A Prince Jerk Meets A Beautif...

Bởi mskyot

195K 4.2K 181

Stacy Villamore, She is very smart, kind, and always wearing a thick glasses and braces. In short, she's a ca... Xem Thêm

Warning
Plot
P r o l o g u e
~ one ♡ Weird ♡
~ two ♡ The Paired Brown Eyes ♡
~ three ♡ Englebert Pov ♡
~ four ♡ The New Classmates?? ♡
~ five ♡ Neighbors ♡
~ six ♡ Courting? ♡
~ seven ♡Heart Beat ♡
~ eight ♡ Second time around ♡
~ nine ♡ I've been waiting for you... ♡
~ ten ♡ The Kiss ♡
~ eleven ♡ Bad Shirley ♡
~ twelve ♡ Concern? ♡
~ thirteen ♡ Set-Up ♡
~ fourteen ♡ Kick-out?? ♡
~ fifteen ♡ Black Team ♡
~ sixteen ♡ The Girl I Want To Meet ♡
~ seventeen ♡ For The Win ♡
~ eighteen ♡ The Second kiss ♡
~ nineteen ♡ Savior ♡
~ twenty ♡ Smile ♡
~ twenty one ♡ The Reason ♡
~ twenty two ♡ jealous?? ♡
~ twenty three ♡ Wrong thought ♡
~ twenty four ♡ Archery Club ♡
~ twenty five ♡ The Game ♡
~ twenty six ♡ Night And Shining Armor, Red Clinton??? ♡
~ twenty seven ♡ Talk To My NASA (night and shinning armor) ♡
~ twenty eight ♡ Jealous Ice? ♡
~ twenty nine ♡ Can I Court You? ♡
~ Thirty ♡ I Love You.. ♡
~ Thirty one ♡ Unexpected ♡
~ thirty two ♡ Black Bat ♡
~ thirty three ♡ Hold My Hand And Never Let Go ♡
~ thirty four ♡ May gusto ka na ba sakin? - Ice ♡
~ thirty five ♡ Akala ko ba??? ♡
~ thirty six ♡ lose ♡
~ thirty seven ♡ Flashback part one ♡
~ thirty eight ♡ Flashback Part Two ♡
~ thirty nine ♡ Olats ♡
~ 40 ♡ I like you ♡
~ 41 ♡ She's gone ♡
~ 42 ♡ Double Pain ♡
~ 43 ♡ Pink Alert ♡
~ 44 ♡ Mistakes ♡
~ 45 ♡ It's True..♡
~ 46 ♡ The Return/ The Truth ♡
~ 47 ♡ Two Hearts Meets Again ♡
~ 48 ♡ Unexpected Date ♡
~ 49 ♡ Sweetness Overload ♡
~ 51 ♡ Fucking In Love With You ♡
~ 52 ♡ Plan A. ♡
~ 53 ♡ You Changed My Life ♡
~ 54 ♡ YES ♡
~ 55 ♡ Celebration ♡
~ 56 ♡ I Love You too ♡
~ 57♡ Baby ♡
~ 58 ♡ The Truth ♡
~ 59 ♡ Censored ♡
~ 60 ♡ Eavesdropping ♡
~ 61 ♡ Who Are You? ♡
~ 62 ♡ Wrong Question ♡
~ 63 ♡ Tears are falling ♡
~ 64 ♡ Waiting? ♡
~ 65 ♡ Jealous?? ♡
~ 66 ♡ The Hearts Remember ( ICE'S POV ) ♡
~ 67 ♡ Plan ♡
~ 68 ♡ Jealous level 101 ♡
~ 69 ♡ The Real Truth ♡
~ 70 ♡ Miss na Miss na kita! ♡
~ 71 ♡ Changes/Blessings ♡
~ 72 ♡ Longing For Her ♡
~ 73 💛 From This Moment 💛
STICE 💞
~ 74 💕 Pink Alert! 💕
~ 75 ❤ PRINCE JERK OF MY LIFE ❤
❤Epilogue❤
♡APJMABN♡

~ 50 ♡ Ganern ♡

2.1K 39 0
Bởi mskyot


//

~ Shirley

"Bumalik na naman pala sya! Nakakainis na talaga ang babaeng yun! Gusto mo ako ang kumalbo sa kanya???" -genesis

"Alam mo kasi, hindi ka naman dapat ganyan eh! Kung hindi lang nag exist yung babaeng yun! Dapat sa kanya mawala nalang----"

"Stop it. Ang ingay" saway ko kay genesis habang nagbubunganga sa harapan ko.

Nandito kami ngayon sa cafeteria habang nag
la-lunch.

"Tsk. Sinasabi ko lang yung totoo.. talaga naman kasi eh." Naka pout na sabi nya. Hays ang babaeng to. Naintindihan ko kung bakit sya ganyan. Pero ayoko na muna kasing pag usapan.

"Tama na gen. Ayoko na. Stop nako.." sabi ko habang umiinom ng juice.

"WHAT?! wtf! Anong stop? Stop kay Ice? Ganun nalang? Bibigay mo nalang sya sa iba? Titignan mo nalang sya habang masaya sa iba? Habang ikaw nasasaktan? Naririnig moba ang sinasabi mo??" Pasigaw na sabi nya sakin. Pero tinignan ko lang sya ng serysoso.

Hindi ako kumibo.

"Shirley. If you really love him, then fight for him!"

"Fight for him? Knowing that he's never fighting back for me? What for? For so much hurt? Can't you see? He's not mine anymore." Emotional na sabi ko sabay bitaw ng iniinom ko sa table. Bigla akong nanghina. Hindi ko matanggap na ganito ang mangyayari. Wala sa isip ko na magmamahal pa pala ng iba si Ice. Buong akala ko, simula nuon at hanggang ngayon.. ako lang ang mamahalin nya. Nagbabago din pala ang lahat.. nagbabago din pala ang tinitibok ng puso ng isang tao..

"She.. I'm sorry.. i didn't mean to.." biglang sabi ni gen sabay punas ng luha ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"I'm okay.." sagot ko.

"Ahhmm.. she,," sabi ni gen kaya napatingin ako sa kanya at sa tinitignan nya.

Sa di kalayuan, nakaupo si Ice at stacy habang sabay na nag la-lunch..

Nakatingin lang ako sa mga mata ni Ice. In love sya. Sobrang in love sya ngayon at ganyan ang mga tingin nya sakin nuong kami pa. Ganyan din sya ngumiti. Ganyan din sya kasaya. Ako dapat yan..

Masaya sana kami hanggang ngayon, kung hindi lang dahil sa sakit ko. Kung hindi lang ako umalis. Sana... kami pa ngayon.. ako sana ang babaeng katabi nya ngayon..

Unti unting sumariwa ang isa sa mga masasayang sandali na magkasama pa kami ni Ice.

*

"Happy Anniversary babe.. Iloveyou.." mahinang sabi nya pagkatapos nyang tanggalin ang piring ko sa mata na ginawa nya.

Medyo malabo pa ang paningin pagkatanggal ng panyo na nilagay nya sakin pero nakikita ko na ang sobrang gandang ginawa nya. Dinala nya ako sa isang resort at sa tabing dagat, mayroong isang malaking hugis puso na gawa sa mga red roses habang may mga magagandang kandila na nakasindi sa paligid at may nakasulat sa gitna ng puso..

'I love you babe'

Napatakip ako ng bibig at halos tumulo ang luha ko sa sobrang halo halong emosyong nararamdaman ko. Tuwa, kilig, lahat.

Isa isa kong tinignan ang napaka romantik na ginawa hinda nya para sa anniversary namin. May mga red balloons, may mga magagandang christmas lights at sa gilid ng hugis puso ay may isang napaka gandang arrange table for two. May magandang kandila sa gitna, halatang masasarap na pagkain habang may tatlong musicians na tumutugtog.

So romantic.

Inilahad nya ang kamay nya sakin tanda na gusto nyang makipagsayaw sakin.

Walang pagdadalawang isip kong tinanggap ang kamay nya. Hinalikan nya ako sa noo at dahan dahan kaming nagsayaw sa saliw ng magandang tugtugin na sumasabay sa mahihinang hampas ng alon ng dagat at sa liwanag ng buwan.

Sa mga oras na to ay wala nakong mahihiling pa kundi ang makasama sya hanggang sa pagtanda namin.

Ang gumaling sa sakit ko. Yes. Nung isang linggo ko pa nalaman na may sakit ako at ang katotohanang yun ang pilit kong nilalabanan. Pero sa kabila nun, tinanggap ko. Para kay Ice. Sya ang dahilan kaya ako lalaban. Pero bago yun, kailangan kong magsakripisyo para saming dalawa. Three-days from now nakatakda ang pag alis ko. At kung kailan ako babalik, hindi ko alam. Walang nakakaalam. Pero isa lang ang ipinangako ko sa sarili ko. Na babalik ako. Babalik ako para sa lalaking mahal ko.

Para sa kanya lalaban ako. Aalis ako na walang nakakaalam ng tunay na dahilan kundi ang pamilya ko lang at nangako silang hindi nila ito sasabihin kay Ice. Ayoko. Ayokong malaman nya. Ayokong masaktan sya at mag alala sya sakin. Ayokong masaksihan nya ang unti unting paglagas ng mga buhok ko. Ayokong makita nya ang unti unting pagpanget ko. Natatakot akong iwan nya ako at ikahiya nya kaya kailangan kong ilihim sa kanya lahat.

Sobrang sakit ngayon ng nararamdaman ko. Hindi ko alam na aabot ang lahat sa ganito. Bakit ako nagkaron ng ganitong sakit? Gagaling paba ako? Makakabalik paba ako? Yan ang gabi gabing tanong sa isip ko.

Pero ngayon. Kailangan kong sulitin ang mga araw na makakasama ko sya. Na maging masaya kami para magkaron pa ako ng mga magagandang alaala na babaunin ko pag alis ko para magkaron pako ng lakas ng loob na lumaban.

"Iloveyou.. your the only one i need" he said all of a sudden while we're dancing under the moonlight.

Maya maya ay tumigil kami sa pagsasayaw at tumanaw sa kabuuan ng malawak na dagat.

"Talaga? Ako lang at wala ng iba?" Tanong ko habang nakayakap sya sakin habang nakatalikod ako sa kanya.

"Uhmm.. I promise.. now and forever" pagkasabi nya nun ay lihim na pumatak ang mga luha ko ng walang pahintulot. Ang sakit sa dibdib.

Ang tanging nasa isip ko lang ay 'Lord..Please Help me.. Heal me' at ang mga katagang palagi kong binibitawan sa isip ko sa twing titingin ako sa mga mata nya.

'Im sorry..'

*

Naputol ang mga iniisip ko ng biglang may yumakap sa akin.

Hindi ko man makita kung sino sya, pero alam kong si besty sya kaya kusa nakong nag iiyak habang nakakulong sa dibdib nya. Wala nakong pakealam pa kung nadudumihan ko na ang damit nya at kung nasaan pa kami. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa twing maaalala ko ang mga araw na pinagsamahan namin ni Ice nung kami pa, nung hindi ko pa sya iniiwan.

"She.. please don't cry na.. nasasaktan din kami pag ganyan ka" rinig kong sabi ni gen at naramdaman ko nalang na inaakay na nila ako palayo sa taong minahal ko at dahilan kung bakit ako nasasaktan sa mga oras nato.



. . . . . .

~ Lyca

From dude:

Dude.. I'm sorry. Di ako makakasabay mag lunch. Papunta na dyan si maimai.. see you later..

Wow. Just wow! Grabe naman talaga! At saan naman kaya sya pupunta? Sinong kasabay nya aber???

Tsk. Ang babaeng yun talaga!

Kinuha ko na ang bag ko at aalis na sana ng bigla akong mapaatras ng isang hakbang.

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Shit. Ang saya ko na sana kasi hindi ko sya nakita sa first day ng pagbabalik ko dito pero nagulat ako ng makita sya ngayon habang nakatayo sa pintuan ng classroom.

Seryoso sya.

Wow. Ngayon ko lang yata sya nakitang ganyan.

Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang at kaba sa mga oras nato pero hindi ko ipapahalata.

Tumingin ako sa paligid. tatlo nalang pala kaming studyanteng natira ngayon dito sa loob dahil lunch time.

Ng makita kong lalabas na ang dalawang classmates ko ay dali dali akong naglakad para makasabay sa kanila.

Pero kahit na anong gawin ko. Wala talaga akong takas.

Pagtapat namin sa kanya, bigla nyang hinawakan ang braso ko. Mahigit.

"Ano ba!" Sabi ko at inaalis ang pagkakahawak nya pero malakas sya. Hindi ako nagtagumpay.

Hindi sya nagsalita. Hinila nya lang ako.

"Bitawan mo nga ako ano ba!!!----" kahit na anong sigaw ko, palag ko, hindi nya ako binibitawan. Hindi nya ako pinapakinggan. Tuloy lang sya sa pag hila sakin. Pagtingin ko sa kanya, serysoso pa din sya.

Ano bang problema nya??? Is he crazy?!

_

Marahas nya akong binitawan sa couch pagpasok namin sa tambayan nila.

Lalo akong natakot ng makita kong walang tao. Ano bang problema nya?!

"Bat mo ba ako dinala dito? Ano bang problema m---"

"SHUT the fuck! Tignan mo!!!" Sigaw nya sabay pakita sakin ng laptop. Akala ko kung ano lang..

Pero..

Bigla akong nanghina at napalingon sa bandang taas kung saan may cctv pala.

Shit.

"Ano? Itatanggi mo pa? Na nagkasama tayo nung gabing yon bago ka mawala? Na may pinainom ka sakin kaya wala akong maalala nung gabing yun???!" Sigaw nya.

Napahigpit ang hawak ko sa unan na nasa couch. Pigil hininga ang nangyari sakin. Hindi ako makasagot.

Ilang beses kong tinanggi sa kanya yun through messages when i was in korea weeks ago. No choice ako dahil halos lahat ng accounts ko, at numbers ko ay hindi nya tinantanan. Walang araw na hindi sya tumatawag, nagtetext at kung ano ano pa.

Hanggang sa mapikon nako at sagutin ang mga tanong nya ng isang kasinungalingan not knowing na may ganito pala syang hawak.

No it can't be!

"WHAT??! sumagot ka! Magkasama tayo diba? May nangyari nung gabing yun diba?" Seryosong tanong nya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Lyca isip ka paraan...

"Damn it answer me! Or else---"

"Magkasama tayo OO! Pero walang nangyari! Ano bang sinasabi mo??!" Sabi ko. Tumayo nako..

"WHAT?" Hindi makapaniwalang tanong nya sabay hakbang palapit sakin.

"Yon ang totoo" madiing sagot ko.

"Talaga?? Then let's find out" nakangising sabi nya habang unti unting lumalapit sakin.

Natatakot ako. Ano bang iniisip nya??

Paatras ako ng paatras hanggang sa wala na pala akong aatrasan.

"Walang nangyari? Pero pilit may lumalabas sa isip ko? Ano yun? Imagination? Isang babaeng napakaganda, sa isang madilim na kotse?" He said smirking.

Wtf. May naaalala sya? Hindi. Hindi pwede. May pinainom ako sa kanya nung gabing yun para pag gising nya, wala syang maalala kahit isang pangyayari kundi yung kalasingan lang nya.

"Stop right there. Or else..."

"Or else what?" Sabi nya paglapit nya sakin. As in malapit na malapit na sya. Amoy na amoy ko na naman ang pabango nya.

Hindi nako makapagsalita. Natatakot talaga ako.

Akala ko kung anong gagawin nya,.. pero biglang nag click ang lock ng pintuan. Ni lock nya ang pinto. Lalo akong kinabahan. Juicecolored ano bang...

T______T

"You want me to prove it?" Bulong nya sa punong tenga ko na mas lalong nag pataas ng mga balahibo ko.

Naramdaman ko nalang na ang lapit lapit na ng mukha nya sakin.

Nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong hinalikan. Marahas. Pumapalag ako pero hindi ko sya kaya. Hawak nya ang dalawang pisngi ko.

"Uhmmmmm!!!" Tanging lumalabas nalang sa bibig ko dahil hindi ako makapag salita.

Hindi ko alam pero bigla nalang akong napaiyak. Kusa nalang tumulo ang mga luha ko. Nang mapansin nyang may luha sa mga pisngi ko ay dahan dahan syang bumitaw at parang natarantang pinunasan ang mga luha ko..

"SHIT. I'm sorry! Shh.... stop crying...shhh.. stop.. I'm so sorry" may pag aalalang sabi nya habang pinupunasan ang mga luha ko. Pero hindi ko alam kung bakit lalo lang akong naiyak sa ginawa nya.

"Hindi ko sinasadya.." bulong nya pagkayakap nya sakin.

Nang mahi-masmasan ako ay kumawala ako sa kanya at umalis palabas ng tambayan nila. Buti nalang at hindi nya nako pinigilan.

Lakad takbo ang ginawa ko.. hanggang sa

makalayo sa kanya.

. . . . . .

~ Jorge

"Fuck!!!"

Nasuntok ko ang pader sa galit ko sa sarili ko. Nagpadalos dalos na naman ako. Shit!

The moment i heard she's back, i can't help myself but see her. I skip classes, lately hindi ako masyadong pumapasok dahil sa kanya. Namimiss ko sya, gusto ko syang makita kaya walang pagdadalawang isip akong tumakbo papunta sa kanya.

Tapos ngayon, sa sobrang gago ko! Nakagawa na naman ako ng isang katangahan. Pinaiyak ko na naman sya.

Napahilamos ako ng mukha.

Bwisit!!!

. . . . . . . .

~ Stacy

"Class dismiss"

Pagkasabi palang nyan ni teacher, hinawakan nalang bigla ni monster ang kamay ko sabay tayo. Wala nakong nagawa kundi sumunod. Nangunguna pa kaming lumabas sa iba. Sumenyas nalang ako kay maimai. Alam kong nagets naman nya agad.

Habang naglalakad kami ay pinag titinginan kami ng lahat ng studyante. Grabe lang. Sino ba naman ang hindi mapapatingin? Si monster habang nakangiti at hawak hawak ang kamay ko? Well.. kapansin pansin nga.

"A-ahh ano k-kasi eh.. saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Lunch together" he said sabay wink. Damn. Ayan na naman sya. Yung simpleng ganun lang nya pamatay na!

Ohmaygad. T____T

"P--pero ano kasi eh--"

"No buts." Sabi nya sabay ngiti.

Haaay.. monster ba talaga tong kasama ko oh angel? He's so cute kapag ganyan sya. Sya ba talaga to? At bakit ako pumapayag? Ano naba kami? Anong tawag sa ganito? Mag boyfriend/girlfriend naba kami? Pero wala pa namang commitment eh.. hays. Bahala na. Basta masaya naman ako. At mas nakikilala ko ang isang side ni monster... he's kind of sweet and gentleman. Opposite ng pagkakakilala ko sa kanya nuon..

"Wait..." sabi nya sabay hinto namin. Nakatingin na naman sya sa suot ko.

"Hm?" -ako

"Ayoko ng suot mo. Next time wag ganyan.." Seryosong sabi nya.

I just pout my lips sabay irap sa kanya.

"And don't pout like that or I'll kiss you" sabi pa nya.

"Bakit naman? Maganda naman tong damit ko ah!" Pang iiba ko sa usapan.

"I don't care. For me it's not" sabi nya at binilisan nyang maglakad. Pero dahil hawak nya ang kamay ko, binilisan ko na din ang lakad ko.

"Pshh..monster.." sabi ko sabay pout habang nakatalikod sya.

"Naririnig kita" sabi nya..

napangiti nalang ako...

^_____^

_

Pagpasok palang namin sa cafeteria, hanggang sa ipaghila ako ng upuan ni monster, samin na lahat ng atensyon. Hiyang hiya nako sa mga oras nato. Pero pag tinitignan ako ni monster, nawawala lahat ng kaba at alinlangan ko.

"Don't mind them. Just eat with me" sabi nya pagkalapag ng mga pagkain sa lamesa.

Nagulat naman ako sa inorder nyang lunch ko. Bukod sa carbonara pag nag da-diet ako, sweet and sour balls and rice ang kinakain ko at favorite ko kaya pano nya nalaman na....

"I just know" nakangiting sabi nya ng mapansin na nagtataka ako sa pagkain na nasa harap ko. Grabe hindi pa talaga ako sanay na ganyan sya.. T___T

Umupo na sya sa harap ko.

Puros masasarap ang inorder nya. Ang dami.. Balak nya ba akong bitayin?

"Eat all you want" sabi nya sabay inom ng juice. Grabe. Ang sarap naman mag lunch tapos ganito ka gwapo pa ang kasabay ko? Enebeyen..

"Nakakahiya naman sayo.. pero salamat ha?" Nakangiting sabi ko naman. He just smiled back.

Ang cute!!! Yung dimples eh! T____T

Kahit kumakain sya ang gwapo nya pa din!

Hanuba... ang landi ko na..

Stacy! Kalma!!!

Susubo na sana ako ng mapansin kong...

OMG!!! Ang cute nilang tignan!

The best couple! Sila naba???!

Oo siguro nga! Eh tignan mo naman! Sweetness overload! Makangiti si prince Ian wagas!

Kaya ba nagbalik ang babaeng yan?

Oo yun ang usap usapan! May nakakita pa nga sa kanila kahapon!

Woow.. how lucky she is!!!

Huhuhu! Sana ako nalang yung girl!!!..

Kainis! May girlfriend na naman si papa ian!!!

Ang gwapo talaga ni prince carl!!!




Grabe ahh.. makakakain ba ako sa lagay nato? Ang dami kasing nakatingin samin. Feeling ko parang matutunaw ako sa mga tingin nila.

Napansin nya sigurong naiilang nako sa paligid namin..

"Tsk." Sabi nya sabay tingin sa mga nakatingin samin. Pati na din sa mga nagbubulungan kanina. Isang cold na tingin. Sino ba ang hindi matatakot? Isa isang naglayuan at nag iba ng tingin ang mga students.

Pagtingin nya sakin,

O______O

Ngumiti na naman sya!

Enebeyen kese... kenene kepe.. <3

Feeling ko, maiihi nako sa panty nito. Kanina pa kasi ako pinapakilig ni monster. ^___^

Ang sarap sa feeling. Alam mo yung para akong nakalutang sa ulap?

Ganern. <3

OUR BEAUTIFUL STACY.. 😍




***

ITUTULOY...

😍😍😍

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

202K 8.6K 30
he was an autistic man who was in love with his precious flower. [interracial] © BookOfBandz 2017 started : (june 9th, 2017) finished : (june 20th...
11K 2.9K 46
UNDER REVISION COMPLETED R18||Matured Contents|| Tamara Mariano is an orphan child but one day a newly married couple adopted her since they have no...
452K 11.2K 29
[Completed] A town which you didn't know. You ran away from your parents, traveled to different towns all on your own. Town by town, so many nice peo...
69.8K 1.5K 56
Mafia series Dwayne Keifer Alvarez was know for being a cold hearted and ruthless mafia in the underground society. However, that side of him vanishe...