LADY ELAFRIS HALE
Malamig, nararamdaman ko ang kalamigan ng hangin sa paligid at sa sahig kung saan nakatapak ang mga paa kong walang suot. Nanatili akong nakapikit, my eyes were to heavy to lift up the eyelids. Gusto kong yakapin ang sarili ko pero hindi ako makagalaw. As if I was tied into a chair.
Nakarinig ako ng mga apak ng paa, it was two people. I hear soft murmurs hanggang sa palakas ng palakas, palapit ng palapit.
"Wala sa kanya ang libro, backpack lang ang dala niya pero wala don."
"Sigurado ka bang tama yung nakuha natin? hindi niya tayo papatawarin kung hindi natin makuha at maibalik ang libro"
"Sigurado ako, dalawang babae lang ang kasama nila at prinsesa ang isa."
"Paano natin maipapaliwanag 'to"
Narinig kong bumukas ang pintuan na sa tingin ko ay gawa sa metal dahil gumawa ito ng tunog ng binubuksan na gate sa dati naming bahay. Namiss ko tuloy si mommy, I hope she's okay.
"Hoy" the voice was cold and lifeless "Gising diyan" tinapik niya ang mukha ko, unti-unti kong minulat ang mga mata ko, nag adjust ito sa kadiliman. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko, pinagmasdan ko ang kapaligiran.
Nasa madilim akong kwarto walang bintana o butas at tanging torch lang ang gumagawa ng liwanag.It looked like an old room of a castle, medieval style pero makikita mong dinaanan na ito nga panahon.
I looked down, I wasn't wearing my clothes. I was wearing a white nightgown. tiningnan ko ang taong gumising saakin, still adjusting to my blurry vision. I gasped nung makita ang mga taong nasa harap ko. pale white skin, dark bags under the eyes, fangs.
"Vampires," I whispered "Bakit ako nandito? a-ano ang kailangan niyo saakin?" I started to panic, tiningnan ko ulit ang paligid. I started to remember what happened, yung pagkuha ko ng tumbler, how Aiden screamed my name and how I was taken away.
"Shut up human, it's better for you to stay silent if you don't want to be drained of blood" malamig na pagkakasambit ng lalaking nasa tabi niya. Mas mataas ito at mas nakakatakot, pula at nanlilisik ang mga mata nito at may malaking peklat sa kalahating mukha.
"Now Ajar. wag mo namang takutin ang bisita natin" sabi ng lalaking-bampira-na gumising saakin kanina. He gave me a creepy grin fully exposing his white pointed fangs. Nakakatakot yung tinatawag niya Ajar pero It seems to me that this guy is more dangerous. The way he spoke so gentle, but there is poison, hatred at cruelty behind it.
"Tara na at iharap na natin siya kay Draco" Malamig parin na sabi ni Ajar, He cut the rope that was around me with a single slice at pagkatapos ay hinawakan niya ako at marahas na itinayo. I winced at the pain, masyadong mahigpit ang pagkahawak niya.
I was scared, I wanted to escape or do something at least pero nanghihina ang katawan ko it's as if I was drugged. "Anong nangyayari saakin? bakit wala akong lakas? Anong ginawa niyo saakin?"
"Oh, don't worry, temporary lang yan. We made you drink a potion that could take away all the possibilities to use your ability or anything you have up your sleeve kaya kung nag iisip ka na tumakas, don't."
I fell silent. Pinikit ko lang ang mga mata ko at tinitiis ang marahas na paghihila ni Ajar saakin, nauunang maglakad yung isang bampira na hindi ko alam kung ano ang pangalan. Dinaanan namin ang madilim at masikip na pasilyo. The place looked like a dungeon and each cell has rogues and sometimes vampire who lost their sanity.
I whimpered nung inaabot nila ako. I just want to go back to my friends, I don't feel safe. I want to go to Aiden, magtago sa likod niya at magsumbong.
pagkatapos ng halos 5 minuto ng paglalakad ay umabot kami sa isang napakalaking pinto. Binuksan ito ng mga kawal at pinakita ang napakalaking bulwagan. may mga taong nakaitim na nagsasayawan, maliwanag ang ha na nagmumula sa malaking chandelier na pinalilibutan pa ng maliliit. may red carpet na nakalatag sa harapan ko, sinundan ko ito ng tingin hanggang sa umabot ako sa katapusan nito.
Bigla akong nanginig hindi dahil sa malamig na temperatura ng paligid kundi sa nakita ko. A throne made out of bones, but not ordinary bones. Those are bones of humans, maybe elves, maybe werewolves any kind of creature who once had a life. sa taas nito ay isang nilalang na hindi ko maaninag ang mukha, I tried to squint my eyes pero muli akong hinila ni Ajar. The crowd that was joyfully dancing carved a path for us.
tiningnan ko sila, My friends were right. Vampires in this realm were not attractive, they look horrible. mula sa mga pula at itim na mga mata, sa matatalim na ngipin at tingin. Some had pointed tongues that hissed at me and the worst that I saw was teeth that are like rows of needles. They were not vampires, they were monsters.
binagsak ako ako ni Ajar sa sahig, I winced dahil sa impact, malalakas talaga ang mga bampira. I struggled, trying to get away from the bones pero tumama ang likod ko sa mga binti ni Ajar. Binalik ko ang tingin ko sa bampirang walang awa na tinatapakan lang ang mga buto na nagmistulang hagdanan sa kanyang trono. How could he be so heartless? Those poor things, the life they had, the family they left.
Bumaba mula sa trono ay isang bampirang lalaki. He was a tall middle-aged man. He wore a suit and a black cape, his hair was styled neatly but he wore an eyepatch on his left eye. may dala din siyang tungkod. May aura siyang sumisigaw nga kamatayan, it sent shivers down my spine.
"Welcome, young lady" nanginig ako sa boses niya. It was cold, lifeless at nagbabanta ito. tumingin ito kay Ajar at sa bampirang nasa tabi niya. "And the book?"
Umiling ang bampira "We did not find it in her things sir." nakayukong sambit nito.
Biglang tumawa ng pagkalakas-lakas ang bampira there was no humor in it. His voice was echoing and bouncing off the four walls of the hall. Sinundan ito ng mga tawa na naggagaling sa mga bampirang nakapaligid saamin humorless, lifeless.
"Do not joke with me Amir or I will rip off your head here, right now!" natigil ang lahat dahil sa galit na pagsigaw, ang tawanan ay humupa na at tanging ang mabigat na paghinga ng tinatawag nilang sir Draco ang naririnig. Lumuhod si Amir at Ajar.
"Patawad pero sa tingin po namin ay nasa mga kaibigan niya ang libro"
Dahan-dahang naglakad si Draco palapit saakin at hinawakan ang panga ko, he looked directly into my eyes. "Where is the book, young lady?"
"Hindi ko alam" sagot ko, matching the coldness in his voice. It was the right choice to give my sling bag to Kaylie for her to carry. tumawa ulit siya, a pathetic smile
napasigaw ako nung sinampal niya ako, pakiramdam ko ay nadislocate ang panga ko. Tiniis ko ang iyak na pilit na lumalabas sa bibig ko, god it hurts so much. Parang umiikot ang kapaligiran at hindi ako makapag isip ng maayos. iniangat niya ako gamit ang buhok ko, I winced at the pain.
"P-please stop" I whispered between my cries "M-masakit na"
"Pathetic beings, so fragile and so" he paused "useless"
"W-wala saakin ang libro, please let me go"
"Don't be stupid young lady, even if I let you run, my children will hunt you down and kill you"
tumingin ako sa paligid, nakita ko ang mga mata ng bampira. They looked hungry and eager to get me. I struggled between his touch, ayokong mahawakan ng isang nilalang na napakasama. He let me go, I lied still on the floor.
"You" sinimulan niya akong tadiyakan, I screamed "Worthless" I begged for him to stop, his kicks were too strong that I actually feel my rib cage breaking "Thing!"
"tama na please" Hindi na ako makagalaw, tears were running down my face masakit na masyado, masakit huminga.
tatadiyakin niya sana uli ako pero bigla akong nakarinig ng hiyaw ng babae mula sa likod, they all looked at what happened. naging sunod sunod ang sigaw at nanggaling ito sa labas.
"What the fck are you doing?!" nakarinig ako ng nakakatakot na boses, his voice boomed inside the hall. Even if Draco's voice was scary, the owner of this voice was horrifying. I smiled silently, horrifying but I'd still listen to his voice. I knew I was safe so I let my eyes rest as I was swept by darkness.
Aiden.
--
END
Facebook Acct: Daybreakue
Fb page: Daybreakue WP
Fb Art page and Art Shop: Daybreakue
Twitter: Daybreakue