Armed and Dangerous

By DuchessVenus

50.5K 1.9K 546

Montehermoso Series 4 (COMPLETED) (GENERAL FICTION) (UNEDITED) Austrianna Gorospe and Zach Martin Montehermos... More

Armed and Dangerous
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Wakas

Kabanata 11

1.1K 59 12
By DuchessVenus

Austrianna

Ang inaakala kong buwan lang na itatagal ko rito ay inabot ng ilang taon.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kahit hanggang ngayon. Parehong nagtatalo ang isip ko kung magtatanim ba ng tampo kay ama o hindi.

Limang taon na akong nag-aaral dito, nakalipat na nga ako sa Manila upang magkolehiyo, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam ang pamilya ko. Hindi pa ako sinusundo rito. Hindi pa kinakausap si Nana.

Minsan, gusto ko na lamang magwala upang ilabas ang pagkalumbay na nararamdaman ko. Nais ko na silang mayakap at mahagkan, ngunit hindi ko magawa dahil hindi ako pinagbibigyan ng tadhana.

Napahinga ako nang malalim at tahimik na pinagmasdan ang magandang tanawin sa unahan.

Nang maging legal ang edad ko noon ay wala na ring nagawa ang mga Tita ko nang sumama-sama ako kay Martin nang walang pag-aalinlangan. Matagal na rin naman nilang kilala ang lalaki. Kahit na anong tutol nina Lala at Khalifa sa amin ay wala silang nagawa dahil pursigido ang lalaki sa akin.

Natakot pa akong sagutin ang lalaki ilang buwan matapos niyang ianunsyo na nililigawan niya ako, pero sinagot ko pa rin siya. Iyon din ang araw na bumisita ang pamilya ni Martin sa akademya nang biglaan. Nalaman pala ng mga ito ang tungkol sa ugnayan namin. Sobra akong nag-alala dahil bagong karanasan iyon sa akin.

Hindi kami opisyal na umamin ng relasyon namin sa aking mga tiyahin, hanggang sa pagtungtong ko ng disi ocho.

Akala ko pa noon, hindi nila kami matatanggap lalo na’t naglihim ako sa kanila nang ilang taon.

Palagi akong umiiyak sa tuwing pinagagalitan at pinagsasabihan ako ng dalawa kong tiyahin. E, ano ba ang magagawa ko para pigilin si Martin? Mas matigas pa siya sa bato kung magdesisyon siya. Sa huli ay hinayaan na lamang nila kami.

Nag-propose ito sa akin nang magdisi-otso ako, nag-aalangan pa ako niyon ngunit siniguro niya na magpapakasal lamang kami kapag hindi na siya abala at kapag handang-handa na ang loob kong matali sa kaniya.

Natapos na kasi niya ang training at misyon niya sa malayong probinsiya, at naging opisyal na itong kasapi ng isang elite force na lalong nagbigay kilabot sa akin para sa lalaki. Balita ko’y mababangis ang mga sundalo roon at matitigas, sa hirap ba naman ng pinagdaanan nilang training. Mabuti at nalampasan iyon ni Martin. May tiwala naman ako sa kaniya, sa kakayahan niya, at hindi nga ako nabigo. Talagang tigasin siya.

Dinala niya ako sa Manila at pinag-aral sa isa sa mga sikat na unibersidad doon dahil iyon ang pangarap ko—kahit na nag-aalangan siya noong una. Siya ang gumastos sa lahat, at nais pa sana akong bilhan ng bahay upang hindi na ako mag-renta, pero tinanggihan ko dahil sobra-sobra na. Pati allowance ko ay siya pa ang nagbibigay.

Pero ang hindi ko inaasahan ay may krimen palang nangyayari sa loob ng apartment na kinuha ko. Hindi naman sa loob ng kuwarto ko, kundi sa ibang mga kuwarto. Labing-siyam pa lamang ako niyon at halos mag-iisang taon na sa apartment na iyon, pero inabot pa ako ng ganoon katagal bago maka-amoy ng baho roon.

Natuklasan kong may mga gumagamit pala roon ng mga droga kaya agad-agad akong nagsabi kay Martin dahil sa sobrang takot.

Sobra itong nagalit sa may-ari ng apartment dahil muntik pa raw malagay sa kapahamakan ang buhay ko kung sakaling hindi ko nalaman ang krimen doon. Huli ko nang nalaman na nagsagawa ng raid doon ang mga pulis, ipinasara ang apartment, at dinala ako ni Santiago sa bahay na biglaang binili ni Martin nang walang pasabi habang nasa trabaho ito—para sa akin, kaya wala na akong nagawa kundi ang tanggapin iyon. Ginawa niya iyon dahil mahal na mahal niya raw ako.

Napangiti na lamang ako sa isiping iyon. Hindi ako nagkamali na ibigin siya at pagbigyan ng pagkakataon noon.

Noong nakaraang taon lang din ay nakilala ko ang pamilya ni Martin noong nakatira pa ako sa apartment, lalo na ang ate niya na may anak na. Nagtungo kami sa probinsiya ng mga ito at nakisalo sa handaan. Sinulit na namin iyon dahil minsanan na lamang kaming magkita dahil sa klase ng trabaho niya.

Ngayon ay may misyon pa ito, at hindi ko pa alam kung kailan ito babalik muli rito. Palagi kong ipinagdarasal ang kaligtasan niya. Dahil tuwing sasabak ito sa laban ay natatakot ako, takot na baka masawi na lamang ito bigla roon. Wala pa naman ako sa tabi niya palagi...

“Uy, Ria! Tapos na ang klase!”

Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Cora. Ito ang kasa-kasama ko nang magkolehiyo ako rito, halos dalawang taon na ang nakararaan. Ayaw ako nitong lubayan dahil ako lang daw ang nakakatagal sa ugaling mayroon siya. Mabuti na nga rin at wala na sa landas namin si Hendrick, balita ko ay nag-aral ito sa ibang unibersidad. Natahimik na rin ang buhay ko.

Marahan akong tumayo mula sa pagkaka-upo sa damuhan, saka sinundan ito habang bitbit ang bag. Tumakbo ako papasok sa pinagdausan ng ‘klase’ namin dito sa inupahan naming lugar na medyo malayo sa mga tao.

Mga bagong recruit ang naroon at naka-upo sa sahig na mga estudyante mula sa iba’t ibang seksiyon na ikinokondisyon na ang isipan upang maging aktibista.

Kasama namin ang tumatayong leader namin na si Ka Erni na kasalukuyang kasapi na ng rebeldeng grupo, at nagre-recruit ito dahil iyon ang layunin niya rito sa Manila. Ito ang nagsali sa amin noon dito sa sikretong pagpupulong nila. Naging interesado naman ako kahit noong una ay hindi. Ayaw ko noon dahil may nobyo akong sundalo, pero napilit akong sumama sa mga ganitong gawain kaya nakasanayan ko na rin. Isa pa, kilala ni Ka Erni ang pamilya ko noon pa at ina-update pa ako patungkol sa kanila, kaya nakumbinsi na rin ako. Binalewala ko ang mga payo ng mga tiyahin ko noon.

Si Ka Meli o Ka Melisa naman na tumatayong assistant nito ay isang professor sa unibersidad namin, na may sideline na pagiging aktibista.

Hindi naman lahat ng lumalaban sa gobyerno roon sa school ay rebelde na, ang iba ay aktibista pa lamang at maaaring papunta na rin sa pagiging rebelde. Ako nga’y malapit na, halos dalawang taon na rin akong nakikisali sa samahan nila.

Aware naman ako noong una na ‘breeding ground’ ng mga rebelde ang unibersidad na pinasukan ko. At sigurado akong alam din iyon ni Martin noon pa, kaya nga ito nag-aalangan na pag-aralin ako rito, wala naman itong nagawa dahil ayaw niyang sirain ang kasiyahan ko at pangarap.

Pero wala naman akong naging pakialam sa kanila noon dahil hindi ako natatakot sa kanila. Pero tadhana nga naman, naririto ako at nakikisali. Dahil iyon sa suporta na ibinibigay sa akin ng aming leader mula pa noon, at dahil sa mga impormasiyon na ibinabahagi nito sa akin patungkol sa aking pamilya. Nakuha nila ang loob ko.

Nagsitayuan ang mga schoolmates ko dahil tapos na ang ‘klase’ nila. Nagpahangin lamang ako kanina dahil sa bigat ng damdamin ko.

“Ria, kumain ka na ba? Naririto ang pagkain, o,” bungad sa akin ni Ka Melisa na ikinangiti ko nang tipid.

“Okay lang ho ako,” tugon ko’t naupo sa tapat ng mga schoolmates ko. Hindi naman kami ganoon karami na siksikan. Mga nasa treinta kami na naririto, at hindi naman ganoon kaliit ang lugar.

Napansin ko na kumakain na ang mga ito habang nag-uusap. Siniko ako ni Cora at inabutan ng tubig, ngunit ngumiti lamang ako at tinanggihan ito.

“Ria, totoo bang engaged ka na sa isang sundalo?” biglang tanong ng isa sa mga schoolmate kong baguhan nang mapansin ang singsing sa daliri ko.

Marahan akong tumango rito.

“Talaga? E, paano ’yan kapag naging opisyal ka nang miyembro ng mga rebelde? Edi magkalaban na kayo ng nobyo mo...”

Natigilan ako nang mapatingin sa akin ang lahat ng naririto. Seryoso akong tiningnan ni Ka Erni na ikinalunok ko.

Sa totoo lamang, iyon ang paulit-ulit na tanong na natatanggap ko simula nang sumama ako rito. Dapat nga ay mangamba ako, baka magkataon pa na magkasagupaan kami. Pero hindi ko alam kung bakit tumitigas ang puso ko habang patagal ako nang patagal dito sa samahan.

May ilang araw pa ako bago tuluyang magdesisyon kung talaga bang magrerebelde ako. Iniisip ko rin kasi si Martin, tiyak ko na magagalit ito.

Pero kasi...

Ang hirap. Nagugustuhan ko na rin itong samahan na ito.

Napahinga na lamang ako nang malalim at nagkibit-balikat sa kanila. “Ewan ko. Bahala na,” tugon ko na lamang dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.

Nang matapos sila sa pagkain ay inakay ko na palabas si Cora. Nagpaalam kami sandali sa mga kasama namin, bago tuluyang lisanin ang lugar na iyon.

“Uy, kuwentuhan mo naman ako ng mga karanasan mo roon sa bundok dati. Kahit ngayon lang, please,” ani Cora at kumapit sa braso ko nang makalayo-layo kami.

Kunot-noo ko itong nilingon at natawa. “Bakit na naman?” takang tanong ko rito.

Hindi nga ako gaanong nagkukuwento patungkol sa buhay ko, e. Ewan ko ba, hindi ko lang gusto na malaman pa ng iba na rebelde ang pamilya ko. Nag-iiba ang pakiramdam ko sa ideyang magkalaban ang pamilya ko at ang nobyo ko.

“Sige na, Ria. Gusto ko lang talaga malaman kung paano ang kalakaran doon. Para handa ako oras na ipadala na tayo sa bundok para magsanay,” nakangusong wika nito na ikinatawa ko.

Tinusok ko ang noo nito na ikinalayo niya sa akin. Napailing-iling ako at hinawakan ang magkabilaang strap ng bag ko.

Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang kapaligiran na puro matataas na damo. Bigla ay natulala ako habang binabalik-tanaw ang mga alaala ko sa bundok na kay tagal ko nang gustong balikan...

“Noong magka-isip ako roon, naroon na ako sa tinatawag naming guerrilla base. Matagal nang kasapi ang pamilya ko roon, ang mga kapatid ko ay bata pa lamang nang mahasa na sa mga armas at paggawa ng bomba. Pero kahit kailan ay hindi ako pinasali ni ama sa gawain nila dahil mahinhin daw ako, at dahil paborito niya akong anak. Kumbaga, nakikinood lang ako at naglalaro sa bundok...”

“Minsan pa ay naniningil sila ng revolutionary taxes, kung tawagin nila, nang sapilitan sa mga sibilyan. Pinapatay kung ayaw magbigay ng pera. Magma-martsa kayo roon at mag-eensayo mula pa umaga, tuturuan kayong gumamit ng baril, at mga self-defense para kung sakaling may mangyari sa inyo na iba. ’Yang mga tuhod at siko mo ay kakalyuhin sa kagagapang ninyo roon sa lupa. Malo-losyang ka roon tulad ng mga nangyayari sa mga kababaihan na sumali roon...”

“Dapat sigurado ka kung gusto mo talagang sumali roon. Handa ka bang magbuwis ng buhay? Handa ka ba sa mga kapahamakan na darating sa iyo roon sa bundok? Pati ang pamilya mo, kaya mo ba silang tuluyang iwanan? Kung sakaling aaklas ka sa grupo, tiyak na mas lalong malalagay sa kapahamakan ang buhay mo. Maaari kang patayin ng mga kasamahan mo roon kung sakaling magbago ang isip mo at ilaglag sila sa gobyerno, lalo na sa mga sundalo...”

Natahimik ito matapos kong sabihin iyon, tila ba nahulog sa malalim na pag-iisip.

Saglit kong sinilip ang mukha nito, makaraan ay ibinalik sa unahan ang tingin.

“Ikaw ba, Ria. Nakapagdesisyon ka na ba kung sasali ka na? Kasi kung hindi ka aanib, hindi na rin ako tutuloy,” anito na ikinahalakhak ko.

Napatingin pa ako sa gilid ko nang masumpungan ko si Ka Erni na nakasunod pala sa amin. Ngumiti ako rito nang tipid na sinuklian niya ng kakaibang titig at ngiti.

Inignora ko na lamang iyon at ibinalik sa kaibigan ang atensiyon.

“Hindi pa ako sigurado. Titimbangin ko pa ang lahat at magde-desisyon bago matapos ang week na ito. Ikaw rin dapat ay magdesisyon, kasi buhay at pag-aaral mo ang ipagpapalit mo,” buntong-hininga kong sambit na ikinatango nito.

Nang maghiwalay kami ni Cora ng daan ay pinukaw ako bigla ni Ka Erni na kanina pa tahimik.

“Ria...”

“Hmm?” Hindi ko ito nilingon dahil napunta sa unahan ang tingin ko. May nakaparada roong mamahaling sasakyan na nakaharap ang likod sa amin at nakababa ang salamin.

Unti-unting kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang salaming nakatutok sa amin. Kitang-kita ko ang driver dahil sa salamin ng sasakyan nito, nakasalaming itim at nakasuot ng unipormeng tila pang—sundalo?

Napasinghap ako nang biglang bumaba ng sasakyan si Martin habang matigas ang ekspresiyon ng mukha.

Hindi ako makapaniwala. Naka-uwi na pala ito?!

Sabay kaming napa-atras ni Ka Erni na naging tensyonado sa presensiya ng sundalo.

Nilapitan ako nito at walang pasabing hinila ang ulo ko palapit sa kaniya gamit ang isang kamay. Naramdaman ko ang pagyuko nito at bumulong sa tainga ko.

“I’ve been looking for you, Mahal ko. Dito lang pala kita matatagpuan,” mariin niyang bulong bago ako titigan nang matiim sa mga mata.

Nagbigay iyon ng kilabot sa akin, lalo na ngayon na nag-iba na ang awra niya simula nang maging ganap na siyang sundalo. Mayroon sa presensiya niya na nakakatakot at talagang mapapasunod ang kahit na sino, lalo na ako dahil nandidilim ang mukha nito sa akin ngayon.

Hilaw akong ngumiti at lumambitin sa leeg nito upang maglambing, dahilan upang matigilan ito.

“I miss you, Martin,” ngingiti-ngiti ko nang sambit at hinalikan ito sa labi’t pisngi. “Pasensiya ka na. May ginawa lang kami ng mga schoolmates ko roon dahil napa-aga ang uwian namin kanina sa school,” pagpapaliwanag ko na totoo naman.

Hindi naman ito nagpasabi na uuwi na pala siya ngayon.

Sa tuwing kaharap ko ito at kasama ay nag-iiba ang desisyon ko sa buhay. Para bang ang naiisip kong maging isang rebelde ay naglalaho dahil sa kaniya. Pinalalambot niya ako.

Sumiksik ako sa leeg nito at nagpabuhat na agad namang ikina-angat ng sulok ng labi niya. Pasimple ko pang nilingon si Ka Erni na tabingi ang ngiti sa amin.

“Who’s this guy, Mahal?” seryoso at tiim-bagang na tanong ni Martin na kanina pa sinusuri si Ka Erni.

Ngumiti lamang ako rito at ipinaling sa akin ang mukha nito. “Si Tatay Erni, siya ang tumatayong tatay sa aming mga estudyante,” pagsisinungaling ko upang tigilan na niya sa katititig si Ka Erni.

Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip ni Martin ngayon, pero napakaseryoso ng mukha nito at panay ang galaw ng panga.

Marahan akong napalunok. “U-Uy, uwi na tayo. Ipagluluto kita...”

Mabuti naman at tumango ito agad. Kumaway na lamang ako kay Ka Erni bago ako ipasok ni Martin sa sasakyan.

Sobra-sobra ang kabog ng dibdib ko habang naka-upo sa upuan. Ito naman ay nagmaneho lamang.

Napangiti ako nang lihim habang nakatitig sa mukha nito. Parang laging galit ang mukha niya, bibihira lamang ngumiti sa iba. Pero sa akin ay malambing naman siya.

Pasimple kong kinuha ang malaki nitong kamay at ipinagsiklop ang mga kamay namin. Dahil doon ay napalingon ito sa akin at ngumisi.

“Sobra kitang na-miss, Martin. Halos isang taon ka ring wala sa tabi ko,” nakanguso kong sambit na ikinalawak ng mga ngisi niya sa labi.

“I know, I know, Mahal ko. Susulitin natin ang ilang araw na bakasyon ko rito,” aniya na ikinatigil ko.

Pilit na lamang akong ngumiti rito at napayuko. Ilang araw lang pala ang itatagal niya sa tabi ko. Pagkatapos n’yon, balik na naman kami sa pag-uusap sa phone. Naiintindihan ko naman na iba ang trabaho niya, hindi ko lang talaga maiwasan minsan na hindi magdamdam dahil sa sitwasiyon namin.

Tila napansin nito na nawala ang masasayang ngiti ko. Inihinto niya ang sasakyan sa gilid at doon ko lamang napansin na nasa tapat na kami ng bahay na binili niya para sa akin.

Agad itong bumaba at binuhat ako kaya hindi ako nakapalag. Sumiksik na lamang ako sa leeg nito habang pigil na pigil ang mga hikbi at luha na nais kumawala.

Tumingala ako rito at napahikbi na nang masilayan ko ang seryosong mukha nito.

Nagbaba ito ng tingin sa akin pagpasok sa bahay at naupo sa sofa. Mabilis kong tinuyo ang namamasang mga mata nang iupo ako nito sa kandungan niya.

“Hey, what’s wrong?” masuyo niyang tanong at hinalikan ako sa labi.

Napanguso tuloy ako at napakapit sa braso nito. “P-Puwede bang h-huwag ka na lang magsundalo? Dito ka na lang,” alanganin kong wika rito.

Natahimik ito at matiim akong pinagmasdan. Napayuko tuloy ako at hinaplos na lamang ang apelyido niya sa uniporme niya.

Alam ko naman na pangarap niya ang pagsusundalo. Pero kasi, nahihirapan ako nang sobra kapag sumasabak siya sa giyera. Nasasaktan ako kapag minsan ay nababalitaan kong nagkakaroon siya ng sugat o tama ng bala. Hindi ko kaya kung magtatagal pa kaming ganito.

Papaano kung mamatay siya sa ibang lugar? Maiiwan ako rito. Ayoko niyon, lalo’t mahal ko siya.

Napahinga ito nang malalim at inilapit ang mukha sa akin. “Pag-iisipan ko pa ’yan, Mahal. Now, smile. I want to see your lovely smile. Come on...”

Napanguso ako lalo at umayos ng pagkakaupo rito. Humarap ako sa kaniya ngunit pareho kaming natigilan nang may maupuan ako na kakaibang bagay sa... sa... uhm.

Hindi ko na lamang iyon pinansin at ngumiti na lamang dito. Ako na ang humalik sa labi niya. Idiniin ako nito sa katawan niya sa pamamagitan ng paghawak sa likod ng baywang ko’t ulo.

Sunod ko na lamang narinig ang matutunog naming halikan sa sala ng bahay. Napaka-init at napakalagkit. Napamaang ako rito nang idiin niya bigla ang ibaba ko sa umbok ng army pants niya.

Agad akong napatigil habang hindi makatingin dito. Hindi na rin naman ako inosente pagdating sa mga ganito. Pero kahit na ganoon ay hindi ko pa kailanman nakita o nahawakan ang kaniya. Ganoon din siya sa akin. May pagkakataon na ipinapadama niya sa akin ang katigasan niya, pero hanggang doon lamang iyon.

“Aria...”

Nag-angat ako ng tingin dito habang pinag-iinitan ng pisngi. Marahan niyang sinapo ang pisngi ko at ngumiti sa akin nang masuyo.

Napalunok pa ako nang bumaba ang may pagnanasang tingin nito sa kabuoan ko. Ngumiti ito nang kakaiba at pinasadahan ng haplos ang braso ko.

“Aria, dalagang-dalaga ka na talaga. Mas lalo mo akong pinapatakam sa katawan mo. Aren’t you aware that I wanna fuck you so hard right now?”

H-Ha? Eh...

Hindi ko naitago ang pagkamaang ko sa sinabi nito. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at sumiksik sa leeg niya, ngunit agad ako nitong inilayo upang matitigan nang maayos.

“M-Martin, ano kasi. He-he...” tanging iyon na lamang ang naisambit ko. Pakiramdam ko ay tinutuyuan ako ng laway, nakakapaso ang mga tingin nito. Pakiramdam ko pa ay nag-iinit ang paligid namin. Masyadong nakakailang.

Mayamaya’y nagpakawala ito ng mahihinang tawa na ikinatingin ko rito.

“Uh-hum. I know, I know.” Ngumiti ito’t hinalikan ako. “I thought you’re going to cook for your husband, little girl?” aniya at marahang hinaplos ang labi kong namamaga pa dahil sa halik niya kanina.

Inismiran ko ito nang pabiro at pasimpleng hinampas ang dibdib. Hmmp! Little girl daw. “Husband your ass...”

Natawa ito kaya umalis na ako sa kandungan nito. Nakalimutan ko nang ipagluto siya dahil sa kasabikan namin sa isa’t isa.

Iiling-iling na tinungo ko ang kusina habang hindi maawat ang mga ngiti.

Ipagluluto ko ito ng paborito niyang sinigang. Kumuha pa ako saglit ng sampalok sa likod dahil may bakanteng lupa roon na may puno ng sampalok. Ayaw kasi ni Martin ng mga pagkain na may kemikal, mapili ito at nais niyang puro organic lahat.

Ngunit pagdating ko roon ay bahagya akong nadismaya dahil mataas pala ang sanga ng puno. Nakalimutan kong hindi pala iyon kaya ng tangkad ko.

Napanguso ako at ambang babalik sa bahay upang kumuha ng upuan, nang matigilan ako dahil sa nakatayong malaking tao sa bandang likuran ko.

Kinapa ko ang dibdib habang kumukurap-kurap ang mga mata sa pagkagulat.

Ito ang ikinatatakot ko kay Martin minsan, dahil simula nang sumali siya sa mabangis na grupo ng mga sundalo ay natuto itong maglakad nang walang ingay. Parang hayop na kung kumilos ay hindi namamalayan ng bibiktimahin nito. Minsan, para na lang akong aatakihin sa puso dahil hindi ko namamalayan na nasa tabi ko na pala si Martin.

“You need my help, Mahal ko...”

Continue Reading

You'll Also Like

9.6K 163 26
Debbie Darcy Jayne is a young woman who works at a bar to support her family. Her parents are both ill, and she is the only child in the family, so s...
71.6K 378 4
Montehermoso Series 3 (COMPLETED) (GENERAL FICTION) NOTE: YOU CAN READ THIS ON DREAME Thylane Montehermoso and Lucario Steve Denson Isang treinta y...
3.9K 289 38
AU: Leona Fiero is a devoted wife and a mother or so it seemed on the outside. What happens when a certain confident brunette witnesses the verity be...