The Culprit (UNDER REVISION)

By WrittenbyChu

18.6K 1.7K 2.1K

He is a Police Inspector. She is a Secret Agent. They're two different people and have two different persona... More

Paunang Salita
Case 001: Mission Failed ๐Ÿ‘ฎ
Case 002: 1st Task ๐Ÿ‘ฎ
Case 003: 1st Task ๐Ÿ‘ฎ
Case 004: 1st Task ๐Ÿ‘ฎ
Case 005: 1st Task ๐Ÿ‘ฎ
Case 006: 1st Task ๐Ÿ‘ฎ
Case 007: 1st Task ๐Ÿ‘ฎ
Case 008: Poisoning? ๐Ÿ‘ฎ
Case 009: Missing Case ๐Ÿ‘ฎ
Case 010: Missing Case ๐Ÿ‘ฎ
Case 011: Missing Case ๐Ÿ‘ฎ
Case 012: Missing Case ๐Ÿ‘ฎ
Case 013: PhiloSpy ๐Ÿ‘ฎ
Case 014: False Accusation ๐Ÿ‘ฎ
Case 015: False Accusation๐Ÿ‘ฎ
Case 016: False Accusations ๐Ÿ‘ฎ
Case 017: False Accusation ๐Ÿ‘ฎ
Case 018: Local Election ๐Ÿ‘ฎ
Case 019: Local Election ๐Ÿ‘ฎ
Case 020: Local Election ๐Ÿ‘ฎ
Case 021: Local Election ๐Ÿ‘ฎ
Case 022: Tattoo Brothers ๐Ÿ‘ฎ
Case 024: Tattoo Brothers ๐Ÿ‘ฎ
Case 025: Tattoo Brothers ๐Ÿ‘ฎ
Case 026: Tattoo Brothers ๐Ÿ‘ฎ
Case 027: Murder or Suicide? ๐Ÿ‘ฎ
Case 028: Murder or Suicide? (Part 2)๐Ÿ‘ฎ
Case 029: Attempted Rape ๐Ÿ‘ฎ
Case 030: Attempted Rape ๐Ÿ‘ฎ
Reviews
Case 031: Attempted Rape ๐Ÿ‘ฎ
Case 032: The Warden's Death ๐Ÿ‘ฎ
Case 033: The Warden's Death ๐Ÿ‘ฎ
Case 034: Cybercrime ๐Ÿ‘ฎ
Case 035: Cybercrime ๐Ÿ‘ฎ
Case 036: Cybercrime ๐Ÿ‘ฎ
Case 037: Cybercrime ๐Ÿ‘ฎ
Case 038: Cybercrime ๐Ÿ‘ฎ
Case 039: Cybecrime ๐Ÿ‘ฎ
Case 040: Cybercrime ๐Ÿ‘ฎ
Case 041: Alexis' Past ๐Ÿ‘ฎ
Special Chapter (Case from the Past) ๐Ÿ‘ฎ
Case 042: Accomplice ๐Ÿ‘ฎ
Case 043: Accomplice ๐Ÿ‘ฎ
Case 044: Non-Bailable ๐Ÿ‘ฎ
Case 045: Drug Raid ๐Ÿ‘ฎ
Case 046: Drug Raid ๐Ÿ‘ฎ
Case 047: Drug Raid ๐Ÿ‘ฎ
Case 048: Drug Raid ๐Ÿ‘ฎ
Case 049: Drug Raid ๐Ÿ‘ฎ
Case 050: Drug Raid ๐Ÿ‘ฎ
Case 051: Drug Raid ๐Ÿ‘ฎ
Case 052: Delinquent ๐Ÿ‘ฎ
Case 053: Delinquent ๐Ÿ‘ฎ
Case 054: Positive ๐Ÿ‘ฎ
Case 055: Positive ๐Ÿ‘ฎ
Case 056: Positive ๐Ÿ‘ฎ
Case 057: Positive ๐Ÿ‘ฎ
Case 058: Serial Killing ๐Ÿ‘ฎ
Case 059: Serial Killing ๐Ÿ‘ฎ
Case 060: Serial Killing ๐Ÿ‘ฎ
Case 061: Prostitution ๐Ÿ‘ฎ
Case 062: Prostitution ๐Ÿ‘ฎ
Case 063: Secret Revealed ๐Ÿ‘ฎ
Case 064: Secret Revealed ๐Ÿ‘ฎ
Special Chapter (Case from the Past Continuation) ๐Ÿ‘ฎ
Case 065: Child Exploitation ๐Ÿ‘ฎ
Case 066: Child Exploitation
Case 067: Deal With The President ๐Ÿ‘ฎ
Case 068: Stalker ๐Ÿ‘ฎ
Case 069: Stalker ๐Ÿ‘ฎ
Case 070: Victim or Murderer? ๐Ÿ‘ฎ
Case 071: Midnight Case ๐Ÿ‘ฎ
Case 072: Midnight Case ๐Ÿ‘ฎ
Case 073: Parricide ๐Ÿ‘ฎ
Case 074: Join Forces ๐Ÿ‘ฎ
Case 075: Join Forces ๐Ÿ‘ฎ
Case 076: Join Forces ๐Ÿ‘ฎ
Case 077: Stalking The Chief ๐Ÿ‘ฎ
Case 078: Staking the Chief ๐Ÿ‘ฎ
Case 079: Frame-Up ๐Ÿ‘ฎ
Case 080: Framed Up ๐Ÿ‘ฎ
Case 081: Framed Up๐Ÿ‘ฎ
Case 082: Capturing the Culprit ๐Ÿ‘ฎ
Case 083: Capturing the Culprit ๐Ÿ‘ฎ
Case 084: Capturing the Culprit ๐Ÿ‘ฎ
Case 085. ALEXIS ๐Ÿ‘ฎ
Case 086. ALEJANDRO ๐Ÿ‘ฎ
Case 087: Second Chance ๐Ÿ‘ฎ
Case 088. Next Chapter๐Ÿ‘ฎ
Case 089. Farewell ๐Ÿ‘ฎ
Case 090. Epilogue ๐Ÿ‘ฎ
EPILOGUE
Otor's Note

Case 023: Tattoo Brothers ๐Ÿ‘ฎ

191 14 32
By WrittenbyChu

"Tattoo Brothers"

ALEJANDRO
Nang gabing 'yon ay madali silang nagtungo sa lugar kung nasaan ang pakay, ang Tattoo Brothers. Madali namang nahanap nila ang bagong kuta ng mga ito. Isa iyong apartment sa isang dulong barangay sa Capitol. Matagal na ring pinag-aaralan ng pulisya ang kaso ng magkakapatid pero dahil na kay RDV ang atensyon nila ay hindi nila ito masyadong nabigyan ng pansin.

Ang Tattoo Brothers ay ang magkakapatid na Rolando Sombreno, alyas Lando, Christian Sombreno o mas kilala sa tawag na Chris at Patrick Sombreno na kilala sa tawag na Rick. Sila ang pinagkukunan ng mga droga sa loob at labas ng baranggay at sa mga kalapit baryo nito.

The worst thing about it, they use children as their carrier. Binabayaran lang ng mga ito ang mga bata sa halagang dalawa hanggang limang piso.

Tumunog ang pager niya at kinuha niya iyon. "Inspector Garcia?"

"Chief?"

"Ngayon na!" Binaba niya ang pager at kinabit ang sa suot na pantalon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya nago lumabas. Hindi pa man nakarating sa opisina ng hepe ay nasalubong na niya ito.

"Nasaan ang mga tao mo? Bakit hindi pa kayo kumikilos?" base sa tono ng pananalita nito ay alam niyang mainit na naman ang ulo nito. Kahit minsan hindi niya sinasuway ang utos ng kanyang hepe, but this time he knew he needs to break some rule.

"Chief...."

"Wag mong sabihing susuwayin mo ako?" nakita niyang lumabas ang litid sa noo at leeg nito. Mahinahon naman ang boses pero bakas roon ang tensyon. Ilang beses na rin niya kasing nabigo ito.

Ang padalos-dalos na aksyon ang nagpapahamak sa kanya na siyang lagi niyang ginagawa at mariing tinututulan nito. Pero ngayon ay baligtad yata ang sitwasyon dahil siya naman ang kumukontra sa desisyon nito.

"But we need to wait---"

"At kailan ka pa natutong maghintay?"

"Ngayon-ngayon lang Chief," halos sapakin siya ng hepe sa sagot niya. Halatang pinipigilan lang nito ang sarili. Hindi niya niya rin namamalayan ay nahahawa na siya kay Alexis at natututong sumagot.

"Chief, makinig kayo sa'kin, hindi natin sila pwedeng basta-basta patayin."

"Pero tama si General Lambert, kung ito lang ang paraan na matigil ang droga bakit hindi?" mismong ang anak rin kasi nito ay hindi na rin nakaligtas sa droga at ayon sa nakalap nilang balita ang magkakapatid na Sombreno ang supplier na anak nito. Kaya ganoon na lamang ang kagustuhan ng hepe na mahuli na ang mga ito.

This is what he hated most, when their emotions is involved. Emotions can poison anyone judgment. Even his chief-even his own.

"Paano kung hindi lang sila?" He's pacing back and forth as he try to explain to his chief what on his mind. "Paano kung meron pang iba? Mga tao sa likod nila."

With gritting teeth, is chef his a fist and punch the wall. Alam niyang nabibigla lang ito sa mga padalos-dalos na desisyon. Sa mga ganitong paraan kaya sila natatalo.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito bago nagsalita."Gawin mo kung ano sa tingin mo ang makakabuti." Tinignan siya nito mata sa mata na para bang sinasabi na isang maling galaw lang matatapos ang lahat. Isang marahan na pagtango ang sinagot niya sa hepe.

ALEXIS
Kailangan nilang makilala ang isa't isa bilang mag-asawa, well...that's according to Katherine, na hindi niya alam kung hinahaluaan na ng iba ang trabaho nila. Kanina pa siya nakikinig lang sa suhestiyon ng mga ito.

"Favorite food, Favorite color, Favorite---" naputol ang sinasabi nito sa mataas na boses ni Alejandro.

"Is that necessary?" Nakataas ang mayayabong na kilay nito.

"Sabi ko nga hindi." Kath shrugged nang mahalatang hindi na nagugustuhan ng inspector ang pag-uusap nila.

"Kaya nga Kath ilang araw lang naman kami magpapanggap."

"Okay...Okay!" Kath raised her hands as if she was surrendering and rolled her eyes.

"Kailan kayo lilipat?" tanong ni Ella na nasa harap niya. Magkakasama ulit silang lima, kasama si PO1 Acosta upang magplano sa paglilipat habang ang ibang kasamahan ay naiwan sa presinto at patuloy na nag-iimbestiga.

"Bukas na," matipid na sagot ng binata.

"Nakausap mo na ba---"

"Everything is settled wala nang problema."

Itatanong niya sana kung nakausap na nito ng may-ari ng apartment na lilipatan nila and to answer her questions: ayos na ang lahat. Nakalimutan niya na mas mabilis pa nga palang gumalaw ang mga galamay nito sa galamay ng pugita.

"Pack your things and get ready, ayaw ko ng babagal-bagal." Inalis nito ang tingin sa kanya at bumaling sa tatlong pulis. "PO1 Cañete inform them to get ready, PO1 Tiño ihanda mo lahat ng gamit natin na dadalhin sa operasyon, PO1 Acosta help her," alam niya na baril ang tinutukoy nitong gamit, 'yan ang codename nila sa mga baril. Tumayo ang binata at sumaludo naman ang mag tatlong pulis except her. He glance at her bago tumalikod at naglakad palayo sa kanila.

"Anong problema n'on?" tanong ni PO1 Mitch Acosta na hindi pa sanay sa binata.

"Baka meron!" sabay-sabay na sagot nilang tatlo.

•••
Ngayon ang araw ng paglipat nila ng bahay ni Alejandro. She knows that they're just pretending but she can't help but to get excited. She's been erasing that idea on her mind all night pero hindi niya nagawa, bakas pa ang pamumungay ng mata niya dahil sa hindi pagtulog kagabi.

"Iiwan mo ko?" Ena jumped up on her bed, the sudden impact causing her to tilt backwards.

"Pwede ba wag ka OA? Tatlo o apat araw lang kami doon," sagot niya habang tinitiklop ang mga damit at pinasok sa bagahe niya.

"Okay, basta promise me hindi mo isusuko ang---" hinampas niya dito ang damit na hawak nang matukoy niya ang ibig nitong sabihin.

Nagkukulitan ang magkaibigan nang makaranig ng katok sa pinto. Sabay silang bumangon sa kama at binuksan ang pinto.

Si Ena ang nagbukas habang nakasilip siya sa likod nito. Little by little, the door slowly open-or maybe she's the only one who see the slow motion, product of her imagination-and to her surprised, it was Alejandro, ang binatang kagabi pa niya iniisip ang napagbuksan nila. Marahan niyang tinulak si Ena at ngayon ay siya na ang nasa harap.

"Hindi ba sabi ko ayaw ko ng mabagal?"

Hindi niya pinansin ang pagsusungit nito at nagtanong rin. "Paano mo nalaman dito?"

"I have my ways."

Ngumiti si Ena at nakisali sa usapan. "Meron din akong Waze, ang galing pati pala apartment namin na-detect ng Waze."

She wants to pinch Ena for being pathetic hindi niya alam kung nagbibiro ito o sadyang hindi naindihan ang sinabi ng binata.

Alejandro give her a warning look na para bang sinabing "Ano pang hinihintay mo?"

"Wait lang kunin ko lang gamit ko," buti naman ay na naligo na siya. Ilang gamit na lang ang sinilid niya sa bag niya. After that she headed towards Alejandro's direction.

"Alis na kami," she said leaving her friend, Ena with mouth hang open.

ALEJANDRO
"Magandang umaga po," bati niya sa matandang babae, ang may-ari ng apartment na tutuluyan nila. He's talking to the old lady but his eyes were roaming around the place.

The room they going to rent is just next to the Tattoo brother's den. Nagkalat ang mga sipit na tsinelas sa labas ng kwarto ng mga ito. Tatlo lang sila pero mahigit sa sampu ang pares ng tsinelas na naroon. Marahil o malamang na pag mamay-ari ang mga ito ng kanilang mga customer na sa loob na rin ng apartment gumagamit ng droga. Lantaran na ang ginagawa ng mga ito pero walang nagsusumbong dahil sa takot.

"Sigurado ba na ito ang kukunin n'yo?" tanong ng matanda. Alam na niya ang nais nitong tukuyin.

"Opo ito po."

"Delikado dito lalo na sa magandang asawa mo."

Alexis flashed a sweet smile, she blushed.

"Inspector akbayan mo si Alexis," dinig niya ang boses ni Kath na nagmumula sa earpods na naka-konek sa tapping device na suot nila. Pareho silang meron nito ni Alexis, ang koneksyon nila sa mga naiwan sa presinto.

Gamit ang device na ito naririnig nila at naririnig at nakikita din sila ng mga ito. Surveillance ang loob at labas ng apartment, ang pasimpleng kinabit nila ng unang araw silang patungo dito.

"Kaya ko hong protektahan ang asawa ko," sagot niya pero hindi sinunod ang sinabi ng babaeng pulis sa kabilang linya.

"Sige kung ito na talaga ang gusto n'yo. Tawagin n'yo lamang ako kapag may kailangan kayo." Tumango siya sa matandang babae at tumalikod na rin ito.

"Oh sige pare balik na lang ako kapag magpapaload ulit ako," ani ng isang lalaking lumabas sa katabing apartment. Umaga pa lang pero mapula at mapungay na agad ang mata nito.

"Oh sige pare," the man standing at the doorway answered and wave his hand. Drug user and pushers use such terms to cover their shit, tulad na lang ng load substitute for drugs.

Tinignan si Alexis na para bang sinasabi ditong pumasok na sa loob. Dahil sadyang makulit ang babae hindi siya sinunod nito. Kaya naman siya na ang umakay dito papasok.

ALEXIS
"Aray ko!"Asik niya nang makapasok sila sa loob. Naiinis siya sa binata sa pagpipigil nito sa kanya. "Nagmamasid pa nga ako sa labas eh!"

"This is not the right time! Hindi ba sinabi ko naman sa inyo, you have to be careful with your actions!"

She did nothing but to make face dahil alam naman niyang may katwiran ito. Hindi naman iyon nakaligtas sa malinaw na paningin nito.

"Do I make myself clear?"

"Oo na!"

Naghubad ito ng pang itaas at naupo sa sofa. She avoid to look at the temptation in front of her. She hate herself for agreed to this set up. Nakalimutan niya ang mga ganitong bagay na dapat isaalang-alang. Kinuha nito ang damit na hinagis at muling isinuot ito.

"Sorry, nakalimutan 'kong babae ka nga pala!"

Is that an insult or he just being gentleman?

•••
The first three days of their stay in their new base went well. Sa tatlong araw na pamamalagi doon ay nakilala na niya ang tatlong lalaki, ang magkakapatid na Sombreno, Ang panganay sa mga ito na si Chris at sumunod na si Rick at ang bunso na si Lando. Mas malaking ang katawan ng bunso at pinaka nakatakot sa lahat. Ito ang nakita niya noong unang araw nila. Naputol ang pag-iisip niya nang may makitang batang lalaki na sa tingin n'ya ay limang taong gulang pa lang. Kumatok ito sa pinto ng Tattoo brothers, bumukas iyon at lumabas si Rick may inabot ito sa bata na isang plastic, that she thought and obviously na drugs ang laman. Dumukot ito sa bulsa at nagbigay ng tatlong piso sa bata. Umalis ang bata na tuwang-tuwa sa tatlong kusing na hawak dala ang plastik na hindi niya alam kung saan nito dadalhin. Lihim niyang sinundan ang bata at nagulat na lang siya ng may matitigas na brasong humarang sa kanya. Hinila siya nito pabalik sa apartment na tinutuluyan nila.

"Where do you think you're going?" ani ng baritonong tinig na kabisado niya kung kanino nangaling.

"Ahm...magpapahangin sa labas," palusot niya, but even her doesn't convinced with her alibi. "Confirmed, they're using children as their carrier."

"I know!"

"Yon naman pala bakit 'di pa tayo kumilos?" Alexis lips twitched, trying to control of he range inside her body.

"This is not the right time yet!"

"Anong hininhintay mo tamang panahon? Aminin mo fan ka ni Lola Nidora noh?!" She darted a glare at him, what annoy her more is when he ignored it. Naiinis kasi siya dito ng 'di man lang ito sumagot.

Naupo ito sa sofa at nagtagal ng sapatos. Silence filled the room and out of nowhere ay nagsalita ulit ito. "We need to set them up first and when they're corner, doon tayo kikilos."

"Ano nga kasing plano, care to share? Parang kayo lang kasing mga pulis ang nakaka-alam, isali n'yo naman ako!"

"Lumapit ka dito ibubulong ko sa sa'yo!" At first she's hesitant to come near him. She don't want to believe that he will going to exert effort to explain their plan to her. Pero tinupad naman nito ang sinabi at pinaliwanag sa kanya ang lahat.

ALEJANDRO
Kinuha niya sa kahon na pingalalayan nito ang isang R4A3 pistol at caliber 38, isinukbit niya ang mga iyon beywang. Nahirapan pa siyang itago iyon sa suot na pantalon. Hindi niya pwedeng isuot ang uniporme dahil siguradong makahalata ang target.

Ngayon ang gabi ng operasyon. Paating na ang mga kasamahang pulis na sina PO2 De Jesus at Inspector Austria. They were planning to pretend like ordinary people, na nag-iinuman. Pagkatapos ay kunwaring bibili ng droga, when the evidence is showed up, gugulatin na lang nila ang mga ito.

Ang ibang kasamahan pulis ang look-out nila at mag-aabang sa labas. Sakaling makatakas sa kanila ang mga suspect hindi naman ito makakalusot sa mga bantay sa labas. Nilabas niya ang mesa at mga upuan at inihanda ang ang mga kunwaring alak na iinumin. Tubig lang iyon na nilagay nila sa bote ng gin. Inspector Austria appeared with his usual intimidating look, kasunod naman ang totally opposite nito na si Ivan na nakangiti.

"Ins---insan!" bati sa kanya ni Ivan nang makalapit sa mesa. Ivan was about to spill his tongue, buti naman at nakaisip ito ng palusot. Tumango lang naman si Inspector Austria at prenteng umupo sa upuan sa tapat ng mesa.

"Where's the other?" bulong niya kay Ivan.

"They're all waiting outside headed by SPO1 Ty," sumagot rin ito ng pabulong bago umupo.

Naupo na rin siya sa tabi nito habang nasa harap nila ang isa pang Inspector. Kinuha ni Inspector Austria ang bote sa harap niya at bahagya pang nagulat nang malasahan na tubig lamang iyon.

"Don't you have any---"

Alejandro don't want to hear any protest from the annoying inspector in front of him so he cut him off. "Shut up!"

Dave just shrugged it off at muling uminom. Lumabas si Alexis dala ang dalawang plato na naglalaman ng pulutan, adobong pusit at chili chicken feet.

In their three days stays here, he just discovered that the detective has talent in kitchen. Nilapag nito ang dalawang plato sa mesa.

"Join us here Alexis," aya ni Dave kay Alexis. Ngumiti ito at nag-aalangan kung sasagot. Kanya siya na ang sumagot para sa dalaga.

"Get inside!" he commanded. She glared at him but follow him anyway. Tulad ng inaasahan, lumabas ang isa sa mga Tattoo Brothers. Dahil sadyang hayok sa droga at alak ay lumapit ito sa kanila. His plan is working: the target took their bait.

"Nag hahapi-hapi pala kayo dito pare?" anito at lumabas ang kulang-kulang na ngipin. Nakahubad-baro ito kaya naman kita-kitang ang mga tattoo sa katawan. He secretly look on his phone at hinanap ang picture ng Tattoo brothers, ang nasa harap nila ngayon ay ang pinaka batang si Lando. Pinakabata ito sa tatlo pero siyang pasimuno.

"Tagay ka pre!" aya ni Ivan na pinaunlakan naman nito. Akmang kukunin ni Ivan ang bote ng alak sa harap nila upang ibigay dito nang pigilan niya ito. Hindi pwedeng malaman nito na tubig lang ang laman niyon.

"Ako na insan, meron pa sa loob mas malamig 'yon," nakuha naman ni Ivan ang ibig niyang sabihin na tumalima sa kanya.

"Oh sige pre, gusto ko 'yong malamig." sagot nito at humarap kay Ivan. "Mag-pinsan kayo?"

Tumalikod na siya upang kumuha ng alak.

"Kumusta?" tanong ni Alexis nang makapasok siya sa loob upang kumuha ng totoong alak. He just ignored her at kumuha ng alak. "Ano ba sumagot ka naman!"

"'Wag 'kang lalabas, unless I give order."

"At bakit? As far as I remember kasali ako---"
"Just follow my order, stop being a burden!" Tumalikod na siya sa babae at nakihalubilo sa mga kainuman. Inabot niya ang bote na naglalaman ng totoong alak kay Lando na agad naman nitong sinunggaban.

"Ang sarap ng pulutan, sinong nagluto, si Misis?" tanong ni Lando na sinagot lang niya ng isang marahan na tango. He don't have a time to talk to the bastard. He will never bother to talk to people like him. Nagpatuloy ang pag-iinuman hanggang makaubos na sila ng tig-tatatlong bote. Busog na busog na silang tatlo sa tubig habang si Lando ay lasing na sa alak.

Ito ang pagkakataon na hinihintay nila. Ang malasing ito upang magawa na ang balak.

"Pare nasaan pala 'yong mga kapatid mo?" pasimpleng tanong ni Dave but Alejandro knew that the Inspector fishing for some information.

"Kapatid? teka paano mo nalaman na may kapatid ako?" Pakurap-kurap ang mga mata na tanong nito.

Mukhang mapapahamak pa sila. Sa sobrang excited ay hindi na nakapag-isip si Dave.

Now he knew he needs to do the act. "Ahm s'yempre dito ako nakatira."

Tumingin sa kanya si Lando at ngumisi. "Ikaw ba ang nagtanong?" Isang tango muli ang sinagot niya dito. "Akala ko itong si Dave eh!" Inakbayan ni Ivan si Lando.

"Hindi pare si Insan yon, lasing ka na yata!"

"Ah...." Tumango ito at dahil lasing na ang napayupyop sa mesa. Sa tingin niya ay hindi na nito masasagot ang tanong nila. Tinapik ito ni Ivan at bigla naman bumangon.

"Oh pare bakit?"

"Tinatanong ka ni insan kung nasaan daw 'yong kapatid mo?"

"Ah, iyon nga tulog may session kasi sila kagabi," sagot nito na may pilyong ngisi.

"Session?" Dave furrowed his eyebrow and act that he don't have an idea on what Lando said.

"Session alam n'yo na 'yon parang hindi naman kayo lalaki." Lando smirked and turned to him. "Ikaw pare parang hindi mo naman ginawa 'yon kagabi."

Halos mabuga niya sa harap nito ang tubig na ininom. He saw Ivan and Dave prevent the laughter spilling from their mouth. He just shrugged and throw questions to Lando. Wala na silang oras kaya dapat ng kumilos.

"Bukod d'on ano pang ginawa nila?" Tinungga nito ang natitirang laman ng pang-apat na bote na hawak nito.

"Bakit gusto n'yo rin ba?" tanong nito na mukhang nakatunog ba na alam na niya ang session na tinutukoy nito.

"Kung meron ba?" very game na sagot niya. He made his tone lively para ganahan din ito.

"Oh sige pare maghintay kayo kukuha ako."

Nagkatinginan silang tatlo alam na nila na kailagan na nilang kumilos. Sinundan ng dalawa si Lando habang siya ay pumasok sa loob ng apartment nila ni Alexis. Nagulat naman ang babae sa sobrang bilis ng kilos niya.

"Nasa labas sila, Call PO1 Cañete sabihin mo pumunta sila dito ni PO3 Lauchengco at ikaw nagpaiwan ka doon. 'Wag kang lalayo kay SPO1 Ty, as much as possible 'wag kang aalis sa likod n'ya, maliwanag ba?"

"Bakit ako nagpapa-iwan doon? Gusto ko tumulong sa inyo dito!" Alam niyang hindi niya agad mapapasunod ito. He guess he needs to use his commanding power.

"Just follow my order! We're running out of time!" aniya at sumunod na sa loob kasama ang dalawa pang pulis.

ALEXIS
She felt useless! Para ano pa at sumali siya sa operasyon kung wala naman siyang gagawin. Wala naman siyang magagawa kundi sundin na lang ang mga utos ng mga ito, ayun siguro ang silbi niya sa misyong ito.

"Alexis!" malayo pa lang ay dinig na niya ang boses ni Kath. 'Halika dito bilis." Nagmamadali ang kilos nito at inakay siya palapit kay SPO1 Ty. 'Dito ka lang 'wag kang aalis sa tabi ni SPO1 Ty."

She supposed to be the one who inform Kath about this why does the policewoman informed her? Alam na ba dito ang utos ni Alejandro?

Ang alam niya ay hindi pwedeng gamitin ng binata ang communicating device na suot nito dahil baka makatunog ang mga target kaya nga siya ang inutusan nito.

SPO1 Ty saw the questionable look on her eyes and to answer her confusions,"Inspector Garcia commanded me to look after you."

She can protect herself. Bakit naman kailangan pang-iutos iyon? Maybe Alejandro sees her as a civilian, dahil siya lang ang hindi pulis sa grupo.

"Pupunta na kami doon!" PO3 Lauchengco muttered and give Kath signals to follow her. Sumunod naman si Kath at naiwan silang lima sa loob ng sasakyan. She wondered what happening inside but she can't do anything but to wait.

ALEJANDRO
Nagkalat ang mga wala nang laman na pakete ng droga sa loob ng apartment nang makapasok sila. Amoy pa ang alak at sigarilyo sa buong silid. Nagkalat rin ang ibat-ibat uri ng drugs at drug paraphernalia.

Nakatihaya naman ang dalawang pang nilang target na kapwa lasing. Sa tabi ng mga ito ay may babaeng nakahubad pa. Dahil mahimbing ang tulog ay hindi na nito namalayan na nakalislis na ang kumot na tumatabing sa katawan nito. PO2 de Jesus smiled seems enjoying the view.

Si Lando ay nakatalikod sa gawi nila at walang hirap na nilagyan ito ng posas ni Inspector Austria.

"Anak ng pu--" anito nang maramdaman ang matigas na bagay na nakapulupot sa kamay.

"Anong nangyayari dito Lando?" Nagising naman ang dalawang kapatid nito. Ang babae naman ay hindi malaman kung ano ang tatakpan, kung ang mukha ba o ang katawan.

Chris, one of the suspects rubbed the excess sign of sleep in his eyes and turned to them. "Sino kayo?"

Without a word Alejandro throw the warrant and it landed to Chris's feet. Nakakunot na kinuha nito iyon at binasa.

"Mga pulis kami and we're arresting you for ---"

"Sandali lang hindi pwede 'to! " Pumalag ang lalaking nagngangalang Patrick nang lapitan ito ni Ivan. Sinuntok nito si Ivan, because the latter didn't see it coming, hindi man lang ito nakalaban.

"Tonta!" Inspector Austria shouted obviously pertaining to the PO2.

Lumapit ito kay Patrick at nakipampuno dito habang siya ay hinarap si Chris. Umiiyak ang babae sa isang gilid na hindi na nagawa pang magbihis.

Sipa, suntok at tadyak: lahat iyon ay nailagan niya. Tumingin siya sa dalawang pulis na kasama na parehong nakahilata na.

The next thing he knew, napakawalan na ni Chris si Lando. Naagaw nito ang susi ng posas kay Dave. Pantay na ang laban, siya laban kay Lando, si Ivan kay Chris at si inspector Austria kay Patrick.

Lando threw a punch on him but he twisted his arms causing the latter to tilt backward. Tinadyakan niya ito at sinuntok muli.

Nang makabawi ay sinapa siya nito, bagay na hindi niya nailangan dahil kasalukuyan siyang nakatingin kay Ivan na sakal-sakal ni Chris.

He loose his balance but he force to stand up at nilapitan si Chris na nakapatong kay Ivan. Pinatungan niya ito at sinakal kaya naman nabitawan nito si Ivan. Habol ang hininga ay tumayo si Ivan at sinapak si Chris, with a speed force and sudden impact ay bumagsak ito kay Patrick na nasa ibabaw ni Dave. Dahil sa inis ay hinila din ni Chris si Ivan.

"Ouch!" he cant identify kung sino ang sumigaw sa apat na lalaki dahil nakapatong-patong na ang mga ito. Si Patrick naman ay lumapit sa babae at tinulungan itong magbihis.

Dahil nakatalikod sa gawi nila, kinuha niya ang pagkakataon para lagyan ng posas ang kamay nito. Sakto naman ang pagdating ng dalawang babaeng pulis. He turned over the suspect to them. One down two to go!

"Dalhin n'yo na siya sa presinto kasama ang babae na 'to!" he commanded, PO3 Lauchengco take a peak inside at bahagyang ngumisi nang makita ang Inspector na nadaganan ng tatlo.

Lumapit siya sa mga ito at isa-isang itinayo. He was about to put the handcuffs to Chris when Lando shouted.

"Tigilan mo 'yan kung ayaw mong sumabog ang bungo nitong kasama mo!"

Naagaw pala nito ang baril ni Dave nang magkapatong-patong ang mga ito.

Ngumisi naman si Chris na tila nakahanap ng kakampi.

"PO2 Cañete I order you to shot Patrick Sombreno." Kunwaring aniya habang hawak ang communication device na nakakabit sa colar ng damit niya.

"What a nice act!" Ngumisi si Lando.

"Kung gusto n'yo kaming patayin dapat kanina pa n'ong tulog kami. May dala kayong baril pero hindi n'yo naman ginagamit." Inaamin niyang naisahan siya nito sa bagay na iyon. But he will never go home losing. Kinuha niya ang baril sa beywang at pinaputukan ito sa paa pero hindi niya inaasahan na iniharang nito si Denver at ito ang natamaan sa hita.

"Ah!" malakas na sigaw ni Dave.

"Walang susunod!" ani Lando at lumabas ng apartment akay si Dave. Tumakbo naman si Chris at sumunod sa kapatid.

"At saan ka pupunta?" Hinabol ito ni Ivan at pinalo ng dala niyang batuta. Nahuli man nila ang dalawa, ay meron pang isa. Ang masama ay hostage pa nito ang kasama nila.

•••
"Anong nangyari?" Salubong na tanong ni Alexis sa kanila. Nakabalik na sila sa presinto dala ang dalawang nahuling suspects.

"Nasaan si Inspector Austria?" tanong ni Kath. As if on cue, pumasok ito sa presinto. Punit punit ang damit na itinali nito sa sa paa.

"Nasaan siya?"

"Tanga ka ba!" Galit na balik tanong nito.

"Pagkatapos mo akong barilin, may ganang ka pang magtanong!" Hindi niya niya masisi kung nagalit ito. Alam niyang naging madali ang kilos niya.

Mayamaya ay dumating na rin si PO3 Lauchengco at PO2 Gabriel, inutusan niya ang mga ito na maaiwan sa apartment para kunin ang lahat ng mga ebisensyang naiwan doon.

"Kumusta 'yong lakad n'yo?" Sinalubong niya ang PO3 upang kumalapit ng balita.

"Positive," sagot ng babaeng pulis at Ibinigay sa kanya ang mga pakete ng shabu, ang iba ay may laman habang ang iba ay ubos na. Kasama niyon ay ang dalawang cellphone na naglalaman ng contacts ng mga suspect sa supplier at mga costumer ng mga ito. They also found some bank receipts at the suspects' things but those are useless. Those accounts were like disposable ones that after the transaction, it automatically shut down itself.

Out of 70 contact numbers registered to the phone, one contact number pique his interest. The number registered to someone, under the name of RDV!

👮👮

A/N: I have a question sana may sumagot. (Kahit isa lang) If you're going to rate this story from 1-10 (10 is the highest)
What's the rate of this story?
Comment below ;) Please I really need your feedbacks. Thanks :)
_Chu

Continue Reading

You'll Also Like

41K 365 25
Fariba Archery Aceves story (COMPLETE) Original title was Shades of Seduction.
143K 6.9K 32
Vampire ร— Fantasy ร— Mystery/Thriller Highest Rank Achieved: #6 in Mystery #7 in Vampire #81 in Action
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...