Accidentally MARRIED

By DirekSesa

3.6M 41.4K 1.7K

Napakarami nang kwento ang tungkol sa mga arranged marriage. Kaya heto ako't dadagdag sa mga yun. Pero ang kw... More

Accidentally MARRIED
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Author's Love Letter
Chapter 64
Another Love Letter
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Epilogue
The Last Letter

Chapter 8

72.5K 805 17
By DirekSesa

                Sobrang aga kong nagising. Nakakainis. Gusto ko pa sanang matulog eh. Eh ‘di ko na kayang bumalik sa tulog ko. Kailangan ko na namang makita ang pagmumukha ng Price na yun.

                Wala pa rin sana akong balak bumangon. Eh bigla akong nagutom. No choice. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

                ‘Di pa sumisikat ang araw, pero medyo lumiliwanag na. At dahil sa penthouse kami, kitang-kita lahat. Ang ganda. ‘Di maikakaila. Kita ang mga sasakyang nagmamadali kahit maaga pa, ang mga building na may mga bukas na ilaw, ang mga signs na nakailaw pa rin.

                Nakatayo ako sa may glass wall, pinapanood ang mga pangyayari sa mga kalye. Gusto ko na nga sana na dun nalang magstay, na wag nang sumikat ang araw at manatili ang lahat na ganun. Pero biglang nag-growl ang tiyan ko. Naalala kong gutom nga pala ako. Kaya pumunta na ako sa kusina.

                ‘Di naman ako magaling magluto. Marunong lang. Buti nalang kahit papano may alam ako. Eh sa asawa kong ‘to, baka mamatay lang ako sa gutom.

                Nagluto ako ng tocino at egg. Syempre, pati kanin na din. Tapos nag-toast ako ng tinapay. Breakfast na breakfast talaga eh. Kulang nalang coffee. Eh ‘di naman ako nagkakape. Nagtimpla nalang ako ng hot chocolate.

                Kakatapos ko lang kumain nang narinig kong bumukas ang pinto ni Price. Pinupunasan niya ang mata niya at lumabas ng kwarto. Bagong bagong gising. Mukha siyang inosente. Mukha lang.

                At dahil ‘di naman pinwersa ang paggising ko ngayon, maganda ang mood ko. Pasalamat siya.

                “Good morning. Kain ka na,” sabi ko.

                Ngumiti siya at pumunta sa mesa. “Aba, nagluto nga.”

                Tinignan niya ang niluto ko. “Masarap naman kaya yan? Baka nilason mo yan.”

                “Prito lang yan. Ano ka ba. Kung ‘di masarap, sisihin mo yung pinagbilhan mo,” sabi ko. Sige, asarin mo ‘ko. Umagang-umaga.

                “Baka naman buong bote ng mantika ang pinangluto mo diyan,” dagdag pa niya.

                Huminga ako ng malalim. “Price, kung ayaw mo kumain, edi wag.” ‘Di ako tumingin sakanya. Tumayo ako at sinimulang kunin ang mga pinagkainan ko. Umagang-umaga, Saydie. Wag mananapak.

 

                Feeling ko nakatingin siya sakin. Pero ‘di ko na chineck.

                “Joke lang yun, babe. Wag kang magalit,” bigla niyang sabi. Pero feeling ko nang-aasar lang siya. “Titikman ko naman luto mo eh. Pero titikman lang.”

                ‘Di ko na siya pinansin. Baka kung ano pang magawa ko. Kainis talaga. Umagang-umaga.

                Papunta na ako sa banyo para maligo. Biglang nagsalita si Price, “Baka magtagal ka diyan, babe. Gusto mo tulungan na kitang maligo?”

                Nakoooo... sinusubukan talaga ako ng mokong na ‘to. ‘Di na ako nagsalita. Sinara ko nalang ang pinto ng malakas. Sobrang lakas nga, kinabahan pa akong baka masira yung pinto.

                Habang naliligo, huminga ako ng malalim. “Kaya mo ‘to, Saydie. Kayanin mo,” bulong ko sa sarili ko. Bulong lang. Baka mamaya nakikinig si Price sa labas.

                Which reminds me, kailangan kong bilisan maligo. Baka kung ano na namang sabihin ng ulol na yun. Kaya naman in five minutes, tapos ako. What an achievement!

                Kahit si Price nagulat. “Aba, ang bilis ah,” sabi niya. Ngingiti na sana ako. Nang bigla niyang idagdag, “Namiss mo siguro ako, ‘no?”

                “Mukha mo,” mapait  kong sabi.

                “Ang gwapo ‘no?” sagot niya.

                “Ang kapal kamo.” At dumerecho na ako sa kwarto para magbihis.

                As usual, tshirt at jeans ang suot ko. Nagsuklay ako ng buhok at naglagay ng konting pabango. Chineck ko ang bag ko kung kumpleto ang gamit ko.

                Inisip ko kung may homework na nakalimutan kong gawin. Sa pagkakaalam ko, wala naman. Pero just the same, chineck ko parin. Salamat kay Lord at wala naman akong nalimutang gawin. Mabuti nalang. Kasi ‘di ko kailangan ng dagdag na stress sa buhay ko.

                Nung nakaayos na ako at ready to go na, lumabas na ako ng kwarto. Sakto din na lumabas si Price. Basa parin ang buhok niya. ‘Di siya mukhang pupunta sa school eh. Mukha lang siyang makikipagdate. O baka ganun talaga itchura niya. ‘Di naman maikakaila na may itchura din siya.

                Napatingin siya sakin. Napansin niyang nakatingin ako sakanya.

                “Ikaw naman, babe. Araw-araw mo naman akong makikita eh. Lagi naman akong nandito ‘pag uwi mo,” asar niya.

                Nako, may epekto ata sa pag-iisip ko ang pagligo ng five minutes lang.

                ‘Di ko na pinansin ang sinabi niya. “Tara na. Baka ma-traffic pa tayo.” Dumerecho ako sa pinto. At sumunod naman siya.

                Tahimik ako sa kotse. Pati siya, himalang tahimik. Wala na sigurong mapagusapan. Nagsalita nalang siya nang nakita na niya ang school ko.

                “Dito ka diba?” tanong niya.

                “Oo. Ibaba mo nalang ako dito,” sabi ko. Ayokong makita siya ng mga tao. Baka kung anong isipin. At kung ano man yung isipin nila, malamang totoo yun, or medyo totoo lang.

                “Pwede naman pumasok diba? Ibababa na kita sa loob para naman makita nila ang gwapo mong asawa,” sabi niya.

                ‘Di ko nalang pinansin ang pagmamayabang niya. “Sa tingin mo ba dapat malaman ng faculty na may asawa na ako?”

                “Eh kung ganito kagwapo ang asawa mo, dapat lang na malaman nila,” sabi ni Price.

                Dapat talaga ‘di ko siya kinakausap eh.

                Binuksan ko na ang pinto at lalabas na sana. Biglang nagsalita ang driver ko. Ay, asawa ko nga pala. “Susunduin kita ha. Kain tayo sa labas.”

                Natawa ako. If I know, hahanap lang ‘to ng chicks. “Excuse mo lang ‘yan para makapagsweet-sweetan tayo.”

                “Bakit? Ayaw mo ba?” asar niya.

                “Ayoko.”

                “Ikaw bahala. Kung gusto mong magluto. Pero ‘di ako tiwala sa luto mo eh. Kailangan talaga nating kumain sa labas.”

                Abaa. Makikita mo, ‘pag matikman mo luto ko, ‘di mo na gugustuhing kumain sa labas. Syempre sa isip ko lang yan. Kasi ‘di naman talaga ako ganun kagaling magluto. Pero matututunan naman yan eh.

                “Fine, sige na,” sabi ko sabay baba ng kotse at sara ng pinto.

                “Bye, babe! See you later!” sigaw niya bago humarurot paalis.

                Agad kong tinignan ang paligid. Baka kasi may nakarinig. Well, mukhang wala naman. Buti nalang.

                Hahakbang na sana ako papasok ng building nang may biglang kumalabit sakin sabay sabi, “Sino yun?”

                Napatalon ako sa gulat. Lumingon ako. Si Raissa pala. Ang best friend kong napakaganda na saktong-sakto ang katawan, may mahaba at medyo curly na buhok, maputi, at naka-all black outfit ngayon. At kasama niya ang boyfriend niyang si Chris.

                “Oh, hi Raissa. Hi, Chris,” sabi ko, intentionally avoiding the question.

                “Hi, Saydie,sabi ni Raissa. “Sino yun?”

                Ayoko talagang sagutin yung tanong niya. “Alin?” sabi ko sabay pasok na sa building.

                “Yung lalake kanina,” sabi ulit ni Raissa habang naglalakad kami.

                Binilisan kong maglakad, kahit ‘di naman ako nagmamadali. Ayoko lang talagang pagusapan ang topic na ‘to.

                “Sinong lalake? Walang lalake,” sabi ko agad.

                “Saydie. Yung lalake, kanina. Yung naghatid sayo dito,” sabi pa ni Raissa.

                Hayy. Pano ba ‘to? “Raissa naman, pati ba naman yun tatanungin mo? Wala yun.”

                Pumunta siya sa harap ko at pinigil ako sa paglalakad. Hinawakan niya ang mga braso ko at tinignan ako sa mga mata.

 

                “Saydie, kilala kita. Alam kong hindi yun ‘wala’. Sino ba yun? Best friend mo ‘ko, Saydie. Mapagkakatiwalaan mo naman ako eh. Pati si Chris. Ano? Sino ba yun?” seryosong sabi ni Raissa.

                Ehh. May point siya. Bakit may point siya?!

                Huminga ako ng malalim. “Fine. Siya si Price Realde,” sabi ko.

                “Oh, sino yun?” nagtatakang tanong ni Raissa.

                “Asawa ko.”

                Natigilan si Raissa. Nagtinginan sila ni Chris. Natawa si Raissa.

                “Ikaw naman. Nagjojoke ka pa,” sabi ni Raissa. “Sino ba kasi yun?”

                “Asawa ko nga.”

                “Feeling ka. Diba si ate Sab dapat ang may asawa? Feelingera lang?” sabi ulit ni Raissa.

                Huminga ako ulit ng malalim. “Yun nga. Dapat siya. Pero lumayas siya bigla. Kaya ako ang kinasal. Seryoso ako, Raissa. Kahit mamatay na ako ngayon sa harap mo at pagpyestahan ako ng mga uod. I swear, totoo lahat ng sinasabi ko. May asawa na ako.” Tinaas ko pa ang kanang kamay ko to emphasize.

                Tinignan ni Raissa si Chris, hinihingi ang opinion niya.

                “Malay mo, babe. ‘Di naman imposible,” sabi ni Chris.

                “Kahit itanong niyo pa sa mga magulang ko.”

                Tinignan akong mabuti ni Raissa. “Fine. Pictures or it didn’t happen.”

                Yun lang pala eh. Linabas ko ang phone ko. Sa pagkakaalam ko, naging mabait ang mga magulang ko para maglagay ng pictures sa phone ko. Sana lang meron nga.

                Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang isang picture namin ni Price. May mga napakalaking ngiti sa mga mukha namin. Ok pa kami nun eh. Hanggang sa naiwan nalang kaming mag-isa.

                Pinakita ko yung picture sa dalawa. Napanganga naman agad sila. Halos pagmugaran na ng langaw yung mga bibig nila. Muntik na ngang tumulo mga laway nila eh.

                Tinago ko na yung phone ko. “Ano? Naniniwala na kayo?”

                Mukhang ‘di parin makagetover si Raissa. “Pero... Pano? Bakit? Pano? Kailan? Pano?” sabi niya.

                Pumasok na ako sa classroom. Sumunod naman agad yung dalawa, hinihintay ang sagot ko. Umupo muna ako at umupo din naman sila.

                “Yun nga. Dapat si ate Sab ang ikakasal diba? Kaya lang. Lumayas. Runaway bride ang drama. Eh syempre, kailangang matuloy ang kasal. Ito namang isang tita ko, ‘di ko alam kung anong sumanib sakanya, naisipang ako nalang ang ikasal. Kaya ayun. Walang magawa,” kwento ko na parang walang kakaibang nangyari.

                “So, seriously, may asawa ka na?” tanong ulit ni Raissa.

                “Oo nga,” sabi ko. “Paulit-ulit lang?”

                Napangiti si Raissa. “In fairview ha, gwapo siya.”

                Natawa naman ako. “Sana ganun din ugali niya.”

                “Oh, bakit?” tanong ni Raissa. Sakto namang nagring na yung bell. ‘Di ko na nasagot yung tanong niya. Umupo na lahat.

                Nang pumasok na si sir, automatic na lumabas sa kwarto ang utak ko. Kung saan saan na napunta. Mostly, tungkol sa pagiging kasal ko ang pinuntahan ng utak ko.

                Mahirap parin tanggapin na kasal na nga talaga ako. At masakit din isipin na habang buhay kong makakasama ang lalakeng yun. Parang walang pag-asang mamuhay kami ng maayos eh. Araw-araw, nagkakainisan kami. Well, ako ang naiinis sakanya. Pero ‘di naman ako maiinis kung ‘di siya mang-aasar eh. Kasalanan niya din.

                At kailangan ba talagang babaero siya? Kainis talaga. ‘Di naman sa nagseselos ako. Pero still, ako ang asawa niya.

                Sino kaya ang dapat makaalam na mag-asawa na kami? Again, dapat kaya na malaman ng faculty na Mrs. na ako at hindi Ms.?

                Biglang may kumalabit sakin. “Huy. Saydie. Tara na. Kain na tayo.”

                Lumingon ako. Si Raissa, nakatayo na sa tabi ko kasama si Chris, at palabas na rin ang mga tao. Chineck ko ang watch ko. Lunch na pala.

                Dapat pala lagi akong nag-iisip ng ganun nang medyo bumilis ang oras.

                “Hmmm. Iniisip mo na naman siguro asawa mo, no? Ikaw naman. Makikita mo din naman ulit siya mamaya eh,” asar ni Raissa.

                “Yun nga ang kinakatakot ko eh,” bulong ko sa sarili sabay tayo at derecho sa pinto.

                Nakakailang hakbang palang ako nang may nakita akong parang familiar na lalake. Nakatalikod siya kaya ‘di ko masabi kung sino. Pero sigurado akong kilala ko ‘to.

                Linapitan ko siyang parang na-hypnotize. ‘Di ko pinansin yung dalawang kasama kong tinatanong kung saan ako pupunta. Kilala ko talaga ‘to. Kailangan kong malaman kung sino siya.

                Bigla siyang lumingon at nagkatinginan kami. Naalala ko na.

                “Daniel?”

Continue Reading

You'll Also Like

309K 8.8K 37
[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story C...
169K 737 6
COMPLETED AND EDITED VERSION IS AVAILABLE ON DREAME Are you ready to taste the hell? The real demon is on his way. The Boss's Wife book 2 ~sinnederel...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.7M 35.8K 34
Picture this. Nagsusukat ka lang ng wedding gown sa isang sikat na boutique. Suot mo pa ang gown habang nakatingin sa malaking salamin sa harap mo ng...