The Lost Princess

By yeexizx

910K 20.5K 1.1K

BOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga al... More

The Lost Princess | Prologue
Kabanata I - Chapter 1
Kabanata II - Chapter 2
Kabanata III - Chapter 3
Kabanata IV - Chapter 4
Kabanata V - Chapter 5
Kabanata VI - Chapter 6
Kabanata VII - Chapter 7
Kabanata VIII - Chapter 8
Main Characters
Kabanata IX - Chapter 9
Kabanata X - Chapter 10
Kabanata XII - Chapter 12
Kabanata XIII - Chapter 13
Kabanata XIV - Chapter 14
Kabanata XV - Chapter 15
Kabanata XVI - Chapter 16
Kabanata XVII - Chapter 17
Kabanata XVIII - Chapter 18
Kabanata XIX - Chapter 19
Kabanata XX - Chapter 20
Kabanata XXI - Chapter 21
Kabanata XXII - Chapter 22
Kabanata XXIII - Chapter 23
Kabanata XXIV - Chapter 24
Kabanata XXV - Chapter 25
Kabanata XXVI - Chapter 26
Kabanata XXVII - Chapter 27
Kabanata XXVIII - Chapter 28
Kabanata XXIX - Chapter 29
Kabanata XXX - Chapter 30
Kabanata XXXI - Chapter 31
Kabanata XXXII - Chapter 32
Kabanata XXXIII - Chapter 33
Kabanata XXXIV - Chapter 34
Kabanata XXXV - Chapter 35
Kabanata XXXVI - Chapter 36
Kabanata XXXVII - Chapter 37
Kabanata XXXVIII - Chapter 38
Kabanata XXXIX - Chapter 39
Kabanata XL - Chapter 40
Kabanata XLI - Chapter 41
Kabanata XLII - Chapter 42
Kabanata XLIII - Chapter 43
Kabanata XLIV - Chapter 44
Kabanata XLV - Chapter 45
Kabanata XLVI - Chapter 46
Kabanata XLVII - Chapter 47
Kabanata XLVIII - Chapter 48
Kabanata XLIX - Chapter 49
Kabanata L - Chapter 50
Additional Chapter
Epilogue
Special Chapter
A/N - TLP
WARNING:
Dedications
Announcement
Announcement (2)
FOLLOW ME ON INSTAGRAM

Kabanata XI - Chapter 11

17.2K 410 4
By yeexizx

Chapter 11- Levelling
Written by yeexizx

Charlie’s POV

Ito na ang pinakahihintay na mangyari ng mga ibang estudyante, ang levelling ng bawat seksyon dahil dito malalaman kung ang isang estudyante ay mananatili, bababa, o tataas ang puntos.

Ipinakita na sa isang puting maliwanag na panulatan ang mga magiging rubrics para sa levelling.

50-65 – Beginner section

70-80- Emergence section

85-95- Rare section

100-150 – Royalties section

“Kapag lumagpas ang iyong kapangyarihan sa 150 na puntos ay ikaw ang katatagurian na top 1 ng Arteya Academy.” ani ng Emcee na nagpasigaw sa mga estudyante.

“Tandaan niyong hindi nakabase sa barrier ang magiging puntos niyo. Base iyon sa lakas na tatama sa barrier. Kung mayroon kayong kapareho na barrier na naipatumba at mas mataas ang puntos nito. Ang ibig sabihin nu’n ay malakas ang tumama na kapangyarihan sa barrier.”

Ngayon ay magsisimula na ang mga nilalang mula sa Beginner section hanggang unti-onting matapos ito sa pagdaan ng mga oras. Umabot ng apat na oras ang Beginner section. Ang iba ay nakapasok na sa Emergence section at ang iba ay nanatili pa rin sa Beginner section.

Hindi kalaunan ay nagsimula na rin ang Emergence section hanggang matapos din ito. Ang iba ay nakapasok sa Rare section at ang iba ay nanatili lamang sa Emergence section.

Sunod naman ay ang Rare section, ang iba naman ay bumababa at tumaas ang puntos ngunit walang nakapunta sa Royalties section kahit isa. Nagtaka naman ako nang hindi ako tawagin, kaya lumapit ako sa Headmaster para itanong kung bakit hindi ako kasama. Ang tangi niya lang sinabi ay ako daw ang pinakahuli dahil late na ako nag-enroll.

Ang sabi ng emcee ay walang sinuman pa raw ang nakakabasag sa lahat ng barriers. Ang mga barrier ay may mga stage at ang panghuli o pang-sampu ang pinakamalakas  ang proteksyon. Pag napatumba mo ang pinakahuling stage ng barrier o pang-sampung barrier ay ikaw ang pinakamalakas sa lahat. Wala pa raw ang  nakakaabot ng anim na barrier maliban kay Coldy na siyang top 1 sa levelling noon.

Sumunod naman ang pinaka-inaabangan na sekyon ng lahat nang narito, ang Royalties section.

Mas lalong nag-ingay ang mga estudyanteng nasa levelling room. Ang levelling room ay mas’yadong malaki dahil narito lahat ng estudyante at mga guro sa Arteya Academy.

Ang unang tinawag ay si Silky.

Pumunta siya sa gitna at ipinikit ang mga mata, nakaramdam naman ako ng enerhiya na nanggagaling sa kanya. Hindi ko masasabi kung malakas ba ito o mahina, sakto lang ang kanyang lakas.

Binuksan niya ang kanyang mga mata at naging matingkad na kayumanggi ang kulay nito. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari.

“Wood blades!” sigaw niya at itinama ito sa mga barrier. Isang kahoy na matutulis ang dulo ang lumabas sa kanyang palad.

“Leaf spikes!” malakas na saad niya pang muli at mayroong matutulis na dahon na lumabas sa kanyang palad hanggang sa natapos na siya.

“Congratulations, Prince Silky! You broke 3 barriers and you've scored 136 points. You’re still in the Royalties section.” ma-awtoridad na ani ng Emcee at naghiyawan na may kasamang palakpakan ang mga estudyante.

Tinatawag na si Zoe, hudyat na siya na ang susunod kaya naman pumunta na siya sa gitna, matalim naman niyang tiningnan si Silky at ngumisi pa rito na para bang nag-aasaran silang dalawa nito.

Madami namang nagsigawan at pumalakpak na mga nilalang.

“Infinity hertz sound.” seryoso niyang sambit. Napapikit ako nang maramdaman ang lakas ng inilabas na kapangyarihan ni Zoe. Nakakabingi ito at nakakasira ng ear drum kung tao ang makakarinig. Nakasira naman siya ng 2 barrier at natapos na ito.

“Congratulations, Princess Zoe! You broke 2 barriers and you've scored 134 points. You’re still in the Royalties section.” nakangiting ani ng Emcee at nagpalakpakan ang mga estudyante. 

Tinawag naman si Yannie, hudyat din na siya na ang susunod kaya naman pumunta na siya sa gitna. Ipinikit niya ang kanyang mga mata mata at idinilat ito. Nakita ko ang mapupula nitong mga mata. Itinaas niya ang kanyang kamay at lumabas doon ang isang malaking bilog na kulay-pula, marahil ito na ang hypo circle na sinasabi sa libro.

“Hypo circle!” sigaw niya at lalong lumaki ang bilog na nanggagaling sa kanyang mga kamay, itinapon niya ito at napabagsak ang tatlong mga barrier. Hindi kalaunan, natapos na siya sa simpleng spell ng kapangyarihan niya. Maraming estudyante ang bumilib sa kanya at humanga.

“Congratulations, Princess Yannie! You broke 3 barriers and you've scored 140 points. You’re still in the Royalties section.” ani ng Emcee na ikinangiti ni Yannie, marami pa ring naghihiyawan at nagpapalakpakan.

Sumunod naman ay si Ahri. Isa siyang healer kaya naman binigyan siya ng nilalang na may matinding malalalim na mga sugat sa katawan at kailangan niya itong gamutin sapagkat hindi niya magagamit ang kanyang kapangyarihan sa mga barrier sapagkat panggagamot lamang ang tangi niyang kapangyarihan.

Napagaling naman niya ang nilalalang na tinadtad ng malalalim na sugat sa katawan, nagpalakpakan naman ang mga estudyante.

“Congratulations, Princess Ahri! You've healed better than before and you have scored 137 points. You’re still in the Royalties section.” ani ng Emcee.

Tinawag naman ang pangalan ni Freya, hudyat na siya na ang susunod. Ipinikit niya rin ang kanyang mata, nang kanyang idilat ay naging itim ito lahat. Walang natirang puti. Nakakatakot siya tingnan pero hindi mawawala sa kanyang kapangyarihan at abilidad ang pagkaangas.

“Dark sharp spikes.” seryoso niyang sambit at tinusok naman ng kapangyarihan niya ang mga barriers, sa kabutihang palad ay nakapagpabagsak siya ng dalawang barrier.

“Darkness cavalry sword!” aniya pang muli at natusok nito ang pang-apat na barrier nang hindi ko inaasahan.

Susubukan niya pa sana ang pang-lima ngunit hindi niya ito nakayanan at sumuko na nang tuluyan.

“Congratulations, Princess Freya! You broke 4 out of 10 barriers and you've scored 146 points. You’re still in the Royalties section.” ani ng Emcee.

Sumunod namang tawagin si Divina, hudyat na siya na ang sunod. Tumalon siya papunta sa gitna at ngumisi. Pumikit siya at idinilat niya ang kanyang mga mata, lumiwanag ng asul at berde ang kan’yang mga mata. Paiba-iba ito ng kulay.

“Piercing ice.” tugon niya at mayroong bilog na matutulis na umiikot sa kanang kamay at naramdaman kong sobrang lakas no’n. Ibinato niya ito sa bawat barrier at nakatama ito ng limang barriers sa isang spell lamang na ikinagulat nang lahat. Natapos na siya kaagad at bumalik na sa kanyang pwesto.

“W-Wow! Unbelievable! Congratulations, Princess Divina! You broke 5 barriers and you've scored 148 points. You’re still in the Royalties section.” ani ng Emcee. Nagsipalakpakan ang lahat.

Tinawag naman si Corey, hudyat na siya na ang sunod kay Divina. Pumunta naman siya sa gitna at ngumisi ng malapad.

“Autumn falls.” bulong niya at umulan ng matutulis na dahon sa barrier.

“Winter sharp snowflakes.” sumunod niyang tugon at umulan nanaman ulit ng matutulis pero ito ay snowflakes. Nakapagpatumba siya ng apat na barriers, hindi niya na nakayanan ang pang-lima kaya sumuko na siya.

“Congratulations, Prince Corey! You broke 4 barriers and you've scored 144 points. You’re still in the Royalties section.” ani ng Emcee.

Sumunod na tinawag ay si Kimmy, hudyat na siya na ang sunod. Pumunta na siya sa gitna.

“Static electrical razor.” bulong niya at may lubid na kuryente ang lumabas sa kanyang kaliwang kamay at hinampas ito sa mga barriers, halos lima din ang kanyang napatumba na nagpalaglag sa mga panga nang narito sa levelling room.

"Woah! Congratulations, Princess Kimmy! You broke 5 barriers out of 10 and you've scored 146 points. You’re still in the Royalties section!” ani ng Emcee.

Sumunod namang tawagin si Kenneth, hudyat na siya na ang susunod kay Kimmy. Pumunta na siya sa gitna. Hindi magagamit sa barrier ang kapangyarihan ni Kenneth. Mayroong piniling mga nilalang na sasaksakin si Kenneth gamit ang mga makabagong sandata. Nagsimula na silang pagsasaksakin si Kenneth ngunit nabubuo pa rin ang kanyang nahiwang balat kahit pa bagong gawa ang mga patalim.

“Wow! Congratulations, Prince Kenneth! You're really improving! Your score is 139 points as I expected. You’re still in the Royalties section.” ani ng Emcee.

Sumunod namang tawagin si Trisha, hudyat ng siya na ang susunod. Pumunta na siya sa gitna.

“Super high screamness of soul.” usal niya at sumigaw siya ng sobrang lakas, nasira ang tatlo na barrier.

“Congratulations, Princess Trisha! You broke 3 barriers and you've scored 138 points. You’re still in the Royalties section.”

Sunod namang tinawag si Alex, hudyat na siya na ang sunod at pumunta ito sa gitna nang walang emosyong ipinapakita kahit isa.

“Air high spikes!” sigaw niya. Humangin ng malakas at kasabay nu’n ang pagiging kulay-abo ng kanyang mga mata

“Air tornado!” tugon niya pang muli. Nasira ang limang barrier at natapos na siya.

"Congratulations, Prince Alexander! You broke 5 barriers and you've scored 146 points. You’re still in the Royalties section.” ani ng Emcee

Sumunod namang tawagin si Marky, hudyat na siya na ang sunod. Mabilis siyang pumunta sa harap. Itinaas niya naman ang kanyang mga kamay at lumalabas rito ang pa-twirl na magnetic powers.

“Stop motion twirl.” aniya at sumabog ang barrier. Lima ang nasakop ng sabog na gawa ng magnetic na abilidad niya.

“Congratulations, Prince Marky! You broke 5 barriers and you've scored 145 points. You’re still in the Royalties section!” ani ng Emcee.

Sumunod namang tinawag si Larry, hudyat na siya na ang susunod. Pumunta na siyang gitna habang napapangiwi.

“Water wavy waves.” bulong niya at may sumabog naman na barrier gawa ng tubig.

“Water spark blasting!” sigaw niya at napabagsak nito ang apat na barriers.

“Congratulations, Prince Larry! You broke 4 barriers and you've scored 142 points. You’re still in the Royalties section.” ani ng Emcee.

Sumunod namang tawagin si Kian, hudyat na siya na ang susunod. Pumunta na siya sa gitna. Nagtilian naman ang mga babae dahil na rin sa g’wapong taglay ni Kian.

“Technology stone.” seryosong saad ni Kian at tumama sa kanila ang nag-aapoy na diyemanteng bato. Nakabasag ito ng limang barriers.

“Congratulations, Prince Kian! You broke 5 barriers and you've scored 145 points. You’re still in the Royalties section!” ani ng Emcee.

Tumagal din ng anim na oras ang levelling. Isa na lang rin ang pinakahihintay na gagamit ng kapangyarihan, si Coldy. Ang pinakamalakas daw na Royalties. Kahit sino raw ay walang makatalo rito na siyang ikinangisi ko.

Ang panget na 'yon... Hindi mo aasahang siya ang pinakamalakas.

"Tatalunin ko siya."

-
The Lost Princess. Chapter 11. Fantasy.

Continue Reading

You'll Also Like

519K 19.9K 109
In one unordinary school, Where the pens are guns, Erasers are knives, And Papers are bullets, Teachers teaches how to kill, survive and rule the wo...
11.1K 515 35
Si Cianzein Aera Lee, ang Bad B*tch ng Brenton University, palaging away dito away don, pero lahat ay magbabago nang dahil kay Trevor Drix Dela Vega...
2M 80.7K 70
An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the T...
85.8K 2.6K 32
Chicago Clarkson is a professional mixed martial artist and is excellent in shooting both short and long range. Since she was a kid, she was trained...