That Frat Leader (TFL SERIES...

By daddios

263K 6.3K 561

That Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
ANNOUNCEMENT! Chos.
THAT FRAT LEADER IS MY EX (TFLIMP BOOK 2)
BOOK 2- Chapter 1
BOOK 2- Chapter 2
BOOK 2- Chapter 3
BOOK 2- Chapter 4
BOOK 2- Chapter 5
BOOK 2- Chapter 6
BOOK 2- Chapter 7
BOOK 2- Chapter 8
BOOK 2- Chapter 9
BOOK 2- Chapter 10
BOOK 2- Chapter 11
BOOK 2- Chapter 12
BOOK 2- Chapter 13
BOOK 2- Chapter 14
BOOK 2- Chapter 15
BOOK 2-Chapter 16
BOOK 2- Chapter 17
BOOK 2- Chapter 18
BOOK 2- Chapter 19
BOOK 2- Chapter 20
BOOK 2- Chapter 21
BOOK 2- Chapter 22
BOOK 2- Chapter 23
BOOK 2- Chapter 24
BOOK 2- Chapter 25
BOOK 2- Chapter 26
BOOK 2- Chapter 27
BOOK 2- Chapter 28
BOOK 2- Chapter 29
BOOK 2- Chapter 30
BOOK 2- Chapter 31
BOOK 2- Chapter 32
BOOK 2- Chapter 33
BOOK 2- Chapter 34
BOOK 2- Chapter 35
BOOK 2- Chapter 36
BOOK 2- Chapter 37
BOOK 2- Chapter 38
BOOK 2- Chapter 39
BOOK 2- Chapter 40
BOOK 2- Chapter 41
Promotional update ;)
BOOK 2- Chapter 42
BOOK 2- Chapter 43
BOOK 2- Chapter 44
BOOK 2- Chapter 45
BOOK 2- Chapter 46
BOOK 2- Chapter 47
BOOK 2- Chapter 48
BOOK 2 - Chapter 49
BOOK 2- Chapter 50
BOOK 2- Epilogue
THAT FRAT LEADER IS MY FIRST LOVE (BOOK 3)
BOOK 3- Chapter 1
BOOK 3- Chapter 2
BOOK 3- Chapter 3
BOOK 3- Chapter 4
BOOK 3- Chapter 5
BOOK 3- Chapter 6
BOOK 3- Chapter 7
BOOK 3- Chapter 8
BOOK 3- Chapter 9
BOOK 3- Chapter 11
BOOK 3- Chapter 12
BOOK 3- Chapter 13
BOOK 3- Chapter 14
BOOK 3- Chapter 15
BOOK 3- Chapter 16
BOOK 3- Chapter 17
BOOK 3- Chapter 18
BOOK 3- Chapter 19
BOOK 3- Chapter 20
BOOK 3- Chapter 21
BOOK 3- Chapter 22
BOOK 3- Chapter 23
BOOK 3- Chapter 24
BOOK 3- Chapter 25
BOOK 3- Chapter 26
BOOK 3- Chapter 27
BOOK 3- Chapter 28
BOOK 3- Chapter 29
BOOK 3- Chapter 30
BOOK 3- Chapter 31
BOOK 3- Chapter 32
BOOK 3- Chapter 33
BOOK 3- Chapter 34
BOOK 3- Chapter 35
BOOK 3- Chapter 36
BOOK 3- Chapter 37
BOOK 3- Chapter 38
BOOK 3 - Chapter 39
BOOK 3 - Chapter 40
BOOK 3 - Chapter 41
BOOK 3 - Chapter 42
BOOK 3 - Chapter 43
BOOK 3 - Chapter 44
BOOK 3 - Chapter 45
BOOK 3 - Chapter 46
BOOK 3 - Chapter 47
BOOK 3 - Chapter 48
BOOK 3 - Chapter 49
BOOK 3 - Chapter 50
BOOK 3 - Special Chapter
LAST

BOOK 3- Chapter 10

648 16 4
By daddios

CHAPTER 10



"Maybe not all first loves have the rights to win back their lost love."
-GSP



"So, how about Hunter? Kailan magpapakita ang mokong na 'yun?" Tanong ni Brix nang medyo napa-kwento na kaming lahat.


"He's busy at work. Pero huwag kayong mag-alala, sasabihin kong namimiss niyo na rin siya." Ngumiti ako.


"Anong trabaho niya?"


"HR Manager siya sa isang BPO company."


"I really can't believe na may anak ka na, Gib." Pailing-iling pang sabi ni Traz.


"Bakit? May anak na rin naman si Brix diba?"


"Damn..." Bulong niya.


Kumunot ang noo ko. "May problema ba?"


"Ano bang problema mo, Traz?" Pagtataka na rin ni Zanea.


Bago makatulog si Avee kanina ay tinawagan ko muna si Hunter. Nasa kwarto kami ni Zanea nang sabihin ko sa kanyang kasama ko si Avee. Syempre mas lalong dumoble ang pag-aalala niya kaya hindi ko tuloy alam kung tama pa bang pinaalam ko sa kanya iyon. I even told him na nandito sina Traz, Brix, Yule, at Michael.


"Nothing... I'm just thinking of chances..."


"Chances?" Van asked.


"You know... Chances between Gibrielle and Damon."


Nawala agad ang kakaunti kong ngiti sa sinabi niya. May tumusok na naman sa puso ko at kasabay nun ay ang malakas na pagtibok nito. I straightened my face and just thought of something nice.


"May problema ba dun?" Tanong ko.


"Yes. Kung magkakabalikan kayo ni Damon, paano ang anak mo? Apelyido ni Hunter ang dinadala niya diba?"


Natigilan ako. Hindi ako nag-iisip ng mga chances na magkakabalikan kami ni Damon pero ngayong sinabi ito ni Traz, napaisip din ako. Pero hindi ako nagpahalata na naapektuhan ako sa sinabi niya.


"Then there really wouldn't be a chance that we could get back together." Kunwari ay ngumiti ako na parang tanggap ko na ang lahat. "Ayoko nang isipin pa ang mga ganung bagay. Ako lang din ang masasaktan."


"Sorry..."


"Okay lang. Pero hindi ba kayo masaya para kay Damon? I want to believe that Marie is a good woman."


"She is." Sagot ni Michael. "Ako mismo suportado ako sa kanila pero hindi kasi ganun ang nakikita namin e."


"Anong ibig niyong sabihin?"


"Don't mind them, Gibrielle." Ani Yule saka sinamaan ng tingin ang mga kasama niya.


Hindi na ako nagtanong pa dahil wala naman siguro akong mapapala rin kung aalamin ko pa. If I really wanted to move on, I shouldn't care about them. At hindi ako dapat maapektuhan sa kanila.


Gaya ng dati, kaming dalawa ni Zanea ang nagluto ng makakain namin. Nagkwentuhan kami habang nagluluto. Napag-usapan namin ang trabaho niya, silang dalawa ni Paul noon at kung anong nangyari sa kanila, at ang nalalapit niyang kasal.


Mabigat sa pakiramdam na bumabawi na lang kami ngayon sa pagkukwento ng kung anong mga nangyari noon. At hindi ko maiwasan magtanong ng mga what ifs. What if hindi ako umalis? Hindi ako nagpatalo kay Charles at hindi ko siya sinunod. Ano kayang mga posibleng nangyari? Kami pa rin ba ni Damon? Magkakaibigan pa rin ba kami? Matatalo ba namin si Charles? Sa sobrang dami kong tanong, ni isa wala akong mabigyan ng sagot. Sagot na kahit what if lang din.


Pagkatapos namin maghanda ni Zanea, nagpunta na lahat kami sa hapag-kainan. Sabi ni Van, mahimbing pa rin daw ang tulog ng anak ko. Biniro pa siya nina Brix na pwede na rin daw siyang magkaroon ng anak. Syempre dun sila pupunta ni Zanea. Ang pinagkaiba nga lang namin ay sarili nilang anak iyon at talagang pamilya sila.


Habang kumakain kami ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone ni Traz. Pinagmasdan ko siyang basahin ang natanggap niyang text. Mabilis siyang lumingon sa akin pero mabilis din niyang inalis ang tingin. Kahit nagtataka ay pinabayaan ko na lang. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko ng tahimik.


"Zan," Dinig kong tawag ni Traz.


"Yes?"


Napalingon ako sa kanila. May kung anong sinenyas si Traz sa kanya na hindi ko naintindihan. Mukhang hindi rin naintindihan ni Zanea kaya muli na lang hinarap ni Traz ang kanyang cellphone. Nilingon ko si Zanea na kinuha rin ang kanyang phone. Nanlaki ang mga mata niya sa nakikita niya sa kanyang cellphone.


Gusto kong magtanong kung ayos lang ba sila pero pinigilan ko ang sarili ko. Pakiramdam ko hindi ako kabilang sa kanila para magtanong ng ganun. Pakiramdam ko natanggalan na ako ng karapatan na makisali sa mga ganitong eksena nila. Tinikom ko na lang ang bibig ko at tahimik ulit na kumain.


Nang matapos na ako ay nagpaalam muna ako sa kanila na pupuntahan ko ang anak ko. Alam kong may gusto silang pag-usapan na wala ako kaya ako na mismo gumawa ng paraan para makapag-usap sila.


Pagkapasok ko sa kwarto ni Zanea, naabutan kong gumalaw si Avee. Tinapik ko agad ito para hindi siya magising. Umupo muna ako sa kama ni Zanea at chineck ang cellphone ko. May isang text si Hunter. Binasa ko ito at nireplyan agad.


Nag-stay muna ako doon ng ilang minuto hanggang sa magising na talaga si Avee. Umiyak siya kaya binuhat ko na agad. Alam kong gutom na ito. Nilingon ko ang paligid ko pero mukhang nakalimutan ko sa sala ang bag ko. Pinapatahan ko si Avee nang lumabas na ako ng kwarto. Pagkabalik ko sa sala, nakita ko agad ang bag ko sa sofa. Umupo ako doon at kinalkal ang bote ng gatas ni Avee.


Nang makita ko na saktong dumating sina Zanea, Van, Traz, at Michael. Mukhang naiwan pang kumakain sina Brix at Yule sa kusina.


"Gibrielle-" Tawag ni Zanea na hindi na niya natapos. Bigla siyang natulala sa kanyang harapan.


Sinundan ko naman agad ng tingin kung anong kinatigil nilang tatlo. Maging ako ay nanigas sa kinauupuan ko at nakalimutan ko ng umiiyak ang anak ko. What is he doing here?


"Damon..." Naisatinig ko.


I shouldn't have called him. Wala naman siyang pinapakitang ekspresyon sa akin pero sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Walang bumibitaw ng tingin sa amin kaya mas lalo akong naninigas sa pwesto ko. Hindi ko na talaga kabisado ang mukha niya. Hindi ko na mabasa kung anong klaseng reaksyon meron siya ngayon. Alam ba niyang nandito ako? Pero kung alam niya sigurado akong hindi na siya pupunta dito diba? Pero bakit siya nandito?


Pinilit kong kalimutan ang lahat ng gumugulo sa isip ko ngayon. Bumitaw na ako sa mga tingin niya at nilingon ang anak ko. Sinubo ko na sa kanya ang gatas niya saka tumayo. Tumingin ako kina Zanea na gulat pa rin at nasa kinatatayuan pa rin nila.


"Padedein ko lang anak ko... sa kwarto muna ako..." Sabi ko at naglakad na.


"Anak?"


Napahinto agad ako nang marinig ko na naman ang boses niya. Hindi ko siya nililingon at humigpit lang ang hawak ko sa bote habang nasa bibig ni Avee. Sasagot na sana ako pero dinugtungan niya agad ang kanyang tanong. And this time, mas malamig pa sa yelo ang boses niya.


"Anak ninyo ni Hunter?"


Napalingon na ako sa kanya. And with all the courage I can hold, I looked at him directly into his eyes.


"Oo." Sabi ko at tumuloy na sa kwarto ni Zanea.


Pagkasara ko ng pintuan, nilapag ko agad sa kama si Avee. Hinawakan ko ang dibdib ko at kinagat ang pang-ibabang labi para mapigilan ang pag-iyak ko. Hindi ko na naman mapigilan ang emosyon ko. Sobrang sakit sagutin ang tanong niyang iyon dahil naisip ko ang mga sinabi ni Traz. Paano nga kung magkabalikan kami ni Damon pero may anak na ako at si Hunter ang ama nito. Oo, hindi kami ang tunay na magulang ni Avee pero pamilya na kami diba? Pangarap kong bigyan ng kumpleto at masayang pamilya si Avee.


Suminghot ako at pinagmasdan si Avee. Sinubo ko na ulit sa kanya ang gatas niya. Gamit ang isang kamay ay pinunasan ko ang pisngi ko. Pero kahit anong punas ko, tuloy tuloy pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko.


"Gibrielle..." Napalingon ako sa pumasok. It was Zanea with a guilty face. "I'm sorry... Hindi ko alam na pupunta siya dito. Nabigla na lang kami."


"O-Okay lang..." Sabi ko pero humikbi pa rin ako.


Mabilis na lumapit si Zanea sa akin at niyakap ako. Nabitawan ko tuloy ang bote ng gatas ni Avee. Nang maramdaman ko ang higpit ng yakap niya, lalo akong napahagulhol. I broke down. Akala ko okay lang pero hindi. Hindi ako handa na makita siya dito. Mag-isa lang ako. Pakiramdam ko wala akong proteksyon. Pero aanhin ko iyon kung si Damon lang naman ang nandito? Hindi naman niya ako sasaktan diba?


Humiwalay na sa yakap si Zanea at pinunasan ang pisngi ko. "Sorry talaga, Gib. I didn't invite him."


Peke akong ngumiti. "Ayos lang. Baka may kailangan lang siya kina Traz."


"Actually hindi..."


Kumunot agad ang noo ko. "What do you mean?"


"Traz texted him na masaya silang makita ka ulit. Tapos bigla na lang nag-reply si Damon na pupunta siya dito."


Mas lalong kumunot ang noo ko. "Bakit?"


Umiling si Zanea. "Hindi ko alam."


Sabay kaming napalingon ni Zanea sa pintuan nang may kumatok dito. Bumukas ito at pumasok si Van. Nakita niya ang basa kong mukha kaya napayuko agad ako.


"Damon wants to talk to Gibrielle." Aniya.


Umangat agad ang tingin ko kay Van. "W-Why?"


"We told him Avee's not your real daughter but he doesn't believe any of us. And he wants to talk to you."


Napalingon ako kay Zanea nang hawakan niya ako sa likod. "It's okay kung ayaw mo. Ako kakausap kay Damon."


Umiling ako. "I'll be fine."


"Sigurado ka?"


Tumango ako. "Can you take care of my daughter?"


"Sige." Sagot agad niya at kinuha ang bote ng gatas sa akin.


Tumayo na ako at lumapit kay Van sa pintuan. Tinapik niya ang balikat ko at nginitian ako. Lumapit na siya kina Zanea at Avee, ako naman ay lumabas na. Rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko habang palapit ako sa sala. Hindi ko alam kung saan na napunta ang iba pero si Damon lang ang nakita kong nakaupo sa sofa. Nakayuko siya at tahimik lang sa inuupuan.


Dahan dahan akong lumapit pero sakto pa rin na may distansya kami. Umupo ako sa kabilang sofa at hindi ko siya nililingon. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung titingnan ko siya.


"You're a good liar." Buo at matigas niyang sabi pero kalmado pa rin ang kanyang boses.


Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi. Hindi tamang makita niyang umiiyak ako. Ayokong isipin niyang nagpapaawa ako o ano sa pag-iyak ko. Siguro hangga't hindi natatapos ang kasal ni Zanea, hindi maiiwasan na magkita kami.


"How can you tell me it was Charles' fault when you and Hunter already had a child? Ano 'yon? You started moving on just after you left me?"


Hindi ako nakapagsalita. Hindi na kalmado ang boses niya. Alam kong galit na siya. At kahit anong isumbat niya sa akin ngayon tatanggapin ko dahil ako ang nanakit at nang-iwan.


"Did you even think of me when you're gone? Have you ever thought what's happening to me? Ganun mo na lang ba kadaling itapon ang mga pangako mo sakin? Ang mga pagmamahal mo sakin? Ganun lang ba talaga ako kadaling sukuan, Gibrielle?"


Mas lalo akong napahagulhol nang marinig ko ang pagpaos ng boses niya nang banggitin ang pangalan ko. At naiinis ako dahil puro hagulhol ang nasasagot ko sa kanya. I should start explaining to him, shouldn't I? Pero paniniwalaan ba niya ang mga sasabihin ko?


"Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong sirain mo ang buhay ko. Pero mas naiinis ako dahil ako mismo ang nagtiwala sayo, ako mismo ang may gustong ipaglaban ka... ako mismo pinaikot ko ang buhay at mundo ko sayo... at hindi ko alam na sasaktan mo lang ako..."


Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ko. Kahit anong gawin ko hindi ko na mapipigilan ang paghagulhol ko. Hinayaan ko na ang sarili ko na humikbi at wala na akong pakialam kung nakakaawa akong tingnan.


"I'm sorry..." Sabi ko sa gitna ng paghikbi ko.


"Iyan na lang ba ang kaya mong sabihin, Gibrielle?"


Umiling ako. Hindi talaga matapos-tapos ang paghikbi ko. "Paniniwalaan mo ba ako kung sasabihin ko sayo ang lahat?"


"Putangina, Gibrielle! Gusto ko man hindi ka paniwalaan pero ilang taon akong umaasa sa ekplanasyon mo!"


Napapikit ako sa pagtaas ng boses niya. And for the second time, he cursed at me. Second time nga ba? Hindi ko na alam.


"Hindi ko gustong umalis-"


"Then why the fcking hell did you leave me?" Frustrated niyang tanong sa akin. Hindi ko pa rin siya matitigan ng diretso.


"I was scared..." Suminghot ako. "I got scared of losing you or anyone of you..."


"Did you not lose me when you leave?"


"Damon... Hindi ko ginustong umalis... Charles threatened me... Ayokong madamay ka o kahit sino sa inyo... Siya ang nasa likod ng pambubugbog kay Traz."


"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"


"Cause he threatened me!" I shouted. "He hurt Traz when we were in London, sinaktan din niya si Hunter nung ayaw kong sumunod sa kanya, you think kakayanin kong pati ikaw saktan niya? You think kakayanin kong saktan niya ang mommy mo o kahit sinong importante sa akin?" Nakaya ko nang tingnan siya ng diretso sa mga mata kaya tinuloy-tuloy ko na ang pagbuhos ng mga salita sa akin. "I got selfish, yes. Pero sinarili ko lahat dahil natatakot akong saktan niya kayo. Sinarili ko lahat dahil ayokong ako na naman ang maging dahilan kung may mangyaring masama sa inyo. Damon, all my life, alam mong sarili ko ang sinisisi ko sa lahat dahil ako naman talaga ang kasalanan. And that moment, ayokong umalis, ayokong iwan ka... Pero ano pang mapapala ko kung saktan ka ni Charles? Sa tingin mo mapapatawad ko ang sarili ko?"



I said those words na parang nililinis ko ang pangalan ko pero sa totoo lang hindi iyon ang intensyon ko. Gusto ko lang ilabas lahat ng kinikimkim ko. Gusto kong bawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Gusto kong malaman niya ang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya.


Hindi siya nagsalita o tumingin sa akin. He's staring at nowhere. Siguro iniisip niya na ang mga nangyari sa nakalipas na tatlong taon. Yes, I hurt him but I was hurt too. If he was in pain, I was in pain too. Naiwan siya. Ako ang nang-iwan kaya mas nasa akin ang burden. Hindi niya alam kung gaano ko tinangkang balikan siya o kontakin siya. Pero lahat ng iyon pinigilan ko dahil natatakot akong saktan siya ni Charles.


Nabuhay ako sa takot, oo. Pero hindi takot sa sarili ko kundi takot para sa kanya, para sa kanila. At ngayon hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinayaan ko ang sarili kong magpakita na sa kanila. Natatakot pa rin ako pero ngayong nandito na ako, might as well tell him all the truth. This may be our last conversation. This may be our last meet up. Hindi ko alam. Pero siya ang naunang nakahanap ng iba kaya palalayain ko na siya. Gusto ko na rin mag-move on at maging masaya. I want to be in peace atleast for myself and for my daughter.


"And no, Damon... I haven't moved on. Yes, Avee is my daughter. She is Hunter's daughter. Pero kahit hindi namin siya tunay na anak, bibigyan namin siya ng masayang pamilya. And for me to give her that, I also need to move on. I will let you go. Alam ko masaya ka na sa piling ni Marie... Hindi ba't nakaya mong umiyak sa balikat niya nung burol ng daddy mo? Kaya alam kong komportable ka sa kanya at hindi ako magsisising magpaparaya ako para sa kanya."


Tumayo na ako. Sumunod ang tingin niya sa akin kaya pinagmasdan ko siyang muli. My visions are blurred kaya pinunasan ko ang mga mata ko para makita ko siya ng klaro. We stared into each other.


It hurts to be just the first love. It hurts to know that there are no chances left for the both of us. Siguro kailangan ko na talagang tanggapin na wala na kami. Wala ng pag-asa sa aming dalawa. At masakit isipin na ang dating kami, ngayo'y wala na. Our relationship ended 3 years ago. Our relationship ended between Snow White and Prince Florian.


"I'm sorry for not being true to my words. I'm sorry for not protecting you. I'm sorry for leaving you. Please, understand me as you always do." Sinatinig ko ang sulat niya para sa akin. I memorized every words he wrote on that letter. At hindi ko akalain mababalik ko sa kanya iyon.


With the last teardrop he saw, I turned my back and left him there. Bumalik ako sa kwarto ni Zanea at naabutan silang nilalaro ang anak ko. Mula sa pagkakahiga ay mabilis na tumayo ang dalawa at iniwan si Avee sa kama. Nang sundan ko sila ng tingin, nakita kong sumunod pala si Damon sa akin. At nakakakilabot ang mga titig niya sa akin. Hindi niya pansin ang mga lumabas na sina Zanea at Van. Diretso lang ang tingin niya sa akin. But even if it's enchanting, I turned my look away. Nilapitan ko na ang anak ko at kinuha ang bag ko. Hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko nang marinig ko ang boses niya.


"Do you still love me?"


Hindi ko iyon inaasahan sa kanya. At hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya. Nagkunwari na lang ako na hindi ko iyon narinig sa kanya. Niligpit ko na ang mga gamit ko at inayos na ito para makaalis na ako. Hindi ko na kakayanin pang magtagal dito. I'll just tell Zanea to text me the details of her wedding at kung may practice man sabihan na lang niya ako ng gagawin ko baka hindi ko na attendan. Sa bridal shower naman hindi na ako sigurado kung makakapunta pa ako.


"Ma-ma-mam," Sabi ni Avee.


Pagkatapos kong ayusin ang bag ko, bumaling na ako kay Avee. Pero bago ko pa siya mahawakan, naramdaman ko na ang kamay ni Damon sa braso ko. Napalingon ako doon at kinimkim lahat ng nararamdaman ko.


"Do you still love me, Gibrielle?" Seryoso niyang tanong ulit.


Binalingan ko siya at tiningnan ng diretso. "Do you care?"


"Answer me," Malamig niyang sabi.


"Oo!" Diretso kong sagot sa kanya. "Pero wala ng magagawa 'yon dahil wala na tayo diba? Matagal na tayong wala. Nag-move on ka na. May iba ka na. Ako na lang ang kawawa." Pumiyok ang boses ko kaya binawi ko agad ang braso ko.


Mabilis kong sinoot ang bag ko at kinarga si Avee. Naabutan ko silang lahat sa sala at sabay sabay na tumingin sa akin. Napatigil ako sa kinatatayuan ko pero kinakabahan ako na sundan ulit ako ni Damon kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.


"Sorry but I have to go." Sabi ko.


Sinundan nila ako palabas ng bahay. "Hatid na kita, Gibrielle."


"No need. And please huwag niyo akong sundan." Gusto ko pa rin maging pribado kung saan kami nakatira.


"Gibrielle, I'm sorry..." Sabi ni Zanea.


"It's okay, Zan. Thank you for this day. Text mo na lang ako sa details ng kasal mo." Sabi ko at dire-diretso na sa paglabas.


"Gibrielle!" Tawag nila pero hindi na ako lumingon pa.


Iniwan ko na sila at nag-abang ng masasakyan. Tumutunog ang phone ko pero hindi ko pansin. Sumakay na ako sa sasakyan nang hindi nililingon ang pinanggalingan ko. I just hope walang sumunod sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

151K 8.5K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
118K 2.9K 52
What will you do if you end up in someone else body?
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
79.4K 1.3K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...