That Frat Leader (TFL SERIES...

Von daddios

263K 6.3K 561

That Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (... Mehr

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
ANNOUNCEMENT! Chos.
THAT FRAT LEADER IS MY EX (TFLIMP BOOK 2)
BOOK 2- Chapter 1
BOOK 2- Chapter 2
BOOK 2- Chapter 3
BOOK 2- Chapter 4
BOOK 2- Chapter 5
BOOK 2- Chapter 6
BOOK 2- Chapter 7
BOOK 2- Chapter 8
BOOK 2- Chapter 9
BOOK 2- Chapter 10
BOOK 2- Chapter 11
BOOK 2- Chapter 12
BOOK 2- Chapter 13
BOOK 2- Chapter 14
BOOK 2- Chapter 15
BOOK 2-Chapter 16
BOOK 2- Chapter 17
BOOK 2- Chapter 18
BOOK 2- Chapter 19
BOOK 2- Chapter 20
BOOK 2- Chapter 21
BOOK 2- Chapter 22
BOOK 2- Chapter 23
BOOK 2- Chapter 24
BOOK 2- Chapter 25
BOOK 2- Chapter 26
BOOK 2- Chapter 27
BOOK 2- Chapter 28
BOOK 2- Chapter 29
BOOK 2- Chapter 30
BOOK 2- Chapter 31
BOOK 2- Chapter 32
BOOK 2- Chapter 33
BOOK 2- Chapter 34
BOOK 2- Chapter 35
BOOK 2- Chapter 36
BOOK 2- Chapter 37
BOOK 2- Chapter 38
BOOK 2- Chapter 39
BOOK 2- Chapter 40
BOOK 2- Chapter 41
Promotional update ;)
BOOK 2- Chapter 42
BOOK 2- Chapter 43
BOOK 2- Chapter 44
BOOK 2- Chapter 45
BOOK 2- Chapter 46
BOOK 2- Chapter 47
BOOK 2- Chapter 48
BOOK 2 - Chapter 49
BOOK 2- Chapter 50
BOOK 2- Epilogue
THAT FRAT LEADER IS MY FIRST LOVE (BOOK 3)
BOOK 3- Chapter 1
BOOK 3- Chapter 2
BOOK 3- Chapter 3
BOOK 3- Chapter 4
BOOK 3- Chapter 5
BOOK 3- Chapter 6
BOOK 3- Chapter 7
BOOK 3- Chapter 8
BOOK 3- Chapter 9
BOOK 3- Chapter 10
BOOK 3- Chapter 12
BOOK 3- Chapter 13
BOOK 3- Chapter 14
BOOK 3- Chapter 15
BOOK 3- Chapter 16
BOOK 3- Chapter 17
BOOK 3- Chapter 18
BOOK 3- Chapter 19
BOOK 3- Chapter 20
BOOK 3- Chapter 21
BOOK 3- Chapter 22
BOOK 3- Chapter 23
BOOK 3- Chapter 24
BOOK 3- Chapter 25
BOOK 3- Chapter 26
BOOK 3- Chapter 27
BOOK 3- Chapter 28
BOOK 3- Chapter 29
BOOK 3- Chapter 30
BOOK 3- Chapter 31
BOOK 3- Chapter 32
BOOK 3- Chapter 33
BOOK 3- Chapter 34
BOOK 3- Chapter 35
BOOK 3- Chapter 36
BOOK 3- Chapter 37
BOOK 3- Chapter 38
BOOK 3 - Chapter 39
BOOK 3 - Chapter 40
BOOK 3 - Chapter 41
BOOK 3 - Chapter 42
BOOK 3 - Chapter 43
BOOK 3 - Chapter 44
BOOK 3 - Chapter 45
BOOK 3 - Chapter 46
BOOK 3 - Chapter 47
BOOK 3 - Chapter 48
BOOK 3 - Chapter 49
BOOK 3 - Chapter 50
BOOK 3 - Special Chapter
LAST

BOOK 3- Chapter 11

645 16 9
Von daddios

CHAPTER 11



A/N: You know Wattpad Tap? I'm there also. Search niyo lang daddios, I have published Mate. Try ko lang 'yun since short updates lang doon. Hehe.




“Moving on doesn't mean you don't love him anymore. You can still love him while you're moving on. You can still love him even though you've moved on. You can still love him even when you already have someone.”
  -RH



Nakasakay na ako ng taxi nang mapansin kong hindi pa rin humihinto sa pagtunog ang cellphone ko. Tahimik naman si Avee pero hindi ko pa rin pinansin. Pinunasan ko ang pisngi ko dahil napapansin kong napapalingon sa salamin ang driver. Nahiya ako bigla.



“What the hell happened, Gibrielle?”


Biglang napaangat ang tingin ko sa rear view mirror at nakita ko ang mga mata ni Reige. Dire-diretso pa rin siya sa pagmamaneho pero ramdam ko ang pagpipigil niya ng galit.


“Anong ginagawa mo dito?” Pagtataka ko pero tinikom ko agad ang bibig ko nang maalalang pinapasunod pala kami ni Hunter sa kanya. Hindi ko akalain na tototohanin niya at taxu driver pa ang disguise niya.


“What the freaking hell happened, Gibrielle? I saw Damon. Siya ba? Pinaiyak ka na naman ba niya?”


“I just want to go home. Drop mo na lang ako sa bus station at magko-commute ako.”


Hindi na siya nagsalita pa kaya tumahimik na lang din ako. I looked at Avee. She's still quiet at nakatingin din sa akin.


Hindi ko gustong marinig na pinaiyak na naman ako ni Damon. It doesn't sound right to me. Para bang wala ng karapatang sisihin si Damon na umiiyak ako ngayon. It was my own fault. I talked to him, and it's inevitable that he'll blame me. Sasabihin niya lahat ng sama ng loob niya sa akin sa nakalipas na tatlong taon. Hindi ko na lang talaga mapigilan na hindi masaktan.


Tumingin na lang ako sa labas at hinintay na makarating sa bus station. Kinakagat ko na lang ang labi ko para mapigilan ang tuluyang pagtulo muli ng mga luha ko. Ayoko ng ipakita kay Reige na umiiyak ako. Alam kong may galit na naman siya ngayon kaya hindi na magandang salubungin pa iyon.


“Shit...”


Napalingon ulit ako kay Reige nang bigla siyang napamura. Binulong lang niya pero sakto para marinig ko. Pagkalingon ko sa kanya, tumitingin siya sa rear view mirror pero hindi sa akin kundi sa likod ng sasakyan. Bumaling ako sa likod at nakita ang isang puting Ford Explorer na nakasunod sa likod namin.


Kumunot ang noo ko. Bumilis ang patakbo ni Reige kaya lalo na akong nagtaka. Sumunod pa ang busina ng sasakyan na nasa likod namin.


“Sino 'yon?” Pagtataka ko.


“It's Damon.”


“Ano?”


Muli akong lumingon sa likod at tiningnan ang Explorer na nakasunod sa amin. Maa binilisan nito ang pagpapatakbo at sinusubukan makisabay sa bandang kanan namin. Pero si Reige ay mas binibilisan ang pagpapatakbo. Natatakot man ako pero wala akong magagawa. Nagtatalo ang isip ko. Gusto kong bawalan si Reige na bilisan ang pagpapatakbo pero ibig sabihin nun ay mahahabol kami ni Damon at hihinto ang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit siya sumusunod pero kinakabahan ako.


Sumusubok talaga ang sasakyan ni Damon na makapunta sa bandang kanan namin pero dinidikit banda doon ni Reige para hindi magkaroon ng space ang sasakyan ni Damon. Mabuti na lang walang ganun karaming sasakyan sa dinadaanan namin pero nakakatakot pa rin.


“Is he damn crazy?” Inis na tanong ni Reige kasabay ng ilang sunod sunod na busina ng sasakyan ni Damon.


Hindi nakalagpas sa isip ko ang pagbabago ng kanyang sasakyan. Siguro binenta na niya ang kanyang BMW. It will just remind us. Kung siguro ako ay tinago ang mga bagay na may alaala namin, siya naman ay tinapon na at kinalimutan. Masakit pero kailangan ko ng tanggapin e.


Sa gitna ng pag-iisip ko ay matagumpay na nakarating sa bandang kanan namin si Damon. Dahil hindi tinted ang taxi na sinasakyan ko, kitang-kita ko ang gulat na rumehistro sa mukha ni Damon nang makita kung sino ang nagda-drive ng sinasakyan ko.


At nang matauhan siya ulit, unti-unting bumagal ang pagpapatakbo niya ng sasakyan hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo sa kanya. Muling bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinubukang habulin at ayokong umasa. May iba na siyang mahal. Kinalimutan na niya ako. Tama lang na dumistansya na talaga ako sa kanya. Ayokong guluhin ang buhay niya. Ayokong sirain ang masaya at tahimik niyang buhay.


“You don't want them to see you crying.” Dinig kong sabi ni Reige saka hininto sa gilid ang sasakyan.


Bumaba siya agad para lumipat sa tabi ko. Nilagay niya sa front seat ang bago ko at tinitigan ako. Mabibigat ang mga tingin niya sa akin kaya hindi ako makatingin pabalik sa kanya. Isa pa nahihiya akong nakikita niya akong umiiyak. Kahit anong pigil ko, ayaw huminto sa pagbuhos ang mga luha ko. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.


Simula nung muli kaming magkita ni Damon hanggang sa pagsunod niya sa akin kanina. Bakit? At bakit niya tinanong kung mahal ko pa rin siya? May magbabago ba? Mamahalin niya ba ako ulit? Mawawala na ba ang galit niya sa akin?


“Can you tell me what happened, Gibrielle?” Mahinahong tanong ni Reige.


Nilingon ko siya. “How to move on?”


“Handa ka na ba?”


“Gusto kong maging ready... pero hindi ko alam kung paano... pakiramdam ko masakit mag move on...”


“Sino bang hindi nasaktan sa pagmo-move on?”


Napatitig ako kay Reige. Hindi ko alam kung may nararamdaman pa rin ba siya sa akin pero ayokong mag-assume. Saka hindi ko na binibinigyan pa ng malisya ang pagtulong niya sakin. Ni hindi ko alam kung may nililigawan na ba siya ngayon o may girlfriend na. Pero paano niya natanggap na may mahal akong iba nung mga panahong may nararamdaman siya para sa akin?


Kung iisipin, nangyayari na sa akin ngayon ang nangyari kay Reige. Pero magkaiba kami dahil magkaibigan pa rin kami. Kami ni Damon ay hindi at mukhang malabong maging magkaibigan kung hindi niya ako mapapatawad. At kung mapapatawad man niya ako baka mahirap nang gawing pagkakaibigan ang relasyon naming dalawa.


“Paano? Paano mo matatanggap na may mahal ng iba ang taong minahal mo ng lubusan?”


“Hindi madaling tanggapin, Gibrielle. Hindi ibig sabihin na madaling naka move on ang isang tao ay hindi niya talaga mahal iyon. At hindi ibig sabihin na matagal ka maka-move on ay talagang mahal mo siya. Moving on is accepting your past and moving forward.” Seryosong sabi ni Reige.


Bumuhos na naman ang luha ko. Naguguluhan na ako. Ano bang dapat kong gawin? “I don't know what to do... Aaminin ko, nasasaktan ako... sobra... Pero akong magagawa ko? May iba na siya. Galit siya sa akin... Ganun ba kahirap tanggapin ang rason ko? Ganun ka lame ang dahilan ko? Selfish ba ako? Duwag? Tanga? Walang tiwala sa kanya? God knows how much pain I've gone through and I'm still going through as of now. He doesn't have the burden. I have it. Siya ang iniwan kaya mabilis siyang nakapag-move on. Ako ang nang-iwan kaya hanggang ngayon hindi ako makapag-move on at nasasaktan pa rin ako.”


Dahil sa hawak ko si Avee ay hindi niya ako mayakap ng maayos. Hinawakan na lang niya ang likod ng ulo ko at hinila sa balikat niya. Napahagulhol ako. Simula pa noon kay Reige lang ako nakakapagsabi ng ganito. Sa kanya ako nagsasabi ng mga hinanakit ko. Siya ang nakikinig sa mga sakit na nararamdaman ko.


“Moving on doesn't mean you don't love him anymore. You can still love him while you're moving on. You can still love him even though you've moved on. You can still love him even when you already have someone.” Seryosong sabi ni Reige habang humahagulhol ako sa balikat niya. “It's a process. Masakit sa umpisa. Hindi ganun kadaling matanggap. Pero kung hahayaan mo ang sarili mong mahalin pa rin si Damon kahit may mahal na siyang iba, unti-unti matatanggap mo iyon at hindi mo napapansin na okay ka na pala. Okay ka na kahit may iba siyang mahal. Okay ka na kahit masaya siya sa piling ng iba. Okay ka na kasi tahimik na ang buhay mo dahil nakikita mong masaya ang mahal mo.”


Siguro sa umpisa nga masakit pa para sa akin. Mahihirapan ako. Pero gaya ng sabi niya, hayaan ko na lang ang sarili ko na mahalin si Damon kahit may mahal na siyang iba. Hindi ko kailangan mag-move on para makalimutan na ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko kailangan mag-move on dahil may girlfriend na siya. Kailangan ko mag-move on para sa sarili ko, para sa ikatatahimik ng buhay ko.


Nang medyo tumahan na ako, dinala kami ni Reige sa isang restaurant. Siya ang kumarga kay Avee habang kumakain kami. Nag-stay kami doon ng ilang minuto para mahimasmasan ako at hindi mahalata ang pag-iyak ko. Nang matapos kami sa pagkain, tumawag si Hunter. Napalingon ako kay Reige pero nginitian lang niya ako.


“Hunter...” Sabi ko.


“Hi. Kumusta? Nasa bahay ka pa ba ni Zanea?”


“Hm, pauwi na ako.”


“Wala naman bang nangyari? Sina Traz lang ang dumating diba?”


“Oo. Masaya naman. Napag-usapan namin ang nalalapit niyang kasal and they're very to excited to get along with you again.”


Narinig ko ang tawa niya. “Ako rin naman. I hope they're not mad at me.”


“Hindi!” Sabi ko agad.


Tumawa ulit siya. “Si Avee?”


Napalingon ako agad kay Reige. Nilapit ko ang cellphone sa tainga ni Avee. “Baby, si daddy...”


“Da-da-da...” Tuwang-tuwang sabi ni Avee at tinaas pa nito ang kanyang mga kamay. Tahimik lang si Reige at mukhang ayaw ipaalam na nagpakita siya sa akin. Ang alam lang yata ni Hunter ay binabantayan ako mula sa malayo.


Nang tumahimik na si Avee, binalik ko na sa tainga ko ang cellphone. “Patapos na break mo.” Sabi ko.


“Oo nga pala. Sige na. See you later.” Aniya.


“Sige. Bye.” Sabi ko saka pinatay ang tawag.


“You'll be a great family...” Ani Reige pero nakita ko ang kaunting lungkot sa kanyang mukha.


Naglakas-loob na akong magtanobg sa kanya. “Reige... wala ka pa bang girlfriend?”


Nabigla ako nang tumawa siya. “Magiging matandang binata yata ako e...”


May kumirot sa puso ko nang sabihin niya iyon. Posible bang mangyari sa akin iyon kung si Damon lang ang tanging mamahalin ko?


“Bakit?”


“Magfo-focus na lang ako kay mama.”


Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung iyon ang tunay niyang rason pero hindi ko na itatanong pa. Okay na sakin na alam kong magkaibigan pa rin kami kahit na anong nangyari noon. At aasa na lang ako na sana maging magkaibigan din kami ni Damon pagdating ng panahon. Sana mapatawad din niya ako.


Bumalik na kami ni Reige sa sasakyan at hinatid niya ako pauwi. Nagulat ako na alam niya ang bahay namin pero sabi niya si Hunter daw ang nagsabi kaya hindi na ako nagtanong pa. Hindi na rin siguro masamang ipagdamot kay Reige kung nasaan kami. Pero kina Zanea hindi pa ako handa. Iniisip ko pa rin na bigla na lang magpapakita si Charles sa amin.


Pagkarating namin sa village, nagpababa na lang ako sa 'di kalayuan. Ayokong makita nila si Reige. Wala pang alam sina Tita Joy at Ate Hershey na nagpakita na kami ni Hunter sa mga taong iniwan namin noon. Nagpasalamat ako kay Reige at naglakad na habang karga ko ang natutulog na si Avee.


Pagkalapit ko sa bahay, nakita ko ang sasakyan ni Syge. Pumasok na ako sa loob at nakita siyang naghihintay sa sala. Hindi ko siya masyadong pinansin at dumiretso ako sa kwarto para ilapag sa crib si Avee. Alam kong sumunod siya hanggang sa kwarto. Pagkalagay ko kay Avee sa crib, hinarap ko si Syge.


“Anong ginagawa mo dito?” Mahinahon kong tanong.


Sinara niya ang pintuan ng kwarto ko at umupo sa kama ko. Nakatingin siya ng seryoso sa akin. “Gibrielle, sabihin mo nga sakin, nagkabalikan na ba kayo ni Damon?” Seryoso at mahina niyang tanong.


“Ano?” Pagtataka ko. “Anong pinagsasabi mo?” Hindi ko alam pero hindi ko pa naman nakukwento sa kanya na nagkita ulit kami ni Damon matapos ko siyang sundan sa condo ng pinsan niya.


“Kaya ba palagi kang umaalis kasi nagkikita kayo?” Tanong niya pa.


“Syge, ano bang pinagsasabi mo?”


“Gibrielle naman. Akala ko ba magkaibigan tayo? Binawalan mo akong maging tanga kay Yuri diba? O bakit parang ikaw ang kampana ngayon?”


“Ha? Anong kampana?” Naguguluhan kong tanong.


“Ano ba tunog ng kampana? Tanga-lang, tanga-lang.” Bumusangot na ang kanyang mukha.


Hindi ko napigilan ang tawa ko sa sinabi niya. “Ano bang pinagsasabi mo, Syge? Hindi kita maintindihan.”


“Sinabi sakin ni Carlo na narinig niyang nag-aaway sina Damon at 'yung girlfriend niya nung isang gabi. Kaya sabihin mo sakin na hindi ikaw ang dahilan.”


Natigilan ako sa sinabi ni Syge. “Ha?”


Sina Damon at Marie nag-away? Hindi naman bago sa isang relasyon iyon pero anong kinalaman ko pa doon?


“Gibrielle, ano nga? Nagkabalikan na ba kayo ni Damon?”


“Hindi!” Sabi ko. “Wala akong alam sa away nila.”


“Sigurado ka ba? Saan ka galing?”


Huminga ako ng malalim. Minsan talaga wala rin akong malilihim sa lalaking ito. “Sa bahay ni Zanea.”


“Sinong Zanea?”


“Bestfriend ko.”


“Tapos?”


Kumunot ang noo ko. “Nagkita kami ng mga kaibigan ko...” I told him everything that happened earlier. Na dumating ang mga kaibigan ko sa AGP at tuwang tuwa silang makita ako. At hindi inaasahan na darating si Damon. Nag-usap kami at sinubukan niya akong sundan. Sinabi ko kay Syge na huwag nang banggitin kay Hunter na nagkita ulit kami ni Damon kanina.


“Don't you get it, Gibrielle? That man still loves you.”


Umiling ako. “Please, don't tell me that. I don't want assumptions, Syge.”


“Bakit sila mag-aaway nung girlfriend niya at bakit ka niya susundan? In the first place, bakit siya pupunta doon kung alam niyang nandun ka?”


Hindi matapos-tapos ang pag-iling ko. “He just wanted to talk to me. Nilabas lang niya ang galit niya sa akin.”


“Hindi mo ba naisip na kapag nailabas na niya lahat ng galit niya, pagmamahal niya ulit sayo 'yung babalik?”


Natahimik ako sa sinabi ni Syge. Hindi ako nagsalita. Kahit anong pigil ko, dumadami na namin ang pumapasok sa isip ko. Naiinis ako dahil kung ano ano ang pinapasok ni Syge sa utak ko. Ayoko ng mag-assume dahil ako lang ang masasaktan. Kaya nga may Marie na siya dahil mahal niya diba? Naka-move on na siya sa akin. Hindi na niya ako mahal.


“Ayokong maguluhan ka, Gibrielle. Sinasabi ko lang 'to para maging handa ka. Ayokong masaktan ka ulit. Ayokong gumawa ka ng ikakasakit mo.” ani Syge.


Tama si Syge. Hindi ako dapat makagawa ng mga bagay na ako lang din ang masasaktan. “Please don't tell this to Hunter...” Sabi ko na lang.


“You know I won't unless you do stupid things.”


I smiled. “Thank you, Syge.”


“For what?”


“Hindi ko alam.” Sinubukan kong tumawa.


Alam kong hindi ipagsasabi ni Syge ang nangyari dahil na rin sa hindi naman sila gaanong nag-uusap ni Hunter. Pero alam kong maaasahan ko siya. I'm thankful na naging kaibigan ko siya.


“By the way, Yuri texted me.” Aniya habang nanonood kami ng tv sa sala. Kasama na namin si Naio na kagagaling lang ng school.


“Tapos?”


“Hindi ako nagreply.”


“Ano bang sabi?” Tanong ko.


“She said sorry and she wanted to talk to me.”


“Bakit hindi mo subukang makipag-usap?”


“Para saan pa, Gibrielle? I witnessed with my own two eyes her betrayal.”


“Closure?” Tiningnan ko siya.


“I won't give it to her kung iyon ang gusto niya. She can move on without it.”


“E ikaw? Baka kailangan mo ng closure para maka-move on?”


Umiling siya. “Ako ang sinaktan diba?”


Sinimangutan ko siya dahil alam kong nag-uumpisa na siyang asarin ako. “Bahala ka sa buhay mo. Bitter.”


Humalakhak siya. “Hindi ako bitter no.”


“Kuya, bitter ka.” Nakitawa na rin si Naio sa amin.


“Kita mo?” Pang-aasar ko kay Syge.


“Isipin niyo na gusto niyong isipin pero hindi ako bitter.”


“Pero mahal mo pa rin diba, kuya?” Tanong ni Naio.


“Oo, pero natatabunan na ng galit e.” Sagot niya saka tumingin sa akin. Sigurado akong pinaparinggan niya ako dahil ganun ang sinasabi niya tungkol kay Damon.


“Edi paano kung nagkaroon kayo ng closure o kaya nawala na galit mo, edi babalikan mo siya dahil mahal mo pa?” Tanong ulit ni Naio.


“Oo naman. Syempre mahal ko e. Pero kung hindi na niya ako mahal, para saan pa?” Sagot niya.


Hindi na ako nakisali sa usapan nila. Tumahimik na lang ako kaya tuwang-tuwa si Syge na alam niyang natamaan ako sa mga sinasabi niya. Iniirapan ko na lang siya sa tuwing tatawanan niya ako.


Nagtagal si Syge hanggang sa makauwi na sina Hunter, Ate Hershey, at Kuya Kai. Dahil sa inabot siya ng gabi, dito na rin siya naghapunan. Pagkatapos namin kumain, nanood ulit kami ng tv at kung minsan ay nilalaro niya si Avee.


“Kilala niyo ba kaninong sasakyan iyon? Kanina pa nasa tapat ng bahay natin e.” Ani Tita Joy nang isara niya ang pintuan.


Tumayo si Hunter at sinilip ang kotseng tinuran ni tita. Maging si Ate Hershey ay tumayo na at nakisilip sa bintana.


“Baka naman naliligaw?” Tanong ni ate.


“Umalis na 'yan kung naliligaw siya dahil walang lumalabas sa atin.” Sagot ni Kuya Kai.


“Pero, hon, diba ganyan gusto mong bilhin?” Nilingon ni Ate Hershey ang kanyang asawa.


“Ano?”


“Ford Explorer.”


Literal na nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko kay Ate Hershey. Kanina'y wala akong pansin sa pagtingin nila sa sasakyan pero napatayo na ako at sumama sa kanila. Umalis si Hunter para ibigay sakin ang pwesto niya na makasilip sa labas ng bahay. Nalaglag ang panga ko nang makitang puting Ford Explorer ang nasa labas. Hindi ko alam kung anong plate number ng bagong sasakyan ni Damon pero kinakabahan na ako. Paano kung siya iyan?


“Kilala mo ba, Gibrielle?” Tanong ni ate.


“Ha?” Kinakabahan akong napatingin sa kanya. “H-Hindi ate...”


Kumunot ang noo niya. “Lalabas na ako baka sakaling lumabas ang may-ari. Baka naliligaw nga ito.” Ani Kuya Kai.


“Ha? Kuya, huwag na.” Pigil ko agad pero lalo silang nagtaka sa inasta ko. Malakas na tumibok ang puso ko.


“Bakit naman? Okay ka lang ba, Gibrielle?” Tanong ni kuya.


“O-Oo naman.” Nanginig ang boses ko.


Tumango si Kuya Kai at lumayo na sa amin. Pero bago niya mabuksan ang pintuan ay tumayo na si Syge at nagsalita.


“Ako na lang. Uuwi na rin naman ako.” Aniya saka tumingin sa akin. “Mauna na ako. Salamat sa dinner.” Dagdag pa niya at inunahan na si Kuya Kai sa paglabas.


“Gibrielle, hatid mo ako.” Pahabol niya nang nasa pintuan na siya.


“Ha? Sige.” Sabi ko agad.


Tinitingnan nila kami nang sabay kaming lumabas ni Syge. Pagkalabas namin, dumikit siya ng kaunti sa akin.


“Si Damon ba 'yan?” Bulong niya.


Napatingin ako sa kanya. “Hindi ko alam. Pero ganyan ang bago niyang sasakyan.”


“Let's make him believe na binisita kita today bilang manliligaw para umalis na siya. Nakita na rin niya tayong magkasama diba?”


“Oo, pero sa tingin mo magwo-work? Syge, kinakabahan ako. Hindi pa alam nina Ate Hershey na nagkita na kami ni Damon.”


“Let's try.” Aniya at hinawakan ako sa baywang para maunang lumabas ng gate.


Hindi na bago na makikipag-beso ako sa kanya sa tuwing hinahatid ko siya palabas n bahay. Pero 'yung ngayon ay hindi ako komportable dahil naiisip kong si Damon nga ang nasa loob ng sasakyan. Kung siya nga, anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman ang bahay namin?


“Pumasok ka na.” Aniya at sinenyasan ako na mauna na.


Kahit kinakabahan ay kinawayan ko na siya at naglakad na ako pabalik sa gate. Pero saktong pagkapasok ko sa gate, narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan. Lumingon ako at nagdasal na sana ay si Syge iyon. Pero hindi kaagad natupad ang dasal ko. Natigilan ako nang makita ang bumaba galing sa puting sasakyan na kanina pa raw naka-park sa tapat ng bahay namin.


Dire-diretso ang paglalakad niya palapit sa akin. Naramdaman ko na ang pagkakagulo ng mga kasama ko sa bahay kaya bumitaw ako sa mga tingin ni Damon at tumingin sa likuran ko. Hindi ko na napigilan silang lahat na lumabas at lumapit sa akin.


“Damon?” Pagtataka ni Ate Hershey saka tumingin sa akin.


“Jusko! Si Damon nga!” Ani Tita Joy.


Lumingon ulit ako sa likod ko at nakitang nakalapit na si Damon. Napansin ko na rin ang pagbabalik ni Syge at tumabi agad sa akin.


“Paano mo nalaman na nandito kami?” Tanong ni Ate Hershey na alam kong nasa tabi ko na.


Diretso lang ang tingin ko kay Damon at ganun din siya. Hindi niya pinansin ang tanong ni Ate Hershey pero bumaling ang tingin niya kay Hunter at muling binalik sakin.


“D-Damon...” Kinakabahan kong tawag sa kanya.


“You were with him in the same house for the past 3 years?” Pinaghalong seryoso at frustrated ang kanyang boses. At hindi ko alam pero nasaktan na naman ako sa ganung trato niya sa akin.


“Ano 'to, Gibrielle? Kailan pa kayo nagkikita? Paano niya nalaman kung nasaan tayo?” Sunod sunod na tanong ni Ate Hershey.


“Tangina, Gibrielle! Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko sa mga sinabi mo!”


Tumulo na naman ang mga taksil kong luha. Alam nilang lumabas kapag nasasaktan na ako kay Damon. At nakakainis dahil palagi na lang akong umiiyak sa ilang beses kaming nagkita ni Damon.


“B-Bakit ka nandito?” Tanong ko na lang.


Alam ko marami ng tanong sa akin ang mga kasama ko pero kailangan ko muna harapin si Damon. Gusto kong malaman kung bakit siya nandito at paano niya nalaman na nandito kami.


“Puro kasinungalingan na lang ba talaga sasabihin mo sa akin, Gibrielle? Anong ginawa ko sayo?”


Napahagulhol ako. Hindi na ako makapagsalita. Pumwesto si Hunter sa harap ko para siya ang kumausap kay Damon.


“Damon, hindi siya nagsisunungaling-”


Hindi na natapos sa pagsasalita si Hunter dahil sinuntok na siya ni Damon. Umawat agad sina Syge, Kuya Kai, at Naio. Dinaluhan ko agad si Hunter na napahandusay sa lupa.


“Putangina mo, Hunter! Isa ka pang sinungaling! Anong ginagawa ko sa inyo para lokohin ako? Tangina!” Sigaw ni Damon.


“Ano pa bang gusto mong malaman? Kahit anong sabihin ko ayaw mo namang paniwalaan diba?” Humahagulhol kong sabi kay Damon.


“Dahil sinaktan mo ako! Iniwan mo ako, Gibrielle!”


Muli akong tumayo para harapin siya. “Oo, pero sinabi ko na sayo ang dahilan kaya kung ayaw mo akong paniwalaan, umalis ka na.”


Nakita ko na ang luhang nakawala sa mga mata ni Damon. “Damn! Kahit anong gawin ko, naniniwala pa rin ako sayo. Tangina, Gibrielle. Anong ginawa mo sakin? Dapat galit ako sayo. Dapat ikaw itong humahabol sa akin pero bumabalik ako sa dati. Fvck!”


Natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

28K 1.9K 55
The deal is very simple. Zenaia had to find six individuals wearing a certain tattoo or brand. That's the only thing she needs to do in turn for thei...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
47.3K 868 40
A compilation of one shot stories. Date: 8/20/15
22.9K 987 62
One of Nostalgia Organization rule is DO NOT FALL IN LOVE TO YOUR CLIENT a rule that Nike Villaruel broke.