Never Let Go - Lesbian Love S...

By socializingintrovert

583K 8.4K 431

Uso ba yung "us against the world"? Paano kung yung nag-iisang bagay na gusto mong makuha eh ipinagkakait sa... More

Never Let Go - Lesbian Love Story
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 2 - Part 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 6 - Part 2
Chapter 7
Chapter 7 - Part 2
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9 - Part 2
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 11 - Part 2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 14 - Part 2
Chapter 15
Warning.
Chapter 16
Chapter 16 - Part 2
Chapter 17
Chapter 18"
Chapter 18 - Part 2
Note: To all readers. Please Read
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
advertisement. (overloaded w/ .......)
Chapter 22
Chapter 22 - Part 2
Chapter 23
Chapter 23 - Part 2
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 25 - Part 2
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
Never Let Go Book 2 (Prologue)

Chapter 19 - Part 2

8.7K 133 12
By socializingintrovert

Arci's POV

Pagkaalis ni Kamille, hindi na ako masyadong nakatulog. Medyo nakapahinga na rin ako and wala nang totally yung sakit ng ulo tiyaka pagkahilo. Salamat talaga sa pag aalaga niya. Mga isang oras pa akong nagbabad sa kama pero naligo na ako at nagbihis after ng 1 hour na katamaran na yun.

  

Siyempre, wala naman na akong kailangang office works na dapat tapusin ngayon kase nga nagawa ko na kagabi nung nag mumukmok ako tungkol dun sa nangyari kagabi kila Kamille. Kaya kahit talaga di ako pumasok ngayon, ok lang. Pero of course, nag pa abiso pa rin ako kay Ms. Jean.

  

Nanunuod lang ako ng TV. Ewan ko kung panunuod pa ba ang tawag dun kase halos lipat lipat lang talaga ng channel yung ginagawa ko. Hanggang sa nagsawa ako, nahiga na lang ako dun sa sofa. Day dreaming lang ang peg ko. Haha. 

  

Gusto kong bumawi kay Kamille. Ano kayang oras uuwi yun? Sabi niya lunch time. Ehh ang daming lunch time. Haha. Mula 11 hanggang 1, lunch time eh.. Pano kaya ako babawi? 

  

Nakatingin lang ako sa kisame. Napapatulala minsan kakaimagine ng scenarios sa utak ko. Hmm. Yung una mag papadeliver ako ng food dito. Tapos kakatok siya. Bubuksan ko yung pinto. Papaupuin ko na para bang nasa fine dining restaurant kami.. 

  

Hmp. Di pwede. Kase, siyempre siya nga nag effort kagabi na lutuan ako ng makakain tapos ako papadeliver lang?

  

Hmm. Another scenario. Magluluto ako. Di ko alam kung ano. Tapos dadating siya. Bubuksan ko yung pinto pero agad agad ding magtatago. Maglalagay ako ng mga arrows na nakaturo sa kitchen. Tapos candlelit dinner..

  

Haaa? Ba't dinner? Hindi rin pwede. Walang suspense yung ganun pag tanghali. Kase siyempre, kailangan dim lang yung ilaw. Tapos maraming kabonggahan. Haha. Kailangan pang gumawa ng mga arrows ehh gahol na sa oras. 

  

Speaking of time. Mga isang oras na lang.. Andito na yun. 10:30 na ehh. Hmm. Ano nabang gagawin ko?

  

Hayy. Basta. Ipagluluto ko na lang siya. Taposss. Bahala na. :) 

  

Mas nagiging maayos pa nga yung mga bagay na hindi pinagplanuhan diba? Hehe.

  

Lumabas ako para makabili ng iluluto. Nung makabalik ako, agad agad ko nang sinimulan. Favorite ni Kamille mula high school, alam ko chicken. Hehe. Fried chicken. Pag kasing kumakain kami.. Chicken talaga yung inoorder nun. 

  

Nung matapos ako sa pagluluto, sinet ko na yung table saka naman naghintay sa sala para pag kumatok, agad kong mabubuksan. Hmm. 11:45 na. Malapit na siguro yun.. 

  

Nanuod lang ako ng TV kase medyo nakakabingi yung katahimikan dito. Lipat lipat lang ng channels kase wala pa rin akong mahanap na matinong panoorin. Ayoko naman manuod ng mga variety shows. Di ko hilig yun. Sa movies naman, puro alien invasion nakikita ko so wala din. Hayy. Yung iba puro na lang pang bata tiyaka mga luto luto. Di naman talaga ako nanunuod nun. 

  

Tagal naman niya. 12 na. Hmm. Any time anjan na yun. Kinuha ko yung phone para mag check ng email pero nothing new naman. Di naman din ako nag fefacebook pero tinry kong iopen. Ang dami namang notif. Nakakatamad buksan. Hmm. Kahit na alam kong wala namang nag text, tiningnan ko pa rin yung messages. Hayy. Wala akong magawa. Ano ba yan. 

  

*Kruuuug* 

  

Hmm? Tiyan ko ba yun? Hala. Gutom na ako. Pero wala pa si Kamille. Pano nyan? Hihintayin ko. Malapit na yun. Pramis. Hehe. 

  

So hinintay ko nga.. 

  

Hintay paa.

  

Tapos hintaaay.. 

  

*BZZZZT BZZZZT BZZZZZT* 

  


"Ay! Susme!" 

  

Nagulat ako nung biglang nagvibrate yung phone ko.. Nasa tapat paman din ng tenga ko. Nakatulog na pala ako.  Naku. Anong oras na ba? Andito na kaya si Kamille?

  

Lumingon lingon ako. Humanap ako ng signs na may ibang tao na dito sa loob. 

  

Ehh wala pa naman eh. Anong oras na ba?

  

3pm na.

  

Asan na yun? Ba't di pa dumadating? Tsk. Okay lang kaya yun? Naku. Baka may nangyari na sa kanyang di maganda..

  


*KRUUUUG KRUUUUG*

  


Hayyy. Ayan nanaman yung tiyan ko. Asan na ba siya?

  

Tawagan ko kaya si Ms. Jean? Baka may way siya para malaman kung san yung office nina Kamille. And kung bakit wala pa siya? 

  

Pero baka mahuli kami kapag pinagawa ko yun. Haaaayyy.

  

Sinabunutan ko yung sarili ko out of frustration. Hindi ko alam gagawin ko.

  

Bumaba ako ng Residence building para pumunta sa sasakyan ko. Baka kase mamatay ako dun sa loob kung di ako kikilos. Tsk. Pinindot ko yung B sa elevator para sa basement. Sumakay agad ako ng sasakyan saka pinaandar palabas. 

  

Malapit pa lang ako sa kalsada nung maispot-an ko yung sasakyan na sumusunod sa akin kagabi. Nakita ko na tumigil sa tapat nung residence building. Nagdahan dahan ako kasi parang may lalabas sa sasakyan. Buti na lang, hindi tanaw yung kinaroroonan ko dun sa kinaroroonan nila. Natatago ako ng puno tiyaka ng mga benches. 

  

Medyo matagal na nakatigil yung sasakyan bago may lumabas. 

  

Parang nalaglag yung puso ko at nakalimutang tumibok tapos yung lungs ko naman parang nakalimutan na kailangan pala niyang sumagap ng hangin. 

  

Lumabas si Ranz. 

  

Saka niya tinulungang bumaba si Kamille galing sa passenger's seat. 

  

Pareho silang masaya. 

  

Hinawakan ni Ranz yung kamay ni Kamille. Nakita ko na napangiti si Kamille sa sinabi ni Ranz. Hindi ko alam kung ano yun. Tapos..

  

Parang piniga yung puso ko saka inapakan kung san nalaglag kanina nung makita ko na hinalikan ni Ranz si Kamille sa noo. 

  

Ano yung nakita ko? 

  

Hindi ko makurap yung mata ko.

Kung ano man ang nagyare matapos nun, hindi ko na nakita. Lumabo na yung paningin ko dahil sa mga naiipon na luha sa mata ko. 

   

Nabalik lang ako sa katinuan nung may nagbusina galing sa likod ko kase nababara ko pala yung daan palabas ng underground parking. Itinabi ko na lang yung sasakyan kase hindi ko alam kung kaya ko pa bang mag maneho after nung nakita ko.

  

Baka naman may good news lang tungkol sa work? Para naapprove yung proposal nila? Diba? Wag mo naman lagyan ng malisya Nicolai. Baka ano naman yang iniisip mo. Diba nga sabi ni Kamille mahal ka niya? Ohh tiwala po.

  

Kaso.

  

Iba talaga eh. Ewan ko. Bakit hindi na lang shakehands? Ehh diba close nga sila Nicolai? Ehh ba't kase ganun? Hinalikan siya. Nalate siya ng uwi kahit na nagsabi siyang maagang uuwi. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na baka naglunch na si Kamille kasama nung ugok na yun.

  

Hayyy. Yung utak ko. Ang daming bulungbulongan sa loob. Sarap maging bingi sa sariling utak. Pero hindi ko kaya.

  

Naramdaman kong ang higpit na pala ng hawak ko sa manibela. Halos mamuti na nga yung mga kamao ko. 

  

Pinaharurot ko na lang yung sasakyan. Di ko alam san papunta. Blurry na yung nakikita ko. Umiiyak na ako. Nararamdaman ko yung unti unting pag gulong ng maiinit na patak ng luha sa pisngi ko. 

  

Pinapabayaan ko kase alam kong walang makakapagpatigil nun hanggang sa hindi nauubos. 

  

Miss na miss ko si Kamille. Pero hindi ko alam kung ba't ganito nararamdaman ko. Nagagalit ba ako? Nag seselos? Dahil ba 'to sa nangyari kagabe tapos nangyari pa ngayon?

  

Hindi ko alam. Nababaliw yung utak ko kakaprocess. Pumasok ako ng expressway. Hindi ko na pinapansin kung pasok pa ba ako sa speed limit. Para bang hinahabol ko yung gulong ko sa bilis. 

  

Kusang kumanan papunta sa exit ng expressway yung sasakyan ko. Papunta sa lugar kung san ako nag high school. Kung san kami nagkakilala ni Kamille. Kung san kami nagiwanan nun pagkatapos ng birthday ko. 

  

Naglibot libot lang ako paikot ikot kung san san. Pumunta ako sa tapat ng dati kong school nung medyo madilim na. Madami pang estudyante.. Palabas na halos lahat. Madami nang nagbago.. Marami nang waiting sheds.. Mas madami na yung dumadaang pampasaherong sasakyan.

  

Madami na din palang natayo na boarding house kung san san dito. Siguro dahil na din sa pagdami nung mga pumapasok na college students dito.

  

Hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa ko dito. Ano nga bang dapat gawin? Ayokong pumasok sa loob.  Pag ginawa ko yun, makikita ko yung mga mukha ng mga taong naiwan ko bigla ng walang paalam. Yung mga teachers ko nun. Yung principal dat, siya pa rin kaya? Maaalala niya ba ako? 

  

Hindi ko alam.

  

Wala akong planong alamin.

  

Nagstay lang ako dito hanggang sa maubos yung mga estudyanteng lumalabas sa gate. Hindi ko alam kung san na ako pupunta. Mag aalas siete na ng gabi. Wala pa rin akong balak umuwi. Bakit ba pag dating kay Kamille, napaka sensitive ko?

  

Mahal ko siya.

  

Mahal na mahal.

  

Nagikot ikot pa ako ng ilang beses. Hinanap ko kung san kami nakatira dati. Nung matapos akong ilipat ni Dad ng school, hindi na kami tumira dito. Lumipat na kami sa mas malayong bahay. Maliit lang yun. Sakto lang para sa akin at kay Ms. Jean. Yung bahay na nauna, binenta na. Hindi ko alam kanino. Pero ngayon, nakikita kong buhay pa din naman. After 5 years, may mga tao pa rin dito. Nakita kong nakabukas yung ilaw sa isa sa mga kwarto.

  

Sino kaya sila?

  

Pero hindi ko naman na dapat alamin.

  

Inaantok na ako kaya naman sinimulan ko ng magdrive pauwi.

  

Hindi ko alam kung tamang umuwi na ako. Pero san naman ako pupunta diba? Hayy. Ba't ang dami kong di alam? Tsk.

  

Binilisan ko pa rin yung pagmamaneho. Tulad kanina.

  

Nakalabas na ako ng expressway. Malapit na. Mga 10 minutes na lang, makakarating na ako sa condo.

  

Pagod na ako. Pagod yung katawan ko. Yung mata ko. Hayy. Pano ba 'to.

.

.

.

.

May tumakbong parang anino sa harap ko. Shit. Tao ba yun? Kinabig kong bigla yung manibela papunta sa kaliwa para maiwasan ko siya pero nakarinig ako ng malakas na busina kasabay ng isang nakakabulag na sinag ng ilaw. 

  

Mababangga ako. 

  

Ng malaking sasakyan. 

  

Nakarinig na lang ako ng isang malakas na parang nagsalpukang bakal hanggang sa nangitim na lang lahat. Wala na akong nakikita. 

  

Tapos puti. Puti lahat.

  

_______________

a/n: sorry sa update ko. lango sa luha hbang tinatype. sana maappreciate pa rin. thnks sa 7k reads and sa maraming votes. thnks guys.

comment kayo.

vote po.

godbless

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 107K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...
2.9M 56.7K 32
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.1M 86.3K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
1.2M 36.8K 59
GirlxGirl - COMPLETED Quietly transferring to a new school like a little Ms. Nobody is my only dream-to be able to study quietly and live my life at...