Operation: Marry Me

By thestorymachine

1.2M 24.9K 4.9K

ViceRylle Operation: Convert Me (Part 1) Operation: Marry Me (Part 2) More

Operation Convert Me
File 1: Intro
File 2: Convince
File 3: Initial V
File 4: Winter in Danger
File 5: Man in Trouble
File 6: Love Me
File 7: 7 steps
File 8: Game Over
File 9: MMTB
File 10: The Hose
File 11: Cookies
File 12: Get Inside (part 1)
File 13: Get Inside (part 2)
File 14: In the Province
File 15: Confession
File 16: Misconception
File 17: Forbidden Star
File 18: Proot
File 19: Heart and Mind
File 20: Proposal
File 22: Prolonging the Agony
Important Announcement
File 23: No Doubts
File 24: Good or Bad
File 25: Quiz Show
File 26: Setback
File 27: Reversed
File 28: Confirm
File 29: Broken
File 30: Unstoppable
File 31: Thoughts
File 32: Worries
File 33: Forgiven
File 34: Hart Hart
File 35: Mistaken
File 37: Fulfilled
File 38: No Turning Back
File 39: Truth
File 40: Acceptance
File 41: Vanished
File 42: Impede
File 43: Deprivation
File 44: Revelation
AAL
File 45: Completed
Author's Note
File Extension: ABA
Operation: Marry Me
File 46: Revenge
File 47: Find
File 48: Never Give Up
File 49: Confused
File 50: Kiss you
File 51: Get Jealous
File 52: Controlled
File 53: Say Hi
File 53: Sorry
File 54: Ceasefire
File 55: Feel
File 56: Free
File 57: Play
File 57.5: Reunite
File 58: Reunite again
File 59: Realized
File 60: OMMK
File 61: Marry Me
File 62: Beginning
Finale

File 36: Settled

17.1K 439 114
By thestorymachine

Dahil sa mga nangyari, medyo umiwas naman si Karylle kay Vice. Nahahalata naman ito ni Vice pero dahil alam naman niya na siya naman talaga ang may kasalanan, hindi niya masisi si Karylle at tinanggap na lang ang sitwasyon nila... sa ngayon.

Justin: Okay lang ba talaga kayo?

Tumango na lang si Karylle na parang medyo inis pa rin kay Vice sabay subo ng chips.

Tintin: Eh bakit parang hindi kayo nagpapansinan?

Karylle: Naguusap naman kami.

Tintin: Oo, naguusap kayo pero 'oo or hindi' lang ang sinasagot mo.

Justin: Napapansin ko nga kay Vice parang sobrang lungkot niya ngayon.

Tintin: Tsaka hindi na siya nanlalait ngayon. Hindi na siya masungit, kapag tinatanong mo, sobrang hina na lang ng boses niya pagsagot.

Nagtataka naman si Karylle dahil parang lahat naman ng sinasabi nila eh good qualities naman, so walang problema dun.

Karylle: Mabuti nga yun eh, nagbago siya.

Justin: Hindi yun ang point namin, hindi na si Vice yun. Hindi na siya si Vice na kilala namin!

Tintin: Sobrang depress siya ngayon, kausapin mo kaya ng matino. Magusap kaya kayo!

Justin: Walang magulong usapan ang hindi naaayos kapag naguusap.

Napaisip naman si Karylle at medyo naguilty sa hindi niya pagpansin kay Vice sa loob ng ilang linggo. Patuloy lang sa pagkain ng chips si Karylle ng maalala na naman niya yung pinagdaanan niya nung nagkabagyo, naalala na naman niya na kahit isang beses hindi man lang siya nadalaw ni Vice.

Karylle: NO! Bahala siya madepress, wala akong pake!

Nastress naman si Justin at Tintin dahil mukhang nagkapalit na nga ng ugali si Karylle at Vice ngayon.

Tintin: Ewan ko ha, basta sinabihan ka na namin Karylle. Kapag si Vice nag-commit ng suicide diyan sa awayan niyo, sinasabi ko sa'yo!

Justin: Masyado pa namang emosyonal si Vice.

Nanlaki naman mga mata ni Karylle at nagulat sa mga sinabi nung dalawa. Kahit naman hindi sila okay ni Vice ngayon, syempre andun pa rin yun pagaalala. Kumbaga, tampuhan lang naman pero mahal pa rin niya si Vice.

Justin: Pano kung biglang kumuha ng lubid yun tapos magbigti sa cr.

Naiimagine naman ni Karylle lahat ng sinabi ni Justin. Nakikita niya si Vice na may hawak ng lubid at magpapakamatay.

"I'm sorry. I know I'll only hurt you... I know I'll only make you cry." -V

Nakikita niya si Vice na umiiyak bago pa man ituloy ang gagawin niya.

"This is the end. I love you, goodbye." -V

Natetense na si Karylle ng biglang sumingit agad sa imagination niya yung mga pinagsasabi naman ni Tintin.

Tintin: Oo nga noh, pero mas malala kung maglaslas siya!

On Karylle's imagination, may hawak-hawak namang kutsilyo si Vice, nakatapat na ito sa kanyang pulso at bago pa man ituloy ang plano niya, nagbigay muna siya ng last words sa pinakamamahal niyang si Karylle.

"Alam kong mali ako, pero hindi ko na talaga kaya yung pagiwas mo. Paalam, mahal ko." -V

Hindi na makayanan ni Karylle yung mga naiisip niya ng sumingit na naman si Justin. Walang paawat ang dalawa sa pagkonsensya sa ginagawa ni Karylle. 

Justin: Hindi, pano kung nagmamaneho siya, napakaingat ni Vice sa pagmamaneho pero dahil hindi siya pinapansin ni Karylle, sobrang lungkot niya. Sobrang depress siya na hindi na niya alam ang mga nangyayari sa paligid.

Nasa isang sasakyan si Vice, sobrang lungkot na Viceral ang nakikita ni Karylle ngayon.

"Bakit ba hindi ako pinapansin ni Karylle ko? Bakit niya ko iniiwasan? Karylle, bakit?" -V

Justin: Patuloy lang sa pagiyak, patuloy lang siya sa pagiyak at napansin niyang basang-basa na ang damit niya.

Masyadong intense ang pakekwento ni Justin, si Karylle sobrang seryoso na rin.

Justin: Kukuha siya ng isang rolyong tissue para sa kanyang tumutulong sipon. Tinanggal pa niya ang kanyang seatbelt tapos...tapos... BOOM!

Tintin: Panes.

Justin: Nabunggo si Vice ng isang ten wheeler truck. Hindi, hindi... mali, mga limang ten wheeler truck. Ohhhh hindi! posibleng sampung truck! Tama, mga sampung truck!

Sobrang ganda naman ng pagkekwento ni Justin at Tintin dahil may reenactment pa. 

Tintin: Mamamatay si Vice! Mamamatay si Vice! Sa pagkakabunggo sa sampung ten wheeler truck, hindi na natin siya makikilala, marami ang malulungkot, maraming manghihinayang sa kapogian niya!

Sobrang naguguilty na si Karylle sa ginagawa niya kay Vice pero may part pa rin sa kanya talaga ang nagsasabing kailangan pa rin talaga niyang turuan ng leksyon si Vice.

Karylle: Hindi mangyayari ya--

Tintin: Pero mas nakakatakot kung mawalan ng break yung sasakyan niya.

Justin: Oh God. (ginagaya si Karylle)

Tintin: Mawawalan siya ng break tapos tatawagan niya si Karylle! 

Mas natense na si Karylle dahil mukhang nagiging kapani-paniwala na ang mga kwento nung dalawa. Parang nangyari na kumbaga.

Tintin: Tatawagan niya si Karylle pero dahil matigas si Karylle at hindi pa rin kinakausap si Vice, hindi niya ito sasagutin! Iiwasan niya ang mga tawag nito.

Justin: Tapos, tapos anong mangyayari?!

Tintin: Isang emergency case, si Karylle lang ang tanging tinawagan ni Vice dahil sa pagaakalang si KARYLLE LANG ang makakatulong sa kanya, pero dahil matigas si Karylle, hindi niya ito kinausap. 

"Karylle, come on! Please pick up the phone!" -V

Halos maiyak na si Karylle sa sinasabi nung dalawa. Sobrang naguguilty na siya sa mga nangyayari.

Tintin: Naubos ang oras ni Vice sa pagtawag kay Karylle hanggang sa nabunggo na siya sa isang malaking puno...puno ng coconut. At dahil malakas ang pagkakatama ni Vice, kumalat ang dugo sa kotse niya.

Natahamik naman saglit si Tintin at hinahayaang lumawak ang imahinasyon ni Karylle sa mga kwento niya.

Tintin: Hindi na rin siya naidala kaagad sa ospital dahil wala na, dead on arrival.

Naputol na lahat ng imaginations ni Karylle at dahil sa mga kwento nung dalawa, umiiyak na siya ngayon. Natatawa naman si Tintin at Justin dahil mukhang napaniwala na nila si Karylle pero pinipigilan nila para maging effective ang kanilang planong pagbatiin ang vicerylle.

Justin: Nang dahil sa simpleng pagiwas, maaaring mamatay si Vice.

Tintin: Posibleng, magbigte, maglaslas, mabunggo ng ten wheeler truck or mawalan ng break at mabunggo sa puno ng coconut.

Justin: Kawawa naman siya, marami pa siyang magagawa sa mundo pero dahil hindi siya pinapansin ni Karylle, nga taong pinakakamamahal niya, hindi na niya ito magagawa.

Tintin: Maaaring hindi lang si Vice ang mawala, dahil kapag nalaman ito ng vicerylle babies niyo, baka pati sila hindi nila kayanin at magpatiwakal din. Magkakasama-sama na sila sa langit.

Iyak na ng iyak si Karylle sa mga nangyayari, hindi na niya matake dahil naiisip niyang totoo nga, posible ngang mangyari ang lahat ng yun ng dahil lang sa kanya.

Justin: Paano na yung mga mararamdaman ng totoong pamilya nila? Paano na ang future ng 29,863 babies mo, Karylle?

Tintin: Sisirain mo ang kinabukasan ni Vice at ng mga anak niyo, kawawa naman sila.

Tulala na si Karylle, sa mga pinagsasabi nung dalawa parang masisiraan na siya ng bait sa sobrang guilt na nararamdaman niya.

Justin: Well, it's your choice. Sabi mo nga kanina di ba, "Wala kang pake".

Tintin: Hindi ka naman namin mapipilit eh, kung ayaw mo talagang kausapin si Vice, okay lang din. Ang inaalala lang namin, yung consequences kapag hindi mo kinausap si Vice. Ikaw rin, baka ito na yung...huli.

Justin: Nasa'yo na ang huling desisyon. Kakayanin mo bang mawala si Vice pati ang 29,863 babies niyo? Lalo na ngayon dumadami pa sila, kawawa naman yung mga bata.

Biglang may pumasok namang staff at tinawag na sila.

Staff: Maam Tin, Sir Justin, pinapatawag na po kayo ni Direk. Kayo na daw po susunod.

Tumayo na sila Justin at Tintin samantalang si Karylle tulala pa rin.

Tintin: So Karylle, mauna na kami ha. Pag-isipan mo yung mga sinabi namin sa'yo.

Pangiti-ngiting banggit ni Tintin bago sila umalis ni Justin para sa susunod nilang scenes.

Dahan-dahang tumayo si Karylle sa sobrang takot at pagaalala para kay Vice. Napagisip-isip niya, hangga't hindi pa huli ang lahat, pwede pa silang magkaayos ni Vice. Hangga't maaga pa, pwede pa niya itong kausapin. Nagdesisyon siyang kausapin na si Vice para maging malinaw ang lahat.

Biglang hinabol ni Karylle yung staff para itanong kung nasan na ba si Vice, si Vice kasi yung kinunan bago pa sila Tintin at Justin, so malamang tapos na yung scene ni Vice ngayon.

Karylle: Si Vice?! Nakita niyo po ba si Vice?

Staff: Ay Miss K, kakauwi lang. May dance rehearsal pa ata yun so pabalik na po siya ng studio.

Nataranta naman si Karylle.

Karylle: ANO?! Sinong kasama niya?!

Staff: Wala po Miss K, siya lang nagmamanehong magisa.

Dahil sa mga oa na kwento ni Justin at Tintin, naging paranoid na si Karylle. Mukhang nagkakatotoo na rin kasi talaga yung mga sinabi nila.

Kinuha niya yung cellphone niya at mas lalo siyang nagulat at natakot sa nakita dito.

Vice My Loves

3 missed calls

Karylle: Oh God. Oh God. Oh God. Oh God.

Dahil sa matagal nilang usapan at kwentuhan, hindi nasagot ni Karylle ang phone niya ng tumawag si Vice.

Nagpapanic na si Karylle at agad kinuha yung shoulder bag niya at umalis na sa location. Medyo matagal pa naman kukunan yung scene niya so okay lang din na umalis muna, hindi naman makakaapekto yun sa taping nila ngayon. Nagmamadaling sumakay na siya sa taxi.

Nabasa pa niya ang maaring huling text message ni Vice sa kanya.

Vice My Loves

I know this might hurt you, but I don't want this to end. Let's talk.

Sobrang natetense na si Karylle, tinatawagan naman niya si Vice pero wala na, hindi na niya ito macontact.

Karylle: Manong, pwedeng bilisan niyo po.

Gaya lang ng inutos ni Karylle, binilisan naman ni Manong taxi driver. Pero mga ilang saglit lang sa way niya papuntang studio, biglang tumigil yung taxi na siya namang pinagtatakahan ni Karylle.

Karylle: Manong, nagmamadali ako. Bakit tayo tumigil?

Taxi Driver: Maam, may kotse tsaka truck na nagkabanggaan.

Karylle: kotse? truck?

Naalala na naman niya yung kwento.

"Nabunggo si Vice ng isang ten wheeler truck."

"Mamamatay si Vice! Mamamatay si Vice!"

Nagmadaling bumaba si Karylle, unti-unting lumapit sa nabunggong kotse pero pagtingin niya wala ng nakasakay, wala na yung naaksidente. Nakita naman niya na sinasakay na yung lalaki dun sa ambulansya para dalhin sa ospital. Punong-puno ito ng dugo at mukhang hindi na aabot sa ospital.

Naririnig naman niya yung mga taong naguusap.

"Wala, mukhang hindi na aabot sa ospital yun."

"Hay, bawal kasi magcellphone habang nagmamaneho!"

"Balita ko tinatawagan daw yung girlfriend eh hindi naman sumasagot."

Hindi na makayanan ni Karylle, tama siya ang may kasalanan ng lahat. Umiyak na siya ng umiyak, hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung sakaling may mangyaring masama kay Vice ngayon. Napaupo na si Karylle sa kakaiyak, parang tumigil ang mundo niya sa nakita niya. Lahat ng mga pinagsasabi nila Justin, nagkatotoo ng lahat ng dahil lang sa pride niya na wag na ngang pansinin at kausapin si Vice.

May isang lalaki namang bumaba ng sasakyan at nakilala si Karylle, lumapit siya dito dahil awang-awa siya sa kalagayan ni Karylle.

Vice: Karylle? Are--you okay?

Pamilyar naman kay Karylle yung boses na yun, tama boses ni Vice yun, paglingon niya nakita niya ang poging-pogi na si Vice, buhay na buhay.

Karylle: Vice?! Vice???

Bigla niya itong niyakap ng mahigpit, iyak pa rin ng iyak. Tuwang-tuwa si Karylle dahil walang nangyaring masama kay Vice. Hinalikan ng hinalikan niya ito sa pisnge at parang sobrang namiss niya ito ng husto, si Vice naman naweweirduhan sa mga nangyayari.

Karylle: Sorry! Sorry! I love you! I love you!

Vice: Karylle, saglit lang, nasa kalye tayo. Ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak?

Parang bata naman si Karylle, at pinupunasan yung luha niya gamit mga kamay niya habang nakekwento.

Karylle: Akala ko kasi ikaw yung naaksidente. Akala ko patay ka na, akala ko iniwan mo na ko. Akala ko...

Biglang hinampas naman niya si Vice sa dibdib. Si Vice naman medyo nasasaktan pero sanay na rin naman siya sa mga hampas ni Karylle. Natutuwa nga siya ngayon kasi finally, naguusap na ulit sila ng ganito.

Vice: Aray ko ha!

Karylle: Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko?! Alam mo ba kung anong ginawa mo! Halos mamatay ako sa pag-aalala tapos... tapos!!! I hate you! I hateeee you!

Tawang-tawa naman si Vice sa pagkaoa ni Karylle.

Vice: Empty batt na yung phone ko, naiwan ko naman yung ibang phone sa set kaya hindi ako makasagot kaagad.

Karylle: Eh bakit wala kang kasama! Bakit ka nagmamaneho magisa! Paano kung namatay ka?! Sino na magaalaga sa 29,863 babies mo? Ako na lang ha?! Ako na lang?!

Hindi na nagsasalita si Vice at pinipigilan ang matawa kay Karylle. Pati mga vicerylle babies nasama pa sa pagkaoa nito.

Karylle: Bakit ka ba tumatawa dyan?! Hindi na nakakatuwa Viceral ha! Hindi porke hindi kita pinapansin, papabayaan mo na ang sarili mo! Hindi mo ba naisip yung mga taong nagaalala para sa'yo! 

Tahimik lang si Vice at nakikinig.

Karylle: Hindi kita pinapansin kasi gusto ko, ikaw yung unang gumawa ng move. Gusto kong maramdaman na may pakialam ka rin sa akin, na naapektuhan ka kung sakaling hindi na kita pansinin pero dahil napakamanhid mong bwiset ka, hindi mo napansin yu---

Biglang hinatak ni Vice si Karylle at niyakap ito. 

Vice: I'm sorry. Sorry sa lahat ng ginawa ko sa'yo. 

Natigilan naman si Karylle sa pagkakayakap ni Vice. Nagulat siya dahil hindi naman niya ineexpect ito.

Vice: Mahirap saken yung umiiwas ka, yung lumalayo ka kasi kahit gusto kitang yakapin at halikan, hindi ko na magawa pero tinanggap ko lahat ng yun kasi...kasi nahihiya na ko sa'yo. Nahihiya ako para sa sarili ko kasi hindi mo naman deserve ang isang walang kwentang taong tulad ko. Yung nangyari sa bar, alam ko namang nakita mo ko, alam kong alam mo na hinalikan ko yung babaeng yun pero hindi ka nagsalita, hindi ka nagalit sa akin. 

Naiyak naman si Vice ng maalala ulit yun. Si Karylle naman tahimik na lang di tulad kanina na sobrang ingay.

Vice: Pero Karylle, maniwala ka ikaw lang laman ng isip ko nun. Lasing lang talaga ako kaya nagawa ko yun, sorry na. Tapos nadagdagan pa nung naghintay ka sa date natin tapos bumabagyo. Hindi ko na alam ang gagawin ko nun, nung makita kita sa park, nangangatog sa lamig dahil may sakit ka rin pala nun, sabi ko hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may mangyaring masama sa'yo.

Natigilan naman si Karylle sa sinasabi ni Vice. Akala kasi niya si Vhong yung nagligtas sa kanya.

Karylle: Ikaw yung lalaking nakapajama?

Tumango na lang si Vice which means yes. Nairita na naman si Karylle sa sarili niya dahil pang-ilang beses na siyang nagkakamali, at ang laki niyang shunga dahil todo sisi siya kay Vice dahil pinabayaan siya nito pero si Vice naman pala talaga yung nagligtas sa kanya.

Vice: Kaya naisip ko, baka mas lalo lang kitang masaktan kung magkasama tayo. Baka mas lalo ka lang mapahamak kung didikit pa ko sa'yo kaya nung umiwas ka, tinanggap ko na lang kasi alam ko naman sa sarili ko na deserve ko yun kasi ako yung may mali.

Napakamot naman ng ulo si Karylle dahil sa maling akala na naman niya. Hay naku.

Karylle: Wag mo ng isipin yun. Okay na ko, di ba? Mas hindi ko kakayanin na dumating na lang tayo sa point na parang wala na lang ako sa'yo.

Nakikinig namang mabuti si Vice. Bihira lang maging seryoso si Vice, kay Karylle lang talaga.

Karylle: Vice, mahal kita. At kung iniwasan man kita... eh kasi naman akala ko si Vhong yung nakapajama! Never ko naman naimagine na nagsusuot ka rin pala ng pajama! Kaya akala ko siya yung nagligtas saken.

Napangiti naman si Vice at niyakap na lang ulit si Karylle.

Vice: Sorry ulit. Bati na ba tayo?

Karylle: Never naman tayo nag-away eh, tampuhan lang. Sorry din! I love you. 

Vice: I lov---

Seryoso namang magusap ang dalawa na hindi nila namamalayan, nagcacause na pala sila ng traffic sa edsa.

"Aba, sayang sa gasolina! Lumayas kayo diyan! Hoy!"

Nagulat naman ang dalawa sa mga busina ng sasakyan at agad umalis sa gitna para makadaan din yung ibang sasakyan.

"Hay, landian ng landian, ang mahal mahal ng gasolina eh!"

Karylle: Sorry, sorry po.

Tawang-tawa naman si Vice sa mga nangyayari pero okay na rin dahil finally, nagkabati na talaga sila ni Karylle, yun naman talaga yung importante dun.

Vice: Tara, hatid na ulit kita sa location.

KV Co.

Loading Status: 80%

A/N: Pwede na po ba yan? hehehe Thank you for reading! Happy na ulit. 

Continue Reading

You'll Also Like

Sober By Ara

Fanfiction

86.2K 3.9K 37
He never wanted to keep Aya's mom unknown to his daughter. She is still her biological mom. She conceived Aya. She gave Aya's name. But, everytime he...
808K 13.5K 32
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
29.2K 2K 60
PROLOGUE Every great dream begins with a great dreamer. Dalawang matapang na kababaihan ang nakikipaglaban para sa katarungan ng karamihan. Tapang...