Third Person's POV:
Hindi na muling lumabas at nagpapasok sa kaniyang kwarto si Axelle magmula nang sya ay maka-uwi. Maghapon at magdamag na siyang nagmukmok sa ilalim ng kaniyang kumot habang 'di mapigil ang pagtulo ng luha nya. Ngayon ay malapit na namang maghapon ulit at di pa sya lumalabas.
Bakit ngayon pa?
Bakit sya pa?
Nobody STAYS...
Paalala niya sa sarili nya. Masakit man tanggapin, pero 'yon ang reyalidad na mukhang nakapako sa kaniya. Matapos ang pagkawala ng lolo nya, sya rin namang pag-alis panghabambuhay ng mga kaibigan nya. Leaving her, alone, again.
"Axelle. Can we talk?" tanong ng step dad nya mula sa labas ng pinto.
"Go away!" sigaw nya pabalik.
"Kahapon ka nang nagkukulong dyan sa kwarto mo, hindi ka pa nga kumakain ng ayos. Ano bang problema Axelle?" mahinahong sabi ng step dad nya.
"I said, leave me alone!"
Napahinga ng malalim ang kaniyang step dad at napa-atras mula sa may pinto. Lumapit naman sa kaniya si Grei na kanina pang nasa tabi lang at nalulungkot din sa mga nangyayari, pero kahit sya ay walang kakayahang manipulahin ang nararamdaman ng isang tao, ang tangi lang nyang magagawa ay bigyan ng isa pang pagkakataon para makapag-usap silang dalawa.
"Ah... Sir. Pwede ko ba syang maka-usap?" tanong niya.
"Haaayyy... Mabuti pa nga. Hindi sakin nakikinig 'yang anak ko na 'yan eh. Salamat ha." nagsimulang maglakad ang step dad ni Axelle palayo na malungkot.
*knocks.*
"Go away!" sigaw ni Axelle mula sa loob.
"Pwedeng pumasok?" tanong niya. Hindi umimik si Axelle kaya naman napahinga nalang si Grei ng malalim bago nagteleport papasok sa loob ng kwarto.
He saw her hiding underneath the covers of her bed like a child having a horrible nightmare. Naupo sya sa may gilid ng kama ni Axelle. He looked at her with sadness. Ayaw nyang nakikita syang malungkot at umiiyak dahil nasaktan. Alam niyang hindi dapat ganito ang hatol ng tadhana sa kaniya na para bang inaapi ang isang batang walang laban.
He can hear her cries, kahit na mukang pinipigilan nya ito. Dahil don di rin nya maiwasang magalit sa sarili nya, dahil di magtatagal sya naman ang makapananakit sa damdamin nya. At kahit na wala din syang gusto sa mga nangyayari at lalo na sa mangyayari pa ay wala siyang magagawa.
Queros et vie mor.
Written by Destiny.
Ang tadhana ang siyang kusang nagplano ng lahat. Bakit ba kailangan pa nilang maging nasa magkaibang mundo? Parang may hindi makitang pader ang pilit na naghihiwalay sa kanila. Hindi man nya gustong mapalapit, pero kusa na mismong ang puso nya ang lumapit at magbukas dahilan nang mabago sya nito.
"Ikaw? Aalis ka rin di ba? Sabihin mo na nang masmaaga para makapaghanda naman ako." ramdam ni Axelle ang presensya nya malapit sa kaniya.
"Axelle... Tandaan mo na kahit ano man ang mangyari hindi ka nag-iisa sa buhay. Wag kang mawalan ng pag-asang lumaban katulad ng palagian mong ibinubulong sa sarili mo na matapang ka at matatag. Lahat ng ito ay mga pagsubok lang na dapat mong malagpasan. Andito pa rin sila sa tabi mo at ala-ala mo, hindi mo lang madama kasi naka focus ka sa pagkawala ng mga bagay na di naman totoo. Merong mga pangyayari na kelanman ay di kayang burahin, baguhin at diktahan kahit na ni tadhana, iyon ang panghawakan mo. Ang mga masasayang ala-ala na laging buhay dyan sa loob-looban mo at di patay ang syang magbibigay kulay sa mundo mo dahilan nang ngumiti ka ulit. Ang kawalan at kabiguan ay parte lang ng gulong ng buhay Axelle. Andito ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, mga taong nagmamahal sayo at... AKO. Kaya tahan na."
*sniffs.* "I-Ikaw? Di k-ka ba aalis?"
"I will always be right here, now, always and forever." sagot ni Grei.
"Walang f-forever." medyo nauutal namang sambit ni Axelle sabay isinilip ang mga mata mula sa ilalim ng covers.
"Meron. Hindi mo kasi ito nakikita, kundi nadarama mo. Lagi mong tandaan na di ako kelan man aalis sa tabi mo."
"Promise?"
"Promise. Peks man, I swear to the Almighty God of Heavens."
Nanahimik sandali si Axelle. "You're a stupid liar and a bad one. Alam kong iba ang mundong pinanggalingan mo at hindi ka dito belong, alam ko ring huling araw mo na 'to dito." malungkot na lahad nya. Mistulang nagulat, at the same time, nagtaka si Grei sa narinig nya pero inunahan na sya ni Axelle bago pa man sya makapagsalita. "Pano ko nalaman? Someone told me so,... Sa isang panaginip o makatotohanang ilusyon. Sinabi nya na nasira daw yung kwintas na nagsisilbing buhay mo dito sa mundong ito at kapagka nagtagal ka pa... Baka tuluyan ka nang mawala." sabay naiyak ulit si Axelle sa mga sinabi nya.
Grei formed a fist from his two hands, na para bang nagagalit o naiinis. She knows. At alam nyang itutulak sya nito palayo sa kaniya. Kaya ayaw niyang sabihin ang katotohanan kasi ayaw nyang madagdagan ang sakit na dinadala nya ngayon.
"Umalis ka na." mahinang sabi nya, but enough for him to hear. He looked at her unable to speak or utter a word. "Ako na mismong magsesesante sayo sa trabaho mo para wala ka nang maging rason pa."
"You can't do that! I won't let you! Pakinggan mo naman ang sarili mo ngayon Axelle! This is not you."
"This. Is. Me. Sa pagkakataong ngayon lumalaban ako. Di ba sabi mo naniniwala kang matapang at matatag ako? Kaya ginagawa ko itong desisyon na ito na parehong makakabuti sa atin at lalo na sayo. May pamilya ka sa mundo mo, kaya mo ba silang iwan at isakripisyo mo 'tong buhay mo dito sa walang kwentang bagay? Ano nalang ang mararamdaman nila? Ano nalang–"
"Hindi ka isang bagay Axelle! Tao ka, at maslalong hindi ka walang kwenta–"
"–pero bakit?! Bakit gusto mo pang manatili kahit alam mong hindi pupwede? Bakit pinagpipilitan mong wag kitang ipagtabuyan palayo? Bakit ba ang tigas pa rin ng ulo mo? Bakit Grei?! Bakit?!–"
Napahinto si Axelle nang bigla nalang syang halikan ni Grei kasabay ng pagtulo ng mga luha nyang hindi mapigil. Gusto man nyang itulak sya palayo pero mukhang pati katawan nya ay naparalyze bigla. The kiss lasted for about a minute, before their lips parted as Grei leaned on his forehead to hers holding her close.
"I love you. That's why."
Noong una di makapagsalita si Axelle. She was figuring out kung ano rin ang gumugulo sa isipan nya, the feeling of 'strange feelings', now... She knew exactly why... Bakit sya masnagiging komportable at masaya kapag kasama nya??? Kasi–
"Mahal din kita Grei." reply nya. Pero hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha nya. Alam nyang kahit yung moment na 'yon ay gusto nyang magtagal, pero tumatakbo ang oras ni kapalaran.
Mula sa ilalim ng isang unan may isang maliit na sphere ball, masmalaki lang ng konti sa jolen. Umiilaw ito nang kulay pula para bang alitaptap na sa gabi'y nagbibigay liwanag. Kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha ay dinampi niya ang sphere sa may gilid ng ulo ni Grei at ito ay natunaw at mistulang pumasok sa loob ng kaniyang ulo.
Sa puntong iyon alam ni Grei kung ano ang ginawa sa kaniya ni Axelle at di nya na ito napigilan. Isa iyong memory stone na kapag asul nakakapag pabalik ng memorya at nakakakalma ng diwa samantalang kapag pula naman ay bumubura ng ala-ala. Hindi nya malaman kung alin sa dalawa ang ginamit nya dahil biglaan nga ang lahat.
Ang tanging nagawa nalang niya ay ang titigan si Axelle sa mga mata nito, unable to speak as he heard her say...
"Salamat sa lahat. Good bye. Grei."
Then he lost his conciousness.
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Dear Awesome Readers,
Maraming salamat po sa pagbabasa nitong story ko, sa tiyaga nyo and most of all sorry for the crappy ending. Well... You can always comment what you think down below (as long as it's a good and nice one). Sa mga nabitin, pakitapos nalang pong basahin ng mga sumunod na ka-echehan, pramis, may good news na nag-hihintay sa inyo. Anyways... Maraming salamat po ulit.
VirtexV
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Copyright © 2018 VirtexV