I've fallen inlove with my ki...

By dizixiete

13.9K 454 86

Continuation po ito ng gawa ni ms. iloveyouforyouu :) More

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)
Chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
EPILOGUE (part 1)
INVITATION
EPILOGUE (part 2) THE FINALE
THANK YOU :)

Chapter 67

150 5 2
By dizixiete

Okay, unang una po SORRY dahil ngayon lang ako nakapag update. Wala na po kasi kaming wifi at mas lalong wala na din kaming gadgets (maliban sa phone kong hindi android). Kinuha kasi lahat ng gadgets dito sa bahay eh. Hindi naman ako makapag comp. shop dahil pangalawa, busy po sa school.

Dedicated sa kaniya dahil nakita ko sa inbox ko kanina na nag message siya, one week ago pa pala yon at hinahanap niya si Patrick at Yssah. Gusto niyang mag update ako pero maghihintay daw siya kung kailang ako mag a-update. Thank you dahil kahit natatagalan naghihintay ka pa din :)

Gustong gusto ko po mag update na dahil alam kong may naghihintay pero hindi talaga kaya. Mabuti na lang nakagawa ako ng paraan :) Read and enjoy :)

----

Chapter 67

YSSAH'S POV

"Gino, salamat ulit." sabi ko sa kaniya habang pababa ng kotse. Hindi ko na siya hinayaang bumaba din ng kotse para pagbuksan pa ako.

9pm na kasi. Masyado ng late baka kanina pa ako hinahanap ni Patrick. Kung tutuusin kanina ko pa gustong umuwi dahil hindi ko nga dala ang phone ko baka mamaya hinahanap na ako. Kaso itong si Gino nilibre pa ako ng ice cream. I love ice cream kaya nakalimot nanaman ako sa oras.

"Ayaw mo ba talagang samahan kita? Ako na magpapaliwanag kay Patrick." kanina pa niya yan sinasabi kaso baka lalong magalit si Patrick kapag nakita pa siya.

"Wag na. Okay na ako diba? Salamat ulit Gino ah."

"Tatawag ako mamaya para masigurado kong okay ka lang."

"Ang kulit. Babye na!" nag babye ako sa kaniya. Ngumiti naman siya at tumango. Isinara ko na ang pinto at pinaandar na niya agad.

Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay dahil baka mamaya wala ng gamit na natira sa loob dahil baka nagwala na si Patrick dahil hindi ako makita.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, I regret my decision. Sana pala sinama ko na lang si Gino dito. Sana nandito siya para iligtas ulit ako sa isang eksenang masakit sa mata at sa puso.

Bakit ba palagi na lang ganito ang eksena? Hanggang sa loob ng bahay ba naman naghaharutan pa sila? Bakit may kilitian pa? Bakit kailangan kong marinig ang tawanan nila?

Ni hindi nga ata nila napansin na nandito na ako eh. Si Patrick na nakaupo sa sofa ay kinikiliti ni Ryan. Nagtatawanan sila. Gumaganti pa ng kiliti si Patrick. Wow ah. Nakita ko ang mga libro at papel sa glass table na nasa harapan ng sofa.

Nag-aaral sila? Kakaiba na pala ang pag-aaral ngayon. I cleared my throat na naging dahilan para mapaharap sila sa akin.

Agad silang tumigil sa ginagawa nila. Nanlaki pa nga ang mata ni Patrick at agad tumayo para lapitan ako.

"Yssah.. bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinahanap. Nag aalala ako sayo."

"Talaga? Kaya pala busyng busy kayo." note the sarcasm. Tumataray ako kapag nakikita ko ang Ryan na 'to eh!

"Yssah hindi ko gusto ang tono mo." pagbabanta niya. Eh ako? Nagustuhan ko ba ang eksenang nakita ko?

Nakakainis! Nararamdaman ko nanaman ang namumuong mga luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi nanaman sumusunod sa akin ang mga luha ko. Any minute babagsak na sila.

"Sorry.." yun na lang ang nasabi ko at naglakad na papunta sa hagdan na tinutungo ang kwarto ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko si Ryan na nakaupo sa sofa, sitting pretty and she's smirking. Panalo nanaman siya?

"Yssah! Yssah go back here!" sige, sigawan mo ko. Sige, tawagin mo ako. Hindi kita lilingunin hanggang nandiyan ang Ryan na yan.

Nakapasok ako sa kwarto ko at agad ni-lock ang pinto. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Nandito nanaman ako eh, nag mumukha nanaman akong kawawa.

Narinig kong tumunog ang phone ko kaya naman dumiretso ako sa study table ko at kinuha sa drawer ang phone ko.

Gino calling...

Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ko sagutin ang tawag.

(Hello? Yssah?)

Napangiti ako ng marinig ang boses niya. Nag aalala siya masyado. Akala niya siguro napagalitan ako ni Patrick dahil late na akong umuwi.

(Yssah? Okay ka lang ba? Pinagalitan ka ba ni Patrick? Tatawagan ko si Patrick para mag explain.)

"Wag. Okay lang ako.." I tried to sound normal dahil panigurado mag aalala nanaman siya. "..hindi naman niya ako pinagalitan eh. Okay lang daw basta.. s-safe  ako umuwi." naiyak nanaman ako. Bakit ba naman kasi ang babaw ng mga luha ko? Bakit kailangan ko pang magselos sa mga ganung eksena?

(Sshhh.. umiiyak ka nanaman eh. Hindi na ulit ako magtatanong kung anong nangyari. Magpahinga ka na. Goodnight, bye.)

"G-gino.."

(Bakit?)

"Salamat.."

(Wala 'yon. Sige na, magpahinga ka na.)

"Sige, goodnight din" ako na ang pumutol sa tawag.

Tumayo ako at nagpalit na ng pantulog. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Tsk. Namamaga nanaman ang mata ko. Ang sipag kasi umiyak eh.

Natigilan ako ng marinig kong may kumatok sa pinto at nagsalita.

"Yssah.. let's talk.."

Mahinahon na siya. Bakas sa boses niya ang lungkot. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang pinto o magpapanggap na tulog na lang ako?

I decided not to open the door. Nahiga na lang ako sa kama ko at pinilit makatulog.

"Yssah, wala na si Rhian kanina pa. Pwede na ba tayong mag-usap?"

Rhian. Narinig ko nanaman ag pangalan ng Ryan na iyon. Umikot ako sa kabilang direksyon, patalikod sa pinto. Gusto ko munang magpahinga. Panigurado kapag nag usap kami iiyak lang ako at makikinig ako sa kaniya. Hindi ko kasi kayang makita siyang malungkot din dahil sa inaasal ko.

Narinig kong tumunog ang lock ng pinto. Geez. Nakalimutan kong may susi din pala siya ng kwarto ko. Mas lalo kong ipinikit ang mga mata ko at nagpanggap na tulog.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya. Naramdaman ko ang pag galaw ng kama ko kaya panigurado naupo na siya sa kabilang side ng kama.

Please lang naman Patrick! Umalis ka muna oh! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko yakapin pa kita ng sob--WAAH! Niyakap niya ako!

Layo! Lumayo kaaaa! Yung puso ko nanaman ang bilis ng tibok. Dapat galit ako sayo! Dapat nagtatampo ako sayo pero bakit ganito ang ginagawa mo?

"Yssah.. sorry sa mga nasabi ko kagabi at kanina. Masyado lang akong nag alala eh. Noong umuwi ako dito galing sa Tabi Island, walang signal sa byahe kaya hindi ako nakatext o naka tawag. Inaasahan ko ikaw yung madadatnan ko pag-uwi. Halos baliktarin ko na ang buong bahay pero wala ka. Pumunta pa ako sa school niyo pero wala ka do'n. Tinawagan kita at tinext pero wala kang sagot.." gusto ko siyang yakapin pero minabuti kong wag muna. Gusto komg marinig ang sasabihin niya.

"Hindi mo alam kung gaano ako nag aalala sayo. Rhian helped me to find you. Muntik na nga akong pumunta ulit sa mga pulis eh. But I know wala din silang magagawa dahil kailangang 24 hours ka ng nawawala bago ka nila hanapin."

Narinig kong suminghot siya. Is he crying? Hindi ito ang unang beses na umiyak siya pero masyado ng matagal ng huli kong nalamang umiyak siya eh.

"I don't know what to do.. Sumama si Rhian hanggang dito sa bahay sabi niya uuwi ka din naman kaya sasamahan niya na lang ako hanggang sa maka uwi ka. Naligo lang ako ganun na ang eksenang nakita ko.. Hindi ko siya kinakampihan. Ayaw ko lang magkasakitan kayo, she's my friend and you're my forever ayaw kong masaktan ka. Pero anong ginawa ko? Nasaktan kita dahil sa mga salitang binitawan ko.."

Suminghot ulit siya. Kahit ako tumutulo na ang luha ko. Nakayakap pa din siya sa akin.

"Kanina.. para na akong tangang nag aalala sayo. Naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit iniwan mo ang phone mo. Yssah.. sorry na.. Wag ka ng magalit." hindi ko na natiis. Hinawakan ko ang braso niyang nakapulupot sa katawan ko.

"Bakit magkasama kayo ni Ryan sa Tabi Island?" hindi pa din ako lumilingon sa kaniya. Gusto kong malaman talaga eh.

"Hindi kami magkasama, nagkita lang kami sa Tabi Island. Nagkataong may pinuntahan siya do'n at pinagusapan na din namin yung tungkol sa project." humarap na ako sa kaniya at nakita ko na ang mukha niyang may mga luha katulad ng mga mata ko.

"Eh bakit kailangan pang pumunta siya do'n sa bahay niyo?" nag pout ako kahit puro luha na ang mata ko. Pinunasan niya naman ang mga luha ko at ngumiti siya sa akin.

"Dahil sa project, mrs. Saavedra. Hindi kita ipagpapalit kung 'yun ang iniisip mo. Masyado kitang mahal. Tatapusin ko lang ang project na 'to para magkasama na tayo palagi. Wala ng Rhian. Pero sa ngayon, pagtiisan mo muna si Rhian ha.. Kasama siya sa project kaya di ko siya maiwasan."

Tumango ako. Kaya ko naman pagtiisan eh. Wag lang talagang sobrang e-epal yun.

"Now, tell me. Saan ka ba galing kagabi at kanina? Masyado mo akong pinag alala."

Oh ow. Sasabihin ko ba? Kasama ko si Gino. Baka magalit na talaga siya. Pero mas magagalit siya kung di ko sasabihin. Paano kung siya yung magsinungaling sa akin? Di ko kakayanin. Haist.

"Ahmm.. k-kagabi.."

"Hmm?" nakahiga pa din ako at di ako makatingin sa mga mata niya. Siya naman, nasa left side ko at nakatukod ang siko sa unan at ang kamay ay napapatungan ng ulo niya. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko at nilalaro iyon.

"K-kasi.. galing kami sa orphanage." natigilan siya sa paglalaro ng kamay ko. Waah! Wag kang magalit Patrick! Huhuhu. Sorry na..

"Tapos.. pumunta kami sa condo niya, nag diner kami doon kasi nandoon si.. m-mama."

Di tuloy ako makatingin sa kaniya. Nakakatakot pa naman magalit si Patrick. Waah! Sana wag siyang magalit. Huhuhu :'(

"T-tapos.. kanina.. kanina nag ice skating kami. Kumain ng ice cream. Waah! Patrick sorry.." naiiyak nanaman ako. Bakit ba naman kasi nagpaka isip bata pa ako dahil sa selos ko. Nag alala pa tuloy sa akin si Patrick. Iniwan ko ang phone ko. Nakooooo!

"Why are you saying sorry?"

"Kasi.. kasi baka magalit ka dahil kasama ko si Gino tapos di pa ako nagsabi sayo." hinawakan niya ulit ag kamay ko at pinisil niya ang kamay ko.

"I can't deny the fact that I am jealous. Siya ang madalas mong kasama na in the first place, ako naman dapat. But still, I'm glad na siya ang kasama mo. Alam kong safe ka sa kaniya.. Promise me.. next time.. tell me if you're going somewhere. Ayokong mag alala ng sobra. kung anu-ano na pumapasok sa isip ko eh." niyakap niya ako at kinabig sa dibdib niya kaya naamoy ko siya lalo. Ang bago niya talaga.

Inamoy amoy ko pa siya. Hihihi. Minsan ko lang siya maamoy ng ganito lulubusin ko na. Namiss ko din siya eh.

"Mauubos ang amoy ko niyan eh. Ikaw talaga!" kinurot niya ang ilong ko. Nagpout ako at ang lokong 'to bigla akong hinalikan.

WAAH! Hinalikan ako ni Patrick! Magnanakaw ng halik! Namumula na tuloy ako. Patrick naman eh.. naipon ba ang ka-sweetan mo ha?

"Can I sleep here tonight? I badly missed you mrs. Saavedra." bakit ang sexy ng boses niya? Parang inaakit niya ako. Hihihi ^___^

"I miss you too, mr. Saavedra. I love you." lumapad ang ngiti niya at hinalikan ako ulit ng mabilis sa labi.

"I love you forever, Isabella Velasco - Saavedra."

Pumikit na ako at nakita ko ang sarili kong ikinakasal kay Patrick.. Sana isa na nga talaga akong Isabella Velasco-Saavedra. Ang cute diba? Hihihi ^___^ Ako lang pwedeng maging ganiyan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

READ. VOTE. COMMENT.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 24.1K 35
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
609K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
26.8M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...