Accidentally MARRIED

By DirekSesa

3.6M 41.4K 1.7K

Napakarami nang kwento ang tungkol sa mga arranged marriage. Kaya heto ako't dadagdag sa mga yun. Pero ang kw... More

Accidentally MARRIED
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Author's Love Letter
Chapter 64
Another Love Letter
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Epilogue
The Last Letter

Chapter 6

78.6K 906 21
By DirekSesa

                After naming mag-lunch, bumalik kami sa beach ng mga dalawang oras. Syempre, dahil nasa labas kami, kailangang maayos ang pakikitungo namin sa isa’t isa. Kaya tiniis ko nalang. Kahit naiinis ako sa puro holding hands at akbayan, nanahimik nalang ako.

                Nakakainis kasi eh. Dikit ng dikit.

                Ngayon, papunta kami dun sa isang bar na sinabi niya.

                Pagdating namin dun, medyo marami ring tao. Well, sakto lang yung dami. Pero di ako sanay sa mga ganitong lugar eh. Actually, first time kong pumasok ng bar. B.I. si Price.

                Pinaupo ako ni Price sa isang table.

                “Dito ka lang. I’ll get some drinks. Umiinom ka ba?” tanong niya sakin.

                Umiling ako. ‘Di ako umiinom.

                “Ok. I’ll get soda nalang for you. Dito ka lang ha. Alam ko mamimiss mo ko, kaya bibilisan ko lang,” sabi niya sabay alis. Ang kapaaaal ng pagmumukha.

                Tinignan ko yung mga tao sa paligid. Halatang sanay na sanay sa bar. Halos lahat nagsasayawan. Yung mga hindi naman sumasayaw na babae, may mga kausap na lalake. In conclusion, ako lang naman ang mag-isa dito. Yung kasama ko kasi eh.

                So naghintay lang ako. Mga twenty-five minutes na ata akong naghihintay. Ang tagal naman ata. Hinanap ko yung bar. Ay, nasa malapit lang pala.

                Kitang-kita ko si Price. Aba’y anak ng tinapa, nakikipaglandian dun sa magandang babae. Aba’y anak ng tokwa, may isa pang babae! Kaya pala ang tagal.

                Langhiya ‘to. Pinaghihintay niya ko dito, tas siya ang ganda ganda ng buhay dun. Puntahan ko kaya.

                Ay, wag na. Nakakahiya naman kasi. *sarcasm*

                Badtrip talaga. Iniwan niya ako dito, tas may kausap na babae. Ako na asawa niya, iiwan iwan niya lang sa bar para maghanap ng ibang babae.

                Hindi naman sa nagseselos ako. Nababastusan lang kasi ako eh. Ganun lang ba talaga ako? Iniiwan iwan nalang dahil maraming mas maganda? Lalo tuloy kumulo dugo ko sakanya.

                Patuloy ko siyang pinanood habang tuwang-tuwa naman siyang nakikipagusap dun sa dalawang magagandang babae. Aba’y wala na atang balak bumalik. Nakita ko nalang siyang hinihila nung mga babae, at sumama naman siya. Nagsasayawan na silang tatlo dun sa gitna.

                Hmm. Fine.

                Wala akong balak na gayahin siya at maghanap ng kasayawan ko.  Bahala siya dun. Anong pakialam ko?

                Pero nakakabadtrip talaga eh. Sino ba namang ‘di mababadtrip dun? Kani-kanina lang, kung makahalik kala mo walang bukas eh. Tas ngayon nakikipagsayawan sa dalawang ibang babae at iniwan ako dito.

                Nakakainis. Pero inuulit ko, hindi ako nagseslos. HINDI.

                “Hi miss. May kasama ka ba?” may biglang nagsabi. May umupong lalake sa harap ko. Medyo kinabahan ako. Sorry ha, first time sa bar eh.

                “Oo, may kasama ako. Kumuha lang ng drinks,” sabi ko agad.

                Halatang nadismaya yung lalake. “Ah, ganun ba. Kung sakaling ‘di siya bumalik, nandun lang ako sa kabilang table.” At umalis na siya. Haaaay. Mabuti naman.

                Gusto ko sana sabihing wala talagang balak bumalik yung kasama ko eh. Pero mukhang adik yung dumating eh.

                Isang oras ata na ganun ang nangyari. May mga lumalapit sakin pero mukhang adik. At yun at yun din ang sinasabi ko sakanila. Si Price, hindi ko na alam kung saan napunta. Umiinom na ata.

                Nakaupo lang talaga ako. Ilang oras na ata ang lumipas. Hindi ko alam kung paanong nakayanan kong umupo lang sa isang bar ng ilang oras. Buti nalang at may Wi-Fi dito. Haaaay. Buti nalang.

                So nakaupo lang talaga ako ng ilang oras. Lalo tuloy akong nabadtrip kay Price. Nakakainis talaga eh. Di na ko binalikan. Super nageenjoy kasi eh. Badtrip talaga.

                Nang dumating ang twelve midnight, naisipan ko nang hanapin si Price. Tinignan ko yung bar. Nandun na siya, mukhang lasing na lasing na. Wala na rin yung dalawang babaeng kausap niya. Wala na ngang pumapansin sakanya eh. Kaya tamang-tama, pwede ko na siyang lapitan.

                Pinuntahan ko siya. Sobrang lasing na talaga.

                “Price, tara na. Umalis na tayo,” sabi ko.

                “Oh, Saydie. Namiss mo na ko?” tanong niya na sobrang lasing na talaga.

                “Price, lasing na lasing ka na. Alis na tayo,” sabi ko sabay hila sakanya at pilit siyang tinatayo sa mga paa niya.

                Nakatayo na siya. Kaya lang bigla siyang na-outbalance at napasandal siya sakin. Ang bigat niya! Paano ko naman kaya ‘to dadalhin sa hotel? Laking problema nito.

                Nakaakbay siya sakin at nakasandal talaga siya. Halos binubuhat ko na nga siya eh. Wala na atang malay. Ang bigat niya, sobra. Di ko na ata makakayanan ‘to.

                Nanghihina na ako. ‘Di ko na siya kayang alalayan.

                Matutumba na ko nang biglang naramdaman kong nawala na yung mabigat na inaalalayan ko. Pagtingin ko, may isang lalake na umaalalay kay Price.

                “Tulungan na kita. Where are you staying? Ihatid ko na kayo,” sabi nung lalake, may accent pa ang pananalita. Mukhang galing din sa US.

                Haaaaaay. Salamat, Lord. Tenkyu tenkyu tenkyu talaga!

                “Um, may dala kaming kotse eh. Dun kami sa Luna Legacy Resort,” sabi ko.

                “I’ll drive you there. I know where that is,” sabi niya. Syempre ‘di na ko tumanggi.

                Lumabas na kami at drinive na nga kami nung lalake. Sobrang na-relieve talaga ako. Nakahinga ako ng maluwag. Hulog ng langit ang lalakeng ‘to.

                “So you’re here on vacation?” tanong niya sakin.

                “Yup. You?”

                “Kind of. We just came back here from the States. We’re here in Boracay for just a little bit of sight seeing before we get settled down,” sabi niya.

                Sakto, dumating na kami sa hotel. Tulog na tulog na si Price. Kaya pareho namin siyang inalalayan.

                Bago kami umakyat sa kwarto, pinakiusapan ko yung nasa front desk na wag nalang ipagkalat ang nakita niya. Malaking iskandalo kasi ‘pag malaman ‘to ng mga magulang namin.

                Diba? Pangalawang gabi naming mag-asawa, lasing siya at tinulungan ako ng isang lalakeng ‘di ko parin kilala.

                Pagdating namin sa kwarto, hiniga na namin si Price sa kama.

                Humarap ako dun sa lalakeng hulog ng langit. “Salamat ha. Thanks so much for the help. ‘Di ko alam kung anong gagawin ko kung walang tumulong samin.”

                “It’s no problem,” sabi niya ng may ngiti. Ganda ng ngiti. Yung itsura niya eh yung tipong mukha lang talagang anghel. “I’m Daniel, by the way.”

                Nakipagkamay siya sakin. “I’m Saydie. Thanks so much ha. I can’t thank you enough.”

                “It was nothing,” sabi niya, “I’ve got to go. I guess I’ll just see you around. Take care of yourself.”

                
                “Thanks again. It was nice meeting you, Daniel,” sabi ko sabay hatid sakanya sa pinto.

                “It was nice meeting you, too,” sabi naman niya at tuluyan nang nagpaalam.

                May mga lalake pa palang ganun –mga tunay na gentleman; knights in shining armor. ‘Di tulad nung lalakeng nakahiga sa kama. Bastos na nga, wala pang kwenta.

                Pumunta ako sa CR at nagbihis. Pagbalik ko sa kwarto, nagising si Price.

                “Sino yung kausap mo kanina?” tanong niya.

                “Si Daniel. Siya yung tumulong sakin na dalhin ka dito.”

                “Bakit ka niya kinakausap? ‘Di ba niya alam na may asawa ka na?!” Actually, ‘di niya talaga alam. “Ako lang dapat, Saydie.”

                Aba, teka lang. Ilayo niyo sakin lahat ng matutulis na bagay.

                “Ang kapal ng m--”

                ‘Di ko na naituloy yung sasabihin ko dahil bigla niya akong tinulak at napahiga ako sa kama. Kinorner niya ako. Hinawakan niya ng mahigpit ang wrists ko. Hindi ako makagalaw. Halos nakapatong siya sa akin.

                Parang ang dilim ng mga mata niya. Dahan-dahan niyang linapit ang mukha niya sa mukha ko.

                Bumilis ang tibok ng puso ko. Eto na naman tayo. Ayoko na. Baka ma-trauma na ako nito. Ayoko na ng ganito. Nakakatakot si Price.

                Sobrang lapit na ng mukha niya sakin. Napapikit nalang ako, hinihintay kung ano man ang pwedeng mangyari sakin.

                Pero wala.

                Naramdaman kong napahiga nalang siya sa tabi ko. Binuksan ko ang mga mata ko. Nakatulog na siya.

                Nakakainis talaga. Napakababaero, tapos ang lakas ng loob na sabihin saking siya lang dapat. Pigilan niyo ako at baka mapatay ko ‘to.

                Pumunta ako sa sofa at humiga. Inisip ko kung ano nga ba itong pinasok ko. Mahirap. Masakit. Pero kailangan kong magpakatatag para sa pamilya ko. Hindi ako dapat bumigay.

                Pinigil ko ang mga luhang muntik nang tumulo sa mga mata ko. Pumikit ako at maya-maya, nakatulog na.

-----------------------

Kinabukasan...

                Sa wakas, naiayos ko na lahat ng gamit namin. Dahil mukhang may hangover pa si Price, pinatulog ko muna siya. Nag-ayos na ko ng mga gamit para derecho na kaming umalis mamaya. Naligo na rin ako para tapos na.

                Nakaayos na ko’t lahat. Nakaligo, bihis, at nakapag-ayos na ng hair and makeup. Tulog parin si Price.

                Bahala siya. ‘Di ko siya gigisingin.

                Kumain muna ako, tapos nanood nalang. Hinintay ko siyang magising, kasi wala naman talaga akong balak na gisingin siya. Kahit ma-late pa kami sa flight, wala akong pakialam. Magpapakalasing siya, tapos ngayon bagsak parin siya. Buti nga sakanya.

                Ilang oras na ang lumipas, nakahiga parin siya sa kama. Naramdaman kong medyo nagugutom na ko. Tanghali na pala.

                Iniwan ko muna si Price at bumaba para kumain. ‘Di ko na siya kinuhanan ng pagkain kasi nagdududa akong gigising yun ng tanghali. At bakit ko naman siya dadalhan ng pagkain? Eh drinks nga lang kagabi ‘di niya pa ko madalhan.

                Sorry ha, pero sobrang nainis talaga ako kagabi. Grabe. ‘Di na nga ako pinansin kagabi, pinabuhat pa ko. Pinahirapan pa kami nung Daniel na dalhin siya sa hotel. Buti nalang talaga at may tumulong sakin. Pero sobrang nakakainis talaga si Price.

               

                Pagbalik ko sa kwarto, tulog pa talaga si Price. Naka-comatose na ata eh.

                Bumalik ako sa pwesto ko at nanood pa.

                Kala ko wala nang balak gumising yung walang kwentang tao sa kama. Pero nagising na siya ng mga 5pm.

                “Saydie, anong oras na?” tanong niya.

                ‘Di ko siya tinignan. “Aba, at nabuhay din. Akala ko patay ka na.”

                “Nag-aalala ka siguro no?” pang-aasar niya.

                Hmm. Mukhang wala siyang naaalala sa mga pangyayari kagabi. Kagigising niya lang, asar na agad.

                “Manahimik ka diyan at baka patulugin ulit kita. Ngayon, baka ‘di ka na magising,” banta ko.

                Tumayo siya na parang ‘di siya nalasing kagabi. “Chill ka lang. Makaligo na nga. Baka ma-late pa tayo sa flight.”

                At pumunta na nga siya sa CR para maligo.

                Mga 7pm na kami nakarating sa airport. Nag-dinner pa kasi kami sa isang lugar kung saan kailangan naming magsweet-sweetan sa isa’t isa. Kasama ata yun sa plano niya eh. -_-

                Sakto lang ang pagdating namin sa airport kasi 8pm ang flight namin.

                Habang nakaupo kami at naghihintay ng flight, umalis muna siya para daw mag-CR.

                10 minutes nalang at kailangan na naming mag-board. Dito ko na hinanap si Price. Mukhang nang-chicks na naman eh. Tagal na niya ha.

                Well, bahala siya kung maiwan siya.

                Wala na sana akong balak na hanapin siya, pero nakita ko siya eh. Kausap yung magandang kahera dun sa isang souvineir shop.

                ‘Di ata talaga nag-iisip ang mokong na ‘to. Sabi niya kailangan lagi kaming sweet kasi madaming nakabantay. Tapos ngayon, nakikipaglandian siya sa airport? Haay.

                Nung inannounce na kailangan na naming mag-board, bumalik na din si Price. Syempre, inis na inis na naman ako sakanya. ‘Di dahil nagseselos ako. Bakit naman ako magseselos? Nakakainis kasi eh. Napaka-playboy. Sino ba namang ‘di maiinis dun?

                “Ano, babe? Ready ka na ba?” tanong niya sakin habang papunta na dun sa pagsasakyan ng eroplano.

                “Babe ka diyan? I-babe mo mukha mo,” sabi ko sakanya.

                “Uy, nagseselos,” sabi niya. Tapos bigla niya akong hinalikan. “Ikaw parin naman asawa ko eh.” Inakbayan niya ko.

                Kapal din talaga eh. Hahalik-halik nalang tapos ok na? Sarap talagang sipain eh.

                At ayun nga. Parang ‘di siya nakuntento sa halos isang araw niyang tulog. Tulog parin si Price sa biyahe pauwi. Syempre, ‘di ko na siya pinansin. Kahit na gustong-gusto ko na siyang ihulog sa eroplano, ‘di ko na siya pinansin.

                Saktong nagising siya, nasa Manila na kami. ‘Di ko na ikukwento yung mga pangyayari sa airport kasi wala namang kakaibang nangyari. Todo holding hands lang naman siya sakin. Kala mo mawawala ako.

                Nung nakalabas na kami ng airport, mabilis siyang nakakuha ng taxi. Sinabi niya yung address niya tapos linagay yung mga gamit namin sa likod nung taxi.

                Pinagbuksan niya ko ng pinto. Nung sasakay na ko, bigla siyang bumulong, “Excited ka na ba? Dadalawa lang tayo sa iisang unit.”

                ‘Di ko siya pinansin. Ang kapal na naman ng pagmumukha. Excited?!  Takot na takot na nga ako eh.

--------------------

Sorry sa napakatagal na update. I'm working on a short film kasi for our church. Panoorin niyo yung first short film na sinulat/dinirek ko. Haha. Thaaank you! Nasa external link. LABYU GUYS! Comment niyo din yung about sa film ha. Thaaanks. <3 \m/

Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 56.9K 44
Dahil baon sa utang ang kompanya at pagpapakamatay ng ama ay walang nagawa si Griselda kung 'di pumayag na ikasal kay Alexander, ang panganay na anak...
19K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
971K 22.7K 41
Personal Assistant(Alalay) niya ang pinakamagandang babae na nakilala niya sa buong buhay niya.At di niya inasahan na unti-unti na niyang minamahal i...
169K 737 6
COMPLETED AND EDITED VERSION IS AVAILABLE ON DREAME Are you ready to taste the hell? The real demon is on his way. The Boss's Wife book 2 ~sinnederel...