THE UNFORGIVEN LOVE (under re...

By Theblackwdow

8.7M 130K 4.1K

Si Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siya... More

THE UNFORGIVEN LOVE
Chapter 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23 (present times, next to 17)
CHAPTER 24
Chapter 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 56
CHAPTER 57
Chapter 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75

CHAPTER 15

117K 1.9K 38
By Theblackwdow

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...



Lumipas ang tatlong buwan. Naging maayos ang pagsasama namin ni Anna.

Mas lalo akong naging responsible sakin pamilya at ganun din si Anna na mas lalo pa akong minahal.

Habang tumatagal ay parang nakakalimutan na namin ang kanya kanya namin pinagdaanan. I thought hindi ko matatanggap na magkaron ng ibang pamilya sa ibang babae pero nagbago ang pag-aakala ko na iyon dahil sa labis na kasiyahan na ipadama sakin ni Anna lalo pa't nalalapit na ang panganganak nito.

She is now in her 5 months. Medyo malaki na an kanyang tyan dahil kambal ang dinadala ni Anna. Hindi ko maitago ang excitement sakin puso at kahit sa opisina ay pinagmamalaki ko na magkakaron ako ng kambal na anak.

Uuwi rin sila Papa pagkatapos ng business trip nila sa Spain at kahit ang aking mga magulang ay excited rin sa kanilang magiging apo.

Nakatingin ako ngayon samin Wedding Picture.  Casual lang pareho ang aming mga suot. Anna is wearing a white dress samantalang ako ay isang puting polo lang.

Pareho kaming nakangiti sa larawan. Ang ngiting parang walang iniindang sakit ng mg sandaling yaon.

Nadako ang mga mata ko sa ngiti ni Anna.

Napangiti rin ako ng di ko inaasahan sa mga oras na ito. How I love seeing that smile every morning I wake up.

At kahit samin pagtulog, hindi niya pinagdadamot ang ngiting iyon sakin. Bagay na mas lalo kong nagustuhan sa kanya.

Nawala na rin ang paglilihi ng aking asawa subalit nitong mga nakaraan buwan ay parati kong hinahanap hanap ang panakaw niyang pagpisil sakin tyan.

Ako na nga ang nag-iinsist na yakapin niya ako eh o di kaya ay kusa ko nalang siyang niyayakap.

I love her scent. Para niya akong dinadala sa isang lugar kong san maraming mga bulaklak at magagandang paro parong nagliliparan.

Ang kulay kape niyang mga mata ang siyang pumupukaw ng aking damdamin palagi.

At sa bawat paghaplos na ginagawa ko ay hindi ako nakakaramdam ng pagtutol galing sa kanya.

Minsan pa nga ay dumadating sa point na ako ang natutukso sa kanya.

Palaging may nangyayari samin tuwing gabi noong hindi pa ganun kalaki ang kanyang tyan. Kaya sobra sobra nalang ang pagpipigil na ginagawa ko ngayon.

Bakit ko nga ba siya hindi napansin noon? Nagkakilala kami ni Tricia sa isang event kong san pinapakita ang kanyang mga gawang painting.

Love at first sight nga siguro ang tawag don. Kasi simula ng gabing iyon ay hindi na siya nawala sakin isip. Nagpursige ako na makilala pa ang babaeng bumihag nang aking puso at dahilan ng pagregudon nito.

Ang babaeng pinangakuan ko ng pagbabago sakin sarili.

Isang taon na ang aming relasyon ng makilala ko si Anna. Mas nauna ko pa nakilala ang mga magulang ni Tricia kesa sa kapatid nito. Muntik ko pa ngang mapagkamalan kambal ang dalawa dahil halos buong feature nila sa mukha ay magkapareho.

Pero habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha. Nalaman ko na marami ang kanilang pagkakaiba.

Ang mga mata ni Anna ay ngumingiti kahit hindi Masaya. Samantalang ang kay tricia naman ay nagpapahayag ng katapangan nito sa buhay.

Iyon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya noon. Ang pagiging independent nito sa sarili. Kaya nitong makipagsabayan sa lahat ng malalaking tao at hindi nawawalan ng kompiyansa sa sarili.

Si Anna naman, kuntento na siya sa mga simpleng bagay na natatanggap at ginagawa. Oo may mga pangarap ito pero para sakin, hindi sapat para sa katulad niya ang mga pangarap na simple lang.

She deserve more than what she wants in her life.  Matalino ito pero may malawak na pag-uunawa. Maganda pero may mababang kalooban. Wala akong naririnig na kahit na anong pagpipintas nito sa ibang tao kahit nasa kanya na ang katangian ng mga baabeng kaiinggitan nang lahat.

Nasa kanyang pagkatao ang katangian ng isang babaeng kahuhumalingan ng mga lalaki. Hindi ko siya maintindihan kong bakit ako lang ang lalaking gusto niya, pero nitong mga huling araw, nalaman ko kung gano siya kahigpit magmahal.

Naintindihan ko ang klase ng pagmamahal niya para sakin, Ito ay puro at hindi naghahangad ng kapalit. Pag-ibig na handang maghintay at hindi nagbibilang ng mga naiibigay. Pag-ibig na hindi marunong mangatwiran at handang magpakababa para rito.

Kaya bakit ko pa pagsisihan na sa kanya ako napunta kong alam ko naman na wala itong ibang maibibigay kundi ang pagmamahal na iyon.

Maybe it's time for me to let go of the past and hold our future with her. Alam ko may nararamdaman na ako sa kanya at nais ko munang liwanagin ang nararamdaman ko sa kanya bago ko ito sabihin.

Ayaw kong isipin niya na naghahanap ako ng mas higit pa kay tricia o isipin niya na naghahanap ako ng pupuwang ng mga iniwan ng aking dating nobya.

Ayaw kong isipin niya na kaya ko siya minamahal ay dahil samin mga anak.

I care for her and I know for sure I do.

Gusto ko siyang katabi bago matulog. Nais  kong ihilig ang kanyang katawan sakin bisig. Ang maramdaman ang bawat paghinga nito sakin dibdib.

Nais ko siyang makasama araw araw, simula samin paggising gusto kong ako ang maging dahilan ng kanyang pagngiti. Ang mahaplos ang malambot nitong pisngi at paulanan ng matatamis na halik ang labi nito.

I want to fulfill the man of his dream. Gusto ko ako lang ang lalaking yun.

Siguro nga, it's time para maibalik ko ang pagmamahal na binibigay niya sakin. Panahon naman na siguro para ako naman ang magbigay sa kanya at magparamdam nito.

Ang pagmamahal na unti unting lumilimot ng una kong pag-ibig.

Ayaw kong mangumpara dahil naniniwala ako na bawat pangyayari na dumarating sa isang tao ay magkaiba. Hindi ito magkakapareho at hindi dapat ihalintulad.

Ang pakiramdam, ang pagtingin, ang pagbibigay, ang pagtanggap.

"Daddy." Napaangat ako ng tingin kay Anna. Lumapit ito sakin at inabot ko ang kanyang labi.

Nasanay na ako na iyon ang aking hinahagkan sa kanya. Gusto kong bawat minuto ay maramdaman niya ang aking damdamin para sa kanya.

"May naghahanap sayo sa baba."

Hinaplos nito ang aking braso.

"Sino daw?" wala naman akong inaasahan ngayon na bisita. Araw nang linggo at walang pasok sa opisina. Minabuti ko na mamahinga kasama ng aking kasama kesa ang lumabas pa.

"Hmmn, sabi nila wag ko daw sasabihin eh."

Maybe it's my parents.

"Sige, halika sabay na tayo bumaba." Inabot ko ang kanyang kamay at magkasabay kaming lumabas ng kwarto.

Lihim pa akong napamura ng makumpirma ko kung sino ang aking mga bisita.

"Pare I miss you!!" akmang yayakapin ako ni Rafael subalit nagtungo ang yakap nito kay Anna.

"Lumayo ka nga sa asawa ko." Hinila ko ang katawan nito.

"Oh pare I love you." Si Kelvin at nang magtungo ang yakap nito kay Anna ay agad kong tinulak si Rafael at silang dalawa ang nagyakapan.

"Bromance bro." sabay tawa nila Nilo at Anthon.

"Mga Gago, may pagnanasa ata kayo sa asawa ko eh."

"Dude may magagawa ba kami. Ang ganda ganda kaya ni Anna kahit malaki na ang tyan." Sabay wink ni Rafael kay Anna.

Napailing nalang ito at mahigpit ang hawak ko sa kanyang beywang.

"Kamusta kana?" Hirit ni Anthon. Aktong hahalik na ito sa pisngi ni Anna pero hinarang ko ang palad ko sa mukha ng aking asawa. Kala naman ng isang to ay makakascore siya.

"Utot mo Anthon wag kang tyansing dyan."

"Tsk." Pero nagawa pa nitong humalik ng panakaw.

"Gago ka talaga Anthon." Hinila ko si Anna at pinunasan ang parte ng pisngi nito kung san humalik ang gagong iyon,

"Wow possessive masyado sa asawa. Painom na yan." Sabay sabi ni Kelvin na sinamaan ko lang ng tingin.

"Mommy pagawa naman muna ng meryenda ang apat na itlog nato."

"Wow mommy ang tawag tol!!" hinampas ni Rafael sa braso si Anthon na sinamaan lang ng tingin.

"Sige punta lang ako sa kitchen."

"Lagyan mo ng lason mommy ng mabura na sa mundo ang pagmumukha ng mga ito."

"Sus sabihin mo inggit kalang dahil mas gwapo kami sayo." Bulalas ni nilo.

"Lumayaw nga kayo rito." Pagtataboy ko pa sa kanila,

"Eh sinabi nga namin na mas gwapo ka." Agad agad na nagsiupo ang mga ito sa couch at feel at home ang mga gago.

Sinamahan ko muna si Anna sa kusina para maghanda ng meryenda.

Bumalik rin ako agad at naabutan kong inaasar na naman nila Anthon si Rafael.

"Wooh, nakahanap ka rin ng katapat mo gago!!" sigaw ni Anthon.

"Ulol!! di ako papatalo sa babaeng yun, huh ako yata si Rafael the great."nilagay pa nito ang kamay sa dibdib.

"Ano na naman yan?" iglang kong singit sa kanila.

"Pfffttt." Nagpipigil ng tawa si Kelvin at tinalikuran ang naasar na si Rafael.

Napamura ito." Alam mo ba..pffffttttt.." halos hindi makapagsalita ng maayos ito dahil sa pagpipigil ng tawa.

"Hooy subukna mo na sabihin kay Cyrus yan, babalibagin talaga kita." Banta pa nito kay Kelvin.

"Alam mo ba pare." Si Anthon at sa kanya naman nabaling ang atensyon ko. Sinamaan siya ng tingin ni Rafael.

"Napisil nung pinupormahan nitong babae yung ano niya.. tapos.. pfffttttpptt."

"Hahahahaha!!!" si nilo naman ang unang tumawa at bahagya silang nagsilayuan kay Rafael dahil tila nagtatransform na naman ito sa pagiging hulk Hogan.

"Tapos sabi ng babae sa kanya, ang liit daw. Baka hindi daw siya masatisfied." Sabay sabay itong napahagalpak ng tawa at nagtakbuhan sa likod ko at ako ang hinarang kay Rafael,

Nagpipigil na rin ako ng tawa dahil sa unang pagkakataon nalaman ko na may babaeng ayaw rin kay Rafael. Karamihan kasi ng kilala kong babae ay may gusto rito. Wala naman ibang maibigay ang isang ito kasi ayaw ng commitment kundi sakit sa puso lang.

Kaya nakakapanibago na may babaeng umayaw sa kanya.

"Heto na ang pagkain." Singit ni Anna at agad na nagsidaluhan ang mga ito sa mesa.

Napailing nalang ako habang pinagmamasdan ang mga ito na pinagkakaguluhan ang pagkain hinanda ng aking asawa. Lumapit sakin si Anna at niyakap ko ito ng patalikod.

Ang mga mata namin ay nasa kanila na nagkakagulo sa harap ng mesa.

"Pasensya kana sa mga yan, ganyan talaga sila lalo na kong masarap ang pagkain." Nakita kong binatukan ni Rafael si Anthon dahil inagawan nito ng gusto niyang pagkain.

Umiiling nalang habang ngumingiti si Anna sakin.

Naramdaman ko ang kanyang kamay sakin pisngi at napapikit ako.

Posible nga bang maturuan mo ang iyong puso kung sino ang dapat mong mahalin?

Kasi ako, habang pinag-aaralan ko na kalimutan ang aking bigong pag-ibig kay tricia ay tumutubo naman ang aking pagmamahal para kay Anna.

Pinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat at hinalikan ito sa leeg. Nakiliti ito sakin ginawa.

"Hooy mamayang gabi na yan, dito ka muna tol!!" sigaw ni Rafael.

"Kausapin mo muna sila, aakyat lang ako sa taas." Sabi ni Anna. Mas lalong humigpit ang aking yakap sa kanya. Bagay na kahit ako ay hindi ko maipaliwanag sakin sarili.

Ang gusto ko lang ay nasa tabi ko siya. Ang kayakap siya.

Gusto kong maipadama sa kanya ang init ng aking damdamin sa paraan pagyakap.

Hanggang sa may mapagtanto akong isang katotohanan.

Ang babaeng ito, siya na ang dahilan ng pagtibok ng aking puso. Siya na ang dahilan ng aking paghinga at dahilan kung bakit ako nabubuhay.

Sa piling niya, nalaman ko kong pano maging isang mabuting tao hindi lamang para sa kin sarili maging sakin pamilya.

Mahal ko na nga ba talaga si Anna?

Dahil kong tuluyan na akong nahuhulog sa kanya ay lahat  gagawin ko para sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
2.2M 10.3K 12
An indecent proposal. A woman who needs him, his money. A man who needs her to satisfy his needs.
5.2M 74.9K 55
*Not Suitable for 13yrs old and below readers.* First love never fades. Yan ang lagi kong naririnig. Kasabihan na pinaniwalaan ng lahat at isa na ko...
7.5M 209K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...