//
~ Jorge
Naguguluhan ako.
Alam ko. Sigurado ako. May nangyari nung gabing yun. Kahit lasing na lasing ako alam kong hindi panaginip yun.
Malinaw na malinaw pa din sakin hanggang ngayon,..
Napakaganda nya.
Sobrang ganda.
Kahit na wala akong masyadong maalala, alam ko..
Totoong totoo yun. Kahit ilang beses kong isipin... alam ko talagang totoo yun.
Nung gabing yun, ang malinaw lang sakin, nag inom ako at nagpakalunod sa alak habang nakikipag flirt sa mga seksing babae. Pero alam ko nung gabi na yun..
nakita ko din sya dun...
Kahit saan ako lumingon, nakikita ko ang mukha nya...
"Hey bro! Hinahanap ka nung chicks mo dun sa labas" Napalingon ako kay macky na bagong dating lang.
May bigla tuloy pumasok sa isip ko...
Nung gabing yun? Paano nangyari na nagising nalang ako dito sa tambayan?
Sino ang nagdala sakin dito??? Isang malaking palaisipan sa isip ko..
O_______O
Napatayo ako.
Bakit nga ba ilang araw nakong isip ng isip, hindi ko man lang naisip na icheck ang cctv dito? Damn.
Nilagay ko ang date nung gabing yun.
Tutok na tutok ako sa monitor.
"Bro! Bakit? Anong tinitignan mo dyan? Chineck ko na yan! Nag inom ka lang magdamag pag gising mo" rinig kong sabi ni macky pero hindi ko sya tinitignan. Sa screen lang ako nakatingin.
"Oh? Yun lang? Tapos ano pang nangyari" tanong ko ng hindi pa din nakatingin sa kanya.
"Ha? Bro okay ka lang?? hindi mo alam?" Takang tanong ng gago. Tsk.
"Oo nga ano nga nangyari??? Sino ang naghatid sakin-----"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.
Parang kusa nalang napako ang mga mata ko sa monitor.
The moment i saw her..
Parang kusa nalang bumilis ang tibok ng puso ko.
It's really her..
"Bro ano bang tinitignan mo dya-----"
"Wait! It's her! Si lyca yan ah? Sya pala ang naghatid sayo dito?? Ibig sabihin,.. magkasama na kayo bago ka mapunta dito??" -macky
So it's true.
Totoo ngang magkasama kami bago ako mapunta dito nung gabing yun.. Hindi panaginip, kundi totoo..
"Bakit hindi mo nakitang may nag hatid sakin dito? Tinignan mo na pala eh" singhal ko kay macky.
"Baliw kana ba bro? Ano ako? Isa sa mga chicks mo na stalker mo? Hindi ako praning para panoorin ang buong magdamag mo! Syempre pinorward kona! Ang nakita ko nalang yung pag gising mo, humawak ka sa ulo mo kasi masakit, tapos kumuha ka ulit ng mga alak sa refrigerator at nag inom nalang ulit magdamag. Malay ko ba kung anong trip mo bro?!" Balik singhal naman ng gago.
Tsk. Daming sinabi.
--__-
"Tsss" napailing nalang ako.
"Ewan ko sayo bro. Kung mahal mo na kasi, sundan mona! Malapit lang naman ang korea!" Natatawang sabi pa ng gago habang pabalik sa mahiwagang laptop nya para magbasa nanaman ng manga... Tsk. Loko loko talaga..
Pero napatigil ako sandali.
Pagkatapos nya akong ihiga sa couch, hindi pa sya umaalis sa pwesto nya..
Nakatayo lang sya habang nakatingin sakin.
Mga isang minuto..
Pero..
Ano to?? Umiiyak ba sya???
Pero bakit???
Tsk. I hate when i see her crying.
Tumalikod na sya pagkatapos. Pero bago sya tuluyang umalis, isang sulyap ulit ang ginawa nya.
Damn..
Ayokong mag isip ng ganito ngayon pero... para saan yung mga pagtitig nya? Yung luha nya? Tsk.
Sa mga oras nato.. isa lang ang gusto ko. Gusto ko syang makita..
At makausap..
Marami din akong gustong itanong..
And I'm fucking missing her..
. . . . . . .
~ Engebert
I miss stacy. Hanggang ngayon hindi pa din sya nagpaparamdam kahit na isang text man lang. Ang dami ko ng misscalls, emails, at messages sa kanya pero wala pa din feedback.
Kamusta na kaya sya? Ano na kayang ginagawa nya ngayon?
"Besty!" Masiglang bati ni shirley pagkakita nya sakin.
"Hey! Hey! Watch your-----" hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko.
"Ahhhhhhhhy!" Buti nalang naging maagap ako kung hindi, nasa lapag na sya ngayon. Mali ang tapak nya sa sa pangalawang baitang ng stairs dahil hindi sya natingin. Buti nalang nasalo ko sya.
"Be careful" i said to her. Ngumiti lang sya.
"Okay lang. Thanks besty.. buti nalang... nandyan ka sa tabi ko. Kung hindi... hindi ko siguro alam ang gagawin ko." Malungkot na sabi nya pag-upo namin sa couch.
"Tsk. Wag kang magsalita ng ganyan. Wala lang to. It's a part of our friendship" sabi ko. This time... Walang halong bitterness ang pagbanggit ko ng friendship.. I don't know why. Maybe because i already moved on with her..
"Oh? Bakit ka nakatingin sakin ng ganyan?" Tanong ko sa kanya. Pano kasi ang tagal nyang nakatingin sakin.
"Uhmm wala.." Nagtatampong sabi nya.
"Anong gusto mo? Juice?? Cake? Or what?" She asked.
"Uhm. Nah. I'm okay. Chineck lang kita." Sabi ko sa kanya. Papasok na dapat ako sa school kaso naisip kong dumaan muna sa kanya since kakalabas lang nya ng hospital kahapon.
Dahil sa puyat at hindi pagkain ng madalas ang naging dahilan ng pagkahilo nya kaya bumagsak sya nung isang araw. Ang buong akala nga namin bumabalik ang sakit nya pero mabuti naman at hindi naman daw ganun ang nangyari.
"Are you sure? I'm okay now.. don't worry about me" nakangiting sabi nya sakin. This time, medyo maaliwalas na ang mukha nya hindi katulad nung mga nakaraang araw.
"Yes. Good. Wag mo nakong tatakutin ulit okay?" Sabi ko sa kanya.
"Uhmm.." Maikling sagot nya. Nakangiti sya pero halatang malungkot pa din ang mga mata nya. Hindi pa din nya siguro tanggap ang katotohanang hindi na sya ang laman ng puso ni Ice.
That bastard. Tsk.
"Okay. Pahinga kana.. papasok nako" i said to her while smiling habang ginugulo ang buhok nya.
"Aye aye captain!" Biro nya pa sabay saludo.
Tumayo nako.
"Wag mo nakong ihatid. May sasabihin pako kay tita" sabi ko sa kanya pag tayo nya. Alam ko na ang gagawin nyan. Gusto nya na lagi akong hinahatid sa labas.
"Okay" malungkot na sabi nya.
Naglakad nako palabas ng bahay nila hanggang garden dahil nandun si tita, ang mama ni shirley.
_
"Ano kaba naman carl..Simpleng pakiusap ko lang naman sayo kahit ngayon lang! Alang alang sa anak ko, sa pangalawang buhay nya na ipinaglaban nya para sayo!"
"Naiintindihan kita iho.. pero sana.. maintindihan mo din ako bilang isang magulang sa anak ko"
Yun na ang huling sinabi nya sa kausap nya bago nya tapusin ang tawag sa cellphone nya.
Hindi sinasadyang marinig ko ang mga sinabi nya pero alam ko na agad kung sino ang kausap nya.
Napailing nalang ako at lumapit nako sa kanya.
"Tita.." sabi ko para makuha ang atensyon nya.
"Uhm ay.. iho ikaw pala yan. Ano? Nakausap mo na ba sya? Ang bilis naman aalis kana ba?" Sabi nya paglapit ko.
"Yes tita. May practice kami ngayon.. i just check her and i find she's okay now.." nakangiting sabi ko kay tita.
"Thanks iho.." she said smiling too..
"No its okay tita. She's my bestfriend.." sabi ko.
Ngumiti lang sya.
"Alis napo ako." Sabi ko sabay talikod at aalis na sana ng bigla nya akong tinawag.
"Iho.."
Napalingon ako sa kanya. Serysoso ang mukha nya.
"Yes tita" -ako
"May niligawan ka na daw?" Nagulat ako sa biglang tanong nya.
Hindi ko ine-expect na yun ang itatanong nya.
"Uhmm.. yes tita why?" Tanong ko sa kanya.
"Where is she? Kayo naba? Sinagot kana ba nya????" Tanong nya ulit.
"W-why all of a----"- ako
"I just want to ask. Ikaw nalang ang meron ang anak ko ngayon. Si carl, nawala na sa kanya. Ayokong pati ikaw, ang atensyon at pagmamahal mo sa anak ko mawala din. Iho.. loved her. Don't leave her behind. She needs you right now. Kapag nawala kapa sa kanya, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ina nya ako pero hindi ako ang kailangan nya. Kailangan nya ang mga taong magpapasaya sa kanya. I want you yo protect her." Emotional na sabi nya..
Hindi ako nakapagsalita.
Alam ko ang pinupunto nya.
Pero ang hindi ko lang matanggap,...
Tsk.
I have my own life. I need to be fucking happy too..
Umayos ako ng tayo at serysosong tumingin sa kanya.
"I can protect her.. but i can not promise to make her happy" sabi ko at at kusa nalang naglakad ang mga paa ko palayo sa kanya, sa bahay nila...
. . . . . . . . .
~ Shirley
I can protect her.. but i can not promise to make her happy..
I can protect her.. but i can not promise to make her happy..
Paulit-ulit nag e-echo sa utak ko ang sinabi nya.
Oo narinig ko lahat. Pero anong ibig nyang sabihin dun?
He can protect me? That's all? But he can't promise to make me happy? Why?
At bakit parang hindi ko yata nagustuhan ang sagot nyang yun. Bakit pagkarinig ko nun parang may biglang kumurot sa puso ko??
Lalo na yung kanina..
'It's a part of our friendship'
No. Natural lang naman yun ang sabihin nya diba? Yun naman ang usual na sinasabi nya kaya anong inaarte ko? Tama naman sya eh.. we're bestfriends..
Si Ice. Sya ang hindi ko bestfriends kaya wala syang karapatan na sabihin nyang maging magkaibigan nalang kami. Sobrang sakit na ng ginagawa nya sakin.
At tama si mommy..
Si besty nalang ang meron ako ngayon. At kung mawala pa sya sakin,
Hindi ko na alam pa ang gagawin ko..
. . . . . .
*
Itutuloy...
Para kay shirley at sa mother nya, napaka selfish nila pareho!😭 Mag ina nga sila!
Miss nyo naba sila stacy? Kamusta na kaya sila? Babalik paba sila?
Abangan..
Next chapter.. The Return