THE UNFORGIVEN LOVE (under re...

By Theblackwdow

8.7M 130K 4.1K

Si Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siya... More

THE UNFORGIVEN LOVE
Chapter 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23 (present times, next to 17)
CHAPTER 24
Chapter 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 56
CHAPTER 57
Chapter 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75

CHAPTER 9

118K 1.9K 19
By Theblackwdow

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...



-Cyrus POV-

Nagising ako ng maamoy ko ang mabangong niluluto sa kusina ng Unit ko. Dahan dahan kong dinilat ang aking mga mata at ang lintek na sakit na ulo ang agad kong naramdaman.

Mariin akong pumikit at sinandal ang ulo sa headboard ng aking kama. Sandali akong napaisip.

Sa sala ako kagabi natutulog. Lasing ako dahil sa dami ng aking nainom. Nakasuot pa rin ako ng isang denim shorts at puting T-shirt.

Nadako muli ang aking mga mata sa nakaawang na pinto. Bigla akong napabalikwas ng maalala ko si Anna. Dali dali akong nagtungo sa labas at agad ko naman itong nakitang nakatalikod at nakasuot ng Apron.

Nag dahan dahan akong naglakad at sandaling sinipat ang aking sarili sa Glass door.

"Good morning." Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ang kanyang ngiti ang una kong nakita. May kong anong bahagi ng aking katawan ang tila bumilis ang pagtibok. Napalunok ako lalo pa't hindi naalis ang mga ngiti  niya para sakin.

Ang pulang labi na iyon. Hindi ko alam kong sinong lalaki na ba ang nakahalik kay Anna o kung meron maliban sakin. Yung natural na kulay ng mga mata nito na may malalim na tinatago. Ang perpektong tangos ng ilong nito.

Sabi nila, Magkahawig na magkahawig si tricia at ito. Kaya ko nga napagkamalan si tricia si Anna noon ng may mangyari samin. Kasi kuhang kuha nito ang bawat anggulo ng dati kong syota. Pero ngayon, kung oobserbahan mo ng maigi, malaki rin pala ang pagkakaiba ng dalawa.

Bukod sa maiksi ang buhok ni tricia at si Anna nama'y medyo mahaba at tumitingkad ang kulay nito. Ang bawat galaw at postura nila ay nagpapahayag ng kanilang pagkakaiba.

Si Tricia ang tipo ng babaeng aggressive pagdating sa isang bagay. She will not stop until she gets something that she wants.

Marami itong pangarap sa buhay at todo suporta ako rito na sa kahit na anong bagay.

Samantalang si Anna..

Sandali akong natigil.

Ano nga ba ang alam ko kay Anna?

Bukod sa magagandang bagay na sinasabi ni Anthon noon rito ay wala na siyang ibang alam. Ni hindi niya nga alam kong ano ang mga bagay na gusto nitong gawin eh.

Kasi kahit noon palang na magtatangka siyang kilalanin ito, pinipigilan na siya ni tricia sa di niya malamang dahilan.

"Pasensya kana hindi na kita ginising." Ani nito habang naglalapag ng mga kubyertos sa mesa. Hindi ko magawang paniwalaan na ang katulad niya ay may alam sa kusina.

Hindi ko naman hinuhusgahan si Anna na wala itong alam pagdating sa gawaing bahay. Ang alam ko, hindi nito kailangan gawin iyon dahil nabuhay ito sa isang marangya at kumpletong pamilya. Hindi nito alam kong ano ang salitang "Kahirapan" kasi hindi pa nito nararanasan.

Nadako ang aking tingin sa Fried rice. May mga nakalagay na dahon doon na hindi ko alam kong ano ano.

"Halika Cy, kumain na tayo." Nang matapos ito sa ginagawang pag-aayos. Dahan dahan akong lumapit habang ito ay abala sa pagkuha ng mga baso.

"Good morning din Anna. Hindi kana sana nagluto. Meron naman restaurant sa baba. Don nalang sana tayo kumain." Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya kahit nakatalikod ito. As if I was observing the most beautiful creature in the world. I don't want to miss anything about her.

Ngumuso si Anna. Bagay na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko and again, I was wondering what's the reason behind this abnormal feeling.

"Hindi na kailangan Cy. Sana'y naman ako na magluto eh. Tsaka mukhang masasayang lang ang mga stocks na pagkain sa fridge kung hindi pa ito lulutuin."

Nang kukunin nito ang lalagyan ng kanin ay naging maagap ako at sa puntong iyon, nagdikit na naman muli ang aming mga balat.

Ang kuryenteng bunga ng pagkakadikit ay unti unting kumakalat sakin katawan. Bagay na nagpailing sakin.

Bumitaw si Anna ng hawak at nagtama ang aming mga mata.

Ngayon ko napansin kong gano kaganda ang mga mata nito. Kasing kulay ito ng langit sa dapithapon. Puno ng kapayapaan at kasiyahan. Para niya akong dinadala sa isang lugar na puno ng mga magagandang halaman at bulaklak.

"Magtitimpla lang ako ng kape."

Kumunot ang aking noo. Is she blushing?

Namumula ang pisngi nito habang natatarantang nagtitimpla ng kape. Pinagmasdan ko na lamang si Anna hanggang sa matapos ito sa ginagawa.

"Sabayan muna ako." Ani ko ng nakatingin lang ito sa mesa. Bahagya itong tumango. Ako naman ang nag-abot ng pagkain sa kanya.

Katulad ng ginawa niya sakin kanina, pinagsisilbihan ko rin siya. Bagay na nagbibigay ng kakuntentuhan sakin damdamin.

"Ano palang gagawin mo ngayon araw?" pagbubukas ko muli ng usapan.

"Hindi ko alam, Siguro maglilinis at mag-aayos ng mga gamit ko." Ang mga mata nito ay nakatuon na sa pagkain.

Napatigil na naman ako. Pati pagnguya nito ay parang gusto kong panuorin.

"Wag na. " sabi ko, nag-angat ito ng tingin sakin. Kunot ang noo.

"Mamaya ko na sasabihin. Kumain muna tayo." Nagbalik ito sa pagkain subalit nakakunot pa rin ang mga noo.

Sandaling katahimikan ang namayani samin. Nakakarendi ang katahimikan iyon at gusto kong basagin ang malaking pader na humaharang sa pagitan namin dalawa.

I should talk to her katulad ng dati. At ease lang at walang ilangan.

"How was your sleep?" tanong ko habang ngumunguya. Sandali kong ninamnam ang lasa ng ulam na niluto ni Anna and I couldn't help but to admire her skills in the kitchen.

"Maayos naman. Medyo namamahay lang ako at hindi ko magawang makatulog na maayos." Sandali akong napaisip sa mga nangyari kagabi. Nawa'y hindi ako nito nakitang lugmok sa kalasingan.

"Pasensya kana, medyo maliit lang ang Unit ko."

"It's okay. Sa umpisa lang naman ito.. Ikaw nga ang inaalala ko eh, Inagawan pa kita ng higaan. Pwede ka naman tumabi sakin." Ako naman ang natigil sa kanyang sinabi.

I don't think it's a good idea na matulog akong katabi niya. I never slept with anyone, aside from Tricia at syempre sa kanya.

"Sigurado ka ba na okay lang sayo na magkatabi tayo matulog?" as if I was asking permission to go out and have party with my friends to my parents.

Nahihiyang tumango si Anna sakin.

"Okay then." Sabi ko nalang sabay higop ng kape. Napapikit na naman ako. Kahit sa simpleng  kape lang ay napakasarap ang pagtimplang ginawa ni Anna.

Tamang tama pampatanggal ng sakit ng ulo.

Nagpatuloy ang araw namin. Sandaling nawala ang pagkailang na nararamdaman naming sa isa't isa which is good. Tinulungan ko rin siya sa pag-aayos ng mga gamit at pagkatapos namin maggrocery ay pumunta kami sa Paranaque para ipakita ang surpresa ko sa kanya.

"San ba tayo pupunta?" tanong niya habang nagdadrive ako sa isang ekslusibong subdibisyon.

Gusto ko siyang dalhin sa bahay na pinapagawa ko para sana samin pamilya ni Tricia. Nakaplano na lahat ng mga kakailangan sana namin pagkatapos ng kasal. Mula sa bahay na titirahan hanggang sa bubuuin namin pamilya.

Everything happened according to our plan. Natapos ang bahay isang buwan pagkaalis ni tricia.

Ang dami kong pangarap sa bahay na iyon. I want to make our first child sa bahay na ito. Ganun rin sa mga susunod namin mga anak. I want to build more dreams on this house kasama siya.

Pero lahat ng iyon, salitang "Pangarap" na lang na katulad ng bula ay bigla nalang naglalaho.

Parte na lamang ang lahat ng pangarap na iba mismo ang bubuo para kay tricia.

"Malapit na tayo. It's a surprise. Sana magustuhan mo." Sabi ko sa babaeng katabi ko. Nakita ko ang tipid na ngiti ni Anna at inabot ko ang kanyang kamay at pinagsiklot ang aming mga daliri. Nanatili ang mga mata niya don.

Sandali pa'y hininto ko ang sasakyan sa tapat ng isang Mediterranean style na bahay.

"Kanino to?" nang pagbuksan ko siya ng pinto ng kotse. Ngumiti lamang ako sa kanya at nagpatuloy ako sa pagpasok sa bahay.

"Cyrus, baka pagalitan tayo." Hinabol ako ni Anna papasok ng bahay. Napangisi ako habang nililibot ng kanyang mga mata ang kabuuan ng kabahayan.

I saw amusement in her eyes.

"Ang ganda naman ng bahay na'to. Kilala mo ba ang may ari?" ako naman ang napangiti. Ang cute niyang tingnan habang amuse na amuse sa isang bagay. And I want to capture her precious face at this moment.

"Oo, actually they here." Nilingon niya ako na may kunot na noo.

"Talaga san? Tatanong ko kung sino ang architect ng bahay." Sinisilip pa nito ang pinto.

"We owned this Anna." Bumalik ang mga mata nito sakin na puno muli ng pagtataka.

"Huh?" sa di makapaniwala nitong reaksyon.

"Oo nga, I build this house bago ang engagement namin ni.." hindi ko naipagpatuloy ang pangalan sana'y sasabihin ko. I don't think it's appropriate para bigyan buhay ko pa ang isang alaalang hindi naman na mangyayari.

"I'm sorry I ruined everything about you and my sister." Nagbaba ito ng mga mata at tinutok sa sahig. Huminga ako ng malalim.

"Kung pweden ko lang sana ibalik ang mga nangyari? O magbago at least kahit na ano man don na hindi sisira ng ating mga buhay ginawa ko na."

Nagtama ang aming mga  mata ang I can see her eyes holding tears.

"Pero wala na Cy. Nagawa na natin ang mga bagay na pinagsisihan natin ngayon and the only thing that we can do are to accept this awful reality."

Nakita ko ang pagtulo ng luha nito.

"Wala akong sinisisi Anna sa mga nangyari maliban sakin sarili. Kahit ako, given a chance to undo things sa mga nangyari satin, I will do the same. Pero hindi na natin mababalik pa iyon." Hinawakan ko ang kanyang braso at tiningala ang mukha nito sakin.

"Cyrus I'm sorry.. hindi ko sinasadya na.."

"Sshhh." Nilagay ko ang aking daliri sa kanyang labi.

"Bigyan mo ako ng pagkakataon maging parte ka ng pangarap na to Anna. Handa akong maghintay at magbago para sa pamilya na'to." Hindi ko alam kong bakit iyon ang nasabi ko sa kanya. Ang alam ko lang ay tama na siguro ang lahat ng mga pagsisising ginawa namin,

Nangyari na ang mga di dapat mangyari.

Tumingala siya sakin at ang kulay tsokolate niyang mga mata ay mariin nakatitig sakin. Alam ko at nararamdaman ko, may malalim na damdamin si Anna para sakin. Pero ayaw ko siyang bigyan ng kahit na anong motibo para panghawakan ang damdamin iyon. I want her to find the love on her own. Nang walang kahati, nang walang magpaparamdamn sa kanya ng sakit.

Pero nabigla ako ng magsalita siya.

"I love you Cyrus." And then, naramdaman ko muli ang malambot niyang labi sakin.


Continue Reading

You'll Also Like

8.4M 163K 95
"Pinagsisihan ko ang mga panahong iniwan kita Jesica. Please give me another chance to set things right" Pagsusumamo ni Vincent. "You left me alone...
18.2K 601 39
Natapos na ang lahat ng kasiyahan. Tapos na ang bawat pag-iintindihan at ang pag-asang magiging maayos ang lahat. Sa pangalawang yugto ng buhay nina...
7.5M 209K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.6M 49.5K 72
Bryle & Zeria's Whirlwind Story **WILL EDIT THIS SOON**