Armed and Dangerous

By DuchessVenus

50.5K 1.9K 546

Montehermoso Series 4 (COMPLETED) (GENERAL FICTION) (UNEDITED) Austrianna Gorospe and Zach Martin Montehermos... More

Armed and Dangerous
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Wakas

Kabanata 10

1.2K 63 10
By DuchessVenus

Austrianna

Mabilis ang mga naging kilos namin matapos ang pag-uusap namin ng lalaki.

Halos kalahating oras din ang iginugol namin sa biyahe papunta sa opisina ng gobernador.

At... hindi ko mawari ang nararamdaman ko ngayon. Nakatatak pa sa isip ko ang nangyari noong huli naming pag-uusap at pagkikita.

Kukunin niya sa akin ang karapatan kong makasama ang aking pamilya, ano ang gusto niyang iparating? Nais na naman niya akong angkinin at pikutin? Utuin, tulad ng ginawa niya sa akin noon?

Tapos na ang panlilinlang niya sa akin noong bata pa ang isip ko. Hindi ko na hahayaan pang kontrolin niyang muli ang buhay ko. Hindi na, tapos na ang lahat sa amin. Ang kapal ng mukha niya...

“Kumander...”

Sandali akong tumigil sa pagmamasid sa paligid. Naputol ang mga iniisip ko dahil sa pagpukaw sa akin ni Ka Benjo.

“Hindi ba’t napakadelikado para sa atin, lalo na sa iyo, na harapin ang kumander nila? Baka bigla nila tayong paghinalaan at dakmain.” Nahintakutan ito.

Napahinga ako nang malalim at muling ibinalik sa labas ang tingin.

Iyon din ang aking inaalala. Batid kong alam ni Martin ang sikreto ko bilang pinuno ng mga rebelde. Masuwerte nga ako noong nakaraan dahil hindi niya ako puwersahang dinakip, sa halip ay pinagbantaan lang. May pagkakataon na siya noon na dakpin ako dahil alam naman niya kung ano ako, pero hindi niya ginawa. Kung ano man ang pinaplano niya sa akin, dapat akong mag-ingat nang husto. Hindi siya basta-bastang sundalo lang, matinik ito at delikado.

Tutol man ako sa nais ni Malem na hadlangan ang panggigipit kuno ni Montehermoso sa gobernador, ay wala akong magawa upang umangal. Kailangan kong ibalik ang utang na loob ko kay Malem.

Hindi ko talaga gusto ang ideyang magkikita pa kami ng hudas na lalaking iyon. Sa totoong laban, oo. Pero sa ganitong pagkakataon? Hindi.

“Huwag kang mag-aalala, handa ang grupo riyan,” wika ko’t napangisi nang maalala ang pagpupulong namin na isinagawa.

Humanda ka, Martin...

Pagdating sa opisina ng gobernador ay naabutan namin ang mga sundalo na nakatayo sa tapat ng pinto at tila nagbabantay. Ang sektetarya ni Gobernador Poncio Malem ay agad akong nilapitan, batid ko na kampi ito sa amin.

“Ano na ang ganap sa loob?” agad kong tanong nang makalayo kami sa mga sundalo. Nasilip ko na kanina sa salaming pader ng opisina ang kumander ng mga sundalo at ang gobernador, abala pa ang mga ito sa pag-uusap.

Napahinga nang malalim ang babaeng sekretarya, tila ba namomroblema. “Iyon na nga. Naiipit si gob dahil kay Montehermoso. Humihingi sila ng partisipasyon at suporta, at hindi ito matutulan ni gobernador dahil manghihinala ang mga sundalo...”

Nagtiim-bagang ako sa narinig. Batid kong pinagpapawisan na ang singit ni gobernador, at malaki ang utang na loob ko sa kaniya kaya kailangan kong mag-isip ng paraan upang matigil ito.

Tumango-tango ako rito at nagpasalamat. Mabuti na lamang at balot ng tela ang buo kong mukha at katawan, tanging mata lamang ang nakalitaw sa akin. Nakakapikon kasi ang pagtingin-tingin sa akin ng mga kasama ni Montehermoso na sundalo. Pamilyar sila sa akin, pero ang iba ay hindi.

Tandang-tanda ko na ang iba sa kanila ay ang mga kasamahan niya rin noon sa PMA, ang mga kaibigan niya. Tiyak ko na kung nakalitaw ang mukha ko ngayon makikilala nila agad ako.

Hindi ko pa alam kung alam ba nila na nagrebelde ako, baka nasabi na sa kanila ni Montehermoso ang patungkol sa nangyari noon. Hindi ko alam.

Biglang umalis sa tabi ko ang sekretarya nang lumabas ng opisina ang taong kinapopootan ko. Napatingin ako rito, at nagkatitigan kami nang matagal habang kinakausap niya ang mga kasama niya. Batid kong nakilala na agad ako nito ulit.

Naroon pa rin ang mapaglarong mga ngisi sa labi nito habang matiim akong tinititigan mula sa malayo. Tila tuwang-tuwa pa siya sa sitwasiyon namin, samantalang ako ay nagdurusa pa rin hanggang ngayon.

Lihim akong napatiim-bagang. Mariin kong iniyukom ang mga kamay dahil sa tindi ng galit sa lalaki. Halos hindi ko maramdaman ang namamasa kong mga mata habang hindi inaalis ang mga mata rito.

Sari-saring mga masasakit na alaala ang lumabas sa isip ko noong malaman kong pinatay nila ang ama’t mga kapatid kong lalaki. Hindi ko mapigilan ang sarili sa tuwing naiisip ko iyon, buhay ng mga taong mahal ko ang kinuha nila.

I cannot just forgive him...

Kahit ilang taon pa ang abutin, hindi ko siya mapapatawad, pati ang pamilya niya...

“WE’LL take these two horses...”

Abala ako sa pagtingin-tingin sa paligid habang kinakausap ni Martin ang lalaki para kami’y sumakay sa kabayo. Iyon kasi ang nais ko bago kami kumain, hindi na ako makapaghintay na makasakay sa kabayo. Nakakahiya man dahil siya ang magbabayad, wala naman akong magawa at mapilit ito. Nais niyang gawin namin ang mga bagay na nais ko upang masulit ang araw na ito, bago siya bumalik sa akademya. Ayaw niya akong pagbayarin, alam niya kasing paslit pa ako at wala pang trabaho at sariling pera.

Hindi nito hinahayaang maalis ang kamay ko sa braso niya, kaya kahit saan ito magtungo ay napapasunod ako. Wala naman iyong problema sa akin dahil hindi ko pa naman gaanong kabisado ang pasikot-sikot dito.

“Aria...”

Naibalik ko ang tingin dito nang pukawin niya ako. Naabutan ko itong nakayuko sa akin habang nakangiti’t pinagmamasdan ang mukha ko.

“Bakit?” takang tanong ko nang haplusin niya ang ulo ko.
Ngunit napamaang ako nang bigla ako nitong buhatin. Isinakay niya ako sa likod ng kabayong puti na ikinanganga ko. “Wow!” Hindi ko napigilan ang sarili nang maramdamang ang taas ko na.

Ipinakapit ako nito sa hawakan, bago ngitian. Nang masiguro nitong okay na ako at komportable ay sumakay na ito sa kabayong puti rin sa likuran ko. Mas malaki ang kabayo nito kaysa sa akin kaya natawa ako na ikinangiti nito lalo.

Ibinalik ko sa harap ang tingin nang maramdaman ko ang paglakad ng kabayo. Hawak ng lalaking hindi ko kilala ang tali ng kabayo kaya hindi ako masyadong nag-aalala na baka kung saan-saan ako dalhin ng sinasakyan ko.

Lalo lang akong namangha habang pinapakiramdaman ang sarili. Ang galing!

Hindi ko napigilan ang paglabas ng wagas na mga ngiti at paminsan-minsa’y nililingon si Martin na nahuhuli kong nakatitig sa akin. Kumaway ako rito at ngumiti na ikinatawa niya habang napapailing.

Isang oras din kaming pagala-gala sa kung saan-saan. Masyado akong nag-enjoy sa pagsakay sa kabayo kaya hindi ko na namalayan ang gutom ko. Hinawakan ni Martin ang baywang ko at ibinaba ako sa kabayo.

Natawa pa ito nang mapansin ayaw ko pang bumaba.

“Oh, sweetie. You’re so adorable,” aniya at marahang pinisil ang pisngi ko. Ngumiti lamang ako rito at niyakap ito dahil sa sobrang tuwa. “Sa susunod ay sa akin ka na sumakay. I’m sure you’ll enjoy it, too.”

“Ha?” agad na tanong ko nang maguluhan sa sinabi niya.

Umiling lamang ito at dinala ako sa isang restaurant. Naamoy ko agad ang masarap na aroma ng pagkain pagpasok namin, tuloy ay natakam ako.

Ipinaghila pa ako nito ng upuan nang makahanap kami ng puwesto na ipinagpasalamat ko rito. Napaka-gentleman naman nito, iyon ang napapansin ko sa kaniya kanina pa.

Naupo ito sa tabi ko na ikinatingin ko rito.

“Martin, sigurado ka ba talaga na hindi mo ako sisingilin dito? Nakakahiya kasi, e. Wala akong pang-ambag. Baka maubos sa akin ang pera mo,” alanganin kong wika rito nang ipatingin nito sa akin ang menu—iyon ang narinig kong tawag dito. First time kong makapasok sa restaurant kaya pakiramdam ko ay sobra akong ignorante sa mga nangyayari sa paligid ko.

Kita ko ang paglitaw ng mga mapuputi nitong ngipin nang ngumiti ito. “Huwag mo nang isipin pa ang bagay na ’yan. I don’t mind paying our bills. Gusto kong mabusog ka at maging malusog kapag kasama mo ako. Kapag naging asawa mo na ako, hindi kita gugutumin. Hindi ka maghihirap sa akin, Aria...”

“Uhm...” Natigilan ako at tila nablangko. Pakiramdam ko pa ay nagsisi ako na binanggit ko pa ang patungkol doon dahil nakadali pa ito ng usapan tungkol sa pag-aasawa. Nakakailang masyado. Napakabilis nito, hindi pa naman kami masyadong magkakilala. Ngumiti na lamang ako rito at napayuko.

Tila napansin niya ang pagkailang ko dahil marahan nitong inangat ang ulo ko upang ipatingin sa kaniya.

“Wala kang dapat na ika-ilang sa akin, Aria. Lahat ng sinasabi ng damdamin ko ay totoo. Seryoso ako sa ’yo, kaya huwag kang mag-iisip ng iba sa akin. Naiintindihan mo ba?” seryosong aniya kaya kahit napipilitan ay tumango ako rito.

Napatango ito at ngumiti, saka pinapili na ako ng makakain.

Ngunit sa kalagitnaan ng aming pagkain ay narinig kong umusal ito ng malulutong na mura.

“Damn...”

Nag-angat ako ng tingin dito at sinundan ng tingin ang pinagmamasdan niya sa labas ng restaurant. Salamin ang pader niyon kaya kitang-kita namin ang labas.

“Bakit, Martin?” tanong ko na napatigil sa pagkain. Binalingan niya ako at nginitian. Umiling ito at sinabihan ako na ipagpatuloy na lamang ang pagkain.

Pagtapos naming kumain ay dinala ako nito sa kung saan-saan. Binilhan niya pa ako ng teddy bear na malaki para raw palagi ko siyang maiisip sa tuwing yayakapin ko iyon. Napanguso ako dahil may unicorn na ako.

“Martin, masyado mo naman akong binubusog sa mga materyal na bagay. Baka masanay ako nito.” Idinaan ko sa biro ang sinabi kong iyon, pero totoo iyon. Baka mamaya ay masanay ako sa mga ganito at mamihasa.

Yumuko ito at natawa sa akin habang inaakay ako papunta sa tindahan ng ice cream. “Kung ako ang bubusog sa iyo, walang problema. Pero kung ibang lalaki, diyan tayo magkakaproblema,” aniya na ikinahaba ng nguso ko.

“Hindi na ba talaga ako puwedeng magpaligaw sa ibang lalaki paglaki ko?” marahan kong tanong dito, nag-aalangan sa mga nangyayari sa buhay ko.

Tumango ito nang magseryoso ang mukha. Matiim niya akong tinitigan na tila ba binabantaan na ako gamit ang matatalas niyang mga mata. “Of course, sweetie. Ako na ang nakauna sa iyo kaya ako na rin ang magiging huli mo. Kapag may nagtangkang mangulit sa iyo at manligaw, sabihin mo agad sa akin para magawan ko ng paraan. Pinaka-ayoko sa lahat ay sinusulot ang sa akin...”

Dahil sa murang pag-iisip, agad-agad akong tumango rito. Ni hindi ko napansin na may kakaiba pala sa pag-uugali nito. Masyado siyang mapang-angkin at tuso.

Kung siya lang ang maaaring manligaw sa akin, edi wala akong mapagpipilian.

“Bakit sweetie ang tawag mo sa akin, Martin?” mayamaya’y tanong ko rito. Pinaupo niya ako sa mahabang upuan sa gilid matapos naming makabili ng ice cream.

Binigyan pa kami ng nawe-weirdo-hang tingin ng tindero ng ice cream habang nakasunod sa amin ang tingin. Tila ba nagtataka dahil mukha pa akong menor de edad ngunit kasa-kasama ng lalaking nasa tamang edad na. Tila nag-aalangan pa ito.

Ibinalik ko rin ang tingin kay Martin dahil pati ako ay nag-alangan. Tiyak ko na iba na ang iniisip ng tindero na iyon sa amin.

Naabutan kong nakatitig sa mukha ko si Martin habang hinihintay talaga akong lumingon sa kaniya. Hindi ko gaanong maipaliwanag ang nakapaloob sa mga mata niya, ngunit nandidilim iyon sa hindi ko malamang dahilan. Ang dating niya tuloy sa akin ay tila siya misteryoso at nakakatakot.

“Bakit sweetie? Because you are a sweetheart to me. Napakaganda mong pagmasdan,” tugon nito na ikinanguso ko. Mayamaya’y natahimik ito.

Napayuko na lamang ako’t pinanatili ang tingin sa shoes ko. Natatakot ako na makita pa ang reaksiyon ng ibang tao patungkol sa amin ni Martin. Nahihiya ako nang lubos.

Narinig ko ang pagtikhim nito at biglang kinuha ang kamay kong nasa kandungan. Nilingon ko ito habang dumidila sa ice cream ko.

Akala ko ay may sasabihin ito, ngunit naghintay ako rito habang siya ay nakatitig sa ice cream ko’t bibig. Dumilim ang mukha nito at nakita ko ang paglunok niya’t ginawang paggalaw ng panga. Mayamaya’y napailing ito at natawa sa sarili.

Hindi ko ito maintindihan. Bakit siya natatawa ngunit umiigting naman ang panga?

“Aria, ayokong nagtatago ka ng sikreto sa akin, naiintindihan mo ba? Ayokong pinagtataguan mo ako,” aniya na hindi ko alam kung bakit.

Kahit naguguluhan ay tumango na lamang ako rito. Pagtapos naming ubusin ang ice cream ay gumala pa kami sandali, bago napagpasyahang umuwi na dahil sa kapaguran ko.

Magtatanghali na at nais pa sana ako nitong yayain upang magtanghalian, ngunit tumanggi na ako dahil sa kapaguran.

Marahan kong kinusot ang mga mata habang nakasandal sa upuan ng kotse nito. Tahimik lamang kami habang nasa biyahe. Hindi ko rin naman na nais pang magsalita dahil hinihila na ako ng antok, ngunit pinipigil ko iyon dahil nakakahiya naman kung dito pa ako matutulog.

Napatingin ako rito nang lingunin niya ako sa gitna ng katahimikan.

“Ano ba talaga ang nangyari sa pisngi mo?” seryoso niyang tanong na ikinatigil ko.

Nakapa ko tuloy bigla ang kalmot sa pisngi ko na medyo gumaling na. Hindi naman ganoon kalalim at kalaki.

Bigla ay lumabas sa isip ko ang mga alaala kahapon.

Nakapanakit ako ng kaklase...

Kinagat ko ang ibabang labi at bahagyang nag-iwas ng tingin.

Kumusta na kaya ngayon si Gracia? Sana ay okay na siya. Nais kong mag-sorry sa kaniya sa lunes. Masyado akong nadala ng emosiyon ko at marahas na karanasan noon.

“W-Wala ito. Aksidente ko lang na nakalmot ang sarili ko.” Tulad ng sinabi ko sa tauhan niya ay iyon din ang sinabi ko sa kaniya.

Kita ko ang ginawa nitong pagtiim-bagang at napahinga nang malalim. “Ano’ng sabi ko sa ’yo kanina? Huwag mo akong pagtataguan ng kahit na ano. Ayoko rin sa nagsisinungaling na babae,” matigas niyang wika na ikinatigil ko lalo.

“H-Ha?” maang-maangan ko at mariing kinagat ang ibabang labi.

Nakita ko ang pag-ismid nito at iniliko ang kotse. “Binanggit sa akin ni Santiago na napa-away ka raw sa school mo. Pero hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyari dahil hindi siya makapasok sa school. So, magsabi ka ng totoo sa akin, Aria. Bakit ka napaaway at bakit dinala sa hospital ang kaklase mong babae?”

Napanganga ako at nanlaki ang mga mata sa narinig.

A-Ano?

Tila ako pinanlamigan ng katawan nang marinig na dinala sa ospital si Gracia. Sobra akong nakonsensiya.

Alam na pala niya. Siguro kaya niya ako tinatanong ay para malaman kung nagsisinungaling ako. Ang hirap naman pala magtago ng sikreto rito.

Napayuko na lamang ako habang nangingilid ang luha. “H-Hindi ko naman sinasadya, e. Kasi naman, hinamak ako ni Gracia. Sobra siyang nakakainis, tapos sinabunutan niya pa ako at muntik nang sirain ang katawan ko sa sahig. L-Lumaban lang naman ako dahil ayoko pang mamatay,” hikbing pag-aamin ko.

Saglit ako nitong nilingon at ipinarada ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Akala ko ay pabababain na ako nito, ngunit inalis lang nito ang seatbelt niya bago ako harapin.

“Ano ang ginawa mo sa kaniya?” seryoso niyang tanong at marahang tinuyo ang mukha ko.

“H-Hinila ko lang siya paalis sa akin. Tapos a-ayun, sumubsob siya sa sahig...”

Napahinga ito nang malalim at inilapit ang sarili sa akin. Pinatakan niya ako ng halik sa noo at labi, bago pakawalan.

“Okay. Huwag ka nang umiyak pa, naniniwala naman ako sa ’yo. Sa susunod na may manakit pa sa ’yo ay ipaalam mo lang agad sa akin. Ayokong sinasaktan ka ng ibang tao, Aria,” masuyo niyang wika bago bumaba ng sasakyan.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan pababa na ipinagpasalamat ko rito.

Tumingala ako rito at kumaway. “Salamat ulit sa libre, ha. Mag-iingat ka sa pagmamaneho,” wika ko na ikinatitig niya sa akin habang may maliit na ngiti sa labi.

Nang hindi ito umimik ay kumaway akong muli at tumalikod dito.

Ngunit hindi pa man ako nakakahakbang nang tawagin niya ako.

“You forgot your teddy bear, sweetie...”

Natawa ako at napakamot sa ulo. “Ay, oo nga pala. Thank you, Martin,” sambit ko matapos niyang iabot sa akin ang teddy bear galing sa backseat.

Kumaway akong muli rito. Ngunit pinigilan niya na naman ako sa pamamagitan ng pagtatanong.

“Ano ang ipapangalan mo sa kaniya?”

Tumigil ako sandali at napaisip. Wala pa akong naiisip na ipapangalan sa teddy bear. Pero tingin ko ay gagamitin ko na lang ang ngalan niya, tutal ay sa kaniya naman ito galing.

Ngumiti ako rito. “ZM na lang ang ipapangalan ko kay teddy-teddy,” masayang turan ko na ikinangiti nito nang malaki.

“My name?”

“Opo,” tango ko rito na ikinangisi niya.

Hinaplos nito ang ulo ko. “Good choice, sweetie. Now, go inside...”

Ngumiti lamang ako bago pumasok sa loob.

Ngunit natigilan ako at kinabahan nang mapansing nasa sala sina Nana at Lala, kasama ang isa ko pang tita na si Khalifa. Seryoso ang tabas ng mukha ng dalawang huli habang pinagmamasdan ako.

Awtomatikong nawala ang mga ngiti sa labi ko at napayuko.

“Tinuturuan mo talagang lumandi ’yang batang ’yan, Ethel,” matalim na sambit ni Lala kay Nana at napatayo.

Masungit ako nitong tiningnan at ramdam na ramdam ko ang pagkadisgusto sa mga tingin nito. “Ano, Ria? Gusto mo nang lumandi sa edad mong ’yan? Gusto mo na bang madapuan ng lalaki at mabuntis nang maaga, ha? Gusto mong matulad sa ate mo, ganoon ba?”

Nahigit ko ang aking hininga sa narinig at napayuko. Marahan akong umiling-iling dito habang nahihiya, lalo’t naririto ang isa ko pang tita, na batid kong kaugali lang ni Lala.

“H-Hindi po...”

“Ethyl, huwag mo nang kagalitan ang bata. Ako ang pumayag na sumama siya sa lalaki,” pag-aawat dito ni Nana ngunit hindi niyon napakalma si Lala.

“Ethel naman! Menor de edad pa ’to! Ilang taon na nga ’yong lalaki? Bente anyos! Malaking problema ito kung tatanungin mo ang batas! Nag-isip ka ba bago mo pinayagan si Ria na makipag-date sa lalaking hindi naman niya ganoon kakilala?!”

Hindi naka-imik si Nana nang sang-ayunan ito ng isa ko pang tiya. Tanging pagyuko na lamang ang nagawa ko noong mga oras na iyon. Ginalit ko na naman si Lala.

Muli ako nitong hinarap at pagalit na tiningnan. “Ano’ng sabi ko sa iyo noong una kang dalhin dito ng Nana mo? Ano ang unang-una kong nais kong sundin mo habang nasa puder ka namin? Ha, Ria?”

Nag-isang linya ang mga labi ko at humigpit ang pagkakalamukos sa teddy bear na hawak. Nanubig na ang mga mata ko habang hindi makatingin dito.

“Sumagot ka, Ria!” malakas nitong bulalas na ikinapikit ko ng mga mata habang nangangatal ang mga labi. Ni hindi ko napigilan ang sarili na hindi mapaigtad dahil sa gulat.

“A-Ayaw n’yo pong m-makitang nakikipagrelasiyon ako sa binata rito, p-pag-aaral ang dapat na iintindihin ko po...”

Malakas nitong hinampas ang sofa sa tabi at pinanlakihan ako ng mga mata na muli kong ikinaigtad. “Oh! Iyon naman pala, e! Tandang-tanda mo pa! Pero ano ’tong date-date n’yo ng lalaki mo?! Kailan ka pa natutong lumandi sa ganiyang edad mo, ha, Ria?! Inilalagay mo lang sa panganib ang pamilya mo! Sinabihan na kita pero ang tigas pa rin ng ulo mo! Paulit-ulit na lang tayo rito!”

Hindi ko na napigilan pa ang sarili nang umalpas sa bibig ko ang mga hikbi na kanina ko pa pinipigil. Lalo akong napayuko habang tuloy-tuloy ang agos ng mga luha.

“S-Sorry p—”

“Bumalik ka na lang sa kuwarto mo at huwag lalabas! Subukan mo lang ulit na makipagkita pa sa lalaking iyon, kakalbuhin na kita!”

Matapos niyang sabihin iyon ay nakita ko na lamang ang sarili na tumatakbo papunta sa kuwarto ko upang magtago...

Continue Reading

You'll Also Like

510K 2.1K 3
Montehermoso Series 1 (COMPLETED) (GENERAL FICTION) NOTE: YOU CAN READ THIS ON DREAME Kirsten Alonzo and Dark Montehermoso Marumi kung gumalaw...
318K 6.9K 26
Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEO Sporting his alluring smile that captures every woman's heart. Wearing his costly dark blue suit, he w...
15.3K 434 35
[ONHOLD] Yara Colleen Lazaro, isang anak ng katulong na nakipagsapalaran sa Maynila upang maiahon ang kaniyang ina mula sa kahirapan at mailayo niya...