinggan ko ang sasabihin ni Damon pero bakit iba ito sa dati? Dahil ba mag-asawa na kami? Nagseselos ba ako? Masama bang magselos ako? Asawa ko na si Damon diba? Bakit magkasama sila ng ex niya kanina? Siya ba ang dahilan kung bakit ang busy ni Damon at maaga siyang umalis kaninang umaga?


Naiinis na naman ako. Naiinis ako kay Damon at sa sarili ko. Ayokong isipin na may namamagitan pa rin sa kanilang dalawa. Naiinis ako dahil naiisip ko iyon.


Nakarinig ako ng katok sa pintuan pero masyado nang mabigat ang pakiramdam ko. Nakapikit na ako at para bang nawala na lang lahat. Nagising ako na hindi ko alam kung anong oras. I saw Damon sitting beside me, watching me asleep. Hindi nagbago ang ekspresyon nang magmulat ako ng mata. Hindi na ako magtataka kung bakit nandito siya kahit pa hindi ako nagpaalam sa kanya kagabi.


Umupo ako pero lumayo ako ng onti sa kanya. Mabibigat ang mga tingin niya sa akin. Napagtanto kong madaling araw pa lang dahil madilim pa sa labas at nabasa ko ang oras sa soot niyang relo.


Muling bumalik sa isip ko ang nakita ko kanina. Hindi ko alam pero nag-uunahan ang mga nararamdaman ko. Magagalit ba ako at susumbatan siya? Magtatanong ba ako para marinig ko na ang explanation niya? Iiyak ba ako?


Pareho pa rin ang soot niya kaya alam kong dumiretso siya dito. Sigurado akong tumawag siya sakin pero pinatay ko ang phone ko kaya kina Tita Joy na siya tumawag at nalamang nandito ako.


For the first time, ang bigat ng paligid naming dalawa. Ramdam ko ang titig niyang hindi ko masuklian.


"I'm sorry..." Aniya.


Sorry saan? Sa pagkikita niyo ni Marie kanina? Sorry dahil nagsisisi ka ng ako ang pinili mo? Sorry dahil mas pipiliin mo na siya kaysa sa akin? Bakit parang mas lumalala ang mga tanong ko ngayon! Naiinis ako sa demonyong ito sa loob ko dahil kung ano ano ang mga sinasabi niya.


"Para saan?" Mahinahon kong tanong.


"Sorry because I'm not a good husband to you."


Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pagsosorry niya. Parang ayoko na lang marinig. Bigla na lang parang nagsawa na ako sa mga sinasabi at sasabihin niya? Ang bigat ng loob ko dahil hindi ko mapigilan ang pagbabago kong ito.


"Hindi man lang kita nasamahan makipagkita kay Claire. Hindi ko siya napigilan kunin sayo si Avee."


Dahil sa sinabi niyang iyon, bumuhos na naman ang luha ko. Nakakapanibago. Dati kapag gigising ako, lilingunin ko agad si Avee kung gising ba o kung puno na ang diaper niya o gusto na niyang dumede. Ngayon wala na siya sa tabi ko. Wala na akong pagkakaabalahan pa na alagaan.


"I was mad at myself coz I thought you were mad at me about having a job."


Muli akong napalingon sa kanya. Oo nga pala, hindi nga pala maayos ang pag-uusap namin nang dahil doon. Hindi nga pala niya tanggap na naghanap ako ng trabaho at sa BPO pa ako natanggap. Nahihiya ba siya sa nakuha kong trabaho? Pero ganun ang trabaho ni Ate Gail noon at ni Hunter ngayon. Pero iniisip niya iba ang paligid ng ganung trabaho at maraming lalake. Alam ba niyang nakita ko sila ni Marie na magkasama kanina?


Gusto kong sumigaw sa galit. Galit sa kanya at galit sa sarili ko. Bakit ako nagkakaganito?


"You don't deserve this, bhie."


I melted with his bhie. Pero hindi naalis ang bigat ng nararamdaman ko. Ganun pa rin.


Don't I deserve what's happening to me? Paano niya nasabi iyon? Ano nga bang ginawa ko? Bakit ako nakipagkita kay Claire? Edi sana nasa piling ko pa rin si Avee. Edi sana hindi ko nakita na magkasama sila ni Marie.


"Gusto ko ng magpahinga." Iyon na lang ang sinabi ko.


Mabigat talaga ang pakiramdam ko. Feeling ko magkakasakit ako. Hindi ko na tinignan ang reaksyon niya. Humiga na ulit ako. Bahala siya kung saan siya matutulog. Kung uuwi ba siya ng bahay o magstay dito. I suddenly felt I don't care.


Pumikit na ako at hinayaan siya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.


"I'm really sorry." Aniya bago umalis.


Nang marinig ko na ang pagsara ng pintuan, nagbara ang lalamunan ko at bumuhos ng bumuhos ang mga luha ko. Ang sakit. Sobra akong nasasaktan ngayon. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko.


I really don't deserve this right? Pero deserve ba ni Damon ito? Naaawa ako sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ako nagkakaganito. Pero dapat ba akong maawa? Magkasama sila ni Marie kanina. Marie was his ex. She was his past. Bakit ganun? Kahit pa ako ang first love at ako ang pinili, ako ang asawa, ako pa rin ang talunan. Ako pa rin itong umiiyak. Ako pa rin itong mag-isa.


Hindi na ako makatulog. Kung ano ano na lang ang sumasagi sa isip ko. Nakatitig ako sa wall clock at sinusundan ang pag-ikot nito. Hindi ko na mabilang kung ilang oras na akong gising magmula kanina. Nilalamig ako. Nangingig yata ang katawan ko. Ramdam ko ang lamig pero parang mainit ang katawan ko. Kinapa ko ang noo ko at tama nga ako. Tinamaan na ako ng sakit at wala pa akong maayos na tulog.


Pinilit kong bumangon. Nag-ayos ako sandali at lumabas na ng kwarto. Nagulat ako ng makita ko si Damon sa sala at sa sofa siya natutulog. Akala ko umuwi siya ng bahay. Gusto ko ulit maiyak pero parang naubos na ang luha ko. Magpapaalam na sana akong uuwi pero nandito naman si Damon.


Nagpunta ako sa kusina at naabutan ko si Tita Joy na naghahanda ng almusal.


"O Gibrielle ang aga mong nagising? Saka bakit ang tamlay ng itsura mo?"


Bahagya lang akong ngumiti. Lumapit siya sakin at sinapo ang noo ko.


"Aba jusko! Nilalagnat ka!" Inalalayan niya akong makaupo. "Bumalik na dun sa kwarto mo at ipaghahanda kita ng makakain saka gamot."


"Tita okay lang po ako."


"Kahit ano pang sabihin mo, alam kong hindi. At alam kong hindi lang 'to dahil kay Avee." Lumayo siya sa akin at tinawag si Damon. "Damon! Ihatid mo nga 'tong asawa mo sa kwarto at may sakit!"


Para bang agad na tumayo si Damon dahil ang bilis niyang makalapit sa amin. "May sakit ka?" Tanong niya sa akin.


"Hindi ako nanghihimasok sa buhay mag-asawa ninyo pero ayusin niyo 'yan." Nag-iba ang tono ng boses ni Tita Joy. "Ipasok mo ulit sa kwarto ang asawa mo, Damon. Ihahatid ko na lang ang pagkain at gamot."


Hinawakan ako ni Damon at hinayaan ko siyang alalayan ako pabalik ng kwarto. Hindi pa rin kami nag-uusap hanggang sa humiga na ulit ako. Inayos niya ang kumot at binalot sa katawan ko. Naawa ulit ako dahil hindi pa rin siya nakakapag-palit ng damit.


"Umuwi ka muna ng bahay para makapagpalit." Sabi ko.


"Hindi kita iiwan dito. I'll just borrow some extra from Kai."


Hindi na ako nakipagtalo pa. Kahit pa hindi kami okay, inalagaan niya pa rin ako ng tama. Sinusubuan niya ako at pinainom ng gamot.


"Just rest. Maliligo lang ako." Aniya at hinalikan ako sa noo.


We both don't deserve this, right? Mag-asawa kami. Dapat pag-usapan namin ang problema. Hindi na kami mga bata pa na nasa relasyon lang ng hindi magpapansinan kapag nagkatampuhan. We should fix this as soon as possible. Hindi pwedeng kung ano lang o sino ang sisira ng relasyon naming dalawa.


Hindi ako pumikit at hinihintay si Damon. Biglang tumunog ang cellphone niya kaya bumangon ako at kinuha ito. It was just a text message but it ruin all the chances and possibilities that I hoped earlier. Akala ko makikipag-ayos na ako kay Damon. It looks like it just add salt to the wound.


It was a text from Marie saying...


Thank you so much for the last chance, Damon! Thank you rin sa paghatid kahapon. I owe you a lot and I'll make it up to you.


Kumuyom ang kamao ko. Mas lalo akong nainis at nagalit. Paano pa ako makikipag-ayos kay Damon kung ganitong may koneksyon na naman sila ni Marie? And what's with the last chance? Last chance na maging sila kahit pa kasal na kami?


Binalik ko na ang cellphone niya. Hindi ko binuksan ang message dahil nabasa ko na iyon mula sa notification sa phone. Damon will not know that I have read it and I know their communication.


Bumalik na si Damon sa kwarto looking fresh dahil sa pagligo. Hindi ko siya pinapansin. Hindi rin niya binibigyan ng pansin ang kanyang phone. Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako. Malungkot pa rin ang kanyang mukha. How dare you look like you're sad? Naiinis ako. Naiinis ako sayo Damon! How could you do this to me?


"Bhie, are we okay?"


Hindi ko siya nililingon. Hindi ko rin siya sinagot. I really know that this is the first time that I have felt this. 'Yung tipong mula nang maging kami ni Damon, I always know that he has reasons. Alam ko tatanggapin ko ang rason niya dahil may tiwala ako sa kanya, dahil mahal ko siya. Pero kahit anong gusto kong gawin na ganun ang isipin ko, parang ang hirap ngayon? Kung kailan mag-asawa na kami?


"I know... sorry won't do anything." He sighed. "Pero kausapin mo naman ako, Gibrielle. I want to know what's the problem. Did I do something wrong? I definitely did something, right? This isn't just about you losing Avee."


Naiiyak ako. Naiinis ako. Bakit dati pakiramdam ko alam niya agad ang problema namin kahit hindi ko pa sinasabi. Bakit ngayon hindi? Alam naman niyang nagkikita pa rin sila ni Marie pero parang wala lang sa kanya.


Bago kami kinasal ni Damon, nung mga panahong nagalit si Traz sa kanya, I know something was not right. And Damon knew that I wasn't comfortable. But now that I have seen them two, he doesn't know what's the reason why I'm being like this.


Inabot ni Damon ang kamay ko. Hinalikan niya ito at pinaglaruan ang soot kong singsing. "I'm scared of thinking that you need space..."


Do I need that? Baka nga. Baka sakaling kapag naghiwalay sandali kami, mahanap niya ang sarili niya, mahanap ko ang sarili ko. Maisip niya kung gaano kahalaga ang relationship namin. Kung gaano kahalaga ang bawat isa sa amin.


Pero natatakot ako. Ayokong humantong sa ganun kahit pa nagagalit ako ngayon. May konsiderasyon pa rin ako. Sinasabi ng utak ko na hindi tamang makipaghiwalay dahil problema namin ito bilang mag-asawa. Pagsubok lang ito.


"I'm okay." but not fine. "Baka nakakasagabal ako sa work mo. You can go."


"Tinutulak mo ba ako palayo?"


Umiling ako. "May trabaho ka diba?"


"What's the sense of working for our future if we're not okay? If my inspiration is not okay with me?"


He's really good with words. Pero hindi katulad ng dati na bumibigay agad ako. Bakit? Bakit kayo magkasama ni Marie?


Do you still love her? May puwang ba siya diyan sa puso mo, Damon? Ayokong may kahati sa puso mo. Ayokong may ibang babae ang gumugulo sayo. I want to be selfish this time. Gusto kitang ipagdamot lalo na sa kanya. I found Marie as my biggest rival in your heart. At mas nakakainis dahil nararamdaman ko ito.


"Gibrielle, you can tell me what's bothering you. You can tell me all your problems and worries. Asawa mo ako, diba?"


"Do-" I was suddenly cut off when my phone rings. Si Damon siguro ang nag-turn on ulit nito.


Umiwas ako sa kanya at naexcite nang makitang si Claire ang tumatawag. I already saved her phone number.


"Claire? Napatawag ka? May problema ba sa anak ko?" I instantly bit my lip. Hindi ko dapat sinabi ang anak ko. Nakakahiya.


"No..." Naramdaman ko ang mahina niyang pagtawa. "Namiss ka yata ni Avee. She's been calling you since she woke up."


Tumulo na naman ang luha ko. Lumapit agad si Damon na para bang okay kami.


"I'm sorry..." Why am I sorry?


"You don't have to. You available on face time?"


"Sige..."


Pinatay na niya ang tawag at sumunod naman ang pagtawag niya sa facetime. Sinagot ko agad iyon at nakita ko si Avee. Nagliwanag agad ang kanyang ngiti nang makita ako.


"Mami!"


"Baby!! I miss you so much!"


"Mami!"


"Kiss, mami!" Nilapit ko ang mukha ko sa screen at ngumuso. Natuwa ako nang halikan ni Avee ang phone ni Claire.


Nakakalungkot isipin na hanggang facetime na lang kami magkita ni Avee ngayon. Nakipaglaro at kinausap ko siya sa phone ng ilang minuto. Ako na mismo ang nagpaalam dahil nasasaktan ulit ako. Nalulungkot ako dahil hindi ko pa rin tanggap na basta ko na lang siya binalik kay Claire. At hindi pa ito alam ni Hunter.


Naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Damon sa akin habang humahagulhol ako. Wala pa ring kupas ang yakap niya kahit ganito ang sitwasyon namin. I really need you, Damon. Gusto ko talagang magkaayos tayo pero naiisip ko na magkasama kayo ni Marie kahapon. Naiisip ko ang nilalaman ng kanyang text.


Do you still love me the way you do before? Am I still the only one occupying your heart?

Continue Reading

You'll Also Like

380K 8.4K 51
Prologue: How to be a gangster? - Never care - Never have mercy - Fight or die - Kill or be killed - Fight fairly - Never surrender - Be the stronges...
13.8K 910 48
Kam had a wonderful life. She was beautiful, rich, and famous. She had it all. Except Cole Bloodworth. She lost him a few years ago but now he's back...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
2.2M 147K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...