That Frat Leader (TFL SERIES...

By daddios

263K 6.3K 561

That Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
ANNOUNCEMENT! Chos.
THAT FRAT LEADER IS MY EX (TFLIMP BOOK 2)
BOOK 2- Chapter 1
BOOK 2- Chapter 2
BOOK 2- Chapter 3
BOOK 2- Chapter 4
BOOK 2- Chapter 5
BOOK 2- Chapter 6
BOOK 2- Chapter 7
BOOK 2- Chapter 8
BOOK 2- Chapter 9
BOOK 2- Chapter 10
BOOK 2- Chapter 11
BOOK 2- Chapter 12
BOOK 2- Chapter 13
BOOK 2- Chapter 14
BOOK 2- Chapter 15
BOOK 2-Chapter 16
BOOK 2- Chapter 17
BOOK 2- Chapter 18
BOOK 2- Chapter 19
BOOK 2- Chapter 20
BOOK 2- Chapter 21
BOOK 2- Chapter 22
BOOK 2- Chapter 23
BOOK 2- Chapter 24
BOOK 2- Chapter 25
BOOK 2- Chapter 26
BOOK 2- Chapter 27
BOOK 2- Chapter 28
BOOK 2- Chapter 29
BOOK 2- Chapter 30
BOOK 2- Chapter 31
BOOK 2- Chapter 32
BOOK 2- Chapter 33
BOOK 2- Chapter 34
BOOK 2- Chapter 35
BOOK 2- Chapter 36
BOOK 2- Chapter 37
BOOK 2- Chapter 38
BOOK 2- Chapter 39
BOOK 2- Chapter 40
BOOK 2- Chapter 41
Promotional update ;)
BOOK 2- Chapter 42
BOOK 2- Chapter 43
BOOK 2- Chapter 44
BOOK 2- Chapter 45
BOOK 2- Chapter 46
BOOK 2- Chapter 47
BOOK 2- Chapter 48
BOOK 2 - Chapter 49
BOOK 2- Chapter 50
BOOK 2- Epilogue
THAT FRAT LEADER IS MY FIRST LOVE (BOOK 3)
BOOK 3- Chapter 1
BOOK 3- Chapter 2
BOOK 3- Chapter 3
BOOK 3- Chapter 4
BOOK 3- Chapter 5
BOOK 3- Chapter 6
BOOK 3- Chapter 7
BOOK 3- Chapter 8
BOOK 3- Chapter 9
BOOK 3- Chapter 10
BOOK 3- Chapter 11
BOOK 3- Chapter 12
BOOK 3- Chapter 13
BOOK 3- Chapter 14
BOOK 3- Chapter 15
BOOK 3- Chapter 16
BOOK 3- Chapter 17
BOOK 3- Chapter 18
BOOK 3- Chapter 19
BOOK 3- Chapter 20
BOOK 3- Chapter 21
BOOK 3- Chapter 22
BOOK 3- Chapter 23
BOOK 3- Chapter 24
BOOK 3- Chapter 25
BOOK 3- Chapter 26
BOOK 3- Chapter 27
BOOK 3- Chapter 28
BOOK 3- Chapter 29
BOOK 3- Chapter 30
BOOK 3- Chapter 31
BOOK 3- Chapter 32
BOOK 3- Chapter 33
BOOK 3- Chapter 35
BOOK 3- Chapter 36
BOOK 3- Chapter 37
BOOK 3- Chapter 38
BOOK 3 - Chapter 39
BOOK 3 - Chapter 40
BOOK 3 - Chapter 41
BOOK 3 - Chapter 42
BOOK 3 - Chapter 43
BOOK 3 - Chapter 44
BOOK 3 - Chapter 45
BOOK 3 - Chapter 46
BOOK 3 - Chapter 47
BOOK 3 - Chapter 48
BOOK 3 - Chapter 49
BOOK 3 - Chapter 50
BOOK 3 - Special Chapter
LAST

BOOK 3- Chapter 34

341 12 3
By daddios

CHAPTER 34



"No matter how much you love each other, you can't be together. That's the antecedent of fate."



I woke up feeling empty and sick. Mabigat ang katawan ko at naiinitan ako. Pagkamulat ko, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Damon. It's still a relief to see him first when I wake up. Para bang walang nangyari. And I want to think nothing really happened and it was all just a dream.


"Gibrielle, anong nararamdaman mo? What happened to you? Where have you been?" Sunod sunod na tanong ni Damon.


Sinubukan kong bumangon pero hirap ako. Mabigat talaga ang pakiramdam ko. At napansin ko na rin ang bimpo sa noo ko.


"Am I sick?" Tanong ko.


Tumango si Damon. "I'm so worried about you. Saan ka nagpunta? Ba't nagkasakit ka bigla?"


I smiled bitterly. "Nagkita kami ni Traz."


He was caught off guard. Nagulat siya sa sinabi ko. And I wanna ask him questions but I lack the energy to.


"Gibrielle..." Hinawakan niya ang kamay ko.


"I'm hungry." I cut him off.


Tanga na kung tanga pero kakalimutan ko na lang ang nangyari. I will just pretend that it was a dream. I will just believe Damon's explanation. Hindi na ako magdududa. Hindi na ako magtatanong.


"W-What do you want to eat?"


"What time is it?"


He looked at his watch. "4 PM."


Ginamit ko ang lakas ko para makabangon. Inalalayan naman agad ako ni Damon. "Let's go to Yule's restaurant. I've never been there."


"Kakayanin mo ba? You're sick."


"Okay lang ako." Sabi ko. Ngumiti pa ako para ipakita sa kanyang kaya ko.


"Gibrielle."


"Damon, please."


Wala naman siyang nagawa kundi pumayag. Nagbihis na ako at nag-ayos. Ramdam ko ang bigat ng ulo. Parang hinahati sa sakit pero kakayanin ko. Gusto kong lumabas. Gusto kong makasama si Damon. Gusto kong kalimutan ang mga nangyari at bumawi sa kanya.


Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami. Nasa Bulacan kasi ang restaurant ni Yule. Doon niya napiling ipatayo ang restaurant dahil doon ang probinsya niya. Or maybe may hidden reason siya.


Pansin ko ang kada minutong pagtingin ni Damon sa akin habang nagdadrive. As long as I feel that he loves me, magpapakatanga ako. Kahit pa sabihin nilang 80% correct ang woman's instinct o kahit ilang percent pa 'yun, isasantabi ko. Si Damon ang paniniwalaan ko. Matagal ko na rin namang naiisip na may pagbabago sa kanya at handa akong tanggapin iyon.


Pagkarating namin sa restaurant ni Yule ay inasikaso niya agad kami. Zach also greeted us. Assistant chef yata siya dito. And it's good to see them together. Magkababata sila pero hindi ko alam kung bakit sila nagkahiwalay. It's just so good to see them na magkasama na ulit kahit pa suplado si Yule. I believe friendzoned siya.


"You should've just called me and I will have someone to deliver it. You look sick, Gibrielle." Sabi ni Yule nang i-serve niya ang pagkain.


"I wanna see your restaurant. It's my first time."


"It's not like you won't have any chance to go here."


Kahit kailan talaga, suplado at masungit 'to. "Is that how you treat your VIP customer?" I tried to jest.


He smirked. "As far as I know, this is your first time and you're not yet on the list of our VIP customers." Tinapik niya ang balikat ni Damon at ngumiti sa amin. Tipid na ngiti na bihirang ipakita niya. "Enjoy your meal." Aniya at iniwan na kami.


"Kailan kaya mawawala kasungitan ni Yule no?" Tanong ko kay Damon saka ako napangiti.


Seryoso namang tumingin si Damon sa akin. Nakaka-intimidate kaya nawala ang mga ngiti ko sa labi.


"Are you really okay, Gibrielle?" He asked.


"O-Oo naman..."


Bumuntong-hininga siya. "Kumain ka na."


Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na ako. Sobrang sarap ng luto ni Yule. Hindi maipagkakaila sa dami ng mga customers niya. I even heard that they're planning on opening another branch in Manila. At ang sabi ni Damon, naisipan nilang gawan ng twist ang bagong restaurant. Gusto nilang magmukhang vintage ang ambiance pero modern ang mga gamit. Hindi ko alam kung paano nila gagawin iyon.


Tahimik si Damon at pinapanood lang ako habang kumakain. Ito ang unang beses na magana akong kumain kahit na may sakit ako. But I can't tell which part I'm pretending. Is it my sickness? Or my feelings?


Huminto ako sa pagsubo dahil hindi na tinanggal ni Damon ang tingin niya sa akin. I flashed a smile. I may look crazy but I guess I am.


"May problema ba?" Tanong ko habang hindi tinatanggal ang ngiti.


He didn't answer. Nakatitig lang siya ng seryoso sa akin. Kinakabahan ako dahil baka bigla niyang sabihin ang totoo. Baka kumpirmahin niya ang mga gumugulo sa isip ko. Natatakot ako. Natatakot akong maging totoo na nagpunta siya kay Marie nung araw na 'yon. Natatakot akong ako ang dahilan kung bakit ayaw niya sabihin ang totoo.


"Hindi mo ba gusto 'yung pagkain? Gusto mong umorder ulit ako?"


Umiling lang siya at hindi ulit sumagot.


Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagkain. Tahimik na kaming dalawa nang bigla siyang magsalita at magtanong.


"Nanggaling ka raw sa office?"


I remained calm. "Oo..."


"Bakit hindi mo ako tinatanong kung saan ako nagpunta?"


Ngumiti ako. "Naisip ko kasi baka may meeting ka or busy ka-" Napatigil ako sa pagsasalita nang ibagsak niya ang kanyang hawak na tinidor.


Napalingon ako kina Yule na nakatingin din pala sa amin. Binalik ko ang tingin kay Damon. Kinakabahan na ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pero kung iisipin hindi ako ang dapat kabahan dahil wala naman akong ginagawa. Nagpapakatanga na lang ako ngayon.


"Aren't you curious where have I been for the past two days?" Nakakatakot ang kanyang boses.


"Damon..."


"Gibrielle, ask me. Ask me what I've been doing. Ask me where I've been. Ask me everything that's bothering you."


Tinitigan ko siya. Ano bang nangyayari sayo, Damon? Hindi na kita maintindihan.


Umiling ako. "I trust you, Damon."


"Fvck." Bulong niya. "Fvck, fvck, fvck."


Kinagat ko ang labi ko. Nag-iinit na ang mga mata ko dahil gusto nang kumawala ng mga luha ko pero pinipigilan ko. I'm holding back my tears. I'm trying to remain calm.


Gusto kong magsalita pero alam kong kapag nagsalita pa ako, bubuhos na ang mga luha ko. Nanatili akong tahimik at nakatitig lang kay Damon. Nakakuyom na ang kanyang kamao at alam kong nagpipigil siyang magwala.


"Ask me so I can answer you, Gibrielle. Ask me so I can tell you the truth."


Umiling ulit ako. Dahil dun, mariing pumikit si Damon ng ilang segundo. Naramdaman ko na ang paglapit ni Yule sa amin.


"Is there a problem?" Tanong ni Yule.


Dumilat na si Damon at tumayo. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at hinila palayo. Lalapit na rin sana si Zach pero dinaanan lang namin siya. Nagtuloy-tuloy sa paghila sa akin si Damon palabas ng restaurant. Kahit nasasaktan na ako sa pagkakahawak niya ay iniinda ko.


Binuksan niya ang pintuan ng kanyang sasakyan kaya wala akong nagawa kundi sumakay. Umikot siya para makasakay rin sa driver's seat. Hindi niya pinaandar ang sasakyan. Nakaupo lang kami at parehong nakatingin sa harap. Dinig na dinig ko ang mabibigat niyang paghinga.


Gusto kong itanong sa kanya ang lahat pero natatakot ako sa mga isasagot niya. Natatakot ako sa katotohanang gumugulo sa isip ko. That's why I decided to forget everything. I want to move forward and forget what happened. Alam kong hindi pa niya sinasabi ang totoo ay alam ko na ang katotohanan lalo na sa mga kinikilos niya ngayon at sa mga kinilos at sinabi ni Traz. Ayokong ang mga ayaw kong paniwalaan ay maging totoo.


"Tanungin mo ako, Gibrielle. Magalit ka sa akin. Sumbatan mo ako."


Kumuyom na rin ang kamao ko dahil nahihirapan na ako sa pagpipigil sa mga luha ko. Ayokong magsalita. Ayokong magtanong. Ayokong magalit sa kanya dahil hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari pagkatapos nito.


"Gibrielle..." Kalmado niyang tawag. Dinig ko pa rin ang mabibigat niyang paghinga. "Gibrielle..." Mas lalo na akong kinakabahan sa boses niya. "Gibrielle!" Sa wakas ay sigaw niya.


Bumuhos na ang mga luha ko. Hinarap ko siya at inipon lahat ng lakas ng loob. "Then tell me!" Sigaw ko na rin.


Nagkatitigan lang kami. Pareho ng mabibigat ang paghinga namin. I'm still afraid of what will happen later. But as of now, I'm a bomb that will explode. Hindi ko na kaya pero susubukan ko pa ring pigilan ang sarili ko. Iniisip ko pa rin ang nalalapit naming kasal.


"Tell me everything, Damon..." Nanghina ang boses ko dahil sa pagpipigil at sa panghihina dahil sa tuloy tuloy ang pagbuhos ng mga luha ko. "If you really want me to know everything, I don't have to ask you, just tell me everything. Dahil kung nahihirapan ka sa pagsasarili ng mga gusto mong sabihin, nahihirapan din akong pigilan ang sarili ko na itanong sayo ang lahat."


Siya naman ngayon ang natahimik at hindi nagsasalita. Nakayuko na lang siya at mariing nakakuyom ang kamao. Samantalang ako hindi na matanggal ang mga tingin sa kanya habang patuloy sa pag-iyak. Naiinis na rin ako dahil ayokong umiyak. Nagmumukha akong mahina at kawawa.


"Hindi ako naniniwala sa sinabi mo. Ang kilala kong Damon ay itetext ako o tatawagan kahit alam niyang may ginagawa ako. Ang kilala kong Damon maghihintay sa akin kahit gaano katagal. Ang kilala kong Damon hindi marunong magsinungaling sakin at kahit ano pang sabihin niya, paniniwalaan ko. Pero nung araw na 'yon, iyon ang unang pagkakataon na hindi kita pinaniwalaan at gumulo sa isip ko 'yon. Akala ko wala na akong tiwala sayo. Akala ko sira na ang tiwala ko."


Simula pa lang nung magkabalikan kami, ilang beses nang nagpaulit-ulit sa utak ko na marami nang nagbago. Marami nang nagbago kay Damon sa ayaw at sa gusto ko. Pero ilang beses ko rin sinabi sa sarili ko na kahit ano pa 'yon ay tatanggapin ko. We both grew up. We both matured. And I should accept every changes in him and in our relationship. Pero ngayong nakikita ko na ang mga pagbabago, nakakain ko lahat ng mga sinabi ko. Parang hindi pa ako handa sa mga pagbabago. Para akong takot sa mga pagbabago.


"O baka naman... marami na talagang nagbago..." Sabi ko.


Nilingon ko ang soot kong engagement ring. Napansin ko na rin na napatingin siya doon lalo na nung hawakan ko ito at unti unting tinatanggal.


"Gibrielle..." Tawag niya.


Masakit sa akin. At baka dala lang ito ng nararamdaman ko ngayon at pagsisisihan ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nang matanggal ko na ang singsing mula sa daliri ko, kinuha ko ang palad ni Damon at nilagay ang singsing doon. Nakatitig lang si Damon sa akin pero hindi ko siya magawang tingnan pabalik.


"We only have two days before the wedding..." Pigil na pigil ako sa pagnginig ng boses ko. "I'm not backing out... I just want to give you space, Damon. I know you love me but I think that's not enough. Let's use that two days to think by ourselves. Mahirap sa akin 'to, Damon, but I'm sorry."


"Gibrielle..."


Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya, mabilis akong bumaba ng sasakyan. Pumasok ulit ako sa restaurant. Nakakahiya man pero hindi ko alam pabalik sa bahay namin dahil ngayon pa lang ako nakapunta ng Bulacan. Wala rin akong dalang pera dahil phone lang ang dinala ko. Lumapit agad si Yule sa akin na may pag-aalala.


"Yule, sorry pero pwede bang pahiram ng pera? And paturo na rin kung paano makakabalik sa amin." Sabi ko.


Nakatitig lang sa akin si Yule. Hiyang hiya na ako pero wala na akong magagawa.


"Where's Damon?" Nakakunot ang kanyang noo na tanong sakin. Tapos ay lumagpas ang tingin niya sa likod ko. "Damon." Matigas ang kanyang boses.


Huminga ako ng malalim. Pinigilan ko ang sarili ko lumingon sa likod.


"Gibrielle..."


Nakatitig lang ako kay Yule. Nanliit ang mga mata niya at biglang tumingin sa kamay ko. Tinago ko agad sa likod pero alam kong napansin na niyang hindi ko na soot ang singsing.


"Yule, please... babayaran naman kita..." Nagmamakaawa kong sabi.


"What's happening?" Tanong niya.


"Gibrielle, let's talk please. I'm sorry..."


Pumikit ako at kinagat ang labi ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakitang katabi na ni Yule si Zach.


"Ihatid mo na si Gibrielle. Ako na bahala dito." Sabi ni Zach.


Sinamaan naman siya ng tingin ni Yule.


"Hindi naman kailangan. Magtataxi na lang ako." Sabi ko.


Bigla kong naramdaman ang mainit na kamay niya sa braso ko. "Gibrielle." Muling tawag ni Damon at nasa likod na talaga siya.


Siniko naman ni Zach si Yule at nginuso ako.


"Damon, ako na maghahatid kay Gibrielle." Sa wakas ay sabi ni Yule.


Binawi ko naman ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Damon saka lumabas na ulit ng restaurant. Hinintay ko sa labas si Yule. Masakit pa rin ang ulo ko pero kinakaya ko. Ayokong mahimatay dito.


"Damn it, Gibrielle! Ganun na lang ba kadali sayo?" Dinig kong sigaw ni Damon na sumunod ulit sa akin sa labas.


"Damon, please..."


"Hindi mo na ba ako mahal? Ayaw mo na bang magpakasal sa akin?"


Umiling ako. "I told you, I'm not backing out. I love you, Damon. But we're both suffocated with our thoughts and with what's happening. Please..."


"Pag-usapan natin 'to..." Aniya.


Huminga ako ng malalim. "Not now-"


"Kung ganun, kailan? Sa araw ng kasal? Pagkatapos ng kasal?" Frustrated niyang sabi. Ginulo niya ang kanyang buhok at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Nagpunta ako kay Marie nung gabing 'yon! Tinawagan niya ako. At sinasamahan ko siya sa doktor nung mga nakaraang araw kaya hindi ako nakakapasok sa trabaho. At ang tanga tanga ko dahil hindi ko iyon masabi sayo. Naglihim ako, Gibrielle. Pero hindi ko pwedeng iwan si Marie pagkatapos ng mga nangyari-"


Hindi ko na siya pinatapos dahil sinampal ko agad siya. Nabigla ako sa nagawa ko. Kinuyom ko ang kamao ko at gusto ko ring sampalin ang sarili ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko?


Bago pa mas lalong lumala ang sitwasyon, nang makita ko ang sasakyan ni Yule, iniwan ko na agad si Damon. Sumakay na ako sa sasakyan ni Yule at umalis na doon. Tahimik ako sa buong biyahe. Hindi rin naman nagtanong si Yule. Nakakahiya dahil naistorbo ko pa siya.


Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Anong nagawa ko? Bakit ko sinampal si Damon? Bakit ako nasasaktan? Bakit hindi niya pwedeng iwan si Marie? Bakit kasama niya si Marie? Ito na naman ako sa pag-iisip. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko.


Pagkarating namin sa bahay, nagpasalamat ako kay Yule at humingi ng tawad dahil naistorbo ko siya. Pumasok na ako ng bahay at hindi pinansin ang mga tingin ng mga kasama ko. I even ignored my daughter's call.


Umiyak na ako ng umiyak sa loob ng kwarto ko. Ilang beses nang tumatawag si Damon pero pinatay ko na ang cellphone ko. Hindi ko naisip na mangyayari ito. Everything went fast. Anong nangyari? Did I call off the wedding? Hindi naman diba? I clearly said to Damon that I'm not backing out. But why did I give him the ring?


"Ahhh!!!" Sigaw ko.


Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Gusto kong saktan ang sarili ko. What is happening to me? Anong nangyayari sa amin?


Ngayong sinabi na ni Damon ang totoo, anong gagawin ko? Anong balak niyang gawin? Bakit hindi niya pwedeng iwan si Marie? Ibig bang sabihin nun ay kahit ikakasal na kami o pagkatapos ng kasal ay magkikita pa rin sila ni Marie? Para saan? Bakit?


Pagod man at masama ang pakiramdam ko, tumayo ako at lumabas ng kwarto. Gabi na pero hindi ko mapigilan ang mga paa ko sa paglalakad.


"Ate, saan ka pupunta?"


"Gibrielle, may sakit ka pa. Ano bang nangyayari?"


"Gibrielle!"


Hindi ko sila pinansin at nagtuloy tuloy sa paglabas. Nag-abang ako ng taxi at sumakay agad doon. Nagpahatid ako papunta sa bahay nina Marie. Wala akong ibang dala kundi ang wallet ko. Iniwan ko ang cellphone ko sa kwarto at naka turn off pa iyon. Nababaliw na yata ako pero si Marie na mismo ang kakausapin ko.


Pagkarating ko sa bahay nila, pinindot ko agad ang doorbell. Nakilala ko si Paul na siyang nagbukas ng gate nila. Nagtataka naman siyang nakita ako.


"What are you doing here at this hour?" Tanong niya.


"Gusto kong makausap si Marie." Sabi ko.


"Are you sick?"


"Nasaan si Marie?"


"Gibrielle, ano bang nangyayari sayo?"


Sumasakit lalo ang ulo ko at hilong hilo na ako pero pinipilit ko pa rin ang sarili ko. Muntik pa akong matumba pero naalalayan agad ako ni Paul.


"Please, gusto kong makausap si Marie. She needs to stop seeing Damon. Ikakasal na kami. Tumigil na siya. Huwag na siyang umasa pa." Sabi ko.


Hindi nagsalita si Paul at inalalayan ako sa paglalakad papasok sa kanilang bahay. Pero hindi pa ako nakakaupo sa kanilang sofa nang tuluyan na akong matumba at mawalan ng malay.


Pagkagising ko, nasa hindi pamilyar akong kwarto. Masakit pa rin ang ulo ko pero hindi na katulad ng kanina. Pero kanina pa nga ba 'yon? O kagabi?


Pagkalingon ko sa oras, 5:38 AM na. Kung tama ako ng pagkakaalala, nandito ako ngayon sa bahay nina Marie? Dahan dahan akong bumangon at nakita ko si Marie na nakahiga sa baba samantalang ako ang umokupa ng kanyang kama.


Anong ginagawa ko dito? Bakit ako napunta dito? Nagpadalos-dalos na naman ba ako?


Napansin ko ang paggalaw ni Marie at tuluyan na siyang nagising. Bumangon din siya at umupo paharap sa akin. Bigla akong nahiya dahil nandito ako sa kanila.


"Siguro alam mo na magkasama kami ni Damon nung mga nakaraang araw." Aniya.


Hindi ako bumitiw ng tingin sa kanya. "Bakit? Alam mong ikakasal na kami ni Damon. Bakit pilit ka pa ring dumidikit sa kanya?"


"Have you been traumatized?"


"Iyan ba ang dinadahilan mo para makasama siya?" Hindi ko napigilan ang sarili ko.


"Hindi, Gibrielle... Pero kapag inaatake ako ng mga alaalang nangyari sa akin, hindi ko na mapigilan ang sarili ko na tawagin si Damon. Siya ang nakakapagpakalma sa akin."


Hindi ako nagsalita. Bumalik ang paninisi ko sa sarili ko sa mga nangyari sa kanya. Ako ang dahilan kung bakit siya nagka-trauma. Kung hindi siya kinidnap ni Charles noon, hindi siya magkakaroon ng ganitong takot.


"And I wouldn't hide the fact that I still love him. I still hold onto him." Aniya pa.


Kumuyom ulit ang kamao ko sa galit. "Kaya ginagamit mo ang trauma mo para makasama si Damon at guluhin ang nararamdaman niya."


"Hindi ko gustong maguluhan siya, Gibrielle. Pero kung iyon ang paraan para matanggap niyang may puwang pa rin ako sa puso niya, nagpapasalamat ako." Bahagya siyang ngumiti. "Hindi ko gustong guluhin ang relasyon niyo pero ginulo mo kami noon. At nagmamahal lang din ako. It's just that, we love the same man."


Do we love the same man? Hindi ba ang dating Damon ang pinanghahawakan ko? At ang bagong Damon ang kanya? Dahil si Marie ang kasama ni Damon nung mga panahong wala ako, nung mga panahong nagbago siya. At si Marie ang may alam sa bagong Damon. Siya ang nakakakilala sa mga pagbabago ni Damon. Kaya ako palaging naguguluhan dahil ang dating Damon ang kilala ko. I still hold onto the past. Hindi ko magawang makipagsabayan sa bagong Damon kaya kung ano ano ang gumugulo sa isip ko.


"Aalis na ako." Sabi ko.


"Sigurado ka? May sakit ka, Gibrielle. Hindi ko tinawagan si Damon kagabi dahil balak ko pagkagising mo siya tawagan."


"Hindi na kailangan." Sabi ko at tumayo na. Kinuha ko ang wallet ko at lumabas na ng kwarto niya.


Hinanap ko ang daan palabas ng bahay nila. Hindi naman pala napunta sa wala ang padalos dalos kong desisyon na pagpunta dito dahil nasagot ang gumugulo sa utak ko.


Nag-abang ako ng taxi at nagpahatid sa bahay nina Damon. Tinanong pa ako nung driver kung sigurado daw ba akong hindi sa ospital ang punta ko. Sinabi ko na lang na okay ako.


Pinagsisisihan ko na ang nagawa ko kahapon. At wala na akong pakialam kung kahihiyan ang nagawa at nasabi ko kahapon kay Damon. Babawiin ko na ang singsing at kakausapin siya ng maayos. Aayusin ko ang gulo namin ni Damon ngayon. Sisiguraduhin kong matutuloy ang kasal namin. Hinding hindi ko pakakawalan si Damon.


Pagkarating sa bahay nina Damon, napanatag ako nang makita doon ang sasakyan niya. Nag-doorbell kaagad ako at alam kong gising na ang kasambahay nila. Alas sais lagpas na at baka gising na rin si Mommy Debby.


"Ipagtitimpla ko lang po kayo ng kape. Pagdadala ko na rin kayo ng gamot sa kwarto ni Sir Damon." Sabi ni manang.


"Salamat po." Sabi ko.


Nagpunta na ako sa kwarto ni Damon. Naabutan ko siyang tulog pa. Hinalikan ko siya sa noo at umupo sa tabi niya. Pinagmasdan ko siya habang tulog.


Ilang sandali lang ay dumating si manang. Maingat niyang nilapag ang kape sa table para hindi magising si Damon.


"Inumin mo na ang gamot para gumaling na po kayo. At alam mo bang bagsak si Sir Damon kagabi pagkauwi niya? Wala siyang kinakausap sa amin at hindi rin kumain. Naisip namin nag-away kayo." Bulong ni manang.


"Kaya po ako nandito para makipag-ayos sa kanya."


"Naku, kung ano man pinag-awayan niyo, ayusin niyo agad. Ikakasal na kayo. Saka iba talaga si Sir Damon kapag may hindi kayo pagkakaintindihan."


Lumabas na si manang. Ininom ko na ang gamot at muling pinagmasdan si Damon. Ako din. Iba rin kapag nag-aaway tayo Damon. Hindi ako mapakali at pinagsisisihan ko ang ginawa ko kahapon. Hindi ako dapat magpatalo sa simpleng hindi pagkakaintindihan.


"Mahal na mahal kita, Damon." Sabi ko at hinalikan siya sa labi.


"Gibrielle..." Tawag niya.


Napangiti ako pero nalungkot agad. Mukhang pati sa panaginip ay dinadala niya ang nangyari kahapon. Humiga ako ng patagilid sa tabi ni Damon at nilapag ang isang kamay ko sa kanyang dibdib. Sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang isang kamay.


"I'm sorry, Damon."


Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan. Umayos ako ng higa at niyakap siya. Pumikit ako at hinintay na datingin ulit ng antok. Ang sarap pa rin ng pakiramdam na katabi si Damon. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng kanyang puso.


"I love you, Damon." Sana hindi panaginip ito.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.8K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
66.2K 3.9K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.2K 227 43
[FINISHED] - COMPLETED The Book 2 of Coldwell Academy Nang buhay si Jaime ay lubos ang saya ng pamilya niya maging si Venus. She's happy because her...
334K 7.4K 39
The Hellion's Craves. [Conquer your Fears and Learn to Fight] ©All rights reserved. Werewolves/Hybrids/Romance/Action/Mystery/Fantasy MoiSelle_Unicor...